Unang Sigaw Final

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 162

Unang

Kabanata
ANG Kalapinay Boulevard ay isang purok sa
Barangay Duhat na parte ng Bayan ng Malabon.
Simpleng lang ang lugar na ito at dahil ito ay
napapaligiran ng ilog, karaniwan ng hanap buhay ng tao
ang pangingisda.
Sa umaga ay makikita ang mga mangingisdang
naglalakihan ang katawan sa paghila ng lambat. Naka
kamiso tsino at jogging pants, dala dala ang timbang
may hawakang lubid. Dito nila nilalagay ang mga parte
ng isdang kanilang nahuhuli para ulamin kasama na dito
ang ibang mga isdang nahahalo sa kanilang huli katulad
ng kanduli, torsillo o di kaya ay pusit. Pag madaming
huli ay malaki ang partihan, kapag konti ay siguradong
may ulam sila sa buong araw. Ang malalaking banka ay
nakakarating hangang bataan para manghuli ng isda
katulad ng galungong, tunsoy at kapag sinuwerte ay
nakakahuli sila ng bariles (tuna). Ang maliliit na banka ay
nangigilid lang at hindi lumalayo sa mga pilapil at
dalampasigan at nanghuhuli ng talilong. Ang iba ay
namimingwit, ang iba ay nanlalambat sa mga ilog. May
mga nangangapa ng alimango sa tabing ilog. May mga
nangunguryente din at nangagapa ng isda sa mga balon
sa bukid at kadalasan ang kanilang huli ay dalag o di
kayay hito, pero dumadami na rin ang tilapia na
tinaguriang St. Peters Fish, dahil ito daw ang nahuling
isda ni Apostol Pedro na mababasa sa Mateo 17:27 at sa
1

Mateo 14:15-21 nang pinakain ni Jesu-Kristo ang limang


libong tao ng limang pirasong tinapay at dalawang isda
ay ito ding isda na ito ang bida na napakarami sa Sea of
Galilee noong panahon na iyon. Ngunit bukang bibig ng
mga taga Kalapinay ay hindi daw Hudyo ang nagdala
nito sa Pilipinas kundi ang mga Hapon na sumakop sa
bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Halos lahat ng tao ay may bansag sa lugar na
ito. May pamilya: buwaya, pamilya uwak, pamilya
palaka, pamilya kalabaw, pamilya kabayo. Ang iba
naman ay mula sa pagkain, may pamilya: galapong,
suka, patis, toyo. Bihira lang ang taong tinatawag sa
tunay nilang pangalan. Kayat kapag may nagtatanong
na kartero ng sulat ay di malaman ng mga tao kung sino
ang tinutukoy nito.
Buhay na buhay sa umaga at hapon ang Purok
ng Kalapinay. Pag tanghali ay medyo nawawala ang mga
tao sa daan para kumain at pagkatapos ay magsisiesta,
ang iba ay nakikinuod ng Television sa tindahan ni Aling
Turing. Pag palubog na ang araw ay muli silang
maglalabasan na parang putakte sa kanilang mga lunga.
Madaming naka-istambay sa tabi ng daan, sa
malaking papag karamihan ng nakaupo ay ang may mga
edad na lalaki at kadalasan ay nagsisigawan at
nagdedebate. Napupuno ang papag kapag nagtatalo si
Temyong at Galapong dahil sa akala mo ay nagaaway
ang dalawa dahil sa kanilang sigawan at mga itsura.
Alam mo Temyong! Ito pakingan mo ha! Sa ngayon
pera nalang ang mahalaga! Pasigaw na sinabi ni
Galapong na namumula ang mukha.
2

Oooh tumigil ka Galapong! Iika-ika ka na!


Aanhin mo ang pera mo? Kung iwanan kita sa under
pass sa Maynila tingnan ko kung makauwi ka! Sagot ni
Temyong at nagtawanan ang lahat ng tao.
Lalong namula si Galapong. Basta ako may
pera makakauwi ako! Ano ba naman bigyan ko ng
sampung piso kung sino man doon para akayin ako
pauwi! Araw araw ay ganito ang eksena sa malaking
papag.
Andito din ang chess board at dama board, at
kadalasan ay may naglalaro ng chess at dama sa
dalawang pahalang na bankong gawa sa tabla at kahoy.
At sa tindahan naman ni Aling Sita ay naroon ang mga
batang lalaki na kadalasan ay babae ang pinaguusapan,
at kapag may dumadaan na maganda ay nagsisipulan na
parang mga myna. Lalo na kapag nakalabas ng hita.
Wow legs! Sabay sipol.
Nagkalat ang mga batang naglalaro, pati na rin
ang mga isip bata na nambabaka sa mga tunay na bata.
Di man sila biniyayaan ng yaman ay biniyayaan sila ng
kalikasan. Sa bukid ay naglalaro ang mga bata ng:
habulan, luksong tinik, piko, tumbang preso, sipa,
chinese garter, may nagpapalipad ng sarangola ang iba
ay nanghuhuli ng: gagamba, salagubang at may
naninirador din ng ibon. Sa ilog naman ay naliligo ang
mga batang hubot-hubad at paulit uit na tumatalon sa
tulay. Ang mga nasa bahay ay naglalaro ng sunka at
jackstone. May maagang namulat sa pagsusugal at
naglalaro ng kara krus at tantsing.

Walang inisip ang mga bata kundi maglaro mula


umaga hangang gabi. Uuwi lang sila minsan pag
tinawag na ng magulang nila para kumain at kadalasan
ay napipingot sa tenga, kung kayat karamihan ay
mababa ang grado sa eskwela na ayos lang naman sa
kanilang mga magulang dahil sa hindi din nila
matulungan ang mga anak sa mga takdang aralin, dahil
karamihan ay hindi marunong bumasa at sumulat.
Katwiran nila, bakit si Kapitan Tinoy no read no write
pero milyonaryo kapag namimili ay isang bayong na
pera ang dala?
Ang mga nakakatanda naman ay may sarili ding
laro. Ang mga kalalakihan ay naglalaro ng: mahjongg,
pasaro, khawo, sabong, sa pula sa puti, pati labanan ng
gagamba ay pinagpupustahan nila. Ang mga kababaihan
naman ay naglalaro ng bingo. Karamihan ay umaasa sa
swerte, ika nga nila, bakit si Kapitan Tinoy no read no
write pero milyonaryo kapag namimili ay isang bayong
na pera ang dala?
Ang grupo ng mga lasengo ay nagsisimula nang
uminum pagsapit ng hapon sa likod ng papag. Halos
maubos ang aso sa purok dahil ito ang paborito nilang
pulutan. Kahit patay na aso ay hindi nila pinapatawad,
katwiran nila: pag dumaan na sa apoy ay patay na ang
mikrobyo.
Sa Bandang gitna ng Kalapinay sa tabing
kalsada na pagtawid ay tindahan nila Aling Sita ay may
isang bahay na hindi kalakihan at hindi naman kaliitan
na konkreto ang ibaba at kahoy ang taas. Ang ibaba ay
kulay berde at ang itaas ay kulay gatas na kondensada.
4

May maliit na bakuran sa harap na punong puno ng


halaman at mga pang-gatong na kahoy. Sa Bandang
kaliwa at may pugon at sa harap ang pugon ay may
balon. Dito nakatira si Johnny Bautista na pangunahing
tauhan sa aking kwento. Madami kamalasang dumating
sa kanyang buhay at nagsimula ang lahat ng siya ay
isang sangol pa lamang.
Lagpas na ng ika labing-isa ng gabi ay di pa
umuuwi ang tatay ni Johnny na si Teban. Di mapakali si
Pilita na nanay ni Johnny at di alam kung ano na ang
nagyari sa asawa. Bumiyahe ito para magdeliber ng
kendi at umalis kanina pang ika-anim ng umaga. Kung
ilang buwan niya na itong ginagawa at nagaalala si Pilita
na magisa lang sila lagi ng kanyang bagong silang na
anak sa bahay at lagi silang walang kasama. Ilang araw
na ring bumibiyahe si Teban ngunit walang naintrega na
pera sa kanya. Lahat ay ginawa niya na upang dalain ang
asawa, may pagkakataon na sa tuwing uuwi ito ng
alanganing oras sa gabi ay tinatapon niya ang lahat ng
damit nito palabas ng bintana, may pagkakataon na
pinukol niya ito ang plato ngunit lagi pa ding gabi o di
kayay madaling araw ang uwi ni Teban. Umaasa lang
sila ngayon sa rasyon na pagkain na dinadala ng mga
magulang ni Teban tuwing tanghalian at hapunan. Na
lalong ikinasasama ng kanyang kalooban. Pinangako ni
Teban sa kanya na magsasarili at hindi na sasandal sa
magulang ngunit tila wala na atang katuparan.
Maya maya ay nadinig niya ng langitngit ng gate
na bakal. Di nagtagal ay nadinig niya ang kalansing ng
mga susi, maya maya ay ang click na gawa ng pagikot ng
5

susi, sumunod ay ang click na gawa ng pagsara ng pinto


na halatang ginawa ng dahan-dahan at patago. Biglang
napalitan ng galit at poot ang pagaalala ni Pilita at inisip
niya na sana ay naaksidente nalang ang asawa baka
naawa pa siya.
Hindi nagbukas ng ilaw si Teban dahil ayaw
niyang magising ang asawa at anak. May takot na din
siya na baka itapon sa labas ang kanyang mga damit o
di kayay mapukol ulit ng plato. Lingid sa kanyang
kaalam na kanina pa siya inaantay ni Pilita. Umakyat sa
hagdan ng dahan dahan si Teban at pagbukas niya ng
kwarto ay bukas ang ilaw at nakatayo ang asawa na
naka-kros ang mga bisig.
Saan ka nanaman galing? Nagsabong ka
nanaman? Pinayaman mo nanaman yung sabungan?
Wala kang kadala dala! Wala ka namang napapala sa
bisyo mo! Lahat ng kinita mo sa manok napupunta.
Magbago ka na may anak na tayo! Sigaw ni Pilita.
Napadaan lang ako sa kaibigan ko
nagkasarapan ng kwentuhan kaya ako ginabi.
Nakangiting sagot ni Teban.
Kung ganon nasaan ang kinita mo? Ilabas mo!
Hindi nagbayad yung customer bukas pa daw
magbabayad.
Saksakan ka talaga ng sinungaling, araw araw
nalang yan ang katwiran mo! Mag-isip ka naman ng
iba! Ubos nanaman sa sabong! Sana pati damit mo at
brief mo tinaya mo na rin! Imbis na magalit ay natawa
si Teban sa inasta ng kanyang asawa. Lumapit si Teban
upang lambingin ang asawa ngunit itinulak siya nito.
6

Huling beses ko nang sasabihin ito sa iyo, pumili ka


kami ng anak mo o magsama kayo ng manok mo! Sa
ngayon diyan ka matulog sa sahig, huwag na huwag
kang tatabi sa akin, huwag na huwag kang
magkakamali! Tatawa-tawa si Teban, alam niyang di
naman ito gagawin ng asawa niya dahil ilang beses na
itong nagbanta ngunit hindi naman umalis. Inantay
niyang matulog ang asawa at tumabi sa kama.
Kinabukasan, bandang tanghali ay pumunta ang
Nanay ni Teban na si Aling Prising para magdala ng
pagkain at bisitahin ang panganay na apong si Johnny.
Nagulat si Aling Prising at nakitang sarado ang pinto at
bintana gayong tanghali na. Inisip niyang nangapitbahay lang ang mag-ina sa kaniyang ninang sa kasal na
si Delayla na di kalayuan ang bahay. Umihip ang
malakas na hangin at sa lakas ay nalagas ang ilang
dahon sa puno ng sampalok na nakatanim sa bakuran
na naging sanhi din ng biglang pagbukas ng pinto.
Tumindig ang mga balahibo ni Aling Prising at untiunting bumilis ang tibok ng kanyang puso nag-antanda
siya at huminga ng malalim. Diyos ko gabayan niyo ako
sa king gagawin. Sabi niya sa kanyang sarili.
Pilita! Pilita! Nandiyan ka ba? Sigaw ni Aling
Prising ngunit walang sumasagot. Dahal dahan siyang
pumasok at kinapa ang bukasan ng ilaw. Nang bumukas
ang ilaw ay nakita niya sa kuna si Johnny at kasama niya
ang mga sisiw na Texas na alaga ng kanyang amang
sabongero. Hindi malaman kung bakit nilagay ng
kanyang nanay ang mga sisiw sa kuna. Para ba may
kasama siya at hindi umiyak sa paglisan niya o para
7

iparating sa kanyang ama na, ayan pinagpalit mo ako


sa manok!
Diyos ko! Apo ko! Dali-daling lumapit si Aling
Prising sa apo na nakangiti at nakikipaglaro sa mga
sisiw. Kinarga niya ito at dali-daling inuwi sa kanyang
tahanan.
Lumipas ang isang lingo ay hindi pa rin
nagbabalik si Pilita at kailan man ay hindi na nagpakita
pang muli. Inako ng kanyang Lola Prising at Lolo Jose
ang pagpapalaki sa kanya. Alam nilang iresponsable ang
ama niyang si Teban at ayaw nilang mapabayaan ang
kanilang unang apo.
Naging istrikto sa pagpapalaki kay Johnny ang
kanyang Lolo at Lola hindi nila pinalalabas ng bahay si
Johnny kung ano ang niluwag nila sa kanyang ama ay
siyang hinigpit sa bata. Sabi nga ng mga tsismosa:
Kawawa naman yung batang yon akala moy ibong
nakakulong sa hawla. Malaki ang pangamba ng
kanyang Lola at Lolo na matulad siya sa kanyang ama na
nalulong sa sugal dahil sa impluwensiya ng mga barkada
niya. Bata palang ang kanyang ama ay hindi nila ito
ginipit sa pera at binili pa nila ng kotse kung kaya siya ay
naging gala at pala-barkada. Hanggat nakilala niya si
Karding at sinama siya sa sabungan, mula noon ay
nalulong na sa sabong ang kanyang ama. Sabi nga ng
kaibigan ng kanyang Lolo Jose na si Pitiong: Ibang klase
yung anak mo, malakas pang tumaya kaysa sakin. Na
ikinagulat ng kanyang Lolo Jose dahil kilalang malakas
na manunugal si Pitiong mapa-sabong o mapa-karera ng
kabayo.
8

Kadalasan ay nakadungaw lang sa pinto o


bintana ni Johnny. Tinatanaw ang mga bata na naglalaro
at nakangiti. Kung minsan ay kinakawayan siya ng mga
bata ngunit tinatangihan niya ang mga ito dahil baka
mapalo siya ng kanyang Lolo Jose. Malaki na siya nang
natuto siyang lumakad. Malaki na din siya nang tumigil
sa pagsuso sa tsupon ng gatas. Malaki na siya ay hindi
pa rin siya marunong tumawid ng kalsada at kailangan
pang akayin para lang makatawid. Ganun pa man ay
naging matalas ang imahinasyon ni Johnny dahil sa lagi
niyang pagiisa ay nakagawa siya ng kanyang sariling
mundo sa kanyang isip, kung saan siya ay naglalaro na
kasama ang mga batang kanyang natatanaw at malaya
niyang nagagawa ang lahat ng kanyang ibig gawin.
Tatlong taong gulang palang siya ay magaling na
siyang gumuhit ng larawan. Kadalasan ay larawan ng
kabayo at kamelyo ang kanyang ginuguhit. Punongpuno ng chalk na drawing ang sahig mula sa pulang
sahig ng kusina hangang sa baldosang sahig ng sala, pati
ang mga likod ng pinto ay may chalk, na binilin ng Lolo
Jose niya na huwag buburahin dahil sa natutuwa ito sa
tuwing nakikita ang mga drawing ng kanyang apo.
Kadalasan kapag may bisita ang Lolo niya ay tatawagin
siya para gumuhit at tuwang tuwa ang mga bisita lalo na
ang liason na si Mang Metro.
Matapos ang isang taon ay may kinasamang
babae ang kanyang Ama na si Perla. Si Perla ay isang
estudyante sa isang kolehiyo sa Maynila na sa edad na
labing siyam ay sumama at nakipag live-in sa kay Teban.

Hindi sila makapagpakasal dahil kasal si Teban


ay kasal kay Pilita. Ganun pa man ay naging matibay ang
kanilang samahan. Matiising babae si Perla at magalit
man ito minsan ay kayang kayang amuin ni Teban sa
kanyang pambobola si Perla. Kung minsan ay parang
may pagkamasokista na ang kanyang pagiging matiisin
at pagiging martyr na hindi maunawaan ng karamihan.
Nagkaroon si Johnny ng dalawang kapatid sa ama na
sina Raul na may tatlong taong pagitan kay Johnny at si
Maricar na may tatlong taong pagitan kay Raul.
Ilang buwan palang nang kasamahin ni Teban si
Perla ay tinangka niya nang kunin si Johnny sa kanyang
Mama at Papa.
Mama, Papa, gusto ko sanang kunin ang aking
anak. Napagusapan na namin ni Perla at handa siyang
alagaan si Johnny at ituring na sarili niyang anak.
Kung hindi dahil sa bisyo mo hindi ka sana
iniwan ng asawa mo. Ano ba napapala mo sa pagsusugal
mo? Hangang ngayon hindi ka makatayo sa sarili mong
paa. Ang laki ng kinikita mo sa pag aahente ng kendi
pero wala kang naiipon. Bungad ni Aling Prising sa
kanilang bunsong anak. Ni pagkain ninyong mag-anak
wala kang pambili. Puro ka sugal, sugal! Hinding hindi ko
ibibigay sa iyo si Johnny! Sabay pinalapad ang abaniko
at nagpaypay. Gusto naming lumaki ng matino ang
aming apo at kailan man ay hinding-hindi namin
ipagtitiwala sa asawa mo! Tinupi ulit ang abaniko at
hinawakan ng dalawang kamay. Pano kung magkaanak
kayo? Kawawa naman ang bata! Siyempre uunahin ng
asawa mo ang sariling anak niya! Ang pagalit na salita
10

ni Aling Prising. Nagsisisi kami ng Papa mo at binigay


namen sa iyo ang lahat. Kung hindi ka namen niluwagan
malamang ay lumaki ka ng matino. Hindi kumikibo si
Teban at napauko at pinagkiskis ang kuko ng dalawang
hinlalaki sa kamay. Habang si Mang Jose naman ay
nakakunot ang noo at nangangatog ang panga at maya
maya ay nagsalita. Teban, anak, isa lang naman hiling
namen sa iyo kalimutan mo ang pagsusugal. Mahirap ba
ang aming kahilingan? Bakit ka pa maghahabol ng pera
malaki naman ang kinikita mo, may sarili kang bahay at
kotse ano pa ba ang hihilingin mo? Para kay Mang Jose
ay napaka simple lang ng kanyang hiling ngunit kay
Teban ay para bang ito ang pinakamahirap gawin, at
mas gugustuhin pa niyang mamatay nalang kaysa
talikuran ang pagsasabong na nagdudulot sa kanya ng
thrill at kaligayahan. Hindi ka aasenso hanggat hindi
mo naiiwanan ang pagsasabong mo. Kawawa lang ang
mga magiging anak mo! Papa, diversion ko lang
naman ang pagsasabong, alam niyo naman umaga
palang umaalis nako para mag-deliber ng kendi at
natatapos ako ng hapon na, kung minsan ay gabi na sa
dami ng order. Naglilibang lang naman ako para
matangal ang pagod ko. Sagot ni Teban na pinagkikiskis
padin ang mga kuko ng mga hinlalaki sa kamay at untiunting dumadami ang pawis sa noo. Naglilibang ba
kamo Teban? Hindi ka uuwi hanggat hindi sarado ang
sabungan! Kulang nalang ay uwi mo ang sabungan!
Kung ilang araw ka ng walang intregang pera sa mga
pinagbentahan mo ng kendi, lahat ubos sa bisyo mo!
Hindi magtatagal ay babagsak ang ating negosyo at
11

pare-pareho tayong magugutom. Hindi na kami


bumabata ng iyong mama Teban. Magisip-isip ka na
hanggat may panahon ka pa! Sabin i Mang Jose na
unti-unting bumilis ang paghinga. Hinding-hindi namin
ibibigay sa iyo si Johnny hanggat hindi ka nagbabago
yan ang itanim mo sa kokote mo Teban! Giit ni Aling
Prising.
Nakaukong tumayo si Teban at lumabas ng
kwarto na home office sa bahay ng kanyang mga
magulang. Nang nakalabas na si Teban ay nagusap ang
mga matanda.
Jose hindi ba tayo naging malupit sa bunso
nating anak? Sarili niyang anak ay ayaw nating ibigay sa
kanya? Tanong ni Aling Prising kay Mang Jose.
Hindi naman siguro Prising, ginagawa lang
natin ang makabubuti sa ating apo. Ngunit kung siya ay
magbabago ay ano ang karapatan natin para ipagdamot
sa kanyang ang kanyang sariling dugo at anak.
Naghihintay lang ako na siya ay magbago.
Hinawakan ni Aling Prising ang kamay ni Mang
Jose. May awa ang diyos, may awa ang diyos!

12

Ikalawang
Kabanata
Hindi pa ipinapanganak si Peter ay pumanaw na
ang kanyang Lolo Jose. Magkapangalan at apelyido ang
Lolo ni Johnny ang kanyang Lolo na parehong Jose
Bautista na matalik ding magkaibigan at magkasama sa
trabaho na parehong ahente sa Mantika Corporation.
Magkapangalan din ang Tatay ni Johnny at
Peter na Teban Bautista, kung kaya maliliit palang sila ay
inisip nilang sila ay magkamaganak, ngunit ang
katotohan ay hindi naman. Nataon lang na magkaapelyido sila.
Laki sa Lola Mercedez niya si Peter dahil nang
naghiwalay ang nanay at tatay niya ay naghati sila sa
anak. Kinuha ng kanyang ina ang bunsong kapatid na
babae na si Layla. Siya naman ay kinuha ng tatay niya na
nagasawa ng iba. Kung kayat siya ay bumagsak sa
puder ng kanyang Lola Mercedez.
Kadalasan ay nagpupunta sa bahay nila Johnny
ang pamilya ni Peter kapag nagwawala ang tiyuhin
niyang si Nato, na kapag nalalango sa alak ay
nagbabasag ng mga gamit sa kanilang bahay. Simula
nang namatay ang kanyang Lolo Jose ay naging lasengo
si Nato. Hindi niya matangap ang maagang pagkawala
ng kanyang papa na nagdulot ang pagbagsak ang
kanilang buhay at dahil dito ay hindi niya natupad ang
pangarap na maging isang pintor, dahil sa wala ng pera
na itutustos sa kanyang pagaaral. Sa ngayon ay umaasa
13

nalang sila sa pensiyon na naisalin kay Aling Mercedez


nang pumanaw ang asawang si Jose.
Habang magkausap ang mga nakatatanda
tungkol sa ibat-ibang mga problema ay naglalaro si
Johnny at si Peter at lahat ng laruan niya ay nilalabas
niya para hindi magsawa si Peter sa pakikipaglaro sa
kanya, pati ang kanyang miniature train na kanyang
pinakaka iingat-ingatan na sa bandang huli ay
pinapatalon nila sa rampa. Wala siyang pakialam masira
man ang mga laruan bastat makapaglaro lang sila ni
Peter. Si Peter ang pinaka-unang bata na nakalaro ni
Johnny sa kanyang talang buhay at ang unang bata na
itinuring niyang kaibigan at ganun din si Peter sa kanya.
Lumago ang pagkakaibigan ng dalawa hanggat
sa sila ay nagbinata. Kung gaano ang pagkamahiyain at
timid ni Johnny ay siya namang kabaligtaran ni Peter na
alisto at masigla at puno ng tiwala sa kanyang sarili.
Kadalasan ay si Peter ang nagtatangol kay Johnny kapag
may umaaway sa kanya at si Peter din ang nagrerecite
para kay Johnny. Kapag alam ni Johnny ang sagot sa
recitation ay ibubulong niya lang ito kay Peter kung
kayat si Peter ang sasagot at nakakakuha ng papuri sa
kanilang mga guro na ikinatutuwa ni Johnny.
Naging matalik na magkaibigan nag dalawa at
mula noon ay pinapayagan nang lumabas si Johnny ng
kanyang Lolo at Lola kapag si Peter ang kanyang
kasama. At nagkasundo ang kanilang mga Lola na pagaralin sa isang eskwelahan dahil katulad ng kanilang
mga Lolo ay gusto nilang maging magkaibigan din ang
dalawa.
14

Alas sinko palang ay kailangang nasa labas na si


Johnny. Ganitong oras dumadaan ang school bus ng
Malabon Institute. Ang driver nito na si Mang Merto ay
nang-iiwan kapag sa pagdaan niya ay wala pa ang
estudyante sa labas ng kanyang bahay ang iba ay
tumakabo at hinahabol pa ang bus kapag naiwan kung
minsan ay naaawa ang matanda at ito ay hinihintuan
ngunit napaka-dalang niya lang itong gawin.
Apo gising na! Nang hindi ito magising ay
tinapik-tapik ang kanyang hita ng kanyang Lolo Jose.
Kasalukuyang nanaginip si Johnny na sinagip niya ang
kanyang Lola Prising Mula sa isang maitim at matangkad
na lalaking may perlas sa noo. Naging series ang lucid
dream niyang ito na hanggat lumaki siya ay di niya
malilimutan at kung ilang beses na naging bangungot sa
kanya. Noong una ay tinatakbuhan niya ang lalaki ngunit
sa ngayon ay hinarap niya ito at ihinulog niya sa isang
eroplano nang nagtanka itong saktan ang kanyang Lola
Prising sa isang eroplano kung saan sila nakasakay sa
loob ng kanyang panaginip. Unit-unti ay naramdaman
niya ang tapik sa kanyang hita at ang boses ng kanyang
Lolo Jose at unti-unti ay naglaho sa kanyang isip ang
panaginip.
Apo gising na oras na para magalmusal ka!
Lo konti nalang. Na pahuni na sabi ni Johnny.
Bangon na dadaan na si Mang Merto. Sige ka
iiwanan ka nun.
Araw araw ay ganito ang eksena pahirapan sa
pagising pero pag nadinig niya na ang pangalan ni Mang
Merto ay siguradong babangon ito sa takot na baka
15

maiwan. Pag bangon ay pupunasan siya ng kanyang


lolo ng isang tuwalya na basa sa maligamgam na tubig
at papakainin ng almusal. Karaniwan ang mga tira sa
gabi ang nireretoke ng kanyang Lolo Jose. Kapag may
tira na pritong isda ito ay kanyang mumunlayin at
ipapalaman sa tinapay na siyang paboritong almusal ni
Johnny. Magpapakulo din ito ng kapeng barako sa isang
malaking kaldero at lalagyan ng asukal na paboritong
inumin ni Johnny at nang lumaon ay paborito na din ni
Peter nang siya ay nadalas sa pagpunta sa kanilang
tahanan.
Mahal na mahal ng kanyang lolo si Johnny at
ibinili pa niya ito ng balat na bag sa Escolta na ubod ng
mahal para sa school year na ito. Tuwang-tuwa ang Lolo
niyang makita na gamit ang bag at nakasukbit sa balikat
ng kanyang apo.
Apo pagbutihin mo ang pagaaral mo ha,
papakabait ka at makikinig sa teacher. Ang pera ay
madaling manakaw pero ang talino ay habang buhay
mong kayamanan. Umakma ng halik ang kanyang Lolo
Jose sa kanyang pisngi ngunit siya ay umiwas dahil sa
nasasaktan siya sa tusok ng balbas ng kanyang Lolo.
Niyakap siya ng kanyang lolo at hinalikan at sabay
tumawa.
Pag labas palang ng bakod ay natanaw niya ang
bus na kulay berde na humaharurot pababa nang tulay
ng Ipil-ipil. Pag akyat niya ng bus ay naguusap usap ang
mga estudyanteng taga Ipil-ipil. Kumpleto ang mga
batang taga Ipil-ipil at may ilang bagong estudyante na
kasama pa ang kanilang mga nanay. Nasa ikatlong grado
16

na si Johnny nang siya ay pumayag na hindi na ihatid ng


kanyang Lola Prising. Ngayon ay nasa ikalimang grado
na siya at ngayon ang unang araw ng klase.
Kanya-kanyang kwento ang mga bata. Ang iba
ay may dalang laruan na pinapakita sa katabi. Humanap
si Johnny ng bakanteng upuan dahil ang susunud na
dadaanan ay ang bahay ni Peter. Malayo palang ay
tinatanaw na niya ang eskina na papasok kila Peter, at
doon natanaw niya si Peter na nakatayo at katabi ang
kanyang Lola Mercedez.
O ayun si Johnny tabihan mo. Sabi ni Aling
Mercedez at kumaway ito kay Johnny at si Johnny at
nakangiting kumaway pabalik.
Opo Lola Mercedez. Nakangiting sabi ni Peter.
Yung bilin ko ha, papakabait ka ha at magaral
ng mabuti. Kung buhay ang Lolo Jose mo ay yan din ang
sasabihin niya sa iyo.
Opo Lola! Humalik ito sa Lola Mercedez niya
at sumampa ng bus dala ang pulang bag na may gulong.
Natuwa ang mga bata nang makita si Peter at
kanya kanyang tawag. Pala kaibigan si Peter at mabilis
tumakbo kung kayat madaming bata ang humahanga
sa kanya at gusto siyang maging kaibigan at maging
kakampi sa habulan.
Peter dito ka tumabi saken! May bago akong
laruan sabi ng batang mataba.
Peter dito ka, may kendi ako! Sigaw ng batang
bungi.
Peter dito ka nalang sa tabi ko, sabi ng isang
babaeng bata na namula ang pisngi ng makita si Peter.
17

Sa kabila ng lahat ng alok ay kay Johnny pa din


tumatabi si Peter. Gusto ni Peter ang pagiging tahimik ni
Johnny. Iniisip niya na madaldal na siya at kung
madaldal pa ang makakasama niya ay di sila
magkakabigayan.
Ay pasukan nanaman balik hirap. Nakangiting
sabi ni Peter na nakatingin sa harap ng bus.
Ayos lang yan, nakakasawa nadin sa bahay,
naiinip ako. Sagot ni Johnny.
Nakakainip nga sa inyo Johnny, hindi ka kasi
pinalalabas e, sana magkatabi tayo mamaya.
Oo nga Peter, kaso laging pinagtatabi ngayon
lalaki at babae.
Nako ayaw kong makatabi si Lorena, masakit
mangurot yun. Ang nipis mangurot nakakatuklap ng
balat! Sabi ni Peter na parang naramdaman ang kurot
na napataas ang balikat.
Ako ayaw kong makatabi si Rosemarie
namamalo yun ng ruler pag lumaban ka sasabihan kang
bakla. Sa eskwelahan ay pinaka iniiwasan nila ang
masabihang bakla dahil siguradong uulan ng tuksuhan
kapag ito ang narinig ng ibang kabataan sa katunayan ay
may lumipat na ng eskwelahan dahil sa panunukso sa
kanyang bakla ng mga bata.
Nitong bakasyon lang ay nagpatuli si Johnny at
Peter sa albularyo na si Mang Eseng kayat sa
pakiramdam nila ay ganap na silang lalaki.
Sino kaya ang magiging adviser natin? Tanong
ni Peter na nakatingin padin sa harap ng bus.

18

Sana si Misis Reyes Peter mabait yun o di kaya


si Misis Makalinaw. Sagot ni Johnny habang nakatingin
sa bintana ng bus.
Napangiti si Peter Oo nga Johnny gusto ko din
si Misis Makalinaw sana siya nalang!
Maya maya ay dumaan ang isang jeepney na
may trompa. Ang jeepney ay kulay pula at sa harap nito
ay may mga maliliit na kabayong bakal at mga torotot
na nakahinang sa hood ng jeepney. Kilalang kilala ang
jeep na ito dahil sa malakas na tugtog at sa driver na
weirdo na binansagan na astronaut, dahil sa paniniwala
niya ay may mga bababang alien galing sa buwan upang
sakupin ang mundo.
Tumutugtog ang kanta ng sikat na sikat mula sa
rock and roll artist na si Evan Phillips ang Reelin and
Rockin. Nang ito ay madinig ni Peter ay agad itong
tumayo at kumanta at ginaya pa ang sayaw ni Evan
Phillips na sara at buka ang mga hita, habang
nakahawak sa sandalan ng upuan sa harap niya para
hindi siya matumba sa rumaragasang bus. Di napigil ni
Johnny ang sumabay sa kanta ni Peter. Lagi nilang
naririnig ang kantang ito kapag sila ay naglalaro sa tabi
ng Bahay ni Aling Turing Mula noon ay palagi na silang
kumakanta sa school bus at sa eskwelahan. At tuluyan
na nahilig sa rock and roll.
Si Aling Turing ay isa sa pinaka-mayaman sa
purok ng Kalapinay. Mayroon siyang isang malaking
tindahan at kumpleto ang paninda dito. Bukod sa
pagkain ay may tansi, taga, pako, alambre, lubid at kung
anu-ano pa. Ngunit hindi siya yumaman dahil sa
19

kanyang mga tinda kundi dahil sa anak niyang binabae


na nakarating ng Amerika at doon ay naging tanyag na
beautician. Laging makapal ang tao sa harap ng
tindahan ni Aling Turing para makinuod sa kanyang
malaking black and white na television. Lalo na kapag
tanghali para manuod ng noon time show. Laging
nagpapadala ng mga modernong applicances ang anak
niya galing sa Estados Unidos kung kayat sa tuwing may
bagong labas ay sila ang unang nagkakaruon.
Masarap umistambay sa gilid ng bahay ni Aling
Turing, ito ay isang eskenitang napapagitnaan ng
dalawang malaking bahay nila Aling Turing at ni Aling
Delia kung kayat malamig at presko dito. Sinabing nilait
ni Aling Delia ang bahay ni Aling Turing noong siya ay
dukha pa lamang nang hindi binenta ni Aling Turing ang
kanyang bahay para gawing kulungan ng baboy ni Aling
Delia. Kung kayat nang umulan ng dolyar sa palad ni
Aling Turing ay nagpatayo siya ng bahay na mas malaki
at mas mataas pa sa bahay ni Aling Delia na
magbababoy sa palengke. Madalas ay dito naglalaro si
Johnny at Peter, paborito din nilang upuan tubo na linya
ng tubig ni Aling Turing dahil ito ay malamig sa puwitan
lalo na kapag nakikinig ng mga pinapatugtog sa bahay ni
Aling Turing na karamihan ay mga latest records na
padala ng beautician na anak mula sa Amerika.
Peter ayan yung tugtog na nadinig natin sa
school bus. Sabi ni Johnny kay Peter habang
nakahawak ang dalawang kamay sa tubong kinauupuan.
Oo nga masigla at nakakaindak, kailangan
nating malaman kung sino yang singer na yan Johnny!
20

Kilala ko yung apo ni Aling Turing na si Bobby,


mamaya tanungin natin.
Pumunta sa tindahan ni Aling Turing bumili ng
dalawang cherry ball, sinubo nila ang chewing gum at
nginuya. Nadurog ang ang malutong na pulang coating
kung nasaan ang lasa nang nalunok na ang matamis na
katas ay hinanap nila si Bobby. Aling Turing,
nahandiyan po ba si Bobby? Tanong ni Peter.
Sinigawan ni Aling Turing si Bobby gamit ang malat
niyang boses. Bobby lumabas ka! May naghahanap sa
iyo! Nang hindi sumagot si Bobby ay pumasok si Aling
Turing. Nakita niya si Bobby sa harap ng stereo na
nakatodo kaya hindi siya madinig. Tinapik niya si Bobby
sa balikat. Tumingin si Bobby at hindi maintindihan ang
sinasabi ng Lola Turing niya. Nakikita niya lang
bumubukas ang bibig nugnit walang lumalabas na salita.
Tumayo si Bobby at hininaan ang volume ng stereo at
bigla niyang nadinig ang sigaw ng kanyang Lola Turing,
may naghahanap sa iyo yung mga kalaro mo sa gilid!
Bigla siyang naingayan at nagtakip ng tenga
samantalang kanina lang habang nakatodo ang stereo
ay parang kulang pa ang lakas ng tunog na lumalabas sa
speaker. Sige la lalabas nako pakisabi sabi sa kanila,
stop ko lang tong plaka. Nakita ni Johnny at Peter na
lumabas at sa gilid ng tindahan kung saan ay may
hallway ay lumabas si Bobby. Ayaw kong maglaro
ngayon nagpapatugtog ako, bukas nalang kayo
bumalik. Bungad ni Bobby sa kanila na ikinatuwa ni
Johnny at Peter. Baka puwede ka naming samahan sa
pakikinig mo Bobby? Sa totoo lang ay yon ang pakay
21

namen kaya ka namin pinuntahan. Nakangiting sabi ni


Peter. Si Johnny ay nakangiti lang at naghihintay ng
sagot ni Bobby. Pumasok si Bobby at nawalan ng pagasa
ang dalawa. Lumingon si Bobby at nakitang nakatayo
lang ang dalawa kayat napasigaw siya. Halika
sumunud kayo! Nagtinginan si Johnny at Peter at di
napigil ngumiti. Sumunod sila sa hallway na napaka
kintab at linis. Nang pumasok si Bobby sa pinto ay
naghubad nag tsinelas na siya nilang ginaya.
Kapuna puna ang sobrang kinis na sahig, sarap
na sarap ang paa nila habang nakayapak sa loob ng
bahay. Kahit isang butil ng buhangin ay wala silang
nadama sa talampakan. Nakita ni Johhny sa tabi ng
pinto ang isang bagay na ngayon niya lang nakita. Ano
yan Bobby? nakaturo sa kakaibang nakita. Vacuum
cleaner yan, gamit yan panglinis ng sahig sinisipsip niyan
lahat ng dumi sa sahig. Sagot ni Bobby Kaya pala ang
kintab ng sahig niyo Bobby sagot ni Johnny. Oo nga ang
sarap magpadulas! Sabay padulas ni Peter. Nakita din
nila ang isang set na encyclopedia sa sala ng bahay,
isang malaking T.V. at ang stereo na may wood finishing.
Sige upo muna kayo. Tinuro ni Bobby ang sofang
makakapal ang foam. Umupo si Johhny at Peter at sarap
na sarap sila at parang ayaw ng tumayo pa. Sa isang
lamesita sa gilid ay nakita ni Johnny ang isang litratong
nasa picture frame sa tabi ng isang snow globe, isang
lalaking naka leather jacket, maong pants at may scarf
na nakaikot sa leeg sa isang parke. Binasa niya ang
nakasulat sa ibaba ng litrato. Paul in Central Park

22

01/05/1955. Inisip niyang siya siguro ang tiyuhin ni


Bobby na nakarating sa Amerika.
Nagtungo si Bobby Sabay sa kinalalagyan ng
stereo, naka angat ang takip nito. Sa Bandang kanan ay
may hinugot na vinyl na nakapaloob sa cover nitong
kariton si Bobby, hindi niya agad ito nahugot marahil ay
naipit ito sa iba pang plaka, halatang napakadaming
nakasiksik na plaka doon. Ingat na ingat niyang nilabas
ang vinyl sa kariton at tinangal din niya ang plastic na
nakabalot dito at pinunasan niya ito ang paikot gamit
ang isang malambot na foam. Dahan-dahan niya itong
isinalang sa turn table sa Bandang kaliwa. Dahan-dahan
din niyang binaba ang karayom sa umiikot na plaka.
Maya maya ay may mahihinang tunog na parang
pumuputok na popcorn. Tapos ay biglang lumabas ang
napaka gandang tunog.
Wake up baby, wake up
Sabay lumapit si Bobby. Yan ang The Solomon
Brothers. Nakinig sila at gandang ganda sa kanta. Nang
ito ay matapos ay nagsalang si Bobby ng panibagong
kanta. Sunud sunud nilang narinig ang ibat- ibang rock
and roll superstars, at para silang kinukuryente habang
nakikinig. Di nila mapigil ang pag galaw ng ulo at
pagkuyakoy ng mga paa hanggat nadinig nila ang
Reelin and Rockin na kinanta nila sa school bus. Yan
yung narinig natin sa school bus Peter! Oo nga.
Tugon ni Peter habang nakatawa. Si Evan Phillips yan.
Singit ni Bobby siya ng pinakasikat ngayon sa Amerika.
Simula noon ay lagi na silang nakikinig ng rock and roll

23

sa bahay ni Aling Turing. Natigil nalang ito ng si Bobby


ay kinuha ng kanyang tiyuhin sa Amerika.

24

Ikatlong
Kabanata
Hapon na ay hindi pa lumalabas si Teban sa
karerakan at naiwan sa kotseng kuba ang kanyang
kinakasama na si Perla si Johnny at ang mga kapatid
niyang si Maricar at Raul mamamasyal sana sila sa zoo
ngunit dumaan muna sila sa San Lazaro Hippodrome.
Gustong magbakasakali ni Teban na lumago ang dalang
pera nang sa gayon ay marami silang pambili ng pagkain
at mga laruan. Ika labing isa palang ng umaga ay
pumasok na sa loob ng karerahan si Teban. Nangako
siya na isang taya lang ay lalabas na siya manalo o
matalo, meron daw tip sa kanya at siguradong tatama
siya. Magiikaapat na ng hapon ay ay hindi pa lumalabas
si Teban. Noong una ay nalilibang pa ang mga bata sa
mga nakikitang mga molang kabayong pangarera na
ibinababa at trailer na hila ng isang jeep. Ngunit ngayon
ay nagsawa nadin sila kakatingin, kung kayat naalala
nila ang tunay na pakay ng lakad nila. Pupunta pa ba
tayo sa zoo?Oo Johnny may oras pa, baka kumukuha
lang ang papa mo ng pera para sa pamamasyal natin.
Malumanay na sinabi ng kanyang Tiya Perla. Oo nga
kapag nanalo yun bibili yun ng madaming pagkain at
baka bigyan tayo ng balato. Dagdag ng kanyang
kapatid na si Raul na maka-ama.Mommy, gutom
nako, Daing ni Maricar na nakakunot ang mukha.
Walang iniwang na pera ang papa mo, saan tayo kukuha
ng pambili ng pagkain? Kalmadong tugon ni Perla.
25

Sadyang matitisin at martyr na babae si Perla. Naisip ni


Johnny ang elepante, giraffe, zebra at kung anu-anong
hayop na pinangako ng kanyang papa na puwedeng
makita sa zoo kung kayat siya ay sumama. Tiya Perla
tawagin mo na ang papa kanina pa tayo nandito baka
magsara na yung zoo! Sabi ni Johnny na todo porma
naka polo at pantalon at balat na sapatos na noong
sumampa sa kotse ay bagong ligo at plantsado ang suot
na damit ngunit ngayon ay naglilibag na ang leeg at mga
kasukasuan at ang damit ay gusot-gusot at puno ng
pawis. Baka magalit yun ayaw nun ng sinusundo, malas
daw yun. Isa pa hindi ako pumapasok diyan sa
karerahan. Lalabas din yun maya maya. Maghintay ka
lang. Kalmadong sinabi ni Perla. Paglabas ng Papa
dami yun dalang pagkain mabubusog ka. Dagdag ni
Raul na talagang maka-ama. Si Maricar ay todo kunot
ang mukha na konti nalang ay iiyak na.
Palubog na ang araw ngunit hindi pa lumalabas
si Teban. Walang ginawa si Johnny kundi tanawin ang
bintana ang karerahan sa malayo at baka sakaling
matanaw niya ang kanyang ama. Maya-maya ay biglang
bumukas ang pinto ng kotse. Perla anong oras na ba?
Bakit ba ang tagal tagal mo? Alas sinko na! Tanong ni
Perla na medyo tumaas ang boses. Naunahan ako e,
pinilit kong bumawi kaso minalas. Gusto ko sanang
manalo para masarap ang pamamasyal natin. Papa
pupunta pa ba tayo ng zoo? Tanong ni Johnny na
nakangiti. Sa susunud nalang tayo pumunta Johnny
gabi na din baka sarado na, tsaka wala ng pera ang
Papa. Biglang napasimangot si Johhny. Kaya nga
26

magsikap kayo para balang araw mabigyan niyo ng pera


ang Papa niyo at makatikim ng konting kaginhawahan.
Umpo si Teban at pinatakbo ang kotse.
Alalang-alala si Aling Prising at Mang Jose at.
hindi mapakali sa paghihintay hindi sila sanay na
mawala ang apo ng ganito katagal. Nananabik na sila sa
kanilang apo na kung ilang oras ng wala.
Anong oras kaya uuwi ang apo ko? Magaalasais na ay wala pa, ang paalam sa atin ay hangang alas
kwatro lang.
Wag kang magalala Prising, malayo ang
pinuntahan nila sa Maynila kasama naman niya ang ama
niya hindi niya pababayaan ang anak niya.
Maalalahanin, responsible at maalagaing ama ni Mang
Jose kung kayat nasabi niya ito.
Maya maya ay may humintong kotse sa harap
ng bahay. Agad tumayo si Aling Prising at Mang Jose,
bumaba dito si Johnny na nagmamadaling pumasok at
napangiti ng makita ang tahanan na kanyang kanlungan
mula sa kalupitan ng mundo. Niyakap kaagad siya ng
Lolo niya at hinalikan. Kamusta Apo? Masarap ba ang
pamamasyal niyo? Hindi kami natuloy lo. Nagpunta
kami sa karerahan, gutom na gutom na nga ako, hindi
pa kami nagmemeryenda. Sanay si Johnny na
nagmimiryenda tuwing hapon ay nagpapabili ang
kanyang Lolo Jose ng tinapay na sinasawsaw niya sa
kapeng barako. Umakyat sa dugo sa ulo ni Mang Jose.
Tawagin mo nga ang Papa mo. Pasigaw niyang sinabi.
Nagulat si Johnny at natakot, bigla siyang tumakbo
palabas. Nakita niya ang papa niyang kausap si Karding
27

na sinasabing nagturo ng sabong sa kanyang Papa. Madehado kung andoon ka kanina siguradong sunud sunud
ang tama mo. Nakangiting sabi ni Karding kay Teban.
Sana pala nagsabong nalang ako, may napala sana ako.
Heto ubos pera ko sa karera. Ngumiti lang si Karding at
tumango. Hindi ko na nga naipasyal mga anak ko e,
napalautan agad ako. Langyang buhay to! Lagi nalang
malas! Ngumiti ulit si Karding at umiling-iling. Mayamaya ay may maliit na tinig na nadinig si Teban, Pa
tawag ka ng Lolo. Nakita ni Teban ang anak sa gate.
Alis na nga muna ko. Sabat ni Karding. Bakit daw?
Nagaalalang sinabi ni Teban. Hindi sinabi, pinatawag ka
lang pero galit ang Lolo. Naramdaman ni Teban na
makakatikim ulit siya ng sermon. Sanay na din siya na
nasesermonan sa loob niya kelangan niya lang umupo
sandal, papasukin sa isang tenga at palabasin sa kabila
ang sasabisin sa kanya ng kanyang Papa. Perla mauna
na kayo at pakainin mo na ang mga bata baka
nagugutom na, mamaya pang alas-syete yung rasyon na
pagkain, magbukas ka muna ng sardinas may kanin pa
naman tayong tira kagabi, isangag mo muna. Tinatawag
daw ako ng Papa baka magtagal ako. Bumaba ng kotse
si Teban at pumasok. Naisip niyang sana ay hindi nalang
siya nakipagusap kay Karding, hindi sana siya inabutan
ni Johnny.
Pagpasok palang ni Teban sa pinto ay hinila siya
sa kwelyo ni Mang Jose at itinulak sa sofa. Tarantado
ka talaga! Walanghiya ka! Wala ka talagang pagbabago!
Pati anak mo ginutom mo para lang sa sugal! Hindi ka
pa nakuntento sa sabong, nagkarera ka pa! Kita mo
28

kumpareng Pitiong ko, kabisado pati nuna ng kabayo


pero naghirap dahil sa karera! Ang mo ba ang kasabihan
sa karera ha? Alam mo ba? Kung may kaaway ka ay
turuan mong magkarera ay nakaganti ka na! Nakatitig
si Teban at gulat na gulat ngayon niya lang nakita ang
kanyang Papa na nagalit ng ganito. Magalang sa
magulang si Teban at kailan man ay hindi sumagot ng
pabalang o lumaban kung kayat yumuko nalang siya at
tumingin sa sahig habang pinagkikiskis ang kuko sa
dalawang hinlalaki na naging mannerism niya na sa
tuwing sinesermonan. Sa isip niya matatapos din ang
sermonan ilang sandali pa, konting tiis nalang. Ginawa
ko ba sa iyo yan nung maliit ka pa? Bakit ginagawa mo
sa anak mo? Bakit mo ginutom ang anak mo alang alang
sa sugal? Sagutin moko! Habang hinihila ng dalawang
kamay ang kwelyo ng polo shirt ni Teban. Napasugod si
Aling Prising at inaawat na pilit si Mang Jose. Pati ang
tiyahin niyang si Liza. Papa tama na. Habang
humahagulgol sa iyak. Namuti ang mukha ni Johnny ng
nakita niya ang mga pangyayari. Simula ngayon wag
mo na akong ituring na ama. Tinatakwil na kita!
Lumakas ng lumakas ang paghingal ni Mang Jose. Papa
patawin mo ako. Humagulgol ng iyak si Teban.
Patawarin mo ako! hinding hindi na ako uulit.
Napaka walanghiya mong ama! Nagtuloy nag
paghingal ni Mang Jose hanggat tumataas na pati ang
balikat niya sa paghingal hangat hinawakan niya ang
kanyang dibdib at naupo. Jose! Ano nangyayari sa iyo?
Sigaw ni Aling Prising. Hindi makapagsalita si Mang
Jose, sa kanyang mukha ay bakas ang hirap. Pumalibot
29

ang lahat sa kanya. Maya maya ay pumikit ang matanda


at kahit anong gawin nila ay hindi na dumilat pa.
Nagtanim ng galit kay Teban ang mga kapatid na si Liza
at Rufino dahil sa nangyari. Ngunit pinatawad padin siya
ng kanyang Ina. Sa kabila ng nangyari ay nagtuloy sa
pagsusugal si Teban para sa kanya ito ang dahilan niya
para makalimot sa nangyari sa kanyang Papa. Nasa
ikaanim na grado sa elementarya si Johnny ng
pumanaw si Mang Jose na labis niyang dinamdam.
Ngunit dahil sa pagmamahal ng kanyang Lola Prising ay
nalampasan niya ang kanyang kalungkutan at
nagpatuloy sa kanyang buhay.

30

Ikaapat
na Kabanata
DINIG na dinig ang pasyon na lumalabas sa
malaking trompang nakapwesto sa bubong ng papag na
kapag mahal na araw ay ginagawang pwesto ng mga
pasyonero.
Pumasok
dito
ang
dalawang
nagpepenetensyang nakatakip ang mga mukha at tuloy
sa paghampas ng ilang pirasong kahoy na tinali sa lubid
sa kanilang mga likod na duguan. Dito ay binigyan sila
ng nilagang itlog na nilagay nila sa kanilang mga
malalaking supot na nangangalahati na ang laman.
Madalas niyang tinatanong sa matatanda kung bakit
binibigyan ng nilagang itlog at ganun na daw talaga
nakaugalian. Sa isip niya hindi pa ito simbolismo ng
bagong pagsilang o kaya ay para ba ito sa resitensiya at
mabilis na pagaling mula sa kanilang mga sugat. Pero sa
isang bagay lang sila sigurado, pag natapos daw ang
penitensiya ay tatalon ang mga ito sa ilog para hugasan
ang katawan at para mabilis na gumaling ang kanilang
sugat na ginagawa din ng mga batang nagpapatuli sa
albularyong si Mang Eseng sa pilapil. Alam ni Johnny na
ilang araw niyang di makikita si Nelda dahil sa ilang
araw na walang pasok sa eskwela at hindi siya
magdadaan sakay ng kanyang kotse papasok sa
eskwela.
Si Nelda ay anak ni Don Edilberto Martinez na
sinasabing pinaka mayaman sa Barangay ng Ipil-ipil na
yumaman sa pagpapalaisdaan. Sa bungad ng Ipil-ipil
31

nakatayo ang kanyang napaka-laking mansion na may


swimming pool at malaking hardin na punong puno ng
rosas at orchids na tanim ng kanyang may-bahay. Lahat
ng nakakapasok sa malaking bahay ay namamangha sa
karangyaan ni Don Edilberto. Malalaki ang lahat ng
gamit, ang mga upuan ay malalaki, ang mga figurine ang
mga flower base ang telebisyon, refrigerator at ang
lamesang gawa sa narra kayang magkasya ang
tatlumpung katao. Minsan na din siyang nagregalo ng
kotse sa isang kasalan kung kayat lalo siyang sumikat at
laging kinukuhang ninong sa mga kasalan.
Lumipas ang huwebes santo ,biyernes santo,
Sabado De Gloria at heto na ang Lingo ng pagkabuhay
na inaabangan niya at baka makita niya si Nelda na
nanunuod ang pagoda sa tulay ng Ipil-ipil. Pagkabangon
niya sa kama ay agad siyang tumalon, ayon sa kanyang
Lola Prising tatangkad siya kapag tumalon siya sa Lingo
ng pagkabuhay. Sumugod siya sa tulay at nagdaan ang
pagoda, ngunit wala si Nelda. Umuwi siyang bigo ngunit
naisip niyang lunes na kinabukasan at tulad ng dati ay
dadaan si Nelda ikaanim ng umaga. Sumapit ang gabi at
hindi siya makatulog dahil sa kanyang pananabik. Hiling
niya ay bumilis ang oras. Ngayon niya lang naramdaman
na may ganito siya kagusto sa kanyang buhay.
Nasaksihan niya kung pano naging asul ang itim na
bintana. At ngayon niya lang narinig ang ibat-ibang
tilaok ng manok. Ngayon niya lang naranasan na hindi
natulog buong gabi. Agad siyang bumaba at nandoon
ang kanyang Lola Prising at nakaluto ng kanyang hiniling
na tuyo, sinangag, itlog at kamatis. Agad siyang kumain
32

at naligo. Pagkatapos ay naglagay ng pamada at kung


ilang beses nagsuklay. Suot ang unipormeng putting
polo at khaki na pantalon ay tumawid papunta sa
tindahan ni Aling Sita.
Aling Sita isang ngang Sarsa Parilla. Sanay na
si Aling sita na tuwing umaga ay bumibili sa kanya ng
softdrink si Johnny bago pa ito pumasok sa eskwela.
Lingid sa kaalaman niya ay may dahilan kung bakit ito
ginagawa ng binata. Binuksan ni Aling Sita ang isang
cooler na gawa sa styrofoam at nakitang natunaw na
ang bloke ng yelo na laman nito. Sinalat ni Aling Sita ang
bote ng Sarsa Parilla at hindi na ito malamig. Nako
Johnny, hindi na malamig. Ayos lang po Aling Sita,
kahit hindi malamig. Binuksan ni Aling Sita ang bote
mula sa isang bottle opener na naka mount sa pader,
nalaglag sa sahig ang tansan na sumama pa sa ibatibang kulay na tansan sa sahig ng sari-sari store,
nilagyan ng straw ang softdrink at iniabot kay Johhny.
O Johnny, maganda yan lagyan mo ng itlog na hilaw
nakakalakas daw ng katawan. Pabirong sabi ni Aling
Sita. Napanginit lang si Johhny di niya maisip na
kinakain pala ng hilaw ng itlog di kaya sobrang lansa
nun? At di kaya yun didikit sa lalamunan sa sobrang
lagkit nun? Para siyang nangilo sa nadinig. Iniabot
naman ni Johhny ang sinko sentimos kay Aling Sita na
eksaktong halaga ng kanyang binili.
Iniinot-inot ni Johnny ang paginom ng Sarsa
Parilla habang naghihingay sa pagdaan ng pinaka
magandang dalaga na nakita niya sa buhay niya.
Nagsimula pa ang pagtingin niya sa dalaga nung siya ay
33

second year high school pa lamang at ngayon ay fourth


year na siya. Ngayong taon na ito ay iba na ang
uniporme ni Nelda. Mula sa puting polo at berdeng
palda ay naka all white na siyang scrub suit. Halatang
nasa kolehiyo na siya at malamang ay kumukuha ng
isang medical course.
Noong una niya palang makita ni Johnny si
Nelda ay na love at first sight na siya sa angking ganda
ng dalaga. Parang kabuti na sumulpot si Nelda, bakit
hindi niya napapansin ang dalaga dati. Siguro nga ay
dahil binate na siya. Dati ay laro lang ang nasa isip niya
ngunit ngayon ay may iba na siyang mga
pangangailangan. Kumapal nadin ang balahibo sa
kanyang braso at ibang parte ng kanyang katawan. Ang
boses niya ay unti-unti nading lumaki. Naalala niya si
Mang Temyong noong buhay pa ito, lagi silang
sinasabihan ni Peter na magpatuli para makapangligaw
na. Parang napaka simple lang sinabi ni Mang Temyong
ngunit parang di niya alam kung saan magsisimula para
ligawan ang dalaga gayong siya ay tuli na.
Sana dumaan na kundi mahuhuli ako sa
klase. Bulong ni Peter sa kanyang sarili. Ngunit ang mga
dumadaan lang ay mga taong may bitbit na supot na
may lamang pandesal, mga jeepney na galing ng
Obando sakay ang mga nagtitinda ng isda, at ang mga
kalesang namamasada na ang iba ay pupunta pa ng
Maynila. Sumipsip ulit siya ng Sarsa Parilla, maya maya
sa ibabaw ng tulay ng Ipil-ipil ay nakita niya ang kotseng
puti na pababa. Hindi siya magkakamali na ito ang
puting Mercedez Benz na pinanghahatid sa dalaga sila
34

lang naman ang may puting Mercedez Benz sa Ipil-ipil.


Agad niyang tinuwid ang katawan at nagpangap na
umiinum ng softdrink. Medyo tumagilid sa isip niya ay
mas maganda ang kanang bahagi ng kanyang mukha na
ilang beses niyang tiningnan sa salamin. Maya maya pa
ay bumungad ang kagandahan ni Nelda sa kanyang mga
mata. Nakangiti at nakatingin sa harapan ng kotse. Ang
itim na itim na mahabang buhok na nakalugay sa
slender niyang balikat ang malalantik na pilikmata, ang
matangos na ilong, ang mapupulang labi kahit pa
walang lipstick, ang mapuputing pisngi na medyo
namumula mula. Ilang segundo lang niya ito nasilayan
ngunit parang litratong dumikit sa kanyang isipan ang
imahe ni Nelda. Lalo na ang kanyang ngiti na lalong
nagpapaganda sa maganda niya nang mukha. Pag
lagpas ng kotse ay sinundan niya ito ng tingin hanggat
sa lumiit ng lumiit at usok nalang ng tambucho ang
nakalantad sa kanyang pangingin. Mabilis niyang
iniinom ang nalalabing laman ng bote at pumara ng
kalesa papuntang eskwelahan.
Ilang gabing hindi nakatulog si Johnny kakaisip
kay Nelda ang kanyang notebook ay tadtad ng guhit ng
larawan ni Nelda na kinokopya niya sa kanyang isipan.
Kailangan niyang maipahiwatig kay Nelda ang kanyang
nadarama ngunit paano? Hangang tingin nalang ba siya.
Noong una ay inakala niyang makakalimutan niya si
Nelda tulad ng iba, akala niya ay infatuation lang ito at
lilipas din. Ngunit ngayon ay alam niyang totoong
pagibig na nga dahil iba ng sakit sa kanyang dibdib na
kung minsan ay parang binibiyak. Si Nelda ang gusto
35

niyang maging unang kasintahan at ang at ang huling


babae sa kanyang buhay.

36

Ikalimang
Kabanata
SA pintuan palang ay dinig na ang boses ni Titay
na papasok sa gate nila Johnny. Liza! Andiyan ka ba?
Ang matining na tawag ni Titay na kala mo ay sumisigaw
pero sa kanya ay normal na salita lang ito. Si Tentay ay
ang matalik na kaibigan ng Tiyahin ni Johnny na si Liza
na pangalawang anak ng kanyang Lola Prising at Lolo
Jose. Si Liza din ang tumatayong sekretarya para sa
kanilang negosyong Sweet Delights na pagawaan ng
kendi.
Kapag nakatapos ng magluto at maglaba sa
umaga ay nangungubra ng jueteng si Titay na kanyang
iniintrega sa gambling lord na si Mister Ang, at ang
unang niyang pinapataya ay si Liza. Gawi niya rin kasing
makipag tsismisan kay Liza dahil isa siyang good listener
at puwede siyang rumatsada ng salita ng hindi
naiistorbo.
Tuloy tuloy lang si Titay, binuksan ang gate na
bakal at nadaan ang kapitbahay na nakikiigib ng tubig.
Pagpasok ay nadaan ang isang taga Kalapinay na
nakikitawag sa telepono. Labas pasok lang ang mga tao
sa bahay nila Johnny. At kahit kailan ay hindi nagdamot
ang kanyang pamilya. Tuwing mangangaral ang kanyang
Lola Prising ay lagi niyang sinasabi na ang tunay niyang
kayamanan ay ang kanyang kapwa tao. Ang pangaral
ng matatanda ginto. Kaya lahat ng sasabihin mo
itatanim mo sa isip mo, ako kahit hindi ako mayaman
37

madami akong kaibigan pano marunung akong makipag


kapwa tao di katulad ng malaking bahay diyan sa
paanan ng tulay na may mataas na bakod mayaman nga
wala namang kapwa tao. Sino makikiramay sa kanila
pag sila namatayan o di kayay nasunugan?Laging
niyang pangaral.
Liza nakaluto ka na ba? Sayang kuha mo isang
numero, nueve, katorse ang labas nakuha mo yung
nueve. Isang numero nalang tama ka na sana! Patungo
na sa kusina si Titay nang biglang lumabas si Liza na
hawak ang isang sandok. Sandali nalang at titimplahan
ko ba tung Tinola, upo ka muna diyan. Malapit na pala
birthday mob aka lumabas tayaan mo na! Hahahaha!
Sige lalabas ako lalagyan ko lang ng patis yung tinola
para malinamnam, at ihahalo ko yung dahon ng sili.
Umupo ka muna diyan sa sala, sandali lang ako. Agad
umupo si Titay sa magabang sofa na kulay berde na may
synthetic ang upholstery. Nakita ni Titay si Johnny na
bumaba sa hagdan ay tinanong niya ito.
Nagkita na ba kayo ng Mama mo Johnny?
Kaibigan din ng nanay ni Johnny na si Pilita si Tentay at
siya ang kasama niya nung siya ay nanganak. Lagi niyang
sinasabi na nang ipinagbuntis siya ng nanay niya ay bilog
na bilog ang tiyan nito. Maliit na babae lang ang
kanyang ina na si Pilita kung kayat siya ay na-caesarian.
Hindi man niya ito naiintindihan ay tumatango nalang
siya at naki-ayon.
Hindi pa po kami nagkikita Aling Titay. Hindi
alam ni Johnny ang halaga ng isang ina dahil lumaki
siyang sanay na walang nanay. Hindi pa siya nagkakaisip
38

nang siya ay lisan ng kanyang ina at walang karanasan


na arugain ng isang ina, kung kayat di niya rin alam
kung ano ang wala sa kanya. Karamihan ay nagtataka
kung bakit walang panghihinayang si Johhny, lalo na si
Titay na may dalawang anak at nauunawaan niya ang
sakripisyo ng isang ina mula sa pagbubuntis hanggat sa
pagpapalaki sa bata.
Pag nagkita kayo balitaan mo ako ha. Eh ang
Tiyo Rufino mo di ba nauuwi?
Hindi rin po siya nauuwi.
Pag umuwi sabihin mo na namimiss na siya ng
kabanda niya.
Kabanda po? Sino?
Sino pa? Di yung magaling kong asawa na si
Gusting! Sinabayan ng napaka lakas na tawa. Tapos si
Uwang ang nagbabaho gamit yung baho niyang gawa sa
banyera! Inihit uli to sa katatawa.Si Uwang di mo na
ata inabutan yun! Hirap na hirap magsalita at
nagluluha na ang mata katatawa. Pinunasan niya ang
mata ng kanyang kamay. Maliit palang yung anak
niyang si Melon nung yun. Di malaman kung saan
nagpunta. Ang galing! Pangalan ng banda nila The
Walastik Band! Hahaha! Ahahahaha! Halos mahulog sa
upuan si Titay.
Maya maya ay bumukas ang gate at pumasok si
Mang Gusting na asawa ni Aling Titay para sunduin ang
asawa.
Andiyan ka lang pala, di ka mapirmi ng bahay,
parang sinisilaban yang puwet mo! Mariing sabi ni
Mang Gusting.
39

Nanlisik ang mga mata ni Titay. Bakit ano


reklamo mo? Nakapaglaba nako at nakapag luto!
Pasigaw niyang sinabi. Gusto mo lang atang umano e!
Sabay tumawa ng tumawa.
Natahimik si Mang Gusting at parang napahiya,
aalis na sana ito nang biglang madinig si Johnny.
Mang Gusting dati ka palang drummer ang
galing mo naman!
Nako matagal na yun, hiningi ko nga lang sa
Lolo Jose mo yung mga drum ng mantika na ginamit ko
pangawa ng drum set na yon tapos tinakpan ko ng
kariton na makapal. Kasama ko Tiyo Rufino mo at si
Uwang yung tatay ni Melon. Nakatugtog kami sa pista
dito sa atin at sa lamay ng tatay ko. Ngayon sira na yung
drum set na yun. Panandaliang huminto si Mang
Gusting na parang may naalala. O sige, tutuloy na
muna ako at may gagawin pa ako. Sabay sumigaw si
Titay. Ano nanaman gagawin mo? Magsusugal ka
nanaman? Ha? Ha? Pumiyok si Mang Gusting na
parang nagulat. Hindi! Tatae! Bakit sasama ka? Inihit
nanaman ng katatawa si Aling Tentay at halos mahulog
sa kanyang kinauupuan.
Nagkaruon si Johnny ng ideya. Naisip niyang
nanunuod ang mga taga Barangay Ipil-ipil kapag pista ng
Barangay Duhat at baka ito na ang pagkakataon para
makita at mapansin ng kanyang sinisintang si Nelda.
Kailangan niyang masabi kay Peter ang kanyang plano
na bumuo ng combo.

40

Kapag walang pasok sa eskwela ay laging


kumakain ng lugaw si Johnny at Peter sa Lugawan ni
Mang Ambo. Maliit palang sila ay gawain na nila ito.
Mang Ambo, dalawa nga pong lugaw na may
laman. Sabi ni Peter, siya lagi ang umoorder pag
andito sila.
Anong laman? May bahay guya ngayon, trenta
sentimos lang. Kapag may itlog dagdag lang kayo ng
sinko sentimos. Alok ni Mang Ambo.
Yun nalang pong tito (bituka ng baboy). Kulang
po ang pera naming dala. Kadalasan ay sakto lang ang
dala nilang pera para sa lugaw na may tito sa ngayon sa
dalawampung sentimos ngunit noong maliliit pa sila sa
limang sentimos lang.
Agad hinalukay ni Mang Ambo ang lugaw
inangat ang isang malaking hiwa ng tito nag baboy,
tinuhog ito ang tinidor, nilagay sa isang platito at hiniwa
ng napakabilis na halos ilang segundo lang, kumuha siya
ng isang malukong na plato. Sa pagkakataong ito
humiling si Johnny na sana ay matapat sa kanila yung
mas malalim na plato para mas madaming lugaw ang
maibuhos dito. Inangat ang platitong may hiwa hiwang
tito at tinulak ang mga tito kasama ang konting lugaw
na humalo dito at kinayod pa ang platito. Sabay ubo,
ehem, ehem. Nilapag ni Mang Ambo platito at sa
ibabaw nito ay pinatong ang tinidor at kutsilyo. At
sumalok ng lugaw at pinuno ang plato ng lugaw at
nilagyan niya ng tag-isang kutsara na unti-unting
lumubog sa lugaw.

41

Hindi nagsasawa si Johnny at Peter na panuorin


ang maliit na seremonya bago sila kumain kung kayat
sa laging sa bungad sila umuupo. Kapag may nakaupo
dito ay inaantay muna nilang umalis bago pumwesto.
Iniabot ni Mang Ambo ang lugaw gamit ang ang
kaliwang kamay. Tumayo si Johnny at inabot ang lugaw
gamit ang dalawang kamay at habang papaupo ay unti
unting binaba ang lugaw sa makapal na tabla na
nakapaikot sa kinalalagyan ni Mang Ambo. Nakita niya
ang asul na linya sa gilid ng plato at siya ay ngumiting
bigla, Peter to yung plato na nakuha ko nung kumain
tayo dito nung lingo, malalim to. Tumingin si Peter, sa
dinami ng punta nila dito ito ang pinaka malalim na
plato. Sana ako din ganyan yung plato ko. Ngunit sa
tagal nilang kumain dito kailanman ay hindi sila
nagkapareho ng plato.
Hindi lang lugaw ang tinda dito, merun ding
mga ulam kahit pa lugawan ang tawag na lahat dito.
May apat na putahe ng ulam na karaniwang tinda sa
karinderia na nakalagay sa isang istanteng salamin,
menudo, sarsiadong bola bola, sarsiadong baka, at ang
napakasarap na pork pastel na kinalaunan ay naging
paboritong ulam ng public enemy number one na si Ben
Tambling. Na kahit buhay niya ay itataya makakain lang
ng kapana panabik na pork pastel sa karinderia. Dito mo
talaga masasabing sarsa palang ay ulam na! Ang asawa
ni Mang Ambo na si Aling Simang ang taga luto ng ulam
at tunay na kamatis at sibuyas ang gamit niya sa sarsa
ng kanilang mga panindang ulam na nilalagyan niya pa
ng keso para lalo pang sumarap ang sarsa.
42

Peter bumuo tayo ng Kombo?Sabay subo ng


mainit na lugaw.
Nilunok ni Peter ang lugaw sa kanyang bibig
ngunit tila litid ang parte ng laman na sinama niya sa
lugaw na kanyang isinubo. Nginuya niya ito ng nginuya
ngunit talagang makunat, nilunok niya nalang ito ng
buo. At ng parang ayaw bumaba sa kanyang lalamunan
ay uminon ng tubig na malamig. Pano tayo bubuo ng
combo? Hindi nga tayo marunung tumugtog!
Na kwento sa akin ni Aling Titay na dati daw
nagbuo ng combo ang Tiyo Rufino ko kasama yung tatay
ni Melon na taga diyan sa looban, si Uwang, at si Mang
Gusting na asawa ni Aling Titay, tingin ko kaya din natin
sundan ang yapak nila. Hinipan ang lugaw sa kutsara.
Tumigil si Peter sa pagsubo ng lugaw. May
ganun palang nangyari dito. Ako ang Tiyo Renato ko
nagigitara din yon noong maliit pako. Sumalok ng
lugaw at binitin sa ere. Nung kabataan niya gusto niya
ring mag combo kaso dinamdam niya pagkamatay ng
Lolo Jose ko kaya ayun, panay alak nalang ang hinarap.
Pero mabait yun huwag lang malalasing pag sumanib
ang espiritu ng alak ay parang wala ng kilala. Tingin
niya ay malamig na ang lugaw sa kanyang kutsara kayat
bigla niya itong sinubo.
Ganon naman pala Peter, baka puwede tayong
magaral magitara bilang simula at pagtagal ay unti-unti
tayong magdadag ng miyembro natin? Sabi ni Johnny
habang sinisimot ang lugaw.

43

Sabagay Johnny nakaya nila, tingin ko kaya din


natin. Sagot ni Peter na kalahati pa ang laman ng lugaw
sa plato.
Tumawa si Johnny at nag high five kay Peter.
Ayos!

44

Ikaanim
na Kabanata
LOLA puwede ko po bang hiramin yung gitara
ni Tiyo Rufino?
Anong gitara? Tanong ni Aling Prising Habang
naghihiwa ng sibuyas na pangsahog sa sinigang.
Yung nakasabit doon sa opisina sa kendihan.
Sige kunin mo.
Pahiram po ng susi Lola.
Sige kunin mo nakasabit sa tokador diyan sa
kwarto. Ibig sabihin ni Aling Prising ay ang home office
nila na nasa ibaba ng two story house nila.
Binuksan ni Johnny ang tokador at nakitang
nakasabit ang isang kumpol ng susi sa isang pako. Agad
niya itong kinuha at tinungo ang kanilang pabrika ng
canday na Sweet Delights na walking distance lang mula
sa bahay nila sa Kalapinay upang kunin ang gitara ng
kanyang Tiyo Rufino.
Kung ilang beses na siyang nagpapaturo kay
Bentot magitara ngunit lagi lang nitong sagot ay. Pag
may gitara ka na tsaka ka magpaturo sa akin. Kayat sa
susunod niyang lapit kay Bentot ay sisiguruhin niya ng
may dala na siyang gitara.
Mula sa bahay nila sa Kalapinay ay tinungo ni
Johnny ang direksiyon papunta sa tulay ng Ipil-ipil at
bago umakyat ng tulay ay lumiko pakanan sa Villareal
Subdivision sa kanto ay nakatayo ang isang napakalaking bahay na may napakalaking bakuran na
45

napapaligiran ng napakataas na pader na kahit sa


ibabaw ng tulay ay hindi makikita ang loob ng pader. Sa
unang likuan pakanan ay ang Adobe Street at ang
pangalawang lote mula sa kanto ang kanilang pabrika ng
kendi. Pagkanan niya ay natanaw niya ang pinto ng
pabrika ng kendi na kulay maroon at anong saya ang
kanyang naramdaman. Di rin kalayuan dito ay ang
bahay ng kanyang amang si Teban na nakatira sa
Granite Street di kalayuan sa pabrika. Tuklap na ang
pintura sa ilang bahagi ng bakal na gate at ang ibang
bahagi ay kinakalawang na at may maliliit na butas.
Sinusian niya ang maliit na pinto sa gate. Nang itulak
niya ito ay nadinig niya ang isang malakas na langitngit.
Bandang kaliwa ay andoon ang opisina kung saan niya
kukunin ang gitara ngunit nilampasan niya muna ito.
Nagtungo muna siya sa lugar kung saan ginagawa ang
mga kendi. Madumi ang sahig at may mga maliit na
piraso ng lawanit at yero. Pag tingala niya ay nakalawit
na ang kisameng lawanit na may mga butas. At may
mga sinag ng araw na pumapasok sa butas sa mga yero.
Naibenta na ang ibang kagamitan pero nakakabit padin
ang malalaking kuntador ng kuryente ang makakapal na
kawad para niyang naririnig ang ingay ng makina na
kanyang pinananabikang marinig muli. Hindi niya
mapigilan kundi humanga sa kanyang Lolo at Lola. Di
niya lubos maisip kung pano naitayo ng kanyang Lolo at
Lola ang ganung klaseng negosyo samantalang ang Lolo
niya ay hindi nakatungtong sa eskwelahan at ang Lola
niya ay tapos lamang ng grade two. Ang malaking
lamesa kung saan sila nagbabalot ng kendi ay tagibang
46

na. Nakita niya ang kanyang sarili noong bata pa siya at


nakikipag harutan sa mga trabahador habang
nagbabalot ng mga native kendi na tulad ng: tira-tira,
turrones de casoy, pastillas, bukayo at iba pang klase ng
kendi na tulad ng gumdrops na pinagugulong nila sa
asukal, rock candy, at tsokolate. Nasaan na kaya sila?
Sana mabuti ang kanilang kalagayan. Sabi niya sa
kanyang sarili.
Bigla niyang naalala ang kwento ng kanyang
Lola Prising. Nung maliit pa siya ay minsang nakipag
tuksuhan siya sa kanyang pinsan. Sa hindi malamang
dahilan ay tinawag niya itong okoy at pinagtawanan.
Nadinig siya ng kanyang Lola at pinagalitan.
Johnny di mo ba alam yang pinagtatawanan
mo! Diyan nangaling ang kabuhayan natin sa okoy. Ang
saway ng kanyang Lola. Naisip ni Aling Prising na okoy
ang bansag sa asawa niyang si Jose Lim nung kabataan.
Nalimutan nalang ito sa pagsulong ng panahon.
Madaming nanligaw sa akin noon. Patuloy ng
kanyang Lola, may abogado, may negosyante, may
doktor na ayokong-ayoko dahil may daliri ng tao na
laman sa bulsa. Di man mayaman ang lolo mo at walang
tinapos ay nakita ko ang sinseridad niya at seryoso siya
sa pagmamahal niya saken at ang pagsisikap para
umasenso. Hindi kami taga Malabon dati, doon kami
nakatira sa Bambang. Nang matapos ang world war II.
May natirang piso ang iyong Lolo Jose bumili siya ng ube
at asukal, binilog niya yung ube at pinagulong sa asukal,
nilagay sa garapon at nilako niya sa mga jeepney driver
sa Maynila. Nung tumubo ay naglako ng okoy ang Lolo
47

mo hanggat nakabili kami ng kariton inalok kami ng


kakilala namen sa Palengke ng Bambang na magtinda ng
sapatos pinautang niya kami ng pitong pares na sinama
ng lolo mo sa kariton doon namen nakita kung gano
kalaki ang tubo sa sapatos. Kayat nagpasya kami ng
Lolo mo na magtayo ng tindahan ng sapatos sa
Bambang. Karaniwan dito binibili ng mga sundalong
Amerikano ang kanilang nobya ng sapatos. Gumawa din
kami ng mga laruan ng Lolo mo, sipa, sarangola, baril
barilan na tininda din namen sa pwesto namen para di
saying ang upa. Tapos nagkita sila ng kaibigan niya si
Jose Lim, yung Lolo ni Peter inalok siyang magtrabaho
bilang ahente sa Mantika Corporation. Nakita niya kung
pano umasenso ang kanyang kaibigan kaya sinubok ng
Lolo mo. Habang siya ay nagtatrabaho ako ang tumatao
sa pwesto sa Bambang. Sumunod nun nakaginhawa
kami ay nagtayo kami ng repacking company na Golden
Dragon Corporation, nagrerepak kami ng asukal. Doon
nakabili kami ng apat na trak na pangdeliber namen. At
nabili namen yung lupa natin sa Villareal Subdivision.
Kung saan naitayo namen yung kendihan. Unti-unting
naglalo ang boses ng lola niya sa kanyang isipan at siya
ay nagising sa panaginip. Tumingin ulit siya sa paligid,
napahinga ng malalim at tinungo niya ang opisina.
Sa ngayon ay binebenta na ang kanilang
pabrika. Minsang pinagkatiwala ng kanyang Lola Prising
ang pabrika sa kanyang mga anak nang pumanaw si
Mang Jose. Naunang humawak ng pabrika ang kanyang
Tiyo Rufino na panganay na anak ng kanyang Lola
Prising at Lolo Jose, panandaliang maganda ang kanyang
48

pamamalakad ngunit kailangan nitong umalis at


nanirahan sa Davao. Mula ng nakarating siya sa Davao
ay parang ayaw niya ng bumalik ng maynila at doon ay
napangasawa si Nelia na may taniman ng prutas ang
angkan. Gustong sundan ni Rufino ang yapak ng
kanyang mga magulang na nagsikap at tumayo sa
kanilang sariling paa. Isa pa ay hindi sila magkasundo ng
bunsong kapatid na si Teban. Kadalasan ay kumukuha
ito ng kendi ng hindi nagpapaalam na kapag sinabi niya
kay Aling Prising ay pinabubulaanan nito. Malaki ang
nawawalang pera dahil sa ganitong gawain ni Teban. At
kahit paano ay may sama ng loob si Rufino sa mga
magulang na walang pinapaboran kundi ang busong
kapatid na si Teban na sa tingin niya ay spoiled sa
kanyang mga magulang. Sa ngayon ay may taniman ng
suha si Rufino sa Davao na patuloy pa rin ang paglago.
Nang umalis si Rufino ay pinagkatiwala kay
Teban ang pabrika na kinabagsak nito dahil sa lakas
nitong magsabong. Laging nadidinig ni Johnny sa
kanyang Lola Prising na hindi uuwi ang tatay niyang si
Teban hanggat hindi natatangay ang sabungan.
Tinungo ni Johnny ang opisina ng kendi factory.
Kailan lang ay bagong pintura ang pinto na ito ngayon
ay kitang kita ng mga lamat sa kahoy at putok sa kahoy.
Hindi agad ito bumukas dahil namaga ang kahoy na
pintuan. Pinilit niya itong itulak at naramdaman niyang
kumakayod sa sahig ang pinto. kinakalawang nadin ang
mga bisagra at nabali ang isa sa gitna nang pwersahin
niyang itulak ang pinto.

49

Laking gulat niya ng nakita niyang nakasabit


padin sa eksaktong lugar ang gitara ilang taon man ang
lumipas, isa itong dreadnought style na gitara na natural
amber ang kulay. Hinawakan ni Johnny ang neck ng
gitara at ingat na ingat na inangat. Ito ay nakasabit sa
isang pako gamit ang plastic straw. Ng makuha niya ng
gitara ay umupo siya at kinandong ito. Madami itong
alikabaok at ng punasan niya ng kamay niya ay halos
nagdikitan sa kamay niya ng alikabok ngunit bale wala
sa kanya ito dahil sa excitement niya na hawakan ang
gitara. Kinakalawang na ang string ng gitara at kailangan
ng langisan ng tuning peg. Nagbalik ang ilang ala ala
nung maliit pa siya natatandaan pa niya na misan niya
ding hinawakan ang gitarang ito, wala siyang ginagawa
kundi pihitin ng pihitin ang tuning peg ng gitara
hanggat mabanat ang lahat ng string. Ang akala niya ay
pag mas banat ang kwerdas ng gitara ay mas maganda
ang tunog at kadalasan ay isang kamay lang ang gamit
niya sa pagtutog ang kanang kamay para strum ang
kwerdas sa abot ng kanyang lakas. Ngunit ngayon ay
nagkaruon na siya ng ingat at respeto sa gitara. At
pinangako niya sa sarili na aalagaan niya at mamahalin
ang gitarang ito habang siya ay nabubuhay. Ngayon ay
puwede na siyang turuan magitara ni Bentot.
Si Bentot ay sikat sa pagigitara sa Kalapinay.
Hindi lang siya magaling sa pagigitara, magaling din siya
sa larangan ng chess at dama. Pag siya ay may hawak na
gitara kadalasan ay nagkukumpulan ang mga tao upang
makinig. Siya ay tumutugtog na sari saring kundiman
pati nadin tono ng mga commercial sa television na
50

napapanuod niya sa tindahan ni Aling Turing na


kinagagalak at ikinamamangha ng mga taong
nakapaligid sa kanya. Kadalasan ay kanya kanyang
request ang mga nanunuod na kanya namang
pinagbibigyan.
Si Bentot ay isang kristo, hindi ang Kristong
banal na pinako sa krus upang sagipin ang sankatauhan.
Kundi ang kristo na sumusigaw para magkasa ng pusta
para sa amo niyang nananaya. Iisa ang porma ng mga
kristo, kadalasan ay naka t-shirt na puti, naka maong at
alpombra at may nakasabit na tuwalyang puti sa balikat.
Kadalasan ay malalaki at malat ang boses ng mga kristo
kakasigaw sa sabungan kayat pag nagsalita sila ay akala
mong may nagaaway.
Kinaibigan ni Johnny si Bentot na sadyang
mailap ngunit kapag siya ay nililibre niya ng softdrinks,
hopia at sigarilyo ay uupo ito at makikipag usap. Tuwing
magpapaturo siya ng gitara kay Bentot ay isa lang ang
sinasabi nito. Hindi kita tuturuan hanggat wala kang
sariling gitara mo. Wala pang Jingle Magazine na may
chord chart ng mga panahon na yon kayat iilan lang ang
marunong magitara.
Bitbit ang gitara ng kanyang Tiyo Rufino ay hinanap niya
si Bentot. Sa isip niya ngayon ay di na makakawala si
Bentot, mapipilitan na siyang turuan akong magitara.
Uwak nakita mo ba si Bentot? Tinanung ni
Johnny ang lalaking nakasandal sa poste.
Parang nakita ko doon sa sugalan ng Lolo
Sandro mo.

51

Agad tinungo ni Johnny ang sugalan, pinasok


niya ng isang maliit na eskinita at sa dulo ay nakita niya
si Bentot na naglalaro ng mahjongg, namumula ang
mukha at gulo ang buhok. Malas naman! sabay kamot
sa ulo, sigaw ni Bentot, haging na e hindi pa tumodas.
Sabay dabog sa lamesa. Mukang natatalo si
Bentot.Ganun talaga. ang pakantang sabi ni Tambol.
Maya maya ay tumodas si Galapong. O single! Hahaha!
Tinihaya ni Buwaya ang kanyang picha, Puro narin ako
e! Isang ikot pa todas ko na! Buhay nga naman o!
Sabay bunot ng isang picha at sinalat ng hindi makita
ang hinahanap at sinalat pa ang ibang picha. Hindi
napigil ni Tambol at biglang tumawa ng tumawa.
Hahaha! Pinakita ang isang picha na may ibon. Eto!
Hindi mo matitikam to! Sabay inihit ng katatawa na
parang kontra bida sa pelikula. Bumulong tong katabi
ko e. Sinabayan ulit ng tawa. Tinuro ang batang maitim
na nasa likod niya na apo ni Mang Sandro. Sabi dalawa
ang ibon mo! Hahahahahahaa! Ha! Halos ubuhin sa
katatawa. Hoy Nognog umalis ka nga muna kung ayaw
mong masaktan ka! Sigaw ni Buwaya. Natakot ang bata
at nangatwiran, sabi ko lang naman dalawa ibon, ano
ang masama doon? Susunud kung gusto mong
manuod tumahimik ka ha! Sabay hubad ng tsinelas.
Humagulgol ang bata at umakyat sa hagdanan.
Nagbayad ang tatlo kay Galapong. Maya maya
pa ay sinita ni Galapong si Tambol.
Bakit kulang to ng isang pera?
Anung kulang? Sakto ang bayad ko! Tatlong
pera yan ha! Pasigaw nitong sinabi.
52

Heto lang pera ko harap e. Binilang uli ang


pera. Kung nagbayad ka e di eksakto to
Baka nalaglag lang.
Tumingin sa sahig muna sa kandungan niya si
Galapong ng walang makita ay tumingin sa sahig. Wala
namang nalaglag na pera e, pag ako ang nagbayad
sakto, tapos ikaw kulang!
Tatlong pera yung sinama ko diyan sa pera mo di ako
magkakamali! Pasigaw na sagot ni Tambol.
Oooh, tama ka na! Susunud ididiga mo pag
magbabayad ka ha!
Hoy Galapong! Maghulos Dili ka! Mabilis na tumayo
kung kayat umalog ang malapad at mabilog na tiyan na
parang tambol.
Maya maya ay nakialam si Buwaya , Oy wag na
kayong mag-away maglalaro pa ba tayo?
Sige na, sige na, balato ko na sayo yon. Ang sabi ni
Galapong kay Tambol.
Maya maya ay tumahimik ang lahat. Bumulong si
Tambol, Isang pera lang e. Biglang nandilat ang mata
ni Galapong, Isang pera nga sakto naman akong
magbayad ikaw kulang! Maya maya ay sumigaw si
Buwaya, Tumigil na kayo, isang pera lang pinag
aawayan niyo pa! Nagkamot ng ulo si Bentot at tumayo,
Mag ayawan na nga tayo kung ganyan! Talo pako pero
ayoko na! At naglakad palabas ng sugalan. Kaagad
itong sinundan ni Johnny.
Bentot!

53

Oy ano yun Johnny? Sabay nakita ng hawak


na gitara ni Johnny. May gitara ka na pala saan mo
nabili yan?
Sa Tiyo Rufino ko to, pumayag ang Lola ko na
gamitin ko.
Ayos pala, matututo ka ng magitara niyan
Sabay talikod ni Bentot at tuloy sa paglalakad palabas
ng eskinita.
Kala ko ba tuturuan moko?
Nako may gagawin ako ngayon e.
Ahh, inum muna tayo ng softdrink at kain ng
hopya diyan sa Tindahan ni Aling Sita.
Ganun ba? Puwede din, sige mamaya ko
nalang gagawin yung kaha ng gagambang di salamin na
order saken ni Kabayo. Maya maya pa ay umupo sila sa
pasimano ng tindahan ni Aling Sita.
Aling sita isa ngang Sarsa Parilla at isang Cola,
samahan niyo na din ng dalawang Hopia. Alam nan i
Johnny na Cola ang paborito ni Bentot.
Anong hopya baboy o mungo?
Akin baboy. Sabat ni Bentot.
Binuksan ni Aling sita ang dalawang bote ng
softdrinks nilagyan ang straw at ang hopya ay pinagitna
sa nakatuping dyaryo at iniabot.
Isang lagok lang ni Bentot ay nangalahati ang
softdrink at ang hopia ay dalawang kagatan lang.
Mukang ginutom si Bentot sa pagkatalo sa sugal at
binawi nalang sa pagkain.
Aling Sita isa nga pong sigarilyo, alam niyo na
kung ano. Kabisado na ni Aling Sita kung anong
54

sigarilyo ang laging binibili ni Bentot. Tinaktak nito ang


kahat ng sigarilyo, humugot ng isa at iniabot kay Bentot.
Tinaktak ni bentot sa likod ng kaliwang kamay ang
sigarilyo upang ito ay masiksik. Inipit ang sigarilyo sa
kanyang mga labi at inabot ang isang kahang posporo
na nakasabit sa sinulid. Pagkakiskis ng posporo ay
sinindihan ang sigarilyo na tinakpan niya ng kaliwang
kamay para hindi mamatay ang apoy ng posporo. Maya
maya ay humitit siya ng isang mahabang hitit at binuga
ang usok sa isang mahabang buga. Sinubo muli ang
sigarilyo at in
unat ang kamay para abutin ang gitara na
nanliliit ang mata dahil nahihilam sa usok. Nakaugalian
na ni Bentot na manigarilyo habang nagigitara, para sa
kanya ay hindi kumpleto ang pagigitara kung walang
nakasupalpal na sigarilyo sa kanyang bibig.
Magandang tumunog to ha, sabay silip sa
gitara, original pa. Natuwa si Johnny sa narinig. Inipit
ni Bento ang sigarilyo sa pinakamakapal ng kwerdas ng
gitara. At inistrum strum ng kwerdas habang papalit
palit ng tipa, na tipong nawawarm-up.
Ayos ha bago kwerdas, saan mo to nabili?
Diyan lang sa pakengke pinabili ko sa Lola ko. Sagot ni
Johnny na hindi na makapag intay na turuan siya ni
Bentot.
Eto A. Sabay kalabit sa gitara. Nakita ni
Johnny na mukang madali lang dahil tatlong daliri ang
magkakasunod na nakahilera. Eto A minor.
Pagkadinig ni Johnny ng salitang minor ay parang nalito

55

agad siya, pero nakita niyang inatras lang ni Bentot ang


isang daliri.
Ahhh ganun pala yun! Ang sabi ni Johnny
habang siya ay napatango. Ano ang pinakamadaling
chords?
Eto nakita niya na isang daliri lang ang
nakadiin sa second fret sa ikalimang kwerdas. Ano
yan? Ito ang E minor seven. Ahhhh. Subukan mo
muna sa A mag strum ka. Inabot kay ni Bentot kay
Johnny ang gitara. Inipit ni Johnny ang gitara sa kanang
braso at pinatong sa kaliwang kamay ang neck ang
gitara at tinipa ang A. Isa isang nilapag ang mga daliri.
Nauna ang hintuturo sa second fret, fourth string.
Sumunud ang gitnang daliri o hinlalato sa second fret,
third string at ang palasingsingan sa second fret, second
string. Sabay kalabit ngunit may mga binging string na
hindi tumutunog ng maayos.
Diin mo pa. Ang sabi ni Bentot. Diniin ni
Johnny ang pagtipa, naramdaman niyang masakit sa
daliri pero tiniis niya. Sige kalabitin mo, habang
kinakalabit mo bumilang ka,one, two, three, four; one,
two, three, four; one, two, three, four. Bawat bilang
sabayan mo ng kalabit. Ng mapamilyar na si Johnny sa A
chord ay pinahinto siya ni Bentot at isa isang pinuwesto
ang kanyang mga daliri. Ang palasingsingan sa second
fret, first string. Ang hinlalato sa sa third fret, third
string at ang hintuturo sa second fret, third string. Yan
ang D chord. Napansin ni Johnny na bumabaon sa
kanyang daliri ang mga string.

56

Maya maya pa ay dumating si Bubule, Aling


sita belekoy na. Inikot ni Aling sita ang takip na pula ng
isang garapon at kumuha ng dalawang belekoy at inabot
kay Bubule,o dalawa isang pera. Kinuha ito ni Bubule
at nakangiwing nginuya ang makunat na belekoy at
halos lumagutok ang kanyang panga. Maya maya ay
lumapit sa dalawa.Bentot tugtugin mo nga yung Song
for Anna. Ang sabi ni Bubule habang ngumunguya ng
belekoy. Sikat na instrumental ni Bentot ang Song for
Anna at ito ang pinaka mahirap niyang pyesa. Biglang
natanaw ni Bentot na padating na ang mga tambay na
naglaro ang basketball sa bagong gawang court sa
bukid. Siguradong di na siya makakaalis pag inabutan
siya ng mga ito at uulanin siya ng request. Magluluto
nga muna ako. Sabay inubos ni Bentot ang natitirang
laman ng di-bote at nagmamadaling umalis. Nang nakita
ito ni Johnny ay umalis nadin siya at tumawid patungo
sa kanilang bahay dala ang gitara. Naiwan si Bubule at
napakamot nalang ng ulo habang isinubo ang
pangalawang belekoy.
Agad niyaya ni Johnny si Peter na magensayo at
sila ay nagkasundo na sabado nila ito gagawin para
walang pasok sa a eskwelahan. Tulad ng dati dadaanan
ni Peter si Johnny at tutungo sa Lugawan ni Mang Ambo
para magalmusal at pagkatapos ay pupunta sila sa bukid
upang magensayo sa lilim ng puno ng kamatsile.
Sabado ng umaga ay pumunta si Peter sa bahay
nila Johnny dala ang isang acoustic guitar na kulay itim.
Tuloy tuloy siya sa loob at siya ay nakita ni Aling Prising.
O Peter, kakain na ba kayo ng lugaw? Opo Aling
57

Prising pagkatapos po ay mageensayo kaming magitara


sa bukid. Ay ganun ba? Sige pagbutihin niyo mga apo
ha. Johnny! Narito na si Peter. Kadalasan ay nasa kwarto
si Johnny. Ng narinig niya ito ay agad siyang bumaba at
nakita niya si Peter na dala dala ang isang gitarang
dreadnought na may cutaway na kulay itim.
Wow Peter, ang ganda naman ng gitara mo
may uka pa sa gilid para maabot mo ang matataas na
nota. Mahal siguro yang ganyan!
Hindi ko alam Johnny, pinahiram lang to ng
Tiyo Nato ko. nung nalaman na gusto kong magbanda
ay tuwang tuwang, hinangad niya din daw yan nung
kabataan niya kaso hindi para sa kanya ang pagtutog.
Iwan mo muna dito yang gitara mo Peter,
mamaya pagkakain natin kay Mang Ambo ng lugaw ay
balikan natin bago tayo pumunta sa bukid. Nilapag ni
Peter ang gitarang nakatayo sa ibaba ng sofa.
Ano? Tayo na?
Tara. Sagot ni Peter.
Lola aalis na kami ni Peter. Paalam ni Johnny.
Mag iingat kayo mga apo ko. Mamaya dito na
kayo mananghalian ha. Magluluto ako ng nilagang
baboy. Dadamihan ko ang talbos ng kamote para mas
masustansiya.
Sige po lola. Samalat po. Tugon ni Peter at
lumabas ang dalawa. Masaya si Aling Prising na gitara
ng hawak ng kanyang apo at hindi manok na panabong.
Agad tumungo sa Lugawan ni Mang Ambo si
Johnny at Peter at pagkatapos mag almusal ay binalikan
ang gitara sa kanilang bahay at tumungo sa bukid para
58

mag ensayo. Umupo sila sa damuhan sa ilalim ng puno


ng kamatsile madaming tuyong damo kaya tuloy tuloy
silang umupo kapag sariwang ang damo ay
magmamantsa sa suot nilang pantalon.
Saan tayo magsisimula? Tanong ni Johnny. Si
Peter ang decision maker sa kanilang dalawa.
Pakita mo saken kung ano ang alam mo. Sagot
ni Peter.
Pinakita ni Johnny na marunung na siyang
tumipa ng A at D chord at pinagsalitsalitan niya ito.
Nanuod lang si Peter sa kanya at ng huminto siya ay.
Tumugtog si Peter na may kasamang kanta. Reelin and
Rockin Humanga si Johnny at natulala kay Peter sa
pagtugtog sa kanta ni Evan Phillips.
Turo mo naman sa akin yan Peter.
Madali lang yan, C chord lang yan, di pako
makalipat sa F chord mahirap e.
Saan mo natutunan yan?
Tinuro lang ng Tiyo Nato ko.
Hindi ka na pala sasama saken para magpaturo
kay Bentot?
Hindi na siguro Johnny. Ayos din to nalilibang
Tiyo Nato ko para hindi uminom ng uminom ng alak.
Nagensayo magdamag ang dalawa at umuwi
lang para kumain ng tanghalian gaya ng pinangako nila
kay Aling Prising. Ngunit pagkakain ay bumalik ulit sa
bukid at umuwi nalang ng hapon na. Tuwing sabado at
lingo ay lagi na nilang nakaugalian ang mag ensayo at di
naglaon ay natutunan nila lahat ng alam ni Bentot at ni

59

Nato na tinuro din nila sa isat isa na tanging bukid lang


ang nakasaksi.

60

Ikapitong
Kabanata
NAGULANTANG at nagluksa ang lahat sa
pagkamatay ni Aling Prising. Si Aling Prising ay
nagkaruon ng mild stroke at nang siya ay dinala sa
hospital ay biglang nagsulputan sumunod ang ibat-ibang
komplikasyon. Dahil sa matagal na pagkakaratay ay
nagkaruon siya ng mga bedsores na pinagmulan ng
infection na kanyang ikinasawi.
Halos naubos ang natatabing nilang pera ng
Pamilya Bautista sa laki ng bayarin sa ospital. Tatlong
buwan ding naratay si Aling Prising bago tuluyang
pumanaw. At gumamit pa siya ng respirator sa huling
lingo niya sa ICU na lalong nagpamahal sa kanilang
gastusin.
Kung ilang taon na din silang umaasa sa
pinagbentahan ng kanilang pabrika na nabili ni Ponga,
isang chinese businessman na ginawang sardinasan ang
kanilang factory ng kendi. Bukod sa anak na si Teban at
ang kanyang pamilya at ang matandang dalaga na si Liza
ay takbuhan din ng Kalapinay si Aling Prising kapag sila
ay nagigipit. Ang dalawang kapatid ni Aling Prising na si
Conching at Miring ay sa kanya din umaasa. Si Conching
ay napangasawa si Sandro na ang tanging
pinagkakakitaan lang ay sugalan, sa kanila binigay ni
Aling Prising ang kanilang dating bahay dahil laging
nagsusumbong si Miring na ginagapang siya ng asawa ni
Conching na sa Sandro. May oras pa nga na nakarating
61

ito sa kanilang ama na nilagyan ang pulbos ang sahig sa


paligid sa kama ni Miring at kinaumagahan ay nakita
ang bakat ng paa ni Sandro sa pulbos. Nagpasiya si Aling
Prising na nagpagawa ng kanilang bahay ng ito ay
bumagsak sa katandaan na patirahin sa ibang bahay ang
magasawang si Conching at Sandro. Nang namatay ang
kanilang mga magulang ay pinaubaya na kay Miring at
sa yokanyang napangasawang si Junanito ang bahay ng
kanilang mga magulang sa si Francisco na Ilokano at si
Candida na tubong Bulakan. Nagkaanak si Miring ng
tatlo nang siya ay mabyuda sa edad na tatlumput isa at
simula noon ay si Aling Prising na ang sumalo ng lahat
ng gastusin hanggat lumaki ang mga bata. Madami din
ang may utang kay Aling Prising sa Kalapinay na kasama
niyang nailibing sa hukay.
Umuwi si Rufino galing ng Davao kasama ang
kanyang buong pamilya. Ito ang pangalawa niyang uwi.
Mula ng lisan niya ang Kalapinay ang unang
pagkakataon na umuwi siya ay ng Namatay ang Kanyang
Papa na si Mang Jose. Nung panahon na yun ay isa
palang ang anak niya na si Maricel. Ngayon ay dalawa
na ang anak niya nasundan ito ng isang malusog na
batang lalaki na si Nelson.
Pagkatapos ng libing ni Aling Prising ay may
konting pagsasalo sa bahay ng yumao. Andoon ang
tiyahin niyang si Liza, ang asawa ni Rufino na si Nelia at
ang dalawa nilang anak. Andoon din si Perla at ang
dalawang kapatid ni Johnny na sina Raul at Maricar.
Ngunit wala ang kanyang amang si Teban. May alitan si

62

Rufino at Teban at sa tuwing makikita niya si Rufino ay


para siyang nanliliit.
Pagkatapos ng salo salo ay may konting
kwentuhan. Maya maya ay tinawag ni Rufino si Johnny.
Johnny halika nga sandal. Naglakad si Rufino
papasok sa kanilang home office at kaagad sumunud si
Johnny.
Nung maliit ka pa pinagbilin ka sa amin ng Lolo
at Lola mo, na kung ano man ang mangyari sa kanila ay
hindi ka namen pababayaan. Ikaw palang ang apo niya
noon. Ano ba ang plano mo ngayon?
Hindi ko po alam Tiyo Rufino.
Hindi sa sinisiraan ko ang Papa mo, pero lulong
sa sugal ang ama mo, hindi kami nakakasiguro ng Tiya
Liza mo kung makukuha ka niyang itaguyod buong
buhay ng Papa mo ay nakasandal lang siya sa magulang
niya at ngayon wala na siyang aasahan. Hindi namen
sigurado kung magbabago na siya. Pero kung
magbabago man ang Papa mo ay nuong namatay ang
Lolo Jose mo ay ginawa na niya. Taimtim na nakikinig si
Johnny. Masakit man ay kailangan niyang tangapin ang
katotohanan. May sarili na rin akong pamilya at
dalawang anak, malayo ang inuuwian ko, hindi ko
maipapangako sa iyo na lagi kong matutugunan ang
mga pangangailangan mo na katulad ng ginawa ng Lolo
at Lola mo. Ang hiling ko sa iyo ngayon ay tumayo sa
sarili mong paa. Huwag mong pamarisan ang iyong
ama. Dumukot sa bulsa sa likod ang kanyang Tiyo
Rufino. At inabot sa kanya ang isang sobre. Heto, sayo
ko ibibigay ng parte ng mana ko. May sampung libong
63

pisong laman ang sobre na yan. Bahala ka ng


magdesisyon kung ano ang gusto mong gawin. Kung
gusto mo magaral ka o magnegosyo, magtrabaho. Ikaw
na ang bahala. Bastat ano man ang mangyari ay huwag
na huwag mong gagastusin sa bisyo ang perang yan.
Hindi malaman ni Johnny ang sasabihin at parang
mabibitawan ang sobre.Opo tiyo Rufino, makakaasa
kayo na gagamitin ko sa matino ang pera na ito. Marami
pong salamat. Nga pala isasama ko muna ang Tiya Liza
mo sa Davao para makatulong ko sa negosyo. Kailangan
ko ng taong mapapagtiwalaan ngayon lalo nat lumalago
ang negosyo ko na taniman ang suha. Gusto ko ding
bigyan ang Tiya mo ng pagkakataon sa buhay sana ay
maunawaan mo. Gusto din ni Rufino na tumibay ang
loob ni Johnny kaya niya ito ginagawa. Nakitang niyang
na pamper ng husto si Johnny at hangang ngayon ay
happy go lucky padin sa buhay.Sige po Tiyo Rufino ako
na pong bahala dito. Makakasa kayo. Ngumiti si Rufino
at hinimas si Johnny sa ulo.Nasaan yung gitara mo
pakita mo nga saken ang mga alam mong kanta.
Kinabukasan ay hinatid niya ang kanyang Tiyo
Rufino niya at ang pamilya neto sa pier kasama ang Tiya
Liza niya. Niyakap siya nito ng mahigpit at humagulgol
ng iyak.
Johnny magpapakabait ka ha. Susulat ako ng
madalas sana sumagot ka. Di napigil ni Johnny na
tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Nangangatog
ang kanyang lalamunan at hindi siya makapagsalita.
Johnny yung mga bilin ko sa iyo ha. Tiniis ng Tiyo
Rufino niya na hindi maiyak ngunit nangingilid ang luha
64

sa mga mata. Gusto niya na sanang isama si Johnny sa


Davao ngunit gusto niyang matuto si Johnny na makipag
sapalaran sa buhay. Niyakap din siya ng kanyang Tiya
Nelia at hinalikan sa pisngi pati nadin ang maliit niyang
pinsan na sila Maricel at Nelson. Bye kuya. Minsan
punta ka ng Davao ha. Natawa si Johnny at sumingot.
Sige pangako pupunta ako. Naglakad na papunta sa
barko ang kanyang mga mahal sa buhay. Gusto niyang
sumunod ngunit ayaw gumalaw ng kanyang mga paa.
Nanatili siyang nakatayo habang tuluyan na silang
mawala sa kanyang paningin.
Nang pumanaw si Aling Prising ay nawalan ng
sustento si Teban. Dahil sa lakas niyang magsugal ay lagi
niyang kailangan ang pera. Mas madaming pera mas
maganda dahil mas matagal siyang magiging laman ng
sabungan at karerahan. Nang kabataan niya ay ilang
beses niyang nasangla ang kotse ng pamilya kapag siya
ay kinakati ng sugal at ilang beses din itong tinubos ng
kanyang mga magulang. Sa ngayon ay nasangla niya ulit
ang kotse ngunit sa ngayon ay wala ng tutubos.
Sumunod ay naisangla niya ng bahay na binigay sa
kanya ng kanyang mga magulang. Pag siya ay
sinumpong ng kati sa pagsusugal ay kailangan niya ng
mabilisang pera kung kayat sangla ang lagi niyang
naiisip at ang tanging paraan niya lang ng pagyaman ay
kung mananalo siya ng malaki sa sugal. Paminsan
minsan ay nananalo din siya at agad niya itong binibili
ng gamit sa bahay, nakabili siya ng stereo at isang set ng
lamesa at upuan na kundi daw sa sugal ay hindi niya
mabibili. Ilang buwan na siyang hindi nakakabayad sa
65

banko at dahil dito ay naremata ang bahay na minana


niya sa kanyang mga magulang. Dahil dito ay
nagdesisyon nalang silang umuwi ng Olongapo sa bahay
ng mga magulang ni Perla. Hinatid ni Johnny sa istasyon
ng bus ang kanyang ama at pangalawang pamilya. Doon
ay kumain muna sila sa isang karinderia dahil tapat na
alas dose ng tanghali sila nakarating at doon ay
naglabas ng sama ng loob ang kanyang Papa.
Alam mo Johnny ngayon lang ako magsasalita
sa iyo. Simula ng namatay ang Lolo Jose mo, ako na
sinisi ng lahat sa pagkamatay niya pati Tiyo Rufino mo at
Tiya Liza mabuti pa ang Lola Prising mo hindi ako sinisisi.
Matagal na akong nagtitis buti nalang nga at may
diversiyon ako kundi ay matagal nakong nagpakamatay.
Pasensiya ka na at di kita napagaral ng kolehiyo laging
malas e. Pag ako sinwerte babawi ako sa iyo. Ang buhay
swerte swerte lang naman yan, bakit si Kapitan Tinoy,
no read no write pero milyonaryo, kapag namimili ay
isang bayong ang dalang pera? Malay mo di pa naman
tapos ang buhay pero sa ngayon dapang dapa ako.
Hiling ko lang ay swertehin ka ng kahit pano makatikim
naman tayo ng kaginhawahan balang araw. Lahat ng
nangyayaring ito ay pagsubok ng diyos at may
katapusan din. Hindi kumikibo si Johnny at hindi alam
ng isasagot dahil hindi niya alam kung pano ba
swerswertihin ang tao. Natapos silang kumain at
tumungo na papunta sa isang bus ang kanyang ama at
kinakasamang si Perla dala ang dalawang malalaking
bag at habang papalayo ay kumakaway ang dalawa
niyang kapatid na si Raul at Maricar.
66

Ininda ng husto ni Johnny ang pagkamatay ng


kanyang Lola Prising. Kadalasay nagkukulong lang siya
sa kwarto. Sa tuwing naiiyak siya ay susundan ito ng
isang matinding antok. Ngayon lang siya naging ganito
katakaw sa tulog. Kahit nung maliit pa siya ay hindi siya
natutulog sa tanghali nungit ngayon ay halos tulog siya
buong araw.
Laging sumasagi sa isip niya ang ala-ala ni ng
kanyang Lola Prising. Naalala niya ang mga oras na
binabasahan siya nito ng komiks nung maliit pa siya.
Kung ano man ang gusto niyang ulam ay niluluto ng
kanyang lola. Ang mga laruang binili nito sa kanya kapag
nagpupunta sila sa perya. Di niya maiwasang
humagulgol. Kung minsan ay naninikip ang dibdib na
kinakabog niya para lang makahinga. Masakit man sa
kanyang damdamin ngunit kaysarap isipin.
Mataas man ang sikat ng araw ay tinitiis niya
pading magkulong sa kwarto at kung ilang beses ng
natuyuan ang pawis, pati nadin ng luha at sipon. Hindi
niya nakakalimutan ang pangako niya sa Tiyo Rufino
niya na magsisikap at tatayo sa sariling paa. Ngunit sa
ngayon ay wala talaga siyang gana. Masunog man ang
bahay ay hindi pa rin siya gagalaw kahit pa lamunin siya
ng apoy.
Bigla niyang naalala si Nelda. Ilang araw niya
nadin niyang hindi nakita si Nelda. Kamusta na kaya
siya? Bigla niyang nakita ng ngiti ni Nelda sa isip niya.
Ang maamo niyang mukha. Kung andito lang sana si
Nelda siguro ay makakalimutan ko ang lumbay Ang
sabi niya sa kanyang sarili. O Nelda ng buhay ko. Kailan
67

mapapa sa akin ang palad mo? Niyakap niya ang


kanyang unan at nagpangap na ito ay si Nelda at biglang
nawalan ng malay.
Tok tok tok! Johnny, Tok tok tok! Parang may
nadidinig si Johnny ngunit hindi niya ito pinapansin alam
niyang panaginip lang ito. Walang kakatok sa pinto
kung meron man ay multo dahil nagiisa lang siya sa
bahay at sinarado niya ang pintuan sa ibaba. Mamaya
pa lumakas ang katok. Tok tok tok! Johnny. Alam ng
kumakatok na nasa loob siya dahil nakataranka ang
pinto, di kawit ang taranka ng pinto kung kayat wala
itong susian sa labas. Pag walang tao dito ay nakabukas
lang ang pinto. Dito nalaman ni Johnny na hindi siya
nananaginip. Dinilat niya ang mga mata at namulat sa
isang matinding kadiliman. Gabi na pala kanina lang ay
sikat na sikat pa ang araw at parang pugon sa loob ng
kwarto niya. Ng kumilos siya ay naramdaman niya ang
matinding sakit ng kanyang mga kasu-kasuan. Unti unti
siyang bumangon at nang makatayo ay bigla siyang
nahilo at parang tutumba. Kumapit siya sa pasimano at
nangabay papunta pintuan. Maya maya may may click
na nadinig sa pinto. At ito ay unti unting bumukas.
Nakita niya si Peter sa labas na ikinagulat niya. Pano ka
nakapasok? Tinuro lang ni Peter ang bukas na bintana.
Naamoy ni Peter ang masangsang na amoy ni Johnny
ngunit di niya ito pinansin. Birthday ng Lola Mercedez
ko, kayat nagdala ako ng pagkain. Sabay angat ng
dalang basket. Biglang kumalam ang sikmura ni Johnny.
Ngayon niya lang naramdaman ang matinding gutom.
Agad silang bumaba at tumungo sa kusina. Nilabas ni
68

Peter ang laman ng basket na tatlong balot na pagkain.


Ito ay nakabalot ng diyaryo sa labas at dahon ng saging
sa loob. Ang unang balot ay ang miswang tuyo na may
mani na paboritong paborito ni Johnny, ang sumunod
na balot ay pritong manok at relyenong bangus. Ang
pangatlo naman ay kanin. Kumuha ng dalawang plato si
Johnny kasama ang tag isang pares kutsara at tinidor.
Inunang kunin ni Johnny ang miswa at pagsubo niya ay
hindi niya namalayan na halos hindi niya na ito
nginunguya, pagsubo ay tuloy lunok nalang. Mamaya ay
kinamay ang manok, relyeno at kanin. Lamon ang
kanyang ginawa. Ngayon lang nakita ni Peter ang ganito
si Johnny. Nung una ay naglaban sa loob niya kung
matutuwa ba siya sa nakita o hindi. Ngunit kilala niya si
Johnny, alam niyang nagkaganito lang ang kaibigan
dahil sa nangyari sa kanya at malamang ay matagal na
ito mula ng huling kumain. At masaya na rin siya at
nadalhan niya ng pagkain ang kanyang matalik na
kaibigan. Halos nanuod lang si Peter sa kaibigan habang
kumakain ito at hindi nakakain gano. Kumuha si Peter
ng dalawang basong tubig mula sa gripo. At nilapag sa
lamesa.
Ano plano mo ngayon? Tanong ni Peter
pagkatapos ay lumagok ng Tubig.
Puno ang bibig ni Johnny kung kayat hindi agad
siya nakasagot. Nagmadali siyang ngumuya at nilunok
ang laman ang namumuwalan niyang bibig. Dinampot
ang tubig na nilapag ni Peter. Hindi ko alam Peter.
Sanay si Johnny na ang Lolo at Lola niya ng

69

nagdedesisyon para sa kanya kayat hindi niya maisip


kung ano ang gusto niyang gawin.
Magtutuloy ka ba ng kolehiyo sa pasukan?
Hindi ko alam kung sasapat ang pera ko Peter.
Bakit? Hindi ka ba pagaaralin ng pamilya mo?
Papa mo hindi ka ba sinabihan?
Hindi pa kami nagkikita ng Papa, hindi din ako
nakakapunta sa bahay nila simula nung ilibing ang Loala
Ising. Alam mo naman yun aalis ng umaga uuwi ng
hating gabi.
Kailan ba uli tayo mageensayo?
Biglang natauhan si Johnny, Oo nga no hindi na
tayo nakakapag ensayo simula nung nagkasakit ang
Lola. Kung sana sa lalong madaling panahon. Kung gusto
mo bukas ng umaga. Ganun ulit kakain tayo kay Mang
Ambo ng lugaw tapos mageensayo.
Natuwa si Peter nang malaman na may gusto
pa palang gawin ang kaibigan niya.
Sige bukas din. Nakangiting sagot ni Peter.

70

Ikawalong
Kabanata
ANG bukid sa likod nila Peter ay punong puno
ng istorya. May mga nagsasabing may malaking sawa na
nakikita dito na kasing bilog ng troso. May itim aso din
daw na napakalaki na hinabol ng mga lasengo para
gawing pulutan na pumasok sa damo at ng lumabas ay
si Dadoy na nanirahan sa Maynila galing ng capis na
taga panday ni Mang Jesus na tatay ni Purit na kaibigan
nila Johnny at Peter. Ng tanungin nila kung ano ang
ginagawa sa damuhan sinabi nitong nagbabawas lang
siya. Mula noon ay binansagan ng aswang si Dadoy.
May malaking ibon din daw na dumapo sa bubungan ng
bahay ni Mang Kanor na may bahay sa gitna ng bukid na
sa sobrang laki ay ikinasira ng bubong nito. At sa
malaking puno ng kamatsile ay may kubang lumalabas
kapag kabilugan ng buwan. Hinala ng iba ay ito si Mang
Nano na tauhan ni Aling Huli na nagpapahangin kapag
kabilugan ng buwan.
Sobrang sabik ni Johnny at Peter na magensayo
nagsimula sila Bandang alas otso ng umaga. Kumain ng
tanghalian sa bahay nila Peter pagkatapos ay bumalik sa
bukid. Nasabik din silang umupo sa ialalim ng puno ng
kamatsile. Napansin nilang kabilugan ng buwan at
parang may malaking bumbilyang nakasabit sa langit.
kung kayat tinuloy nila ang ensayo kahit pa gabi na.
Kala mo ay may bumbilya ang langit sa liwanag at kitang
kita nila ang nilalakarang pilapil papunta sa puno.
71

Habang kumkanta sila ay nakarinig sila ng sitsit. Ng


tumigil sila sa pagkanta ay biglang nawala ang
sumisitsit. Maya maya ay nagitara ulit sila. At nadinig
nanaman nila ang sitsit. Biglang nagkatakutan ang
dalawa.
Nadinig mo yun Peter?
Oo Johnny, di kaya yun yung malaking sawa na
nakikita dito? Ahhhh!
Baka yung kuba Peter, bilog ang buwan ngayon
e.
Di ko na gusto to Johnny, kinikilabutan nako.
O malay mo yung aswang na si Mang Dadoy.
Maya maya pa ay nakadinig sila ng Tawa na
nangagaling sa imbakan ng tae ng manok na gamit na
pataba ng lupa sa bukid. Natigilan ang dalawa at
inaaninag kung sino ang taong andoon sa kalayuan.
Tatakbo na sana ang dalawa ng biglang may nagsalita.
Takot kayo no! hahahahahahah
Pucha si Purit! Ang pasigaw na sabi ni Johnny.
Walang biro si Purit ba yan? Ang sabi ni Peter
na namumutla sa na takot.
Oo di ako magkakamali siya lang ang may
ganyang tawa na akala mo hyena.
Biglang nahimasmasan si Peter at nakahingan
ng maluwag.
Hoy Purit lumabas ka diyan huwag mo na kami
antayin lumapit diyan at babatuhin ka namen ng tae ng
manok. Sigaw ni Peter.
Maya maya ay lumabas si Purit at
pumapalakpak. Bravo! Bravo! Magaling! Magaling!
72

Kayo masyado kayong masekreto ha, di niyo


man lang pinapa alam na may tinatago kayong talento.
Hindi naman sa ganun Purit, nagsisimula
palang kami at hindi pa ganun kahuhusay kayat
nakakahiyang ipaalam sa iba.
Magaling magaling napantayan niyo na sa
husay si Bentot. Tugtugin niyo nga yung Matudnila.
Nako hindi namen alam yon Purit. Saka ka na
magrequest pag magaling na kami.
Mula noon ay kumalat na sa Kalapinay na
tumutugtog si Peter at Johnny dahil sa sadyang
madaldal si Purit at magaling magkwento. Katunayan
kapag si Purit ang nagsasalita ay naguumpukan ang tao
dahil bukod sa magaling itong magpatawa ay mukang
kapani paniwala kapag siya na ang nagsasalaysay kahit
kadalasan ay kwentong barbero lang.
Si Purit ay isa sa mga kaibigan nila Johnny at
Peter at ngayon ay isa na ring taga hanga ng dalawa,
dito sila nagpapagawa ng banka bankaan noong maliliit
pa sila na pinapaandar nila sa mga balon sa bukid.
Tuwing a Ikawalo ng Abril ay nagdidiwang siya ng
kanyang kaarawan. Kilala si Purit dahil siya ang inventor
sa kanilang lugar. Nung maliliit sa sila ay mahilig siyang
gumawa ng bankang de motor mula sa mga dynamo ng
mga sirang appliances na ikakabit sa styro foam na
hinuhugis banka sa pagkiskis sa magaspang na hollow
block na pader. Pag nakitang nagkalat sa sahig ang
kusot ng styrofoam ay malalamang nangaling dito si
Purit. Siya din ang nagka imbento ng bitag sa pitlo na
isang kawayang matulis na may butas at sa butas ay
73

ipapasok ang sinulit na pasilo na iipitin ng barbecue stick


na naka horizontal pag hindi makadapo ang pitlo dahil
sa tulis ng kawayan ay dadapo ito sa barbecue stick na
iigkas at masisilo ang paa ng pitlo. Makikita din siyang
nagbabalanse sa kamay ng tingting na tinali ng goma na
pa-triangulo na may tangkay sa gitna at magkabilang
dulo ng trianguling tingting ay may holen na nakabalot
sa balat ng kendi na tinali ng goma. At ang kanyang
magic trick na takip na lata ng gatas na lalagyan na
kanyang pagsasaklubin at babaligtarin biglang
mawawala ang papel dahil may isang lata nakaipit sa
pagitan ng mga takip ng gatas na tatabing sa papel at
sasabayan niya ng sabing. Ang galing ano! Hanga ka
no! Sabay alis para di mabuking ang ginawa niya. Sa
ngayon si Purit ay isa ng electrician at sideline niya din
ang magalaga ng pugo.
Isang araw habang galing sa bukid si Johnny at
Peter sa kanilang ensayo ay biglang nilang nakita si Purit
na papalapit.
Oy, kanina ko pa kayo hinahanap andito lang
pala kayo.
Ano ba mapapaglinkod namin sayo Purit ?
Sagot ni Peter.
Nakalimutan niyo na ba? Kaarawan ko
ngayon!
Halos magsabay si Johnny at Peter sa pagbati.
Maligayang kaarawan sayo Purit!
Pasensiya na nawala sa isip naming. Sabi
Peter.

74

Salamat, salamat! May konting handaan sa


bahay. Matitikman niyo kung gano kasarap ang
adobong pugo ko. Kinatay ko yung mga hindi na
nangitngitlog. Kung puwede sana tumugtog kayo. May
mga mikropono akong hiniram pati amplifier at
speaker. Patuloy pa ni Purit.
Umiral ang pagka mahiyain ni Johnny. Nako po,
Purit di kami ganun kahusay para sa ganyan tsaka sa
ating barkadahan lang kami tumutugtog.
Nadinig ko na kayo pasado kayo sa akin. Tsaka
bakit ba kayo tumutugtog kung di niyo papadinig sa
iba?
Biglang naisip ni Johnny na dapat niyang gawan
ng paraang matangal ang kanyang stage fright kung
gusto niyang madinig ng mga tao ang kanyang mga
nilikhang kanta para kay Nelda.
Anong oras ba gaganapin ang party mo Purit?
Johnny, mamayang gabi mga bandang alas
siyete para makapag hapunan kayo sa amin. Huwag na
huwag kayong mawawala ha pag di kayo nagpunta at
tumugtog magkalimutan na tayo.
Wala na pala kaming oras mag ensayo.
Ha? Laking gulat ni Purit. Saan ba kayo galing
ngayon? Di ba sa ensayo? Tama na yang hiya hiya
Johnny hindi na tayo bumabata. Basta mamaya! Pag
wala kayo magkalimutan na tayo!
Tinapik ni Peter si Johnny sa hita at
nagkatinginan ang dalawa. Gusto gusto ni Peter na
tumugtog sa tingin niya ay hinog na sila para iparinig sa
iba ang mga pondo nilang kanta. Ngunit nangangamba
75

ito na baka hindi pumayag si Johnny dahil alam niya ang


pagka mahiyain nito. Lingid sa kanyang kaalaman na
desidido na si Johnny alang alang sa kanyang
minamahal na si Nelda.
Sarado ang buong eskinita kung saan nakatira si
Purit. May ibat ibang kulay na lobong nakatali sa dahon
ng niyog na nakalinya sa gilid ng eskinita. Makitid ang
eskinita ngunit sa isang gilid ay naka hilera ang mga
lamesa at upuan. Sa Mismong bahay ni Purit ay naka set
up ang isang maliit na entablado sa pandayan ng
kanyang tatay sa harapan ng bahay at sa gilid nito ay
ang kanyang handa. Nakapatong sa isang lamesang
pahaba na may sapin na pulang tela ang isang
bandehadong pansit bihon na guisado. Hotdog na
inihaw na tinuhog ng stick na may marshmallow sa
bandang dulo na itinusok sa isang pinya. May menudo
sa kulay berde malamang ay dahil sa halo nitong green
peas. May lechong ulo ng baboy sa gitna ng mesa. May
isang bowl na pineapple juice na may nakalutang na
yelo. At kapuna puna ang adobong pugo na di
karaniwang nakikita sa mga handaan.
Nang dumating sina Johnny at Peter ay agad
inatake ng kaba si Johnny. Akala niya ay simpe lang ang
handaan na dadaluhan ng ilang kaibigan at pamilya.
Nagulat siya sa dami ng tao doon, mga tsismosa mga
siga at kung sino sino pa. Sa isip niya ay siguradong
makakantwayan sila ng mga ito. Aatras na sana si
Johnny ng bigla silang nakita ni Purit. Hangang tenga
ang ngiti ni Purit. Malayo palang ay kumakaway na.

76

Buti nakarating kayo. Akal ko mahina na ako sa


inyo. Ginawa ko talagang espesyal tong kaarawan ko
dahil sa inyong dalawa.
Purit sabi mo simple lang ang handaan mo,
bakit ang daming tao pati yung mahilig mangantiyaw na
si Maneng andiyan. Ang sabi ni Johnny.
Ayos lang yan, hangad ko lang naman tulungan
din kayong dalawa para naman di masayang mga
ensayo niyo. Huwag mong pansinin yang si Maneng.
Pag kayo tumutugtog na madami kayong
makakasalamuha ng malala pa diyan. Tara na sa loob!
Lumakad si Purit papasok at sumunod si Peter.
Si Johnny ay hindi agad nakalakad. Huminto si Purit at
Peter at umiikot nakita nilang nakatayo pa rin sa kanto
ng eskinita si Johnny.
Tara na! Ang sabi ni Purit. Nang hindi ito
kumibo ay hinawak ni Purit ang kamay niya at hinila. At
walang nagawa si Johnny kundi magkalad habang
kaladkad ni Purit.
Nagkasiyahan ang mga tao at sarap na sarap
kumain. Nanlaki ang mata ng mga lasengo nang
nakitang hawak sa kaliwang kamay ang isang serbesa at
sa kanang kamay ay nakaipit ang tatlong serbesa sa
pagitan ng mga daliri. Namigay na ang serbesa si Purit.
Kung gusto niyo pa madami pa doon sa harap ng bahay
ko sa may pandayan. Pumunta nalang kayo doon.
Masayang nag-inuman nag mga tao. Maya
maya nakarinig sila ng feedback ng micropono. Agad
silang huminto at nagtinginan. At lumabas ang boses ni
Purit. Test, test, test mic, mic test.
77

Sandali ko kayong maistorbo, nagpapasalamat pala


ako sa inyong lahat sa inyong pagdalo sa aking
kaarawan. Isa ito sa pinaka-espesyal na pagdiriwang sa
buhay ko. Dahil andito ang dalawa sa aking malapit na
kaibigan para mag-alay sa inyo ng ilang awitin. Sa likod
ni Purit ay nakaupo na sina Johnny at Peter.
Ngasimulang umugong na parang bubuyog ang mga
tsismosa.
Yan yung apo ni Aling Prising di ba? Marunung
ba talagang tumugtug yan? Sabi ng isang matandang
babae.
Mahiyain yan e, hindi nga lumalabas gano
yan. Sagot ng isang Di katandaang babae.
Pero may itsura siya. Sabi ng isang dalaga.
Halos kay Johnny nakatutok ang mga tao dahil
hindi inaasahan ng lahat na aakyat siya sa entablado
dahil sa kilalang mahiyain sa kanilang lugar.
Bigyan natin ang isang masigabong palakpakan
si Peter at Johnny!
Sandali lang! Sabi ni Peter na nagtotono pa ng
gitara.
Napuno ng kantiyaw ang ere. Ohhhh pauwiin
na yan mag inuman nalang tayo! Ang sigaw ni Maneng.
May ibubuga ba yang mga yan? Na isang
matining na tinig na nangaling sa tsismosang si Huling.
Naligo sa pawis si Johnny ngunit si Peter ay kalmado
lang.
Happy birthday to you, happy birthday to you.
Nakita nilang nakatayo si Prokopyo at kumakanta na tila
lasing na. Sumunod ang lahat at nagkantahan. Nilapit ni
78

Peter sa kanyang tenga dahil hindi halos madinig ang


kanyang gitara sa lakas ang kantahan. Pero para sa
kanya ay ayos nadin para malibang ang mga tao habang
siya ay nagtotono. Natapos ang kantahan, umikot si
Purit at Humarap kay Johnny at Peter. Ayos na ba?
Handan a ba kayo? Pabulong na tanong ni Purit. Sinagot
ito ni Peter ng thumbs up.
O mga kaibigan, muli bigyan natin ang
masigabong palakpakan sina Peter at Johnny!
Boo! boo! Sigaw ni Maneng.
Ay sa wakas. Sigaw ng siga na si Narding.
Nga pala happy birthday sayo Purit salamat at
naimbitahan mo kami sa kaarawan mo. Ang sabi ni
Peter. Nagsigawan ang mga tao ng pakantiyaw ngunit
masaya.
Happy birthday! Happy birthday! Hooo! Sigaw
ni Maneng.
Ang unang kanta namen ay mula sa kay Evan
Phillips, naghiwayan ang mga tao.Hooo! Hooo! Evan
Phillips!.Reelin and Rockin Pagpapatuloy ni Peter.
Nagpalakpakan ang mga tao.
Sa pagkakataong ito ay si Peter ang kumakanta
at siya ay bigay na bigay sa pagkanta kung kayat nadala
ang mga tao. Natapos ang kanta at pinakilala ni Peter
ang susunod na kanta. Ang susunud nga pala naming
awitin ay mula sa Solomon Brothers, Sumisigaw
nanaman si Maneng. Ang galing! Ang galing! Pati ang
siga na si Narding. Ang galing niyo mga bata!
Salamat, salamat! Na tugon ni Peter. Wake Up Baby,
sana ay maibigan niyo. Nagpalakpakan ang mga tao.
79

Napansin ni Peter na siya lang magisa ang


kumakanta at si Johhny ay nagigitara lang. Sa practice
ay sabay silang kumakanta. Tinapik niya ang paa ni
Johnny gamit ang kanyang paa. Tumingin si Johnny at
tinanguan siya ni Peter. Nakuha ni Johnny ang gustong
sabihin ni Peter. Sa sumunud na chorus ay sumabay na
si Johnny. Lalong gumanda ang tunog nang sumapin si
Johnny sa boses. Maya maya ay tumayo si Prokopyo at
nagsayaw at nagsunuran ang ibang tao. Tuwang tuwa si
Purit sa nasasaksihan. Matagal niya ng Idolo si Johnny at
Peter at lalong lumaki ang paghanga niya sa dalawa. Sa
sobrang tuwa ay nagbuhos ito ng serbesa sa ulo habang
sumasayaw.
Sa isang sulok ay tahimik na nakatayo at
taimtim na nanunuod si Bulik habang humihitit ng
sigarilyo. Si Bulik ang Presidente ng samahan sa
Kalapinay na Bayanihan Organization.
Ang huling gagawin naming ay medley at gusto
naming marinig na kayong lahat ay sumasabay.
Nagkakagulo na ang mga tao sa saya. Tinugtog nila ang
medley ng mga novelty songs na tagalog na ginawa
nilang rock and roll version. Ang lahat ay sumasabay at
halos natabunan ang boses ni Johnny at Peter. Ng
natapos ang programa ay lasing na lasing ang karamihan
sa kalalakihan at kanya kanyang dukwang sa kanal para
sumuka.
Habang papalabas sina Johnny at Peter sa
eskinita ay hinarang sila ng sigang si Narding na akala
nila ay bubugbugin sila.

80

Ayos kayo mga bata. Pag may problema kayo


sabihin niyo lang saken. Sa birthday ko wag kayong
mawawala ha. Simula ngayon tropa na tayo!
Sa isang gilid naman ay may grupo ng mga
dalaga na kinikilig at nagtilian nang sila ay dumaan.
Nagtinginan si Johnny at Peter at biglang namula.
Mas masarap kayo sa alak mga pare ko.
Biglang nadinig nila Johnny at Peter at nakita nila si
Prokopyo, inakbayan ni Prokopyo si Johhny at sila ay
nahinto sa paglalakad, kanina lang ay sumusuka ito sa
kanal ngunit ngayon ay nakuhang lumapit sa kanila.
Amoy na amoy ang alak si bibig nito. Mas ma Sabay
dighay, Masarap pa kayo sa alak mga kaibigan, kung
ako tatanungin ha, ewan ko sa iba, pero mas masarap
pa kayo sa alak. Sabay dighay at sabay uko na tila
nakatulog ngunit tinaas ulit ang kanyang ulo. Masarap,
masarap, wala akong masabi. You are more tasteful
than wine! Sabay dighay.
Maya maya ay dumaan si Maneng at nakipag
high five. Ang galing niyo! Sabay ngisi at nakipag high
five ulit. Maya maya aya nakita si Prokopyong halos
natutulog na habang nakasandal kay Johnny. Hoy
prokopyo, hoy! Nang hindi ito sumagot ay tinapik tapik
sa pisngi ngunit mukang nasarapan sa pagsandal sa
balikta ni Johnny at tuluyan ng nakatulog. Ako ng
bahala dito. Inangat ni Maneng ang kaliwang kamay ni
Prokopyo at iniakbay sa kanya. Lalasing lasing di
naman kaya. Pabulong na sinabi. Oy mauuna na kami
sa inyo, magiingat kayo! Paalam ni Maneng. Tumuloy
maglakad si Johnny at Peter. Sa bungad ng eskinita ay
81

nakatayo si Bulik at naninigarilyo. Hinuli ni Bulik ang


mata ni Johnny at Peter ang sila ay mag eye contact ay
ngumiti si Bulik. Ok yun ha, ok, ok yung ginawa niyo.
Bago, masigla, ngayon ko lang narinig ang ganun.
Salamat po Sagot ni Johnny. Kung gusto niyo sa Pista
gawin niyo ulit yon kaso ang gusto ko sana yung may
drummer kayo at bahista para lalong maganda.
Nagtinginan si Johnny at Peter, kailan lang ay si Purit
lang ang nakakarinig sa kanila di nila inakalang ganito
pala kabilis ang mga magiging pangyayari. Ano puwede
ba kayo sa pista? Sumagot si Johhny, pagiisipan po
namen. Ng madinig ni Peter ay tinapik ang braso ni
Johnny. Puwede po kami Mang Bulik. Ok yan ok.
Sabay tinapon ang upos ng sigarilyo sa sahig at
tinapakan ng suot na bakya. Ganito ang plano, may
isang buwan pa tayo bago idaos ang pista dito sa atin.
Kapag nakakuha na kayo ng bahista at drummer niyo ay
puntahan niyo ako at bibigyan ko kayo ng pambili niyo
ng costume. Nagkakaintindihan ba tayo? Opo mang
Bulik makakaasa kayo Sagot ni Peter ngunit si Johnny
ay tumatango lang. Kung ganun ay ok yan, ok na ok
yan. Nakangiting tugon ni Bulik. Natanaw ni Purit na
nasa kanto pa ng eskinita sila Johnny at Peter, natapos
na siyang iligpit ang set up para sa banda kung kayat
sila ay tinungo niya. Nagulat nalang si Johhny ng may
tumapik sa likod niya. Sabi ko sa iyo e, tiwala lang. Di
ba mang bulik. Nakangiti lang si Bulik kay Purit.
Naramdaman ni Bulik na ito na ang tamang panahon na
magpaalam dahil nasabi niya nadin ang dapat niyang
sabihin. So ganun nalang ha, Johnny, Peter, ok? Pano?
82

Mauna na muna ako sa inyo maaga pa akong gigising at


tsaka kung pupunta kayo sa hapon bandang ala sais
kundi naman sabado o lingo para wala akong pasok sa
opisina. Nagpasalamat si Johhny at Peter, kumaway si
Bulik at naglakad na papalayo.

83

Ikasiyam
na Kabanata
MALIIT palang si Melon ay iniwan na siya ng
kanyang ama. Tinawag siyang Melon dahil sa bilog na
bilog niyang tiyan nung siya ay maliit pa. Kadalasan ay
may dala siyang bilao na may kakanin na nilalako niya.
Lagin tinutukso ng mga tao si Melon dahil sa malaki at
bilog na bilog niyang tiyan nung siya ay maliit pa. Laging
sinasabi ng mga tao kanyang Lola na purgahin ito baka
may bulate lang dahil lagi itong nakayapak dahil sa
sobrang hirap ng buhay ay kahit tsinelas ay wala silang
pambili. Laging sinasagot ng tiyahin niya na di bale
papakainin ko nalang ng alukbate nagkalat naman diyan
sa bukid. Madulas na dahon ng alukbate at kapag
kumain daw nito ay hindi makakapit ang mga bulate sa
loob ng tiyan, karaniwan ay ito ang ginagamit na
pamurga ng mga nagaalaga ng baboy sa Kalapinay.
Si Melon ay anak ni Uwang at Lukring.
Binansagang Uwang ang kanyang ama dahil sa likas
nitong laki at lakas. Siya ang pinaka matangkad sa mga
taga Kalapinay na maitim at malaki ang katawan. Siya
din ang pinaka malakas sa bunong braso na kahit kailan
ay walang nakatalo kung kayat siya ay tinawag na
uwang. Siya ang kauna-unahang tumalo kay Mamot na
binangsagang mamot mula sa salitang mammoth dahil
sa taglay niyang lakas at laki na ayon sa kwento kapag
siya ay naglalaro ng basketball at tumira ay sumisigaw
ang mga tao ng shazam! dahil para silang nakakarinig
84

ng kulog kapag tumama ang bola sa basketball board.


Ganun pa man siya ay tinalo ni Uwang at nanalo ng
malaking pera sa pustahan. Musikero din ang kanyang
ama, nung maliit pa si Melon ay lagi siyang tinuturuan
ng kanyang ama kung pano magbago gamit ang upright
bass na gawa sa banyera ng isda. Ito nalang ang
natitirang ala-ala ni Melon sa kanyang ama at ang ilang
pyesa na natutunan niya dito.
Nang si Melon ay sampung taong gulang biglang
naglahong parang bula ang kanyang ama at kailan man
ay hindi na lumutang sa Kalapinay. Sinasabing nagmula
daw sa bataan ang angkan ni Uwang, Karaniwang
nakakarating ng Corregidor ang mga bankang palakaya
sa Kalapinay, Isang araw daw ay sumampa nalang dito
sa banka mula sa paglangoy at tumulong sa mga
mangingisda at sumama nadin pabalik ng Kalapinay at
mula noon ay sa ilalim na ng tulay natulog hanggat sa
kinasama niya si Lukring. Ilang taon makaraang umalis si
Uwang ay pumanaw din ang kanyang Inang si Lukring.
Ang sabi sabi ay siya daw ay nakulam. Napaka hirap ng
buhay ng pamilya ni Melon kung kayat pag may
nagsakit ay manghihilot lang o di kayay albularyo ang
kanilang takbuhan. Pag hindi nakuha sa hilot at tawas ay
wala na silang maisip na iba pang paraan dahil sa ito na
ang kanilang nakasanayan. Unti unting naubos ang
angkan ni Melon, sa ngayon ay siya nalang ang natitira
dahil pumanaw nadin ang kanyang Lola ng siya ay nasa
edad na labing anim. Mula noon ay sumama nadin siya
sa palakaya at sa bawat pagpunta ng Bataan ay
umaasang baka makita niyang muli ang kanyang ama.
85

Pinuntahan ni Johnny at Peter sa looban na


isang eskinitang malalim at lagos sa ilog. Pinagtanung
tanung nila kung saan nakatira si Melon. Madami ang
nagsasabi na pag dumadaan sila sa bahay ni Melon ay
naririnig nila itong timutugtog ng baho.
Tumambad sa ang isang bahay na tila nakatayo
nalang sa isang haligi at nakasandal sa kapitbahay
nitong si Buwaya na kilala sa Kalapinay dahil siya ay
kumakain ng pusa. kitang kita ang mga anay na
gumagapang sa kahoy. Tila isang anay nalang ang hindi
pa pumipirma bago tuluyang gumuho ang bahay. Ang
mga dingding ay gawa sa lawanit na alon alon at walang
pintura at may marka ng natuyong tubig. Ang pintuan
ay tabingi at nakatali lang ng alambre.
Kinatok ni Johnny ang pinto kilala niya si Melon
nung siya ay bata pa at minsan pang sinabi sa kanya ni
Melon na magkaibigan sila. Madalas ay bumibili ang
Lola Karmen ni Johnny ng kakanin kay Melon nung siya
ay maliit pa. Paborito din niya ang palitaw na tinda ni
Melon kayat naging magkakilala sila.
Tao po. habang kumakatok sa pinto na may
mga nalalaglag na kusot sa tuwing tatama ang kanyang
mga kamay sa kahoy na pinto. Biglang bumukas at
lumangitngit ang pinto. At nakita nila ang isang maitim
at napakalaking mamang maskulado na nakauko para
makasilip sa maliit na pinto. Ang huling natatandaan ni
Johnny ay nung bata pa si Melon. Ang mga payat nitong
braso at binti at ang bilog na tiyan. Ngunit ngayon at
malalaking ang braso at may pandesal sa tiyan ang
humarap sa kanila. Matagal nilang hindi nakita si Melon
86

at ang akala nila ay naglaho nadin katulad ang kanyang


ama.
Hindi naman nagbago ang mukha ni Johnny
simula nung bata pa siya kung kayat namukhaan siya
nito.
Johnny kamusta na?
Heto ayos lang naman.
Ano ang sadya niyo sa akin?
Nga pala kilala mo na ba si Peter?
Namumukaan ko, doon ka nakatira sa may
puno ng kawayan di ba? Tanong ni Melon kay Peter.
Hindi ka nagkakamali. Tugon ni Peter.
Kinausap kami ni Mang Bulik na tumugtog sa
darating na pista ngunit ang gusto niya ay may bahista
kami at drummer, kaya kami nagsadya dito dahil may
nag kwento sa amin na marunung ka daw magbaho.
Sabi ni Johnny.
Dumaloy bigla sa dugo ni Melon ang dugong
musikero. Di niya inakalang darating ang panahon na
may magaalok sa kanyang mag-kombo. Naisip niyang
bigla ang kanyang ama. Tuloy kayo mga kaibigan,
pasensya na kayo mahirap lang ako. Sana
mapagtiyagaan niyo ang tahanan ko. Ipasok niyo na ang
mga tsinelas niyo. Umuko sila Johnny at Peter at
pumasok sa maliit na pinto. Ang sahig ay lupa. Pagpasok
palang ay nandoon an Lamesang nakasandal sa dingding
at sa ibabaw nito ay may banga, at sa tapat nito ay isang
mahabang bankong kahoy na umuuga uga. Upo kayo,
ingat lang medyo umuuga yung banko. Nakangiting
sabi ni Melon. Sumalok si Melon ng tubig mula sa
87

banga. O uminum muna kayo. Napansin ni Johnny na


masarap ang tubig kung kayat naubos niya agad ang
laman ng baso. Ganun din si Peter.
Maya maya ay pumasok si Melon sa isang
kwartong maliit na nakaangat sa lupa, sahig ay kawayan
at ang pinto ay kurtina. Paglabas ay dala ang upright
bass na gawa sa banyera. Namangha si Johnny at Peter
sa nasilayan, ngayon lang sila nakakita ng bass guitar.
Ang banyera ay pinintahan ng kalburo at dito ay
nakakakabit ang isang mahabang kahoy kung saan
nakakabit ang kwerdas na Nylon.
Nagyapak si Melon at sa ibabaw ng kanyang
tsinelas ay ipinatong ang Upright Bass na gawa sa
banyera. Tamang tama kay Melon ang sukat ng upright
bass dahil siya ay malaking tao. At malalaki ang mga
daliri. Maya maya ay tumugtog si Melon ng walking bass
line. Tulala si Johnny at Peter habang nanunuod. Dito
lang nila napaliwanag ang naririnig sa mga plaka na
hindi naman tambol pero hindi naman gitara.
Ayo lang ba? Pasado bako sa inyo?
Nakangiting sabi ni Melon. Hindi nakapagsalita si Johhny
at Peter, sa loob ni Johnny, ang tanong e kami ba ang
papasa. Sumagot si Peter. Oo naman sobra sobra.
Ayos ang ginawa mo ang sarap sa tenga. Dagdag ni
Johnny. Yan ang tinuro ng tatay ko saken nung maliit
pako. Kung ganon ay isa nalang ang kulang natin,
drummer nalang. Oo nga. Sabi ni Johnny kay
Peter. Natatandaan mo yung drummer ng Musikong
Bungbong? Tanong ni Johnny kay Peter, ngumiti si
Peter. Alam ko kung saan nageensayo ang Musiking
88

Bungbong, doon sa kwatro malapit sa tawiran ng banka


papuntang Navotas. Baka sakaling matagpuan natin siya
doon. Sasama ka ba sa amin Melon?Sama ako diyan
siyempre, banda tayo di ba? Nakangiting tugon ni
Melon na ikinasaya ni Johnny at Peter dahil tatlo na isa
at kung makukuha nila ang drummer ng Musikong
Bungbong ay kumpleto na sila.

89

Ikasampung
Kabanata
KAYDAMING tao sa lamay ni Mang Temyong.
Mabait siyang tao at palabati at kada lamay ng ibang
namamatayan ay pinupuntahan niya kung kayat
madami ding nakiramay sa kanya.
Inatake sa puso si Mang Temyong na
kapitbahay na kapatid ni Mang Ambo. Nakatira siya sa
isang makitid na bahay sa Tabi ng Lugawan ni Mang
Ambo. At nabubuhay sa pagaalaga ng baboy. Ang balita
ay nanalo siya sa punuan sa bingo ng tatlong sunud.
Simula daw noon ay tawa na siya ng tawa at sobrang
saya. Pagkatapos kumain ay nag siesta si Mang
Temyong. At ng hindi pa bumabangon kinahapunan ay
nagtaka ang asawa niyang si Rosa. Kadalasan ay
umuupo ito sa papag para makipag debate kay
Galapong na hindi nagpapatalo sa usapan.
Hindi magkanda-ugaga ang kaniyang dalawang
anak na babae sa pagbibigay ng kape, mani, butong
pakwan at biskwit sa mga naglalamay. At namamaga na
ang mga mata sa ilang araw na kapupuyat. Lalo na sa
mga sugarol na naglalaro ng mahjongg at baraha na
mayat-maya ay nanghihingi ng kape na ang karamihan
ay hindi pa naghahapunan.
Balita na darating ang tanyag na Musikong
Bungbong na pinakiusapan ng Kapitan Tinoy dahil si
Mang Temyong ay tumulong sa kanya noong eleksiyon,

90

karaniwan siyang nilalapitan ng mga pulitiko dahil sa


dami ng kanyang mga kakilala.
Sikat ang Musikong Bungbong at dumadayo pa
sa ibat-ibang lugar para lumaban sa paligsahan sa
tugtugan. Kadalasan ay sila ng nakakakuha ng unang
gantimpala dahil sa kanilang matinding disiplina sa
pagtugtog. Ang namamahala sa kanila ay ankan ng mga
Guerrero na kilala sa larangan ng musika.
Hinanda na ang tolda para sa mga musiko. Para
kung umulan man ay tuloy pa din ang tugtugan.
Nakasabit sa gitna ng tolda ang isang malaking bumbilya
na may nakasabit na sibuyas para itaboy ang mga gamugamong nagliliparan at umiikot dito. Huling araw na ng
lamay na at nakaugalian na, na may tutugtog na musiko
sa huling lamay. Maya maya pa ay dumating ang
Musikong Bungbong suot ang kanilang puting-puting
uniporme. Naglapitan ang lahat ng tao at pumaligid sa
musiko. Pumwesto ang mga musikero at umupo sa mga
banko na gawa sa rattan na inupahan ng namatayan
para lang sa araw na iyon. Kumumpas si Hermano
Guerrero III. Nagsimula muna sila sa mabagal ng
tugtog. Parang ibong umiiyak ang mga clarinet at ang
mga torotot na nagluluksa at nakikiramay. Nang
lumalim ang gabi ay nagbago ang mood ng tugtugan at
ipinasok na nang Musikong Bungbong ang mga
mabibilis at buhay na tugtog at biglang nabuhay ang
tugtugan na tumawag sa atensiyon ng mga tao. Tumigil
ang lahat sa kanilang ginagawa at biglang kumapal ang
tao, maliban nalang sa mga sugarol na tuloy padin sa
kanilang pagsusugal. Ang iba ay bitbit ang tasa ng kape
91

na iniimum habang nanunuod, ang iba ay may dakot na


mani na iniinot-inot habang ninanamnam ng musika.
Dito nangibabaw ang husay ni Enteng sa pagtugtog.
Malakas ang palo ni Enteng at nakakagulat. Sa tuwing
papalo sa cymbals ay napapahiyaw ang mga tao. Pantay
pantay ang kanyang metro at tamang tama ang
paglakas at paghina ng kanyang palo na tumutugma sa
mood ng tugtog. Naglapitan ang mga bata at pumaligid
kay Enteng at tuwang tuwa sa kanilang nasasaksihan.
Kasama sa mga nanunuod ay si Johhny at Peter.
Kabatian nila ang pumanaw na si Mang Temyong at sa
tuwing kakain sila ng lugaw kay Mang Ambo na siya
niyang kapatid ay binibiro sila nito. Magpatuli na kayo
para puwede na kayong manligaw! Tahimik lang ang
dalawa sa malayo habang nakatutok kay Enteng at
pinapanuod ang kanyang mabilis na galaw. Natapos ang
isang kanta at nagpalakpakan ang lahat.
Ang galing niya Peter.
Oo Johnny, wala akong masabi. Sana kapag
magaling na tayong magitara makuha natin siyang
drummer natin.
Nagliwanag ang mata ni Johnny. Oo nga Peter,
magandang ideya yan!
Hindi alam ni Johnny at Peter na darating ang
panahon na kakailanganin nila si Enteng.
Maliit palang si Enteng ay lagi na siyang
napapagalitan ng kanyang guro dahil sa kadalasan ay
pumapalo siya sa kanyang desk kundi naman ay
ginagamit ang kanyang lapis para toktokin ang kanyang
mga libro at notebook. Sabi ng nanay niya nasa
92

sinapupunan palang niya si Enteng ay tinatambol na


niya na ang kanyang tiyan. Anong parusa man at
sermon ang kanyang abutin sa kanyang mga guro ay
paulit-ulit niya pa din itong ginagawa kung kayat
napapatawag lagi sa eskwelahan ang kanyang mga
magulang, kung kayat ipinasok siya ng kanyang ama sa
summer workshop ni Ginoong Hermano Guerrero III at
doon palang ay nakitaan ng potential si Enteng. Imbis na
mapagalitan ay panay papuri ang kanyang tinangap at
alam niya na sa sariling ito ang gusto niyang gawin sa
kanyang buhay.
Sa murang edad palang kay nakikipagsabayan
na siya sa mga beternanong musikero ng Musikong
Bungbong at siya ang sinasalang sa drums kapag may
mga paligsahan.
Nakarating sina Johnny, Peter at Melon sa lugar
na pinageensayuhan ng Musikong Bungbong bandang
ikalawa ng hapon sa Purok ng Kuatro. Di makapaniwala
si Johnny na dito nageensayo ang Musikong Bungbong
dahil isa itong garahe. Dito ba talaga Peter? Oo dito
yun, guro ko sa Y.D.T. sa Malabon High School si Mister
Guerrero at minsan ko siyang pinuntahan dito para
magpapirma ng clearance. Inantay ko nga siyang
matapos mag conduct nung araw na iyon para
magpapirma. Si Peter ay kasulukuyang nagaaral sa
Malabon High School na donasyon ni Doa Nena, na
sinasabing yumaman dahil nang sumugod ang mga
Amerikano sa Malabon noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ay tinago ng mga hapon ang kanilang mga
ginto sa balon sa likuran ng bahay niya. At ganito din
93

ang istorya ni Kapitan Tinoy na may balon din sa likod


ng kanyang bahay na walang nagpupunta dahil meron
daw dwendeng pula na naninirahan sa balon.
Sa gilid ay may isang maliit na karinderia at
lumapit sila dito para magtanong. Palapit palang sila ay
inalok silang kumain ng nagtitinda na isang matabang
babae. Anong gusto niyo? Pangiti niyang tanong na
pakanta niyang binigkas. Ang sabi ng matandang
babaeng mataba.May kare kare, may mechado,
lechong kawali. Mawalang galang na po, magtatanong
lang po sana. Sabi ni Peter. Kilala niyo po ba yung taga
tambol ng Musikong Bungbong.Sino? Dalwa yun e,
yung isa yung matandang payat, si Tasyo yun, at yung
isa maliit na lalaki na malaki ang tenga, si Enteng. Hindi
napansin ni Johnny at Peter ang tainga ng drummer ng
Musikong Bungbong sa burol ni Mang Teban kung
kayat nalito sila. Hindi po namen alam kung malaki
ang kanyang tenga pero bata po siya. Kung ang
napanuod niyo ay ang Musikong Bungbong ay si Enteng
nga iyon, wala naman ibang drummer na na bata ang
Musikong Bungbong kundi siya. Biglang nalinawan si
Johnny at Peter. Maya maya ay may bumili, Aling
Trining, isa nga pong lechon kawali dagdagan po ang
sarsa.Ay siyempre naman anak, basta ikaw. Masarap
yang sarsa na yan gawa talaga yan sa atay ng baboy.
Malambing na sagot ni Aling Trining sa bumibiling
binatilyo. Sandali mga iho ha. Pasintabi ni Aling
Trining sa tatlo. Kumuha ng ilang pirasong lechong
kawali si Aling Trining at binalot ng dahon ng saging na
binalot niya ulit ng dyaryo. Naglagay din ang sarsa sa
94

isang plastic na ibinuhol at parehong nilagay sa sando


bag. Heto o. Iniabot ni Aling Birning ang order at
kinuha ng bayad at nagsukli. Walang ensayo ngayon,
pahinga sila, kakapanalo lang kasi nila sa Bataan sa
contest ng marcha. Baka sa susunod na lingo pa ulit sila
magensayo. Kung gusto niyo puntahan niyo sa kanila sa
Navotas. Ipagtanong niyo kilala yun sa lugar nila. Kung
gusto niyo sumakay kayo ng banka. Sabay turo sa
sakayan ng banka. Pagtawid sa ilog na yan ipagtanong
niyo, kilala yun sa lugar nila. Nagpasalamat ang tatlo at
tinungo ang sakayan ang banka.
Sa sakayan ng banka ay nag-abang sila Johnny,
Peter at Melon sa pilapil na gawa sa bato. Dumating ang
isang banka na puno ng tao, ang iba ay may bitbit pang
bisikleta. Nagbabaan ang mga pasahero at nang wala ng
laman ang banka ay sumakay ang mga nagaabang sa
umuugang banka. Unang beses sumakay ni Johnny dito
kung kayat hindi niya pa alam ang kalakaran.Manong
magkano po ang pasahe?Isang pera. Sagot ng
bankerong iniikot ang lubid sa isang trosong nakatusok
sa ilog. Sagot ko na ang pamasahe. Sabi ni Johnny,
nilabas ang pitaka at dinukot ang tatlong perang
parisukat ang hugis, at iniabot ang tatlong pera sa
bankero. Mamaya ka na magbayad nasa kabila yung
nangongolekta ng bayad.
Nang lumarga na ang banka. Dito unang nakita
ni Johnny ang mga naglalakihang lantsa na ginagawa sa
dalampasigan ng Navotas. Di niya akalaing may
ganitong lugar dito. Habang tumatawid ang banka
papalapit ang Navotas ay mga mga maliliit na batang
95

lalaki na lumalangoy na hubot hubad. Maya-maya ay


sinabi ng bankero na, kapit kayo. at bumanga ang
banka sa batong hagdan paakyat sa pilapil. Bumaba ang
lahat ng tao at nagbayad sa taong nakaupo sa likod ng
lamesa na may nakasalansan na tag-iisang pera sa
ibabaw. Naglakad sila palabas sa eskenita kung nasaan
ang istasyon ang banka at sa kanto ay may nakitang
panaderia. Dito nagtanong si Peter. Ale, mawalang
galang na po, puwede po bang magtanong? Sige ano
ba maitutulong ko sa inyo? Saan po ba nakatira si
Enteng yung drummer ng Musikong Bungbong?Nako,
bagong salta lang ako sa lugar na ito at wala pa akong
ganong kilala sabi ng Tindera. Nadinig sila ng lalaking
nakatingin sa kanila na kumakain ng pandecoco.Sino
ba hanap niyo? Si Tenga ba? Si Entenga? Naisip ni Peter
na hangang Navotas pala ay uso ang bansagan Opo.
Sagot ni Peter. Doon sa dulo nakatira yun. Tumuro
ang mama pakanan nakita nila ang isang makitid na
daan sa dulo. Salamat po manong. Walang anuman,
basta ipagtanung niyo lang doon.
Agad nilang tinungo ang direksiyon ng na tinuro
ng mama. Sa kanto ng makitid na kalsada ay may
karinderia at dito ay nagtanong ulit sila. Itinuro ng
tindera sa isang bahay na maliit at gawa sa bato.
Habang papalapit sila ay dinig nila ng paradiddle ng
snare drums. Alam nilang tama ang direksyon na
tinahak nila. Sarado ang pinto ng bahay. Nakakailang
katok na sila ngunit walang nagbubukas ng pinto. May
humintong mama at sinabing. Sige katukin niyo lang
madidinig din kayo niyan. Nang di sila madinig ay
96

lumapit ang lalaki at kinatok ng napaka lakas ng pinto at


sumigaw.Enteng, may mga naghahanap sa iyo!
Tumigil ang paraddile sa snare, makailang sandali ay
bumukas ang pinto at bumungad ang isang maliit na
lalaking payat na malaki ang tenga. Ngayon lang
napansin ni Johnny at Peter ang tenga ni Enteng na may
kalakihan nga. Sa isip ni Johnny, kaya siguro magaling
tumugtog dahil malakas ang pandinig. Nagulat si
Enteng at medyo natakot ng nakita ang tatlo lalo na kay
Melon na napaka laking tao at kayang kaya siyang
bitbitin ng isang kamay lang ang gamit. Wala naman
siyang natatandaang atraso kayat nawala ang kanyang
pangamba.
Kanina pa kumakatok ang mga ito, wala ka
bang naririnig? Sabi ng Mama kay Enteng.
Pasensiya na Tiyo Agustin nageensayo kasi ako
kaya siguro hindi ko narinig.
Nasaan ba ang nanay mo?
Di pa po umuuwi tiyo nasa Agora padin po sa
fishport padin po nag-buy-and-sell ng isda.
Paki sabi puntahan ako kapag dumating,
bahala ka na sa kanila. Sabay umalis.
Salamat po Mang Agustin. Pahabol ni Johhny
na sinundan ni Peter at Melon.
Pinatuloy ni Enteng ang mga nagsadya at
pinaupo. Ano ang maipaglilinkod ko sa inyo? Tanong
ni Enteng. Ako nga pala si Peter, ito si Johnny at siya si
Melon. Pakilala ni Peter. Ikinagagalak kong makilala
kayo. Isa-isa silang kinamayan ni Enteng. Gusto
naming magbuo ng kombo at balak ka sana naming
97

kunin bilang drummer, minsan ka naming napanuod na


tumugtog sa aming lugar sa Purok Kalapinay at nakita
namin ang husay mo sa pagpalo. Seryosong sinabi ni
Peter. Ano ba mga tutugtugin natin? Puwede niyo ba
akong bigyan ng detalye?
Naimbitahan kasi kaming tumugtog sa pista ng
Duhat. Pero ang gusto ng nangangasiwa ay kumpleto,
may drummer at may bahista, nung nakaraan kasi ay
duo lang kami ni Peter, kanina lang ay pumayag mag
baho para sa banda si Melon. Itinuro ni Johnny ang
malaking lalaking katabi. Kayat pinuntahan ka namin
agad dahil sa drummer nalang ang tanging kulang. Ang
tinutugtog namen ay rock and roll at yun din ang gusto
ng nangangasiwa.
Naisip ni Enteng na hindi pa siya nakakatugtog
ng rock and roll, matagal niya na itong gustong subukan
ngunit ang tinutugtog lang na Musikong Bungbong ay
mga marcha na nahahaluan ng jazz ngunit hindi ang
rock and roll. Magkano naman ang bigayan sa tugtugan
na yan? Sanay si Enteng na may bayad kapag
tumutugtog kung kayat kailangan niyang malaman
kung magkano ang ibabayad sa kanila. Nagtinginan si
Johnny at Peter at pag ganito ang sitwasyon ay si Peter
ang may lakas ng loob na magsalita. Ang binangit lang
sa amin ng nangangasiwa ay bibigyan tayo ng pambili ng
costume. Parang nawalan ng pagasa si Johnny at Peter
nang ito ay sabihin nila dahil sa wala ngang
napagusapang bayad sa pagtugtog. Ngunit sa isip ni
Enteng ay mahal ang costume at hindi niya kayang
kitain sa isang tugtog ang pambili nito. Libre ako buong
98

lingo, nagpapahinga ang Musikong Bungbong sa ngayon


dahil kakagaling lang namen sa mabigatang ensayo at
paligsahan. Kailan ba tayo magsisimulang mag ensayo?
Biglang nakahinga si Johnny at Peter at sabay nilang
sinabi. Sa lalong madaling panahon.

99

Ikalabing-Isang
Kabanata
MAGKIKITA kita ngayon sina Johnny, Peter,
Melon at Enteng. Napagusapan nilang magensayo
pagkatapos mananghalian. Alas onse palang ay nakina
Johnny na si Peter at doon nila kinain ang dalang
pagkain ni Peter. Bandang alas-dose ay dumating si
Melon na nakatulog na mula sa pagsama sa palakaya. At
ng pagsapit ng ala-una ay dumating si Enteng na
ikinagalak ng lahat. May dala itong snare drums, isang
cymbals at mga stand.
Pinarinig ni Johnny at Peter ang mga tinugtog
nila sa kaarawan ni Purit. Balak nila ay ulitin lang ang
line-up nila sa Pista ng Barangay Duhat. Dahil
nasubukan na nila ito at pumatok na sa mga tao.
Nagustuhan ni Melon at ni Enteng ang idea. Tinuro ni
Johnny at Peter kay Melon ang chords ng mga kanta. At
ito ay nilagyan ng palo ni Enteng. Nang sila ay tumugtog
ay hindi makapaniwala si Johnny at Peter na sila nga ang
tumutugtog parang ang ganda sa tenga. Kahit na si
Melon ay nakangiti at siyang siya sa pagtugtog ng baho.
Maging si Enteng na isa ng beterano sa tugtugan ay
nakadama ng kakaibang kagalakan. Inabot sila ng ala
sinko ng hapon sa pageensayo at sila ay nagpahinga.
Ayos konting kinis nalang perpekto na. Di bale
kamaan palang naman ito, bukas magkinisan na tayo.
Nakangiting sinabi ni Enteng. Hindi muna nakuha ng
tatlo ang sinabi ni Enteng pero sumangayon nalang sila.
100

Hindi nga ayos na ba Enteng? Di makapaniwa


si Johnny.
Ayos na, di nga akalain na ganito tayo kabilis.
Sabay ngiti ni Enteng.
Ano ba pangalan ng banda natin? Sabi Melon.
Yan ang wala pa. Sagot ni Peter.
Mukang kailangan makaisip tayo ng pangalan
para pagpunta natin kay Mang Bulik baka hingan tayo
ng pangalan ng kombo natin.
Oo nga Johnny, kaso ano naman ang itatawag
natin sa grupo?
Wala akong idea Peter sana mahulog sa langit
ang pangalan ng banda natin. Pabirong sinabi ni
Johnny.
Takip silim na kung kayat binuksan na ni Johnny
ang ilaw. Maya maya ay nagulat sila at may lumilipad sa
ilaw. Kala nila ay bubuyog nung una. Ngunit bigla itong
nalaglag sa sahig. Ngayon lang sila nakakita ng ganito.
Salagupang na berde at makintab. Nanlaki ang mata ni
Melon. Salaginto!Sabay dakma sa insecto. Bihira lang
ito. Yan pala ang salaginto. Sabi ni Johnny. Ang
ganda! Biglang kuminang ang mata ni Peter kasabay
ng pagkinang ng Salaginto. Mukang narinig ang
panalangin mo Johnny. Nakangiting sabi ni Peter.
Napatingin si Johnny at napatango. Nagkatinginan silang
apat at nagkaintindihan at mula noon at tinawag nila
ang kanilang banda na Salaginto.
Ngayong kumpleto na ang banda at may
pangalan nadin na Salaginto. Nakapag ensayo nadin sila

101

at maganda naman ang kinalabasan. Tingin nila ay


handa na silang humarap kay Bulik.
Si Bulik ay nakatira di kalayuan kay Peter. Mula
sa bahay nila Johnny ay may isang eskina bago
dumating sa eskina nila Peter. Andito ang tahanan ni
Bulik. Tinawag isyang bulik dahil nung kabataan niya
siya ay tigyawatin at madami patsi sa kanyang mukha na
sanhi ng mga peklat ng tigyawat. Di man nakatapos ay
mahilig magbasa si Bulik ang paborito niya ay pagaralan
ang batas. Pinangarap niya ang mag abogasya ngunit
mahirap lang ang kanyang pamilya kung kayat hindi
niya naabot ang kanyang pangarap. Dahil sa taglay
niyang talino ay nakapasok siya sa ibat-ibang opisina sa
Maynila at ngayon ay isang broker sa customs. Dito ay
nagkapera si Bulik at nakuha ang respeto ng mga taga
Kalapinay. Bihira ang nakakaintindi ng ingles sa
Kalapinay at isa dito si Bulik dito. Kung kayat siya ang
laging naibobotong presidente sa taunang eleksiyon ng
Bayanihan Organization.
Tinapat ng Bandang Salaginto na sabado ng
umaga sila pupunta kila Bulik. Sabay sabay silang
kumain sa Lugawan ni Mang Ambo bago tumungo kay
Bulik. Bihirang pumasok sa eskina nila Bulik sila Johnny
at Peter kahit nung maliliit pa sila. Ang mga nakatira
dito ay hindi pala labas. Kung kayat wala silang ganong
kalaro dito. Papasok sa eskina ay nasa bungad lang ang
bahay niya. Ang ibaba ay bato na walang pintura, ang
itaas ay kahoy na wala ding pintura. Nakabukas ang
sliding door sa ibaba at kita ang pulang sahig na
makintab. Paglapit nila sa pinto ay sofa. Doon nakaupo
102

ang isang babaeng nagagantsilyo. Tumingin sa kanila ito.


Ano ang kailangan niyo? Tanong ng babae.
Hinahanap po naming si Mang Bulik. Namumukaan ng
babae sina Johnny at Peter at Melon nungit hindi niya
alam ang mga pangalan. Oy Johnny, Peter, kayo pala.
Tuloy kayo. Nadinig nila ang boses ni Bulik, hinanap
nila kung saan nangagaling, nakita nila sa bandang
kanan ng sala at nagluluto di Bulik sa kanilang kusina.
Agad nagpunas ng kamay si habang papunta ng pinto ay
pinatutuloy ang banda sa loob. Upo kayo, feel free.
Nakangiting sabi ni Bulik. Sila ba yung mga nakuha
niyong kasama? Ikaw ba si Melon? Opo mang Bulik.
Nakangiting sagot ni Melon. Aba mana ka sa tatay mo
ha, ang laking tao mo din. Hinding-hindi malilimutan ni
Bulik si Uwang na nagtanghal din sa pista gamit ang
upright bass na gawa sa banyera. Siya sino siya?
Nakaturo si Bulik kay Enteng. Ako po si Enteng.Ok,
ok. Sagot ni Bulik.
Umakyat panandalian si Bulik, ng bumaba ito ng
hagdan ay may dalang sobre. Siya nga pala, ano ang
pangalan ng banda niyo? Salaginto po Mang Bulik.
Tugon ni Peter. Aba ok yun ha. I like it. Tinaas niya
ang sobre. Ito ang voucher, pirmado ko na yan.
Kailangan niyo nalang kunin sa treasurer ng Bayanihan
Organization ang halagang nakasaad diyan. Pagtawid
niyo mula sa kanto ng eskina ay may bahay na pula na
bato na malaki at madaming rehas. Yon ang bahay ni
Aling Meling na treasurer natin. Ibigay niyo ang sobreng
ito at Ibibigay niya sa inyo yung perang ipambibili niyo
ng costume. Ang gusto ko barong at pantalon na itim.
103

Ako nagpapatahi ako ng barong sa House of Barong


Tagalog diyan sa bayan. Sa pantalon bahala na kayo
kung saan kayo magpapatahi. Sa sapatos bahala na din
kayo bastat pormal, ok na sa akin yun. Kung may
sosobra sa pera ay sa inyo na, ok? Pero kung kulangin
ay kayo ang magpapalwal, ok? Nagkakaintidan ba tayo?
Ok ba tayo? Halos nagkasabay sabay ng sagot ang apat.
Ok po Mang Bulik! Iniabot ni Bulik ang sobre na
tinangap ni Peter at agad nilang tinungo ang bahay ni
Aling Meling at kinuha ang pambili ng costume na
nakalagay sa isang sobre.
Peter magkano ang laman ng sobre? Tanong
ni Melon. Binuksan ni Peter ang sobre at binilang ang
pera may laman itong isandaang piso. Magkano
Peter? Tanong ni Melon. Napangiti si Peter, isang
daang piso! Tuwang tuwa ang lahat nang marinig nila
ito. Tara na punta tayo ng Avenida sa Good Planet
Emporium bili na tayo ng tela. Yaya ni Johhny,
natatandaan niya na doon sila namimili ng kanyang Lola
Prising ng tela. Hindi kakasya ang isang daan para sa
ating apat kung doon tayo bibili. Sabi ni Enteng.Kapag
kami nagpapagawa ng costume namen sa Musikong
Bungbong sa Divisoria kami pumupunta. Doon nalang
tayo pumunta para makamura tayo. Kailangan lang
marunong tayong tumawad. Dagdag ni Enteng. Doon
din kami bumibili ng kamiso tsino namen na
pangpalakaya mura nga doon. Nakatawang sabi ni
Melon. Kung ganon ay tayo na sa Divisoria. Nilakad ng
apat ang pagpunta sa sakayan ng jeepney hangad talaga
nilang may sumobra sa perang ibinigay sa kanila. At
104

mula sa palengke ng Duhat ay sumakay sila ng jeepney


na papuntang divisoria. Bumaba sila sa Simbahan ng
Tondo at mula doon ay nilakad papasok hangang
makarating sa bilihan ng tela. Karamihan ng nagtitinda
ay mga chinese. Ano inyo kailangan? Tanong ng isang
tsino habang sila ay naglalakad. Magkano tela niyo na
pang barong at telang itim para sa pantalon? Tanong ni
Enteng. Eto ganda tela para barong bigay ko nalang
sampu isa metro.Mahal naman! Sabi ni Enteng.
Ikaw gawa tawad, magkano ba iyo gusto? Na sinabi ng
tsino na parang galit na ikinakaba ni Johnny. Melon
galit na ata yung mama.Ganyan talaga sila magsalita
Johnny akala mo galit. Nakangiting tulog ni Melon.
Huli presyo siyam piso isa metro. Sige po muna po,
magtatanong tanong po muna kami.Puwede ko pa
baba presyo sabi mo magkano iyo gusto?Babalik
nalang po kami manong, salamat. Pinagtanungan ni
Enterng bawat pwesto ngunit halos pare pareho lang ng
presyo, naisip ni Enteng na sinabi kanina ng una nilang
pinagtanungan na magbibigay pa siya ng bawas kung
kayat bumalik sila dito. O kita mo balik kayo akin.
Mura akin tinda. Sabi ng tsino. Kunin namen walong
metro, lima piso isang metro. Masyado na baba bigay
ko inyo, ako luki na. Reklamo ng tsino. Kukuha pa
kami ng tela para sa pantalon bigay mo lang ng
mababa.Napaisip ang intsik. Ilan metro kunin niyo
para pantalon, ano tela? Tanong ng tsino.Sinalat ni
Enteng ang mga tela. Ayos na ba sa inyo ito? Tanong
ni Enterng sa mga kasama. Ayos yan makapal at
malambot. Sabi ni Melon. Ito gusto namen. sabi ni
105

Enteng sa Tsino. Yan bigay ko pito piso isa metro.


Kulang pera namen. Sagot ni Enteng sa tsino.
Tatlong piso nalang isang metro nito. Giit ni Enteng.
Sobra baba iyo tawad ako luki na. Tumalikod si Enteng
at nagpangap na aalis. Sandali, sandali, ikaw tawad
lima piso tela barong, tatlo piso tela pantalon, kuha ka
walo metro isa klase tela? Tama? Opo, ganun na nga
po. Sike sike bikay ko na iyo gusto. Binayaran ni
siningil Enteng ang tat sila ay nagpasukat ng barong sa
House of Barong Tagalog, s ela ila ng limang piso kada
barong at limang piso kada pantalon. Nagpasya sila na
barong na muna ang ipatahi dahil kapos ang kanilang
pera.
Nako onse pesos nalang tong natira sa atin.
Kakasya pa ba ito para sa pantalon? Tanong ni Peter.
Pano na yan Peter? magpapalwal pa ata tayo.
Pangamba ni Johhny.
May solusyon diyan. Nakangiting sabi ni
Melon. Si Melon ay laging Melon solusyon.
Si Mang Berto ang pinaka magaling manahi ng
pantalon na kilalang kilala sa ilang barangay. Sinasabing
pag gawa ni Mang Berto ang pantalon ay sasagutin ka
ng nililigawan mo. Maganda ng pagkakabanat at bagsak
ng laylayan ng mga pantalon na kanyang tinatahi at
mura lang itong maningil kung minsan ay libre pa. Sikat
man siya ay mukang hindi siya tiwala sa kanyang sariling
gawa. Kadalasan ay natutulog sa ilalim ng tulay si Mang
Berto, matakaw ito sa tulog dahil siya ay laging lasing.
Kayat tinakakasan niya ang mga gustong magpatahi sa
kanya at kadalasan ay tulog sa ilalim ng tulay. Dito din
106

siya naghahayuma ng lambat na kanyang tunay na


kabuhayan.
Kilala ni Melon si Mang Berto dahil siya ang
tumatahi ng lambat na gamit nila sa palakaya. Kayat
siya ang pinili niya na tumahi ng kanilang pantalon. Para
may sumobra din sa pera dahil alam na ni Melon kung
pano didiskartehan si Mang Berto.
Mga kapatid ganto ang plano. Pupuntahan
natin si mang Berto at alam ko kung saan siya naglalagi.
Di niyo na itatanong si Mang Berto ang isa sa
pinakamagaling tumahi ng pantalon sa buong Malabon.
Kung hindi lang lasengo yon mayaman na yon.
Nakikinig ang tatlo kay Melon.Magkano pa ang pera
natin Peter? May sampung piso pa tayo at
animnapung sentimo Melon. Kanina labing isang piso pa
sana kaso pinamasahe natin yung apatnapung
sentimos Tamang tama na yan sobra pa yan, ibibili
lang natin ng dalawang kahang sigarilyo at isang boteng
kwatro kantos sa gin si Mang Berto at ayos na! May
pambili pa tayo ng belekoy!
Pinuntahan ng banda si Mang Berto at inabutan
nila itong naghihilik sa ilalim ng tulay. Nakabukaka unan
ang isang balumbon na lambat sa ibabaw ng kawayang
sahig sa ilalaim ng tulay. Kailangan nila ng magandang
pantalon para sa kanilang banda. Kilala ni Melon si
Mang Alber dahil siya ang nananahi ng lambat para sa
kanilang banka
Nako tulog pala bumalik nalang tayo pagising
na. Pabulong na sabi ni Johnny.

107

Kung iintayin natin yan gabi na tayo


makakawi. Sagot ni Melon. Mang Berto, gising na.
Maya maya ay sumingot si mang Berto na
parang nagulat. Pagdilat ay panandalian nanahimik.
Pulang pula ang mukha at mata ni Mang Berto.
Melon ano ang kailangan mo? Walanghiya ka
kita mong natutulog ang tao e.
Ngumiti si Melon at lumapit tinapik sa hita si
Mang Berto at pabirong sinabi. Anong oras na o? Heto
nga pala dala ko sayo inabot ang dalawang kahang
sigarilyo at isang boteng alak.
Ano to? Para saan to?
Naimbitahan kaming tumugtog sa pista at
kailangan namen ng magaling na sastre na tatahi ng
pantalon namin.
Tigilan mo nga ko Melon! Madami akong
tatahiing lambat. Ngunit tumingin ito sa dalawang
kahang sigarilyo at alak na tila kumakaway sa kanya.
Napalunok si Mang Berto. Kailan niyo ba kailangan?
Sa pista pa naman Mang Berto. Sige na maawa
ka na sa amin. Para naman sa barangay natin yon,
nakatulong ka na, happy happy ka pa! Kapag ikaw ay
uminum ng alak ikaw ay malalasing. Kapag ikaw ay
nalasing ikaw ay makakatulog, kapag ikaw ay tulog hindi
ka magkakasala, kapag ikaw ay hindi nagkasala
mapupunta ka sa langit, kayat ikaw ay uminum ng alak
at magpunta sa langit. Nakangiting sabi ni Melon kay
Mang Berto.

108

Oo nga no! May utak ka pala kahit pano. Sige


pumunta kayo sa bahay bukas susukatan ko kayo.
Sagot ni Mang Berto.

109

Ikalabindalawang
Kabanata
SA unang sabado ng Mayo at ginaganap ang
Pista sa Barangay Duhat. Isa ito sa pinaka aabangan ng
lahat mapa bata o matanda man. Tuwang tuwa ang mga
bata sa mga dumadayo upang magtinda. Madaming
nagtitinda ng Laruan. May mga nagtitinda ng sisiw o
kaya ay itik na kung di sapat ang iyong pera ay puwede
mong bunutin. May mga nagtitinda nag pagkain, may
hotcake, popcorn, sugar kendi, samalamig at iba pa.
Kanya kanyang paraan ang mga bata para makabili ng
gusto nila ang iba ay umiiyak para ibili ang iba ay nanguumit ng pera.
Bawat bahay ay kanya kanyang handa. May mga
lamang dagat tulad ng alimango at sugpo, ang iba ay
naglelechon mapa manok man o baboy. At higit sa lahat
ay ang Pansit Malabon na dinadayo ng mga karatig
lugar.
Tuwang tuwa ang mga lasengo dahil kaliwat
kanan ay may nagiinuman at sagana sa pulutan.
Kadalasan pag mga lasing na ay nauuwi sa away.
May parada din at makulay ang suot ng mga
musiko. Naghihiwayan ang at sumusipol ang mga
kalalakihan sa maiiksing suot ng majorette sa harapan
na nagpapaikot ng mga wand sa kanilang kamay. Kung
minsan ay may taong bumubuga ng apoy sa parada.
Pero ang lahat ay naglalabasan pag nadinig na ang
tambol ng ati atihan. Sa harapan ay nagsasayawan ang
110

mga taong hubad na may pahid na uling at nakayapak,


kung minsan ay nagiiyakan ang maliit na mga bata dahil
tunay na nakakatakot ang kanilang mga itsura. at sa
likuran ay ang mga dumadagundong na nagtatambol tila
may lindol pag dumadaan na ang ati atihan.
Tanghali palang ay nakatayo na nag maliit na
entablado na gawa sa mga kahoy na nakapatong sa mga
bakal na bariles at dito ginaganap ang mga palaro.
Kabilang sa mga palarong nagaganap ay ang pataasan
ng ihi, dito ay nakalinya ang mga batang lalaki at kung
sino ang pinaka mataas ang ihi ay siyang mananalo,
bago pa man magsimula ay papainumin ng tubig ang
mga bata para maihi. May ihipan ng harina kung saan
kung sino ang unang makaubos ng harina sa isang baso
sa pamamagitan ng pag ihip ay siyang mananalo.
Nakakatawa ang laro dahil puting puti sa harina nag
mukha ng mga kasali habang umiihip ng harina. May
agawang buko, kung saan may isang buko na lalagyan
ng grasa at kung sino ang may hawak na buko
pagkalipas ng dalawang minuto ay ang siyang
mananalo. May akyatan ng kawayan, na kadalasan ay
lalagyan din ng grasa ang kawayan at kung sino ang
unang makarating sa taas at makakuha ng bandera ay
siyang mananalo. Kadalasan ang nanalo dito ay si
Jeproks na stuntman sa pelikula. May pagalingan sa
paguhit, na tila taon taon ay bundok ang ginuguhit ng
mga kalahok. At ang pinaka aabangan ng lahat na
boxing, dito kumakapal ng husto ang mga tao at
umiingay na parang bubuyog ang mga tao. Mayroon din
tupada na dinudumog ng mga sabongero.
111

Pag gabi naman ay sa malaking entablado


ginaganap ang palabas na tinatayo sa kawayanan ni
Mang Pedring na tatay ni Narding na siga sa lugar. Dito
nagtatanghal ang mga naimbitahan na mga
professional. May circus, gymnast, mahikero, stage
comedy, balagtasan, singers, dancers at kung minsan ay
may burlesque. Kadalasan ay may raffle draw para sa
fund raiser na nagaganap.
Alas ocho na ng gabi at magsisimula na ang palabas at
sabi ni Bulik dapat naka bihis na sila at handa na dahil
kumporme sa magiging takbo ng programa ay puwede
silang isalang agad. Isang lingong hindi nakatulog si
Johnny sa kaba. Hindi niya alam kung magsisisi siya sa
kanyang ginawa na magaral tumugtog bakit niya
kailangang maramdaman ang ganitong kaba. Parang
gusto niyang tumakas nalang pumunta sa bukid at
magtago sa imbakan ng tae ng manok. Ngunit naisip
niya ang pangako niya sa Tiyo Rufino na tatayo siya sa
kanyang sariling paa, at naisip niya ang kanyang Lola
Prising at Lolo Jose, at si Nelda, ang kanyang sinisintang
si Nelda. Nabuhayan siya ng loob at sinabi sa sariling,
para ito sa inyo itong tugtog na ito, para inyo ito! Ilang
sandali pa ay darating na ang mga kabanda niya.
Nagpasya silang mag ensayo pa ng isang beses bago
sumalang sa entablado.
Dumating ang Bandang Salaginto sa malaking
entablado. Tumitingin na agad si Johnny sa paligid baka
sakaling nanunuod ni Nelda ngunit siya ay wala sa mga
audience na nakaupo sa salansan ng kawayan. Pinatuloy
sila sa kaliwang bahagi ng stage na binabakuran ng
112

dahon ng niyog. Dito ay may lamesa na puno ng pagkain


may alimango, sugpo, menudo, morcon, relyenong
bangus, pansit bihon, kanin at valensiana. Agad silang
binigyan ng tag iisang plato at sinabihan na kumain na.
Di ganong nakakain si Johnny dahil sa sobrang kaba ay
para siyang masusuka.
Umakyat sa entablado ang taunang host ng programa
na si Mang Andoy, na tinagurian nilang si Mister
Showbiz. Isa itong maliit na lalaki na maitim, iika ika
kung maglakad, at laging nakasimangot at mukhang
masungit. Ang bansag nila dito ay si luya dahil sa parang
luyang ay bukol bukol ang kanyang mahabang mukha.
Magandang gabi Sabay nawalan ng tunog ang
Micropono. Pinalo palo ni Mang Andoy ang micropono
pero walang lumalabas na tunog. Tumingin si Mang
Andoy sa gilid ng stage at biglang may sumampang
lalaki para ayusin ang sound system. Kinuha ni Mang
Andoy ang isang pang Micropono sa gilid.
Hello hello, dinig na ba ako?
Sumagot ang mga tao, oo!
Uulitin ko, magandang gabi sa inyong lahat.
Salamat sa pagpunta ninyo sa isa nanamang
pagtatanghal na sigurado akong maiibigan ninyo. Hindi
ito maisasakatuparan kundi sa pagtitiyaga ng presidente
n gating samahan na Nagkaisang Nayon si Stephen
"Bulik" Villaflor, kay kapitan Tinoy, sa ating Mayor na si
Mayor Herminiones Lazaro at sa mga sponsor na
nagambagan para taon taon ay magkaruon tayo ng
kahit kaunting kasiyahan. Hawakan niyo lang ang mga
ticket niyo. Sabay natigil na para bang hinihika, Malay
113

ninyo kayo ang magwagi sa raffle ngayon. Ang first price


natin ay refrigerator. Tinuto sa likod ang puting
refrigerator. Napaka gandang refrigerator po niyan at
modernong moderno. Tumingin sa hagdan si Mang
Andoy. May sumenyas na hindi pa handa ang unang
magtatanghal. Kayat sumegway si Mang Andoy.Sa
mga kalalakihan isa lang ang maipapayo ko sa inyo.
Malasin na kayo sa lahat wag lang sa babae.
Nagkantiwayan ang mga lalaki.Bakit kanyo? Tumuro sa
isang nanunuod si Mang Andoy. Tuwang tuwa naman
tong si Purit. Lalong lumakas ang tawanan ng mga tao.
Tingnan niyo ko. Hindi ako mayaman pero masaya ako.
Bakit di ako sasaya? Napaka ganda ng asawa ko. Ang
lagay e kukuha pako ng pangit e pangit na nako.
Nagtawanan ang lahat ng tao. Wala man akong pera
pero pag uwi ko lagi naman akong masaya makita ko
palang ang asawa ko. Kita niyo mga anak ko kagaganda.
Di niyo na itatanong ang asawa ko ay Maria Elena sa
Hagonoy Bulakan. Minsan naimbitahan ako doon para
maghost. Sinabi ko sa sarili ko na di ko na pawawalan
tong babae nato. Nung nakalapit ako hinalikan ko agad
sa harap ng tatay. Ayun sabi agad ng tatay, pakasalan
mo ang anak ko. Kaya pinakasalan ko naman. Lalong
nagtawanan ang mga tao. Tumingin ulit si Mang Andoy
sa gilid ng hagdan.Wala pa ba? Mukang nauubusan na
ng sasabihin si Mang Andoy. Maya maya ay nagsalita
ulit si Mang Andoy.Konting tiis lang mga kaibigan
atrasado tayo ng konti pagtiisan niyo muna ako. May
tumawag kay Mang Andoy sa gilid ng entablado.
Tumingin si Mang Andoy at nagsalita sa Mic. Gaya ng
114

sinabi ko konting tiis lang, pagkahaba-haba man ng


prusisyon, ay sa simbahan pa rin ang tuloy. Simulan
natin ang ating palatuntuan sa isang dance number
mula sa grupong, The New Sensation! Nagpalakpakan at
naghiyawan ang lahat.
Umakyat sa entablado ang dalawang pares na
babae at lalaki, biglang tumugtog ang isang kantang
upbeat na sinayawan nila ng twist. Naghiwayan at
palakpakan ang lahat ng nanunuod at tila nakuryente sa
showmanship ng mga dancers.
Sumunod ay balagtasan na nagliligawan ang
tema na dumayo pa mula sa bulakan ang mga
manunula.
Kayhaba haba man daw ng prusiyon ay sa
simbahan pa rin ang tuloy. Kayat huwag na tayong
magpaligoy ligoy. Ang patulang sabi ng matangkad na
lalaking may bigote at nakabarong.
Sanay iyong ipagpaumanhin ang aking
sasabihin, di ko balak saktan ang iyong damdamin.
Ngunit sa simbahan ay hindi puwedeng pumasok ang
isang ungoy. Naghiyawan ang mga tao at nagtawanan.
Para hindi angtukin ang mga tao ay isinalang na
ang mga komedyante. Umakyat si Brusko na taga
Malabon din at nakauwi sa Niyugan at si Tinting na
isang lalaking tingtingin. At kumanta ang dalawa habang
si Tinting ay sumasayaw na parang nililipad na papel.
Tigas na tawanan ng mga tao.
Huwag kang jumingle, huwag kang jumingle
kung ayaw mong mabosohan. Huwag kang jumingle
huwag kang jumingle kung ayaw mong mabosohan. Ang
115

matanda kung umihi, pumupuslit puslit ng konti at


pagkatapos niyang umihi ay hini maisauli. Halos
mamatay ang mga tao sa pagtawa.
Salaginto. Ang sabi ni Bulik. Kayo na
isusunod kong isasalang ha. Galingan ninyo.
Pinagpawisan bigla ng malagkit si Johnny at
para bang lalabas ang puso niya sa kanyang dibdib sa
kaba. Ngunit sinabi niya padin sa sarili, para sa inyo to
Lola Prising, Lolo Jose at Nelda. Nadinig niya na
binubunot ang second place winner para sa raffle.
Kanina ay binunot na ang third place at napanalunan ni
Inday ang isang stand fan. Tinatawag namin ang
pansin ni Kapitan Tinoy, kung puwede ay umakyat ka sa
entablado.
Nakapila na ang Bandang Salaginto sa gilid ng
stage at kita nila na binunot ni Kapitan Tinoy ang ticket
sa tambiolo. Alam ng lahat na hindi marunung bumasa
si Kapitan Tinoy. Kayat agad agad kinuha ng host na si
Mang Andoy kay kapitan Tinoy ang ticket ng hindi ito
mapahiya. Ang nanalo ng second place na maguuwi ng
television ay si! Biglang huminto si Mang Andoy para
bitinin ang mga tao at kunwari ay nakikipagusap kay
Kapitan Tinoy. Boo! Boo! Ang sigawan ng mga tao. At
ang nanalo ng second place ay si! Sabay binitin ulit ang
mga tao. Boo! Boo! Pauwiin na yan! Sigaw ni Maneng.
Jefferson Franco. At ang nanalo ay si! Jefferson
Franco! Maya maya pa ay umakyat sa entablado si
Bukbok. Laking gulat ng lahat ng nakita nila ito.
Nagsigawan ang mga tao. Jefferson! Jefferson!
Jefferson! nagusap usap ang mga tao. Ang ganda pala
116

ng tunay na pangalan ni Bukbok sabi ng isang ali.


Sumilip si Johhny sa puwang sa dahon ng niyog at laking
gulat niya na matanaw si Nelda na nakatayo sa tabing
daan na kasama ang isang maliit na babaeng may
katabaan at kaitiman, kahit sa malayo ay kita padin ang
kagandahan ni Nelda ang kanyang magandang tindig
ang kanyang maitim na buhok and slender na balikat.
Sinabi ni Johnny sa sarili na ibibigay ko ang todo ko
ngayon.
At ngayon kinagagalak kong ipakilala ang
sariling atin mga laki dito sa Purok Kalapinay! Bigyan
natin ng masigabong palakpakan! Ang Salaginto Band!
Naunang umakyat si Enteng na bitbit ang snare
drum at isang cymbals na dala ang mga stand. Si Melon
ang sumunod na pumuesto sa gitna sa kaliwang bahagi,
nilagyan ng mic ang loob na banyera niyang baho. Tapos
si Peter sa bandang kaliwa na may sariling mikropono.
At ang huli ay si Johnny sa kanan. Nilagyan ng
tungtungan na banko ang kaliwang paa at sa kaliwang
paa ni Johhny at Peter dahil sa wala silang guitar strap.
At sa kaliwang paa nila na nakapatong sa banko ay
pinatong nila ang kanilang mga gitara. Ayaw ni Bulik na
tumugtog sila ng paupo kagaya nang ginawa nila sa
kaarawan ni Purit. Gusto ni Bulik na maging malakas ang
kanilang stage presence kung kayat ito ang kanilang
naging work-around.
Tanaw niya ang kalsada kung saan nakatayo si
Nelda ngunit wala na siya doon. Hindi alam ni Johhny na
lumapit ang dalaga at naging interesado. Tiningnan ni
Johnny ang mga nanunuod na malapit sa stage pero
117

halos wala siyang makita dahil sa maliwanag ng


spotlight na nakatutok sa kanila. Sana ay nanunuod pa
si Nelda. Bahala na! Ang sabi niya sa kanyang sarili.
Nang tinapatan na ng mikropono ang kanilang mga
gitara at natapos na silang magtono ay nagtinginan sila
at bumilang ang drummer habang pinaguumpog ang
mga drum stick, one, two, three, four!. Nagulat ang
mga tao ng bigla silang pumasok at naghiwayan at
palakpakan. Tinugtog ulit nila bilang unang kanta ang
upbeat at snappy na kantang Reelin and Rockin ni Evan
Phillips. Hindi napigil ng iba na sumayaw at pumalakpak.
Hindi man nakikita ni Johnny ay isa sa Nelda sa tumili sa
audience. Karamihan ay nakatingin sa drummer na
buhay na buhay ang palo. Ngunit si Nelda ay nakatingin
kay Johnny na lagi niyang nakikitang umiinon ng
softdrinks sa tuwing siya ay dadaan sa Kalapinay. Kahit
paano ay may pagtingin ang dalaga sa kanya.
Matangkad si Johhny at maganda ang tindig, maitim ang
buhok makapal ang kilay at malago ang pilik mata na
nakuha niya sa kanyang ina. Hindi lang din
nagpapahalata ang dalaga pero sumusulyap din siya
kapag siya ay dumadaan ng Kalapinay. Sa pagkakataong
ito ay si Peter ang lead vocals na bigay todo sa
pagkanta. Andoon ang kanyang Lola Mercedez na abot
tenga ang ngiti at ang kanyang Tiyo Nato na galak na
galak sa kanilang nakikita. Mga ka barrio, pamangkin
ko yang kumakanta! Ako nagturo diyang magitara!
Sigaw ni Nato. Kitang kita ang groove ni Melon habang
kinakalabit ang kwerdas ng kanyang Bajo De Unas ay
nagsasayaw at bigay todo. Dinig nilang nangingibabaw
118

ang boses ni Maneng,Salaginto! Mga idolo ko


kayo!Ang sigaw si Narding ay tumutili na parang
babae. Sumunud nilang kinanta ang Baby Wake Up ng
Solomon Brothers. Napansin ni Johnny na nanginginig
ang kamay at lalamunan ngunit nilabanan niya ang kaba
at pinilit kumanta, maya maya ay nawala din ang kaba
ng tumulo na ang pawis dala nadin ng spotlight na
nakatutok sa kanila. Pag dating sa tagalog medley nila
ng mga kantang novelty na ginawang rock and roll
version ay nagwala ang lahat ng tao pati ang mga bata
ay kumakanta. Tuwang tuwa ang mga tao. Sa buong
buhay nila ay ngayon palang nila narinig ang rock and
roll version ng mga kantang ito. Pagkatapos ng bahay
kubo ay nag bow ang banda at mabilis na bumaba ng
entablado. Pagkababa ng entablado ay nagakapan ang
banda at nagtalunan.
Wooh wooh! Ang galing natin! Sigaw ni Melon. Si
Enteng na kahit beterano na sa tugtugan ay di rin napigil
ang saya at abot tenga ang ngiti. Si Peter ay tawa ng
tawa. Si Johnny ay agad lumabas at tiningnan ang
kinatatayuan ni Nelda ngunit wala na siya doon.
Tumingin siya sa tulay at nakita niyang papalayo na ang
dalaga kasama ang babaeng maitim. Gusto niya sana
itong habulin ng Biglang lumapit si Bulik. Johnny, may
gustong kumausap sa inyo. Kasama ni Bulik ang isang
maputing lalaking meztiso. Nakangiti at malalaki at
makintab ang mga ngipin. Tawagin mo ang mga
kasama mo.Pakiusap ni Bulik. Nagmadali si Johhny at
pumasok para tawagin ang iba pang miyembro ng
Bandang Salaginto.
119

Hi Guys I am Simon Soriano Junior but you can call me


JR for short, how do you do? Sabay kinamayan sila isa
isa. Si JR ay mestiso na napakalakas ng charisma.
Makinis manamit at laging nakangiti. I am the friend of
Marco Gonzales who is living in that house back there.
Sabay turo sa malaking bahay na mataas ang pader sa
kanto ng Villareal Subdivision na di kalayuan sa kanila.
Di nila kilala ang mga nakatira sa bahay na ito, dahil sa
tuwing lumalabas dito ay sakay ng magagarang kotse na
tinted ang bintana, kayat pag pinangangaralan ng
maga nanay ang kanilang anak ay laging nababangit na
huwag pamamarisan ang mga nakatira sa bahay na may
mataas na pader na walang kapwa tao. Ang subdivision
ay dating ilog na tinambakan. Dito din nakabili ng
dalawang lote ang Lolo at Lola ni Johnny na tinayuan ng
bahay ng kanyang Papa at bodega ng asukal na
kalaunan ay naging factory ng kendi na Sugar Delight.
Ito ay pagmamayari ni Don Tibursiyo Villareal na
mestisong kastila. Dati ay walang sinuman ang may
titulo ng lupa sa lugar. Nagulat nalang sila ng biglang
tinambakan ang isang parte ang ilog sa paanan ng tulay
ng Ipil-ipil. Hangang ngayon ay usapan na peke ang
titulo ngunit dahil tapos ang abogasya si Don Tibursiyo
ay alam nito kung pano papabor sa kanya ang batas.
I saw your performance and wow, I was blown away.
The pista here is great and the food is fantastic
especially the Pansit Malabon. Na paislang na sinabi at
kitang kita ang kanyang malalaking ngipin na puting puti
habang sa kanyang ngiti. Nakatingin lang ang Bandang
Salaginto, nakangiti ngunit walang imik. Namangha sila
120

sa tatas sa pagiingles ng kanilang kaharap. Back in


America rock and roll is the latest fad, I never thought
Id hear it here in the Philippines. Ngayon alam na nila
kung bakit magaling mag Ingles ang kausap. Galing pala
ng Tate. Thank you! Nakangiting sabi ni Johnny at
nagsunuran ang mga kasama. Here is my calling card,
my address is there and my telephone number. Give me
a ring if you are interested. Id like to jam with you guys.
I wont be keeping you for long now. See you.

121

Ikalabintatlong
Kabanata
LALONG lumalim ang pagtingin ni Johnny kay
Nelda lalo nat alam niyang napanuod siya ng dalaga sa
pista ng Barangay Duhat. Alam niyang nakita siya nito
kahit paano at hiling niya na sana ay humanga at
nagkaruon din ng pagtingin sa kanya ang dalaga.
Summer vacation ngayon at hindi dumadaan si
Nelda sakay ng kanyang service na puting Mercedez
Benz. Hindi siya makatulog dahil nanabik siya sa dalaga.
Napunan ni Nelda ang kalungkutan sa puso niya na
sanhi ng pagkamatay ng kanyang Lola Prising at sa
tuwing siya ay nalulungkot ay iisipin niya lang si Nelda
ay siya ay mapapangiti na. Malayo man ang agwat nila
sa buhay ay hindi siya nawawalan ng pagasa. Naisip niya
na gagamitin niya ang musika upang umasenso at para
maiparating kay Nelda ang kanyang nadarama. Alas
kwatro na ng umaga ay gising padin siya. Hanggat hindi
siya nakatiis at tumayo sa kama. Dito ay kinuha ang
nakasandal na gitara at ngayon ay naigagawa
natutugtog na niya ang mga tono ng kanta na naglalaro
sa isip niya. Kumuha siya ng papel at lapis at sumulat ng
kanta. Dito niya nasulat ang unang kanta niya. Na alay
niya kay Nelda.
Sinta
Di mo nga naririnig
Ang aking iniisip ngayon
122

Di mo rin nakikita
Ang sa puso ay nadarama
Kapag akoy nagiisa
Pinapangarap ka sa tuwi tuwina
Di mo ba napupunang
Gusto na nga kita aking
Sinta ahh ahh ahh
Ako ay iyong tulungan
Sa isang suliranin
Na ikaw lang ang kalutasan
Sinta ahh ahh ahh
Sige na at pagisipan
At akoy maghihintay nalang
Sayong kasagutan
Kapag ikay nagiisa
Ako sana ang yong isama
At akoy kuntento nang
Masdan lamang ang yong mga mata
Kung ikay nalulumbay
Akoy nakahandang dumamay
At gagawin ko ang lahat
Mapaligaya ka lang aking
Sinta ahh ahh ahh
Ako ay iyong tulungan
Sa isang suliranin
Na ikaw lang ang kalutasan
Sinta ahh ahh ahh
Sige na at pagisipan
At akoy maghihintay nalang
Sayong kasagutan
123

Minamahal kita aking sinta


Nang natapos niya ang kanta ay dali dali siyang
bumangon at lumabas ng bahay. Nakita niyang
nagwawalis si Aling Sita sa daan, gamit ang walis
tingting. Johnny ang aga pa ha, saan ka pupunta?
Aling Sita magjojogging lang po sa pinagkabalian sa
tabi ng mga palaisdaan. Magiingat ka ha anak.
Madami pong salamat Aling Sita. Umakyat siya sa
kanang bahagi ng tulay at naglakad sa sidewalk. Nakita
niyang si Mang Simeon ay paakyat sa kaliwang sidewalk.
Halos hindi umuusad at halos ang buong bigat ng
kanyang bayukos na katawan ay nasa kanyang tungkod
na kawayan na lagpas ulo ang haba. Halos bulag nadin
ang kanyang mga mata kung kayat lagi na siyang
nakapikit at nakayuko. Nakikita niya lang kadalasan ang
matanda sa hapon kapag pauwi na galing sa Simbahan
ng Conception kung saan siya ay nagsisilbi bilang janitor,
hindi niya inakalang ganito kaaga pumupunta sa
simbahan ang matanda.
Balot ng hiwaga ang katauhan ni Mang Simeon
na sinasabing mayari ng kalahati ng Barangay Ipil-ipil,
dati daw ay ang ama niyang si Don Luciano ang orihinal
na may ari ng mga palaisdaan sa ipil-ipil. Nagpanata daw
si Mang Simeon nang gumalaw ang rebulto ng diyablo
sa ibabaw ng puntod ng kanyang ama na si Don Luciano
at simula noon ay nilisan ang kanilang malaking bahay
at tumira nalang sa isang kubo at namuhay ng payak at
hindi na nagasawa pa. Natatandaan ni Johnny na laging
si Mang Simeon ang pinapatawag ng kanyang Lola
124

Prising sa taunang padasal at pagkatapos ng dasal ay


nagkukwento si Mang Simeon ng mga katatakutan kung
kayat siya ay yumayakap sa kanyang Lola Prising at
umiiyak nang siya ay lumaki na ay pinananabikan niya
na din ang kuwento ni Mang Simeon at kadalasan ay
tinatawag niya si Peter para madinig din ang mga ito.
Kung gusto ninyong makita ang mga nuno sa
punso, kumuha kayo ng itim na tuta, dampian niyo ng
daliri ang kanang mata tapos ay idampi niyo sa kanang
mata niyo at ganoon din sa kaliwang mata pagkatapos
ay tumuwad kayo at sumilip sa pagitan ng inyong mga
paa. Kailangan sa hapon niyo ito gawin kapag palubog
na ang araw kapag ganitong oras ay hindi na umaalis sa
kanilang kinatatayuan ang mga nuno kayat sila ay
inyong makikita. Inihit ng katatawa si Titay sa padasal
at ayaw sabihin ang kanyang iniisip. Nang siya ay
nakipagtsismisan sa kanyang Tiya Liza ay sinabi nito na
baka ibang nuno ang nakikita ni Mang Simeon na
kulubot din ang balat kapag nakatuwad siya at sumisilip
pailalim. Ngayon lang nakuha ni Johnny ang ibig sabihin
ni Titay at siya ay natawa sa ala-ala. Hindi niya napansin
na nalagpasan niya na ang tulay. Tumingin siya pabalik
at nandoon padin si Mang Simeon sa ibabaw ng tulay at
parang hindi umuusad. Kung hindi niya nakita si Mang
Simeon ay malamang nagtatakbo siya sa takot. May
mga usapan din kasi na mangkukulam daw ang matanda
at may taglay na agimat.
Pagbaba niya ng tulay ay nakita niya ang
malaking mansion na kulay puti at pula ang bubong na
gawa sa tisa. Sa itaas ay may bukas na ilaw. Inisip niya
125

na, silid kaya ito ni Nelda? Di rin kaya siya makatulog?


Iniisip niya din kaya ako. Kung ilang minute siyang
nakatingin sa silid na may ilaw at hinihiling na sana ay
dumungaw ang kanyang sinta na si Nelda. Sumisikat na
ang araw at nagdadaanan na ang mga taga Obando na
nagtitinda ng isda. Maya maya lang kay maglalabasan
na din ang mga taga Ipil-ipil. Ginawa niyang eroplanong
papel ang kanyang kanta. Ay buong lakas na pinalipad
papunta sa loob ng bahay at humiling na sana ay
mabasa ito ni Nelda. Ginawa niya ito ng ilang araw at
umasang may eroplanong papel din na lilipad mula sa
loob ng bahay ni Nelda.
Ate may tula nanaman. Hawak ni Adora ang
isang papel na may mga marka ng mga tupi. Anong tula
yan Adora? Lumapit sa kanya si Adora na parang
penguin maglakad at inabot ang papel. Kung ilang araw
ng nagwawalis si Adora at lagi siyang nakakakita ng
eroplanong papel. Isang araw ay pinulot niya ito at nag
eksamen at nakita niyang may nakasulat dito. Mula
noon ay lagi niyang tinitingnan kung may eroplanong
papel sa loob ng kanilang bakuran. Binasa ni Nelda ang
sulat sa papel at siya ay napangiti. Ate kung sino man
yan, ay napaka lakas ng pagtingin sa akin. Araw araw
halos ay nagpapadala ng tula sa akin. Natawa si
Nelda. Sigurado, swerte mo at napaka galing gumawa
ng tula ng tagahanga mo. Hindi alam ni Nelda at Adora
na isang kanta ang kanilang binabasa. Basta Ate, hindi
ko agad siya sasagutin para malaman ko kung tunay at
matibay ang kanyang nararamdaman para sa akin.
Natawa si Nelda. Oo Adora, dapat ay karapat dapat
126

para sa iyo ang lalaking mapapangasawa mo! Alam ni


Nelda na para sa kanya ang sulat ngunit sino? Wala
naman may lakas ang loob manligaw sa kanya dahil
halos lahat ng taga Ipil-ipil ay takot sa kanyang ama at
mga kapatid na lalaki. May kutob siya na taga ibang
lugar ang nagpapadala ng sulat sa kanya.
Plano na ni Nelda ang hindi matulog. Taimtim
siyang naghihintay sa bintana ng kanyang kwarto na
nakaharap sa daan at inaabangan kung sino ang
nagpapadala ng sulat sa kanya. Nagtimpla siya ng isang
basong kape at nakasilip sa bintana. Hiling niya na sana
ay hindi magsawa ang masugid niyang tagahanga.
Dumating ang alas dose ng madaling araw at wala
pading nagpapalipad ng eroplanong may sulat.
Dumating ang alas una, alas dos. Naubos na ni Nelda
ang unang baso ng kape. Kung kayat nagtimpla ulit siya.
Pagbalik niya sa bintana ay agad niyang tiningnan ang
sahig sa ibaba. Wala padin siyang nakitang eroplanong
papel kung kayat alam niyang hindi pa dumadating ang
kanyang inaantay. Maya maya pa ay tumitilaok na ang
mga manok. May mahabang tumilaok, may maikli lang
ang tilaok, may malakas tumilaok, ngunit siya ay
natatawa kapag nadidinig ang tilaok mahinang tilaok na
parang namamaos na tilaok ng mga manok na galing
palang sa pagkasisiw. Ngayon niya lang naobserbahan
na iba iba pala ang tilaok ng manok na para ding tao na
iba iba ang boses at pamamaraan ng pagsasalita.
Biglang nawala nag kanyang antok. Dumating ang alas
kwatro, alas kwatro medya. Maya maya ay may lalaki
siyang nakitang nakatayo at nakatingin sa kanyang
127

bintana. Maya maya pa ay lumapit ito sa kanilang pinto


at pinalipad ang isang eroplano papel. Ilaw lang nag
poste ang sumisinag ngunit hindi siya magkakamali kung
sino ang binata. Biglang niyang niyakap ang kanyang
unan. Tinapat ang kanyang bibig sa unan at sumigaw.
Ilang beses niya ng nakita ang binata na kahit madilim
ay hindi siya magkakamali. Sumilip ulit siya nasa
kabilang parte ng kalasada ang binata at nakatayo at
nakatingin padin sa kanyang bintana. Patay ang ilaw
ngunit parang lumalagos kahit pa sa kurtina ang titig ng
binata. Maya maya ay naglakad ang binata at tinanaw
niya ito hanggat makaakyat ng tulay at naglaho sa
kanyang paningin. Kaydaming naglarong katanungan sa
isip niya. Ano kaya ang pangalan niya. Paano kaya kami
magkakakilala. Humiga siya at hindi niya mapigil ang
ngumiti. Umabot siya sa edad na labing walo at kahit
isang manliligaw ay wala siya. Inisip niya tuloy na hindi
siya maganda, lagi niyang tanong sa sarili, ano ba ang
kulang sa akin? Kayat napaka saya niyang malaman na
mayroon siyang taga hanga. Maya maya ay kumatok si
Adora, Ate, baba ka na nakahanda na ang almusal.
Naisip niyang umaga na pala at kakain na siya ang
alamusal kasabay ang kanyang mga magulang at
kapatid. Sandali lang Adora, magaayos lang ako.
Pumasok siya sa banyo sa kanyang kwarto at
naghilamos. Dito ay nasalat niya ng isang umbok sa
kanyang ilong. Pagtingin niya sa salamin ay may isang
tagyawat na malaki sa kanyang ilong. Ito ang unang
beses niyang nagkatigyawat. Natawa siya ng ito ay
kanyang makita.
128

Dumating ang pasukan at hindi nag enroll si


Johnny. Katwiran niya, bakit si Kapitan Tinoy, no read
no write pero milyonaryo, kapag namimili ay isang
bayong na pera ang dala?Naging busy nadin sila sa
pagtugtog. Katulad ng dati ay inabangan niya si Nelda
na dumaan habang umiinom ng softdrink sa tindahan ni
Aling Sita. Di siya nabigo at pababa nanaman sa tulay
ang puting Mercedez Benz panghatid sa eskwelahan ni
Nelda. Sumimple ulit siya at maya maya ay nasa
harapan niya na ang kotse. Pagsulyap niya ay nakangiti
sa kanya si Nelda at may pinalipad na eroplanong papel.
Nagulat siya at lumabas sa ilong ang iniinum niyang
softdrinks. Sinundan niya ng tingin ang eroplanong
papel ito ay lumipad ng matayog at bumagsak ito ng
dahan dahan at sumadsad di kalayuan sa kanya. Agad
niya itong pinulot at nagmadaling umuwi. Pagkapasok
niya ng bahay ay pinagpapawisan siya ng malapot,
panandaliang natabunan ng kaba ang kanyang dibdiba.
Ngunit naalala niyang nakangiti si Nelda at siya ay
napangiti, malaki ang posibilidad na positibo ang
lamang mensahe ng sulat. Tinangal niya sa pagkakatupi
ang papel na eroplano. At inamoy ang papel. Siya ay
napapikit, alam niyang hinawakan ito ni Nelda at anong
bango ang kanyang naamoy. Umupo siya at binaba ang
papel at binasa ng sulat.

129

Makisig na Binatang Gitarista,


Kung ako nga ang pakay mo ay magkita tayo sa Luneta
sa paparating na Lingo. Ika apat ng hapon sa harap ng
bantayog ni Jose Rizal.
Sincerely,
Nelda
Biglang tumayo si Johnny at para siyang papel
sa gaan, at nagliwanag ang paligid. Tanong niya sa sarili,
nasa langit na ba ako? O kaya ay nasa isang panaginip.
Tinapik niya ng mukha ng ilang beses bago siya naniwala
na siya pala ay nasa tunay na mundo.
Madaming tao sa Luneta kapag araw ng lingo.
Karamihan ay nagpipiknik sa damuhan na nilatagan ng
banig na kanilang dala at ang iba ay nakaupo sa sako na
kanilang inarkila. Makikita ang mga nagpapalipad ng
sarangolang iba iba ang kulay, laki at hugis may: di
bandera, guryon, sapi-sapi, de-baso at de-kahon na
nakakamanghang tingnan, portagis, papagayo na
parang agilang malikot na lumilipad at boka-boka na
karaniwan ay maliliit na bata ang nagpapalipad. May
mga nagtitinda ng lobo at pagkain. Karamihan sa mga
bata ay naghahabulan ang iba ay nagbibisikleta.
Narito ang bantayog na pambansang bayani na
si Jose Rizal na hindi nagsasawang hawakan ng libro na
hindi malaman kung Noli Me Tangere o El filibusterismo.
Walang tinag ang mga marine na nagbabantay.
130

Nilapitan niya ito at binasa ang nakalagay sa


pedestal. "To the memory of Jos Rizal, patriot and
martyr, executed on Bagumbayan Field December Thirtieth
1896. This monument is dedicated by the people of the
Philippine Islands".
Alam ni Johnny na malapit ng mag ika apat ng
hapon dahil nagsisimula ng lumamig ang hangin. Tiningnan
niya ng relong paman ng kanyang Lolo Jose. Sampung
minuto nalang ang nalalabi bago niya makita ang katagpo.
Sa kaliwang kamay ay hindi pa naman nalalanta ang
kanyang hawak na rosas na pula. Muli siyang pinagpawisan
sa kaba dali siyang kumuha ng panyo at pinunasan ang
pawis sa kanyang leeg at mukha. Tumingin siya sa paligid
at nakita niyang naglalakad si Nelda kasama si Adora na
kanyang chaperon. Tinago niya ang rosas sa kanyang
likod. Ngumiti si Nelda at napangiti din siya. Hindi siya
nakaalis sa kinatatayuan upang salubungin si Nelda hindi
siya makagalaw na parang istatwa ni Jose Rizal sa kanyang
tagiliran, nanatili siyang nakatingin habang naglalakad ang
dalaga papalapit. Kanina ka pa ba? Nakangiting tanong ni
Nelda. Nauna ng isang oras si Johnny dahil sa sobrang
excitement niya. Inagahan niya din at hindi niya kabisado
ang papuntang Luneta at kailangan niyang maghanap ng
mabiiblihan ng rosas na ibibigay niya kay Nelda.
Kararating ko lang din. Pinatong niya ang kanang kamay
sa kanyang puso. Ako pala si Johnny Bautista, ito nga pala
Rosas para sa iyo. Inabot ni Nelda ang rosas. Maraming
salamat Johnny, nagabala ka pa. Madaming rosas na
tanim sa bakuran nila Nelda ngunit mas marikit at mas
mabango ang rosas na kanyang hawak. Ako naman si
Nelda Matinez.Ikinagagalak kong makilala ka Nelda.
131

Tulala si Adora sa isang gilid at kinakagat ang kuko sa


kanyang kanang kamay na nangangatog. Hindi malaman
ni Johnny ang gagawin at ito ay nahahalata ni Nelda.
Gusto mong pumunta sa tabing dagat at panuorin ang
paglubog ng araw? Nakangiting tanong ni Nelda. Ngumiti
si Johnny, Isa yang magandang idea. Kayat tinungo nila
ang dalampasigan ng manila bay.
Napanuod kitang tumugtog sa pista at nasiyahan
ako sa inyo banda na Salaginto. Ang galing niyo buhay na
buhay ang tugtog!
Natuwa si Johnny na malamang natatandaan ni
Nelda ang pangalan ng banda nila. At unti unting
napalagay ang kanyang kalooban. Sa totoo lang ay isa ka
sa aking inspirasyon nung araw na iyon Nelda.
At sino naman yung iba mong inspirasyon?
Nakaramdam si Nelda ng pagseselos kahit siya ay nabigla
sa nadama.
Yung Lola Prising ko at Lolo Jose ko na siyang
kumupkop sa akin noong iniwan ako ng aking ina.
I am sorry to hear that Johnny.
Ayos lang Nelda, hindi naman ako malulungkot
hanggat naaalala kita.
Hindi napigil ni Nelda ang ngumiti. Yung tula na
ginawa mo ay napaka ganda at halos gabi gabi ay binabasa
ko.
Sa totoo lang Nelda ay isa yong kanta.
Nakangiting sinabi ni Johnny.
Nagalak si Nelda sa nadinig. Puwede mo bang
iparinig sa akin?
Sa di kalayuan ay nakakita si Johnny ng nagigitara.
Sandali lang Nelda babalik agad ako. Tinungo ni Johnny

132

ang may gitara at hiniram ang gitara at bumalik sa parapet


na kinauupuan ni Nelda. Ipinatong ang kaliwang paa sa
parapet na pinagpatungan niya ng gitara at inawit niya
ang kantang Sinta na nakaharap kay Nelda. Kakaiba ang
naramdaman ni Nelda sa panghaharana ni Johnny. Titig na
titig siya sa binatang inaawit ang kanyang puso at ito ay
damang-dama ni Nelda. Hindi napigil ni Nelda ang
kanyang damdamin at siya ay nagkaruon ng pagtingin kay
Johnny.

133

Ikalabing-apat
na Kabanata
SI JR ay ang solong anak ni Don Simon Soriano
Sr. Sila ang may ari ng Kurudo Corporation na isa sa
pinaka malaking companya sa Pilipinas. Nagkalat ang
kanilang gasolinahan sa buong Pilipinas muna Luzon
hangang Mindanao. Sa Newyork City pinanganak si JR at
doon nagaral ng elementary at high school. Sa ngayon
ay gusto sa Pilipinas siya kukuha ng business
management sa isang prestihiyosong unibersidad upang
mapagaralan ang kultura at komersiyo sa bansa na
maghahanda sa kanya sa paghawak niya ng kanilang
negosyo na kanyang mamanahin.
Isang masugid na taga hanga ng rock and roll si
JR kayat kumpleto siya sa lahat ng mga records ng halos
lahat ng rock and roll artist na binili niya pa sa Amerika
ay nagbabanda si JR kayat kumpleto din siya sa mga
kagamitan sa pagbabanda.
Maya maya pa ay nag ring ang telepono sa
kwarto ni JR. Umaga nang nakauwi si JR dahil sa party
na kanyang pinuntahan at may hangover pa ito. Kinapa
niya ang telepono habang nakapikit dahil bitin pa siya sa
tulog.
Hello sir, puwede po bang makausap si JR.?
Speaking, who is this? Nakakintindi ng tagalog
si JR ngunit hirap lang siyang magsalita.

134

Hi JR, this is Peter from the Salaginto Band.


Nakakintindi si Peter ng ingles pero hirap naman siyang
magsalita.
Peter! What a pleasant surprise! Dumilat si JR
sa tumagilid sa kama.
JR gusto sana namen magpunta sa studio mo
para magtutugan. Puwede ba kami pumunta mamaya
pagkatapos kumain?
Sure sure, by all means, I would be a great
pleasure. I will be expecting you around one in the
afternoon ok? Chow!
Thank you JR, expect our arrival. Sagot ni
Peter.
No problem! Sabay binaba ang telepono at
bumalik sa pagtulog.
Si JR ay nakatira sa isang Mansion sa Sta Mesa.
Nagulat ang banda ng makita ng malaki nitong bahay
hindi nila inaasahan na ganito kayaman si JR. Nang sila
ay lumapit sa pinto ay tinanong agad sila ng guwardiya
kung saan pupunta. Sila ay nagpakilala. Tinawag ng
guwardiya ang kanyang kasama at pinasamahan ang
apat sa loob. Dinala sila ng guwardiya sa likod ang bahay
kung asan ang isang bungalow at nakita nilang
naghihintay doon si JR na nakangiti.
Hey guys Im glad you can make it. At isa isa
silang kinamayan.
What do you like? Coffee, juice of may be a
glass of wine? Unti unti nang napagaralan ni JR ang
ugali ng mga Filipino na may pagkamahiyain. Nakangiti
lang ang apat at hindi makakibo. Ng nakita ito ni JR ay
135

tumawag ng kasangbahay. Aling Inday, juice please for


my four friends! Na paislang niyang sinabi. Come in to
my little paradise. Sumenyas papasok sa studio.
Pagpasok nila ng studio ni JR ay napansin agad ni
Johnny at Peter ang isang malaking litrato ni Evan
Phillips na may autograph. Agad silang lumapit. Wow
totoo ba to? Nanlaki ang mata ni Johnny habang
sinasalat ang tinta. Oops gently you might smudge the
ink! Pabirong sabi ni JR. Yes indeed it is genuine. When
Evan Phillips went to new york to perform in The Eds
Late Night Show I got that picture signed by the man
himself. Nakangiting sabi ni JR. Natulala si Johnny at
Peter na ikinamangha ni Melon at Enteng na ngayon
palang na expose sa rock and roll.
Sa gilid ay may dalawang rack ng gitara at doon
nakahilera ang ibat ibang uri ng gitara mapa acoustic o
electric. Guys this is my guitar collection. Isa isang
pinakita ni JR ang mga paborito niyang gitara. Who is
the bassist? Tanung ni JR. Melon is the bassist. Sagot
ni Peter. Tila pipi ang tatlo niyang kasama. Doon
pinakita ni JR ang electric bass guitar. Sinaksak ito ni JR
sa amplifier, come on, try it, you will love it. Nanibago
si Melon nang simula ngunit nasanay din. Napansin niya
mas malambot itong diinan at mas madaling gamitin.
Hindi makapag intay si Enteng na itanong kung sino ang
drummer. Kanina pa siya nananabik na subukan ang
drumset na pinaglalawayan niya. And the drummer?
Nakangiting tanong ni JR. Sumagot agad si Enteng. Me
sir! Na tila pumapalakpak ang malalaking mga tenga.
Surely, how can I forget your rockin beat that
136

evening. Nakangiting sabi ni JR. Nag-rolling si Enteng at


paradiddle at tumugtog ng Jazzy Beat. Napanganga ang
lahat pati si JR.
The reason that I want you here guys is I need
a back-up band. I miss playing rock and roll songs, as
you know all of my band mates lives in the States. I am
really homesick and I would also like to perform some
gigs. I have a friend Pablo Lozano who is an owner of a
Bodabil production. Keylala ko siya nang nasa states pa
ako. Na pa islang niyang sinabi, nagulat ang lahat na
nagtatagalog pala si JR. I would like to arrange
something with him. You will earn some money in this
venture and who knows may be you will get
discovered. Tinagalog lahat ni Peter kay Melon ang
lahat ng sinasabi ni JR na tila interpreter. So do you
like my proposal guys? Tinapos ni Peter ang
pagpapaliwanag kay Melon ukol sa sinabi ni JR.
Nagtinginan ang banda na parang ginagawa nila sa
entablado at sa mga mata nilay nagkaintindihan na.
Yes JR, when can we start? Sagot ni Peter kay JR. I
am glad that you all agreed. Grab an instrument and
lets jam! Nakangiting sabi ni JR. Nagkasundo sundo sila
sa tugtugan at nagkapalagayan lalo ng loob. Lalong
tumibay ang tugtugan ng Bandang Salaginto lalo na ng
patirahin ni RJ ang Bandang Salaginto sa isa nilang guest
room sa mansion. Nakatugtog sila sa ilang stage shows
at mga bodabil ngunit ang nakilala ng husto ay si JR
dahil isa siyang solo artist kapag sila ay nagtatanghal.
Bumukas ang pulang telon sa isang sinehan sa
Maynila kung saan magtatanghal si JR sa isang bodabil
137

at biglang nagsayaw ang mga chorus girl na hawak


hawak ang kamay at sumisipa sa ibat-ibang direksiyon
gamit ang mahahaba at makikinis na hita at binti.
Nagsigawan ang mga tao lalo na ang mga kalalakihan.
Talaga bang kailangan mag make-up kami?
Tanong ni Peter kay Delpina, dati siyang Delpin bago
niya malaman na may isang babae sa loob niya na
nagsusumigaw lumabas at ngayon siya ang reyna ng
backstage na make-up artist sa mga bodabil shows.
Hindi puwedeng sumalang sa entablado
hanggat wala kayong make-up ok? Lalo ka na
nakatingin kay Melon si Delpina, kelangan mong
pumuti ng kahit na konti. Napatingin si Melon sa
salamin at kitang kita ang puti ng kanyang mata sa
madilim na kutis sa paligid nito.
Sa ngayon ay naka Amerikana ang mga
miyembro ng Bandang Salaginto na suggestion ng
director ng show na si Bob Del Rosario, naging
Americanized ang tema at istilo ang mga programa
magmula ng makalaya sa okupasyon ng mga Hapon ang
Pilipinas.
Sila na ang sasalang pagkatapos ng comedy duo
na si Islaw at Bakulaw. Pumwesto na si JR at ang
Bandang Salaginto suot ang puting terno ng Amerikana
at mga itim na boots. Maya maya ay pinakilala sila ni
Islaw at Bakulaw.
Islaw alam mo ba yung rock and roll?
Abay oo naman bakulaw, yun ay bato at
gulong, palagay mo saken hindi marunong mag ingles?
Nanlaki ang butas ng ilong ni bakulaw na para ngang
138

isang totoong bakulaw. Ungoy ka! At hinampas ng


dyaryong nakabalumbon si Islaw at nagtawanan ng mga
tao.
Kung ako ungoy, ikaw bakulaw! Bakulaw!
Bakulaw! Sigaw ni Islaw.
Hindi ko sinabing tagalogin mo! Bobo! Uri ng
musika ang rock and roll! Palibasa wala sa bundok mo
kaya hindi moa lam! Manuod ka nalang para matuto ka!
Panuorin mo, ang Evan Phillips ng Pilipinas! Si JR!
Biglang pasok si JR at ang Bandang Salaginto.
Una nilang tinugtog ang Reelin and Rockin ni Evan
Phillips at kaagad ay nagtilian ang mga kababaihan. At
sinundan pa nila ng ilang kanta ni Evan Phillips. Tuwang
tuwa ang lahat sa performance ni JR at tinaguriang the
Evan Phillips of the Philippines dahil sa kanyang pagaya
sa rock and roll Icon. Sa gilid ng entablado ay nanunuod
si George Martinez na sound engineer ng Maharlika
records. Kaibigan ni George ang direktor na si Bob Del
Rosario kung kayat lagi siyang imbitado sa mga
pagtatanghal. Ang iba ay nakatutok kay JR ngunit si
George ay nakatingin sa apat na musikerong nasa likod
at nangangarap. Isang taga hanga si George ng bagong
grupo mula sa Inglaterra na The Beat Mania na binubuo
ng apat na tao at sa ngayon ay umaani ng tagumpay sa
Europe at America. Agad niyang kinausap si Bob Del
Rosario na ipakilala siya sa apat na binata pagkatapos
ang show.
Dumating ang pasukan at natigil ang mga
performances ni JR dahil sa kagustuhan ng kanyang ama

139

na si Don Simon Soriano Sr. na tumutok muna siya sa


kanyang pagaaral.

140

Ikalabinlimang
Kabanata
ANG Maharlika Record ang isa sa pinaka
malaking record label sa Pilipinas na pagaari ni
Ferdinand Serrano. At dito nagtatrabaho ang isa sa
pinaka magaling na sound engineer sa Pilipinas na si
Gorge Martinez.
Pinakilala ni Bob Del Rosario kay George
Martinez and back-up band ni JR na ang Bandang
Salaginto. Isang araw ay inimbita niya ang banda sa
kanyang home studio para i-rekord ang lahat ng alam
nilang kanta. Umabot ng labing walo ang kanilang
pondong kanta na panay Rock ang Roll songs. Sumagi sa
isip ni George na ungkatin kung may sariling kanta ang
banda.
Guys may mga sarili ba kayong mga
compositions? Tanong ni Gorge mula sa control room
ng studio. Sumagot si Peter, Wala po kaming original
na kanta. Mas maganda kasi kung maglalabas man
tayo ng album yung sarili niyo yung kanta nakakasawa
na din ang mga revival. Maya maya ay laking gulat ni
Peter nang nadinig niyang nagsalita si Johnny. Ako po
may ilang kanta na naisulat.Puwede bang ipadinig mo
samen Johnny kahit akapela lang. Sabi ni George na
nakatukod ang kamay sa malaking mixer. Napakamot ng
ulo si Johnny at sabi sa sarili. Bahala na. At tinugtog
ang kanyan kanta na Sinta na ginawa niya para kay
Nelda. Nagulat si George sa ganda ng kanta at sa
141

kanyang boses. Alam niyang may ibubuga pa ito ngunit


pinipigil lang dahil napansin niyang may-pagkamahiyain.
Natapos niya ang kanta. Pag tingin niya sa paligid ay
nakanganga ang tatlo niyang kabanda. Ano nangyari sa
inyo? Nagtatakang tanong ni Johhny? Bakit di mo
sinabi na may mga kanta ka pala sabi ni
Peter.Nahihiya ako baka hindi kayo magandahan.
Sagot ni Johhny habang napakamot ng ulo.Ayan ka
nanaman sa hiya hiya mo e. Sabi ni Peter habang
napapailing. Maya maya ay nagsalita si George. I want
more songs. Do you have more of those songs
Johnny?Meron pa po sir. Sagot ni Johhny na parang
nagdadalawang isip.Then sing them. Sagot ni George.
Huminga ng malalim si Johnny at nagsimulang
magitara at inawit isa isa ang mga naisulat niyang kanta,
,Minsay Tumawang Kasama ka, na ginawa niya para sa
kanyang Lola Prising at nagsunud sunud na sa dami ng
kanta ay lumabas muna ang tatlo niyang kabanda at
umupo sa sofa. Dalawamput isang kanta ang nairekord
ni George. At kuminang ang kanyang mga mata. Sa loob
niya, this band will be The Beat Mania of the
Philippines.
Agad niyang tinawagan ang kanyang kaibigan na
band manager na si Virgillo Santiago sa telepono at
nagiwan ng voice message.
Gil kailangan nating magusap sa lalong
madaling panahon. Call me back as soon as possible.
Nagkita si George Martinez at Virgillo Santiago
sa paborito nilang hangout na isang bar sa may escolta.
142

Umupo sila sa bar. One round of beer for the two of us


please. Sabi ni George sa bar tender.
Nagsindi ng sigarilyo si Gil, humitit ng isang beses at
binuga ang usok ng dahan dahan. I have heard the
songs of the The Beat Mania and they are a decent
band. Sabay lumagok ng beer.
They could be bigger than Evan Phillips
someday Gil and I really want to bring the excitement
and fun that they are bringing to the Filipino people.
Sagot ni Gil na nagsindi din ng sigarilyo.
So what do you want me to do?
Frankly speaking Gil, I need your help.
Help for what?
I need you to be the manager of the band that I
discovered, The Salaginto Band. Ikaw lang ang naisip ko
who is liberal enough and modern enough to consider
handling them.
But George, I am not sure if rock and roll will
be marketable here in the Philippines.
Nakita ko na ang reaksiyon ng tao sa rock and
roll sa mga stage shows at bodabil na napanuod ko Gil
and it is promising, you should go with me sometimes.
I am not sure if the Philippine Public is ready
for this craze George if this band fails it will reflect on
my track record.
Why dont we go to my home studio maybe I
can convince you when you hear them.
Pagdating sa studio ay sinalang ni George ang
lahat ng kantang nirekord nila at nang dumating sa mga
composition ni Johnny ay napatango si Gil, This is good
143

stuff. Natapos sila sa pakikinig ng lahat ng kanta ngunit


parang bitin pa si Gil. I want to meet them personally
before I commit George. Ok, then I will invite them as
soon as possible, I will give you a ring to give you some
update.
Kinabukasan ay nagkita-kita sila sa Bungalow ni
George sa Kamis Quezon City. Kinausap ni Gil ang apat
na miyembro ng salagubang at tiningnan ang kanilang
mga personalidad.
So you are the silent creative type. Habang
nakatingin si Gil kay Johnny, You are the witty one. At
ito ay tumingin kay Peter. You are the comedian.
Tumingin kay Melon. And you are the talented one.
Tumingin kay Enteng. You have a blend of personality
and looks in this band and I think is interesting. Gusto ko
kayong hawakan at pasikatin. Nagkatinginan ang apat
na miyembro ng Bandang Salaginto at tumingin din sa
kanila at ngumiti si George. Usually my commission is
thirthy percent sa lahat ng kikitain ng banda which is the
standard. Payag ba kayo doon? Tanung ni Gil sa banda.
Nagkatinginan ulit ang magkakabanda at tumingin kay
Gil. Ng tumango si Gil ay tsaka nagsalita si Peter. Payag
po kami Sir Gil. If that is the case then I will draft a
contract. May appointment pako kaya hindi nako
magtatagal pa. Kinamayan silang isa isa ni Gil. Hinatid
ni George si Gil palabas at inakbayan. Im glad that you
decided to handle the band, I am sure na hindi ka
magsisisi.
Nilakad ni Gil at George sa Maharlika Records
na maging isa sa mga recording artist nila ang Bandang
144

Salaginto. Pinarinig nila kay Ferdinand Serrano ang mga


narekord na kanta mula sa Bandang Salaginto.
Some of the songs are good but some are too
wild. I am not sure if the Philippines is ready for this type
of music. Nakasimangot na sinabi ni Ferdinand Serrano
na CEO at owner ng Maharlika Records, habang
nakasandal sa upuan at nakasayad ang hintuturo sa
dulo ng kilay.
But sir they sound like The Beat Mania that is sweeping
Europe and America, I really want to bring the
excitement to the Filipino Public. Sagot ni George.
I believe it is time for the Filipino people to hear
something new and I am sure that rock and roll will
bring in tremendous revenue for your company just read
the magazines and papers it is all over the place.
Dagdag ni Gil. Nakita niyang nagdadalawang isip si
Ferdinand Serrano at para sa kanya ay isa itong
magandang senyales. Kailangan niya lang magsalita ng
tuloy tuloy at di na ito makakatangi. Imagine if
Maharlika records will pioneer rock and roll music in the
Philippines then it will go down in history and if ever it
will have the same success as it did in the west then it
will ensure the stability of your corporation, we can even
go international someday. Tinakpan ni Ferdinand
Serrano ng nakasarang kamao ang kanyang bibig at
hindi padin nagsasalita. Alam ni Gil na konti nalang ay
bibigay na ito. If you will ask me, lets give it a try, you
know my track record Mr. Serrano. You know I have a
good eye for talent. Ok, ok, I get your point. Sa wakas
ay nagsalita si Ferdinand Serrano. What I want you to
145

do is to record the songs the way you intend it to sound


on the album, I will let you use the studio of Maharlika
Records. And I believe you will preside as the sound
engineer? Sabay tingin kay Geroge. Yes sir I will be
more than willing to produce the record. Sagot ni
George. Once you are done then we will have another
deliberation. Is it ok with you? Tumingin si George kay
Gil, tinitigan siya ni Gil sa mata at tinanguan siya na
sinagot ni George ng kanyang tango. It is fine by me
Mr. Serrano sabay nakipagkamay si Gil.
Kinausap ni Gil at George and Bandang
Salaginto at pumayag naman sila kung kayat nag set na
sila ang recording schedule upang tapusin ang demo
album.
Namangha sina Johnny, Peter, Melon at Enteng
sa studio ng Maharlika Records. Moderno ang mga
kagamitan at napakalaki nito. May sala set na may
center table at dito ay nakapatong ang isang chess
board, may Television at Stereo, may sarili ding banyo at
comfort room, carpeted ang sahig at dingding, at
napakalakas ang airconditioning kung kayat nagsiksikan
sila sa isang gilid dahil sa lamig.
So guys are you ready? Nakangiting tanong ni
George. Hindi agad nakasagot ang apat na Bandang
Salaginto sa kanilang pagkamangha. Sa isip ni Johnny ay
sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi niya alam kung
nakahanda na siya para sumikat. Ngunit naisip niya si
Nelda at para kay Nelda ay gagawin niya ang lahat.
Ok guys magrelaks muna kayo, we will start in
thirty minutes. Sabi ni George. Gawin niyo na ang lahat
146

bago tayo magrekording para tuloy tuloy tayo mamaya


ok? Umalis si George at pagbalik ay kasama na si Gil at
may dalang isang tasa ng kape at nagsimula na silang
magrekording.
Stop! Stop! Stop! Pinatigil ni George ang
kantang Yugyog Sigaw na sinulat ni Johnny para sa sarili
para sa pagiging mahiyain niya. Dapat wild yung kanta,
Johnny bigyan mo ng justice yung kanta ok? Take na
tayo. Maya maya ay natapos ang intro. Pinilit ni
Johnny na ibigay ang lahat ng kaya niya ngunit
nakukulangan padin si George. Pinatigil niya ang tugtog.
Johnny here is what I want you to do, magpangap kang
nasisiraan ng bait at magsisigaw ka. Nagkamot ng ulo si
Johhny. Sige magwala ka! Dagdag ni George. Inisip ni
Johnny ang lahat ng mga nangyaring masama sa
kanyang buhay maya maya ay bumilis ang paghinga niya
at
nagsisigaw,
Wahhhhhhh!!!
Ahhhhhhhh!!!
Ahhhhhhh!!! Nang siya ay tumigil ay hinihingal pa.
Ayos na po ba Ser George, unang beses ko pong
sumigaw ng ganyan? Natulala si George at hindi
nakapagsalita at sa isip niya ay naglaro ang isang ideya,
kung may Unang Sigaw ng Balintawak na simula ng
himagsikan, ito ang magiging Unang Sigaw ng rock and
roll na simula ng himagsikan sa musika. Natapos nila ang
sampung kanta sa loob ng isang lingo at ngayon ay na sa
final stage na ng production at mixing, pinangalanan
nila ng album na Unang Sigaw.
June 4, 1966 ay nagtanghal ng dalawang
konsierto ang The Beat Mania sa Pilipinas na nasaksihan
ng libo-libong tao. Naimbitahan ang The Beat Mania sa
147

isang breakfast reception sa Malacaang na hindi nila


nadaluhan. Ito ay na-broadcast sa telebisyon at radyo
na pinakita ang mga taong naghihintay, mga batang
nagiiyakan at ang unag ginang na balisang-balisa.
Pinagmulan ito ng mga demostrasyon at kawalan ng
proteksiyon mula sa kapulisan ng banda at sa Manila
International Airport ay binugbog ng sinasabing mga
tauhan ng Maginhawa family.
Lubos na nagalit ang Unang Ginang na si
Melinda Maginhawa ang pambabastos ng banda sa
kanya, na itinuring niyang pambabastos din sa
sambayanang Filipino.
Lumaganap ang droga sa kanluran, lumaganap
ang marijuana, lsd at heroin at ito ay naiugnay sa rock
and roll. Sumama ng sumama ang imahe ng rock and
roll na nung una ay binansagang devils music at ngayon
naman ay tinatawag na drug music. Sa katunayan ay
may dalang marijuana ang The Beat Mania sa kanilang
mga maleta noong sila ay pumunta sa Pilipinas hindi
lang nga sila nahuli.
Hindi ko matangap ang kahihiyan na inabot ng
Pilipinas sa hindi pagsipot ng The Beat Mania sa ating
breakfast reception. Nagmukha akong tanga
kakahintay! Halatang pinaghandaan ng unang ginang
ang okasyon at todo suot ng alahas at todo lagay ng
make-up at parang naligo sa pabango. This is not
acceptable, Ive never been so humiliated in my entire
life.
Baliw na baliw si Presidente Fernando
Maginhawa sa kanyang asawa. Maganda ang unang
148

ginang, husto ang tangakad, husto ang katawan, ang


kanyang full cheeks at small jaws, maliit na bibig at
mapupulang labi, at mapupungay ang mga mata, sa
ganda niya ay naging beauty queen siya noong kanyang
kabataan at higit sa lahat ay napaka karinyosa kung
kayat laging tangal ang pagod ng presidente sa tuwing
siya ay makakasalamuha.
Lahat ng kahilingan niya ay binibigay ng
presidente: alahas na milyon-milyon ang halaga,
sapatos at bag na milyong piso din ang halaga, private
jet, yate at kung anu-ano pang luxury items. Kung kayat
kung minsan ay kinakailangang magnakaw ng
presidente sa kaban ng bayan para lang maibigay ang
kahilingan ng kanyang minamahal na unang ginang.
Matalino at makisig ang presidente na may malakas na
karakter at di mapapantayang political will, madami
siyang nagawang maganda sa bayan, siya ang
nakapagpagawa ng unang expressway na nakatulong ng
malaki sa komersiyo. Isa din siyang bayani noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig na sinasabing most
decorated war hero in the Philippines. Siya din ang
unang taong nakaperpek ng bar exam sa Pilipinas.
Ngunit kung si Samson ay may Delilah na kanyang
tanging kahinaan, at kung si Eba ang sanhi ng
pagkakasala ni Adan ay ganito din si Merlinda
Maginhawa kay Fernando Maginhawa.
Nasanay ang unang ginang na nakukuha ang
lahat ng kanyang kagustuahan, ito lang ang unang
pagkakataon sa napakaraming taon na hindi niya
nakuha ang kanyang gusto kung kayat siya ay umuusok
149

sa galit. Naglabas ng loo bang unang ginang sa harap ng


mga pulitiko, ilang myembro ng gabinete at mga
kaibigang socialite na kanyang inimbita sa breakfast
reception na inihanda para sa bandang The Beat
Mania.
The Filipino people were indeed insulted in
front of the world with this unprecedented turn of event
Madam. Dagdag ng Press Secretary na si Manolito
Kinilaw.
I just went back from the US and rock and roll
has stirred a lot controversy. It is now being related to
drugs and rebellious attitude. Dagdag ng socialite na si
Berna Taberna na ginuhit ang kilay at ang buhok ay
korting pinya, makapal ang make-up at nagpapaypay ng
abaniko.
Then we have a reason to ban this form of
music to save our youth from being corrupted.
Seryosong pahayag na unang ginang na napakumpas pa
ang kanyang kamay.
I believe that is the best option that we have
Madam First Lady. Sagot ng Press Secretary na si
Manolito Kinilaw na siya ding adviser ng Presidente ng
bansa na si Fernando Maginhawa.
What should we do Mr. Press Secretary?
Madam I will relay this to the president later
during the cabinet meeting. I am sure I can persuade
him to make a stand against what seems to be a drug
music to preserve our conservative values.
Oh thank you Manny, I know I can count on
you.
150

I am always at your service Madam, I am


always here whenever you need my advice. Na
matataas na sinabi ni Manolito Kinilaw na humawak pa
sa kanyang puso at nakayuko.
Sa cabinet meeting ay naipag bigay alam ni
Press Secretary Manolito Kinilaw ang mga nangyari,
kung anong kahihiyan ang inabot ng unang ginang na
mahal na mahal ng presidente Fernando Maginhawa. At
kung anong peligro ang puwedeng idulot sa kabataan at
sa bansa ng rock and roll. Napagkasunduan nila na
gumawa na muna ng confidential letter in a form of an
advisory to executives of record corporations, T.V.
stations at radio stations at depende sa magiging
feedback ay dadaan ulit sa review kung dapat nilang
iangat sa isang executive order ang pagbabawal ng rock
and roll, lalo na sa mga Filipino artist na magtatangkang
maglabas ng rock and roll records.
Nagulat si George at biglang nagpatawag ng
meeting ang CEO at owner ng Maharlika Records na si
Ferdinand Serrano. Magkasamang pumunta sina George
at Gil sa Maharlika Records sa E. Rodriguez, Quezon
City. Sinamahan sila ng executive secretary papagpasok
nila sa conference room ay magisa lang si Ferdinand
Serrano. I am glad you can make it on such notice
gentlemen. Pabungad ni Ferdinand Serrano. Would
like to have coffee or tea? Alok ni Ferdinand Serrano.
Ill have coffee, black please. Sagot ni Gil. Ill have
coffee with cream. Sagot ni George. Tiffany, you heard
the gentlemen. Sabi Ferdinand Serrano sa kanyang

151

maganda at batang sekretarya na agad nagtimpla ng


kape at inilapag sa harap ni Gil at George.
There is an urgent matter that I need to discuss
with the two of you. I know how passionate you are
about the project that we discussed last week about the
rock and roll album that you want to Maharlika Records
to release. Im sorry to say that I am backing out of the
deal. Hindi naituloy ni George ang paginom ng kape sa
gulat. Sir why the sudden change of heart? We are in
the final process of production, I assure you that this is
one of the best music record that has been made in the
history of Philippine music. And what will we tell the
boys? They gave their one hundred percent and full
effort. May be I can let you hear the record and like we
agreed upon, deliberate on it? Sabi ni George na hawak
ang isang tasang kape na nakaangat sa platito. Sorry
George but it is no use, what we have is a sensitive issue
and is beyond my control. I am really sorry. Sir could
you at least tell us what this is all about? Sabi ni Gil sa
kalmadong salita. Sa likod ng isip ni Gil ay parang gusto
niya ng nangyayari. Isa sa susi ng tagumpay ni Gil ay ang
pagiging sigurista at ang paghawak niya sa Bandang
Salaginto ay isang malaking sugal para sa kanya na
puwedeng ikasira ng kanyang track record. Naisip bigla
ni Ferdinand Serrano ang tatak ng envelope ng sulat
mula sa Malacaang na confidential. I am sorry Gil it is
completely confidential. Seryosong sinabi ni Francisco
Serrano. Naisip ni George na para silang mga puppet
master na pinaglalaruan ang mga taong tila mga
manikang nakasabit lang sa sinulid. Ngunit sa isang
152

banda ay naisip niyang sila din ay tila mga manikang


nakasabit lang din sa sinulid na pinaglalaruan ng mas
mataas na kapangyarihan. Do you still have any
concern George? Lumilipad ang isip ni George at
walang masabi. Sir I have no more reservations. Sagot
ni George. I have some things to discuss with Gil.
Nakuha agad ni George ang ibig sabihin ng kanyang boss
na si Fransisco Serrano na sa tagal niyang nagtatrabago
sa Maharlika Records ay kung ilang beses niya na ding
nakasama sa meeting. Excuse me gentlemen. tumayo
si George at lumabas ng conference room.
Mr. Virgillo Santiago, I have always been a fair
person and I make sure that I can come up with a
compromise if the original plan does not push through
and to make up for all the trouble that you went
through I am willing to buy the songs that you have
recorded for a generous amount. Sa isip ni Francisco
Serrano ay gusto niya ng isara ang usapin na ito at
bibilhin niya nalang ang mga kanta kaysa mapunta pa sa
kamay ng iba, hindi niya din matatangap pag
nagtagumpay ang record sa ibang record label.
I have to talk to the boys about your offer Mr.
Serrano, but could you tell me how much money are we
talking about? Tanong ni Gil. I am willing to pay a
thousand pesos per song, I believe there is ten songs in
the demo so I am willing to pay you ten thousand pesos
the only condition that I have is that it should be equally
divided among you and the four members of the band.
Take it or leave it! Sa isip ni Francisco Serrano ay mas
magandang makatangap lahat ng pera upang wala ng
153

maging gulo at para magamit ng apat na miyembro ng


Bandang Salaginto dahil malamang ito na ang katapusan
ng kanilang career sa music.
Naisip ni Gil na kikita din siya ng dalawang
libong piso sa deal na ito. Hindi na ito masama dahil
wala din naman siyang ganong ginawang trabaho. Your
offer is quite generous Mr. Serrano but I have to talk to
the band, I will give you my answer tomorrow.
Thank you for considering my offer Mr
Santiago. Kinamayan ni Ferdinand Serrano si Gil at
sabay silang lumabas ng conference room.
Ika walo ng gabi ay nag-ring ang telepono ni
Johnny. Good evening, may I please speak with
Johnny. Nabosesan agad ni Johnny and kausap.
Sir Gil, kamusta na po? Ano ang maipaglilinkod
ko sa inyo?
Kailangan ninyo pumunta sa opisina ko bukas
sa may Recto Ave. May mahalaga tayong pag-uusapan
kung puwede ay pakisabi nadin sa iba mong kabanda,
puntahan ninyo ako nine in the morning sharp ok?
Nahandito po ang mga kabanda ko,
nageensayo kami, gusto niyo po ba silang kausapin?
No, hindi na Johnny, pakisabi nalang nasa
payphone lang ako ngayon. Maraming salamat. Bye.
Kinabukasan ay pinuntahan ng Bandang
Salaginto ang opisina ni Virgillio Santiago sa Recto Ave.
at doon ay sinabi sa kanila ni Virgillo ang kanyang balita.
Boys, there is something I got to tell you. There
has been a change of plan. I have a good news and a
bad news. Let me start with the bad news, Maharlika
154

Records will no longer produce the album Unang Sigaw.


Umatras na sila sa kadahilanang hindi nila puwedeng
isiwalat. Wala naman tayong pinirmahang kontrata sa
Maharlika Records kung kayat wala tayong choice kundi
igalang ang kanilang desisyon. Now the good news is
they are willing to buy the songs that we have recorded
for a handsome price. Sa kontrata natin ay thirty percent
ang cut ko pero sa pagkakataong ito ay twenty percent
nalang ang kukunin ko. Babayaran tayo ng Maharlika
Records ang isang libo para sa isang kanta, sampu ang
kanta kung kayat sampung libo ang bawat isa sa atin ay
may dalawang libong pisong matatangap.
Sir pano ito nangyari? Nakasimangot na
tanong ni Peter na nagluluha ang mga mata.
Im sorry Peter but that is confidential. Hindi ko
nadin pinilit pang alamin to make it less complicated.
Sometimes pag hindi ukol ay hindi bubukol, bata pa
kayo ang I dont want to drag you into a huge mess. At
this point It would be better to come up with a
compromise ang make peace and gain somthing than to
make war and lose it all. Malay niyo, bukas makalawa
ay magbago ang ihip ng hangin, hindi natin masasabi. Sa
ngayon yan ang sitwasyon natin at makakabuti sa ating
lahat na makipagtulungan sa Maharlika Records. Like I
said bata pa kayo, puwede kayong magaral o di kayay
maghanap buhay muna habang naghihintay o di kayay
magnegosyo sa perang matatangap niyo ay madami
kayong magagawa. Pero since sa ngayon ay hindi
matutuloy ang paglalabas ng album na Unang Sigaw ay
kailangan ko kayong bitawan nakasaad din yan sa
155

kontratang pinirmahan niyo sa akin. Isa pa sa hiling ng


Maharlika records ay kailangang maghati hati kayong
apat sa pagbebentahan ng kanta. Kung kayat Johnny
since ikaw ang song writer ng sampung kanta na
nairekord natin ay pumapayag ka ba sa kondisyon na
ito.
Sir Gil, wala pong problema sa akin yan. Hindi
mababayaran ang mga karanasan na pinagdaanan
naming apat sa maikling panahon na magkakasama
kami. Maliit na halaga lang ang pera kumpara sa mga
aral na natutunan ko at lalo na sa pagkakaibigang
namuo sa aming apat sa Bandang Salaginto.
Kung ganon ay gagawa nako ng kontrata para
sa pagbili ng Maharlika Records sa inyong kanta. Sabi ni
Gil.
Sir mawalang galang na po, puwede ba kaming
magusap-usap sandali bago kami magdesisyon?
Malungkot na sinabi ni Melon. Hiling ni Peter.
Ok lalabas muna ako ng kwarto para bigyan
kayo ng oras, I hope you will come up with the right
decision. Just call me pag tapos na kayo. I will be waiting
outside. Lumabas sa kanyang opisina si Gil at iniwan ang
grupo.
Pano na gagawin natin? Tanong ni Peter sa
grupo?
Sanay ng mawalan si Johnny para sa kanya ay
kung ilang pagsubok na ang pinagdaanan niya kung
kayat hindi na bago sa kanya ang mawalan muli. Kayo,
ano ba ang desisyon ninyo? Tanong ni Johnny na
parang walang nangyari.
156

Pano na ang mga kanta mo magaganda pa


naman? Tanong ni Enteng na nagluluha ang mata.
Enteng ganyan talaga ang buhay, sa karanasan
ko kaydami ng nawala sa akin ngunit may maganda
namang dumarating. Minsan higit pa sa pera at
kasikatan. Nasa-isip ni Johnny ang magandang mukha ni
Nelda na nakangiti.
Ako di ko alam baka bumalik nalang ako sa
pangingisda kung wala rin lang tayong patutunguhan.
Seryosong sinabi ni Melon.
Ako nandiyan pa naman ang Musikong
Bungbong na naghihintay sa akin. Na nakayukong
sinabi ni Enteng.
Baka kumuha nalang ako ng fine arts hahabol
nalang ako this second semester. Tugon ni Peter.
Gusto mo Johnny kumuha ka nalang din ang fine arts
para magka klase padin tayo tutal magaling ka namang
mag drawing.
Napangiti si Johnny, Magandang idea yan
Peter.
Pano maghihiwalay na ba tayo ng landas?
Tanung ni Melon na tumutulo na ang luha.
Pano
tayo
maghihiwalay
ng
landas
samantalang magkakalapit lang naman tayo ng tirahan.
Tugon ni Peter. Biglang niyakap ni Melon ang bawat isa.
Hinding hindi ko kayo malilimutan. Simula ngayon ay
higit pa sa kapatid na ang turing ko sa inyo, kayo nalang
ang natitira kong pamilya. Habang walang tigil ang
pagluha sa mata. Nadala si Enteng at di rin napigil ang
pagtulo ng luha. Gayon din si Johnny at Peter. Akala ni
157

Johnny ay ubos na ang luha niya sa lahat ng nangyari sa


kanya ngunit hindi pa pala. Puwede naman tayong
magkita kita at tumugtog di ba? Sabi ni Enteng. Biglang
gumaan ang damdamin ni Melon at tumawa, oo nga!
Puwede Enteng! So tatangapin na natin ang inaalok sa
atin ng Maharlika Records? Johnny? Oo Peter payag
ako. Melon? Payag din ako Peter. Enteng? Payag din
ako Peter. Kung ganon ay Payag din ako. Sabi ni Peter
habang umiikot ang paningin sa bawat isa.
Lumabas si Peter at nakitang nasa labas at
nakatayo si Gil at naninigarilyo. Sir nakapag desisyon
na kami. Pumasok ulit opisina si Gil. Ano ang
napagdesisyunan ninyo?Sir Gil pumapayag na kami sa
alok ng Maharlika Records.
Sir Gil may isang kondisyon pako! Nagulat ang
lahat at akala nila ay nagkasundo na sila.
Puwede niyo bang ilagay sa kontrata na
puwede kong tugtugin ang mga kanta sa isang tao na
pinakamamahal ko na si Nelda Martinez.
Nagkantiwayan ang lahat.
Ikaw may sinisikreto ka na pala sa akin ha.
Nakangiting sabi ni Peter.
Natawa si Gil, sige Johnny basta pangako mong
kakantahin mo sa kasal ninyo balang araw ha.
Naghiwalay sila ng kanilang landas at kahit
kailan ay hindi na ulit nagsama pa sa tugtugan.
Si Melon ay hindi na lumutang ng Kalapinay na
tulad ng kanyang ama. Ang balita ay nakita niya ang
kanyang ama sa bataan at doon na nanirahan.

158

Si Enteng ay nagpatuloy bilang drummer ng


Musikong Bungbong.
Si Johhny at Peter ay nagpasyang magaral ng
kolehiyo at kumuha ng fine arts.

159

Huling
Kabanata
Wala pading pinagbago ang Purok ng Kalapinay.
Lulong padin sa sugal at alak ang mga tao. Hindi padin
nagaaral ang mga bata. Bungal padin ang karamihan ng
tao. Hindi man nagbago ang kanyang kapaligiran ay
dama niya na sa loob niya ay may nagbago. Tama nga
ang kanyang Tiyo Rufino na bigyan siya ng pagkakataon
na tumayo sa kanyang sariling paa at sa ngayon ay
handa na siyang makipag sapalaran sa buhay. Nawala
na ang takot sa kanyang puso, kahit kamatayan ay hindi
niya kinakatakutan, para sa kanya mas mahirap ang
mabuhay ng mahaba kung takot din lang ang umiiral sa
puso. Hindi nadin siya mahiyain ay nakukuha na niya
nang ipahayag ang kanyang iniisip at damdamin at dahil
dito ay nakakuha ng matataas na grado nang siya ay
nagkolehiyo at ganun pa din katulad ng dati ay kasama
niya si Peter sa pagkuha ng fine arts sa isang
unibersidad sa Kalookan.
Katulad ang kanyang pangako sa kanyang mga
pinsan ay pumunta siya ng Davao upang dalawin ang
kanyang Tiya Liza at Tiyo Rufino at ang kanyang pamilya
at siya ay nagalak sa nakitang pag asenso ng kanilang
negosyong taniman ng suha na ngayon ay isa sa export
product ng Davao.
Dinadalaw-dalaw niya din ang kanyang amang si
Teban sa Olongapo na sa ngayoy may isang karinderia
sa tabi ng isang eskwelahan. Nagawa na ding itigil ng
160

kanyang ama ang kanyang pagsusugal at nabaling sa


pagbabasa ng Biblia at pinagsisihan ang kanyang mga
kasalanan.
Pinuntahan niya din ang bahay ng mga
magulang ng kanyang ina na si Pilita sa laguna na sila
Bernardita at Isidro Cruz, naging daan para makilala niya
ang kanyang ina na si Pelita ngayon ay may sarili na ring
pamilya. Problema lang ay hindi siya puwedeng ipakilala
sa kanyang dalawang kapatid na babae na sila Sheila at
Josephine dahil sa hindi alam ng pamilya ng kanyang
bagong kinakasama na may anak siya sa ibang lalaki.
Ganun pa man ay naging malapit sila sa isat-isa ng
kanyang ina at pinangako niya na sa tamang panahon ay
ipapakilala sa kanya ang kanyang mga kapatid. Naging
malapit din siya sa kanyang Lola Bernardita at Lolo
Isidro na nagpapaalala sa kanya sa yumao niyang Lolo
Jose at Lola Prising.
Ngunit sa likod ng musika at mga pagpupunyagi
ay ang inspirasyon ng kanyang buhay, isang babaeng
nagngangalang Nelda.
Tulad ng dati ay tuloy padin ang pagpapalipad
niya ng eroplanong papel na may liham kapag madaling
araw sa bakuran ni Nelda at umuupo sa harap ng
tindahan ni Aling Sita para masulyapan ang kanyang
pinakamamahal.
Dumaan ang puting Mercedez Benz at sa
ngayon ay hindi na sa harap nakatingin si Nelda ngunit
kay Johnny at sa kanya inialay ang kanyang
napakagandang ngiti. Hindi matutumbasan ng salita ang
kaligayahang nadama ni Johhny sa ngayon ay wala na
161

siyang mahihiling pa sa kanyang buhay. Biglang lumabas


sa bintana ng kose ang isang ang eroplanong papel na
lumapag sa kanyang paanan. Agad niya itong pinulot at
tinangal sa pagkakatupi, hinalikan, at binasa ang
nakasulat sa asul na tinta.
Dear Johnny,
Salamat sa iyong walang kupas na pagtingin. Nais kong
malaman mo na mahal din kita. Sana ay hindi ka
magsawa at lalo pang lumalim ang ating pagtitinginan.
Nagmamahal,
Nelda

162

You might also like