GULGOL-WPS Office

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

GULGOL

Mula sa aklat ni Alejandrino G. Hufana

"Diyos ko, Diyos ko!" buntunghininga ni Tiya Reling. Kanina dibdib. Parang may nakadagang di matanggal
ng kanyang pagpapagpag. pa pinapagpag ang kanyang

Huminga nang malalim. Muli bumalik sa isip niya ang pakikipagtalo niya sa tatlo niyang kapatid kagbi.
Boong isang araw lamang dumating ang mga ito mula sa Hawaii.

"Ako ngayon ang masusunod!" pasigaw na sinabi niya sa kanila.

At siya'y maluluha na naman. Parang bumigat na naman ang dibdib niya. Dapat kayang pasigaw ang
pagkabulalas niya sa mga binigkas niya sa kanila?

Nagreklamo si Tiya Nining na bunso nila kung bakit siya na panganay na lang lagi ang masusunod

"Ay, masyado naman sila!" nasabi niya sa isip niya sa pagkaalala niya sa panggugulo niya sa kanila.
"Palalo itong mga kapatid ko"

Muling dinungaw ang kabaong Ingat na ingat niyang pinunasan ng laylayan ng kanyang palda ang
salamin sa tapat ng mukha ng parang natutulog lamang na nanay nila si Lola Flora. Di mapagkakailang
sila talaga ni Tiya Reling ang magkahawig. Parang natutulog lamang ang matandang babae. Tulad ng
pagtulog niya kapag katatapos lang niyang managhalian.

Ngayon, siya'y mananatili ng tulog. Di na niya aabalahin pa "anak ko, pagtiyagaan mo sana ako," sinabi
noon ni Lola Flora. "sapagkat wala naman ang mga nakakabata mong kapatid na mag-aalaga sa akin.
Diyos na lamang ang bahala sa mga ginagawa mong pagtitiyaga sa akin. Ipagdarasal kita palagi, anak ko."

"Oo, alam ko na 'yan," lagi naman sinasambit ni Tiya Reling ngunit di alam noon ni Lola Flora kung ano
ang nilalaman ng puso ni Tiya Reling. Di na siya maglalambing na hihingi ng gintong papel o kaya'y
sasabihing may nagsasayawang mga bata sa ulunan niya. Para bang pinagpahinga niya si Tiya Reling sa
pagsigaw sa kanya kapag nagsasawa na siya sa pakikinig ng kanyang Dung-aw Kundi naman ay ang
paglalambingniyang humilingng eroplanong sasakyan niyang muli papuntang Hawaii. Maluluha na
naman si Tiya Reling. Maski papaano alam ng Diyos na minahal niya ang nanay niya noong buhay pa ito.
At maninibago siya kapag wala nang mang-aabala sa kanya sa gabi dahil naitain na naman ng nanay niya
ang higaan niya at di naman ganun kadali bumili ng pampers sa Laoag. At naalala niya kapag dinadalhan
niya ng pagkain sa kuwarto nito. Di na siya makabangon noon.

"ako ngayon ang masusunod"

Ano ba kasi ito na nararamdaman niya sa mga kapatid niya? Tampo? Awa? Galit? Ganti? At bakit?
Lumabas siya. Gusto niyang makasagap ng sariwang hangin. Upang hindi na lang palaging amoy-
balsamado ang naamoy sa loob.

Naamoy niya ang usok mula sa harap ng bahay. Sinusundot-sundot kasi ng mga bata. Dinagdagan pa ng
tuyong dalhoon ng niyog. Naging sanhi ito upang lumaki ang apoy at napaurong ang mga bata.

"Lumayo kayo riyan, mga anak!" pagalit na sabi ni Tiya Reling. Mayroon pang bakanteng mesang iniwan
ang mga napuyat na nagsugal kagabi. Nagkalat ang mga upos ng sigarilyo sa tabi maski winalis na kanina
ni Tiya Saring, ngunit sinita ng mg a matatandang babae. Ipinagbabawal ang pag walis dahil masama
raw. Pinigilan nila pagkat mayroon daw sasunod na mamatay pagkalibing ng patay. "Ay, Flora. Ayaaaa..
Tingnan mo mga anak m o, narito na sila sa harap mo, lahat sila.

Ay, kapatid aya. Susunod din kami..."

Nagtakbuhan ang mga batang sumilip sa bintanang may dyalosi sa sala ng bunggalo upang tingnan ang
mga umamtungal na iyak. Ngunit maski di nila tingnan, alam nilang si Lola Minang iyon dahil siya ang
taga- Dung-aw kapag may namamatay. Parang napilitan gumising sina Tiya Nida at Tiya Nining sa pag-
atungal na iyo ni Tiya Minang. Lumabas sila sa Kuwartong tinulugan nilang dalawa. Kinukusot sila ang
mga mata nila paglabas. Kagigising lang din kanina ni Tiyo Paniong, naroon nang nakikipagpulutunan ng
kilawin na kambing sa likod ng bahay.

Parang nagdahilan lang si Lola Minang sa pag-atungal dahil wala naming makitang luha ang mga bata sa
mata niya. Saminga pa at ipinunas ang palda niya. Umupo sa tabi ng ataul.

"wala man lamang mag "dung -aw na ina n'yo Reling. Parang kunwari lang ang pagpanaw niya. Di niyo
alam ang halaga nito, mga anak. Ang dami niyang dinanas na hirap sa inyo, para lamang wala sa inyo ang
pagkamatay niya. Ipagpauma nhin niyo kung nasabi ko ito" sabi niya. Hindi matahimik ang bunso. Basta
na lang nakaupo pasandal sa tabi ng kabaong na parang malayo ang iniisip. Bakit parang nakalimutan
niya ang mga pinagsasabi niya kagabi sa mga kapatid niya?

"Wala man lang akong ka pangyarihan bilang kapatid niyo. Maski sinong Poncio Pilato ngayon ang
haharang, ako ang masusunod."

Bakit niya nasabi 'yon?

"Buti naman mga anak at nakauwi kayong lahat. Upang makita n'yo ang ina ninyo sa huling pagkakataon.
Samahan niyo ang kapatid n iyong magligpit sa ina n'yo at nang makaalwan na rin siya," sinabi na naman
ni Lola Minang patungkol kina Tiya Nida at Tiya Nining, hinawakan niya ang malambot na braso ni Tiya
Nining

"Ito lamang ang pagkakataon ng pagkikita naming ng aming Ina. Ang maha lag sa amin si Nana. Matagal
na 'yung pagkamatay ni Tata. Kung malapit lang sana ang Hawaii rito sa Paoay, maski araw araw kaming
umuwi," sagot ni Tiya Nida papalapit sa may kabaong ng patay. Di kalayuan ang inuupuan ni Tiya Reling
na nagbabantay. Bumubukas pa lang ang mga mata niya. Di malaman kung namaga ito sa paghihinagpis
o sa pangyayari kagabi.
"Wala kang magagawa. At, kung kami ang magsasabi ng nararapat sa libing ni Nana. Bakit. ikaw lang ba
ang anak upang ikaw lang ang magdesisyon?" yan naman ang kagabi. sinasabi ni Tiya Nida

"Hindi pwede! Bigyan niyo rin ako ng importansya bilang kapatid niyo. Hindi dahil nasa

inyo na lahat!" yan naman ang sagot ni Tiya Reling at umiyak na siya. Napakaiyakin pa man din ni Tiya
Reling. Maski kunting salita lang ng mga kapatid niya, iiyak na siya ang nagmana sa ina nila. Mababaw
ang luha sabi nila. Konting paninita o konting nararamdaman sa katawan, iniinda na. Atongal pa na
animo'y may babagsak na bundok sa dibdib. niya

"Buti nariyan ang ate ninyog umaasikaso sa ina niyo. Hala nagawa naman na siya sa buhay sa walumpot
edad niya. Susunod na rin kami, anak. Maraming hirap si Reling sa kanya at ulayanin na siya.
Maghahanap ng berde na kawali. Hihingi ng pulang gatas," sabi uli ni Lolang Minang.

Walang imik si Tiya Reling habang nagpupunas ng salamin ng kabaong. Parang lalong umitim ang itim
niyang damit. Nakabelo at may taling itim bilang simbolo ng pagluluksa niya. Nang mapagtanto niya ang
kanyang sarili, hinila niya ang karton sa ilalim ng kabaong, inilabas ang belo at telang simbolo ng
pagluluksa. Iniabot kay lola Minang.

"Ina, ilagay mo ang belo at itim na telang simbolo ng pagluluksa," sabi niya. Napalingon agad sina Tiya
Nida at Tiya Nining sa kanya.

"Ano ba ang mga yan? Hayaan mo na "yan. Sasakit na naman ang ulo ko. Di sa pagsusuot ng itim at o
paglalagay ng itim na telang simbolo ng pagluluksa naipapakita ang paghihinagpis para kay Nana," sabi ni
Tiya Nida.

At tumulo ang luha ni Tiya Reling sa kanyang naririnig. Bakit kaya ganun na lamang ang sakit na
nararamdaman niya para sa mga kapatid niya? Mula pa noong dumating sila. At lalong lalo na kagabi sa
pagtatalo nila ng salita.Hindi sila pinapaniwalaan. Maski sa pagsusuot lang ng hindi nila
pinapahalagahan.

Kagabi, sinabi pa kasi ni Tiya Reling na ibenta na sila 'yong lote nila sa dulo at di naman nasasaka para
may panggastos sa pagapapalibing kay Lola Flora. Di naman napapakinabangan ang lupang iyon at
walang inaani kasi bundok nga. May mga tumubong singkamas ngunit iba naman. ang kumukuha. Kung
minsan, walang makapunta sa kanila roon upang mangahoy. Ngunit, sabi ng mga kapatid niya. Lalo na si
Tiya Nining na di sila papayag.

"E, "yun na lang ang alaala natin sa mga magulang natin," wika ni Tiya Nining. Mahalaga ang minanang
lupa. Sino ang makapagsasabi kung ditto rin kami titira pag nagretiro kami sa Hawaii. Kung doon naming
gustong magpatayo ng bahay. Di natin masabi ang kapalaran, ate. Kaya huwag natin ibenta iyon. At
huwag kang mag-alala at may nakalaan para sa pagpapalibing kay Nana."

Diyan nagsimula ang palitan ng salita kagabi at kung saan-saan na nakarating ang usapan - na parang
batong gilingan na nakadagan pa rin sa dibdib ni Tiya Reling
"Pagnamatay ang tao, wala na, Ina. Tayong mga buhay ang mahalaga ngayon. Sa oras at kagustuhan ng
Diyos tayo mamamatay. Lalong masakit ang paghihinagpis pag naka itim tayo. Parang masyadong
mabigat ang pakiramdam pag ganun," wika ni Tiya Nining dahil ipinipilit din ni Lola Minang ang
paglalagay ng itim tulad ng bilin ng ate niya.

"Kailangan pa ring magsuot tayo ng itim sapagkat ito ang nakasanayan. Masama ba 'yan?" nakapagsalita
naman si Tiya Reling.

"Sapat naman na siguro, ate, na umuwi kami uli para mailibing nating lahat si Nana. Iniwan naming ang
trabaho naming sa Hawaii, nagsakripisyo kami pagkat pinapahalagahan naming si Nana. Alam naming
magpapahinga na si Nana sa piling ng Diyos sapagkat siya ay mapagkalingang ina. Masakit ang pagpanaw
niya, ate, ngunit pinipigilan lang naming 'yang pagsusuot ng itim, magpapabigat lang sa dibdib natin,"
sabi ni Tiya Nining.

"Yan lang paglalagay ng itim na telang simbolo ng pagluluksa mahirap sa inyo. Isaalang alang na lang
ninyo sa namatay nating ina. At hindi sakripisyo ang pag-uwi ninyo rito, obligasyon ninyo 'yan bilang
anak" isinagot ni Tiya Reling na di pa tuma tayo sa inuupuan niya.

"Ang mahalaga, ate ang maayos na pagkalibing ni Nana. Narito tayong lahat na magkakapatid upang
ihatid siya sa huling hantungan. Maski huwag na nating pagkaabalahan ang magsuot ng itim. Hindi iyan
ang magpapakita ng paghihinagpis natin. Isa pa, upang narito lamang si Nana sa isip natin, i-video
naming ang pagkakaburol at pagkakalibing niya. At kapag maalala at ma- miss naming siya pwede
naming panoorin pag nasa Hawaii na kami."

"'yan ang hindi pwede!" parang kinurot na naman si Tiya Reling. "Noong bago mamatay si Nana, Ibinilin
niyang huwag ninyong ibi-video ang libing niya na tila isang artista tulad ng ginawa ninyo kay Tata. Wala
man lang kayong paggalang sa kagustuhan niya. Hindi dahil sa marami na kayong kuwarta magagawa na
nin yo ang lahat ng gusto niyo."

"Bakit kayo ganyan mga anak?" tanong ni Lola Minang. "Hala magtigil kayo. Nining, anak. ko, kung
pagbigyan mo kaya ang ate niyo..."

"Ay, noong namatay si Tata, di nila kinumpleto ang padasal sa kanya. Di pa tayo nag gulgol dahil ayaw rin
nila noon. Kaya nga parang laging mabigat ang bahay at katawan ng may ballay mula noon. Aywan ko
kung naramdaman ninyo yan noon, suminga pa si Tiya Reling. "Tulad ng sinabi ko, ate huwag mong
dibdibin ang lungkot. Kaya lagi na lang ganyanang nararamdaman mo kasi ayaw mong magrelaks. Baka
diyan mo na rin makuha ang high blood mo Di ka naawa sa sarili mo. Mamamatay tayong lahat, tandaan
mo yan. Dinagdagan mo lang ang hirap mo sa kakaisip ng kung ano ano. Sinasabi nanga naming sa iyo
magrelaks ka upang di natin maramdaman ang lungkot ng pagkamatay ni Nana dahil matunda na siya.
Dapat nang mamahinga sa kanyang edad. Kung lahat tayo'y masyadong malungkot, walang mangyayari
sa atin. Iba na ang panahon nagyon ate," si Tiya Nining muli, talagang mahusay magsasagot kay Tiya
Reling. Lihim na sinisiko ni Tiya Nida para itigil na niya ang pakikipagdebate sa ate nila. Buti na lang wala
silang kasamang iba sa sala nagving bukod kay Lola Minang.

"Ala, ipagdasal na lang natin ng siyam na gabi upang di tayo magka yan ang bilin niya" sala sa kanya.
Dahil yan ang bilin niya"

"Ang dami mo naming pang-aabala sa sarili mo, ate. Maliligtas si Nana pagkat mahal siya ng Diyos.
Nagpupuyat lang tayo masyado. Pati mga kapitbahay, napeperwisyo rin."

"Huwag n asana nating ulitin ang nangyari kay Tata na saka lang nadasalan noong papunta na sa
simbahan. Dahil 'yan ang gusto ninyo noon. Nang siya'y mailibing, hindi gumagaling ang sakit ng katawan
namin, hugpungan at lahat na. Sabihin ko muli, ang bigat ng pakiramdam ng bahay."

"Hindi kailangan 'ya ng paulit-ulit na dasal..." di naituloy ni Tiya Nining dahil tiningnan siya nang masakit
ni Tiya Nida.

"Noong namatay si Tata, ipinilit ninyo ang gusto n'yo. Hindi napadasalan. Hindi nagsiyam. Di kayo
nagsuot ng itim na damit dahil di na uso, sabi n'yo. Nag tishirt lang kayo ng puti, di kayo nag-gulgol na
para bang di tayo namatayan. Mas pinag-ukulan ninyo ng panahon ang pagbabakasyon n'yo na
pinaggastusan ninyo nang Malaki. Mayaman na kayo kaya nagagawa ninyo lahat ng gusto n'yo. Ngunit di
na kayo nagyon ang masusunod." masusunod. Ako naman ngayon ang

"Huwag ganyan ang sabihin mo. Mahal naming si Nana. Sino ba ang nagsabi na hindi?"

"Madaling magsabi ng pagmamahal. Maraming bilin si Nana bago siya namatay. Kayo ba ang
nakaramdam ng paghihirap sa kanya? Naranasan niyo bang gumising ng hatinggabi upang pigain ang
hinain niyang higaan? Magpalit ng pampers? Magbuhat? Magbihis? Tinatahulan pa ako ng aso. Ngunit
nagtiyaga ako dahil ina nga natin siya. At ako naman ang naririto. Kami lang ang nakasama niya. Kaya
kami na ngayon ang masusunod kung ano ang gagawin sa pagpapalibing sa kanya. Ibinilin niyang
mapadasalan siya. Magsuot tayo ng itim. Pero parang walang kuwenta sa inyo yan. Mag gulgol din tayo.
Maigawa ng kakanin na maialay sa mga ispiritu sa ika-9 na araw. Maigawa ng sarisaring kakanin, tulad ng
butsi, atb. Gusto niya yung sigarilyong parsik kaya gawin natin at wala naming masama. Hindi 'yung
gusto n'yo lang ang nasusunod. Tulad ng ginawa n'yo muli kay Tata?" napakahaba ng litanya, hinihingal
pa nang masabi niya lahat iyan.

"Napakaraming abala ang nais mo, ate. Ano ang kahalagahan ng itim na damit sa pagluluksa? Bakit
nagyo ka lang nagpupumilit nang ganyan? Noong namantay si Tata, hindi natin pinagkaabalahan ang
mga ito. Maayos naman ang lahat, sa awa ng Diyos. Inilibing natin ng wala tayong pinagtalunan. Tayo-
tayo lang na magkakapatid, di pa magkakaintindihan. Masyado kang atat sa pagpapaalala sa mga iyan.
Sana kung masolo natin ang pagsasakatuparan ng mga yan. Parang may ibang bagay kang kinaiinisan,"
ani Tiya Nining na sumunod kay Tiya Reling na nagtungo sa kusina. Nahihiya rin ako kay Lola Minang.

Sinasabi ko lang ang ibinilin. At iyan ang isasagawa. Lagi niyo na lang kinikontra ang gusto naming
mangyari. Wala naming masama sa pagsusuot ng itim at para naman na kayong di tagarito."
"Ano, ate ayaw mo pa ring ipa video? Anong silbi ng iniuwi naming video? Kung di naman magamit
upang may mapanood kaming alaala pagdating namin sa Hawaii? Wala naming masama e." umupo sila
sa mga plastic na upuan na naka paikot sa mesa sa kusina. Ngunit di sila magkaharap. sapagkat kahit
hinarap ni Tiya Nining ito, inibilera naman ni Tiya Reling ang upuan sa komer ng mesa at ang gilid ang
hinaharap ni Tiya Nining

"Para naming hindi seryoso ang pag -asikaso niyo sa bangkay ng ina natin. Parang ikinatutuwa ninyong
panoorin ang pangyayaring ito. Imbis na alaala ika niyo, panonoorin ninyo ang nakakalungkot na
kamatayan niya. Mga nakababata kong kapatid, ang tiniis kong hirap kay Nana na di niyo alam. Nasaan
kayo noong siya'y dumudumi sa gabi? Maski isanlibo't isang pampers, kuwarta at ensure ang ipinadadala
n'yo sa kanya, hindi mapapantayan ang mga ginagawa kong pag-aaruga sa kanya. Na hanggang ngayon,
di pa ako nakabawi sa dami ng dinanas kong hirap. Di ko man lang yata maranasang maging maalwan
ang buhay ko. Na tulad din sana sa inyo na magagawa ko ang gusto ko. Ngunit alam kong malupit ang
kapalaran sa akin. Gayon pa man, mayroon ding darating na suwerte sa akin at sa aking mga anak. Kami
na ngayonang masusunod sa pagpapalibing kay Nana.?

"Bakit ganyan ang pinagsasabi mo? Sinisingil mo ba 'yan sa amin, ate?" may hinanakit sa tono ni Tiya
Nining. At dina niya mapapalampas ang mga ganito. Kailangang idepensa na rin ang sarili niya. "dahil
kung kami naman sana ang naririto, gagawin din namin iyan kay Nana. Dahil mahal nga natin siya, ate.
Ngunit nakaguhit siguro na magkakalayo tayo sapagkat may trabaho ang bawat isa sa atin. Kaya't huwag
ka na sanang maningil nang ganyan.

"Hindi sana ang pagpanaw ni Nana ang kaguluhan natin, Ate." giit ni Tiya Nida. Di na niya napigilang
pumasok sa kusina. Tumayo sa may pintuan.

"Sinasabi ko lang ang bilin ni Nana. Sapagkat di n'yo man lang ako binigyan ng pagpapahalaga bilang ate
n'yo. Kayo na lang ang nasusunod pagkat kayo ang makapangyar Ngunit ako ang masusunod ngayon!
ihan.

"Bakir ganyan kang magsalita, Ate?"

"May Karapatan ba ako bilang ate n'yo sa desisyon n'yo? Kayo na lang ang nagsasabi ng gusto n'yo.
Sumusunod na lang ako sa nais niyo. Ngunit nagyon, ako ang masusunod sa mga bilin ni Nana. Sa ayaw
at sa gusto niyo!"

Tumayo na si Tiya Nining na tila nagpantig ang tainga niya." Aywan ko, ate, kung totoo ang mga bilin ni
Nana sa ito. Palagay ko, sanhi ng sama ng loob mo sa amin ang pagkontra mo sa nais naming gawin dahil
sa hindi naming pagkuha sa iyo sa Hawaii. Ngunit paano ka naming kukunin e over- age ka na at may
asawa ka na."

Umatungal na si Tiya Reling. Hinawakan niya ang dibdib niya at bumalik na sa sala, tila hindi niya nakita
si Tiya Nida sa may pintuan at muntik na niyang mabangga, agad na sumandal sa gilid ng kabaong.
Nagdung- aw siya "ay Nanang kooo, patawarin mo sana kaming mga anak mo. Ay, Nanang kooo,
mapagmahal... hinihilinh naming ang pagpapatawad mo sa amin. Tingnan mo kaming magkakapatid at ni
hindi nila ako pinakikinggan. Marami kaming pagkukulang sayo, Di na kami nagkakaintindihan. Nana...
ang mga naisangla at naibenta kong mga lupa, wala na at pinagpaaral ko sa mga anak ko. Dahil hindi
alam ng mga kapatid ko ang lahat ng paghihirapa ko na iniwan nila. At pati ang loteng kinatitirikanng
bahya ay naisangla ko na sa bangko. Patawarin mo kami. Nanang ko ang mga ito, Nana, ang
nagpapabigat nang husto sa dibdib ko. Pagkat ako ana nag nakakaawang naiwan sa pagtitiis at
paghihirap. Ay, naki naman, kung nakarating din sana ako roon sa sariwang pastulan, Nana, nagbago na
rin sana ang buhay naming. Ngunit, Nana. patawarin mo sana kami a...?

At nahawa sa pag-iyak si Lola Minang

"grabe naman ito. Bakit sinabi mo pa iyan? Sabi ni Tiya Nining

"malulungkot lang siguro ang kapatid ninyo. Hayaan niyo muna ipahintulot niyong mailabas niya lahat
nga nararamdaman niya. Upang dina naman siya manghina. Sinaklolohan lang nga naming noong wala
pa kayo," isinagot ni Lola Minang na tumabi sa kanila. Pagkaraay nilapitan niya si Tiya Reling n a
humihikbi pa rin. "Reling, anak, tama na." "paulit-ulit na sinasabi ni Ate ang mga iyan. At palagi niya
isinisisi ang di niya pagkapunta sa Hawaii. Kung iyan ang nais niya, huwag niya isahay ang sama ng loob
niya sa pagkamatay ni Nana. Kung iyang di niy a pagpunta sa Hawaii, huwag idawit sa oras na ito ang
kalungkutan niya"

nagagalit na rin si Tiya Nida pero hindi niya nilalakasan ang boses niya.

May pumasok. Si Lola Bibing nakapatid ng yumaong Lola Flora kuba na siyang maglakad at nakatungkod.
Sapagkat maski pinadadalhan din nila noon ng Ensure na iniinom niya, mahina na rin ang kalusugan niya.
Katatapos lang niyang magpausok ng kakanin sa labas at lumapit sa mga kapatid niya.

"Ala, anak ko, isaalang-alang niyo na lang sana sa ina n'yong nakaburol Hindi sana maging sanhi ng
pagkaabala ng pag-akyat sa langit ng kaluluwa niya ang pag-aaway niyo ngayon. Hinfi naman siguro
masama kung susundin natin ang nakaugalian natin tuwing may namamatay.

Hindi dahil iyon ang bilin ng ina niyo. Anong masasabi mo, ate?" lumingon siya kay Lola Bibing.

"anong bilin ate?" tinanong ni Lola Bibing at lalong kumulubot ang noo niya. "alam nasa sa inyo na iyan.
Trya," sinabi ni Tiya Nida. "kayo na lang bahala."

Nagsama-sama ang matatandang babae sa sala nang gabing iyon. Nakaharap silang lahat sa may ataul.
Humarap sila sa larawan ni Jesus na nakasabit sa itaas ng ataul. Si lola Minang ang nagpagsimunong
dasal. Dahil siya lagi ang taga-dasal sa pook nila. Si tiya Reling lamang ang naroon sa kanilang
magkakapatid. Nakasalampak sa lapag ang ilan sa mga nakipagdasal. May mga ina ring nagkandong ng
mga bata na nakipagmagdamagan din. Makikita rin ang matatandang babaeng inaantok na kunwnag
nagdarasal din sa pagbuka ng mga bibig bula. Maski inaantok na rin si tiya Reling, nagti tiyagang
sumasagot kapag dinarasal ang "Ama Namin". Nasa kusinang nakikpagkwentuhan ang mga kapatid niya.
Nakikipaghalakhakan sa mga kwento ni Lito Wallit na kanina pang umaga nakainom. Ikinukuwento ang
mga karanasan nila noon nina Tiya Nining sa Comcomloong at ang sama-sama nilang pakikipagsayawan
sa Anggapang.
"Aba, Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya. Ang panginoong Diyos ang sumasaiyo. Bukod kang
pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong anka na si Jesus."

"Santa Maria na ina ng Diyos, kami'y mamamatay, Amen." ipanalangin mo kaming makasalanan. Ngayon
at kung kami'y mamamatay, Amen."

"Salviari na Ina ng awa, buhay at tamis pahinga naming. Patawarin n'yo po ang kasalanan naming..."

"Ama Namin, sumalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sun din ang loob
mo ditto sa lupa para ng sa langit."

"tanggapin niyo po sana ang kaluluwa ni Flora upang makarating sa kaharian niyo. Ganoon din ang
kaluluwa ni Basilisa, Pacifico at Constantino..."

Dinasalan din ni Lola Minang ang telang itatali ng mga nauli la ng namatay. "HAla, lumapit na kayo, mga
anak, at ilalagay ko na ang telang simbolo ng pagluluksa. Huwag kayong tititgil o magpapabalik- balik at
masama. Kung sino mauna, halika na."

Hinipo ni Lola Minang nang noo ng mga kamag-anak at pamilyang naulila pagkatapos ay inikot at itinali
ang telang itim sa noo nila. Hinilot-hilot niya nag noo ng mga ito ng ilang sandali upang maginhawaan at
maaliw ang nakasuot nito. Nakaluhod ang mga ito nakaharap sa ataul. May ibinulong siyang dasal.
Nilagyan niya rin ang mga apo at malapit na kamag-anak

Nang mailagay ang mga telang itim, isinawsaw ni Lola Minang ang hintuturo niya sa suka at hinaplos sa
mga daliri niya upang di siya akaramdam ng ano man pagkatapos hilutin ang noo ng mga nilagyan niya
ng telang itim.

Sinabi pa ni Lola Minang na bawal ang maghinuto sa lamayan kahit ang oagsindi ng sigarilyo sa baga at
paghinuko.

Ipinagbawal pa ang pagsuklay sa loob ng bahay. Pag kasi nagsuklay ka raw, maraming malalagas na
buhok na nangangailangan ng pagkaubos ng kamag-anak mo.

Sa bawat pagdarasal ng siyam na gabi, laging may nakahandang pagkaing alat sa patay at iba pang
kaluluwang dadalaw sa kanya. Di nawawala riayan ang pinadis niya. Mayroon pang ikmo, bunga, alak at
isang maliit na hiwa ng kalmnan ng alagang hayop. Di rin mawawal ang kandilang nasindihan sa gitna ng
alay na nagpapakita ng liwanag sa lugar niya. Sinabi ni Lola Minang, pag nagmagdamagan ang alay,
puwede ng kainin ng mga may gusto at mawawala ang mga nararamdamang sakit.
Nagpaltanda si Lola Minang ng dalawang manok. Tandang at inahing kakyatin nila pag paalis na ang
patay patungong sementeryo upang makarating daw ang kaluluwa nito sa langit. Ipinasaalang-alang ni
Lola Minang na darating ang pamangkin nilang si Lisa na galing Pagudpud, dajil buntis, siya ang unang
lalabas na susundan ng bangkay upang wala nang sususnod na mamatay pagkatapis ng pumanaw.
Iniatas pa ni Lola Minang nap ag nailibing na ang patay, dapat bukas ang pinto hanggang gabi dahil
babalik pa't dadalaw ang kaluluwa ng namatay sa pamilya. Kah it nakalapat lang ang pinto. Gagawin "yan
sa loob ng isang Buwan.

Araw ng libing. Nakaitim si Tiya Reling. Nakatalukbong. Kahit ang ilang sumama sa libing. Ang mga
kapatid lang ni Tiya Reling ang nakaputi at walang talukbong. Hawak nila ang kamera at Video nila. Kahit
ipinagbawal ni Tiya Reling na huwag i-video si Lola Flora, wala siyang magawa.

Salitan silang humalik at nagmano sa ina nila bilang simbolo ng mainit na pamamaaları nila, pasasalamat
at paggalang sa minamahal nilang ina. Nang palabas na sa bahay ang patay. sinundan ito nang walng
puknat na iyakan ng mga magkakapatid at nahawa rin ang mga nakipaglibing. Parang asong ulol si Tiya
Reling na ayaw pakawalan ang bangkay. Gayon din ang mga kaptid niya. Di nila binitiwan ang ataul at
saby-sabay nag iyakan nila. Ipinasok na ang ataul sa sasakyan ng punerarya. Isinabay ang pagpugot ng
ulo ng dalawang manok na natilamsikan ang dugo sa lupa. Hanggang maghinalo sila. Sumunod ang
miyembro ng pamilya, kamg-anak at mga kapitbahay sa paglakad ng sasakyan habang pinatutugtog ng
naninigarilyong Drayber ang nakkaiyal na tugtog na "Ave Maria."

Malamig ang tubig ng Paoay Lake. May matatandang babaeng nakalubog na sa tubig ang nagbabanlaw
ng mga damit, kurina, talukhong at iba pang nagamit ng mga naulila. Tumulong sa paglalaba ang lahat ng
mga kapitbahay. Inilabas lahat ang mga nagamit sa loob ng bahay upang baguhin na naman. Kahit an
mga sasakyang ginamit sa libing, pinaliguan din. Tinawag lahat ang mga taong gusting mag- gulgol Tulad
ng paniniwala nila, mawawala ang pananamlay pagsumama ka sa gulgol pagkatapos ng libing.

Nakapambahay na blusa at shorts si tiya Reling. Parang lalong lumiit at pumayat sa edad niyang
animnapu. Di tulad ng mga kapatid niyang walang bahid ng nagdaang panahon dahil malulusog ang
pangangatawan nila lalo na si Trya Nining na mahigit nang apatnapu.

Inihanda ni Lola Bibing ang posporo, arutang at nakatasang suka na pang- naulila. Lahat ng humawak sa
bangkay, nagbuhat ng ataul at nagsilbi sa burol, sumama sa gulgol sa mga gulgol. Lungkot na lungkot si
Tiya Reling dahil di sumama sa kanya ang mga kapatid niya. Di naman masyadong malayo ito sa bahay
nila para sabhing tinatamad silang maglakad o ayaw nilang matagtag sa dyip dahil bako-bako ang
kalsada patungo sa lawa.

Inilabas ni Tiya Reling ang sama ng loob niya kina Lola Bibing at Lola Minang na nasa tabi niya.
"totoo, masama ang lob ko dahil wala man lang ginawa ang mga kapatid ko upang makarating ako sa
Hawaii. Sapat na 'yung sinasabing lagpas na ang edad ko. Bakit di man lang nila nireme dyuhan?
Maganda na rin sana ngayon ang buhay ko. Ngunit ang sama ng loob ko'y unti-unti na ring Nawala sa
pagdaan ng panahon. Di dahil binibigyan nila ako ngunit lalo na noong dinala nila rito si Nana upang
ditto na manirahan. Napag-isip-isip ko na rin noon na marahil ay nais ng Diyos na dito ako sa Pacay
manirahan para may matirhan ang mga magulang naming pagtanda nila. At ganyan nga ang nangyari.
Nang magretiro sa Hawaii ang mga magulang naming at nais nilang manirahan sa Pilipinas, sa piling
naming mag-a mamatay sila... wala na akong tampo sa mga kaptid ko." sawa sila tumira... hanggang
mamatay sila... wala na akong tampo sa mga kaptid ko."

"Hala, anak, Mabuti naman... at wala ka nang tampo sa mga nakababata mong kaptid."

"Kung ano man ang nasabi ko sa kanila, pinagsisihan ko na lahat. Marahil, nasabi ko ang mga yon dahil
wala na si Nana na pagsasabihan ko ng mga sama ng loob ko sa di ko pagpunta sa Hawaii para sana di
kaawaawa ang mga anak ko sa pag- aaral nila noon... humihikbi na naman si Tiya Reling. At humagulgol:
"ay, Nana...ay, Nana..." "Hala, tarna na, Reling anak... magpasalamat ka at mabait ang asawa mo...
tahimik... kahit awayin ka ng mga kapatid mo, hindi siya nakikialam dahil alam niyang di siya data
makialan sa away ninyong magkakapatid," sabi naman ni Lola Minang.

"At magpasalamat ka dahil sa kabila ng hirap ni nyong mag asawa, napagtapos n'yo na ang mga anak
n'yo," pang -aliw naman ni Lola Bibing. "Hala, anak, itapat mo na ang ulo mo sa arutang. at mag- gulgol
ka na."

Sinunog na arutang ang nasa loon ng baki na naksabit sa sang ng kakawati na ibinaon sa lupa. Pinatuluan
kanina ng suka mula sa basyo ng langis ng caltes na pinagbabaran ng mga lumang barya. Pag nabasa
nang konti ang abo ng arutang, ang aruyot nito'y tumang gulgol, bubula na parang siyampu pag kinusot.
-tama sa ulo ng mag-

"Ano, di sila pupunta rito?" tanong ni Tiyo Ben na nakalusong na rin sa tubig. Pinsan ni

Tiya Reling ito. Ang mga kapatid ni Tiya Reling ang ibig niyang sabihin. Bago sumagot si Trya Reling at
maitapat niya ang uko sa pang-gulgol, may parating

patungo sa lugar nila. Paparating sina Tiya Nida, Tiyo Paniong at Tiya Nining. May mga kasama silang
magpapa- gulgol.

Napatayo si Tiya Reling. Dumating kaya ang mga kapatid upang inisin siya o ano?

Ngunit hindi yata. Naka-shorts at naka-t-shirt din sila at may dala silang tig-isang tuwalya. Nariyan na si
Tiya Nining, inunahan niya sina Tiya Nida at tiyo Paniong. Naiiyak si Tita Nining na yumakap sa nagulat na
si Tiya Reling. "ate, patawarin mo sana kami kung nasaktan ka naming. Marahil, dahil aburido kami sa di
pagkaunawa sa sitwasyon mo. Mahal ka naming. Ate. Bakit naman hindi...?"

"Kapatid ko..." "yun na lang ang nasabi bi Tiya Reling. Di niya pinuna ang tumulo niyang luha. Itinapik ni
Tiya Reling ang payat niyang palad sa malapad na likod ng nakakabata niyang kapatid.

"Bakit ba kayo ganyan...?" ani Tiya Nida. Nakangiti siya. Kinakamot naman ni tiyo Paniong ang ulo niya.
Siya ang pangalawa mula sa panganay. "Mag -gulgol ba tayo o ano?"

"Hala, Nining, mauna ka na, anak, para maginhawa ka. Iaagos ng tubig lahat ng sakit ng katawan at isip,
lahat ng lungkot ninyo a pagyao ng ina n'yo. Ganyan talaga ang buhay. Anak." Ani lola Bibing. "Hala,
anak, itapat mo ang ulo mo sa gulgol, Reling. Anak, hilutin mo ang mga braso at likod ng nakababata
mong kapatid upang maginhawaan..."

Umupo si Tiya Nining, itinapat ang ulo sa guigol Tumulo ang tubig sa ulo niya mula rito, nakakaginhawa
ang tubig sa ulo niya, sa mukha, sa batok niya.

Habang pinatutulo ni Loka Bibing ang tubig sa nasunog na arutang hinilot naman ni Tiya Reling ang mga
braso ni Tiya Nining. Tapis sa batok niya, sa likod niya. Maingat, puno ng pagmamahal tulad ng
pagmamahal noon ng mga magulang nila sa kanilang magkakapatid

You might also like