1QTR. Exam Social Studies 9

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

St. Vincent de Ferrer College of Camarin, Inc.

FIRST QUARTERLY EXAMINATIONS IN SOCIAL STUDIES 9

Pangalan: _______________________________________ Assignatura: SOCIAL STUDIES 9


Baitang at Pangkat: ___________________________________ Guro: Ms. Michelle G. Sibayan

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap.

1. Siya ang unang nagsaliksik ng maykroekonomiks mula sa sistema ng merkantilismo.


A. Adam Smith
B. Alfred Marshall
C. David Ricardo
D. John Stuart Mill
2. Ito ay sangay ng ekonomiks na sumusuri sa pangkabuuang ekonomiya.
A. Maykroekonomiks
B. Makroekonomiks
C. Ekonomiks
D. Alokasyon
3. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng ekonomiks sa ating pagsasanay maliban sa:
A. Lahat ng bansa ay kabahagi ng pangkalahatang ekonomiya.
B. Maging isang mulat at aktibong miyembro ng lipunan.
C. Maging magaling sa pagbabahagi ng pangangailangan.
D. Matutunang unawain ang mga kaganapan sa ating lipunan.
4. Siya ay tinawag na “Ama ng Komunismo”.
A. John Stuart Mill
B. David Ricardo
C. Karl Heinrich Marx
D. Adam Smith
5. Ang salitang ekonomiks ay galling sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay _____.
A. Pamamahala ng sambahayan
B. Pagtitipid
C. Pakikipagkalakalan
D. Pamamahala ng negosyo
6. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat ________
A. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.
B. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
C. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
D. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na
pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
7. Ang pinagkukunang-yaman ng mundo ay may kakapusan. Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang paliwanag
ng konsepto ng kakapusan?
A. Hindi nakasasapat ang mga yamang likas upang maibigay ang lahat ng hilig- pantao kayat lumilikha ang mga
tao ng iba pang mga produkto upang mapunan ang marami pa nilang pangangailangan at mga hilig.
B. Hindi lubos na nakasasapat ang pinagkukunang-yaman upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng
mga tao sa mundo.
C. May kakapusan ang pinagkukunang-yaman ng daigdig dahil malapit nang magwakas ang daigdig.
D. Ang kalikasan ay mauubusan ng mga likas na yaman kung hindi gagamitin nang wasto ang mga ito.
8. Habang ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay may hangganan, ang mga pangangailangan at hilig-pantao
naman ay __________.
A. may hangganan din.
B. parami nang parami at walang katapusan.
C. kaunti lamang kayat madaling tugunan
D. kagaya pa rin noong unang panahon at di nadaragdagan.
9. Nagkakaroon ng kakapusan sa daigdig sapagkat _________.
A. nadaragdagan ang sukat ng daigdig habang lumalaki ang bilang ng mga tao rito.
B. nananatiling maliit ang sukat ng daigdig gayundin ang bilang ng mga tao rito.
C. lumiliit ang sukat ng daigdig.
D. pareho pa rin ang sukat ng daigdig habang mas mabilis naming lumalaki ang bilang ng mga tao at ang
kanilang mga pangangailangan at hilig.
10. Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay ________.
A. kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga pangangailangan at hilig-pantao.
B. kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga pangangailangan at hilig-pantao.
C. pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.
D. labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangangailangan at hilig-pantao.
11. Ang mga bagay na kailangan ng mga tao upang mapanitili ang kanilang buhay at kalusugan sa araw-araw ay
itinuturing na ____________.
A. luhong pangkatawan.
B. pangunahing pangangailangan.
C. sekundaryong pangangailangan
D. hilig-pantao.
12. Ang mga sumusunod na mga konsepto ay nagbibigay ng kahulugan ng ekonomiks. Alin ang pinakaangkop na
kahulugan?
A. Paggamit at pagbabahagi ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at paglikha ng mataas na kalidad na produkto
at serbisyong makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao sa presyo at paraang
pinakamatipid.
B. Pagpapalago ng negosyo at kabuhayan ng mga tao sa bansa.
C. Paggamit at pagbabahagi ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan upang makabuo ng mga produkto at
serbisyong makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao.
D. Pagpapayaman upang maging bahagi ng mataas na lipunan.
13. Ito ang pamamaraan o mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yamn sa iba’t ibang gamit upang
tugunan ang mga pangangailangan ng mga tao sa lipunan.
A. Produksyon
B. Kalkulasyon
C. alokasyon
D. produkto
14. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang hindi kasama sa pangkat?
A. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
B. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
C. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
D. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
15. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan?
A. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa
B. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.
C. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap.
D. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.
16. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang
pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
A. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.
B. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa
pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
C. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.
D. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
17. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng
diwang ito?
A. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran ng mayayamang
bansa.
B. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa lipunan kayat
nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
C. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas ang antas ng
kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.
D. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kayat dapat ipagpatuloy and
produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig.
18. May mga kagamitang pantulong sa pag-aaral ng ekonomiks tulad ng istatistiks, ekwasyon at pormula sa
matematiks, logic o mapanuring pagiisip, at paggamit ng mga datos o pruweba. Lahat ng mga dahilang nakatala
sa ibaba ay tama, maliban sa isa. Alin ang hindi tamang dahilan kung bakit may mga kagamitang pantulong sa
pag-aaral ng ekonomiks?
A. Naipakikita ang mga puntos ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mga datos kayat nagiging
kawili-wili ang pagsusuri ng mga ito.
B. Upang magkaroon ng batayan ang mga mungkahing solusyon o mga kongklusyon hinggil sa mga
suliraning pang-ekonomiya at pangkaunlaran.
C. Maganda sa paningin ang mga drowing at ilustrasyon.
D. Nailalarawan at naipaliliwanag na mas higit ang mga konsepto kaya nakatutulong sa mag-aaral sa
pag-unawa ng mga ito.
19. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng palatandaan ng kakapusan?
A. kapag may mahabang pila sa mga tindahan at bagaman may pera, wala namang mabili.
B. kapag may mahabang pila sa mga tindahan at bagaman may pera, wala namang mabili.
C. Kapag mataas ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng bigas, asukal, arina, langis at iba pang
pangunahing pagkain
D. kapag maraming nabibili sa tindahan.
20. Ang pamahalaan ay nagsasagawa ng mga gawain o programa para sa konserbasyon sa mga likas na yaman ng
bansa. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa programa.
A. pagtatanim ng mga puno sa nakakalbong kagubatan at sa kalunsuran.
B. pangangampanya upang ipagbawal ang paggamit ng mga kemikal at iba pang bagay na nakalilikha ng
polusyon.
C. pagbabantay sa kalagayan at pangangalaga sa mga nauubos na uri ng mga hayop(endangered species)
D. patuloy na pagpuputol ng mga puno sa kagubatan para sa komersiyo.
21. Isang bagay na dapat ay mayroon ka at hindi maaaring wala. Ano ito?
A. pangangailangan
B. Puhunan
C. alahas
D. pera
22. Ayon kay Adam Smith, ipinahayag nya na hindi dapat makialam ang pamahalaan sa pagpapaunlad
ng industriya ng pribadong tao. Ano ito?
A. utilitarianism                     
B. descriptive economics    
C. laissez faire
D. oeconomicus
23. Isa sa kaniyang teorya ay ang Herarkiya ng Pangangailangan.
A. Abraham Maslow
B. David Ricardo
C. Karl Max
D. John maynard Keynes

24. Ito ang unang antas ng pangangailangan na kinabibilangan ng mga bagay na kailangan ng ating katawan
upang mabuhay.
A. Pisyolohikal
B. Pangkaligtasan
C. Pagkatao
D. Pagpapahalaga
25. Seguridad sa pamilya, katawan, kalusugan, trabaho, ari-arian ay kabilang sa ___________.
A. Pisyolohikal
B. Pangkaligtasan
C. Pagkatao
D. Pagpapahalaga
26. Ito ay uri ng manggagawa na gumagamit ng pisikal na lakas at enerhiya sa paglikha ng produkto
A. White Collar Job
B. Blue Collar Job
C. Yellow Collar Job
D. Black Collar Job
27. Ang mga sumusunod ay kadahilanan ng kakapusan ng yamang tubig maliban sa:
A. Pagkasira ng yamang dagat
B. Pagbaha sa kalakhang Maynila
C. Paglilinis ng mga katubigan
D. Pagdumi ng tubig
28. Isa sa dahilan ng kakapusan ng yamang lupa ay ang __________.
A. Pagdami ng mga puno sa kagubatan
B. Patuloy sa pagdami ng mga hayop sa kagubatan
C. Pagkaubos ng tubig na nanggagaling sa mga bundok
D. Pagtigil sa illegal logging
29. Ito ay tumutulong sa pagpapatakbo at pagpapalago ng industriya dahil ito ang ating pinagkukunan ng
kuryente.
A. Yamang Lupa
B. Yamang Tao
C. Yamang Tubig
D. Yamang Enerhiya
30. Ang mga sumusunod ay paraan ng pagharap sa suliranin ng kakapusan maliban sa:
A. Kahusayan
B. Opportunity Cost
C. Pagpili
D. Possibilities
31. Ito ay sistemang pang-ekonomiya kung saan ang pamahalaan o ang pinakamataas na posisyon ang
gumagawa ng plano, karamihan ng plano ay pabor sa mga namumuno sa kaysa sa lipunan.
A. Command Economy
B. Mixed economy
C. Traditional Economy
D. Market Economy

32. Ang mga mamamayan ay may malayang pagpili sa kanilang pangangailangan at kagustuhan.
A. Command Economy
B. Mixed economy
C. Traditional Economy
D. Market Economy
33. Ito ay sistema kung saan ang pangangailangan ng tao ay umaasa sa kung ano ang ibibigay ng kalikasan.
A. Command Economy
B. Mixed economy
C. Traditional Economy
D. Market Economy
34. Sa sistemang ito, ang pamahalaan ay hindi masyadong nanghihimasok sa pagdedesisyon sa dami o konti
ng bilihin.
A. Command Economy
B. Mixed economy
C. Traditional Economy
D. Market Economy
35. Siya ang nagpaliwanag ng relasyon, sanhi, at epekto ng mga konsepto ng utility at demand.
A. Alfred Marshall
B. John Stuart Mill
C. David Ricardo
D. Marie-Esprit-Leon Walras
36. May pagkakataon na nagiging motibasyon ang presyo ng produkto o serbisyo sa pagkonsumo ng isang
tao.
A. pagbabago ng presyo
B. hindi ko alam
C. pagbabago ng klima
D. pagbabago ng panahon
37. Ang ekonommiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control at regulasyon ng pamahalaan, ang pag
control ay alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo
ng ahensya
A. command economy
B. cost of availability
C. economy price
D. availability
38. Isang Sistema na kinapapalooban ng elemenyo ng market economy at command economy.
A. Availability
B. Economy hike
C. Command economy
D. Mixed economy
39. Ang salitang mixed economy ay nalikha upang tukuyin ang isang sistemang nabuo at may
katangian bunga na ng pagsasanib ng kombinasyon ng command at _______________.
A. Availability
B. price economy
C. market economy
D. wala sa nabanggit

40. Ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang
pakikitungo.
A. Pagalaganap
B. Pagkilos
C. Pagsugpo
D. wala sa nabanggit

41. Ang pagbili ng mga mamahaling damit ay isang halimbawa ng __________.


A. Pangangailangan
B. Kamalayan
C. Kagustuhan
D. Korapsyon
42. Lahat ng tao ay naghahangad ng respeto. Minimithi ng tao na maramdaman ang kahalagahan niya sa
lipunan. Ito ay herarkiya ng pangangailangan na _________.
A. Pagpapahalaga
B. Pagkatao
C. Pangkaligtasan
D. Pisyolohikal
43. Ang _____ ay isang mahalagang kapupunan sa pagproseso ng mga produksyon sa pangangalakal dahil
sa kaniyang angking katalinuhan, kasanayan, at kadalubhasaan.
A. tao
B. pangulo
C. tindera
D. kabataan
44. Ito ay likas na enerhiya na nagmumula sa mga labi ng halaman at hayop na binago at sinunog sa
pormasyon ng batong tinatawag na coal.
A. Fossil fuel
B. Wind power
C. Solar power
D. Hydroelectric
45. Ito ay enerhiya mula sa araw.
A. Fossil fuel
B. Wind power
C. Solar power
D. Hydroelectric
46. Isa sa mga dahilan kung bakit nakararanas ang tao ng kakapusan dahil ___________.
A. Hindi marunong magtipid.
B. Bumibili lamang ng mga kailangan.
C. Nagbubukas ng savings account.
D. Pinipili ang mga mga mahahalagang produkto.
47. Kung ang bawat antas ng herarkiya ay may kakulanagn at kakapusan, maaring magdulot ito ng mga
sumusunod maliban sa isa:
A. Kaguluhan
B. Pagkagutom
C. katahimikan
D. Pagkahina ng loob
48. Ito ay naglalayong alamin kung sino ang paggagawan at ano ang gagawing produkto at serbisyo sa
lipunan. Ito ay pangunahing katanungang pang-ekonomiya na ___________.
A. Gaano karami ang gagawin?
B. Para kanino gagawin?
C. Ano ang gagawin?
D. Paano gagawin?
49. Ang bahay, pagkain, damit, at tubig ay mga halimbawa ng _____________.
A. Kagustuhan
B. Alokasyon
C. Pangangailangan
D. Ekonomiya
50. Ito ay nagmumula sa init na nabubuo sa ilalim nh lupa.
A. Geothermal
B. Solar Power
C. Hydroelectric
D. Fossil Fuel
ANSWER KEY
1. A 11.B 21.A 31.A 41.C
2.B 12.A 22.C 32.B 42.A
3.C 13.C 23.A 33.C 42.A
4.C 14.A 24.A 34.D 44.A
5.A 15.B 25.B 35.A 45.A
6.D 16.B 26.B 36.A 46.A
7.C 17.C 27.C 37.A 47.C
8.B 18.C 28.C 38.D 48.B
9.D 19.D 29.D 39.C 49.C
10.A 20.D 30.D 40.B 50.A

You might also like