AP9 Edit

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Diocese of Imus Catholic Educational System, Inc.

(DICES)
San Francisco de Malabon Parochial School
Poblacion, City of Gen Trias, Cavite
Email: [email protected]| Tel. No.: (046) 437-2534 Cellphone No.: Globe- 09053877954 / Smart- 09687699293

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN-9


T.P. 2022-2023

Pangalan: ______________________________ Marka: K: ___ P: ___ U: ____


Baitang at Seksyon: ______________________ Guro: G. John Darell O. Gallega

I. KAALAMAN AT KAKAYAHANG TEKNIKAL (20 pts)


A. MARAMING PAGPIPILIAN
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
TANDAAN: Lahat ay malalaking titik o letra ang pagsagot. Kapag hindi sumunod sa panuto ay maituturing na mali ang
inyong sagot.

_____ 1. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng kakapusan?


A. Ito ay tumutukoy sa pagpapalago ng negosyo at kabuhayan ng mga tao sa bansa.
B. Ito ay tumutukoy sa pagpapayaman upang maging bahagi ng mataas na lipunan.
C. Ito ay tumutukoy sa paggamit at pagbabahagi ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan upang makabuo ng mga produkto
at serbisyong makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao.
D. Ito ay tumutukoy sa paggamit at pagbabahagi ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at paglikha ng mataas na kalidad
na produkto at serbisyong makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao sa presyo ay paraang
pinakamatipid.
_____ 2. Malawak ang nasasaklawan ng ekonomiks sa ating buhay. Bilang mag- aaral, pinagbubuti mo ang iyong pag-aaral upang
magkaroon ng magandang trabaho at makatulong sa pamilya. Nang ika’y nagtatrabaho na, araw-araw mong isinasaalang-alang ang
gastos para sa iyong pamilya, baon at maging ang pagkain. Alin sa mga sumusunod na konsepto ng ekonomiks ang naglalarawan sa
sitwasyong ito?
A. Tamang pagpili C. Limitadong yaman ng bansa
B. Tamang pagdedesisyon D. Walang katapusang pangangailangan
_____ 3. Paano pinag-aaralan ng mga kilalang pilosopo o mga grupo ng mga ekonomista ang magkakasalungat na ideya at prinsipyo
ukol sa ekonomiks?
A.Sapagkat pinag-aaralan nila ang mga gawain ng tao na may kinalaman sa pangkabuhayan at paraan sa pamumuhay.
B. Sapagkat pinag-aaralan nila ang galaw ng ekonomiya, ginagawang pagpili at pagdedesisyon ng mga tao sa lipunan at mga
epekto nito sa buong ekonomiya.
C. Sapagkat pinag-aaralan nila ang mga kaisipan, kasanayan, at konsepto ng mga indibidwal na patuloy na kumikilos upang
maghanapbuhay at magkaroon ng ikabubuhay.
D.Lahat ng mga nabanggit ay tama.
____4. Mas sinisiguro ni Aling Nena na nakakabili siya lagi ng mga pangunahing pangangailangan sa kanilang tahanan. Alin sa mga
sumusunod na herarkiya ng pangangailangan ni Abraham Maslow ang sumasalamin sa sitwasyong ito?
A. Kaganapang pantao B. Panseguridad C. Pagpapahalaga mula sa ibang tao. D. Pisyolohikal

____5. Determinasyon at pagpupursigi ang naging mga susi ni Pedro upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay. Alin sa
mga sumusunod na herarkiya ng pangangailangan ni Abraham Maslow ang sumasalamin sa sitwasyong ito?
A.Panseguridad B.Pisyolohikal C. Pagpapahalaga mula sa ibang tao D. Kaganapang pantao
____6. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng herarkiya ng pangangailangan ni Abraham Maslow?
A.Matugunan ang pangangailangan ng mga tao.
B.Masolusyonan ang suliranin sa kakapusan at kakulangan.
C.Ang pag-unlad mula sa hindi kaaya- ayang pamumuhay ng tao.
D.Nagsisilbing motibasyon ang mga ito upang maabot ang mga layunin at mithiin sa buhay.
____7. Paano natutugunan ang bawat suliranin sa sistemang market na ekonomiya?
A. Pagdedesisyon sa pagsagot ng suliraning ano, paano, at para kanino ang gagawin.
B. Pagpapakita ng organisadong transaksiyon sa pagitan ng mga mamimili at nagbibili.
C. Pinagpapasiyahan ng estado at inaasahan ang mamamayan sa magiging desisyon nito.
D. Pagdedesisyon ng estado at indibidwal na mabigyan ng kontrol ang pangunahing industriya.
____8. Paano natutugunan ang bawat suliranin sa sistemang command na ekonomiya?
A. Pagdedesisyon sa pagsagot ng suliraning ano, paano, at para kanino ang gagawin.
B. Pagpapakita ng organisadong transaksiyon sa pagitan ng mga mamimili at nagbibili.
C. Pinagpapasiyahan ng estado at inaasahan ang mamamayan sa magiging desisyon nito.
D. Pagdedesisyon ng estado at indibidwal na mabigyan ng kontrol ang pangunahing industriya.
____9. Paano natutugunan ang bawat suliranin sa sistemang sosyalismo?
A. Pagdedesisyon sa pagsagot ng suliraning ano, paano, at para kanino ang gagawin.
B. Pagpapakita ng organisadong transaksiyon sa pagitan ng mga mamimili at nagbibili.
C. Pinagpapasiyahan ng estado at inaasahan ang mamamayan sa magiging desisyon nito.
D. Pagdedesisyon ng estado at indibidwal na mabigyan ng kontrol ang pangunahing industriya.
____10. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pamamaraan upang maging malawak ang paggamit ng mga
pinagkukunang-yaman?
A. Matalinong paggamit
B. Pamumuhunan
C. Paggamit ng makabagong teknolohiya.
D. Paggarantiya sa programang pamahalaan.
____11. May mga gawain sa ekonomiya na kailangang bigyang pansin upang masiguro ang paglago at pag-unlad ng kabuhayan.
Paano lubos na naaapektohan ng pandemya ang produksiyon sa pang araw-araw na pamumuhay ng bawat tao at bansa upang
matugunan ang pangangailangan?
A. Habang nahaharap ang mga komunidad sa pagdami ng mga nauulat na kaso ng pandemya, maraming bahay-kalakal ang
napilitang itigil ang operasyon sa paggawa at pagprodyus ng mga produkto.
B. Habang nahaharap ang mga komunidad sa pagdami ng mga nauulat na kaso ng pandemya, ang katiwalian at kapabayaan
ng mga negosyante ang mga naging dahilan kaya’t hindi nagpatuloy ang operasyon sa paggawa at pagprodyus ng mga
produkto.
C. Habang nahaharap ang mga komunidad sa pagdami ng mga nauulat na kaso ng pandemya, ang mga negosyante at
pamahalaan ay hindi naging alerto at handa sa ganitong suliranin.
D. Habang nahaharap ang mga komunidad sa pagdami ng mga nauulat na kaso ng pandemya, maraming mga bahay-kalakl
ang hindi nagpapakita ng organisadong transaksiyon sa pagitan ng mga mamimili at nagbibili.
____12. Sinasanay at ibinabahagi ni Mang Pedro sa kanyang mga bagong kasamahan ang nalalaman at kasanayan bilang isang factory
worker upang maisagawa nang maayos ang trabaho. Alin sa mga sumusunod na salik ng produksiyon ang sumasalim sa sitwasyong
ito?
A.Lupa B.Entreprenyur C.Kapital D. Paggawa
____13. Alin sa mga sumusunod na mga sitwasyon ang sumasalim sa kapital bilang salik ng produksiyon?
A. Nirentahan ni Gng. Reyes ang bakanteng lupain malapit sa sakahan upang isagawa ang operasyon sa paggawa ng
kanyang mga produkto.
B. Nanghiram ng salapi si Gng. Reyes sa bangko upang makabili ng mga hilaw na materyales at masimulan na ang
paggawa ng kanyang mga produkto.
C. Sinasanay at ibinabahagi ni Mang Pedro sa kanyang mga bagong kasamahan ang nalalaman at kasanayan bilang isang
factory worker upang maisagawa ng maayos ang trabaho.
D. Wala sa mga nabanggit.
____14.Ang mga salik sa produksiyon ay mahalaga sapagkat ang bawat isa ay may naiaambag sa ikatatagumpay ng produksiyon. Alin
sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng produksiyon ukol dito?
A. Ang mga salik ng produksiyon ay tumutukoy sa anumang bagay na ginagamit sa paglikha ng mga produkto at serbisyo.
B. Ang produksiyon ay sumasalamin sa pinakamabisang paggamit ng mga salik sa produksiyon upang makagawa ng
pinakamaraming output.
C. Ang mga salik ng produksiyon ay isang mahalagang gawain kung saan ang paggawa ng produkto at serbisyo ay
isinasagawa upang matugunan ang pangangailangang pangkabuhayan ng bansa.
D. Ang mga salik ng produksiyon ay makakatulong upang masukat ang kakayahan ng mga prodyuser na makalikha ng de-
kalidad na produkto kahit limitado ang mga sangkap o bagay ginamit sa paglikha ng mga produkto.
____15. Paano nakatutulong ang teknolohiya sa paggawa ng mga kalakal o produkto?
A. Ang paggawa ng produkto at serbisyo ay isinasagawa upang matugunan ang pangangailangang pangkabuhayan ng bansa.
B. Mayroong bagong pamamaraan na naitutulong ang teknolohiya sa produksiyon na makakaapekto sa pamumuhay ng tao
at ekonomiya.
C. Ang pagpapabilis ng paggawa ng mga produkto at serbisyo ay isa sa bagong pamamaraan na maitutulong ng teknolohiya
sa produksiyon na makalikha ng de-kalidad na produkto.
D. Ang paggawa, paggamit at pagbabahagi ng teknolohiya ay naging daan upang makabuo ng mga produkto at serbisyong
makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao.
____16. Kailan natin masasabi na ang nilikha na produkto ng mga negosyo ay tinatawag na consumer goods?
A. Kapag ito ay ginagamit upang makalikha pa ng ibang produkto.
B. Kapag kailangang mapalago ang mga produkto upang masiguro ang kabuhayan ng tao.
C. Kapag direktang ipinagbibili sa mga mamimili ang produkto upang matugunan agad ang pangangailangan.
D. Kapag hindi direktang ipinagbibili sa mga mamimili ang produkto upang matugunan agad ang pangangailangan.
____17. Ang pag-unlad ng produksiyon ay ang pag-unlad din ng pagkonsumo na kung saan ito ay naglalarawan ng kalagayan ng
ekonomiya ng bansa. Kaugnay nito, bakit mahalaga ang pagkonsumo ng mga produkto?
A. Upang maitakda ang presyong ekwilibriyo.
B. Upang masukat ang dami ng naipagbiling mga produkto sa bilang ng mga konsyumer.
C. Upang masiguro na makakatulong ito sa paglago at pag-unlad ng kabuhayan ng tao at bansa.
D. Upang magtamo ng kasiyahan kahit minsan ito ay hindi nagdudulot ng mabuting epekto sa ating kabuhayan.
____18. Ang bawat indibidwal ay nagtatamo agad ng kasiyahan sa pagbili at paggamit ng mga produkto at serbisyo. Alin sa mga
sumusunod na mga uri ng pagkonsumo ang sumasalamin sa sitwasyong ito?
A. Tuwiran C. Mapanganib
B. Produktibo D. Maaksaya
____19. Si Nena ay higit na nagtatamo ng higit na kasiyahan kapag natutugunan niya muna ang mga pangangailangan sa kanilang
tahanan bago ang pagbili ng kanyang make-up set. Alin sa mga sumusunod na batas ng pagkonsumo ang sumasalamin sa sitwasyong
ito?
A. Law of Variety C. Law of Diminishing Utility
B. Law of Harmony D. Law of Economic Order
____20. Bakit mahalagang masuri ang iba't ibang salik na nakaaapekto sa pagkonsumo?
A. Upang malaman ang iyong karapatan bilang mamimili.
B. Upang hindi maloko sa iyong pamimili.
C. Upang maisaalang-alang ang mga proseso sa pamimili.
D. Upang magamit ng maayos ang produktong nabili.
Enumarasyon (10 PUNTOS)
B. Panuto: Sagutan ang hinihingi ng bawat bilang.
21-25. Mga hakbang sa Pagsasagawa ng Siyentipikong Pamamaraan 26-30. Mga katangian ng isang matalinong Mamimili
21. __________________________________________________________ 26. _________________________________________
22. __________________________________________________________ 27. _________________________________________
23. __________________________________________________________ 28. _________________________________________
24. __________________________________________________________ 29. _________________________________________
25. __________________________________________________________ 30. _________________________________________
II. PROSESO (10pts)
A. PANUTO: Gamit ang Venn Diagram, paghambingin ang pangangailangan at kagustuhan. Gamitin ang pamantayan
bilang gabay sa pagsagot.

Pamproseng tanong: 31-40. Paano nakakaapekto ang mga salik ng pangangailangan at kagustuhan na makagawa ng matalinong
desisyon?

KAGUSTUHAN

B. (5 pts) PANUTO: Paano nakakaapekto ang mga salik sa pagkonsumo sa pag-uugali, produkto, at serbisyo na
kinokonsumo ng mga tao? Unawain at punan ang talahanayan. Gamitin ang pamantayan bilang gabay sa
pagsagot.

MGA SALIK SA PAGKONSUMO EPEKTO


41-42. Pag-aanunsiyo at Pagpapahalaga ng tao

43-44. Panggagaya at Kita

C. 45-54 (10 pts ) Panuto: Ilarawan kung ano ang gampanin ng bawat sistemang pang-ekonomiya sa pagsagot
sa pangunahing suliuranin sa ekonomiya. Unawain at punan ang talahanayan. Gamitin ang pamantayan
bilang gabay sa pagsagot.

MGA SISTEMANG PANG-EKONOMIYA GAMPANIN UPANG MATUGUNAN ANG SULIRANIN SA


EKONOMIYA
Market at Command na ekonomiya

Pinaghalong ekonomiya

III. PAG-UNAWA (16 pts)


A. PANUTO: Unawain ang mga sumusunod na larawan at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gamitin ang pamantayan bilang
gabay sa pagsagot.At isulat ang inyong sagot sa likod ng inyong papel

55-70. Paano mo bibigyang-kahulugan ang mensaheng ipinahihiwatig ng mga larawan? Paano nakakaapeto ang mga larawan sa
pamumuhay ng bawat tao? Bilang isang mag-aaral, paano mo magagamit ang iyong kaalaman sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng
iyong pamilya at lipunan?

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO:

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pang pagbutihan


4 3 2 1
Ang sagot ay mabisa na Ang mensahe ay mabisang Bahagyang naipaliwanag ang Hindi naging maliwanag ang
Nilalaman naipaliwanag nang maayos at higit naipaliwanag nang maayos. mensahe. pahayag ng sagot.
pa sa inaasahan.
Ang sagot ay higit pa sa inaasahan Ang mensahe ay may Bahagyang may kaugnayan Hindi naging magkaugnay
Kaugnayan sa paksa ang kaugnayan sa paksa. kaugnayan sa paksa. sa paksa ang sagot. ang mensahe sa larawan.
“Sa lalong ikadadakila ng Diyos at karangalan ni Maria Birhen ng del Pilar”

You might also like