Diagnostic Test Grade 9 AP

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ST. PETER’S COLLEGE OF MISAMIS ORIENTAL, INC.

15 de Septiembre St., Barangay 2, Balingasag, Misamis Oriental

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


S.Y. 2020-2021

PRE-ASSESSMENT
ARALING PANLIPUNAN 9
EKONOMIKS
Pangalan: ___________________________________________________ Iskor:_______
Baitang :______________________ Petsa:___________

Panuto: Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa araling tatalakayin sa pamamagitan nang
pagsagot sa panimulang pagtataya. Bilugan lamang ang wastong sagot

Isang aghampanlipunannamaykinalamansa pag-uugnayngmga tao sa Isa’tisa at paghati-hati


nglimitadongpinagkukunangyamanupangmatu- Gunan ang kanilangpangangailangan.
a. Ekonomiya b. Politika c. Ekonomiks d. Siyensya
Namili sa pamilihang bayan si Mang Isko ng isang kilong karneng baboy. Subalit nang timbangin niya
ito sa timbangan ng bayan ay kulang ito sa timbang. Ano ang maipapayo mo kay mang Isko?
Isusumbung ang pamunuan ng palengke
Isauli ang binili at bumili na lamang sa iba
Bumalik sa pinagbilhan at at sabihin na kulang ang timbang nito
Hindi na muli pang bibili rito.
Bumili sa grocery store ng palaman sa tinapay ang iyong kaibigan, subalit nang bayaran na niya ito,
mas mataas ang presyo ng lumabas sa Kompyuter kaysa naka display sa estante. Ano ang dapat
niyang gawin sa sitwasyong ito?
Bayaran ang halaga ayon sa lumabas sa kompyuter
Awayin ang cashier dahil naningil siya nang mas mahal
Huwag bayaran ang binili at aalis na lamang
Sabihin sa Cashier na magkaiba ang presyo ayon sa kompyuter at nakadisplay at labag ito sa price
tag.
 Ito ang pinakamataas na baiting ng pangangailangan ayon kay Maslow.
a. Pisyolohikal b. Pangkaligtasan c. Pakikisalamuha d. Kaganapang pantao
5. Ano ang pinakamabisang paraan upang matugunan ang pangangailangan sa pamamagitan ng
produktibong paraan?
a. Bumili ng stocks sa market bilang investment
b. itago ang pera sa bangko upang lumago
c. Sumapi sa institution ng pananalapi ng bayan
d. gumawa ng isang angkop at organisadong pansariling badyet.
6. May mga produktong tumataas ang antas ng pangangailangan kung tag-init gaya ng halo-halo at
ice cream. Gayundin ang pagtaas ng pangangailanagan sa sweater at jacket kung tag-lamig. Aling
salik ng pagkonsumo ang nakakaapekto rito?
klima b. kita c. panlasa d. panggagaya
7. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapahiwatig na may kakapusan ang isang bansa?
Mga pilipinong nangibang bansa upang magtrabaho
Malaking kita mula sa pag eksport ng mga produkto
Disyertong lupain na pagkukunan ng yamang tubig
Pagkakaroon ng ng pangangailangang paglilingkod
8. Aling salik ang nakakaapekto sa pangangailangan ang ipinapakita ng pagkahilig ng mga
mayayaman at makabagong tinedyer sa sophisticated gadgets at personal na kagamitan?
Antas ng wika c. Paniniwala sa buhay
Antas ng edukasyon d. panlasa ng tao ayon sa gulang
9.  Karamihan sa mga Pilipino ay humahanga sa mga produktong dayuhan dahil ito ay simbolo ng
karangyaan o status symbol. Anong kultura ito ?
a. palagaya b. mala- kolonyal c. pakikisama d. rehiyonalismo
10. Anong ahensya ng pamahalaan ang nagpapatupadng mga batas na may kinalaman sa industriya
at kalakalan?
a. Department of Trade and Industry
b. Department of Labor and Employment
c. Department of Health
d. Department of Education
11. Aling salik ang nakakaapekto sa pangangailangan ang ipinapakita ng pagkahilig ng mga
mamamayan at makabagon tinedyer sa sophisticated gadgets at personal na kagamitan?
a. Antas ng kita c. Paniniwala sa buhay
b. antas ng Edukasyon d. Panlasa ng tao ayon sa gulang
12. Mahihirapang mabuhay ang mga tao kung wala silang pagkain, damit at tirahan. Ano ang tawag
sa mga bagay na ito?
a. .Luho b. Pangangailangan C. Kagustuhan d. Pagkonsumo
13. Alin ang katangian ng matalinong mamimili ?
a. bumibili ng kalakal na kapaki-pakinabang c. bumibili ng mamahaling gamit
b. bumibili ng produktong second hand d. bumibili ng kapareho sa kapitbahay
14. Salik ng produksyon na pinagmulan ng hilaw na sangkap/materyal sa pagbuo ng produksyon; a.
lupa b. lakas-paggawa c. puhunan d. entreprenyur
15. Sangay ng ekonomiks na nag-aaral sa maliliit na yunit ng ekonomiya;
a. Maykro-ekonomiks b. Makro-ekonomiks c. Ekonometriks d. Consumerism
16. Sa paikotna daloyngEkonomiya,anongsektorangnag mamay-ari ng mga hilaw na sangkap?
a. industriya c. sambahayan b. pamahalaan d. pangangalakal
17. Ano ang pangunahing gamit ng salapi?
a. Paraan ng palitan b. Reserba ng bangko c. Batayan ng halaga d. Itinagong halaga
18. Ang AghamPampulitikaaynag-aaral sa kungano ang nakakatulongsagawaing Pang-ekonomiyaat
a. Pagpapaunladngbansa c. Pagpapatupadngbatas ng pamahalaan
b. pag-aari ng likasna yaman d. Wastongpagkilosngtao sa lipunan
19. Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang
limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan.
a. Pamayanan b. Sambahayan c. Pamahalaan d. Pamilihan
20. May limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang ibang pinagkukunang-yaman tulad
ng yamang likas at yamang kapital. Anong kondisyon ang tinutukoy nito?
a. Kakapusan b. Kakulangan c. . Kamalayang Panlipunan d.Kamalayan sa Kapaligiran
21. Tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.
a. Choice b. Trade-Off c . Incentives d. Opprtunity Cost
22. Bilang mag-aaral at kasapi ng iyong pamilya at lipunan, bakit kailangan pag-aralan ang
ekonomiks?
a. Nakakagawa ng matalinong pasya ang mapanuri at mapagtanong sa nangyayari sa lipunan.
b. Magagamit ang kaalaman sa pagbili ng mga kagustuhan sa buhay.
c. Magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang bumili ng maraming pagkain sa panahon ng
pandemya.
d. Nais mong makuha ang mga bagay na gusto mo.
23. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Ano ang
idinudulot nito?
a. Sa pamamagitan nito ay malalaman natin kung nakapagdudulot ba ng kasiyahan ang ating
desisyon.
b. Sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo ng pinakainam na
desisyon.
c. Sa pamamagitan nito ay hindi tayo magkamali sa pagpili ng desisyon.
d. Sa pamamagitan nito ay maging kapaki-pakinabang ang bawat desisyon na gagawin natin sa
araw-araw.
24. Gumagawa ng isang ekonomikong pagpapasya ang isang tao arawaraw. Bakit mahalagang
maunawaan ng isang mag-aaral ang kaalaman sa ekonomiks bilang bahagi ng pamilya?
a. Upang sila ay maging maalam sa mga napapanahong uso.
b. Hinuhubog nito ang pag-unawa sa kanyang kagustuhan lamang.
c. . Makakatulong ito sa paghahanapbuhay sa hinaharap.
d. Makakatulong sa pagpapasya sa mga gawaing bahay.
25. Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang
limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan
a. Pamayanan b. Sambahayan c. Pamahalaan d. Pamilihan
26. Gumagawa ng mga desisyon kung anu-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin,
para kanino, at gaano karami ang gagawin.
a. Pamayanan b. Sambahayan c. Pamahalaan d. Pamilihan
27. Mahalagang makabuo ng matalinong pasya sa bawat produkto o serbisyong pagpipilian subalit
may pagkakataon na magbago ang isip sa bandang huli dahil sa inaalok ng mga prodyuser para
magbago ang iyong desisyon. Ano ang tawag dito?
a. Opportunity Cost b. Marginal Thinking c. Incentives d. Trade-Off
28. Bilang mag-aaral at kasapi ng iyong pamilya at lipunan, bakit kailangan pag-aralan ang
ekonomiks?
a. Nakakagawa ng matalinong pasya ang mapanuri at mapagtanong sa nangyayari sa lipunan.
b. Magagamit ang kaalaman sa pagbili ng mga kagustuhan sa buhay.
c. . Magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang bumili ng maraming pagkain sa
panahon ng pandemya.
d. Nais mong makuha ang mga bagay na gusto mo.
29. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa paraan ng paggamit ng tao sa
kaniyang _______ na pinagkukunang yaman upang matugunan ang kaniyang ________ na
pangangailangan.
sapat: walang hanggan c. sapat: may hanggan
limitado: walang hanggan d. limitado: may hanggan
30. Ang kakapusan ang pangunahing problema ng bansa dahil sa pagkalimitado ng mga
pinagkukunang-yaman at paparaming kagustuhan ng tao. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
palatandaan ng kakapusan?
Pagkakaroon ng mahabang pila sa pagbili ng produkto
Pagkakaroon ng mataas na presyo ng mga produkto sa pamilihan
Pagkakaroon ng labis na produkto sa pamilihan
Pag-aangkat ng pamahalaan ng mga produkto kahit walang sapat na badyet para dito.
31. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagsasabi ng pagkakaiba ng pangangailangan sa
kagustuhan?
a. Ang tao ay patuloy na nabubuhay kahit wala ito
b. kapag ipinagkait, ito’y magdudulot ng sakit o kamatayan
c. ito ay bunga ng layaw ng tao
d. nagbibigay ng kaluguran ng tao
32. Magkakaroon ng Trade Fair sa inyong paaralan sa darating na buwan upang makakalap ng
pondo para makatulong sa mga biktima ng kalamidad. Ikaw, bilang pinuno ng ways at means
committee ng Supreme Student Government at naatasang gumawa ng plano kung saan ang kikitain
ay ilalaan sa proyektong gagawin. Alin sa mga sumusunod ang magiging basehan nito?
a. Makakatohanan at maraming ebidensiya
b. Mapagkahulugan at naayon sa panahon
c. Impormatibo, makabuluhan at produktibo
d. Makakatohanan, malikhain at organisado.
33. Inaanyayahan ka ng iyong kaibigan na dumalo sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan na
gaganapin sa gabi pagkatapos ng inyong klase. Gayunman, kailangan mo na ring umuwi nang
umaga dahil magkakaroon ng pagsusulit sa inyong klase. Sa kabila nito, nais mo pa ring paunlakan
ang paanyaya ng iyong kaibigan. Ano ang pinakamabuting desisyon na iyong gagawin?
a. Paunlakan ang paanyaya at matulog pagdating sa bahay
b. Hayaan anuman ang kahihinatnan nang piniling pagpapasya
c. Bigyang-halaga ang mas mabuting makamit mula sa pagkakataon
d. Bigyang halaga ang kasiyahang nadarama sa pagdalo
34. Ito ay tumutukoy sa salaping tinatanggap ng tao kapalit ng ginawang produkto at serbisyo.
Kita c. Populasyon
Patalastas d. Urbanisasyon
35. Mahalaga ang paglikha ng produkto at serbisyo sa ekonomiya. Gaano kahalaga ang mga salik
ng produksyon kaugnay sa paglikha ng produkto?
a.. Nagmumula sa lupa ang hilaw na materyales, sa tao ang lakas paggawa, sa kapital ang mga
makinarya at sa entrepreneur ang abilidad na mapagsasama ang mga salik para sa produksyon.
b. Nakakukuha ng kabayaran mula sa lakas paggawa, entreprenyur, lupa at kapital
c. Nakabubuo ng limitadong produkto/serbisyo ang mga salik ng produksyon.
d. Nakakukuha ng tubo sa lupa, interes sa lakas paggawa, upa sa entrepreneur at sahod sa
kapitalista
36. Ang pangangailangan ay mga bagay na mahahalaga para mabuhay ang tao, Ano naman ang
kagustuhan?
Abot kaya ang halaga nito c. Nagpapagaan ito sa buhay ng tao
Nagbibigay ng kasiyahan sa tao d. Hindi ito maaring ipaglaban ng tao
37. Si Mang Andoy na isang magsasaka ay nananatiling gumamit ng tradisyonal na paraan ng
pagsasaka kaya mababa lang ang kaniyang kinikita. Sa paanong paraan mapapataas ang kaniyang
kita?
Maayos na kalusugan
Kasanayan sa makabagong teknolohiya
Pagkakaroon ng sariling lupain
Pagbibigay ng bagong binhi
38. Ang mga sumusunod ay dahilan ng pagkakalbo ng kagubatan, maliban sa:
Pagkakaingin c. Ilegal na pagtotroso
Pagmimina sa kagubatan d. Pagtapon ng Basura
39. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng entreprenyur sa ating ekonomiya sapagkat sila ang
kaakibat ng ating pamahalaan sa pambansang kaunlaran.
Ano ang mabuting idudulot ng pagdagsa ng mga dayuhang negosyante sa ating lugar?
Marami na ang mamimili sa pamilihan
Marami ang kakompetensya ang lokal na produkto natin
Marami tayong mapagpipilian na produkto
Maraming hanapbuhay ang malilikha
40. Sa pag- aanunsyo, ang mga negosyante ay gumamit ng mga sikat na artista para mag-endorso
ng mga produkto. Ano ang inaasahan ng mga negosyante?
Maraming kakilala ang mga artista
Maraming tagahanga na gagaya sa iniidolong artista
Maraming mamahaling produkto ang gamit ng mga artista
Maraming tao ang interesado sa buhay ng mga artista
41. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng pagpoproseso ng pagpapalit anyo ng mga input
upang makalikha ng mga output?
Produkto b. Pamilihan c. Produksiyon d. Pamahalaan
42. Ang lupa bilang salik ng produksiyon ay mapapakinabangang yaman ng kalikasan. Aling pahayag
ang magpapatunay dito?
Ang lupa ay may malawak na bahagi ng mundo
Ang lupa ay potensiyal sa agrikultura na gawain
Ang lupa ay pinagtatayuan ng mga gusali at mga imprastraktura.
Ang lupa ay hindi nalilipat, may hangganan at iba’t ibang gamit
43. Ang entreprenyur ay isa pang mahalagang salik ng produksiyon na nangangasiwa, nagsasaayos
at nakikipagsapalaran sa negosyo. Aling pahayag ang nagpapatunay dito?
Si Mang Mario ay hindi nag-aatubiling namumuhunan ng malaking halaga sa negosyo.
Si Mang Mario ay nag-aatubiling namumuhunan ng malaking halaga sa negosyo
Si Mang Mario ay hindi bukas sa paggamit ng modernong teknolohiya
Si Mang Mario ay laging nag-aalingang humingi ng payo sa mga binaha.
44. Bakit mahalaga ang salik na kapital sa produksiyon?
Ito ay nagagamit muli sa paglikha ng iba pang produkto.
Ito ay kinakailangan ang pisikal at mental na kakayahan
Ito ay hindi nagagamit muli sa paglikha ng iba pang produkto
Ito ay binubuo ng mga mapapakinabangang yaman.
45. Makikita natin sa pamilihan ang iba’t ibang uri ng produkto na nagkokompetensya. Paano
maipapakita ng isang mahusay na entreprenyur ang kanyang kakayahan sa sitwasyong ito?
Pagkakaroon ng tiwala sa sarili c. Pagiging malikhain
Pagtitinda ng bagsak presyo d. Pagkakaroon ng kababaang-loob
46. Ito ay ang kabuoang bilang ng tao sa isang lugar o isang bansa?
Kita b. Populasyon c. kakapusan d. Patalastas
47. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng pisyolodyikong pangangailangan ayon kay Abraham
Maslow maliban sa:
a. Pagkain b. Tubig c. Tirahan d. Seguridad
48. Ang kakapusan ay nagdudulot ng maraming suliraning pang-ekonomiya. Kailan masasabi na may
kakapusan sa isang lugar?
May labis na produkto sa pamilihan
Ang pinagkukunang yaman ay limitado
May pagtaas ng bilang ng pandarayuhan sa ibang bansa
Nagkakaroon ang pamahalaan ng pagtaas na utang panlabas
49. Ano ang tawag sa mga taong bumibili ng produkto?
Mamimili b. Bumibili c. Lahat ng nabanggit d. Mangungutang
50. Malaki ang naging ambag ng ekonomiks sa tao upang maging marunong sa kanyang pagpili ng
mga bagay na mas kailangan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan ng
ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao?
a. Nakatutulong ang ekonomiks upang ikaw ay maging matalino at mapanuri sa pagbuo ng desisyon
sa buhay.
b. Nakatutulong ang ekonomiks upang mas piliin ang kagustuhan kaysa pangangailangan.
c. Nakatutulong ang ekonomiks upang ikaw ay higit na gumastos sa mga luho at iba pang
kagustuhan mo sa buhay.
d. Nakatutulong ang ekonomiks upang ikaw ay hindi makialam sa mga nangyayari sa lipunan .

You might also like