Banghay Aralin Sa Filipino 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay-Aralin sa Filipino 5

I. LAYUNIN 
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
- Naipamamalas ang kakayahan at talas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
karanasan at damdamin
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
- Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO
- Natutukoy ang kasarian ng pangngalan (F1WG-II-i 2.2)
II. Nilalaman/ Paksang Aralin:
Kasarian ng Pangngalan
Sunggunian: Aklat Pluma, Curriculum Guide MELC
Kagamitan: Aklat, Mga larawan, laptop (Powerpoint presentation)
Pagpapahalagang Moral: Pagiging magalang
III. PAMAMARAAN

A. Pagganyak

Itanong sa mga bata: Sino sa inyo ang may alam sa kantang “Tuloy Po Kayo | Ang aking Pamilya”
Bawat mag-aaral ay kakanta at sasayaw.

B. Balik-aral at/o pagsisimula


Itanong: Ano-anu ang mga nabanggit na pangngalan sa kanta? Mag-bigay ng isa.
C. Paghahabi sa layunin ng aralin

Itanong: Ano kaya ang tawag sa mga salitang nabanggit sa kanta?

Ano ang pangngalan?
-Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari.

D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin 


Mga bata magaling ba kayo sa bugtungan?
-Mayroon akong inihandang na apat na bugtong,magtataas lamang kayo ng kamay kung alam
ninyo ang mga kasagutan.
1. “Hindi bombilya, hindi kandila pero ilaw ng tahanan” (nanay/ina) babae o lalaki ba ang
nanay?
2. “Haligi ng tahanan nagtatrabaho kung saan-saan” (Taytay/ama) babae o lalaki ba ang tatay?
3. “Mataas kung nakaupo, Mababa kung nakatayo” (aso) pwede bang babae o lalaki ang aso?
4. “Kung kailan mo pinatay, saka pa humahaba ang buhay” (kandila) Masasabi ba natin na
babae o lalaki ang isang kandila?
Tanong: Anong napapansin ninyo sa mga kasagutan sa bugtong? Nahihinuha nyo na ba ang
magiging talakayan o paksa sa araw na ito? (Kasarian Ng Pangngalan)

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Itanong: Alam ninyo ba na ang pangngalan ay may kasarian?
-Italakay sa mga bata ang mga kasarian ng pangngalan (Panlalaki, Pambabae, Di-Tiyak
at Walang Kasarian)
 Panlalaki - pangngalang nauukol sa ngalan ng lalaki (hal:hari, binata, kuya, tito)

 Pambabae- Pangngalang nauukol sa nglan ng babae (hal:reyna, nanay, dalaga, tiya)

 Di-Tiyak – tumutukoy sa ngalan ng babae o lalaki (hal:sanggol, guro, pinsan, aso)

 Walang Kasarian – tumutukoy sa pangalang walang buhay (hal:kandila, bahay, sapatos, damit)

F. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Pangkatang Gawain: Tukuyin ang kasarian ng pangngalan na nakalagay sa loob ng envelope sa
pamamagitan ng paglagay ng mga pangngalan sa kanilang wastong kolum.
G. Paglinang sa kabihasnan (Tungo sa Formative)
Gawain: Pick Me Up
- Mag papalibot ng basket ang guro habang nagpapatugtog ng isang awit. Sa paghinto ng
musika, ang mag-aaral na may hawak ng basket ay bubunot ng isang papel na may nakasulat
na pangngalan. Kanyang tutukuyin kung ano ang kasarian nito.
IV. Paglalapat

-Laro (Paunahan): Bigyang ang bawat bata ng apat na card na may ibat-ibang kulay. (pula,
asul, berde at kayumanggi)

Panuto: Tukuyin ang kasarian ng pangngalan na ibibigay ng guro. Itaas ang card na kulay
pula kung ito ay pambabae, asul kung ito ay panlalaki, berde kung di-tiyak at kayumanggi
naman kung walang kasarian. (mga halimbawa: sanggol, libro, tatay, kalaro, regalo, doktora)

V. Paglalahat

Itanong: Ano ang apat na kasarian ng pangngalan?


(May apat na kasarian ang pangngalan. Ito ang panlalaki, pambabae, di-tiyak at walang kasarian.)
Itanong: Anong ugali ang ating dapat ipakita sa mga tao na ating nakakasalubong mapa-babae man
ito o lalaki? (Pagiging magalang.)

VI.Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang kasarian ng pangngalan, Isulat ang sumusunod ayon sa kasarian
nito.
L - Panlalaki
B – Pambabae
D – Di-tiyak
W – Walang kasarian

1. artista -
2. binata-
3. lapis-
4. puno-
5. dalaga-

VII. Kasunduan
Panuto: Maglista ng 3 halimbawa ng mga pangngalan sa bawat kasarian ng pangngalan na napag-
aralan sa isang pirasong papel.

Prepared by:

DOREN L. PARCON
Teacher 1 Applicant
Doren L. Parcon
TAPT-2023-055
Teacher 1 Applicant

You might also like