3rd Quarter Performance Task

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

3rd QUARTER PERFORMANCE TASK

Paalala:
 Basahin nang mabuti ang panuto.
 Gumawa ng cover page.
 Gawin ito sa short bond paper.
 Lagyan ng SUBJECT ang bawat bond paper.
 Ito ay recorded. Kung kaya’t ipasa lahat ito ng kumpleto.
 Hayaan ang mag-aaral ang gumawa sa tulong at gabay ng
magulang.
 Kung HINDI NAUNAWAAN ANG PANUTO, maaaring mag-
text, mag-chat, tumawag o pumunta sa paaralan upang
mabigyang linaw ang mga katanungan.

MATH AND ARTS


1. Gumawa ng Multiplication Table Flash Card ng Multiples of 1-10.
2. Sa isang flash card, isang Multiplication Table ng numero lamang ang ilalagay.
3. Nasa mag-aaral kung paano niya ipapakita ang pagkamalikhain sa paggawa ng sariling
flash card.
4. Gumamit ng lumang folder o matigas na karton sa paggawa nito.
5. Butasan at lagyan ng panali sa itaas upang pagsamahin ang mga flash cards.
6. Pagandahin ang pagkakagawa dahil ito na ang gagamitin ng mag-aaral sa pagsasaulo
ng Multiplication Table.
7. HUWAG GAYAHIN ang disenyo ng larawan na nasa ibaba. Ito ay isang
HALIMBAWA lamang. Hayaan ang mag-aaral na ipakita at ipamalas ang
pagkakaroon ng orihinalidad at pagiging malikhain (creative).

HALIMBAWA LAMANG ITO. HUWAG GAYAHIN.


MAG ISIP NG SARILING DISENYO.
MOTHER TONGUE
1. Isulat ang hakbang kung paano mo ginawa ang iyong Multiplication Table Flash
Cards.
2. Gamitin ang mga salitang: ENOT, SUNOD, PAGKATAPOS, TAPOS.
3. Idikit sa bond paper ang larawan ng mag-aaral habang ginagawa niya ang flash card.

ARALING PANLIPUNAN
1. Gumupit ng 5 larawan na nagpapakita ng sanhi ng pagkasira ng ating kapaligiran.
2. Sa ibaba nito ay magsulat ng 5 paraan upang mapangalagaan ang ating kapaligiran.

PE
Kuhanan ang sarili (picture) ng iyong pag-eehersisyo na ginagawa sa tahanan na nagpapakita
ng:
1. Direksyon at Bilis (Mabilis o mabagal/ Paatras o Pasulong
2. Ilagay kung anong klase ng ehersisyo ang ginawa,

HEALTH
1. Magbigay ng 10 paraan na nagpapakita ng health habits at practice na isinasagawa ng
iyong pamilya.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
1. Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita karapatan na iyong tinatamasa.
2. Ipaliwanag sa ibaba kung bakit ito ang iyong napili.
3. Kulayan upang magbigay sigla at ganda ang output.
Kung HINDI NAUNAWAAN ANG PANUTO,
maaaring mag-text, mag-chat, tumawag
o pumunta sa paaralan upang mabigyang
linaw ang mga katanungan.

Bago ipasa, tiyakin na kumpleto ang proyekto na GINAWA


NG MAG-AARAL.

You might also like