Essay Writing Filipino
Essay Writing Filipino
Essay Writing Filipino
“Ang makakapagpabago sa buhay ninyo ay ang Determinasyon ninyong magtagumpay”, ito ang
mga malaman na mensahe ng Kalihim ng Edukasyon na si Sara Duterte noong dinaluhan at
pinangunahan niya ang muling pagbubukas ng mga paaralan sa Dinalupihan Elementary School
sa Bataan noong Agosto 2, 2022. Ang mga mensaheng ito na nagbigay buhay at pag-asa para sa
pagsubok na tatahakin ng lahat ngayong mapaghamong panahon.
Magkahalong tuwa at pangamba ang naramdaman ng bawat isa noong ipinatupad ang Dep. Ed
order no. 34 na nag-uutos sa muling pagbubukas ng mga paaralan para sa ‘in-person learning’.
Tuwa dahil sa wakas sa loob ng nakababagot na dalawang taon ay makababalik na muli ang
mga mag-aaral sa paaralan para sa mga pangarap na muling mahasa at mabigyang buhay ng
mga gurong tagapagpanday ng karunungan. Ngunit sa kabilang dako ay hindi maikukubli ang
pangamba na maaring idulot nitong ating kinahaharap sa pag-abot ng mga pangarap. Kaliwa’t
kanan na mga isyu at mga opinyon ang naglitawan na siyang nagpadagdag sa mga iniisip at
nararamdan.
Pangamba sana ay huwag manaig sa puso at isipan tungkol dito sa hakbang na buong tapang na
ginawa ng Kagawaran ng Edukasyon dahil ang seguridad at kaligtasan ng lahat ang siyang
naging kanilang priyoridad. Sa ating muling pagbabalik ay katuwang nila ang iba’t ibang
ahensiya lalo na ang Kagawaran ng Kalusugan para sa ligtas na balik aral ng mga mag-aaral.
Susundin at ipatutupad nila ang mga plano ng Inter Agency Task Force (IATF) at naglatag din sila
ng mga alituntunin at gabay para sa kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro sa paaralan. May
mga programang ipinatupad na sumusuporta sa ligtas na balik aral ng lahat isang halimbawa na
lamang diyan ang WASH in Schools (WinS) na naglalayong magkaroon ang bawat paaralan ng
malinis na supply ng tubig, sapat at maayos na sanitation facility, pagpapanatili ng hygiene at
kalinisan, kaalaman ng mga mag-aaral at mga magulang sa heath education, deworming ng
kahit na 85% ng mga mag-aaral, at capacity building ng mga program implementer. Sa mga
paaralan makikita mo ang kahandaan sa pagsubok na ito dahil sa mga ‘Triage’ at mga Isolation
na pasilidad isali pa ang kahandaan ng guro na may sariling ‘Health Kit Box’ sa loob ng silid
aralan. Alalahanin ba pinangunahan na ng Brigada Eskwela ang tugon sa ligtas na balik aral kaya
magtutuloy at mapapa-unlad pa ito para siyang gagamitin sa kasalukuyan at hinaharap.
Alam din natin ang masalimuot na dulot ng pandemyang ito sa mga magulang at mga mag-
aaral kaya may ‘Mental Health Awareness Program’ din para sa kanila na inilaan ng mga
paaralan. Kitang kita ang kahandahan para sa seguridad at kaligtasan nga bawat isa lalo na ang
mga guro at mag-aaral sa muling pagbubukas ng mga paaralan na natengga ng dalawang taon
kaya ngayon ka pa ba manghihinyaang o mangangamba? Ganoong handang handa ang
Kagawaran ng Edukasyon sa pagtugon sa panibagong hamon.
Alalahanin na maraming kaagapay ang Kagawaran ng Edukasyon sa pagharap ng mapaghamong
kalagayang pag-aaral na ito dahil sa kagustuhan na makabalik tayo sa ating mga naging
pangalawang tahanan na may kaligtasan at seguridad