AP Q4 Week 3 May 8 2023

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII
CUMBA ELEMENTARY SCHOOL
CUMBA, BATANGAS CITY
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6


Ikaapat na Markahan Ikatlong Linggo Unang Araw

Petsa: Mayo 8, 2023 Oras: 10:10-10:45 am

MELCs
Napapahalagahan ang pagtatanggol at pagpapanatili sa karapatang pantao at demokratikong pamamahala
(AP6TDK-IVb-2)

I. Layunin
1. Natatalakay ang mga nangyaring paglabag sa karapatang pantao ng mga Pilipino
2. Naipahahayag ang iyong damdamin tungkol sa People Power I
3. Nabibigyang halaga ang pagtatanggol at pagpapanatili sa karapatang pantao at demokratikong pamamahala.

II. Nilalam
A. Paksa:Pagtatanggol at Pagpapanatili sa Karapatang Pantao at Demokratikong Pamamahala

B. Sanggunian: MELC p. 45
PIVOT 4A BOW p. 155
ADM Modyul 3

C. Kagamitan: slide deck

D. Pagpapahalaga: pagpapahalaga sa pagtatanggol at pagpapanatili sa karapatang pantao

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik – Aral
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag at MALI naman kung
kabaliktaran.
_____1. Isa sa mga nagpasimuno ng People Power I si Fidel V. Ramos.
_____2. Naging madugo ang People Power I.
_____3. Pagkakaisa ang susi ng tagumpay ng People Power I.
_____4. Malaki ang ambag ng simbahan sa tagumpay ng People Power I.
_____5. Isa sa mga pangyayaring nagtulak upang magkaroon ng People Power I ay ang pagpatay kay Ninoy Aquino.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Bayan Ko
Freddie Aguilar
Ang bayan kong Pilipinas
__________________________________________________________________________________________________

Name of School: Cumba Elementary School


School ID: 109602
Address: Cumba, Batangas City
Email: [email protected]
Cellphone No.:09283729202
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII
CUMBA ELEMENTARY SCHOOL
CUMBA, BATANGAS CITY
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag

At sa kanyang yumi at ganda


Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa

Ibon mang may layang lumipad


Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya


Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya

Awitin ang kantang “Ang Bayan Ko”. Nagustuhan mo ba ang kanta? Ano ang mensaheng ipinapahiwatig ng kanta?
Bakit mahalaga ang kalayaan ng isang bansa?

2. Paglalahad
Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan, na tinatawag ding Rebolusyon sa EDSA ng 1986 o “People Power I”
ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25
ng taong iyon. Ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang katapangan at pagkakaisa sa demokratikong pamamaraan
upang makamit ang inaasamasam na demokrasya at katarungan.

3. Pagtatalakayan
Matapos ang People Power sa EDSA, hinarap naman ng mga sumunod na pangasiwaan ang pagpapatatag ng
demokrasya sa bansa. Taglay ang aral mula sa dalawang dekada ng pamahalaang Marcos, tiniyak ng sumunod na mga
pangulo na iiral muli ang batas, katarungan, at demokratikong pamumuhay sa Pilipinas.

Hindi naging madali sa simula ang panunungkulan ni Pangulong Corazon Aquino. Ang pagbagsak ng
pamahalaang diktatoryal ay simula pa lamang ng mas masalimuot na proseso ng pagbangon at pagbabago sa bansa.
Kasunod ng Himagsikang People Power I na nagpatalsik kay Ferdinand Marcos at kasunod ng kaniyang inagurasyon,
si Pangulong Corazon Aquino ay nagpahayag ng Prokalamasyon Blg. 3 noong Marso 25, 1986 na nagdedeklara ng
pambansang patakaran (Freedom Constitution) upang ipatupad ang mga repormang minandato ng mga tao,
magprotetka ng kanilang mga pangunahing karapatan, pagtanggap ng isang pansamantalang saligang batas, at
pagbibigay ng maayos na salin sa isang pamahalaang nasa ilalim ng bagong saligang batas. Kalaunan ay nag-isyu si
Pangulong Corazon Aquino ng Proklamasyon Blg. 9 na lumilikha ng isang komisyong konstitusyonal (na pinaikling
"ConCom") upang ibalangkas ang isang bagong saligang batas na magpapalit sa Saligang Batas ng 1973 na
ipinatupad noong panahon ng batas militar sa ilalim ni Marcos. Humirang si Aquino ng 50 kasapi sa komisyon. Ang
mga kasaping ito ay hinugot mula sa iba't ibang mga karanasan kabilang ang ilang mga dating kongresista, dating
hepeng hustisya ng Korte Suprema ng Pilipinas na si Roberto Concepcion, isang obispong Katoliko at direktor ng
pelikulang si Lino Brocka. Si Aquino ay sadyang humirang din ng 5 kasapi nito kabilang ang dating Ministro ng
Empleyo na si Blas Ople na dating kaalyado ni Marcos hanggang sa pagpapatalsik dito. Pagkatapos magtipon ang
__________________________________________________________________________________________________

Name of School: Cumba Elementary School


School ID: 109602
Address: Cumba, Batangas City
Email: [email protected]
Cellphone No.:09283729202
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII
CUMBA ELEMENTARY SCHOOL
CUMBA, BATANGAS CITY
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________
komisyon, hinalal nitong pangulo si Cecilia Muñoz-Palma na umahon bilang pangunahing pigura sa oposisyong laban
kay Marcos kasunod ng pagreretiro ni Muñoz-Palma bilang unang babaeng kasamang mahistrado ng Kataas-taasang
Hukuman ng Pilipinas.

Tinapos ng komisyon ang burador ng dokumento sa loob ng apat na buwan matapos itong magtipon. Ang
ilan sa mga isyu ay mainit na pinagdebatehan sa mga sesyon kabilang ang anyo ng pamahalaan na kukunin,
pagbuwag ng parusang kamatayan, ang patuloy na pagpapanatili ng base militar ng Estados Unidos sa Clark at Subic,
at ang integrasyon ng mga patakarang pang-ekonomika sa saligang batas. Nakumpleto ng ConCom ang trabaho nito
noong 12 Oktubre 1986 at inihain ang burador ng Saligang Batas kay Pangulong Corazon Aquino noong 15 Oktubre
1986. Pagkatapos ng yugto ng pambansang pangangampanya ng impormasyon, ang isang plebisito para sa
pagpapatibay nito ay isinagawa noong 2 Pebrero 1987. Higit sa 3/4 o 76.37% ng mga botante (17,059,495 botante)
ang bumoto ng pabor dito at 22.65% (5,058,714 botante) ang bumoto ng laban sa pagpapatibay nito. Noong 11
Pebrero 1987, ang bagong konstitusyon ay prinoklamang napagtibay at pinatupad. Sa parehong araw, si Pangulong
Corazon Aquino, ang mga iba pang opisyal ng pamahalaan at Pwersang Sandatahan ng Pilipinas ay sumumpa ng
katapatan sa saligang batas.

Matatandaan na ang paglabag sa karapatan ang isang salik na nagpabagsak sa pamamahala ni Pangulong
Marcos. Ang mga taong naghahamak bumangga kay Marcos noon ay dumanas ng karumal-dumal na pangaabuso at
pananakit, tulad ng pangunguryente, pagpapa-upo sa bloke ng yelo at iba pa. Ang pag suspinde ng Writ of habeas
corpus o ang pagkulong sa tao na walang paglilitis, pagsupil sa malayang pamamahayag o freedom of press,
panggagahasa at extra judicial killings ay iilan lamang sa mga nilabag na karapatang pantao noong panahon ni
Pangulong Marcos.

Kabilang sa naging pangkalahatang patakaran ng bagong demokratikong pamahalaan ang pagsulong sa


karapatang pantao ng mga Pilipino. Tiniyak din na magiging mapayapa ang bansa sa pamamagitan ng paglulunsad ng
kampanya laban sa krimen at rebelyon. Hinarap din ang matagal na napabayaaang ekonomiya ng Pilipinas. Mula
1986 hanggang sa kasalukuyan, binigyang priyoridad ang pag- angat ng kabuhayan ng mga Pilipino sa pamamagitan
ng mga trabaho, reporma sa lupa, industrialisasyon, at iba pang programang pangkabuhayan. Makalipas ang ilang
buwang pamamahala ni Pangulong Corazon Aquino ay sadyang masasabing nanumbalik ang demokrasya sa bansa.
Sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa ng mga pangulo mula noong 1986, inaasahan ng mga Pilipino na hindi
lamang aangat ang kanilang kabuhayan. Bagkus, umaasa ang marami na ang naturang mga programa ay
makatutulong na mapanatili at mapagtibay ang demokrasya sa bansa.

4. Pagsasanay
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang √ kung tama ang ipinahahayag na kaisipan at x naman kung ito ay mali.
_____1. Nagbigay daan sa People Power I ang mga paglabag sa mga karapatang pantao ng mga Pilipino.
_____2. Naging marahas ang naganap na demonstrasyon laban sa pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Marcos.
_____3. Marami ang nakilahok sa People Power I o Rebolusyon sa EDSA.
_____4. Naging matagumpay ang mapayapang demonstrasyon sa pagkamit ng inaasam-asam na kalayaan.
_____5. Marami ang humanga sa ipinakitang pagkakaisa ng mga Pilipino.

5. Paglalahat
 Ang People Power o EDSA I ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula
Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon.

 Ang mga taong nagha-hamak bumangga kay Marcos noon ay dumanas ng karumal-dumal na pang-aabuso at
pananakit, tulad ng pangunguryente, pagpapa-upo sa bloke ng yelo at iba pa. Ang pag suspinde ng Writ of habeas
__________________________________________________________________________________________________

Name of School: Cumba Elementary School


School ID: 109602
Address: Cumba, Batangas City
Email: [email protected]
Cellphone No.:09283729202
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII
CUMBA ELEMENTARY SCHOOL
CUMBA, BATANGAS CITY
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________
corpus o ang pagkulong sa tao na walang paglilitis, pagsupil sa malayang pamamahayag o freedom of press,
panggagahasa at extra judicial killings ay iilan lamang sa mga nilabag na karapatang pantao noong panahon ni
Pangulong Marcos.
 Ang EDSA ay simbolo ng pagkakaisa para sa iisang layunin at ito ay ang pagbabago para sa kabutihan ng
sambayanan.

 Matapos ang People Power sa EDSA, hinarap naman ng mga sumunod na pangasiwaan ang pagpapatatag ng
demokrasya sa bansa. Taglay ang aral mula sa dalawang dekada ng pamahalaang Marcos, tiniyak ng sumunod na mga
pangulo na iiral muli ang batas, katarungan, at demokratikong pamumuhay sa Pilipinas.

 Mula 1986 hanggang sa kasalukuyan, binigyan ng priyoridad ang pagangat ng kabuhayan ng mga Pilipino sa
pamamagitan ng mga trabaho, reporma sa lupa, industrialisasyon, at iba pang programang pangkabuhayan.

6. Paglalapat
Panuto: Kumpletuhin ang tsart sa ibaba upang mabuo ang impormasyong hinahanap.

7. Pagtataya
Gumawa ng sanaysay na nagpapahayag ng iyong damdamin tungkol sa kahalagan ng pagtatanggol at pagpapanatili sa
karapatang pantao at demokratikong pamamahala. Gamiting gabay ang rubrik sa ibaba.

__________________________________________________________________________________________________

Name of School: Cumba Elementary School


School ID: 109602
Address: Cumba, Batangas City
Email: [email protected]
Cellphone No.:09283729202
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII
CUMBA ELEMENTARY SCHOOL
CUMBA, BATANGAS CITY
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________

IV. Kasunduan
Basahin at pag-aralan ang mga aralin sa AP.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa


Pagtataya_____

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba


pang gawain para sa remediation_____

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na


nakaunawa sa aralin______

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa


remediation______

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng


lubos? Paano ito nakatulong?

__________________________________________________________________________________________________

Name of School: Cumba Elementary School


School ID: 109602
Address: Cumba, Batangas City
Email: [email protected]
Cellphone No.:09283729202
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII
CUMBA ELEMENTARY SCHOOL
CUMBA, BATANGAS CITY
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan
sa tulong ng aking punungguro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na


nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro

Inihanda ni:

CHEENY M. DE GUZMAN
Teacher

__________________________________________________________________________________________________

Name of School: Cumba Elementary School


School ID: 109602
Address: Cumba, Batangas City
Email: [email protected]
Cellphone No.:09283729202

You might also like