Esp5 - q4 - Mod3 - Kabutihan para Sa Kapwa Ko Ipagdarasal Ko

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

5

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Kabutihan Para sa Kapwa Ko,
Ipagdarasal Ko
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Kabutihan Para sa Kapwa Ko, Ipagdarasal Ko
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Eden R. Mirador


Co-Author - Content Editor : Gelliza Z. Quiambao
Co-Author - Language Reviewer : Marlon D. Paguio
Co-Author - Illustrator : Renalyn L. Muli
Co-Author - Layout Artist : Jennifer G. Cruz

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Assigned District : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
Teacher District LRMDS Coordinator : Jennifer G. Cruz
District SLM Content Editor : Alma Q. Flores
District SLM Language Reviewer : Cris V. Regala

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


OIC-Schools Division Superintendent : Roland M. Fronda, EdD, CESO VI
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, ESP/Values : Jacqueline C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Printed in the Philippines by Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102 E-mail Address: [email protected]
5

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Kabutihan Para sa Kapwa Ko,
Ipagdarasal Ko
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin(

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang maipakita ang
tunay na pagmamahal sa kapwa.
Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:
● Naipapakita ang pakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat.
(EsP5PD-Iva-d-14)

Subukin

Isulat ang OPO kung ang pahayag ay nagsasaad ng pakikiisa sa pagdarasal para sa
kabutihan ng lahat at HINDI PO kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

1. Ang magkaibigan na sina Patrice at Nicole ay patungo sa bahay dalanginan


upang maglaan ng oras para sa pagdarasal.

2. Ipinagdarasal ni Joy ang kaligtasan ng mga frontliners.

3. Nakikipagkuwentuhan si Allan sa kaniyang katabi habang tahimik ang lahat


sa pananalangin.

4. Isinasama ni Precious sa kaniyang panalangin ang mga kamag-anak niya na


nasa ibang bansa.

5. Iniiwasan ni Veronica na sumama sa kaniyang mag-anak sa pagdarasal sa


orasyon.

6. Pinipili lamang ni Panday ang kaniyang ipinagdarasl.

7. Nabalitaan ni Nicole na naaksidente ang kaklase niyang si Thea. Agad naman


niyang ipinagdasal ang mabilis nitong paggaling.

8. Nakapaglalaan ng oras si Merly upang ipanalangin ang kaligtasan ng


kaniyang pamilya at mga kaibigan bago siya matulog.

9. Hinihiling ni Cassh na matapos na ang pandemya upang makabalik na sa


dating masaya at may kalayaan na pamumuhay ang lahat.

10. Iniiwan ni Patrick ang kaniyang mga kapatid sa pananalangin kapag siya ay
nainip na.
Aralin
Kabutihan Para sa Kapwa
1 Ko, Ipagdarasal Ko

Naranasan mo na ba ang humiling sa Diyos para sa kapwa mo?


Napakasarap sa pakiramdam kung tayo ay tumutulong at gumagawa ng mabuti.
Higit tayong kinalulugdan ng Diyos kung ang ating hangarin ay para sa ikabubuti
ng ating kapwa. Kung nais mo na pagpalain ka ng Diyos, ipagpatuloy mo ang
pagdarasal para sa kabutihan ng lahat.

Balikan

Lagyan ng tsek (∕) ang bilang ng pangungusap na nagpapakita ng pagmamahal sa


kapwa at ekis (X) naman kung hindi. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

1. Nakapaglalaan ng oras para magbigay ng tulong sa mga


nangangailangan.

2. Pang-aabuso sa kapangyarihan.

3. Pagpapakita ng pagkadismaya sa pag-unlad ng kamag-anak.

4. Pagbibigay ng respeto o paggalang sa mga piling tao lamang.

5. Nagkukusang magbigay ng tulong kahit walang hinihintay na


kapalit.
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral mula
ikalimang baitang upang maipakita ang tunay na pagmamahal sa
kapwa sa pamamagitan ng pakikiisa sa pagdarasal para sa
kabutihan ng lahat.

Tuklasin

Tara! Ayain mo ang mga kasama sa bahay upang basahin ang maikling tula.
Tuklasin kung paano mo maipadarama ang pagmamahal para sa kapwa sa
pamamagitan ng pagdarasal.

“Kabahagi Ka”
ni Eden R. Mirador

Mahaba-haba na rin ang panahon na lumipas,


Mula nang sa nakagawiang bagay ay tumaliwas;
Araw, linggo, buwan at taon na nga,
Ang kalayaan natin ay tila nawala.
Pandemya, kailan ka magwawakas?
Palahaw ng mga bata dahil sa gutom ay napakalakas,
Mga magulang nila'y wala ring magawa,
Sa kahirapan ay lalong hindi na nakawala.

Kapwa, ikaw na lang ang natitirang sandigan


Sa ganitong panahon, sana ikaw ay maasahan
Kumilos,tumulong nang walang kapalit
Kung ikaw ay nakaluluwag at hindi nagigipit.

Sa panalangin ay maari ka ring makibahagi,


Manalig na ang Panginoon ay makikinig
Lumuhod, mag ayuno, sumabay na kayo.
Ako… ikaw… oo, tayo.

Nagustuhan mo ba ang tula? Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang
iyong sagutang papel.

1. Tungkol saan ang tula?

2. Sino-sino ang dapat na nagmamalasakit para sa isa’t isa ayon sa tulang


iyong binasa?

3. Ano ang masasabi mo tungkol sa tula?

4. Sa paanong paraan ka makatutulong sa iyong kapwa?

5. Sino-sino ang nais mong isama sa iyong panalangin? Bakit?

Suriin

Ang bawat isa sa atin ay may likas na kabutihan sa ating mga puso. Tayo ay nilikha
ng Diyos na may mabuting kalooban.
Lagi nating hangarin ang kabutihan para sa ating kapwa. Higit nating maipakikita
ito kung tayo ay matututong makiisa sa pagdarasal para sa ikabubuti ng lahat.
Pagyamanin

Gawain 1: Basahin ang sumusunod na sitwasyon at isulat ang titik ng iyong sagot.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Nalaman mong may malaking suliranin ang iyong matalik na kaibigan at


nahihirapan siyang lutasin ito nang mag-isa. Ano ang dapat mong gawin
upang matulungan siya?
a. Hahayaan ko siyang lutasin ito nang mag-isa.
b. Tatanungin ko siya kung ano ang aking maitutulong.
c. Sasabihin ko ang kaniyang suliranin sa kaniyang magulang.
d. Aayain ko siyang maglaro.

2. Nasalanta ng bagyo ang lugar ng Isabela. Marami kang damit na hindi mo na


ginagamit. Paano ka makatutulong?
a. Ipagbibigay alam ko sa aking magulang na madami akong damit na hindi
na ginagamit at nais ko itong ibahagi sa mga nasalanta ng bagyo.
b. Itatapon ko sa basurahan ang mga damit na hindi na ginagamit.
c. Ibebenta ko sa murang halaga ang mga luma kong damit.
d. Gagawin ko na lamang itong basahan.

3. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa iyong kapwa?


a. Pagrespeto sa kaniyang pagkatao at pagtanggap sa kaniya kahit ano pa
man ang estado niya sa buhay.
b. Pagsuporta sa kaniyang mga desisyon na napagpasyahan.
c. Pagpuna sa kaniyang mga kamalian at hindi pagkunsinti sa mali niyang
gawain.
d. Lahat ng nabanggit.

4. Nakita mong tinutukso ng iyong kapwa bata ang mga pulubi. Ano ang gagawin
mo?
a. Sasali ako sa mga batang tumutukso.
b. Iiwan ko na lamang sila.
c. Pagbabawalan ko ang mga batang tumutukso at sasabihing hindi tama
ang kanilang ginagawa.
d. Tatawag ako ng ibang bata para damayan ang mga pulubi.

5. Ano ang iyong gagawin kung mayroon kang kaibigan na tinamaan ng


COVID19?
a. Bilang pag-iingat ay hindi na ako lalapit sa kaniya kahit kailan.
b. Ipagdarasal ko ang mabilis niyang paggaling.
c. Ayaw ko na siyang maging kaibigan.
d. Hindi ko na siya kakausapin.
Gawain 2: Iguhit ang masayang mukha ( ) kung ginagawa mo ang mga
susumunod at malungkot ( ) naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

1. Isinasama ko sa aking pagdarasal ang aking mga kaibigan bago ako matulog.
2. Ipinagsasawalang bahala ko ang kapakanan ng aking kapwa.
3. Tumutulong ako sa mga nangangailangan.
4. Ginagamit ko ang aking oras sa mga bagay na walang kabuluhan.
5. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa ibinibigay niyang pagpapala.
6. Nagbibigay ako ng panahon sa kaibigan kong nangangailangan ng tulong
para sa aming proyekto.
7. Tinutulungan ko sa pagbubuhat ng kaniyang ipinamili ang matandang
mahina na.
8. Nagagalit ako sa aking kaibigan kapag hindi niya ako sinusunod.
9. Ikinatutuwa ko ang pag-unlad sa buhay ng aking mga kamag-anak.
10. Mahilig akong sumali sa gulo.

Isaisip

Isulat sa graphic organizer ang lipon ng mga salita na nagpapahayag ng kabutihan


para sa kapwa. Gawin ito sa sagutang papel.

-Pagtulong sa matanda sa pagtawid sa daan

-Pagbibigay ng pagkain sa mga pulubi


-Pag-aalaga sa mga may kapansanan

-Pagtatakwil sa mga magulang

-Pagtatrabaho para sa pamilya


-Pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo
Pagpapakita ng
kabutihan sa kapwa

Isagawa

Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Ano ang iyong gagawin upang


maipakita ang iyong pagmamalasakit sa kapwa? Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1. Habang naglilinis, narinig mo ang usapan ng iyong mga kapatid na


nagkaroon ng sakit ang iyong guro.
2. Nakita mong bihis na bihis ang iyong kaklase at pupunta ito sa inyong
paaralan upang kumuha ng modyul. Alam mong bawal lumabas ang mga
batang tulad ninyo na wala pa sa hustong gulang.
3. Nabalitaan mo na pupunta sa barangay si Aling Mila dahil napabalitang may
magbibigay ng rasyon. Ngunit alam mo na hindi ito totoo dahil doon
nagtatrabaho ang iyong ina.
4. Nakapulot ng malaking halaga ang kaibigan mong si Loida habang kayo ay
naglalakad sa daan. Sinabi niya sa iyo na paghatian na lamang ninyo iyon.
5. Nakita mo na si Nica ang nagsasagot ng gawaing ibinigay ng inyong guro
para sa iyong matalik na kaibigan na si Veron.

Tayahin

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon sa ibaba. Isulat ang Tama kung ito ay
nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at Mali naman kung hindi. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.
1. Tutulong ako sa mga nasalanta ng bagyo kahit sa maliit na paraan lamang.
2. Iiwas ako sa mga organisasyon na nanghihingi ng tulong para sa mga biktima ng
pandemya.
3. Ibibigay ko sa mga nasunugan ang mga napaglumaang mga gamit tulad ng mga
damit at sapatos na maayos pa at maaari pang gamitin.
4. Sasali ako sa mga proyekto ng paaralan tungkol sa pagtulong sa abot ng aking
makakaya.
5. Nagbibigay malasakit ako sa mga nabiktima ng mga kalamidad.
6. Wala akong pagmamamalasakit sa iba lalong-lalo na sa mga batang lansangan.
7. Tumutulong ako sa pagbigay ng kaagapang lunas kapag may kaklase akong
nasugatan.
8. Iniiwasan ko ang pakikisalamuha sa mga nasalanta ng bagyo upang hindi ako
mahingan ng pera.
9. Iniintindi ko muna ang sarili kaysa pagtulong sa kapwa.
10. Naglalaan ako ng kaunting abuloy para sa mga namatayan.

Karagdagang Gawain

Ngayon ay subukin mong ipamalas ang angking talento sa paggawa ng tula.

Gumawa ng tula na nagpapakita ng pakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng


lahat. Gamitin ang rubriks sa ibaba bilang gabay sa pagkuha ng mataas na iskor.
Gawin ito sa sagutang papel.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Rubrik sa Pagsulat ng Maikling Tula

Nangangaila-
Napakagaling Magaling Katamtaman ngan
Puntos
(5) (4) (3) ng Pagsasanay
(2)
Napakalalim at Malalim at Bahagyang may Mababaw at
makahulugan makahulugan lalim ang literal ang
ang kabuuan ng ang kabuuan ng kabuuan ng kabuuan ng
tula tula tula tula
Gumamit ng Gumamit ng Gumamit ng 1- Wala ni isang
simbolismo/ ilang 2 simbolismo pagtatangkang
pahiwatig na simbolismo/ na nakalito sa ginawa upang
nakapagpaisip pahiwatig na mga makagamit ng
sa mga bahagyang mambabasa. simbolismo
mambabasa. nagpaisip sa mga Ang mga salita Walang sukat
Piling-pili ang mambabasa. ay di-gaanong at tugma kung
mga salita at May ilang piling pinili. may naisulat
pariralang salita at May pagtatang- man.
ginamit pariralang kang gumamit
Gumamit ng ginamit. ng sukat at
napakahusay at May mga sukat at tugma ngunit
angkop na tugma ngunit halos
sukat at tugma may bahagyang inkonsistent
inkonsistensi lahat.
Karagdagang Tayahin: Isagawa:
Gawain:
1. tama - depende sa sagot
- depende sa rubrik 2. mali ng bata
3. tama
4. tama
5. tama
6. mali
7. tama
8. mali
9. mali
10.tama
Isaisip: Pagyamanin: Balikan: Subukin:
Gawain 1
-Pagtulong sa 1. b 1. ∕ 1. Opo
matanda sa 2. a 2. X 2. Opo
pagtawid sa daan 3. d 3. X 3. Hindi po
-Pagbibigay ng 4. c 4. ∕ 4. Opo
pagkain sa mga 5. b 5. ∕ 5. Hindi po
pulubi 6. Hindi po
-Pag-aalaga sa mga Gawain 2 7. Opo
may kapansanan 8. Opo
1.
-Pagtatrabaho para 9. Opo
2.
sa pamilya 10. Hindi po
3.
-Pagbibigay ng
4.
tulong sa mga
5.
nasalanta ng bagyo
6.
7.
8.
9.
10.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
YLARDE, Z. and GLORIA, P., 2016. UGALING PILIPINO SA MAKABAGONG PANAHON.
QUEZON CITY: VIBAL GROUP INC.

Materials, Teaching, Reading Articles, and Be Contributor. "Most Essential Learning


Competencies (MELC) KG To Grade 12 SY 2020-2021". Deped Click,
2020. https://www.deped-click.com/2020/05/mostessential-learning-
competencies.html
"K To12 Gabay Pangkurikulum Edukasyon Sa Pagpapakatao”.Deped.Gov.Ph, 2016.
https://www.deped.gov./wpcontent/uploads/ 2019/01/ESP-LM’s.pdf
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: [email protected]

You might also like