Ang Lampara Ni Nena

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

COPYRIGHT 2023

Republic Act No. 8293, Section 176 States that:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of


the Republic of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be
necessarily for exploitation of such of work to profit.”

The original version of this material has been developed in the Division of Negros
Occidental through the Learning Resource Management and Development Section of the
Curriculum Implementation Division. This material can be reproduced for educational
purposes; modified for the purpose of translation into another language; and creating of an
edited version and enhancement of work are permitted provided all original work of the
author and illustrator must be acknowledged and the copyright must be attributed. No work
may be derived from any part of this material for commercial purposes and profit.

This material has been approved and published for online distribution through the
Learning Resource Management and Development System (LRMDS) Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph).
“ANG LAMPARA NI NENA”
Writer: FRELYN L. ALIMANE
Illustrator: JOHN MICHAEL B. DEGILLO

LYNN T. MALVAS
District LRMS Coordinator

HENRIE J. MACAHILOS
School Head

EIGGY D. YAP, PhD


Public Schools District Supervisor

Division LRMDS Quality Assurance Team:

OTHELO BEATING
Project Development Officer II, LRM

RAULITO D. DINAGA
Education Program Supervisor, LRM

Approved for the use of the Schools Division:

ZALDY H. RELIQUIAS, Ph. D.


Chief – Curriculum Implementation Division

LYNEE A. PEÑAFLOR SALVACION J. SENAYO


Assistant Schools Division Superintendent OIC - Assistant Schools Division Superintendent

ANTHONY H. LIOBET, CESO V


Schools Division Superintendent
Learning Competencies for Filipino Grade VI

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang


pabula, kuwento, tekstong Pang -impormasyon at usapan (F6PN-
Ia-g-3.1F6PN-Ia-g-3.1F6PB -Ic-e-3.1.2F6PN-Ia-g-3.1)
Nasasagot ang tanong na bakit at paano F6PB-If-3.2.1
Napagsunod -sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng
nakalarawang balangkas at pamatnubay na tanong F6PB-Ib-5.4,
F6RC-IIe-5.2
Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari ba-
go, habang at matapos ang Pagbasa F6PN-Id-e-12, F6PB-IIIf-24
Treasury of Storybooks

This Storybook is a product of the National Competition on Story-


book Writing 2022 of the Department of Education.
Pursuant to the Intellectual Property Code of the Philippines, no
copyright shall subsist in this work of Government of the Philip-
pines. However, prior approval of the Department of Education
shal be necessary for exploitation of such work for profit. DepEd
may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties. No prior approval or conditions shall be required for use
for any purpose of statues, rules and regulations and speeches lec-
tures, sermons addresses and dissertations, pronounced, read or
rendered in courts of justice, before administrative agencies, in
collaborative assemblies and meetings of public character.

For the purpose of citation, the following isrecommended

DEVELOPMENT TEAM
1
Sa malayong bukid nakatira ang pamilya ni
Mang Emil at Aling Elsa. Sila ay nabibilang
sa pangkat Etnikong Mandaya. Malayo sa
kabihasnan ang kanilang lugar. Sila ay
biniyayaan ng anim na supling. Isa na rito si
Nena na katuwang sa hanapbuhay ng
kanyang ina.

2
Madaling araw palang ay abala na si Aling Elsa
sa paghahanda ng pagkain ng kanilang pamilya.
Tinitiyak niya na bago dumating ang asawa ay
tapos na siya sa pagluluto ng agahan. Habang si
Mang Emil namanay bitbit ang basket na puno
ng isda na kanyang nahuli mula sa
kanilang sumbada sa ilog

3
Pagkatapos magluto ng agahan ni Aling Elsa, siya
ay maglalako na ng isda katulong si Nena. Isda,
isda, isda po kayo riyan.”
Sigaw ni Nena. “Anak, baka tanghaliin ka sa klase
mo, ako na lang ang magbebenta sa kabilang
ibayo,” wika ng ina. “Okey lang po inay,
sasamahan ko po kayo kasi ang bigat nito.
Madilim pa naman po. Madalas ako po ang
nauuna sa silid-aralan namin,” sagot ni Nena.

4
Hindi alintana ang pagod, tangan ng
mag-ina ang takuyan na puno ng isda
paikot ng baryo. Madalas ay naawa si Aling Elsa
kay Nena dahil sa payat at maliit ang katawan nito.
Kaya minsan hindi na niya pinapasama sa
pagtitinda.

5
Ngunit, sadyang madiskarteng bata si Nena at
hindi nahihiya sa kanyang ginagawa lalo na kung
makakatulong ito sa kanya at sa pamilya. Kahit
madilim pa ay sinasalubong nito ang kanyang mga
kuya at ama sa ilog dala ang kanilang lamparang
gawa sa malaking bote.

6
“Kuya, ang dami nito! Maaari pa itong
ibenta kasi sariwa pa.” sabi ni Nena sa
nakatatandang kapatid. “Oo, magkakapera pa tayo
nito,” sagot ng kanyang kuya. Matiyagang inaalis
ni Nena ang mga isdang natitira sa lambat at
ilalako niya ito sa kabahayan upang may
maipambili siya ng papel at lapis. Yan ang
kinalakihang pamilya ni Nena.

7
Ngunit minsan sila ay sinubok ng
kapalaran. Nagkaroon ng mabigat na suliranin
ang kanyang pamilya.
Napagpasyahan ng kanyang mga
magulang na ipagbili ang kanilang “sumbada”
isang maliit na bahay sa ilog kung saan hinuhuli
ang mga isda.

8
Nagsipaghinto ang kanyang mga kapatid sa
pag-aaral at sumama sa lugar ng kanilang ama
upang doon muling magsimula. “Inay, ayoko
pong sumama sa inyo. Nais ko pong
makapagtapos ng aking pag-aaral. Ayoko ko
pong huminto,” nagmamakaawang pakiusap
nito sa ina.

9
“Anak, kung hindi ka sasama, maiiwan ka
ditong mag-isa. Walang mag-aasikaso sa iyo.”
Naiiyak na sagot ng ina. “Inay, kaya ko na po
ang sarili ko. Ako na po ang bahala sa sarili ko.
Isa lang po ang pakiusap ko, pakilagyan po ng
maraming gas ang ating “lamparilya” upang
may magamit ako sa aking pag-aaral.
May kasama po ako lagi, ang ating mahal na
Diyos. ” pagtitiyak ni Nena sa ina.

10
Walang nagawa ang mga magulang ni Nena.
Napilitang iwan siya sa lugar ng kanyang ina
dahil ayaw ihinto ang pag-aaral kahit na nasa
murang edad at siya ay nasa kalagitnaan na ng
ikalawang baitang pa lamang. Ipinagpatuloy ni
Nena ang buhay mag-isa. Sa tuwing Sabado at
Linggo, nangunguha siya ng kabibe, at
alimango sa ilog. Minsan naman ay
namimingwit upang makabenta at makabili ng
bigas at mga gamit sa kanyang pag-aaral.

11
Kapag nagkapera ay bumibili siya ng
kamoteng-kahoy sa bukid upang gawing
“baki”, kilalang pagkain ng mga Mandaya na
tinatawag na suman sa wikang Filipino.

12
Mahigit dalawang taon ding namuhay mag-isa
si Nena hanggang sa kunin na siya ng kanyang
ina at inilipat sa paaralan malapit sa bagong
tinitirahan nila. Batid ng bata na may
dinadalang malubhang sakit ang ina kaya hindi
na siya umaasa sa kanyang mga magulang.
Naghanap siya ng iba pang mapagkakakitaan
dahil lumalaki na ang kanyang mga gastusin sa
paaralan.

13
Bukod sa pangingisda at pangunguha ng mga
kabibe, nangunguha rin siya ng mga pako o
“edible fern”, puso ng saging, talbos ng kamote
at kangkong at itinitinda niya ang mga ito sa
bayan. Naglalaba din siya ng mga damit ng
kanyang guro upang madagdagan ang kanyang
kita.

14
Masipag din mag-aral si Nena.
Hatinggabi siya madalas kung mag-aral ng ka-
nilang mga aralin gamit ang lamparang iniwan
ng kanyang ina. Kahit malayo sa mga magulang
at kapatid si Nena, naging tapat siya sa kanila at
sa sarili. Napagtanto niyang kapag siya ay
nagsinungaling ay parang niluko na din niya
ang kanyang sarili.

15
Naitaguyod ni Nena ang kanyang pag-aaral
nang mag-isa. Sa kabila ng kahirapan, siya ay
determinadong makapagtapos ng pag-aaral.
Naniniwala si Nena na ang buhay ay katulad ng
kanyang lampara. Nag-aalab kapag may gas at
mananatili itong nakasindi. Ganoon din ang
taong may matayog na pangarap. Kailangan pag
-alabin ang damdamin upang makamit ang mga
naisin sa buhay.

16
Nang dahil sa lampara na nagsilbing
tanglaw at gabay ni Nena, siya ay nakapagtapos
sa kursong edukasyon. Ngayon, isa na siyang
kilalang guro sa kanilang komunidad.

17
Mga Katanungan

1. Ano ang pamagat ng kuwento?

2. Sino ang may akda ng kuwento?

3. Sinu-sino ang mga magulang ni Nena?

4. Anu-ano ang kanilang hanapbuhay?

5. Saan inilalako ni Nena ang kanyang mga

paninda?

6. Kailan lumipat sa ibang bayan ang kanyang mga

magulang at kapatid?

7. Bakit hindi sumama si Nena sa kanyang pamilya?

8. Paano itinaguyod ni Nena ang kanyang pag-aaral?

9. Kung sumama si Nena sa kanyang mga kapatid at

magulang, ano kaya ang nangyari sa kanya?

Bakit?

10. Ano ang magandang aral ng kuwento?


Subject:

FILIPINO
Intended for:

GRADE 6
Learning Competency:

Code Objective
F6PN-Ia-g-3.1
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
F6PN-Ia-g-3.1
napakinggang/nabasang pabula, kuwento,
F6PB -Ic-e-3.1.2
tekstong Pang -impormasyon at usapan
F6PN-Ia-g-3.1
F6PB-If-3.2.1 Nasasagot ang tanong na bakit at paano
F6PB-Ib-5.4 Napagsunod -sunod ang mga pangyayari sa
F6RC-IIe-5.2 kuwento sa tulong ng nakalarawang balangkas at
pamatnubay na tanong
F6PN-Id-e-12 Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga
F6PB-IIIf-24 pangyayari ba-go, habang at matapos ang
Pagbasa

Values Integrated:

“Manalig lagi sa mahal na Panginoon at maging matatag sa lahat


ng panahon.”

“Ang pagiging matapat ay daan upang magtagumpay sa


buhay.”
Buod ng Kuwento

Ang kuwentong “Ang Lampara ni Nena” ay tungkol sa


isang batang matagumpay na naabot ang matayog na
pangarap. Siya ay kabilang sa tribung Mandaya. Sa murang
edad, itinaguyod niya ang kanyang pag-aaral nang mag-isa
dahil sa mataas ang kanyang pagpapahalaga sa edukasyon.
Hindi niya ininda ang matinding pangungulila at kahirapan.
Bagkus, siya ay nagsikap at itinaguyod ang kanyang sarili at
pag-aaral nang mag-isa. Gumawa siya ng paraan sa
pamamagitan ng paglalako ng isda. Hindi nagpatinag si Nena
sa kabila ng mabigat na suliranin ng pamilya. Ipinagpatuloy
niya ang buhay mag-isa nang iwan siya ng kanyang pamilya.
Tanging hiling lang niya sa kanyang ina na lagyan ng
maraming gas ang kanilang lampara upang may magamit siya
sa kanyang pag-aaral. Nangunguha siya ng mga kabibe, at
alimango sa ilog. Gumagawa din siya ng “baki” kilalang
pagkain ng mga Mandaya. Nagtitinda rin siya ng pako o
“edible fern”, puso ng saging, talbos ng kamote, kangkong sa
bayan at naglalaba ng mga damit ng kanyang guro upang
madagdagan ang kanyang kita. Naging puhunan ni Nena ang
kasipagan, determinasyon at matinding pananampalataya sa
Diyos upang manatiling nakasindi ang kanyang lampara
hanggang sa maabot ang kanyang minimithing pangarap sa
buhay, ang maging isang guro.
Tungkol sa May-akda

Si FRELYN L. ALIMANE, Master


Teacher II, ay nagtuturo sa Guiljungan
Elementary School, Distrito ng
Cauayan I, Division of Negros
Occidental.
Siya ay nagtapos ng Doctor of
Philosophy major in Educational
Management mula sa Central Philippines State University,
Kabankalan City, Negros Occidental noong Abril, 2013.

Si JOHN MICHAEL B. DEGILLO,


Teacher I, ay nagtuturo sa Guiljungan
Elementary School, Distrito ng
Cauayan I, Division of Negros
Occidental.
Siya ay nagtapos ng Bachelor in
Elementary Education major in
General Education mula sa Central
Philippines State University – Cauayan Campus, Cauayan,
Negros Occidental noong Abril, 2013.

You might also like