Cot DLP Epp Quarter 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic if the Philippines

Department of Education
Region VIII -Eastern Visayas
Division of Leyte
Damulo-an Elementary School
Burauen North District

SEMI DETAILED LESSON PLAN IN EDUKASYONG PANTAHAN AT


PANGKABUHAYAN 4

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa pag-
Pangnilalaman aalaga ng hayop sa tahanan at maitutulong nito sap ag-unlad ng pamumuhay.

B. Pamantayang Pagganap Naisasagawa ng may kawilihan ang pag-aalaga sa hayop bilang mapagkakakitaang
gawain

C. Mga Kasanayan sa Naiisa-isa ang wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop


Pagkatuto (Isulat ang code sa
EPP4AG-0h-17
bawat kasanayan)

II. NILALAMAN Pag-aalaga ng Hayop

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay sa


180-182
Pagtuturo

2. Mga Pahina sa
416-421
Kagamitang Pang Mag-aaral

2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang Mag-aaral 154-164

4. Karagdagang Kagamitan
Mula sa LRMDS

B. Iba Pang Kagamitang


Larawan, slides deck, tsart
Panturo

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang Balik-aral:
Aralin o pasimula sa bagong
Tumawag ng mga mag-aaral upang tukuyin ang bawat isang larawan na ipapakita
aralin (Drill/Review/Unlocking
na mga bagay na dapat ibigay sa aalagaang hayop.
of Difficulties)
May sapat at malinis na tubig

B. Paghahabi sa layunin ng Tumawag ng mga mag-aaral upang putukin ang lobo na kung saan sa loob nito ay
aralin (Motivation) may mga tanong na babasahin at sasagutin;

Ano-ano ang mga alagang hayop sa inyong tahanan?

Paano mo ito inaalagaan?

Katulad ng tao mayroon ding pangangailangan ang mga hayop.

C. Pag-uugnay ng mga May mga larawan akong ipapakita at ilarawan ang bawat isa. Tukuyin kung anong
halimbawa sa bagong aralin ipinapakita sa bawat larawan.
(Presentation)
D. Pagtatalakay ng bagong Ipangkat ng apat (4) ang mga mag-aaral. Gamit ang ibinigay na babasahin sa
konsepto at paglalahad ng bawat pangkat, punan ang tsart na ibibigay.
bagong kasanayan No.1

(Modelling)
I. Tamang Paraan ng Pag-aalaga ng manok

1. Maglaan ng kulungan para sa mga manok

⮚ Ang kulungan ay dapat itayo nang may tamang layo sa bahay.

⮚ May sapat na daloy ng hangin at nakaharap sa mga puno.

⮚ May sapat na laki at luwang upang makagalaw nang maginhawa

ang mga manok at nang madali ring malinis ang kulungan.

⮚ Mayroong patukaan, inuman, pugad, sahuran ng dumi at ilawan.

⮚ Panatlihing tuyo at malinis upang maging ligtas sa anumang sakit o


peste ang mga manok.

2. Pagpapatuka sa mga manok

⮚ Patukain ng mga masustansyang pagkain upang bumilis ang

pag-laki, mangitlog nang marami at manatiling malusog tulad ng


Starting mash na para sa bagong pisang sisiw, Growing mash na

para sa patabaing manok, dumadalaga at Laying mash na para sa


mga inahing nangingitlog.

⮚ Dapat ding bigyan ng mga berde o luntiang pagkain tulad ng talbos


ng kamote, repolyo, letsugas, kangkong na makakatulong sa

panunaw at pagkagana sa pagkain ng manok.

II. Tamang Paraan ng Pag-aalaga ng Kuneho

1. Pagpapakain ng mga berdeng damo at iba pang labis na gulay mga

bungang butil tulad ng mais, mga tiring pagkain, darak, giniling na niyog o
munggo.

2. Malinis at sapat na inumin.

3. Magsimula sa pag-aalaga sa isang pares ng kuneho, isang babae at isang


bulog.

4. Sa kulungan, may sapat na laki at luwang, lagyan ng dalawang pintuan

at sa dingding nito ay gumamit ng chicken wire upang may maayos at sapat


na bentilasyon. Ang sahig nito ay yari sa kawayan o chicken wire.

5. Tiyaking ang gagawing bubong ay matatag at matibay

6. Panatilihing malinis ang kulunga at mga kasangkapang ginagamit sa pag-


aalaga.

III. Tamang Paraan ng Pag-aalaga ng Aso

1. Panatilihing malinis ang kulungan ng aso.

2. Dapat magkaroon ng sapat na bentilasyon ang kulungan.

3. Bigyan ang aso ng gamut na kontra sa bullate makalipas ang isa o

dalawang linggo.

4. Bigyan ng sapat at malinis na tubig na maiinom ang alagang aso.

5. Dalhin sa malapit na Beterinaryo upang maturukan ng anti-rabies.

IV. Tamang Paraan ng Pag-aalaga ng kalapati

1. Ang bahay ng kalapati ay dapat nakaangat sa lupa upang hindi mapasukan

ng daga. Ito ay dapat maluwag, mahangin, tuyo at naisisikatan ng araw.


Kung maaari itayo sa mga punong kahoy.

2. Gumawa ng pugad sa bawat isang inahin sapagkat mabilis silang mangitlog.


Ang pugad ay maaaring yari sa dayami, tuyong dahon ng kugon o
pinagkataman. Ang kahon ay dapat magkaroon ng taas na 72 sentimetro at
lapad na 90 sentimetro.

3. Ang mga kalapati ay dapat pakainin ng palay, mais, munggo, tinapay at

buto ng mirasol. Kailangan din silang bigyan ng pinaghalu-halo at dinurog

na kabibi at uling na tinimplahan ng asin.

4. Pakainin sila sa pamamagitan ng pagsasaboy ng pagkain, pagpapatuka sa


lupa, sa palad, o paglalagay ng patuka sa isang lalagyang malanday. Halu-
halo at dinurog na kabibi at uling na tinimplahan ng asin.
5. Bigyan din ng sapat at malinis na tubig na inumin. Kailangang panatilihin

ang kalinisan upang hindi magkasakit at dapuan ng mga peste ang mga

ibon. Linisin ang kanilang bahay at pinagkakainan araw-araw.

Ipaskil sa pisara o sa dingding ang natapos na gawa ng pangkat at mamili isang


mag-aaral para basahin. Pag-usapan sa klase.

Bukod sa manok, kalapati, aso at kuneho ano pang mga hayop na maaaring
alagaan sa ating tahanan?

E. Pagtatalakay ng bagong Pangkatin sa lima (5) ang mga mag-aaral. Ipasagot ang katanungan na ibibigay at
konsepto at paglalahad ng isulat ito sa inilaang manila paper ng bawat pangkat. Ipaskil sa pisara at pag-
bagong ksanayan No. 2 usapan sa klase.

(Guided Practice)

I. Bakit mahalaga ang pag-aalaga ng hayop?

II. Paano naktutulong sa kabuhayan ng mag-anak ang pag-aalaga ng mga


hayop? Ipaliwanag?

III. Anu-anong uri ng hayop ang maaaring alagaan at pakinabangan?

IV. Anu-ano ang mga wastong paraan ng pag-aalaga ng hayop tulad ng


aso, manok at iba pa?

V. Anu-anong panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan ang dapat


sundin sap ag-aalaga ng hayop?

F. Paglilinang sa kabihasan Sabihin kung tama o mali ang mga sumusunod na pangungusap na babasahin.
(Tungo sa Formative
1. Malaki ang kapakinabangang makukuha mula sap ag-aalaga ng mga
Assessment) (Independent
hayop.
Practice)
2. Pare-pareho ang paraan ng pag-aalaga ng hayop.

3. Ang pag-aalaga ng hayop ay nakapagdudulot ng karagdagang kita sa mag-


anak.

4. May mga hayop na mapagkukunan ng gatas, itlog, at karne na


pinagmumulan ng protina na kailangan para sa mabuting nutrisyon ng
katawan.

5. Lahat ng uri ng hayop ay mainam alagaan.

G. Paglalapat ng aralin sa Tumawag ng mga mag-aaral upang isa-isang isulat ang kanilang kasagutan sa
pang araw-araw na buhay nakalaang manila paper na nakapaskil sa pisara.

(Application/ Valuing)

Ano-anong kabutihan ang naibibigay ng inyong wastong pag-aalaga ng hayop o


mga hayop?
a. Nakatutulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng mag-anak.

b. Ang pag-aalaga ng mga hayop ay kawili-wili at kapaki-pakinabang sa mag-


anak.

c. Nakakaragdag kita sa mag-anak

d. Nakakaragdag din ito ng pagkain bilang konsumo sa pang-araw-araw

H. Paglalahat ng Aralin Tandaan:

(Generalization) Dapat sundin at isaalang-alang ang mga wastong pamamaraan upang


maramdaman ng alagang hayop na sila ay mahal ng nag-aalaga sa kanila.

Dapat ay:

• binibigyan sila ng maayos at malinis na tirahan;

• maayos ang pag-aalaga sa kanila tulad ng pag-papaligo, pag-eehersisyo, at


pagpapabakuna o pagpapainom ng gamot kung kinakailangan;

• pinapakain ng maayos at masustansiyang pagkain;

• nililinis ang kanilang tirahan at

• kinakausap tulad din ng isang tao.

I. Pagtataya ng Aralin Punan ang patlang ng wastong sagot sa bawat pangungusap.

1. Napakainam mag-alaga ng manok dahil mapagkukunan ito ng _______.


(itlog)

2. Ang kulungan ng manok ay dapat itayo nang may _______ sa bahay, sa


lugar na may sapat na daloy ng hangin at hangga’t maaari ay nakaharap sa
puno. (kalayuan)

3. Kung nais mag-alaga ng kuneho, maaaring magsimula ng _______.


(dalawang pares)

4. Dalhin sa malapit na _________ upang maturukan ng anti-rabies.


(Beterinaryo)

5. Tiyaking ________ ang kulungan ng aso upang maiwasan ang pagdapo ng


anumang sakit o peste. (malinis)

J. Karagdagang Aralin para sa Sumulat ng isang talata sa kwaderno tungkol sa hayop na nais alagaan at paano ito
Takdang Aralin at Remediation wastong paraan ng pag-aalaga.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang remediation?


Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin

D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo


ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan


na nasolusyonan sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang


aking nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?

PREPARED BY:

ARMEL C. CINCO
Teacher I

You might also like