Q3 Exam Coverage

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 40

IKATLONG

MARKAHAN
SEX (SEKSO)
Tumutukoy sa pisikal,
pisyolohiko, at
biyolohikong katangian na
taglay ng lalaki at babae.
KASARIAN(GENDER)
Tumutukoy sa mga
tungkulin, gampanin,
aktibidad, at gawi na
itinalaga ng isang lipunan
para sa kababaihan at
kalalakihan.
ORYENTASYONG
SEKSWAL AT
LGBT
ORYENTASYONG SEKSWAL
Ito ay may kinalaman sa pangkasariang kamalayan ng isang tao.
 
Tumutukoy ito sa kakayahan ng isang tao na makilala at
matanggap ang malalim na atraksyong apeksyonal, emosyonal at
seskwal tungo sa kapwa tao. Ito ay maaaring katulad ng sa
kanya, iba sa kanya o kasariang higit sa isa.
URI NG ORYENTASYONG SEKSWAL

Heteroseksuwal - Sila ang mga tinatawag na tuwid


(straight). Sila ang mga taong nagkakaroon ng atraksyon
o naaakit sa kaibang kasarian.

Homoseksuwal - Sila naman ang mga taong nagkakaroon


ng malalim na interes o naaakit sa kaparehas na kasarian.
LGBT
Lesbian
Tawag sa mga tao na ang sekso ay babae na may
atraksiyon sa kapwa babae ang sekso.

Gay
Tawag sa mga tao na ang sekso ay lalaki na may
atraksiyon sa kapwa lalaki ang sekso.
LGBT
Biseksuwal
Tawag sa mga taong maaring nagkakagusto sa
parehong lalaki at babae

Transgender
Mga taong naniniwala na ang kanilang identidad
at ekspresiyong pangkasarian ay iba sa kanilang
gender role batay sa kanilang sekso ang kanyang
kasarian ay hindi umaayon sa kanyang sekso
Iba pang Oryentasyong Sekwal

Asekswal (Asexual)
Mga taong hindi naaakit o walang
nararamdamang atraksyon sa kahit anong
kasarian. 

Queer- mga taong hindi pa tiyak o sigurado


sa kanilang sekswal na
pagkakakilanlan.
Iba pang Oryentasyong Sekwal

Intersex - kilala mas karaniwang bilang


hermaphroditism, ito ay estado ng pagiging
pinanganak na may sekswal anatomy na hindi akma
ang standard ng lalaki/babae kahulugan.

Pansexual - ito ay tawag sa mga taong may sekswal,


romantiko o emosyonal na atraksyon sa isang tao
anuman ang kanilang kasarian . Ang mga pansexual na
tao ay itinuturing nila ang kanilang sarili na sila ay bulag
sa kasarian o Gender Blind
Gender Role sa Iba’t
ibang panig ng daigdig
Ano ang Gendre Role?

Ang gender role ay ang itinakdang mga pamantayan na


tinatanggap ng karamihan bilang basehan ng pagiging babae o
lalaki. Ito ay batay sa panlipunan o interpersonal na ugnayan.

Ang mga gender role sa lipunan ay nangangahulugan kung paano


tayo inaasahang kumilos, magsalita,
manamit, mag-alaga, at mag-uugali batay sa
nakatalaga sa ating kasarian.
AFRICA AT
KANLURANG
ASYA
Sa mga rehiyong ito ng mundo, mahigpit ang lipunan para sa
mga babae lalo na sa miyembro ng komunidad ng LGBT. Matagal
ang panahong hinintay ng mga babae upang
mabigyan sila ng pagkakataong makahok sa proseso ng
pagboto.
Nito lamang ikalawang bahagi ng ika-20 siglo nang payagan ng
ilang bansa sa Africa at kanlurang Asya ang mga babae
na makaboto. Ngunit nananatili ang kaharian ng Saudi Arabia sa
paghihigpit sa mga kababaihan.
Bukod sa hindi pagboto, may pagbabawal din sa
mga babae na magmaneho ng sasakyan nang
walang pahintulot sa kamag-anak na lalaki
(asawa, magulang o kapatid).

Ang paglalakbay rin ng mga babae ay


napipigilan sapagkat may ilang bansa na hindi
pinapayagan ang mga babae na maglakbay
nang mag-isa o kung payagan man ay
nahaharap sa malaking banta ng pang-aabuso
(seksuwal at pisikal).
Ayon sa datos ng World Health Organization
(WHO), may 125 milyong kanabaihan (bata at
matanda) ang biktima
ng Female Genital Multilation (FGM) sa 29 na
bansa sa Africa at kanlurang Asya.

Napatunayan ng WHO na walang


benepisyong-medikal ang FGM sa mga
babae,ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri
ng gawain dahil sa impliwensiya ng tradisyon
ng lipunang kanilang ginagalawan.
“Female Genital Multilation o FGM ”
ay isang proseso ng pagbabago ng ari ng
kababaihan (bata o matanda) nang walang
anumang benepisyong medikal.

Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong


walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay
maikasal. Walang basehang-panrelihiyon ang paniniwala
at prosesong ito na nagdudulot ng impeksyon, pagdurugo, hirap
umihi at maging kamatayan.
“Ang Ganitong gawain ay maituturing na paglabag
sa karapatang pantao ng kababaihan.”
Sa bahagi ng South Africa, may mga kaso ng
gang-rape sa mga lesbian(tomboy) sa
paniniwalang magbabago ang oryentasyon
nila matapos silang gahasain.

Bukod pa rito, ayon na rin sa ulat


na inilabas ng United Nation Human Right
Council noong
taong 2011, may mga kaso rin ng karahasang
nagmumula sa
pamilya mismo ng mga miyembro ng LGBT.
pilipinas
Tradisyonal na pinaniniwalaan na ang mga lalaki ang
pangunahing naghahanapbuhay habang ang mga babae ang
may pananagutan sa panganganak.
Sa Pilipinas mahigpit pa rin ang pagkakatali ng mga kababaihan
sa kanilang tradisyonal na tungkulin, ina, asawa, at kasambahay.
Mas marami ang mga lalaki kaysa mga babae na nagtatrabaho
sa mga industriyang nakabase sa kagubatan gayundin sa sector
ng pangisdaan. Ang mga kababaihan ay nakikibahagi sa halos
lahat ng larangan ng produksyon ng bigas.
Ano ang binukot?

Ang BINUKOT ay mga babae na


itinatago sa mata ng publiko.
Itinuturing silang prinsesa. Hindi sila
pinapayagang umapak sa lupa at hindi
pinapayagang Makita ng kalalakihan
hanggang magdalaga. Ito ay isang
kultural na kasanayan sa Panay.
Ayon sa BOXER CODEX, ang mga lalaki ay
pinapayagang magkaroon ng maraming
asawa subalit maaaring patayin ng lalaki
ang kaniyang asawang babae sa sandaling
Makita niya itong kasama ng ibang lalaki.
Ipinakikita sa kalagayang ito na mas
Malaki ang karapatan na tinatamasa ng
kalalakihan noo kaysa sa kababaihan.
Pag dating sa hiwalayan:
Lalaki- Maaari niyang angkinin ang mga binigay na ari-arian at
kayamanan na ibinigay niya sa babae
Babae- Wala siyang makukuha
American Era
Nagdala ng ideya ng kalayaan,
karapatan, at pagkakapantay-pantay sa
Pilipinas. Pampublikong paaralan para
sa lahat, mahirap o mayaman. Dahil
dito, marami na ring babae ang
nakapag-aral Maaari na ring bumoto
ang mga kababaihan, dulot ng espesyal
na plebesito na ginanap noong Abril 30
1937. 90% ang pabor sa pagboto ng
mga kababaihan.
Japanese Era
Habang nangyayari ang pangalawang
pandaigdigang digmaan ang lahat ay kabilang sa
pakikipaglaban.
Mayroong mga kababaihang naiwan may trabaho o
wala sa kanilang bahay para asikasuhin ang pamilya.
Comfort woman.
Sa Kasalukuyan
Marami nang mga pagbabago ang ibinigay (dulot ng pagbabago ng
panahon) sa lahat; babae o lalaki, mahirap o mayaman, at maging na
rin sa LGBTQ+,lahat tayo ay may karapatang pantay sa trabaho o
lipunan.
PASIPIKO- PAPUA
NEW GUINEA
Sa Papua New Guinea ang mga lalaki ay madalas na nakakataas,
sila ang superior at ang may mataas na edukasyon. Habang ang
mga babae naman sa Papua New Guinea ay nakikita bilang isang
bagay na maaaring ikalakal para sa pera, at sila ay madalas maging
mal-nutrition, mabuntis at mag kasakit dahil sa pang aabuso.
Noong taong 1931, ang antropologong
nagngangalang Margaret Mead at kaniyang asawa
na si Reo Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik
sa Papua New Guinea upang pag-aralan ang mga
pangkulturang pangkat sa lugar na ito.
Sa pananatili nila roon ay natagpuan nila ang
tatlong pangkulturang pangkat.
Arapesh
Nang marating nila ang Aparesh [na
nangangahulang 'Tao'] Sinasabi na
walang pangalan ang mga namumuhay
sa komunidad ng Arapesh. Ayon sa pag-
aaral, pantay ang paghahati ng lalaki at
babae sa pag-aalaga sa kanilang
pamilya, at may kooperasyon sa isa't-isa,
pati na rin sa kanyang lugar na
nasasakupan.
Mundugumur
Samantalang sa pamamalagi nila sa
Mundugumur [o kilala rin sa tawag na
'Biwat’] ang mga babae at mga lalaki
ay kapwa matapang, agresibo,
bayolente, at naghahangad ng
kapangyarihan o posisyon sa kanilang
pangkat.
Chambri
Ang Tchambuli [o tinatawag rin na'Chambri’].
Ang mga babaeng nagmula sa Chambri ay
sinasabing may importante at mabigat na
ginagampanan sa kanilang komunidad
sapagkat sila ang inaasahan maghanap-buhay
para sa kanilang pamilya, at mas may
kapangyarihan. Ayon sa pag-aaral, ang
kanilang pangunahing ikinabubuhay ay ang
pangingisda. Ngunit kahit na
makapangyarihan ang mga kababaihan sa
kanilang komunidad, sila ay inaasahan na
maging mabuting asawa.
Usapin tungkol sa
Diskriminasyon
DISKRIMINASYON - isang pagtrato sa isang tao sa hindi patas at
pantay na pamamaraan dahil sa mga taglay nitong pisikal o
mental na kaanyunan.

SEX DISCRIMINATION/GENDER
DISCRIMINATION – di pantay na
pagtingin dahil sa kanilang sekso o
kasarian.
Dalawang uri ng diskriminasyon at
proteksiyon

1.Tuwirang diskriminasyon- tumutukoy sa isang


indibidwal na mas mababa na hindi kapantay ng
ibang indibidwal dahil sa kanyang kasarian.

2. Di-tuwirang diskriminasyon- ay nangyayari


kung mayroong mga pamantayan o patakaran
na ipinatutupad para sa lahat.
Ang Gender Inequality o ang hindi pantay na pagtuturing
ng karapatan, responsibilidad, at oportunidad dahil sa
kasarian ay isang anyo ng diskriminasyon.

MISOGYNISTIC - Ang pagnanais na limitahan ang papel at


kahalagahan na nagagawa ng kababaihan
- repleksyon ng ng gender diskrimination
Upang sukatin ang lawak ng hindi pagkakapantay pantay ng mga
kasarian, ginagamit ng United Nations Development Programme (UNDP)
ang Global Inequality Index (GII)
Ang pagpupuntos ay mula 0 hanggang 1 ibig sabihin ng 0 ay pantay
ang mga lalaki at lalaki, samantalang ang 1 ay nagsasaad na dehado
ang isang kasarian sa lahat ng dimensiyon.
Ang Gender Development Index (GDI) naman ay isang panukat
ng pagkakapantay pantay ng mga kababaihan at kalalakihan.
• Sinusukat nito ang haba ng buhay, pag-aaral, kita bawat tao
kapuwa sa kababaihan at kalalakihan. ( samakatuwid sinusukat
nito ang agwat ng pag-unlad ng kalalakihan at kababaihan)
Nitong nakaraang siglo lamang unti-unting nagkaroon ng malawak na
partipasyon ang kababaihan sa larangang politikal at sibil.

Kasapi ng mga kilusan o organisasyong pambabae na


nagsusulong sa karapatang bumuto at kumandidato
New Zealand (1893) Patuloy pa itong nadagdagan
Australia (1902) matapos ang mga digmaang
Finland (1906) pandaigdig.
Norway (1913) - Pilipinas (1937)
Diskriminasyon sa
Komunidad ng LGBT
Heteronormativity - Ang paniniwala na ang bawat tao ay
nabibilang sa tukoy at magkatugmang kasarian (lalaki at babae)
at ang natural na ugnayang seksuwal ay sa pagitan lamang
nito.

Maraming mga bansa sa mundo ang gumagawa ng mga


batas na sumisikil sa mga karapatan ng mga kasapi ng
LGBT.

Ang mga bansang ito ay matatagpuan sa:


• Aprika
• Kanlurang Asya at mga bansang Islamiko
Sa kasalukuyang tala, humigit Mabigat ang parusang kinahaharap
kumulang na 76 na bansa ang nila, kabilang ang paglalatigo,
itinuturing na krimen ang mga pahahampas (caning), pagbabato
gawaing homoseksuwal. (stoning), o kamatayan. Mayroon
Kabilang dito: namang 65 bansa ang mayroong mga
batas laban sa homoseksuwal ngunit
• Afghanistan • Somalia hindi nagpapataw ng parusang
• Iran • Sudan kamatayan.
• Nigeria • Yemen
• Qatar • Mauritania Kabilang dito:
• Saudi Arabia • UAE • Pakistan
• Brunei
• Chad
• India
GENDER NORMATIVE - Perspektiba kung saan ang
indibidwal ay nagtutugma ang sekso sa kanilang kinikilalang
kasarian.

HATE CRIME - Katawagan sa


anumang krimen na ginawa laban
sa isang tao dahil sa kaniyang lahi,
relihiyon, kasarian. Oryentasyong
seksuwal o etnisidad.
Same Sex Marriage Isa pa sa pangunahing
mithiin ng mga kasapi ng ng LGBT ay ang
pagkakaroon ng karapatan na maikasal sa
ilalalim ng proteksyon at pagkalinga ng batas.
Marriage equality ang terminong ginamit para
tukuyin ito.

Marami ang tumutol dito dahil sa pangamba


na sa pagpayag ng pagpapakasal ng lalaki sa
kapuwa lalaki at ng babae sa kapuwa babae
ay magpapahina ng institusyon ng pamilya na
pangunahing sandigan ng isang matibay na
lipunan.
Ilang mga bansa na kumikilala at nagsasagawa ng same-sex
marriage.

You might also like