The Grave of The Fireflies

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

THE GRAVE OF THE FIREFLIES

Isang Suring-pampelikula

Ang pelikulang Grave of the Fireflies o Libingan ng mga Alitaptap ay isang Japanese
animated war tragedy na hinango sa totoong buhay. Ito ay nagmula sa maikling kwento ng
nobelistang hapon na si Akiyuki Nosaka noong 1967, kung saan nawala niya ang kanyang
nakababatang kapatid na babae sa panahon ng digmaan, dahil sa malnutrisyon at sinisi ang
kanyang sarili sa pagkamatay nito. Sinasabing ang nobelang ito ay isinulat ni Nosaka bilang
personal na paghingi ng tawad sa kanyanng kapatid na namaalam na. Ang “Grave of the
Fireflies” ay isinalin sa ingles ni James R. Abrams at naglathala ng isyu sa Japan Quarterly noong
1978. Nang maglaon, inangkop ito sa 1988 anime film sa direksyon ni Isao Takahata at ibinahagi
ng Studio Ghibli sa Shinchosha Publishing. Pinagbibidahan ito nina Tsutomu Tatsumi bilang Seita
at Ayano Shiraishi bilang Setsuko, ang nakababatang kapatid ni Seita. Ang pelikulang ito ay
niraranggo bilang ika-labindalawa sa nangungunang limampung animated na pelikula ng Total
Film. Ito rin ay niraranggo bilang ika-sampu sa listahan ng Time Out ng “The 50 greatest World
War II movies” at ika-anim sa listahan ng Empire Magazine ng “The Top 10 Depressing Movies”

Noong unang panahon, ang gyera sa pagitan ng mga Hapon at mga Amerikano sa
Ichirizuka at Kaminishi nagsimula ang pelikulang Grave of the Fireflies o Libangan ng mga
Alitaptap. May dalawang magkapatid na nagngangalang Seita at Setsuko. Si Seita ang
nakatatandang kapatid na lalake at si Setsuko ang nakababatang kapatid na babae. Kasama na
rin ang ina nila na sa kalaunan ay binawian ng buhay sa kadahilanang matinding pinsala ng
pagkasunog mula sa mga firebombs ng mga US bombers. Sa Bayan nila, karamihan sa mga
tahanan ay naging abo, kaya naman sapilitang pumunta sila sa bayan ng kanilang tiyahin at dito
sila nanirahan. Hindi naging madali ang paglipat nila ng tahanan. Noong una maayos ang
pakikitungo nito sa kanila, ngunit pagkalipas ng ilang mga araw ay nag-iba ito. Kaya napag-
isipan na lamang ng magkapatid na umalis at mamuhay sa kanilang sarili. Nasubok na dito ang
kanilang buhay. Dumating sa puntong si Seita ay natutunan nang magnakaw sa tuwing
kalagitnaan ng gyera, at si Setsuko naman ay nagkaroon ng iba’t ibang sakit. Ngunit hindi pa rin
ito naging sapat para maagapan ang sakit ng kanyang kapatid na si Setsuko dahil sa kakulangan
ng proteksiyon sa kabila ng kanyang mga ginawa. Ilang mga araw ang lumipas, nabalitaan ni
Seita na natalo ang mga Hapon sa digmaan at kasama roon ang pagkamatay ng kanilang ama na
isang sundalo. Pagdaan ng mga araw, lalong lumala ang sakit ni Setsuko at unti-unti na itong
nanghina kaya tuluyan na itong binawian ng buhay. Dahil na rin ito sa matinding pagkagutom at
walang mainom na gamot. Pagkalipas ng mga nangyari, unti-unti nang nawalan ng ganang
mabuhay si Seita, sa kadahilanang kawalan ng pag-asa sa buhay at dahil na rin sa kalungkutang
kanyang nararanasan, at ito ay ang mga naging rason sa paglisan ni Seita.
Ang mga pangyayari sa buhay ng magkapatid na sina Seita at Setsuko ay tunay na
sobrang mahirap. Dumaan sila sa napakaraming pagsubok at mga suliranin sa buhay kung saan
wala na silang makain, wala nang matirahan at nawalan rin sila ng Ina at Amang mag aalaga sa
kanila. Ngunit sa kabila ng mga ito, nagpakatatag si Seita at ginawa niya ang lahat ng kaniyang
makakaya upang mabuhay sila ng kanyang kapatid. Siya ang tumayong Ama at Ina ng kanyang
kapatid kaya’t ipinaramdam niya rito ang kanyang pagmamahal hanggang sa ito ay binawian na
ng buhay.

Totoong nakuha ng pelikulang ito ang kagustuhan ng karamihan, hindi lang sa mga
kabataan ngunit pati na rin sa mga matatanda. Ang mga pamumuhay at mga nararanasan ng
mga karakter na masasalamin sa totoong buhay. Tulad ng pagka ulila nina Seita at Setsuko,
maraming mga kabataan ang makaka-relate dito. Sa puntong wala na silang makain at ang
pagnanakaw ang nagiging paraan dahil na rin sa kawalan sa pera.

Talagang nailarawan ng mabuti at detalyado rin ang mga tagpuan ng pelikula. Mula sa
mga pangyayari noong World War II, naipakita nang mabuti ang mga karanasan at mga bagay
bagay na nangyari sa mga taong namuhay na noon. Malakas ang nais sabihin ng pelikula
tungkol sa paghihirap ng mga tao noon, ngunit sa huli, ito ay natapos din.

Tunay na mahusay din ang pagkasulat ng iskrip ng pelikula. Ang bawat salita na
binibikas ng mga tauhan ay sadyang nakakatagos sa puso. Ang kalungkutan at pighati na
kanilang nararamdaman ay parang naiparanas na rin sa mga manonood dito.

Sa kabuoan, ang pelikulang Grave of the Fireflies ay isang napakaganda at nakaka-akit


na pelikula. Sa pamamagitan nito, nakilala natin ang buhay o karanasan ni Akiyuki Nosaka
noong panahon ng World War II. Dagdag pa rito, naibahagi sa atin ang iba’t ibang aral na maaari
nating gamitin at isabuhay sa totoong buhay.
SURING PELIKULA
GRAVE OF THE FIREFLIES

Inihanda nina:
Allysa Clarisse A. Perdido
Erika Glane B. Balete
Crizanne R. Barsatan

Ipinahanda ni:
Gng. Shella Agbayani

You might also like