War On Drugs Wika Essay PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

War on Drugs: Ang Pangakong Hindi Natupad

Isa ang ilegal na droga sa mga problemang kinakaharap ng Pilipinas magmula pa noong
ikalabing-pitong siglo. Ang malawakang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay napatunayang
nakapamiminsala, hindi lamang sa buhay ng gumagamit nito kung hindi na rin sa buhay ng ibang
tao. Sa kasalukuyan, tinatayang 1.8 milyon ang "drug users" o ang mga taong gumagamit ng droga
sa Pilipinas (Hembra, 2004). Ito ay katumbas ng 2.2 porsiyento ng populasyon ng bansa, ayon sa
International Narcotics Control Strategy Report 2003 (Hembra, 2004). Epidemya na nga kung
tawagin ang pang-aabuso sa paggamit nito. Maraming mga politiko ang sumubok na labanan ang
isyu sa droga; subalit lahat ay nabigo. Isang alkalde sa Davao ang tumindig at sinabing kung siya
ang susunod na magiging presidente ng Pilipinas, kaya niyang wakasan ang problema sa loob
lamang ng tatlo hanggang anim na buwan. Noong 2016, nanalo si Rodrigo Roa Duterte. Tatlong
taon ang makalilipas, parang mainit na kaning iniluwa niya ang naging pangako sa taumbayan.

Ang "Kampanya Laban sa Ilegal na Droga sa Pilipinas" ay tumutukoy sa polisiya ng droga


ng gobyerno ng Pilipinas sa ilalim ni Pangulong Duterte na nanungkol sa kanyang opisina noong
Hunyo 30, 2016. Ayon kay Tubeza (2017), sinabi ng dating hepe ng Philippine National Police
(PNP) na si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, ang polisiya ay nakapokus sa neutralisasyon ng
mga illegal drug personalities o iyong mga pinanggagalingan ng droga. Ukol sa tagapagsalita ng
pangulo na si Salvador Panelo, hindi naman daw intensyon ng gobyerno ang pumatay. Ngunit
nagmula mismo sa presidente ang mga salitang siya ang kikitil sa buhay ng milyun-milyong mga
drug users sa bansa kung saan pagkatapos ng pahayag ay may mga ulat mula sa lokal na kapulisan
na binigyan sila ng target ng bilang ng mga mamamatay dahil sa droga (Johnson & Giles, 2019).
Noong 2016, nagkalat ang mga karatulang may nakasulat na "Pusher ako, 'wag tularan" sa tabi ng
mga hindi na humihingang "drug addicts" at "drug pusher". Ang sabi ng awtoridad, ito raw ang
mga pinaghihinalaang kriminal ngunit naglaban.

Marami ang kumundena sa polisiya sa loob at labas ng bansa para sa tumataas na bilang
ng mga namamatay dahil sa hindi makatarungang pagpatay o extrajudicial killings. Ayon sa isang
senador na salungat sa kampanyang ito, ang bilang ay lumagpas na sa 20,000 magmula nang
maging presidente si Rodrigo Duterte (Regencia, 2018). Noong 2018, nilahad niya sa kanyang
talumpati para sa 45th anniversary celebration ng National Economic and Development Authority
(NEDA) na hindi pa rin nawawala ang droga sa bansa. Ang kanyang dahilan ay tinignan niya ang

Khayle Venisse L. Dangate BA Communication GED0105-SEC11


pagresolba ng ilegal na droga sa Pilipinas sa kung papaano niya niresolba ito noong alkalde pa
siya ng Davao. Inamin din niya ang kanyang kawalang-alam sa kalakihan ng sakop ng droga
(Gulla, 2018).

Sa aking sariling opinyon, isang malaking pagkakamali ang pagpapatupad ng War on


Drugs ng administrasyong Duterte. Unang-una, lumalabag ito sa Article III ng 1987 Philippine
Constitution o ang tinatawag na "Bill of Rights" kung saan sinasaad ang bawat karapatan at
pribilehiyo ng mga Pilipino na dapat protektahan ng Konstitusyon sa kahit na anong paraan at
kasama na nga rito ang karapatan ng bawat isa sa due process. Pangalawa, makikitang malaking
porsiyento ng mga napatay ay galing sa laylayan ng lipunan. Ibig sabihin lang nito na ang War on
Drugs ay kontra sa mga mahihirap. Imbis na tulungan ang mga ito sa kanilang pagbabagong-buhay
at pagkakaroon ng panibagong hanapbuhay na masasabing marangal, pinapatay nila ang mga ito
nang walang kalaban-laban. At huli sa lahat, bigo ang kampanya sapagkat nagbaon lamang ito ng
takot sa mga tao na baka isang araw sila naman ang ma-"tokhang" sa daan kahit wala namang
kasalanan.

Khayle Venisse L. Dangate BA Communication GED0105-SEC11


TALASANGGUNIAN

Gulla, V. (2018). Duterte: Promise to solve drug problem a 'fiasco'. Retrieved on November 13,
2019 from https://news.abs-cbn.com/news/02/07/18/duterte-promise-to-solve-drug-
problem-a-fiasco

Hembra, M. (2004). Social, Political and Economic Context of Illegal Drug Abuse in the
Philippines. Retrieved on November 18, 2019 from
https://www.drugabuse.gov/international/abstracts/social-political-economic-context-
illegal-drug-abuse-in-philippines

Johnson, H. & Giles, C. (2019). Philippine drug war: Do we know how many have died? Retrieved
on November 20, 2019 from
https://www.google.com/amp/s/www.bbc.com/news/amp/world-asia-50236481n.a.

Regencia, T. (2018). Senator: Rodrigo Duterte’s drug war has killed 20,000. Retrieved on
November 20, 2019 from
https://www.google.com/amp/s/www.aljazeera.com/amp/news/2018/02/senator-rodrigo-
duterte-drug-war-killed-20000-180221134139202.html

Tubeza, P. C. (February 2017). Bato: 'neutralization' means arrest. Retrieved on November 13,
2019 from https://newsinfo.inquirer.net/876096/bato-neutralization-means-arrest

Khayle Venisse L. Dangate BA Communication GED0105-SEC11

You might also like