Week 1 F

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

GRADES 1 to 12 Baitang /

DAILY LESSON LOG Paaralan: DUMOLOG NATIONAL HIGH SCHOOL Antas: G8


(Pang-Araw-araw na Tala sa Pagtuturo) Guro: JEMIMAH B. BUENVENIDA Asignatura: EsP
Petsa / Oras: July 29-August 02, 2024 Markahan: UNANG MARKAHAN
GRADES 1 to 12 Baitang /
DAILY LESSON LOG Paaralan: DUMOLOG NATIONAL HIGH SCHOOL Antas: G8
(Pang-Araw-araw na Tala sa Pagtuturo) Guro: JEMIMAH B. BUENVENIDA Asignatura: EsP
UNANG
Petsa / Oras: August 05-09, 2024 Markahan: MARKAHAN

IKALAWANG LINGGO
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamilya bilang natural na institusyon ng lipunan.
Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at pagtutulungan
sa sariling pamilya.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan at pagtutulungan sa isang pamilyang nakasama, namasid o
Isulat ang code ng bawat napanood.
kasanayan 2. Naibabahagi ang mga karanasan tungkol sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o nagkaroon ng
positibong impluwensiya sa sarili.
3. Naiuugnay ang mga karanasan sa sariling pamilya sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa tao.

II. Nilalaman Modyul 1: Ang Pamilya bilang Natural na Institusyon


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 9


2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 9-10
Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/detail/24/5532


mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo Larawan ng sariling pamilya


Panturong Biswal: LCD projector, laptop
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Ipakita ang Concept Web, tumawag ng ilang mag-aaral upang isulat sa loob ng kahon ang tungkulin ng bawat
aralin at pagsisimula ng kasapi o miyembro ng pamilya. Ipabasa sa klase ang nabuong kasagutan.
bagong aralin.

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan at pagtutulungan sa isang pamilyang nakasama, namasid o
napanood.
2. Naibabahagi ang mga karanasan tungkol sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o nagkaroon ng
positibong impluwensiya sa sarili.
3. Naiiugnay ang mga karanasan sa sariling pamilya sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa tao.

B. Paguhitin ang mag-aaral ng isang bagay na sumisimbolo sa pagtutulungan at pagmamahalan


ng kanilang pamilya. Ibahagi sa klase ang iginuhit na simbolo at ipaliwanag ito.
C. Pag-uugnay ng mga Makinig sa maikling sawikain ni dating Kalihim Jesse Robredo tungkol sa kanyang mga aral na natutuhan sa
halimbawa sa bagong kanyang pamilya na babasahin ng guro. Magbahagi ng sariling karanasan na natutuhan mo mula sa iyong
aralin pamilya na patuloy na isinasabuhay mo sa kasalukuyan. Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng
kanilang sariling karanasan.

“Sa aking mga magulang ay natutuhan ko ang pagmamalasakit sa kapwa, ang pagiging matipid, at
ang pamumuhay ng simple. Sa aking ama, natutuhan ko na ang pangangalaga sa integridad ng
aking pagkatao at ang karangalan ang pinakamahalaga sa lahat.”

-Dating Kalihim Jesse Robredo

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Humanap ng kapareha at isagawa ang Think-Pair-Share sa pagpapakilala ng sariling pamilya. Gamitin ang larawan ng
paglalahad ng bagong kasanayan #1 iyong pamilya sa pagpapakilala. Tumawag ng isa hanggang tatlong pareha upang magbahagi sa klase. Sa paglalarawan
gamitin ang mga gabay na pangungusap sa ibaba.
a. Pagpapakilala sa bawat miyembro o kasapi ng iyong pamilya
b. Pagbabahagi ng mga katangian na maipagmamalaki mo sa iyong pamilya
c. Pagbabahagi ng mga kaugalian na iyong natutuhan sa iyong pamilya
d. Paglalahad ng mga karanasang hindi malilimutan kasama ang iyong pamilya

E. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo Sagutin ang sumusunod na katanungan.


saFormative Assessment) 1. Bakit mahalaga ang pagtutulungan sa loob ng tahanan?
2. Paano napapayabong ng pagmamahalan ang samahan ng isang pamilya?
3. Ano-anong karanasan kasama ang iyong pamilya ang nagpapakita ng pagmamahalan at
pagtutulungan?

F. Paglalahat sa aralin Ang pamilya ang pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon ng lipunan at patuloy na namamagitan sa mag-
asawa na nakakapagbigay-buhay dahil sa pagmamahalan. Ang pagtutulungan ay natural ding dumadaloy sa pamilya
sapagkat kaligayahan ng bawat kasapi ang makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.
G. Pagtataya ng Aralin Tukuyin kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng pagmamahalan at pagtutulungan. Lagyan ng tsek
kung ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng pagtututlungan at pagmamahalan at ekis naman kung hindi.
1. Sama-samang gumagawa ng gawaing bahay ang buong pamilya.
2. Nagtatalo ang mga anak dahil sa hindi pagbibigayan.
3. Pagpapatuloy sa sariling tahanan sa mga kaapitbahay na nasunugan ng bahay.
4. Pag-unawa sa kakaibahan ng isang anak sa ibang kasapi ng pamilya.
5. Pagsasawalang bahala ng mga anak sa mga tungkuling iniatas ng mga magulang.
6. Pagsisinungaling ng anak sa kanyang mga magulang.
7. Paghingi ng payo ng anak sa kanyang magulang hinggil sa kanyang problema.
8. Pagtulong ng panganay na anak sa kanyang bunsong kapatid sa paggawa ng takdang-aralin.
9. Sama-samang pagsimba ng buong pamilya.
10. Pagpapakita ng kawalan ng galang ng mga anak sa kanilang mga magulang.
IKATLONG LINGGO

I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamilya bilang natural na institusyon ng lipunan.
Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at pagtutulungan sa
sariling pamilya.
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. Isulat 1. Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na
ang code ng bawat kasanayan nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa.
2. Natatalakay ang mga dahilan kung bakit itinuturing na institusyon ang pamilya.
3. Naibabahagi nang wasto ang mga dahilan kung bakit itinuturing na intitusyon ng lipunan ang pamilya.

II. Nilalaman Modyul 1 : Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 10-12

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang- Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 11-22


Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula sa http://lrmds.deped.gov.ph/detail/24/5532


portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo Mga larawan mula sa internet https://www.google.com.ph/search?


q=clipart+marriage&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=is
ch&sa=X&ved=0ahUKEwi007rGyP_RAhXFX5QKHSbB9oQ_AUIBigB#tbm=isch&q=ang+pamilya+
bilang+institusyon&imgrc=K7vkcSyIBEvmCM:

Panturong Biswal: LCD projector, laptop

III.Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at Magbigay ng isang natatanging karanasan kasama ang iyong pamilya na sa kasalukuyan ay patuloy na
pagsisimula ng nakaiimpluwensiya sa iyong pagkatao tungo sa pakikipagkapwa. Ibahagi ito sa harap
bagong aralin. ng klase.

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na
nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa.
2. Natatalakay ang mga dahilan kung bakit itinuturing na institusyon ang pamilya.
3. Naibabahagi nang wasto ang mga dahilan kung bakit itinuturing na intitusyon ng lipunan ang pamilya.

B. Ipapaskil ng guro ang katulad na larawan sa pisara at itatanong ang sumusunod na katanungan.
1. Nakita mo na ba ang katulad na larawang nasa likod ng kotse?
2. Nagkaroon ka ba ng katulad na karanasan?
3. Ano ang iyong naisip matapos mong makita ang katulad na larawan?
4. Ano ang iyong naramdaman nang ito ay una mong makita?
5. Ano ang ipinahihiwatig ng mga ito?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Panoorin ang maikling video tungkol sa kuwento ng isang pamilya (https://www.youtube.com/watch?
bagong aralin v=abchPjTCLac). Sagutan ang katanungan sa iyong notbuk.
1. Paano ipinakita ang pagmamahalan at pagtutulungan sa kuwentong inyong napanood?
2. Ano ang mga suliranin sa kuwentong nakahahadlang upang maisabuhay ang pagmamahalan at pagtutulungan?
3. Anong aral tungkol sa pamilya ang ipinapahayag sa kuwento?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Gamit ang powerpoint presentation, ilalahad at tatalakayin ng guro ang iba’t ibang kahulugan ng pamilya at ang
paglalahad ng bagong kasanayan pitong dahilan kung bakit itinuturing na institusyon ng lipunan ang pamilya.
#1
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Sagutan ang katanungan batay sa mga dahilan kung bakit itinuturing na institusyon ang pamilya. Isulat ang iyong
paglalahad ng bagong kasanayan mga kasagutan sa notbuk at maghanda sa malayang talakayan.
#2 1. Mahalaga ba ang pamilya para sa isang indibidwal? Sa lipunan? Bakit? Ipaliwanag.
2. Anong mga pagbabago ang kinakaharap ng pamilya kasabay ng modernisasyon?
3. Ano ang pinakamahalagang misyon ng pamilya? Ipaliwanag.
4. Bakit mahalagang bumuo ng magandang ugnayan sa pamilya? Ipaliwanag.
5. Paano napatitibay ng kasal ang isang pamilya? Ipaliwanag.
6. Bakit itinuturing ang pamilya bilang pundasyon ng lipunan? Ipaliwanag.
7. Paano iiral ang isang pamilya bilang orihinal na paaralan ng pagmamahal?
8. Paano magagawa ng pamilyang makatao at mapagmahal ang lipunan?
9. Paano matuturuan ng pamilya ang mga kasapi nito na taos-pusong gampanan ang panlipunan
at pampolitikal na tungkulin nito?
10. Ano-ano ang mahalagang gampanin na dapat isakatuparan ng magulang bilang unang guro sa tahanan?
Ipaliwanag.

G. Paglalapat sa aralin sa pang- Sagutin ang sumusunod na katanungan.


araw-araw na buhay 1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?
2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?

H. Paglalahat sa aralin Ang pamilya ay maituturing na isang likas na institusyon sapagkat (1) Ang pamilya ay pamayanan ng
mga tao na kung saan ang maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan, (2) Nabuo
ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasyang magpakasal at magsama nang
habangbuhay, (3) Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon at patuloy na
sumusuporta rito dahil sa gampanin nitong magbigay-buhay, (4) Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng
pagmamahal, (5) Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay, (6) May
panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya at (7) Mahalagang misyon ng pamilya ang magbigay ng
edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.
I. Pagtataya ng Aralin Suriin ang mga larawan sa hanay A at tukuyin ang dahilan kung bakit tinuturing na institusyon ang pamilya sa hanay
B. Isulat ang letra ng iyong kasagutan sa patlang bago ang bawat bilang. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)

HANAY A HANAY B
A. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao
(community of persons) na kung saan ang maayos
1. na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan.

B. Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng


nagpasyang magpakasal at
2. magsama nang habambuhay.

C. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito


ang pundasyon ng lipunan at
3. patuloy na sumusuporta rito dahil sa gampanin nitong magbigay-
buhay.

D. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.

E. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang


buhay (the first and irreplaceable school of social life).
5.
F. May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.

6.
G. Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa
mabuting pagpapasiya, at paghubog ng pananampalataya.
7.
IKAAPAT NA LINGGO

I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamilya bilang natural na institusyon ng lipunan.
Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling pamilya.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at pagtutulungan sa
Isulat ang code ng bawat sariling pamilya.
kasanayan 2. Naisasabuhay ang mga hakbang sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya.
3. Natutukoy ang mga banta sa pamilya na nakahahadlang sa pagganap ng kanilang tungkulin.

II. Nilalaman Modyul 1: Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 12-14

2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 23-27


Pang-Mag- aaral

3. Karagdagang Kagamitan mula sa http://lrmds.deped.gov.ph/detail/24/5532


portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Mga larawan sa internet https://www.google.com.ph/search?


Panturo q=clipart+marriage&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isch
&sa=X&ved=0ahUKEwi007rGyP_RAhXFX5QKHSbB9oQ_AUIBigB#tbm=isch&q=ang+pamilya+bilan
g+institusyon&imgrc=K7vkcSyIBEvmCM:
http://www.youtube.com/watch?v=UIQIQ_nknKg&feature=related
Panturong Biswal: laptop, LCD projector
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin Gamit ang mga larawan, iugnay at ipaliwanag ng bawat pangkat ang alinman sa pitong dahilan kung bakit isang
at pagsisimula ng bagong institusyon ang pamilya.
aralin.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin at A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang layunin ng aralin.
pagganyak 1. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling pamilya.
2. Naisasabuhay ang mga hakbang sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling
pamilya.
3. Natutukoy ang mga banta sa pamilya na nakahahadlang sa pagganap ng kanilang tungkulin.

B. Gamit ang flash cards, ipabasa sa mag-aaral ang mga katangian ng pamilya. Tumawag ng ilang mag-aaral na
magpapaliwanag sa bawat katangian.
Pagtutulungan Pagkakaisa
Pagmamahalan Pagkakaroon ng bukas na komunikasyon Pagkakaunawaan

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Suriin ang mga larawan ng pamilya noon at sa kasalukuyang panahon. Tumawag ng ilang mag- aaral upang
bagong aralin magbigay ng kanilang mga napansing pagbabago at ang implikasyon nito sa isang pamilya.

NOON `NGAYON

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Magsagawa ng isang pagsusuri ng Kalakasan, Kahinaan, Oportunidad at Banta (SWOT Analysis) tungkol sa kung
paglalahad ng bagong kasanayan #1 paano mapalalakas ang pamilyang Pilipino gamit ang pitong dahilan kung bakit itinuturing na isang intitusyon ng
lipunan ang pamilya. Gawin ang pagsusuri sa dalawang aspekto: una, para sa pamilyang Pilipino at ikalawa, para sa
iyong sariling pamilya. Sundin ang katulad na pormat sa ibaba at ibahagi ito sa klase. Gamiting gabay ang
sumusunod na tanong sa pagsagot sa bawat kolum.
a. Kalakasan – Anong kalakasan mayroon ang pamilyang Pilipino at ang iyong pamilya batay sa pitong dahilan?
Anong natatanging kakayahan o kakanyahan mayroon ang pamilyang Pilipino at ang iyong sariling pamilya?

b. Kahinaan – Anong kahinaan ng pamilyang Pilipino at ng iyong sariling pamilya ang nagiging balakid sa
pagkamit ng tunay nitong layunin? Anong mga suliranin ang nagiging dahilan upang hindi magtagumpay ang
bawat kasapi ng pamilya na gampanan ang kanilang mga tungkulin sa pagkamit ng kaganapan?
c. Oportunidad – Anong oportunidad ang naghihintay na makatutulong upang mapagtagumpayan ng pamilyang
Pilipino at ng iyong sariling pamilya ang layunin nito?

d. Banta – Anong banta sa pamilyang Pilipino at sa iyong sariling pamilya ang kailangang bigyan ng tuon upang
hindi ganap na makaapekto sa pagganap nito ng kanyang tunay na layunin? Anong
puwersa sa loob o sa labas ng pamilya ang maaaring magsilbing balakid sa pagkamit ng pamilya ng tunay nitong
layunin?

Mga Dahilan Kalakasan Kahinaan Oportunidad Banta (Threat)


(Strength) (Weakness) (Opportunity)

E. Paglinang sa Sagutan ang sumusunod na katanungan:


Kabihasahan(Tungo sa 1. Bakit mahalagang magampanan ng bawat pamilya ang kanilang mga tungkulin sa lipunan?
Formative Assessment) 2. Bilang isang kasapi ng pamilya, ano-anong kontribusyon ang iyong maaaring ibahagi sa iyong lipunang
kinabibilangan?

F. Paglalahat sa aralin Ang pamilya ang itinuturing na pundasyon ng lipunan. Kung walang pamilya wala ring lipunan. upang mas
higit na mapaunlad ang lipunan, kinakailangan ng bawat miyembro o kasapi ng pamilya na magtulungan. Ang
pagtutulungan ay natural na dumadaloy sa pamilya sapagkat kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang
kalagayan ng buong pamilya.
G. Pagtataya ng Aralin Basahin at kompletuhin ang sumusunod na pangugusap. Isulat sa ibabaw ng bawat patlang ang iyong kasagutan.
1. Sa pamilya umuusbong ang ng bawat kasapi ng pamilya.
2. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng .
3. Nabuo ang pamilya sa pamamagitan ng ng isang lalaki at babae.
4. Ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya, at paghubog ng pananampalataya ay mga ng
pamilya.
5. May at na gampanin ang pamilya.
6. Ang ang pinakamaliit ngunit pinakamahalagang yunit ng lipunan.
7. Ang maayos na samahan ng mga kasapi ng pamilya ang nagbubuklod dito tungo sa
.
8. Mahalaga sa isang pamilya ang .
9. sa pamilya ang pagmamahalan.
10. Ang pagmamahalan ng isang lalaki at babae na pinag-ugnay ng kasal ay tinatawag na
.

You might also like