PAGBASA GRADE 3 Newest

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

PAGSASANAY 1

ANG MANIKA NI SONIA

Tumutulo ang luha ni Sonia. Nasa harapan niya ang kanyang manika na
bali ang kanang kamay at putol ang isang paa. Sirang-sira na yaon. Yaon pa
naman ang regalo ng kanyang tiya na nasa America.
“Huwag mo nang iyakan ang iyong manika, Sonia,” wika ng Nanay.
“Sulatan mo ang iyong Tiya Myrna. Humingi ka sa kanya ng isang katulad
niyan.” Ngumiti si Sonia. “Tiyak kong susulatan si Tiya Myrna,” wika niya.

1. Ano ang nangyari sa manika ni Sonia?


A. Nasira B. Nawala C. nasunog
2. Ano ang nangyari sa mga kamay nito?
A. Nabali B. Nawala C. Pumutok
3. Sino ang nagbigay ng manika sa kanya?
A. Kanyang tiya
B. Kanyang kaibigan
C. Kanyang kapatid na babae
4. Paano nakuha ni Sonia ang manika?
A. Napulot niya
B. Regalo sa kanya
C. Bilang gantimpala
5. Ano ang itinuro ng Nanay na dapat gawin ni Sonia?
A. Sumulat sa kanyang tiya
B. Sumulat sa kanyang tiyo
C. Sumulat sa kanyang kapatid na lalaki
PAGSASANAY 2
SI DANTENG MATULUNGIN
Umuuwi agad si Dante pagkatapos ang klase. Hindi siya naglalaro tulad ng
karamihan sa kanyang mga kaibigan. Tumutulong siya sa kanyang Nanay sa
bahay.

Sa sandaling makarating ng bahay si Dante, hinuhubad niya ang kanyang


damit na pamasok. Isinusuot niya ang damit na pantrabaho. Nagdidilig siya ng
halaman, nagpapakain ng baboy at umiigib ng tubig. Nagwawalis din siya sa
bahay at bakuran. Ginagawa niya ang lahat ng ito dahil wala na siyang ama.

1. Saan pumupunta si Dante pagkatapos ng kanyang klase?


A. Naglalaro sa parke
B. umuuwi sa bahay
C. Nagsisimba
2. Sino ang kanyang tinutulungan?
A. Ama B. Ina C. kapatid
3. Anong ugali meron si Dante?
A. masipag B. makulit C. tamad
4. Bakit ginagawa ito ni Dante?
A. dahil wala na siya ama
B. dahil wala na siya ina
C. dahil ulila na si Dante
5. Sa paanong paraan nakatutulong si Dante?
A. Pagkakalat
B. Pagtulong sa mga gawaing bahay
C. Pag-uutos
PAGSASANAY 3
REGALO PARA SA BAWAT ISA

Namili ang Tatay at Nanay para sa Pasko. Nais nilang maging maligaya
ang lahat sa panahon ng Pasko. Ibinili nila ng regalo ang bawat isa sa kanilang
mga anak. Bumili sila ng isang pares na tsinelas para kay Elsa. May asul na polo
si Nilo at itim na pantalon si Honesto.

“Magugustuhan ni Josephine ang manikang ito, pumipikit at umiiyak,” sabi


ng Nanay.

Binili nila ang manika para kay Josephine.

1. Bakit namili ang Tatay at Nanay?


A. Panahon ng Pasko
B. Kaarawan ng Tatay
C. Kaarawan ng Nanay
2. Para kanino ang tsinelas?
A. Elsa B. Nilo C. Josephine
3. Ano ang kulay ng pantalon?
A. Asul B. Itim C. Puti
4. Para kanino ang asul na polo?
A. Nilo B. Tatay C. Honesto
5. Nabigyan kaya ng regalo ang lahat?
A. Oo B. Hindi C. Marahil

PAGSASANAY 4
ANG NAIS NI JULIETA

“Pasko sana araw-araw!” wika ni Julieta.


“Bakit naman?” tanong ng Nanay.

“Mangyari, po, tiyak na maraming masarap na pagkain kung Pasko,”


paliwanag ni Julieta. “Marami akong aginaldo mula sa aking mga tiyo at tiya.
Ibinibili ninyo ako ng bagong damit at sapatos. May magagandang palamuti ang
bahay. At higit sa lahat, nagiging mabait at maalalahanin ang bawat isa.”

“At kaarawan ni Hesus ang araw ng Pasko,” dagdag ng Tatay na noon ay


nakikinig sa may pintuan.

1. Kailan nangyari ang kwento?


A. Kwaresma
B. Kapaskuhan
C. Araw ng mga Puso
2. Sinu-sino ang nagbibigay ng aginaldo kay Julieta?
A. Mga kaibigan
B. Mga tiyo at tiya
C. Mga kamag-aral
3. Ano ang ginagawa ng mga tao sa kanilang tahanan kung Pasko?
A. Ipinagbibili ito.
B. Ipinaaayos ito.
C. Nilalagyan ito ng palamuti.

4. Kaninong kaarawan ang Pasko?


A. Hari B. Hesus C. Pangulo
5. Ano ang regalo kay Julieta ng kanyang mga magulang kung Pasko?
A. Pera B. Kendi C. Bagong damit
PAGSASANAY 5
ANG BAGONG TELEBISYON

“Nanay, Nanay!” tawag ni Carding na patakbong umaakyat sa hagdanan.


Natagpuan niya sa kwarto ang Nanay. “Nag-uwi po ng bagong telebisyon ang
Tatay ni Manuel. Ang ganda po, Nanay. Kailan din po tayo bibili ng bagong
telebisyon?”

Tumigil sa pamamalantsa ang Nanay at nagsalita. “Hindi tayo makabibili


ng telebisyon, Carding. Doktor ang Tatay ni Manuel at guro naman ang Nanay
niya. Mahina ang kita ng iyong Tatay at alam mo namang sa bahay lamang ako
tumitigil.”

Nag-isip si Carding. Kailangang mag-aral siyang mabuti at sa darating na


panahon ay makabibili rin sila ng isang telebisyon.

1. Sino ang nag-uwi ng telebisyon?


A. Si Manuel
B. Ang Tatay ni Manuel
C. Ang Nanay ni Carding
2. Kaninong ama ang doctor?
A. Sa Nanay
B. kay Carding
C. kay Manuel
3. Bakit hindi makabili ng telebisyon sina Carding?
A. Hindi nila kaya.
B. Masasakitin sila.
C. Ayaw nilang bumili.

4. Labandera baa ng Nanay ni Carding?


A.Oo
B. Hindi
C. Marahil
5. Ano ang balak ni Carding
A. Tumigil sa pag-aaral
B. Kumita agad ng pera
C. Magsikap sap ag-aaral
PAGSASANAY 6
ISANG ARAW NA MATRABAHO

Sabado ng umaga noon. Maagang nagising si Leonardo at dumungaw sa


bintana. Nakita niyang gising na ang karamihan ng tao. Sa kanilang munting
bayan ng Alcala, pinakamatrabaho ang araw ng Sabado.

May isang babaing may dalang isang basket ng hinog na saging. Isa
namang lalaki ang may bitbit na mga manok sa magkabilang kamay. May mga
karitelang puno ng mga paninda ng kalakal na patungo sa pamilihan. Maririnig
naman ang sigaw ng mga batang nagbibili ng diyaryo.

“Naku, matrabaho ang araw na ito!” ang nasabi ni Leonardo.

1. Anong oras nangyari ang kwento?


A. Gabi B. Umaga C. Tanghali
2. Ano ang dala ng babae?
A. Hinog na saging
B. Hinog na papaya
C. Hinog na mangga
3. Sino ang may dala ng manok?
A. Ang babae
B. Ang lalaki
C. Ang nagtitinda ng diyaryo
4. Saan nakasakay ang mga tinder?
A. Dyip B. Kotse C. Karitela
5. Sino ang dumungaw sa bintana?
A. Tatay B. Nanay C. Leonardo

PAGSASANAY 7
ANG BAGONG BISIKLETA
Umaga noon. “Akin ang bisikletang iyan!” sigaw ni Badong sa kanyang
nakatatandang kapatid na lalaki.
“Akin ito, ah,” pagalit na isinigaw ni Merto.
“Matanda ako sa iyo, kaya akin ito.”

Narinig ng Tatay ang sigawan ng magkapatid. Nagbabasa siya noon ng


pahayagan. Lumabas siya upang tingnan kung ano ang nangyayari. Nakita niya
roon ang pinag-aagawang asul na bisikleta. Binili niya iyon noong nakaraang
araw. Naroon din ang bunsong anak niyang si Lito.

“Sa ating lahat ang bisikletang iyan,” paliwanag ng Tatay. “Kahit sino sa atin ay
makagagamit niyan. Pati ang inyong mga kapatid na babae ay makagagamit din.
Tumigil kayo sa pag-aagawan at magpatuloy ng gawain.

1. Sinu-sino ang nag-aaway?

A. Ang Tatay at Nanay

B. Sina Badong at Merto

C. Sina Badong at ang Tatay

2. Ano ang ginagawa ng Tatay?


A. Naglilinis B. Nagbabasa C. Nagtatrabaho

3. Anong salita ang naglalarawan sa bisikleta?

A. Bago B. Luma C. Marumi

4. Ano ang kulay ng bisikleta?

A. Asul B. Puti C. Pula

5. Sino ang may-ari ng bisikleta?

A. Ang buong mag-anak

B. Ang mga anak na lalaki

C. Ang mga anak na babae


PAGSASANAY 8
SA RIZAL PARK

Noong ika-30 ng Disyembre, nasa Rizal Park ang Tatay, Nanay at ang maliit na
si Ernesto. Maaga pa noong umagang iyon nang magkatipon ang maraming tao
sa harapan ng monumento ni Rizal. May ilang tao na may hawak na
magagandang korona.
“Bakit po napakaraming tao?” tanong ni Ernesto.
“Araw ng kamatayan ni Rizal ngayon,” sagot ni Nanay. “Umaga noong ika-
30 ng Disyembre 1896 nang barilin si Rizal dito. Kaya nga tinawag na Rizal Park
ang magandang parkeng ito.”
“Sino po ba si Rizal?” tanong ni Ernesto.
“Siya ang ating pambansang bayani,” sagot ng Tatay. “Kapag nag-aral ka,
marami kang matututuhan sa iyong guro tungkol kay Rizal.”

1. Saan nangyari ang kwento?

A. Sa Zoo

B. Sa Rizal Park

C. Sa Sentro ng Kalinangan

2. Pumapasok na ba sa paaralan si Ernesto?


A. Oo
B. Hindi pa
C. Hindi nabanggit sa kwento
3. Ano ang inaalaala sa araw na iyon?
A. Kaarawan ni Rizal
B. Kamatayan ni Rizal
C. Mga nagawa ni Rizal
4. Kailan binaril si Rizal?
A. Ika-9 ng Hunyo
B. Ika-30 ng Disyembre
C. Ika-30 ng Nobyembre
5. Sino si Jose Rizal?
A. Dating pangulo
B. Dakilang heneral
C. Ating pambansang bayani

PAGSASANAY 9
MGA PRUTAS
“Bukas pag-aaralan natin ang mga prutas. Magdala kayo ng sariwang
prutas na hilaw at hinog.” Iyan ang bilin ni Bb. Robles sa kanyang mga mag-
aaral.
Kinabukasan nagdala ng maraming uri ng prutas ang mga bata. Nagdala ng
hinog na saging si Elsa. Malapit nang mahinog ang atis na dala ni Clarita.
Nagdala si Lino ng isang bungkos ng lansones. Nang ipakita niya iyon sa klase,
nagwika siya ng, “Para kay Bb. Robles ang lansones na ito.”
Inilagay ng mga bata ang mga prutas sa ibabaw ng mesa sa harap ng klase.
Mayroon ding bayabas, santol at pakwan.

Nagdala ako ng kaimito sa halip na mansanas,” balita ni Emilio.

1. Ano ang pag-aaralan ng mga bata?

A. Tungkol sa isda

B. Tungkol sa ibon

C. Tungkol sa prutas

2. Ano ang dinala ni Elsa?

A. Atis B. Saging C. Kaimito

3. Para kanino ang lansones?

A. Kay Elsa B. Kay Clarita C. Kay Bb. Robles

4. Alin dito ang hindi dinala ng mga bata?

A. Ubas B. Santol C. Bayabas

5. Saan inilagay ng mga bata ang mga prutas na kanilang dala?

A. Sa klinika
B. Sa aparador

C. Sa ibabaw ng mesa

PAGSASANAY 10
ANO ANG AKING ALAGA?
Nang sumapit ang aking ikasampung taong kaarawan, binigyan ako ng Tatay ng
isang kawiliwiling alaga. Pinasasaya ako nito araw-araw.
Nakatira ito sa hawla. Matingkad na dilaw ang kulay ng balahibo nito.
Ipinapagaspas nito ang kanyang pakpak kapag nilalapitan ko. Kinakain nito ang
saging na aking ibinibigay. Nakasasayaw ito nang maganda sa mga katutubong
himig. Nakapagsasalita pa ito ng “Magandang umaga”.

Pinaiinom ko ng malinis na tubig ang aking alaga. Nililinis ko lagi ang kanyang
hawla. Mahuhulaan ba ninyo kung ano ang aking alaga?

1. Ano ang ibinigay ng Tatay?

A. Isang aklat B. Isang baro C. Isang alaga

2. Bakit kawili-wili ang aking alaga?

A. Nakatira ito sa hawla.

B. Kumakain ito ng saging.

C. Nakapagsasalita ito ng “Magandang umaga.”

3. Ano sa iyong palagay ang aking alaga?

A. Isang ibon

B. Isang isda

C. Isang kuting

4. Paano natutong magsabi ng “Magandang umaga” ang aking alaga?

A. Pinaturuan ko ito sa isang guro.

B. Tinuruan ko itong gayahin ang aking sinasabi.

C. Pinapalo ko ito kapag hindi nakasusunod sa aking


sinasabi.

5. Alin sa sumusunod ang tinitirhan ng aking alaga?


A. Hawla

B. Pugad

C. Tangkal

PAGSASANAY 11
ANG SAKONG NI ACHILLES
Isang bayaning Griyego si Achilles. Makisig, malakas at matapang siya.

Noong sanggol pa si Achilles, inilubog siya ng kanyang Ina sa Ilog Styx.


May paniniwala ang mga Griyegong hindi masasaktan ang anumang bahagi ng
katawang nabasa sa ilog na ito. Buong katawan ni Achilles ang nabasa, maliban
sa kanyang sakong na siyang hinawakan ng kanyang Ina nang siya ay ilubog.
Hindi nga naano si Achilles sa mga pakikipaglabang kanyang pinuntahan at
pinangunahan.
Ngunit nang minsang makipaglaban si Achilles, nasugatan siya nang
malubha. Tinamaan siya sa sakong ng sibat ni Paris, isang prinsipeng Trojan.
Ikinamatay niya ito.

1. Sino ang inilubog sa Ilog Styx?

A. Si Paris

B. Si Achilles

C. Ang ina ni Achilles

2. Bakit siya inilubog ng kanyang ina sa Ilog Styx?

A. Upang matutong lumangoy

B. Upang higit itong tumapang

C. Upang hindi masugatan ang katawan nitong


mababasa ng tubig doon

3. Ano ang nangyari kay Achilles sa isa niyang pakikipag laban?

A. Nakaligtas siya.

B. Nabihag siya ng kaaway.

C. Nasugatan siya nang malubha.

4. Anong bahagi ng katawan ni Achilles ang tinamaan ng sibat?

A. Binti B. Tuhod C. Sakong

5. Sino ang sumibat kay Achilles?

A. Ang prinsipe ng Troy

B. Isang kawal na Trojan

C. Isang kawal na Griyego


PAGSASANAY 12

ANG TATLONG KAHILINGAN

May mag-asawang mahirap na nakatira sa kubo. Isang araw,


naglalakad sa gubat ang lalaki na gutom at malungkot. Nakita siya ng isang
engkantada at sinabi rito, “Humiling ka ng kahit na anong gusto mo at matutupad
ang unang tatlo sa iyong mga kahilingan.” Nawala na kaagad ang engkantada.
Tumakbong pauwi ang lalaki at sinabi sa asawa ang nangyari.
“Humingi tayo ng kayamanan, malaking bahay, at sampung anak,” sabi ng lalaki.
Humingi tayo ng mga brilyante, perlas, at magagandang damit,” sabi ng babae.
Hindi sila magkasundo kung anong tatlong kahilingan ang pinakamainam.
Habang kumakain nang tahimik ang lalaki, napatingin siya sa tuyo at
tinapay na kanyang kinakain. “Mayroon sana tayong malaking longganisa,” sabi
niya. Noon din, isang malaking longganisa ang nalaglag sa mesa.
“Naku! Bakit longganisa lang ang hiniling mo?” galit na sabi ng babae.
“Ngayon, dalawang kahilingan na lamang ang natitira!”
Patuloy sa pagreklamo ang babae. Sa pagkainis ng lalaki, sinasabi nitong,
“Sawa na ako sa karereklamo mo. Sana ay nakabitin sa dulo ng iyong ilong ang
longganisang ito.” Noon din, nakita niyang nakabitin ang longganisa sa ilong ng
kanyang asawa.
“Dalawang kahilingan, walang kwenta! Ngayon, iisa na lamang ang natitira,”
galit na galit na sabi ng babae.
“Oo nga, ngunit makahihiling pa tayo ng kayamanan,” sabi ng lalaki.
Ngunit inireklamo ng babae ang longganisang nakabitin sa kanyang ilong.
Nang umiyak na ito, sinabi ng lalaki, “Sana ay wala na ang longganisang iyan.”
Kaagad nawala ang longganisa.

Natupad ang tatlong kahilingan ngunit wala pa rin silang kayamanan, perlas,
brilyante at mga anak.

1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?


A. Mag-asawa
B. Taumbayan
C. Isang engkantada
2. Bakit kaya binigyan ng engkantada ng tatlong kahilingan ang lalaki?
A. Naaawa sa kanya
B. May gusto sa kanya
C. Nais siyang kaibiganin
3. Ano ang naramdaman ng babae sa unang kahilingan ng lalaki?
A. Awa B. Galit C. Tuwa
4. Saan napunta ang longganisa nang magreklamo ang babae?
A. Sa bibig nito B. Sa ilong nito C. Sa pinggan nito
5. Paano kaya nagtapos ang kwento ng mag-asawa?
A. Nagsisihan sila.
B. Nanghinayang sila.
C. Nasiyahan na lamang sila sa kanilang dating
kalagayan.

PAGSASANAY 13
ANG PAGONG NA HINDI MARUNONG TUMAHIMIK
Matalik na magkaibigan ang pagong at dalawang ligaw na gansa.
Nagkwento ang dalawang gansa sa pagong tungkol sa kanilang magandang
bahay sa malayo. Tinanong nila ang pagong kung nais nitong sumama sa kanila.

“Paano ako makasasama? Wala akong pakpak,” sagot ng pagong.

“Maisasama ka namin. Ngunit ipangako mo na tatahimik ka at wala kang


pagsasabihan kahit sino,” sabi ng mga gansa.

Tuwang-tuwa ang pagong. Nangako ito na susundin ang sinabi ng mga


kaibigan.

Kinabukasan, may dala nang mahabang patpat ang dalawang gansa. Tinuka
nila ang mahabang patpat sa magkabilang dulo.

“Ngayon, Pagong, kumagat ka sa gitna ng patpat na ito. Huwag mong


ibubuka ang iyong bibig hanggang sa dumating tayo sa bahay,” sabi nila sa
pagong.

Lumipad nang paitaas ang dalawang gansa na tangay ang mahabang patpat.
Kagat ng pagong ang gitna ng patpat, sa pagitan ng dalawang gansa.

Nakita sila ng ilang bata sa ibaba. Sumigaw ang mga ito, “Tingnan ninyo
ang dalawang gansang may tangay na pagong sa patpat. Nakatutuwa sila!”
Nagbuka ng bibig ang pagong at sinasabing, “Ano ang pakialam ninyo
kung gusto akong dalhin ng aking mga kaibigan?” Nakabitiw siya sa patpat at
nalaglag sa paanan ng mga bata.
Kaawa-awang pagong! Kung tumahimik lamang siya, hindi sana siya
nalaglag.

1. Ang pagong at dalawang ligaw na gansa ay _____


A. Magkaaway
B. Magkaibigan
C. Magkapitbahay
2. Inaanyayahan ng mga gansa ang pagong upang _____.
A. Ilibot siya sa kagubatan
B. Ihulog siya mula sa itaas
C. Ipakita ang kanilang magandang bahay
3. Pinakapit ng mga gansa ang pagong sa _____.
A. Kanilang paa
B. Gitna ng patpat
C. Kanilang pakpak
4. Pinagbilinan ng mga gansa ang pagong na _______.
A. Tumahimik B. Magpagaan C. Huwag malikot
5. Marahil, sinabi ng mga gansa na _____.
A. “Mabuti nga sa kanya!”
B. “Huwag na tayong makipagkaibigan sa isang
pagong.”
C. “Kung tumahimik lamang siya, hindi sana siya
malalaglag.”

PAGSASANAY 14
MAHAL NI BINING ANG DIYOS
“Bining” ang magiliw na tawag kay Venancio Almazora ng kanyang mga
magulang, kapatid at lahat ng mga kakilala.
Mahal ni Bining ang kanyang mga magulang at kapatid, ngunit mahal niya
sa lahat ang Diyos. Sa mga araw na may pasok, maaga siyang gumigising upang
magpalakas ng katawan sa pagsikat ng araw. Pagkatapos nito, pumupunta siya sa
simbahan upang makinig ng misa sa ikalima ng umaga. Ipinagdarasal niya ang
kanyang pamilya.

Tinuruan siyang magmahal sa Diyos ng kanyang Ina. Bago matulog,


madalas siyang kwentuhan nito ng mga kwento sa Bibliya at kagandahang asal.
Bukod dito, maka-Diyos, makabayan at mapagmahal siya sa kapwa. Ang
pangarap ni Bining ay makapagsilbi sa kanyang bayan bilang alkalde.

1. Anong uring bata si Bining?


A. Magiliw B. Masipag C. Relihiyoso
2. Kung ang ipinupunta ng tao sa paaralan ay pagaaral, sa simbahan naman
ay _______.
A. Paglalaro
B. Pagpapalabas
C. Pakikinig ng misa
3. Sino ang ipinagdarasal ni Bining?
A. Mga kalaro
B. Mga kaklase
C. Kanyang mag-anak

4. Kinukwentuhan ng kanyang ina si Bining ng mga kwento sa Bibliya


upang _______.
A. Makumbinsi siyang maging pari
B. Makapulot siya ng mga aral ng Diyos
C. Kanyang makilala si Hesus at mga apostoles
5. Sino ang mahal ni Bining sa lahat?
A. Ang Diyos
B. Mga kapatid
C. Mga magulang

PAGSASANAY 15
MGA SASAKYANG PANGHIMPAPAWID
May 200 taon na ang nakalipas buhat nang unang pumailanlang sa
himpapawid ang tao. Sila ay nakasakay sa lobo. Higit na magaan ang lobo kaysa
hangin. Lumulutang sila sa hangin, hindi lumilipad.

Sa wakas, nakalipad ang tao sa unang pagkakataon noong ika-17 ng


Disyembre, 1903. Siya si Orville Wright. Nakalipad ang kanyang eroplano sa
loob ng 12 saglit. Noong araw ring iyon, nakapagpalipad nang may 59 na saglit
ang kanyang kapatid na si Wilbur. Ang eroplanong ginawa ng magkapatid na
Wright ay may elisi na pinaiikot ng makina.
Buhat noon, nakatuklas na ang mga tao ng iba’t- ibang pagbabago sa unang
sasakyang panghimpapawid. Nakagawa sila ng higit na mahuhusay na makina.
Nakatuklas sila ng maiinam na plano. Nakakita sila ng higit na matitibay na
kagamitan sa paggawa ng sasakyang panghimpapawid. Mabilis na umunlad ang
uri ng mga ito. Malalaki, mabibilis, ligtas at maginhawa ang mga sumunod.

Buhat sa maliit na sasakyang panghimpapawid na gawa ng magkapatid na


Wright na iisa lamang ang pasahero, nakagawa na tayo ng malalaking sasakyang
panghimpapawid na nakapagdadala nang higit sa isang daang pasahero.

May ilang sasakyang panghimpapawid na nakalilipad nang mahigit sa


1,500 milya isang oras. Ang mga sasakyang panghimpapawid tulad ng jet at
rocket ay mabilis pa sa tunog ang lipad. May helikopter na tayo na tumataas at
bumababa sa himpapawid nang tuwiran. Maaari itong mamalagi sa himpapawid
nang hindi umaalis sa lugar. Walang pakpak ang helikopter.

Parami nang parami ang pagbabago sa mga uri ng sasakyang


panghimpapawid. Hindi natin ngayon masabi kung ano ang magiging anyo ng
eroplano sa darating pang limampung taon.

1. Ang unang ginamit ng tao upang pumailanlang sa himpapawid ay _____.


A. Jet B. Lobo C. Helikopter
2. Gaano ang tagal ng kanilang inilipad sa himpapawid?
A. Oras B. Saglit C. Minuto
3. Mahalaga ang ika-17 ng Disyembre 1903 dahil _____.
A. Noon nakaimbento ng jet ang tao
B. Noon unang nakasakay sa pinalipad na lobo ang tao C. Noon
ang unang pagkakataon na nakalipad ang tao sakay ng eroplano
4. Alin ang mabilis pa sa tunog ang lipad?
A. Rocket B. Eroplano C. Helikopter
5. Anong uri ng transportasyon ang eroplano?
A. Panlupa B. Pandagat C. Panghimpapawid
PAGSASANAY 16
PAGSASARANGGOLA

Ang saya-saya ng mga bata! Maaliwalas ang langit at hindi mainit ang sikat
ng araw. Katamtaman lamang ang hangin at bagay na bagay para sa
pagpapalipad ng saranggola.

Higit na mababa ang paglipad ng malaking saranggolang pula ni Mario


kaysa saranggolang dilaw ni Honesto. Tila naman eroplano ang saranggola ni
Samuel. Iyon ang pinakamataas sa lahat ng mga saranggola.

“Kuya,” tawag ni Ana, ang maliit na kapatid ni Samuel. “Tulungan mo nga


akong paliparin ang aking saranggola?” Ang saranggola ni Ana ay yari sa
makapal na papel.

1. Anong salita ang naglalarawan sa mga bata?


A. Galit B. Masaya C. Maingay
2. Aling salita ang naglalarawan sa hangin?
A. Walang-wala
B. Katamtaman
C. Napakalakas
3. Kaninong saranggola ang pinakamababa ang lipad?
A. Kay Mario B. Kay Samuel C. Kay Honesto
4. Napalipad ba ni Ana ang kanyang saranggola?
A. Oo
B. Hindi
C. Hindi nabanggit sa kwento
5. Ano ang kailangan sa pagpapalipad ng saranggola?
A. Araw
B. Hangin
C. Liwanag

PAGSASANAY 17
PAGTATANIM NG GULAY
Dahil sa Green Revolution, lahat ng lugar ngayon sa paligid ay may tanim.
Ang klase ni Bb. Rosal ay may mga tanim din sa kani-kanilang bakuran.
“Nagtanim po ako ng okra, sitaw, ampalaya at talong,” sabi ni Gerardo.
“Ako po naman ay nagtanim ng petsay, litsugas at repolyo,”
nagmamalaking wika ni Bernardo.
“Maliit po ang aming bakuran,” balita ni Anita, “kaya nasa mga lata at paso
ang aming tanim na kamatis at petsay.”
Bawat bata sa buong klase ay may mga tanim sa kanyang bakuran.
Tuwang-tuwa si Bb. Rosal.

1. Saan nangyari ang kwento?


A. Sa paaralan
B. Sa pamilihan
C. Sa halamanan
2. Anong programa ang pinaiiral noon?
A. Blue Revolution
B. Green Revolution
C. Mapayapang Rebolusyon
3. Alin dito ang hindi itinanim ni Gerardo?
A. Okra B. Sitaw C. Petsay
4. Alin dito ang hindi itinanim ni Anita?
A. Petsay B. Kamatis C. Repolyo
5. Sino ang nagmalaki tungkol sa kanyang tanim?
A. Anita B. Gerardo C. Bernardo

PAGSASANAY 18
ANG PAMAMASYAL SA PARKE

Tuwing araw ng Linggo pagkatapos magsimba, kaming magkakapatid ay


ipinapasyal ng aming mga magulang sa parke. Masaya kaming naglalaro dito ng
habulan, taguan, pagpapalipad ng saranggola, at kung ano-ano pang laro na
aming maisip. Tapos, kakain kami ng masasarap na pagkaing niluto ni Nanay.
Samantala, si Tatay naman ay abala sa pagkuha sa amin ng mga larawan.

1. Anong araw ipinapasyal ang magkakapatid?


A. Lunes B. Linggo C. Sabado
2. Sino ang nagluluto ng kanilang pagkain?
A. Nanay B. Tatay C. Lola
3. Ano ang ginagawa ng mga bata sa parke?
A. Nagdadasal
B. Naglalaro
C. Nagtatrabaho
4. Sino ang kumukuha ng mga larawan sa magkakapatid?
A. Nanay B. Tatay C. Tiya
5. Saan sila namamasyal pagkatapos magsimba?
A. Mall b. Parke C. Dagat

PAGSASANAY 19
ANG SARAP TALAGA!

Ako si Allan. Ang tawag nila sa akin ay Allan Masipag. Sa umaga


pagkagising, agad kong inaayos ang aking higaan at mag-isa na akong maglilinis
ng aking katawan.
Habang naghihintay ako na maluto ang aming almusal, tinutulungan ko si
Kuya sa pagdidilig ng mga halaman sa aming hardin.
Kapag si Ate naman ay nakikita kong naglilinis nsa loob ng aming bahay,
tinutulungan ko siya sa pagpupunas ng mga mesa.
Si Tatay naman ay tinutulungan ko sa pagpapakain ng kanyang mga
alagang manok.
Pagkatapos naming kumain nga almusal, ako ang laging tagalinis ng mesa.
Matapos kong tulungan ang aking pamilya, lalabas na ako ng aming
munting bahay upang makipaglaro sa aking mga kaibigan. Ang sarap talaga
kapang araw ng sabado!

1. Paano tinutulungan ni Allan ang kanyang kuya?


A. Pagpupunas ng mga mesa
B. Pagdidilig ng halaman
C. Pagpapakain ng mga manok
2. Anong araw nangyari ang kwento?
A. Lunes B. Merkules C. Sabado
3. Sino ang tagalinis ng mesa pagkatapos nilang kumain?
A. Kuya B. Allan C. Ate
4. Ano ang tawag sa kanya ng kanyang pamilya
A. Allan Masipag B. Allan Tamad C. Allan Makulit
5. Saan pumupunta si Allan matapos niya tulungan ang kanyang pamilya?
A. Makipaglaro B. Matulog C. Magtatrabaho

You might also like