Kompan Answer Key Ut 2.2
Kompan Answer Key Ut 2.2
Kompan Answer Key Ut 2.2
Minglanilla, Cebu
Ikalawang Markahan
Unang Lagumang Pagsusulit
Grade 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Taong Panunuran: 2023-2024
Pangalan: _________________________________________ Seksyon: ____________________ Puntos:
_____________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang dalawang sitwasyon sa ibaba. Sagutin ang mga hinihingi sa
ibaba.
SITWASYON 1
Pilipinas, kinastigo sa UN dahil sa EJK, bitay
ABS-CBN News
Pinuna ng maraming miyembro ng United Nations ang Pilipinas ukol sa extrajudicial killings, ang
pagsusulong ng pagbabalik ng parusang kamatayan, at ang pagpapababa ng edad para maipaako sa tao
ang isang krimen.
Mabilis na siniguro ng mga kinatawan ng gobyerno ng Pilipinas na ginagawa ng bansa ang lahat para
resolbahin ang problema ng pagpatay at iba pang krimen sa bansa.
Sinabayan ng protesta sa harap ng United Nations sa Geneva, Switzerland ang sesyon ng UN Human
Rights Council para busisiin ang tumataas na insidente ng patayan sa Pilipinas.
Habang may nangangalampag sa labas ng gusali, humarap naman sa konseho para sa Universal
Periodic Review ang delegasyon ng Pilipinas sa pangunguna nina Sen. Alan Peter Cayetano at Deputy
Exec. Sec. for Legal Affairs Menardo Guevarra.
Ipinresenta ni Cayetano ang umano’y matinding problema ng droga ng Pilipinas na ikinonekta niya rin sa
ilang karumal-dumal na krimen. Nagpalabas din siya ng video clips ng iba’t ibang krimeng konektado sa
ilegal na droga na dinatnan ng administrasyong Duterte.
Kasunod ng kanyang presentation, isa-isang nagbigay ng komento at rekomendasyon ang mahigit 100
UN member states.
Sa kabila ng mga inihaing puna sa Pilipinas, tiniyak ni Cayetano na ginagawa ng Pilipinas ang lahat para
resolbahin ang problema ng pagpatay at iba pang krimen sa bansa. Muli rin niyang inanyayahan ang UN
Human Rights Council na magpadala ng kinatawan sa Pilipinas para sa isang independent na
imbestigasyon.
Pero ngayon pa lang, sinabi na ni Cayetano na imposibleng magbago ang isip ni Pangulong Duterte sa
isyu ng death penalty dahil wala naman daw alternatibong parusa para tuluyang masugpo ang mga
krimeng may kinalaman sa ilegal na droga sa bansa.
Kasunod naman ng mga puna ng UN member states, muling sinisi ni Presidential spokesman Ernesto
Abella ang media sa umano’y masyadong pagpapalaki sa isyu ng ‘war on drugs’ at extrajudicial killings.
Nagkakaroon daw tuloy ng misunderstanding o maling intindi ang international community sa tunay na
sitwasyon sa bansa.
Samantala, sa kabila ng mga kaso ng pagpatay dahil sa kampanya ng administrasyon laban sa droga,
hindi naapektuhan ang halaga ng tulong o aid ng European Union sa Pilipinas.
Ayon kay Ambassador Franz Jessen, Head of Delegation of European Union to the Philippines, nasa 300
million euros ang halaga ng EU aid hanggang taong 2022.
Karamihan nito ay mapupunta sa development projects sa Mindanao at pagsisimula ng mga bagong
trabaho. Ayon kay Jessen, hindi naiiba ang pakikipag-ugnayan nila sa kasalukuyang pamahalaan
kumpara sa nakaraang administrasyon.
-- Ulat nina Danny Buenafe, Apples Jalandoni, Pia Gutierrez, Willard Cheng, ABS-CBN News;
Reuters
SITWASYON 2:
Sa huling tala ng Philippine National Police, hindi bababa sa 700 na kaso ang mga napatay dahil
nanlaban di-umano sa lehitimong operasyon ng pulisya. Mahigit 1000 naman ang bilang ng mga
napaslang sa pamamagitan ng summary killings na ngayo’y “under investigation” na ng PNP. At sa
patuloy na madugong giyera na ito kontra droga, inaasahang lolobo pa raw ang bilang na ito. Dahil sa
anti-drug campaign na ito, kaliwa't kanan din ngayon ang responde ng iba't ibang grupo ng Scene of the
Crime Operatives o SOCO ng pulisya. Sa mga sinamahan ni Mav Gonzales na mga elemento ng Manila
Police District, hindi bababa sa tatlong patay ang kanilang iprinoseso sa loob lang ng isang magdamag.
Dahil din sa mga tila dumaraming mga patay na nakahandusay sa lansangan, marami ang nababahala.
Ang masklap pa nito, may ilang napapatay raw na wala naman palang kinalaman sa droga o hindi kaya
mga napagkamalan lang. Inalam ni Bam Alegre kung ano ang kwento sa ilang mga napabalitang
summary killings o yung mga natatagpuang mga patay na may karatula.
Kaya naman lahat ng mata ngayo'y nakatutok sa pulisya na siyang nasa sentro ng giyera kontra droga.
Higit sa kanilang mga hakbang sa pagsugpo sa droga, nahaharap sila ngayon sa matinding pagsisiyasat
ng madla dahil na rin sa isyu ng kung totoo nga bang nanlaban ang mga namatay sa operasyon. Bunsod
nito, gumawa si JP Soriano ng isang pag-aaral kung ano nga ba ang pulso ng madla sa nagaganap na
mga patayan kaugnay ng droga. Dito natuklasan niyang bagamat marami ang tutol sa mga nagaganap
na pagpatay, marami rin ang tila kampante ngayon sa kanilang seguridad dahil na rin sa kampanya ng
gobyerno kontra droga
I.Suriin ang pagkakatulad o pagkakaiba ng mga salik sa lingguwistikong interaksyon batay sa modelong
SPEAKING ni Dell Hymes.
Settings 1. Pilipinas
Key 5.Pormal
Instrumentalities 6. Pakikipanayam
Genre 8.Pagbabalita
II. A. Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon, suriin ang layunin ng mensahe batay sa sangkap
ng Speech Act
Theory ni J.L Austin.
Sitwasyon 1: Sa talumpati ni pangulong Duterte, sinabi niya na 3-6 months lang ang kanyang igugugol
para malinis ang Pilipinas laban sa droga kaya ipinatupad kaagad ng kapulisan ang “Operation Tukhang”
at iniisa-isa ang bawat kabarangayan na di-umano’y laganap ang droga.
Sangkap
Locutionary act 9. Sa Talumpati …
Perlocutionary act 10. Operation Tukhang
Sitwasyon 2: Iniimbistigahan ngayon ng senado at ng CHR ang diumano’y “extrajudicial killing” at
“vigilante killing.” Ito’y bunsod ng balita na umabot ng humigit kumulang isanlibo kada buwan ang
namamatay dahil sa pinaigting na “operation tukhang” ng kapulisan.
Sangkap
Locutionary act 11. Balita …
Perlocutionary act 12. Inimbistigahan …