Jenny Franco DLP

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino 4

I. MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ang mga bata ay:
a. naipaliliwanag kung ano ang Alamat ng Papaya, at
b. naibabahagi ang kahulogan ng Alamat ng Papaya.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Ang Alamat ng Papaya
Sanggunian: Modernong Alamat by Rene O. Villanueva, pahina 32
Kagamitan: Mga larawan, kartolina, at pentel pen.

III. PAMARAAN
A. Paghahanda
1. Pagsasagawa ng pang araw-araw na Gawain
1.1 Panalangin
1.2 Pagbati
1.3 Pagtatala ng mga pumasok at lumiban sa klase
1.4 Pag-awit

Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral


Balik-aral
Magandang araw mga bata.
Magandang araw din po binibini…

Para malaman ko kung inyo pang


natatandaan ang paksa na ating
natalakay kahapon, ano ang
pamagat ng paksa na ating Sumagot si KC
tinalakay? KC: ang paksa na tinalakay natin
kahapon ay patungkol po sa Alamat

Tama! Ang paksa na ating


tinalakay kahapon ay patungkol sa
Alamat.
Handa na ba kayo para sa ating (sabay-sabay sumagot ang mga
panibagong talakayan? bata)
Opo binibini!

2.Pagganyak
Bago natin umpisahan ang ating
panibagong talakayan, mayroon (sasagot ang mga bata)
akong hinandang na inyong Opo, binibining Franco.
sasagotin. Makinig kayo!
Ito ang Bugtong:
Bahay ni Mang Pedro,punong-puno (Babasahin ng malakas ng mga
ng bato? bata)
Basahin nyo nga mga bata?

Mahusay, ngayon sa tingin ninyo (nagtaas ng kamay ang mga bata)


ano kaya ang sagot sa bugtong na
inyong binasa?
(sumagot si Carmela)
Sige nga Carmela, ano ang iyong Carmela: Bayabas po binibini.
sagot?
Magaling Carmela, ngunit may iba
pang mas tamang sagot maliban sa (pumalakpak ng 5 beses ang mga
bayabas. bata)
Bigyan ng 5 palakpak si Carmela.

(nagtaas ng kamay ang mga bata)


Maliban kay Carmela, sino pa ang
gustong sumagot?
Sey: Papaya po binibini.

Sige nga Sey, ano ang iyong sagot?

(pumalakapak ang mga bata)


Mahusay, tama ang iyong sagot. 1,2,3…..1,2,3..ang galing galing
Bigyan si Sey ng Ang galing-galing mo..
clap!

Mga bata, Papaya ang tamang sagot


sa bugtong na ito. “ Bahay ni Mang
Pedro, punong-puno ng bato”.
(nagtaas ng kamay si Pani)
Sa araw na ito ang ating magiging
bagong talakayan ay patungkol sa Ang ating tatalakayin sa araw na ito
“Ang Alamat ng Papaya”. ay
tungkol sa Ang Alamat ng Papaya.
B. Panlinang na Gawain
1. Panimula
Ano nga ulit ang ating panibagong
paksa mga bata?

(sasagot ang mga bata)


Hindi po!

Tama.
Opo binibini.
Alam niyo ba kung saan nagmula
ang papaya?

Kaya ngayon atin itong tatalakayin.


Handa na ba kayo?

2. Paglalahad
Umpisahan natin ang ating (nagtaas ng kamay si Jin-Jin)
talakayan sa isang kwento.
Jin-Jin: Ang ating pangunahing
“ALAMAT NG PAPAYA” tauhan ay si Payang at sya ay
(umpisa ng kwento) nagmula sa Laguna.
Si Payang ay anak ng isang
mayamang mag-asawa sa Laguna.
(kwento)
Base sa binasa ko sino kasi ang
ating pangunahing tauhan at taga
saan sya? (pumalakpak ng 5 beses ang mga
bata)

Magaling Jin-Jin. Tama ang iyong


sagot!
(sumagot si Caleb)
Bigyan ng 5 palakpak si Jin-Jin. Caleb: Ipinagkasundo po sya ng
kanyang magulang sa anak na
binata ng pinakamayamang angkan
sa Laguna.

(karugtong ng kwento)
Ipinagkasundo siya ng ama’t ina sa
anak na binata ng pinakamayamang
angkan sa kanilang lalawigan.
Ano daw ang nangyari kay Payang?

Tumpak! Tama ka Caleb.

(karugtong ng kwento) (nagtaas ng kamay si Princess)


Lingid sa kaalaman ng magulang Princess: Pinabugbog ni ama ni
ay may nobyo na ang dalaga. Ito si Payang si Pepe na kanyang nobyo.
Pepe, isang magsasaka.
Nagtanan si Pepe at Payang. Nang
abutan sila ay ipinabugbog ng ama
ni Payang si Pepe sa dalawang
tauhan nito at iniwang duguan. Si
Payang naman ay sapilitang iniuwi
sa kanilang bahay at ikinulong sa
sariling silid.
Naku po. May masamang nangyari
pala sa nobyo ni Payang. Ano ito?

(gustong sumagot ni Jombo)


Tama ka Princess. Pinabugbog ng
ama ni Payang si Pepe.
(karugtong ng kwento) Jombo: dahil po sa lungkot at sama
Nalaman ni Pepe na namatay si ng loob kaya po namatay si Payang.
Payang sa sama nang lungkot at
sama ng loob. Nagluksa ang binata
at halos araw-gabing umiiyak.
Sa puntod ni Payang may halamang
tumutubo. Inaalagaan ni Pepe ang Opo, at inalagaan po ito ni Pepe.
halaman hanggang mamulaklak at
mamunga. Ang bunga ng puno ay
tinawag nyang Payang. Na
kalaunan ay naging PAPAYA na
ang tawag dito ng mga tao.
Ano ang sanhi ng pagkamatay ni
Payang?

Sige Jombo, sagotin mo.


Opoooooooooo……..
(nagtaas ng kamay si TanTan)
TanTan: napakaganda po nang
Magaling, Jombo. Alam ko kwenento ninyo na alamat binibini.
talagang nakikinig ka.

Diba meron din tumubong halaman


sa puntod ni Payang? (sasagot si Myka)
Myka: ang kahalagahan po nang
pagmamahal sa mga tinuturing
natin na mahalaga sa ating buhay.
Tama mga bata. At yung halaman
na iyon ay namunga at tinawag ito Jacob: Wag po mawalan ng pag-asa
ni Pepe na Payang bilang pag-alala sa buhay.
sa namayapa nyang nobya. Na sa
panahon ngayon ay tinatawag na Joseph: Wag po magpalamon sa
nating Papaya. lungkot at sama ng loob dahil
nakakamatay po pala.
Nagustohan nyo ba ang alamat ng
papaya mga bata?

C. Paglalahat
Para sa inyo? Ano ang aral pwede
natin mapulot sa Alamat ng Papaya
na pwede natin ma apply sa ating
buhay?

Mahusay! Lahat ng sinabi ninyo ay


tama.
Mahalin natin ng lubosan ang mga
taong importante sa atin. At wag
tayo mawalan ng pag-asa sa mga
hinaharap natin na problema dahil
maaari pala itong magdulot ng
masamang epekto sa atin kagaya ng
nangyari kay Payang na tauhan sa
ating Alamat.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Sa isang kalahating papel sagotin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang pamagat ng Alamat na ating tinalakay?


2. Sino ang pangunahing tauhan?
3. Ano ang pangalan ng nobyo ni Payang?
4. Ano ang nangyari sa mag nobyo nung nalaman ng magulang ni
Payang na nagtanan sila?
5. Ano ang ipinangalan ni Pepe sa halaman na tumubo sa puntod ni
Payang?

V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Sa inyong tahanan gamit ang papel, lapis, at krayola iguhit ang
prutas na papaya. Ipasa ito sa ating sususnod na pagkikita.
JENNY D. FRANCO
Student Teacher

EMERENCIANA G. SANTIOQUE
Subject Teacher

You might also like