Lesson Plan in ESP (Tadeo)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

TADEO, GRAZEL JOY M.

Petsa ng pagpasa (2nd revision): February 4, 2022

BEED IV-A Petsa ng pagtuturo: February 7, 2022

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO IV

(Gamit ang Pamaraang Pabuod)

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng 30 minutong talakayan, ang mag-aaral sa ikaapat na baitang ng Juanito ay


inaasahang maisagawa ang mga sumusunod ng may 80% na kahusayan;

a. nasasabi ang mga dapat gawin bilang disciplinadong mamamayan sa komunidad;

b. natutukoy ang mga dahilan bakit tayo dapat sumunod sa mga batas;

c. nakapagbibigay ng mga paraan upang maging disiplinado sa pagsunod sa mga batas.

II. PAKSANG – ARALIN

Paksa: Sariling Disiplina sa Pagsunod ng Mga Batas

Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao, Kagamitan ng Mag-aaral 4, p. 219-229

III. KAGAMITAN

 PowerPoint presentation
 Mga larawan na nagpapakita ng pagsunod sa batas, paano nating alagaan ang ating kalikasan

IV. PAMAMARAAN

A. Paghahanda
Magandang umaga, mga bata! (Magandang umaga po, teacher) Muli, ako si Teacher
Graze, ang iyong magiging guro ngayong umaga. Nais kong malaman kung handa na kayo sa
ating leksyon ngayong araw, pindutin ang heart icon. Magaling kung gayon! Upang alahanin
natin ang alituntunin kapag may online class, anu-ano ang dapat ninyong isaalang-alang? (I-mute
ang mic, makinig sa guro, makilahok sa klase at buksan ang iyong camera) Mahusay!
1. Pagbabalik-aral

Sino pwedeng makapagsabi sa akin kung ano ang ating leksyon noong nakaraang linggo?
(Kultura ng mga Pangkat Etniko, Mahalagang Malaman) Naalala ninyo pa ang mga pangkat
etniko na binanggit sa leksyon? Sinong pwedeng makapagbigay ng isa? (Aeta, Bikolano,
Gaddang at Ibanag, Ivatan, Mangyan, Tagalog, Subanon, T’boli, Bisaya, Zamboangueno)
Mahusay! Lagi nating tandaan na ang pagpapahalaga at pagsasabuhay sa ating kultura ay isang
paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bansa.

2. Pagganyak

Ngayon ay may ipapakita si Teacher Graze ng mga larawan. Ano kaya ang ginagawa ng
mga bata sa mga larawan na nakikita ninyo? (Naglilinis ng kanilang hardin sa paaralan, tinatapon
ang mga basurahan sa tamang lugar, nagkokolekta ng mga bote at dyaryo para may
pakinabangan) Magaling! Ano kaya ang pinapakita ng mga bata? (Maging maayos at disciplinado
sa sarili at sa kapwa) Mahusay, mga bata.

May inihanda akong kwento ngayong umaga. Gusto ninyong makinig sa aking
ikukwento? (Opo teacher) Pero bago ang lahat, anu-ano ang dapat ninyong tandaan kapag
binabasa ni teacher ang kwento? (Makinig nang mabuti, unawain mabuti ang detalye ng kwento,
huwag maingay at imumute ang mic) Magaling! Kung gayon, pindutin ang like button kung
maasahan ko iyan galing sa inyo. Mahusay!

B. Paglalahad
Babasahin ni teacher ang maikling kwento na pinamagatang Kahit Walang Nakakakita,
Gumawa ng Tama. Muli, makinig nang mabuti dahil may mga tanong akong inihanda habang
binabasa ni teacher ang kuwento. At pagkatapos nito, ay may karadagang mga tanong na base sa
kuwento. Maliwanag ba? (Opo teacher)

Kahit Walang Nakakakita, Gumawa ng Tama

Maaga pa lamang ay gising na si Dante. Kailangan niya kasing maagang makarating sa


paaralan dahil naatasan ang kanilang pangkat na maglinis ng hardin at magdilig ng mga tanim na
gulay na pag-aari ng kanilang baitang. May programa kasi ang kanilang paaralan na tinawag
nilang proyektong LUNTIAN na ibig sabihin ay Lupang Napabayaang Taniman, Ingatan at
Alagaan Natin. Ito ay ang pagtatanim ng mga halamang gulay at pampalamuti sa mga bakanteng
lupa na malapit sa kanilang silid-aralan. Bawat baitang ay may sakop na mga lugar. Pati ang mga
pader ay hitik sa pananim dahil sa mga nakasabit na malalaking lata, makukulay na galon,
piniturahang mga bote ng softdrinks na may halaman. Maging mga lumang bota tuwing tag-ulan
na may iba't ibang laki at klase ay ginamit at tinaniman. Ang mga gulong na pinapatong-patong
ay naging malalaki at makukulay na paso ng namumulaklak ng mga halaman. (Ang tanong ni
teacher ay: bakit kailangang pumunta sa paaralan nang maaga si Dante? Ano kaya ang ibig
sabihin ng proyektong LUNTIAN?)

Isang linggong gagawin ng bawat naataasang pangkat ang mga nakasaad na tungkulin na
nakapaskil sa pader. Nakasulat din sa pader ang mga tungkulin ng ilang magpalistang parent
volunteers na siyang gumagabay sa kanila sa tamang pagtatanim, paglilinis, pangangalaga at
pagdidilig. Natutuwa si Dante dahil hilig niyang magtanim. Magsasaka kasi ang kaniyang ama na
paminsan-minsan ding dumadalaw sa kanilang hardin upang tingnan ang kalagayan nito. (Ang
tanong ni teacher: ilang linggo kaya ang gagawin ng bawat naatasang pangkat ang mga nakasaad
na tungkulin na nakapaskil sa pader?)

Gusto ni Dante na masiguro na maaga ring makarating sa paaralan ang mga kasapi sa
kaniyang pangkat. Pinag-usapan na nila ito. Nais nilang matuwa ang kanilang gurong si Gng.
Arellano. Ang mga kasaping babae ang maghihiwa-hiwalay ng mga papel at bote na maaaring
ibenta. Bawat klase ay may ganitong sistema. Iniipon nila ang napaghiwa-hiwalay na mga bagay
sa itinalagang material recovery facilities o MRF para sa bawat baitang. Tuwing Biyernes ng
umaga ay may dumadating na kakalap at bibili ng kanilang mga basura. Iniipon nila ang
napagbentahan sa alkansiya ng kanilang klase at ito ay maaari nilang gamitin sa pangangailangan
sa kanilang silid-aralan, para sa kanilang Christmas party o kung minsan ay sa katapusan ng klase
kung saan ay nagkakaroon sila ng masayang noodle party kasama ang kanilang guro. Tinawag
naman nila ang programang ito na project TACOS o trash as cash once segregated. (Ang tanong
naman ni teacher ay: ano ang gagawin ng mga kasaping babae sa pangkat ni Dante? Saan nila
gagamitin ang mga nagipunang pera galing sa napagbentahan? Magbigay ng isa.)

Ganito sila kasipag araw-araw. Awtomatikong kumikilos para sa dalawang nabanggit na


proyekto ng paaralan. Sinimulan nila ang mga proyektong ito dalawang taon na ang nakaraan
mula nang magsimulang mamuno ang kanilang punungguro.
Masaya si Dante sa ganitong sitwasyon. Alam niyang ang mga proyektong ito ay mas
kabuluhan. Bukod sa hilig niya sa pagtatanim ay may pagpapahalaga rin siya sa kalikasan. Alam
niyang ang pagkasira ng kalikasan ay patuloy na nagaganap kaya't nais niyang maging bahagi ng
pagkasalba nito. Sinasabi rin niya ito sa kaniyang mga kaklase dahil nais din ni Dante na pati sila
ay makiisa sa kaniyang gusto. Naniniwala naman sa kaniya ang kaniyang mga kamag-aral. (Ang
tanong: ano pa ang isang bagay na pinahalagahan ni Dante bukod sa hilig niya sa pagtatanim?)

Malayo-layo pa lang si Dante ay naririnig na niya na may tao na pala sa loob ng hardin.
Napabulong na lamang siya na baka ang kaklase niya ang mas maagang pumasok sa kaniya ang
naroon. Laking gulat niya nang makita niya si Gng. Arellano.

"O, Dante nandyan ka na pala. Magandang umaga sa iyo," bati ni Gng. Arellano.

"Opo ma'am. Magandang umaga rin po," sagot naman ni Dante.

"Mainam naman at maaga ka. Nais kong ibalita sa iyo na kayo bilang lider ng pangkat sa
bawat klase ay pararangalan ng punongguro mamaya sa flag ceremony," dagdag ng kaniyang
guro.

"Bakit po kaya, ma'am?" Masayang tanong ni Dante.

"Kahapon kasi sa aming pagpupulong pagkatapos ng maghapong klase ay ibinalita niya


sa aming mga guro na ang ating paaralan ay parangalan dahil tayo ay nagwagi sa buong rehiyon
bilang 2013 Most Sustainable and Ecofriendly School. At iyon ay dahil sa inyong maasahang
mga lider ng bawat pangkat at sa mga parent volunteers na tumutulong sa atin," masayang sagot
ng guro habang nakahawak sa magkabilang balikat ni Dante. (Ang tanong, mga bata: sinong
dumating nang mas maaga kay Dante sa loob ng hardin?)

"Talaga po? Yeheyyyy!" masayang sagot ni Dante na nanglalaki ang mga mata.

"Siya, ituloy mo na itong aking pagdidilig at sasabihan ko pa ang kapuwa mo lider at


aabisuhan ko rin ang mga iba pang mga magulang na pumunta at maghanda sa isasagawang
pagpaparangal," sagot ng guro habang iniaabot ang hose ng pandilig.

Habang nagdidilig ay parang nakalutang sa hangin ang diwa ni Dante. Masaya siya!
Masayang-masaya! At alam niyang hindi mababayaran ninuman ang kasiyahang iyon. Gusto
niyang ipagpatuloy ang kaniyang nasimulan. Kahit walang nakakakita ay patuloy niyang
isasagawa ang adhikain na patuloy niyang sinasabi sa kaniyang mga kamag-aral. Kahit walang
nakakakita ay alam niyang may Diyos na nakamasid at siyang nalulugod sa kabutihang ginagawa
ninuman. Kahit walang nakakakita, ang isang tao ay dapat na may disiplina sa sarili na gumawa
ng tama at mabuti para sa kapakanan ng kapuwa, kabutihan ng bansa at higit sa lahat ng
kaligtasan ng kalikasan na mahal na mahal niya.

Nagustuhan ninyo ba ang kwento na binahagi ni teacher Graze? (Opo teacher) Kung
naunawa ninyo ang kwento, pindutin ang heart icon. Mahusay!

C. Pagtatalakay
Ngayon naman ay may inihanda ako ng mga katanungan na base sa ating kwento kanina.

 Anong mabuting asal ang ipinakita ni Dante sa kuwento na nais niyang ipagaya rin sa
kaniyang mga kaklase? (Gumawa ng tama at mabuti sa kapananan ng kapuwa, kahit walang
nakakakita/si Dante ay may disiplina sa sarili)
 Tulad ni Dante, bakit kailangan natin gumawa ng kabutihan kahit walang nakakakita? (Dahil
alam natin na may Diyos ay nakamasid at siyang nalulugod sa kabutihang ginagawa
ninuman)
 Paano natin magganyak ang ating mga kamag-aral, mga kapamilya, at mga kapuwa Pilipino
na magkaroon ng disiplina para sa kapaligiran? (Ipaalaala sa kanila na huwag na natin masira
ang ating kalikasan sapagkat ay nangyayari pa ang pagkasira nito, sumunod sa mga batas at
tuntunin, at inayahang tumulong sa mga gawain ng ating komunidad)
 Bakit kaya nagganyak ang ilang magulang ng tumulong at sumuporta sa mga programa ng
paaralan? (Dahil ginagabayan nila ang kanilang mga anak at kapuwa mag-aaral sa pagaalaga
ng kanilang mga halaman at taniman sa kanilang hardin)
 Kung lider ka ng isang pamayanan, paano mo mapasusunod ang mga mamamayan para sa
inyong mga proyekto ukol sa kapaligiran? (Iba’t ibang sagot)

Pagmasdan ang dalawang larawan na nakikita ninyo sa screen. Ano kaya ang ipinahihiwatig
rito? (Sa unang larawan ay makalat at sa pangalawang larawan naman ay malinis) Sa tingin ninyo,
bakit kaya kailangan nating sumunod sa batas? (Dahil para maging mabuti at displinadong tao tayo,
teacher) Mahusay! Mahalaga ang pagiging disciplinado dahil ito ay kakambal ng kabutihan.
Kailangan ipahiwatig natin sa ibang tao upang sila ay magiging disiplinado sa kanilang sarili. Ang
taong may sariling disiplina ay gumagawa kung ano ang mabuti at mainam para sa lahat. Ang taong
may disiplina ay kahanga-hanga at mayroon ding maayos na kinabukasan. Mga bata, ang mga tao na
may sariling displina ay nagbubunga ba ng positibo o negatibo tugon sa atin? (Positibo po) Mabuti
naman! Ito ay bunga ng positibong pagtugon sa kung ano ang magandang ibinubulong ng sariling
konsiensya. Kung ang mga tao ay may sariling displina, ano kaya ang maidudulot nito? (Katiwasayan
at pagunlad ng ating bansa) Tumpak! Ito ay nagdudulot ng katiwasayan sa lipunan at lubos ng
kaunlaran ng bansa.

D. Paglalahat
1. Mahalaga ba ang pagiging disiplinadong tao? (Opo teacher) Bakit mo iyon nasabi? (Dahil
ang disiplina ay kakambal ng kabutihan)
2. Bakit kaya positibo ang tugon ng pagkakaroon ng sariling disiplina? (Dahil ito ang bunga sa
kung ano ang magandang ibinubulong ng sariling konsensiya)
3. Paano natin ipinapakita o ipinahiwatig sa ibang tao upang sila ay magiging disiplinado sa
sarili? (Sa pagsunod sa mga batas)

Tandaan Natin!

Ang kailangan ang tunay na ating tahanan hindi lang ang ating bahay na tinitirahan. Ito ay dapat
lamang nating pahalagahan, ingatan at pangalagaan. Inaasahan ang pansariling disiplina upang higit na
maingatan, maisalba o maibalik ang buhay ng naghihingalong bahagi ng kapaligiran tulad ng maruruming
ilog at mga nakakalbong kabundukan at ng pagdumi ng hangin. Paano pa kaya tayo mabubuhay kapag
tuluyan na itong namatay, nawala at hindi na karapat-dapat gamitin?

Nilalayon ng United Nations na tumaas ang taong may koneksiyon sa malinis at naiinom na
tubig. Dahil dito, nararapat lamang na ang bawat isa, bata man o matanda ay patuloy na tulong-tulong na
pangangalaga sa kapaligiran para sa kaligtasan ng bansa at daigdig. Sumusunod ang bawat isa sa mga
pinaiiral na batas at alituntunin para sa pangapangalaga ng kapaligiran.

Bilang pakikiisa sa iba’t ibang pananawagan upang maibalik at mapanatili ang kagandahan at
kalinisan ng kapaligiran, pinaiigiting ang mga batas o pantuntunang pinaiiral kung saan ang bawat
mamamayan ay hinihikayat na gumalang at sumunod sa mga batas. Sa ganitong paraan, maaaring muling
maibalik ang mga likas yaman na minsan nang nasira tulad ng maruruming ilog at nakakalbong bundok
dahil sa kawalan ng disiplina at katigasan ng ulo ng mga tao. Kailangan natin maunawaan at maipamalas
ng bawat tao ang pagkakaroon ng sariling disiplina sa pagmamahal sa kalikasan para sa mas maganda at
kaaya-ayang pamayanan, mas maunlad na bansa tungo sa pandaigdigang pagkakaisa.

Naunawaan ninyo ang ating leksyon ngayon, mga bata? (Opo teacher) Pindutin ang heart icon
kapag sumang-ayon kayo. Mahusay!

E. Paggamit

Upang malaman ko kung may natutunan kayo sa ating leksyon ngayong umaga, may munting
gawain si teacher. Babasahin ko ang panuto.

Panuto: Gaano mo kadalas gawin ang sumusunod na pahayag – basahin muna at sagutin kung palagi,
paminsan-minsan o hindi. Ipaliwanag kung bakit mo ito napili sa iyong pananaw.

1. Nakikiisa ako sa paglilinis ng silid-aralan kapag araw na ng paglilinis


ng aming pangkat.
2. Hindi ko itinatapon sa bintana ng sasakyan ang mga balat ng pagkain
matapos kumain kapag ako ay bumabibiyahe.
3. Inilalagay ko muna sa bulsa ang aking basura kapag nakita kong
walang basurahan sa paligid.
4. Nakikiisa ako at tumutulong sa mga programang pangkalinisan at
pangkapaligiran sa aming paaralan.
5. Pinupulot ko ang mga kalat sa mga pasilyo at iba pang lugar sa
paaralan kahit walang naguutos sa akin.

V. PAGBIBIGAY-HALAGA

Mga bata, may ihinandang maikling pagsusulit si teacher, na may 5 items. Ipopost ko ito sa ating
MS Teams channel. Naunawaan ba, mga bata? (Opo teacher) Kung nasiyahan kayo sa ating sesyon
ngayong umaga, pindutin ang heart icon. Mahusay! Masaya ako at may natutunan kayo ngayong araw.
Hanggang dito na lamang si Teacher Graze, at wag munang umalis dahil may sasabihin pa si Teacher
Jomil bago matapos ang meeting na ito.

Panuto: Suriin nang mabuti ang mga sumusnod na sitwasyon sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang
sagot.

1. Si Lorraine ay pumunta sa isang ilog na malapit sa kanilang tirahan. Nakita niya na madumi ang
tubig at puno ng basura, na nakita niya ang karatula na nagsasabi ng ‘Huwag itapon ang basura’.
Kung ikaw si Lorraine, ano ang dapat mong gagawin?

a. Ipaalam sa iyong barangay ang kalagayan ng ilog at isasagawa ng mga plano upang linisin at
tanggalin ang mga basura sa ilog
b. Huwag ipaalam kung ano ang kasalukuyang kalagayan ng ilog malapit sa inyo
c. Walang maisip kung saan kang kukuha ng panggamit sa paglinis ng ilog.
d. Hayaan na lamang at hindi papansinin ang maduming tubig at makalat na basura sa ilog.

Tamang sagot: letrang A

2. Pupunta sina Karlo at ang kanyang mga kaibigan sa may palaruan ngunit may dinatnan silang
isang bakanteng lote na lupa lamang ang nakikita at may karatulang na nagsasabing ‘Clean and
green’. Ano kaya ang iyong maitutulong kung ikaw ay si Karlo?

a. Pagisipan ninyo ito bukas ang iyong gagawin at hindi na muna pinansin ang karatula sa
bakanteng lote.
b. Hayaan na lamang ito at tuluyang pumunta sa may palaruan.
c. Nagpadesisyunan na dito na lamang malalaro at huwag tuunan ng pansin ang karatula na
nabasa.
d. Mag-tulungan kayong magkakaibigan na magtanim ng mga halaman at gulay sa bakanteng
lote at maglalagay ng pampalamuti sa bawat sulok ng lugar.

Tamang sagot: letrang D

3. May isinigawang proyekto sa paaralan ni Anita na kung saan ay dapat may dadalhin siyang mga
bote upang gawing mga paso sa mga halaman o maaaring gawing hanging pots. May nahanap
siyang mga bote sa kanilang bahay, pero mukhang gagamitin ito ng nanay niya. Ano kaya ang
maaaring gawin ni Anita?

a. Nanakawin ang mga bote at itago sa loob ng bag niya upang dalhin sa paaralan na hindi alam
ng nanay niya.
b. Itatanong niya sa kaniyang nanay na kung maaaring humingi ng iilang bote para sa kanilang
proyekto at ilalagay sa isang bag na kaniyang dadalhin.
c. Sabi ng kanyang nanay na siya ang dadala sa susunod na araw at hinayaan na lamang niya
ito.
d. Hayaan na lamang at kusang hindi sumali sa kanilang proyekto.

Tamang sagot: letrang B

4. Si Zarrah ay naghahanap ng mga hulog na sanga sa gubat kasama ang kaniyang mga kaklase
dahil may 3-day camping sila, kabilang ang mga guro at mag-aaral sa ikaapat ng baitang. Ngunit,
may narinig siyang may nagpuputol ng mga puno sa may bandang gitna ng gubat at dinaanan
niya ang karatula na nagsasabi ng ‘Save the forests’. Ano kaya ang gagawin ni Zarrah para rito?

a. Hindi na lang niyang pansinin ito at ipagpatuloy ang kanyang paghahanap ng mga hulog na
sanga.
b. Sisigawan niya ang taong nagpuputol ng mga puno sa loob ng gubat.
c. Tumakbo siya at humingi ng tulong sa kaniyang mga guro upang puntahan ang pinaggalingan
ng ingay at payuhin na itigil ang pagpuputol ng mga puno sa gubat.
d. Nanahimik na lamang siya at kunwaring hindi niya nakita ang pagpuputol ng mga puno sa
gubat.

Tamang sagot: letrang C

5. Gumising nang maaga si Earl at pumunta muna siya sa hardin ng kanilang baitang. Nakita niya na
maraming kalat sa loob ng hardin at walang masyadong tao ang nandito. Ano kaya ang maaaring
gawin ni Earl?
a. Pumasok sa loob ng hardin at pupulutin ang mga kalat na nakikita niya sa hardin, pagkatapos
itapon sa basurahan.
b. Naisip niya na hindi pupunta sa loob ng hardin nila at pumunta na lamang sa loob ng gusali
ng kanilang baitang.
c. Umupo na lamang siya at hihintayin na may maglilinis sa loob ng hardin.
d. Hihintayin na lamang niya ang kaniyang kaklase at hindi niya ito papansinin.

Tamang sagot: letrang A

You might also like