WS - Q2 - Filipino 7 - Lesson 4 Week 7
WS - Q2 - Filipino 7 - Lesson 4 Week 7
WS - Q2 - Filipino 7 - Lesson 4 Week 7
Kuwarter 2
Gawaing
Pampagkatuto sa Aralin
Filipino 4
Gawaing Pampagkatuto sa Filipino 7
Kuwarter 2: Aralin 4 (para sa Ikapitong Linggo)
TP 2024-2025
Ang kagamitang panturong ito ay eksklusibo sa mga gurong kalahok para sa implementasyon ng
MATATAG K - 10 na kurikulum sa taong panuruang 2024-2025. Layunin nitong mailahad ang nilalaman ng
kurikulum, pamantayan, at mga kasanayang dapat malinang sa mga aralin. Ang anomang walang
pahintulot na pagpapalathala, pamamahagi, pagmomodipika, at paggamit ay mahigpit na ipinagbabawal at
may karampatang legal na katumbas na aksiyon.
Ang mga nahiram na nilalaman na kasama sa materyales na ito ay pag-aari ng mga may karapatang-
sipi. Ginawa ang lahat upang malaman ang pinagmulan at makahingi ng permiso na magamit ang mga ito
mula sa nagmamay-ari ng karapatang-sipi. Ang mga tagapaglathala at pangkat ng tagabuo ay walang
anomang karapatan sa pagmamay-ari para sa mga ito.
Bumuo sa Pagsusulat
Manunulat:
• Rachel C. Payapaya (Philippine Normal University Mindanao)
Tagasuri:
• Joel C. Malabanan, Ph.D. (Philippine Normal University Manila)
Mga Tagapamahala
Philippine Normal University
Research Institute for Teacher Quality
SiMERR National Research Centre
Ang bawat pag-iingat ay ginawa upang masigurado ang katiyakan ng mga impormasyong
nakapaloob sa materyales na ito. Para sa mga katanungan o fidbak, maaaring sumulat o tumawag sa
Tanggapan ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa mga numero ng telepono (02) 8634-1072 and
8631-6922 o mag-email sa [email protected].
IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM
GAWAING PAMPAGKATUTO
V. Sintesis/Pinagyamang Pagsasanay/Pinalawak
Ibahagi:
1. Ano-ano ang paraan ng pagtupi ng comic book brochure? Paano mo ito ginawa?
1
IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM
GAWAING PAMPAGKATUTO
II. Layunin: Natutukoy ang iba’t ibang uri at gamit ng speech balloons.
IV. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng speech balloons ang nasa kahon. Isulat ang
sagot sa loob ng bawat simbolo.
V. Sintesis/Pinagyamang Pagsasanay/Pinalawak
Itambal ang nasa Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
Hanay A Hanay B
1. Dialogue balloon a. Sumisigaw ito na karakter
2. Thought balloon b. Ipinapahayag ito ng awtor
3. Scream bubble c. Naglalaman ito ng iniisip ng karakter
4. Whisper bubble d. Nagpahiwatig ito ng pagsabog o pagsiklab
5. Narrative caption e. Pabulong o lihim na tono ito ng karakter
6. Burst balloon f. Pagpapalitan ito ng dayalog ng mga karakter
2
IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM
GAWAING PAMPAGKATUTO
IV. Panuto:
Sinasabing ang bayaning si Dr. Jose P. Rizal ang kauna-unahang Pilipino na gumawa ng
komiks. Noong 1884 ay inilathala sa Trubner’s Record sa Europa ang komiks niya na “Si
Pagong at si Matsing”. Ito ay halaw ng bayani sa isang popular na pabula sa Asya. Mula 1896
hanggang 1898, habang ang Pilipinas ay nakaranas ng rebolusyon, ilang magasin ang lumabas
sa Maynila na may nakaimprentang cartoons. Dalawa sa mga ito ay “Miao” at “Te con Leche”.
Noong 1907, inilathala ang “Lipang Kalabaw” ni Lope K. Santos. Wikang Tagalog ang
midyum at nagtataglay ng satirikong cartoons tungkol sa mga Amerikanong opisyal. Natigil ang
paglalathala ng magasin taong 1909. Ang mga unang serye ng Filipino komiks ay lumabas
simula noong 1920 bilang filler sa mga magasing Tagalog. Dalawa sa mga magasing ito ay ang
“Telembang” at ang muling binuhay na “Lipang Kalabaw”. Ang dalawang komiks na ito ang
nagpasimula sa mga komiks sa bansa.
Noong 1946 lumabas ang unang regular na nailathalang magasin ng komiks, ang
Halakhak Komiks. Ngunit tumagal lamang ito ng sampung edisyon dahil sa kakulangan ng
distribusyon. Subalit hindi tuluyang namatay ang industriya ng komiks dahil noong 1947,
lumabas ang Pilipino Komiks sa pamamahala ni Tony Velasquez. Ito ang nagbukas ng daan
sa iba pang magasin ng komiks na mailathala. Sunod-sunod na nagsilabasan ang mga sikat na
komiks tulad ng Tagalog Klasiks (1949) at Silangan Komiks (1950). Isa sa mga sumikat ng
kuwento sa Silangan Komiks ay ang “Prinsepe Ahmad, Anak ni Alladin” na likha ni Alfredo P.
Alcala. Ilang linggo matapos ipalabas ang unang komiks ng Silangan, inilathala ang Aksiyon
Komiks ng Arcade Publications. Sinundan ito ng Bituin Komiks (Abril 1950), Bulaklak
3
IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM
Komiks (Agosto 1950), Pantastik at Hiwaga Komiks (Oktubre 1950), Espesyal Komiks at
Manila Klasiks (1952) at ang Extra Komiks (1953). Dito nagsimula ang malaking industriya
ng komiks sa buong Pilipinas. Kalagitnaan ng 1950s ay itinuring ang komiks bilang
pambansang libro ng mga Pilipino; kahit di man ito opisyal na pahayag. Sa parehong panahon
ay lalong lumawak ang ginamit na anyo sa paggawa ng komiks katulad ng komedya, alamat,
mga paniniwala at mga mitolohiyang Pilipino. Ang mga naunang komiks ng Tagalog ay
mayaman sa mga kuwentong aswang, kapre, nuno sa punso, tikbalang at iba pang mga
karakter sa mito. Ang ilang komiks ay humango naman sa mga karakter sa Amerika tulad ng
Kulafu at Og (Tarzan), Darna (Wonderwoman), at D.I. Trece (Dick Tracy). Sa panahon ng
Martial Law ay ipinatanggal ang ilang bahagi ng komiks. Ipinag-utos din ang paggamit ng
murang papel kaya naapektuhan ang itsura at kalidad nito. Ang resulta ay bumaba ang benta
ng komiks sa pagpasok ng dekada 80. Nagresulta ito sa pag-alis ng mga ilustrador ng komiks
sa Pilipinas para magtrabaho sa Amerika sa pareho ring larang.
Tunay na kahanga-hanga ang talentong pinoy. Malaking hamon sa mga kabataan ngayon
na ipagpatuloy at itaguyod ang kahalagahan ng komiks sa pagpapalaganap ng kamalayan.
4
IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM
3. Ano ang iyong maiambag upang mailigtas ang industriya ng komiks sa bansa?
1920-
1930
1940-
1950
1960-
1970
1980-
1990
2000s
5
PILOT IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM
GAWAING PAMPAGKATUTO
TANONG TUGON
1. ANO ang mahalagang
impormasyon na natuklasan mo
mula sa nabasa?
2. SINO-SINO ang kilalang
comic book writer at animator
ngayon? Sa kasalukuyan?
Patunayan ang sagot.
3. BAKIT mahalagang suriin
ang kasaysayan ng komiks sa
ating bansa? Mahalaga pa
ba ito sa modernong panahon
ngayon?
4. PAANO nakatulong ang
komiks sa pagpapahayag ng
damdamin ng mga Pilipino sa
iba’t ibang yugto ng
kasaysayan?
5. PAANO mabibigyang boses
ng komiks ang kultura at iba’t
ibang sektor ng lipunan sa
kasalukuyan?
6
PILOT IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM
GAWAING PAMPAGKATUTO
IV. Panuto: Isulat sa mga lobo ng dayalog (speech balloons) ang tamang sagot sa mga
tanong.
7
PILOT IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM