Fil1 Gawain 3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PANGALAN: Jenny Brozas Juarez

SEKSYON: GEFS-B-CY1

PROPESOR: Helen E. Golloso

Ang malawakang paglabag ng bansang Pilipinas ukol sa kapatang pantao at kawalan ng

kaukulang legal na aksyon upang iresolba ang suliranin

“Detainees sleep in an open basketball court inside the Quezon City Jail in Quezon City,

Philippines on July 24, 2020.

© 2019 Aurora Almendral/New York Time”

Ang isyu ng ating bansa ukol sa unti-unting pagkawala ng karapatang pantao ay umabot

na rin sa mga kritiko ng iba’t ibang bansa. Nagsimula ang isyu ng karapatang pantao sa taong
2016 sa ilalim ng pamamalakad ng Pangulong Rodrigo” Roa” Duterte. At ang sanhi nito ay ang

mga sumusunod: kampanya kontra-droga; political killings, threats at harassment; kawalan ng

kalayaan sa pagpapahayag; death penalty; at COVID-19

Noong June 2020, ang United Nations Office of the High Commissioner for Human

Rights (OHCHR) ay naglabas ng isang kritikal na kritisismo ukol sa paglabag ng ating bansa

tungkol sa kasulukuyang sitwasyon ng ating karapatang pantao. Napakaraming pangyayari ang

naganap sa pamamalakad ni Pangulong Duterte. Mga pananakot at pag patay sa mga politiko, sa

mga iba’t ibang aktibista at sa mga kapatid nating katutubo, mga mamahayag ng balita katulad ni

Maria Ressa na inakusahan ng cyber libel noong Hunyo, pag papasara ng isang malaking

estasyon sa telebisyon, paggamit ng pwersa ng militar upang masugpo ang COVID-19, at mga

pampublikong pamamahiya at malupit na pagtrato.

Kampanya kontra-droga:

Base sa datos ng hukbo ng Pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency, habang sila

ay gumagawa ng operasyon kontra-droga, sila ay nakapagtala ng kabuuang datos na 5093 na

indibidwal na napatay sa pagitan ng ika-1 ng Hulyo sa taong 2016 hanggang sa ika-30 ng

Septyembre sa taong 2020. Sa kabilang banda, hindi pa kasama rito ang bilang ng namatay dahil

sa hindi makilalang mga gunmen. Ngunit ayon naman sa datos ng UN Office of the High

Commissioner for Human Rights, maaaring ang kabuuang tala ng mga namatay kontra-droga sa

ating bansa ay umabot sa 8663 na mga indibidwal. Kaugnay dito, sa bawat namamatay na

indibidwal ang kanilang pamilya at mga anak ang lubusang naaapektuhan. Ang mga kabataan na

ito ay kadalasang nakararanas ng matinding kahirapan, depresyon, pagliban sa pag-aaral, at

madalas ay bullying.

Political killings, threats at harassment


Noong ika-4 ng Hunyo ng taong 2020, ang OHCHR ay naglabas ng pahayag ukol sa

kritikal na datos ng ating bansa ukol sa mga paglabag ng karapatang pantao. Kasama na rito ang

mahigit na 208 na kaso ng human rights violation, partikular sa hukbo ng mga aktibista mula sa

taong 2015. Ang walang katarungang pag-atake sa grupo ng mga aktibista ay nagsimula noong

naglabas si Pangulong Duterte ng kampanya, o ang Anti-Terrorism Law. Kung saan ginamit ng

pulisya, militar, at National Security Agency ang social media upang takutin at i-red tagged ang

grupo ng mga aktibista at ang iba ay umabot pa sa kamatayan. At noong Septyembre nga lang ng

taong 2020, naging isyu ang paggawa ng mga fake accounts upang ikalat ang mga propaganda

ng gobyerno at militar, paninira sa mga aktibista, at kadalasan ay ukol sa terorismo.

Kalayaan sa pamamahayag

Naging kontrobersyal noong buwan ng Hunyo taong 2020 ang pag-akusa kay Maria

Ressa, CEO ng news website na Rappler at ang kaniyang researcher na si Reynaldo Santos Jr. ng

kasong cyber libel. Kilala ang Rappler sa pagbibigay ng pahayag at opinyon ukol sa kampanya

ng pamahalaan kontra-droga at sa maling pamamalakad ni Pangulong Duterte. Sa kabilang

banda, laking gulat din ng maraming Pilipino ang biglaang pagpapasara sa isa sa kilala at

malaking T.V network sa bansa, ang ABS-CBN. Maraming rason ang inilatag ng gobyerno ukol

sa pag papasara nito, ito ay ang hindi pagbayad ng ABS-CBN sa mga naipon na unpaid taxes, at

pagiging bias sa pamamahayag ng balita tungkol sa pag puksa ng pamahalaan sa lumalalang

kalakalan ng droga,

Death penalty
May sumang-ayon sa pagpapatupad ng death penalty ngunit mas malaki pa rin ang datos

ng hindi pumayag na isakatuparan ang batas na ito. Kabilang na rito ng OHCHR, iba’t ibang

leader ng mga bansa, mga kritiko at mga propesyonal sa karapatang pantao.

COVID-19

Noong tuluyan ng umusbong at kumalat ang pandemyang COVID-19, ang ating bansa ay

nagkaroon din ng mataas na datos ng mga nag positibo sa sakit. Ang datos na ito ay nag sanhi

upang ang ating bansa ang magkaroon ng mataas na bilang sa buong Southeast Asia. Ang

tanging naging solusyon ng Pangulong Duterte ay ang pagpapakalat ng mga militar at pulis sa

bawat lansangan. Ito ay nag silbing oportunidad para sa mga pulis at militar upang makapang-

abuso at makapanakot. At noong patuloy nang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa ating bansa,

ang gobyerno ay nagpatupad ng kabilaang quarantine protocols at mga lockdown. Ngunit ang

ibang lalawigan ay naging mapang-abuso, halimbawa: paglagay sa mga nahuling lumabag sa

quarantine protocols sa loob ng kulungan ng hayop, binababad ang mga nahuling lumabag sa

ilalim ng mainit na tirik ng araw, at paglagay sa mga inidibidwal na lumabag sa loob ng mga

kabaong.

Naniniwala ako sa kasabihang, “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin

ng kapwa mo sa iyo.” Palagi nating tatandaan na sa bawat kilos o galaw na ating isasakatuparan

isipin natin palagi kung tayo ba ay may matatapakan na tao. Atin ding isipin kung ang aksiyon na

ating napagdesisyunan na gawain ay may mabuting o negatibong epekto, hindi lamang para sa

ating sarili kung hindi pati na rin sa nakararami.

Reference
https://www.hrw.org/world-report/2021/country-chapters/philippines

https://www.nytimes.com/2019/01/07/world/asia/philippines-manila-jail-overcrowding.html

You might also like