DLP Filipino8 Q2 Week 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

MASUSING Paaralan Mayor Praxedes P.

Villanueva II MHS Baitang 8


BANGHAY- Guro Aiko A. Juay Asignatura Filipino
ARALIN
Petsa at Oras Markahan 2/1

I. LAYUNIN
Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang
A. Pamantayang Pangnilalaman pampanitikang lumaganap sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt at
sa Kasalukuyan
Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa
B. Pamantayan sa Pagganap
pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan

Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa


binasa F8PB-IIa-b-24

C. Mga Kasanayang ⮚ Natatakay ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan


Pampagkatuto/Layunin ⮚ Nasusuri ang pangunahin at pantulong na kaisipan ng isang
teksto
⮚ Nabibigyang halaga ang Balagtasan bilang sandigan ng
Panitikang Pilipino

II. PAKSA:

Panitikan: Balagtasan
Wika at Gramatika: Pangunahin at Pantulong na Kaisipan

III. MGA KAGAMITAN


Modyul sa Filipino 8
Powerpoint Presentation
Aklat sa Filipino 8
https://www.youtube.com/watch?v=ZtYGeRQd6ok

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula BAGO MAGBASA
Pagganyak na mga tanong:

Nasubukan mo na bang mag fliptop? Paano ito ginagawa?


Anong uri ng panitikan ang katulad ng fliptop?

Gawain 1. PANIMULANG PAGTATAYA


Panuto: Tukuyin kung ang pahayag na nasa ibaba ay tama o mali.Lagyan ng kung ang pahayag ay
tama at lagyan naman ng kung ito ay mali.

Pahina 1 of 8
1. Ang balangkas ay isang hakbang sa pananaliksik na nagbibigay direksyon at gabay.

2. Isa sa mga hakbang sa pananaliksik ang pangangalap-tala.

3. Pananaliksik ang tawag sa sistematikong paghahanap ng mahala-gang impormasyon hinggil


sa isang tiyak na paksa o suliranin.

4. Tuloy-tuloy ang pagsulat ng kaisipan sa pananaliksik.

5. Sa paglimita ng paksa ipinapakita ang mga dahilan kung bakit nais isagawa ang pananaliksik.

6. Sa pagsulat ng burador, kailangan planuhin at isiping mabuti ang pananaliksik na gagawin.

7. Ang pakikipanayam ay hindi maituturing na pananaliksik.

8. Ang pagsulat ng pinal na pananaliksik ay ang huling hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik.

9. Mahalaga sa pananaliksik ang maayos na pagpili ng paksa.

10. Kung maayos ang pagkakasulat ng datos, hindi na kailangan ang pagwawasto at pagrebisa.

B. Pangganyak
Panuto: Ano ang pangunahing kaisipan na napapaloob sa larawan? Isulat ang titik ng tamang sagot.

Pahina 2 of 8
C. Paglalahad ng Aralin HABANG NAGBABASA
Malikhaing Pagpapabasa

Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan

Ang Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula. Nakilala ito noong


panahon na ang Pilipinas ay nasailalim ng Amerika, batay sa mga lumang tradisyon ng patulang
pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo.
Bago pa man masakop ng mga dayuhan ang ating bansa mayaman na sa tradisyo ng tulang
sagutan sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. May tinatawag na patulang Balitao ang Aklanon
maging ang Cebuano, isang biglaang debate ng lalake at babae. Sagutan naman ng kinatawan
o sugo ng dalawang pamilyang nakikipag negosasyon sa pag-iisang dibdib ng dalaga at binata
ang Siday ng mga Ilonggo at Pamalaye ng mga Cebuano. Sa mga Subanen naman ay sa
inuman isinasagawa ang sagutan. Ang unang bahagi ng ganitong gawain ay pagtikim ng alak
kung saan nalalaman ang papel na gagampanan ng bawat isa, ang mga tuntunin at iba pang
bagay na dapat isaalang-alang.
Ang Balagtasan ay isang makabagong duplo. Ang mga kasali sa duplo ay gumaganap
na nasa isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o
singsing. May gumaganap na piskal o taga usig, isang akusado at abogado. Ito ay magiging
debate o sinasabing tagisan ng katuwiran sa panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring
paiba-iba ang paksa. Bagama’t ito ay lumalabas na debate sa pamamaraang patula, layunin rin
nito na magbigay-aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan, talas ng isip, na may
kasamang mga aktor sa isang dula. Ang Balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang
maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong politika at napapanahong mga pangyayari at
usapan.

Pahina 3 of 8
Nabuo ang konseptong ito sa isang pagpupulong. Ang nangungunang mga manunulat
noong Marso 28, 1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres (Women's
Institute), Tondo, Maynila. Ito ay naganap bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kaarawan ng
dakilang makata na si Francisco Balagtas o Araw ni Balagtas sa darating na Abril 2. Iminungkahi
ni G. Jose Sevilla na tawagin itong Balagtas. Hinulapian ng “an” ang pangalan kaya nagging
Balagtasan na ang tawag dito.
Ang unang Balagtasan ay nangyari noong Abril 6, 1924. Tatlong pares ng makata
ang nagtalo na gumamit ng iskrip. Ang pinakamagaling sa mga nagbalagtasan ay sina José
Corazón de Jesús at Florentino Collantes, kaya naisipan ng mga bumuo na magkaroon ng isa
pang Balagtasan para sa dalawang kagalang-galang na makatang ito, nawala ng iskrip. Ginawa
ito noong Oktubre 18, 1925 sa Olympic Stadium sa Maynila. Si Jose Corazon De Jesus ang
nagwagi bilang unang Hari ng Balagtasan.Nakilala si Jose Corazon de Jesus bilang si "Huseng
Batute" dahilan sa kaniyang angking kahusayan sa Balagtasan noong 1920.
Mula noon hanggang ilang taong makalipas ang Ika-2 DigmaangPandaigdig, nagging
paboritong aliwan ang Balagtasan. Gumawa pati ang mga makatasa ibang mga wika sa
Pilipinas ng sarili nilang bersyon, gaya ng Bukanegan ng mga Ilokano (mula sa apelyido ng
makatang Ilokanong si Pedro Bukaneg at ng Crisostan ng mga Pampango (mula sapangalan ng
Pampangong makata na si Juan Crisostomo Soto).
Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa sumulpot ang mga samahang pampanitikang
nakabatay sa paaralan kung hindi magkakaroon ng pagkakatong mapabilang sa mga samahang
pampanitikan.
Ang Balagtasan ay karaniwang may mga paksang pinag-uusapan ng tatlo katao. Ang
mga kalahok ay inaasahang magaling sa pag-alala ng mga tulang mahahaba at pagbigkas nito
ng may dating (con todo forma) sa publiko. Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon
ng bawat panig( Mambabalagtas). May mga hurado na magsisiyasat kung sino sakanila ang
panalo o ang mas may makabuluhang pangangatuwiran.

PANGUNAHING AT PANTULONG NA KAISIPAN


Ang pangunahing kaisipan o pamaksang pangungusap ay ang pinaka-core na ideya sa
isang talata. Ito ay nagsasaad kung tungkol sa ano ang talata. Ito rin ang pangungusap na
nagbubuod sa paksa ng talata. Karaniwang makikita sa unahan subalit minsan ay sa gitna o
hulihang bahagi rin ito matatagpuan.
Mahalaga ang pagtukoy sa paksa at pangunahing ideya ng isang teksto para sa
lubusang pagunawa nito.

Ang isang teksto ay binubuo rin ng mga pangungusap na nagtataglay ng mga


pansuportang detalye. Ang mga pansuportang detalye ang nagbibigay-linaw sa pangunahing
ideya upang maunawaan ito nang lubos.

Ang mga pansuportang detalye ay nagtataglay ng mahahalagang impormasyon na


tumutulong sa mambabasa upang lubusang maunawaan ang tekstong binasa. Gayundin
nagtataglay ito ng mahahalagang impormasyon na tumutulong sa mambabasa upang lubusang
maunawaan ang pangunahing ideya o kaisipan ng isang teksto tulad ng petsa, pangalan, lugar,
paglalarawan, datos, istatistika at iba pang mahahalagang impormasyon na nagbibigay-suporta
sa pangunahing ideya.

Pahina 4 of 8
Mahalaga ang pagkilala at pag-unawa sa mga detalyeng nagbibigay ng suporta sa pangunahing
ideya / kaisipan dahil sa:
1. ito ang susi sa lubusang pag-unawa ng pangunahing ideya / kaisipan.
2. nakatutulong ang mga ito para madaling matandaan ang mahalagang impormasyon sa isang
teksto.
3. makatutulong din ito upang maunawaan ang pagkakabuo ng isang teksto.

Sa kabuuan ng araling ito, madali mong mauunawaan ang tekstong iyong binabasa kung
susundin mo ang dayagram na nasa ibaba.

D. Pagtalakay sa Aralin PAGKATAPOS MAGBASA

Pangkatang Gawain

Panuto: Hahatiin sa apat na pangkat ang ang klase.Bawat Pangkat ay bibigyan ng Iba’t ibang Gawain.

Pangkat 1: Ipaliwanag mo kung ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Balagtasan sa iba pang uri ng tulang
patnigan.

Pahina 5 of 8
Pangkat 2: Ang Balagtasan ay isa sa sandigan ng panitikang Pilipino. Paano mo ito mapananatili
upang maganyak ang kapwa mo mag-aaral na basahin, palaganapin at pahalagahan ito?
Sagutin ito sa pamamagitan ng concept map.

Pangkat 3: Ano ang pangunahing ideya sa binasang akda? Sagutin ito sa loob ng grapikong pantulong.

Pangkat 4: Ano-ano ang mga pantulong na kaisipan sa akda?

E. Paglalapat
Panuto: Punan ng angkop na sagot ang bawat aytem. Basahin ang bawat pahayag at tukuyin ang
pangunahin at pantulong na kaisipan

1. Ang bagyong Odette(2021) ay isang super bagyo na tumama sa timog at gitnang Pilipinas, ma may
internasyonal na pangalang Rai taon 2021. Binayo ng bagyong Odette ang Pilipinas noong
Disyembre 16, 2021 at sinira ang mga bahay, daan at buhay ng maraming Pilipino. Isa sa
pinakaapektadong lugar na nasalanta ng bagyo ang siyudad ng Bais kung saan maraming bahay
ang nasira at may mga buhay na nawala sa nasabing bagyo.

Pangunahin:___________________________________________________________________________

Pantulong: ____________________________________________________________________________

2. Maraming pook-pasyalan sa Negros Oriental. Isa na rito ang white sand beach ng Manjuyod. Maraming
turista ang dumarayo rito dahil sa mala-kristal na dagat at pinong puting buhangin.

Pangunahin:___________________________________________________________________________

Pahina 6 of 8
Pantulong: ____________________________________________________________________________

3. Dapat pangalagaan ang ngipin. Maganda itong tingnan kung ito ay mapuputi. Mabango ang hininga kung
walang sirang ngipin. Kailangan magsipilyo araw-araw upang maproteksiyunan ito laban sa mikrobyo.

Pangunahin:___________________________________________________________________________

Pantulong: ____________________________________________________________________________

4. Mabait na bata si Carol. Magalang siyang makipag-usap sa mga tao lalo na sa mga nakatatanda sa kanya.
Sinusunod niya ang payo ng kanyang mga magulang at guro. Tumutulong siya sa mga gawaing-bahay.

Pangunahin:___________________________________________________________________________

Pantulong: ____________________________________________________________________________

5. Ang mga taong mahilig magbasa ay may maraming kaalamang makukuha. Magagamit nila ang kaalamang
ito sa pang-araw-araw na buhay. Maliban sa pagbabasa, ito ay nakatutulong din sa mga tao upang maaliw
kung sila ay nababagot. Maraming benepisyo ang makukuha rito.

Pangunahin:___________________________________________________________________________

Pantulong: ____________________________________________________________________________

F. Paglalagom (2 minuto)

Paano nakatutulong ang kaalaman sa pagtukoy sa mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad
sa binasang pahayag?

G. Pagtataya (10 minuto)

Panuto: Ang mga sumusunod na talata ay nagbigay sa atin ng mga pansuportang detalye at
pangunahing ideya. Lagyan ng 😊 ang bilang kung ito ay nagsasad ng pangunahing ideya at naman
kung pansuportang detalye.

1. Ang katatagan ng loob ay mahalaga sa isang tao.

2. Kapag matatag ang loob ng isang tao ay nalalampasan niya ang bawat pagsubok.

3. Ano man ang pagsubok na dumating ay hindi niya ito inaayawan.

4. Sa halip, ay buong lakas na hinaharap.

5. Kaya, mahalagang ang isang tao ay may matatag na kalooban.

6. Kahit siya ay doctor, manunulat, siyemtipiko o ano pa man, nananatili siyang ama o anak, pamangkin
o apo, sa loob ng kanyang pamilya.

7. Dito ay iba ang kanyang katungkulan at ang pagkakilala sa kanya.

8. Sa lahat ng oras ay pangunahin sa kanya ang kanyang tungkulin bilang kasapi ng isang pamilya.

Pahina 7 of 8
9. Ang isang Pilipino ay bahagi ng kanyang pamilya.

10. Mahalaga na maging responsable ang isang tao sa bawat gawain na ibinigay sa kanya.

H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay (2 minuto) (Optional)

Manood ng isang balita at tutukuyin mo ang Pangunahing kaisipan at Pantulong na detalye sa napiling
balita. Isulat sa papel ang iyong napiling balita.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY

Inihanda ni: Sinuri at Tiniyak ang Kalidad ni:

AIKO A. JUAY MYRA CRISTY P. CRUSIO


Teacher I Master Teacher II

Inaprubahan ni:

NIMFA B. PUNO
EPSVR 1-Filipino / MTB

Pahina 8 of 8

You might also like