Module 3 Grade 10

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Ikatlong

Markahan Modyul 3
Tugon ng Pamahalaan
at Mamamayan sa mga Isyu
ng Karahasan at Diskriminasyon
• Tayo ngayon ay nasa makabagong panahon na, subalit
hindi pa rin maaalis sa ating lipunan ang patuloy na
pakikibaka ng mga iba’t ibang kasarian upang makaiwas
sa mga karahasan at diskriminasyon. Sa bansang
patuloy na nangingibabaw ang batas, may pagkakataon
pa kayang maipakita ng mga kalalakihan, kababaihan at
LGBTQIA+ ang angking husay nang walang
mararanasang diskriminasyon at karahasan?
Ang CEDAW

• Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All


Forms of Discrimination Against Women. Karaniwang
inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala rin
ito bilang The Women’s Convention o ang United Nations
Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan at
tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong
tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa
sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong
kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
• Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW
noong Disyembre 18,1979, kaalinsabay ng pagdiriwang ng UN
Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo
15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5, 1981. Kasunod ng
Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang pangalawang
kasunduan na may pinakamaraming bansang nagratipika. Umabot
na sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o state parties noong
Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan noong Setyembre 3,
1981 o 39 taon na ang nakararaan noong 2006, subalit kaunti pa
lang ang nakaaalam nito.
Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon
sa kababaihan?
1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan.
Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng
kababaihan.
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng Estado. Ibig sabihin, may
responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito maaaring bawiin.
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa
kababaihan, anumang layunin ng mga ito.
4. Inaatasan nito ang State Parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan
ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi
gayundin ng mga pribadong indibiduwal o grupo.
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan
ng babae, at hinahamon nito ang state parties na baguhin ang mga stereotype,
kostumbre at mga gawain nagdidiskrimina sa babae.
Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas
sa CEDAW?
Bilang State Party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang
diskriminasyon at ‘di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may
tungkulin ang estado na solusyunan ito. May tungkulin ang State Parties na
igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan.
Ang State Parties ay inaasahang:
1. ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;
2. ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay
ng mga epektibong mekanismo at sistema kung saan maaring humingi ng hustisya
ang babae sa paglabag ng kanilang karapatan;
3. itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang,
kondisyon at karampatang aksiyon; at
4. gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawang
hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan.
Anti-Violence Against Women and Their Children Act

• Republic Act No. 9262


• Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay
isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa
kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at
proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga
kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Sino-sino ang
puwedeng mabigyan ng proteksiyon ng batas na ito?
• Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang
kababaihan at kanilang mga anak. Ang “kababaihan” sa
ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating
asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang
relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa
isang karelasyon. Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa
mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang
labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at
mga anak na may edad na labing-walong (18) taon at pataas
na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili,
kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae
ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.
Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang aabuso at
pananakit at maaaring kasuhan ng batas na ito?

• Ang mga maaaring magsagawa ng krimeng ito at maaaring


managot sa ilalim ng batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating
asawang lalaki, mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in
partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae, at
mga lalaking nagkaroon ng “sexual or dating relationship” sa babae.
• Maliban sa Anti-Violence Against Women Act, ang Magna Carta for
Women ay isa ring batas sa Pilipinas na nagbibigay ng proteksiyon
sa mga kababaihan.
Magna Carta for Women
• Republic Act No. 9710
• Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin
ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod
ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod
sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang
Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
o CEDAW.
• Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal
nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at
pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay
karapatang pantao.
Responsibilidad ng Pamahalaan
• Itinalaga ng Magna Carta for Women ang pamahalaan bilang pangunahing
tagapagpatupad o primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito.
Ginagawang tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang
kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang mga
karapatan.
• Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng mga
nararapat at mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga layunin ng batas.
Kabilang sa mga paraang ito ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas, patakaran
at programang nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng mgababae, tungo sa
kanilang kahusayan at kabutihan. Gagawa rin ng mga hakbang ang pamahalaan upang
marepaso o maalis ang mga batas, patakaran, programa, at polisiya na nagpapalala sa
diskriminasyon laban sa kababaihan.
• Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan ay alisin ang mga stereotype at
tanggalin ang mga istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon, paniniwala,
salita at gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae at lalaki.
Sino ang saklaw ng Magna Carta?
• Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o
hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan o ethnicity ay saklaw ng
Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito ng bukod na pansin ang kalagayan ng
mga batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang
larangan, Marginalized Women, at Women in Especially Difficult Circumstances.
• Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa
hindi panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahang
matamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga
kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at
manggagawang-bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at
katutubo.
• Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay ang mga
babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima
ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon,
illegal recruitment, human trafficking at mga babaeng nakakulong.
Ang Paternity Leave
• Ang Paternity Leave o Republic Act 8187 ay isang batas na
nagsasaad na ang bawat empleyadong lalaki sa pribado at
pampublikong sektor ay pinapayagang lumiban o hindi
pumasok sa trabaho sa loob ng pitong (7) araw ngunit patuloy
pa rin siyang pagkakalooban ng buong sweldo. Ito ay maaaring
magamit ng isang lalaki sa unang apat na araw mula ng
manganak ang legal na asawa. Ang lalaking empleyado na nag-
a-apply para sa Paternity Leave ay dapat ipagbigay-alam sa
kanyang employer ang pagbubuntis ng kanyang lehitimong
asawa gayundin, ang inaasahang petsa ng panganganak nito.
Ito ay benepisyong ipinagkakaloob sa mga empleyadong lalaki.
• Ang sinumang employer na lumalabag sa batas na ito
o sa mga panuntunan at regulasyon na ipinakilala rito
ay parurusahan ng multa na hindi lalampas sa
dalawampu’t limang libong piso (P25,000) o
pagkabilanggo na hindi kukulangin sa tatlumpung (30)
arw o hindi hihigit sa anim (6) na buwan.
• Ang isang lalaki ay maaaring mag-file ng Paternity Leave
bago, habang at pagkatapos na ang kanyang legal na
asawa ay makapanganak. Nararapat lamang niyang
kumpletohin ang mga impormasyong hinihingi sa
Paternity Notification Form buhat sa kanyang employer
kasama ang kopya ng marriage contract.
B. Hanep-Salita
Panuto: Hanapin at isulat sa isang papel ang mga letrang nakatapat sa bawat
bilang upang mabuo ang mga salita.

You might also like