Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3
ANG ASYA AT ANG DALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Ang pagpapakita ng nasyonalismo ng mga lider nasyonalista sa mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya upang matamo ng mga Asyano ang kanilang kalayaan sa kamay ng mga imperyalisyalistang bansa ay mas nasubok ng maganap ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isang mahalagang kaganapan sa Asya ang mga nabanggit na digmaan dahil sa malaking epekto nito sa pamumuhay ng mga Asyano.
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (1914-1918) Ang pagsiklab ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang higit na nag-udyok sa mga Asyano na magkaroon ng mga pagbabago at higit na magpunyagi sa pangunguna ng mga lider Asyano nito na matamo ang minimithing kalayaan para sa mga bansa lalo na si Timog at Kanlurang Asya.Tunghayan natin sa araling ito ang mga tunay na kaganapan ukol dito. Noong Agosto 1914 nang sumiklab ang UnangDigmaangPandaigdig.Dahil sa pag- aalyansa ng mga bansang Europeo at ang pag-uunahan sa teritoryo upang maisakatuparan ang kani-kanilang interes. Ang alyansa ng Germany,Austria at Hungary ay tinawag na Central Powers, samantalang ang mga Allies naman ay binubuo ng France, England at Russia.Isang mahalagang pangyayari at dahilan din sa pagsiklab ng nasabing digmaan ang pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinand ng Austria. Nakasentro man sa Europa ang digmaan, nakaapekto rin ito sa Asya.Tulad sa India na ang nasyonalismo at pangkalayaang kilusan ay nagkaisa at tumulong sa panig ng mga Allies. Sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga Indian sa labanan sa ilalim ng mga opisyal na Ingles. Kaalinsabay nito ay pagkakaisa rin ng mga kilusang Muslim at Hindu na pansamantalang isinantabi ang di- pagkakasundo dahil kapwa silang naghangad na mabigyan ng karapatang mamahala sa sarili. Pinangunahan ni Gandhi ang kilusan sa pamamagitan ng pamamaraang payapa ayon sa satyagraha (non- violence). Sa pamamagitan ng bansang Iran, ang Rusya at Britanya ay nagsagawa ng pag- atake sa Ottoman Empire na kung saan ay nakipag-alyado sa Germany. Sa kabila nito, ang Iran ay walang pinapanigan. Ang digmaang ito ay nagdulot ng malawakang pagkasira ng mga pamayanan, ari-arian, pagpatay ng maraming Iranian at nagdulot ng pagkagutom. Ang kawalan ng pagkilos ng pamahalaang Iran sa pagkakataong ito, ay nagbigay- daan sa malawakang pag- aalsa at pagkilos na humihingi ng kalayaan para sa Hilagang Iran noong 1915-1921. Taong 1919 , hiniling ng Britanya sa Punong Ministro ng Iran na lumagda sa isang kasunduang magbibigay ng malawak na kapangyarihan sa pagkontrol ng ekonomiya,politika,pangmilitar sa bansang Iran na magbibigay- daan sa pagiging ganap na protektadong bansa ng Britanya. Ang pangyayaring ito, ang nagbigay-daan upang magalit ang mga pangkat ng nasyonalista sa Iran. Sa pamamagitan ng pagbatikos sa kasunduang ito sa mga pahayagan at pag-aalsa ay napigilan ang nasabing kasunduan noong 1926. Natalo sa digmaan ang Central Powers sa Versailles, France kasunod ng isang kasunduan na tinawag na Treaty of Versailles na naghuhudyat sa pormal na pagtatapos ng digmaan. sa sa mga epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang pagpasok ng mga Kanluraning bansa sa Kanlurang Asya dahil sa pagbasak ng imperyong Ottoman. Natuklasan ang langis sa Kanlurang Asya noong 1914, dahilan upang mas maging interesado ang mga Kanluraning bansa dito at magtatag ng sistemang mandato. Ibinigay sa bansang France ang mandato para sa Syria at Lebanon, napasakamay naman ng mga Ingles ang mandato para sa Palestina. Ang mga lokal na pamamahala sa mga bansang ito ay nanatili ngunit pinamahalaan ng mga dayuhan ang aspetong pang-ekonomiya. Nanantiling malaya ang ibang bansa sa Kanlurang Asya ngunit di pa rin nakaligtas sa kontrol ng mga Kanluraning bansa. Isang halimbawa nito ay ang pamumuno ni Haring Ibn Saud sa Saudi Arabia, habang lahat ng kompanyang naglilinang ng langis ay pag-aari naman ng mga dayuhan. Ipinalabas ang Balfour Declaration noong 1917 ng mga Ingles na kung saan nakasaad dito na ang Palestina ay bubuksan sa mga Jew o Israelite upang maging kanilang tahanan (homeland). Ito ang naging dahilan upang magkaroon ng di -pagkakaunawaan ang mga Muslim at Jew na nagsimulang magsiballik sa Kanlurang Asya mula sa Europa. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ay lumakas sa bansang India ang kilusang Nasyonalismo na naging daan upang magkaisa ang pangkat ng Hindu at Muslim. Nagkaroon sa bansang India ng malawakang demonstrasyon, boykot at di pagsunod sa mga kautusan ng Ingles, dahilan upang bigyan ang bansang India ng autonomiya.
IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG Nagsimula sa Europa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong Setyembre1939. Taong 1942 ,isang kasunduan ang pinangunahan ng Estados Unidos ang Tehran Conference na nagsasaad na kapwa lilisanin ng Rusya at Britanya ang bansang Iran upang makapagsarili at maging malaya. Mayo 1946 nang sinimulang alisin ng Rusya ang kaniyang mga tropa sa Iran na hindi naman tuluyang naisakatuparan bagkus ay nagdulot pa ito ng Azerbaijan Crisis .Itinuturing ito na unang di- pagkakaunawaan na dininig ng Security Council ng United Nations. Ito ang nagbigay- daan sa Cold War na kinasangkutan ng Estados Unidos at kaniyang mga kaalyado, kontra naman sa Rusya kasama rin ang kaniyang kaalyadong bansa. Isa rin ang bansang India na kolonya noon ng Inglatera ang naapektuhan matapos ang digmaan dahil minsan na rin niyang binigyan ng suporta ang Inglatera sa pakikidigmang ginawa nito. Si Gandhi at ang kaniyang mga kasamahan ay nagprotesta tungkol dito dahil ayaw nila ng digmaan. Sa pagtatapos ng digmaan lalong sumidhi ang laban ng mga taga- India para sa kalayaan ngunit naging daan ito upang muling hindi magkaisa ang mga Indian. Sa paglaya ng India noong 1947, ito ay nahati sa dalawang pangkat ang Hindu at Muslim. Ang India para sa mga Hindu at Pakistan para sa mga Muslim. Sa panig naman ng bansang Israel nangako ng kalayaan ang Britanya sa mandatong lupain ng mga Hudyo at Arabo. Kapwa umasa ang dalawang pangkat na magkaroon ng teritoryo. Maraming Hudyo na nagmula sa ibat ibang bahagi ng Europa matapos ang digmaan ang nagpunta sa Palestina na itinuturing nilang lupang kanilang pinagmulan.Hinangad ng mga Hudyo na magkaroon ng sariling lupa sa Palestina na maaari nilang matawag na bansa. Tinutulan ito ng mga Arabong nag- aangkin ng kabuuang Palestina sa dahilang napakaraming taon na itong naging tahanan ng kapwa nila Arabo. Simula nang suportahan ng Britanya ang Israel para sa pagtatatag ng sariling estado hindi na ito napayapa dahil para sa mga Muslim ang pagsuportang ito ay nangangahulugang hadlang sa pagtatatag naman ng isang malayang lupain ng mga Arabo. Maituturing na pinakamahalagang pangyayaring naganap sa Asya, pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang inaasahang pagkakamit ng kalayaan ng mga bansa sa Asya sa Timog at Kanlurang Asya.