Pamilyang 4Ps Kaagapay NG Komunidad

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SALAYSAY NG AKING BUHAY

“Kaya ng Pilipino tumawid sa kahirapan” – Benigno S. Aquino, Jr.


Pamilyang 4Ps kaagapay ng komunidad

Testimonya ni Marilyn B. Dapat


Benepisyaryo ng 4Ps
Parent Leader

Ako ay si Marilyn, 61 taong gulang at miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) simula
taong 2011. Hinirang ng mga kapwa ko kasapi na maging Parent Leader ng Barangay Bailan, Pontevedra,
Capiz. Ang aking asawa na si Jorbin ay mangingisda at umaasa lamang sa biyaya ng dagat para sa pang-
araw-araw na gastusin ng pamilya. Bilang isang ina, tinutulungan ko ang aking asawa sa pamamagitan ng
paglalako ng kanyang mga huling isda upang may pangtustos sa mga gastusin at pangangailangan ng lima
naming anak.

Ngunit hindi madali ang buhay. May mga araw na uuwi siyang walang huling isda, kaya magtitiis na naman
kami o maghahanap ng pwedeng mahiraman. Sa mga araw na may huling isda, kaya mapipilitan kaming
maghanap ng mahihiraman upang ipambili ng pagkain at mga pangangailangan ng aming mga anak sa
eskwelahan. Kahit mahirap kami, pinangarap naming mapagtapos sila sap ag-aaral. Kumukuha rin kaming
mag asawa ng dahon ng nipa sa ilog gamit ang aming munting bangka at tulong-tulong kaming mag-anak sa
pagtatahi nito tuwing gabi o sa bakante naming oras upang maging pawid. Binebenta ko ito para may
pambili ng pagkain at pambaon ng mga bata pagpasok sa paaralan. Minsan sinasama namin ang mga bata sa
dagat o ilog para mamulot ng mga kabibe at manghuli ng talangka at iba pang lamang dagat na pwedeng
pang-ulam. Araw-araw ang pakikipaglaban naming sa kahirapan at pagsisikap na mapakain at mapag-aral
ang mga anak, Halos sumuko na kami ng aking asawa dahil sa matinding kahirapan. May mga gabing hindi
ko maiwasan ang maiyak habang nagdarasal.

Mapalad ang aking pamilya dahil isa kami sa napiling maging benepisyaryo ng 4Ps. Sobrang hirap ng buhay
namin noon at halos hindi naming kayang pag-aralin ng sabay-sabay an gaming mga anak. Sa tulong ng
programa, nabawasan an gaming suliraning mag-asawa. Nagkaroon ng perang pangtustos sa kanilang pag-
aaral at sa kanilang pang-araw-araw na mga pangangailangan tulad ng pagkain at bitamina. Malaking tulong
din ang dagdag na cash grant para sa bigas sa pagkain naming agraw-araw. Nagkaroon din ako ng
pagkakataong makadalo sa mga livelihood trainings na nakakatulong sa akin na madagdagan ang aking
kaalaman at kita.

Nakikinabang din ako sa mga paksa sa Family Development Session (FDS) na dinadaos sa aming barangay
kada buwan. Naging malawak ang aking kaalaman at naibabahagi ko rin ito sa aking pamilya at kapwa
miyembro ng programa. Naging regular ang pagpapakonsulta ng aking mga anak sa Health Center at
pagpapapurga sa paaralan. Napanatili rin nila ang pag-inom ng mga bitamina at pagkain ng mga
masustansyang pagkain sapagkat may tinatanggap na regular na cash grant.

Taong 2007 nang makatapos sa pag-aaral ang aking panganay na si Ma. Aizza sa kursong BS Economics.
Sumunod na nakapagtapos ang pangalawang anak ko na si Ma. Cristine Mar sa kursong BS Criminology
noong taong 2015. Dahil sa programa, pinalad na mapili ang aking pangatlong anak na si Ma.Valerie na
maging benepisyaryo ng Expanded Students Grants in Aid for Poverty Alleviation (ESGP-PA) at
nakapagtapos sa kursong BS Computer Science noong 2018.

Ang pang-apat kong anak at ang minomonitor sa programa ay si Ma. Crystal Ivory at nasa Grade 12 na sa
kasalukuyan. Mapalad ang aming pamilya dahil likas siyang matalino. Parati syang nangunguna sa kanyang
klase simula ng Elementraya hanggang ngayong magtatapos na siya ng Senior High School.

Ang aking bunso at ang ikalawang minomonitor sa programa sa kasalukuyan ay si Jorbin Esrael. Siya ay
nag-iisang lalaki at may down syndrome. Dati siyang nag-aaral sa SPED o special education dahil sa
kanyang kondisyon ngunit dahil sa tiyaga nya sa pag-aaral at sa gabay na rin naming mag-anak, iminungkahi
ng kanyang guro na ilipat siya sa regular na klase. Sa ngayon, siya ay nasa ikatlong baitang na. Sa kabila ng
kanyang kondisyon, siya ay masipag at matiyagang mag-aral. Sinasamahan ko siya araw-araw sa kanyang
pagpasok sa paaralan.

Sa kasalukuyan, nakaluwag-luwag na ang aming pamumuhay. Dalawa na lang ang nag-aaral sa aking mga
anak. Nagkaroon na ng trabaho ang aking asawa sa Municipal Agriculture Office ng Pamahalaan ng
Pontevedra bilang Consultant maliban sa kanyang pangingisda. Naging pangulo rin sya ng Samahan ng mga
Mangingisda (Fisherfolks Association) sa aming Barangay simula noong 2021 hanggang sa kasalukuyan at
Chairman ng Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council. Nahalal din syang Alternate
Provincial Fisherfolk Representative ng Probinsya ng Capiz para sa Calendar Year 2023-2025 sa ilalim ng
Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

May mga hanap-buhay na rin ang tatlo kong mga anak.. Nagkaroon na rin ako ng tindahan at
nakakapagbenta ng bigas sa mga kapwa ko kasapi ng 4Ps. Mula sa isang mahirap na pamilya na halos isang
kahig-isang tuka, naging maganda na ang aming katayuan sa buhay. Kaya na naming tumayo sa sarili
naming mga paa dahil sa naging gabay ng programa. Nakapagtapos na sa pag-aaral ang tatlo kong anak na
ngayon ay tumutulong na sa pag-aaral ng dalawang nakababatang kapatid. Maganda na rin ang kita ng aking
tindahan. Pinagmamalaki ko sa lahat ang naging tulong ng programa sa aking pamilya at tatanawin naming
itong malaking utang na loob hangga’t kami ay nabubuhay.

Sa lahat ng mga pagsubok na pinagdaanan naming mag-anak, hindi nawala ang aming pananampalataya sa
Panginoon. Bagkus, lalo nitong pinagtibay ang aming pananalig at pagsamba sa Poong Maykapal kaya
nakayanan naming nalampasan ang kahirapan at napagtagumpayan ang mga hamon ng buhay. Tunay nga
ang kasabihang, “Hindi mo matatamo ang tunay na kahulugan ng tagumpay kung hindi mo mararanasan ang
mga pagsubok sa buhay.” Sa bawat pagsubok na dumating sa buhay dapat huwag matatakot. Dahil habang
sumisikat ang araw sa umaga, may bagong pag-asa. At higit sa lahat, nandiyan ang Diyos para samahan ka.
(Ipinasa ng Pontevedra MOO, Capiz POO)
Dahil sa pagiging Parent Leader ko, natuto at nasanay ako na pangasiwaan at tulungan ang mga
kapwa ko benepisyaryo hindi lamang sa kanilang mga dokumento o report na kailangang ipasa kung hindi
pati na rin sa kanilang pamumuhay. Nagbibigay rin ako ng payo sa kanila kung paano nila mapapabuti ang
estado ng kanilang pamumuhay at kung paano alagaan ang kanilang pamilya. Sinisikap kong maging
magandang halimbawa o modelo sa aking mga kasama.

Naging adbokasiya ko ang hindi pagsusunog ng basura para mapangalagaan ang kalikasan.
Hinihikayat ko silang magtapon ng basura sa tamang paraan at panatiliing malinis ang kapaligiran upang
maiwasan ang sakit. Tinuturuan ko ang mga kapwa ko miyembro ng 4P’s sa aming barangay na ihiwalay ang
mga basurang pwede pang mapakinabangan, ibenta o gawing organikong pampataba. Tinuturuan ko rin
silang magtanim ng mga gulay sa kanilang bakuran o kaya ay mag alaga ng manok, pato, kambing o baboy
para sa dagdag kita.

Malaki ang pasasalamat ng aking pamilya sa ahensya ng Department of Social Welfare and
Development (DSWD) lalo na sa programa ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Malaki ang
naitulong nito hindi lamang sa pinansyal na aspeto na nakatulong sa pag-aaral at pagkakaroon ng malusog na
pangangatawan ng aking mga anak kundi pati na rin sa paghubog ng magandang pag-iisip o malawak na
pag-unawa at magandang disposisyon o pananaw sa buhay ng buong mag-anak. Naging mas malapit kami sa
Diyos, naging mas bukas ang loob namin sa isa’t-isa at natuto kaming pahalagahan at magmalasakit sa
kapwa. Hinding-hindi makakalimutan ng aking pamilya ang DSWD at habang buhay naming tatanawing
utang na loob sa ahensiya ang lahat ng aming tinatamasa sa kasulukuyan. Isa sa patunay nito ang
pagtatrabaho ng tatlo kong anak sa ibat-ibang programan ng ahensya ng DSWD, Listahanan, Unconditional
Cash Transfer (UCT) at Social Pension bilang Enumerators at Area Supervisors. Ang ikatlong anak ko ay
kawani pa rin ngayon ng Pontevedra Municipal Operations Office (MOO) bilang LGU Link.

Mula sa isang mahirap na pamilya na halos isang kahig-isang tuka, naging maganda na ang aming
katayuan sa buhay. Kaya na naming tumayo sa sarili naming mga paa dahil sa naging gabay ng programa.
Nakapagtapos na sa pag-aaral ang tatlo kong anak na ngayon ay tumutulong na sa pag-aaral ng dalawang
nakababatang kapatid. Maganda na rin ang kita ng aking tindahan. Pinagmamalaki ko sa lahat ang naging
tulong ng programa sa aking pamilya at tatanawin naming itong malaking utang na loob hangga’t kami ay
nabubuhay.

Sa lahat ng mga pagsubok na pinagdaanan naming mag-anak, hindi nawala ang aming
pananampalataya sa Panginoon. Bagkus, lalo nitong pinagtibay ang aming pananalig at pagsamba sa Poong
Maykapal kaya nakayanan naming nalampasan ang kahirapan at napagtagumpayan ang mga hamon ng
buhay.

Tunay nga ang kasabihang, “Hindi mo matatamo ang tunay na kahulugan ng tagumpay kung hindi
mo mararanasan ang mga pagsubok sa buhay.” Sa bawat pagsubok na dumating sa buhay dapat huwag
matatakot. Dahil habang sumisikat ang araw sa umaga, may bagong pag-asa. At higit sa lahat, nandiyan ang
Diyos para samahan ka.”

Muli, ako si Marilyn B. Dapat, kinayang tumawid mula sa kahirapan tungo sa masaganang buhay.

Marami na rin syang nasalihang mga patimpalak sa paaralan na nagbigay sa kanya ng maraming
medalya at karangalan. Naging kalahok siya at pambato ng Pontevedra Municipal Operations Office sa
Search for Child Exemplary noong taong 2016 at nagtamo ng ikatlong pwesto sa patimpalak. Aktibo rin siya
at leader sa mga organisayon sa paaralan. Dahil sa kanya, naging Pangulo din ako ng buong Grade 11 at
naging Ingat Yaman ng Schools Parents Teachers Association (SPTA) noong nakaraang taon. Kapapanalo
niya lang ng 1st Place sa Division Schools Press Conference 2023 sa Sports Writing (English Category) at
naghahandang lumaban sa Regional level. Isa din siya sa pinarangalan sa kauna-unahang Municipal Awards
Program for Outstanding Students of Pontevedra, 2023 Municipal Outstanding Students in Capiz (Maposoc).
Inaasahan din na magtatapos siya ng kanyang Senior High School na may karangalang With Highest Honors.

You might also like