Pagbibigay Wakas (Dec.12)

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Panuto : Sundin ang nakasulat na panuto.

Gawin ito sa
loob ng kahon.

1. Gumawa ka ng isang bilog. Isulat mo ang iyong


pangalan sa gitna ng bilog
2. Gumuhit ka ng limang parisukat. Pagdugtung-
dugtungin mo sila sa pamamagitan ng guhit na pahiga.
3. Isulat mo ang pangalan ng iyong paaralan. Bilugan
mo ang mga patinig. kahunan mo ang mga katinig.
Panuto: Bigyan ng posibleng wakas ang kuwentong binasa. Sumulat ng
dalawa hanggang tatlong pangungusap.
1.Si Luis ay isang mag-aaral sa ika-apat na baitang.Mahilig siyang
maglaro ng video games. Palagi siyang lumiliban sa klase tuwing
tinatamad siyang pumasok. Sa halip ay naglalaro na lamang siya sa
kanyang kuwarto. Kahit na siya ay nasa klase ay madalas siyang
makatulog dahil sa puyat. Kapag may pagsusulit ay nangongopya
siya sa kanyang katabi para meron siyang maisagot. Mababang
mababa ang nakukuha niyang marka. Sa huling araw ng
pagsusulit, tinawag si Luis ng kanyang guro. Pinapunta siya sa
silid-aralan kung saan ay mag-isa na lamang siyang mag-eeksamen.
2. Dumungaw sa bintana si Maria at nakitang umuulan. Naisip
niyang maligo muna sa ulan kaya nagmadali siyang lumabas.
Tumakbo siya sa kanilang kalsada at nagtampisaw sa tubig.
Bumalik siya sa loob ng bahay upang kumuha ng isang pahina
mula sa diyaryo. Itinupi niya ito hanggang sa makagawa siya
ng bangkang papel. Muli siyang lumabas upang ipaanod ang
bangkang papel sa kanal. Buong maghapon siyang naglaro sa
ulan.Kinagabihan habangn naghahanda siya sa pagtulog
nagsimula na siyang bumahing.
Tandaan:Ang wakas o katapusan ay huling bahagi ng kuwento. Ang
mga naganap na pangyayari sa kuwento/talata/sanaysay ay
magagamit sapagbibigay ng hinuha ng wakas ng kuwento. Ang
wakas ng kuwento ay inaangkop sa mga pangyayari sa kuwento.
Ang kasanayan sa pag-uunawa upang makapagbigay ng wakas ay
mahalaga sa pagbasa ng isang teksto. Kapag nauunawaan ang
nilalaman ng teksto ay lubos mauunawaan ang mga detalye at
madaling makapagbibigay ng sariling wakas ang mambabasa
tungkol sa tekstong binasa batay sa kung paano ito nauunawaan. Sa
ganitong paraan ay nakapagpapalawak, nakapag-iisip ang
mambabasa at nakapagsasanay sa pagbibigay ng konklusyon sa
pangyayari.
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap at ibigay ang
angkop na wakas nito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

___1. Maagang naulila sa ina ang tatlong magkakapatid. Nasa ika-


anim na baitang ang panganay. Palaging malungkot ang kanilang
ama. Hatinggabi na kung umuwi at lasing pa.
A. Natutuwa ang magkakapatid.
B. Naisipan nilang humingi ng tulong sa pamahalaan
C. Nagkaroon ng malaking problema ang magkakapatid.
D. Hindi na lang pinansin ng magkakapatid ang kanilang ama.
___ 2. Bagong lipat sina Mildred sa Maynila. Dala nila ang
kaunting naipong pera. Nagsimula sila sa pagtitinda ng pagkain
sa harapan ng kanilang bahay. Dumarami ang bumibili nito
araw-araw.

A. Sumama ang ugali nina Mildred.


B. Pinaalis sila ng may-ari ng bahay.
C. Nagkaroon ng sapat na kita si Mildred para sa
pamilya.
D. Hindi pinansin ng mga tao ang kanilang mga
paninda.
___ 3. May bagong alagang aso ang pamilya ni Eric. Isang
araw kumakain ang aso biglang kinuha ni Eric ang kinakainan
nito. Umungol at tumahol ang aso.

A. Umalis ng bahay ang aso.


B. Muntik nang kagatin ng aso ang braso ni Eric.
C. Natapon ang pagkain ng aso sa sahig.
D. Nagalit ang nanay ni Eric at pinaalis ang aso.
___ 4. Ugali na ni Alicia ang pumasok sa paaralan ng hindi
nag-aagahan. Isang umaga napadaan siya sa isang tindahan
sa tabi ng paaralan. Bumili siya ng mangga at bayabas. Agad
niyang kinain ang mga ito. Hindi pa natatagalan sa upuan si
Alicia nang magpaalam siya sa guro.

A. Nagalit ang guro ni Alicia.


B. Umuwi si Alicia ng kanilang bahay.
C. Bumili ulit si Alicia ng manga at bayabas.
D. Sumakit ang tiyan ni Alicia kaya pumunta siya sa
palikuran.
___5. May gulayan sa bakuran si Mang Teban. May tanim
siyang petsay at mustasa. Sa hindi inaasahang pangyayari
ay nakawala ang mga alagang manok at sisiw niya.

A. Nasira ang mga pananim ni Mang Teban.


B. Nagalit at umalis ng bahay si Mang Teban.
C. Nagtanim pa ng ibang gulay si Mang Teban.
D. Naubos ang alagang manok at sisiw ni Mang Teban.

You might also like