LESSON PLAN Rebolusyong Amerikano

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

Paaralan Bataan National High School Antas Baitang-8

Guro Loren A. Catalan Asignatura Araling Panlipunan

Petsa/Oras March 13-17, 2023 Markahan Ikatlong Markahan

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin, 100 porsyento ng mga mag-aaral na may 75 porsyento ng antas ng


kaalaman ay inaasahang:

1. Naipapaliwanag ang kaugnayan ng rebolusyong pangkaisipan at rebolusyong


Amerikano
2. Napahahalagahan ang pagsulong ng karapatan at kalayaan ng mga Amerikano sa
kasalukuyang panahon.
3. Nakabubuo ng isang slogan tungkol sa pagsulong ng kalayaan at karapatan.

II. NILALAMAN
Kaunayan ng Rebolusyong Pangkaisipan
KAGAMITANG PANTURO
sa Rebolusyong Amerikano
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan –
A. Sanggunian Modyul 5: Kaunayan ng Rebolusyong
Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano
B. Kagamitan sa Pagtuturo Powerpoint Presentation, laptop, at pisara
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Paunang Gawain

1. Panalangin
(sisimulan ang panibagog araw sa
pamamagitan ng panalangin)

2. Pagbati sa klase

Magandang buhay klas!


Magandang buhay din po, Ma’am.

3. Pagtatala ng liban

Mayroon bang lumiban sa klase ngayong araw?


Wala po.
Ako ay nagagalak sapagkat walang lumiban sa
inyong klase.

4. Kamustahan

Kamusta kayo klas? Kamusta ang araw ninyo?


Maayos at mabuti po.

Kung gayon, handa na ba ang lahat sa ating


panibagong paksang-aralin para sa araw na ito?

Handa na po, Ma’am!


A. Balik-Aral

Noong nakaraan, tinalakay natin ang tatlong


rebolusyon, ano-ano ang mga ito?
-Rebolusyong Siyentipiko
-Rebolusyong Pangkaisipan o
enlightenment
- Rebolusyong Industriyal

Tama! Kung inyong natatandaan, ano ang


rebolusyong siyentipiko?
Ito po ay pagsisiyasat sa pamamagitan po
ng mga eksperimento bunga ng kanilang
pagmamasid sa sansinukob o uniberso.

Magaling! Sino-sino naman ang tatlong


personalidad sa Rebolusyong Pagkaisipan o Age of
Enlightenment.
-Si Thomas Hobbes po.
-John Locke po.
-Si Baron po.

Mahusay! Magbigay naman kayo ng mga


imbensyon noong Rebolusyong Industriyal.
-Flying Shuttle po.
-Telepono po.
-Bombilya po.
-Telegraph po

B. Paglalahad (Video-Suri)

Bago tayo dumako sa ating panibagong aralin para


sa araw na ito ay mayroon akong ipapakita sa
inyong maikling video-clip. Pero bago iyon, ano
nga ba ang mga dapat nating isa-alang alang sa
tuwing nanonood ng video?

Tumahimik po
Makinig ng Mabuti
Unawaing Mabuti ang pinapanood
Tama! Atin ng simulan klas.

(Ipapanood ng guro ang video sa mga mag-aaral)

Pamilyar ba kayo sa inyong napanood?


Opo Ma’am
Anong palabas kaya ito?
Maria Clara at Ibarra po.
Magaling! Ang palabas na ito ay hango sa kwento
ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
Sino-sino ba ang tauhan na inyong napanood sa
video clip?
Si Maria Clara po

Si Klay po

Si Tiya Isabel po
Mahusay! Sa unang pag-uusap ni Maria Clara at
Klay, ano sa palagay ninyo ang gustong iparating
ni Klay?

Gusto niya pong iparating kay Maria Clara


na siya ay walang kalayaan at hindi
kayang lumaban bilang isang babae.
Magaling! Sa kabilang banda, ano naman ang
ipinapakita sa video clip na magkausap si
Binibining Klay at Tiya Isabel?

Nagagalit po si Tiya Isabel dahil tila


natututo ng sumagot at lumaban si Maria
Clara.
Tama! Nirerepresenta ng mga tauhan sa kwentong
ito ay may kaugnayan sa ating paksang aralin para
sa araw na ito. Kung gayon, maaari nyo bang
basahin ang ating paksang aralin para sa araw na
ito?

Kaugnayan ng Rebolusyong pangkaisipan


sa Rebolusyong Amerikano.
Ngayon naman basahin niyo ang ating layunin para
sa araw na ito.
Layunin

1. Naipapaliwanag ang kaugnayan ng


rebolusyong pangkaisipan at
rebolusyon Amerikano
2. Napahahalagahan ang pagsulong ng
karapatan at kalayaan ng mga
Amerikano sa kasalukuyang panahon.
3. Nakabubuo ng isang slogan tungkol sa
pagsulong ng kalayaan at karapatan.
Maraming Salamat klas!

C. Paglalahad

(Magpapakita ang guro ng larawan)

Ano ang nakikita niyo sa taas ng ulo ni klay?


-Bombilya po

-Liwanag po

Tama! Si Binibining Klay ay sinisimbolo ang


Rebolusyong Pangkaisipan. Ano nga ba ang
ipinakita sa video sa pag-uusap ni Maria Clara at
Klay?
Pinapayuhan niya po si Maria Clara at
tinuturuan niya na ipaglaban ang kanyang
karapatan bilang isang babae.

Magaling! Ang panahon ng kaliwanagan o ang


tinatawag nating enlightenment ang nagbukas sa
kaisipan ng mga tao upang gumamit ng REASON
o KATWIRAN sa pagsagot sa suliraning
panlipunan, pampolitikal at pang-ekonomiya.

Anong emosyon ni Maria Clara base sa larawan?

Malungkot po Ma’am

Sa palagay ninyo, ano ang ibig sabihin ni Klay ng


ginawa niya ang eksenang ito. (Imumustra ng guro
ang ginawa ni Klay) Ipinapakita niya po na nakakulong siya at
si Maria Clara sa rehas na tila walang
kalayaan at karapatan na gawin ang lahat
ng bagay.

Magaling! Si Maria Clara ay sinisimbolo ang


labintalong kolonya sa America na pinamumunuan
ng bansang Great Britain. Maaari niyo bang
banggitin ang mga kolonya na nasa mapa?

Maraming Salamat! Kagaya ni Maria Clara, na


nagpasakop at bulag sa kanyang kalayaan at
karapatan bilang isang babae, ganoon din ang
labintatlong kolonya sa Amerika. Ang tanging
namumuno at nagpapalakad lamang sa kanila ay
ang Great Britain. Maliwanag ba klas?
Opo, Ma’am

Ang hindi pagkakasundo sa mga patakaran at sa


pagkilala sa karapatan ng mga tao sa kolonya sa
pagsasarili ang nagbigay daan sa Rebolusyong
Amerikano o American War of Independence.

Ngayon naman ay alamin natin ang mga


sumusunod na dahilan ng Rebolusyong
Amerikano. Anong salita ang mababasa niyo sa
presentasyon?
RISEN po

Kung kayo ang tatanungin ko, para kanino ba kayo


bumabangon?

Sa pamilya

Sa kaibigan

Sa mga mahal sa buhay

Magaling! Katulad niyo may kadahilanan din ang


mga Amerikano sa kanilang ninanais na kalayaan.
Ang salitang RISEN ay may angkop na kahulugan.
Maaari niyo bang basahin?
R-epresentasyon
I-ntelektwal
S-tamp Act
E-konomiya
N-avigation Acts

Maraming Salamat! Makibasa nga ang letrang “R”


sa Representasyon sa Parlyamento.
Representasyon sa Parlyamento.
Dito sumikat ang kaisipan at katagang “no
taxation without representation” o
‘walang pagbubuwis kung walang
representasyon’.
Maraming Salamat! Ninanais ng mga kolonya na
magkaroon ng kinatawan sa Parlyamento na mula
sa mga kolonya. Kapag sinabi nating parlyamento,
ito ay kilala sa pamamagitan ng ehekutibong
sangay ng pamahalaan. Maliwanag ba klas?

Opo, Ma’am

Ngayon naman klas atin namang alamin ang


kahulugan ng I sa salitang RISEN, maaari niyo
bang basahin?
Intelektuwal o Enlightenment
Ito ay ang mga akda, aral at prinsipyong
mula sa mga pilosopo.

Maraming salamat! Ito ang naging inspirasyon at


nagbigay-daan upang mabuksan ang kanilang
kaisipan bilang Amerikano na may mga karapatan,
kalayaan, kaisipang politika at kaisipang
rebolusyon. Naunawaan niyo ba klas?

Opo, Ma’am
Ano ang nakikita ninyo sa hawak ko?

(Ipapakita ng guro ang papel)

Blanko po na papel

Sa palagay niyo ba, nang tayo ay ipinanganak ay


mayroon na tayong kaalaman?
Wala po

Sa tingin ninyo paano kaya tayo nagkakaroon ng


kaalaman?
Sa school po
Pagtuturo ng magulang
Karanasan po

Tama! Tulad nga ng sinabi ng isang pilosopo na si


John locke naniniwala siya na ang tao ay
nahuhubog batay sa kanyang karanasan. Sa kanya
din ang ideya na ang isip ng tao ay parang blankong
papel na walang laman at mapupunan lamang ito sa
paglipas ng panahon kapag ang tao ay nagkaroon
ng karanasan. Ang konseptong ito ay tinatawag na
Tabula Rasa o ang Blank slate. Nauunawaan ba
klas?
Nauunawaan po.
Pagdating naman sa pamahalaan, ipinaliwanag ni
Locke na ang tao ay may kakayahang bumuo ng
sariling pamahalaan batay sa kanyang
pangangailangan at ikabubuti kung ito ay
gagamitan ng pangangatwiran. Maliwanag ba klas?
Opo, Ma’am
Batay sa inyo, nagkaroon na ba kayo ng karanasan
na kung saan ay nangatwiran kayo sa isang
sitwasyon na maaaring may kinalaman sa
pamamahala sa bahay o paaralan na iyong
nasasakupan.
Opo, Ma’am sa bahay po.
Opo, Ma’am sa paaralan po.

Maraming salamat! Ang mga kaisipan ang naging


dahilan upang ipaglaban ng mga Amerikano ang
kanilang karapatan at kalayaan.

Ngayon naman ay dumako tayo sa kahulugan ng


letrang “S” sa Risen. Maari niyo bai tong basahin?

Stamp Act of 1765

Paglalagay ng selyo sa mga produkto ng


Great Britain na simbolo sa karagdagang
buwis.

Maraming salamat! Ang Stamp Act of 1765 at ang


pagbubuwis ay naging dahilan upang iboykot ang
mga produkto ng British ng kolonya, at mag-
ismagel o lihim na pagpuslit ng mga produkto mula
sa ibang bansa ang mga Amerikano.

Dahil sa buwis na ito, naglaganap ng hinanakit ang


mga kolonya sa Britanya.

Sa inyong palagay, nagpatinag kaya ang Great


Britain sa hinanakit ng mga kolonya?
Hindi po

Tama! Kundi, nagpatupad pa ang Britanya ng


panibagong batas na siyang naging dahilan ng
matinding pagkagalit ng mga kolonya na
humantong sa paghihimagsikan o pakikibaka.
Dahil dito, nangyari ang Boston Massacre. Maaari
niyo bang basahin ang nasa presentasyon.
Boston Massacre (1770)

Namatay ang limang Amerikano sa


pamamaril ng mga sundalong British.

Maraming salamat! Isa ito sa mga pangyayari na


nagtulak sa pagkamakabayan ng mga
Amerikano.Nauunawaan niyo ba klas?

Opo Ma’am
Ngayong naunawaan na natin ang Stamp Act,
dumako naman tayo sa letrang “E” o ang tinatawag
na Ekonomiya. Makibasa nga klas.

Ekonomiya
Sa loob ng Seven Years’ War
(1756-1763) ng Great Britain sa
France, nangailangan ito ng
malaking salapi, bilang panustos
sa digmaan at pambayad sa
malaking pagkakautang.
Salamat! Dahil sa pangangailangang ito,
hinigpitan ang kalakalan at tinaasan ang mga buwis
na siya ring ikinagalit ng mga Amerikano.
Maliwanag ba klas?
Opo, Ma’am

Dumako naman tayo sa panghuling letra. Makibasa


niyo ang nasa presentasyon.
Navigation Acts

Nakasaad sa batas na ang kolonya ay


maaari lamang bumili ng mga produkto sa
bansang Great Britain.

Ayon sa batas na ito, ang mga kalakal ng mga


colonist ay kailangang isabay sa barko upang
proteksyunan ito. Kapalit ng mga proteksyon ng
mga colonist ay kinakailangang magbayad sa mga
British. Nauunawaan ba klas?
Nauunawaan po.

Pagkalipas ng tatlong taon ay may naganap muli na


pangyayari na tinawag na “Boston Tea Party”.
Maaari niyo bang basahin ang kahulugan nito?

Boston Tea Party

Palihim na nakapasok sa bapor ng


British ang mga kolonistang Amerikano
o tinatawag na “Sons of Liberty” sa
pagpapanggap bilang Indiano o
katutubong Amerikano upang makapasok
sa tatlong barko ng Great Britain na nasa
daungan ng Boston at itinapon sa dagat
ang 342 kaban ng tsaa.

Salamat klas! Dahil sa pangyayaring ito, pinatawan


ng kaparusahan ang mga kolonista at buong
Boston, pinaghigpitan at inalisan ng karapatang
pamunuan ang sarili. Nauunawaan ba klas?

Opo, Ma’am
(Magpapakita ang guro ng larawan)

Ngayon naman klas, ano ang nakikita ninyo sa


larawang ito?
Humahakbang po yung tao upang
makapunta po sa susunod na bahagdan
para makamit ang watawat sa dulong
bahagi ng bahagdan.
Tama! Sa palagay ninyo ba may mga
mahahalagang pangyayari sa kanyang paghakbang
sa bawat bahagdan?
Opo Ma’am

Magaling! Katulad ng taong nasa larawan, aalamin


natin ngayong araw na ito mga mahahalagang
pangyayari na naging hakbang sa paglaya ng
Amerika. Handa na ba kayo sa ating talakayan?

Opo Ma’am. Handa na po!


(Magpapakita ang guro ng larawan)

Ano ang napapansin ninyo sa larawan klas?


Mayroon pong meeting o pagpupulong.

Tama! Ano ba ang karaniwang ginagawa sa


pagpupulong?
Nag-uusap usap po Ma’am tungkol sa mga
mahahalagang kaganapan o bagay.

Magaling! Katulad nyan ay nagkaroon din ng mga


pagpupulong na nilahukan ng mga kolonya liban
lamang sa Georgia bilang paglaban sa mga British,
ito ang tinatawag na First Continental Congress
o Unang Kongresong Kontinental noong
Setyembre 5, 1774. Tingin ninyo ba ay nagkaisa
ang mga kolonya?
Opo Ma’am

Tama! Nagkaisa at nag sama-sama ang mga


kolonya upang maitaguyod ang kanilang karapatan
sa kolonya at matigil ang pakikipagkalakalan sa
Great Britain. Sa palagay ninyo klas, may nangyari
kaya sa nasabing pagpupulong o napansin kaya ito
ng Britain?
Opo Ma’am
Hindi po Ma’am

Sa kasamaang palad ay hindi nabigyan ng pansin ni


Haring George III ng Great Britain ang nasabing
pangyayari.

Sa larawan na ito, ano naman ang napapansin niyo?

Naglalabanan po ang mga hero o character


sa ML.
Sa isang labanan ba, meron bang nananalo at
natatalo?

Opo Ma’am
Tama! Tulad ng larawang iyan ay isa rin sa
mahalagang pangyayari ay ang Labanan sa
Lexington, Masachussets noong Abril 19, 1775.
Sa larong ML, ano ba ang iniingatan ng isang
kopunan?

Yung base po nila.


Tama! Upang maprotektahan ang base nila, ano ba
ang dapat gawin?

Dapat po ay mayroong nagbabantay sa


bawat turret upang makapaghanda sa
paglusob ng mga kalaban.
Mahusay! Parang ganyan din ang nangyari sa
nasabing Labanan sa Lexington na kung saan bago
makarating ang British sa Concord upang makuha
ang tindahan ng pulbura, mabilis na ipinaalam ng
isang panday na si Paul Revere sa mga
Amerikanong tagapagbantay. May mga namatay sa
Amerikano, subalit nagkamit naman ng victory ang
mga ito dahil sa natalo nila ang sundalong British
sa Boston.

(Magpapakita ang guro ng larawan)

Anong ipinaparating sa larawan?

Wag pong susuko.


Tama! Ano ba yung mga halimbawa ng mga hindi
dapat sukuan?
Pangarap
Mahal sa Buhay
Problema
Magaling! Kasi kung susuko tayo, hindi natin
makakamit ang naisin natin sa buhay. Sa palagay
niyo ba klas ang mga kolonya ba ay sumuko laban
sa Britain?
Hindi po Ma’am

Tama! Ang mga kolonya ay hindi sumuko kahit na


ang unang pagpupulong ay hindi nabigyang pansin.
Sila ay nagkaroon ng Second Continental
Congress o IKalawang Kongresong Kontinenta
noong Mayo 1775. Bumuo ng hukbong
sandatahang lakas ang kolonya na tinawag na
Continental Army na kung saan nanalo sa botohan
si George Washinton bilang Commander-In-Chief.
Ang pamahalaan naman na ito ay tinawag na
United Colonies of America at sinimula nilang
makipaglaban sa mga British.

(Magpapatugtog ang guro ng maikling kanta ng


“Malaya kana”)

Sa palagay niyo klas, ano kaya ang nais


ipinaparating ng kanta?

Pagiging Malaya po.


Paano mo masasabing malaya na ang isang tao?

Kapag hindi na po siya nakakulong.


Kapag wala na pong nandidikta
Kapag nakipag break na po sa jowa.
Magaling! Tulad ng kantang yan, naaprubahan ang
Second Continental Congress ar inilabas ang
Declaration of Independence noong Hulyo 4,
1776 na isinulat ni Thomas Jefferson.Ang mga
kolonya ay naging malaya at kinilala bilang
malayang nasyon sa ilalim ng pangalang United
States of America o Estados Unidos ng Amerika.

(Magpapakita ang guro ng larawan)

Sa mga naglalaro dito ng ML, pag nakikita ninyo


ito, ano ba ang ibig sabihin nito?

Nanalo po

Katulad ng victory sa ML, ito din ang nangyari sa


mga kolonya dahil tuluyan ng nagapi ng mga
Amerikano ang Great Britain noong Oktubre 19,
1875 sa pamumuno ni George Washington.
Sumuko sa labanan sa Yorktown ang hukbo ng mga
British sa ilalim ng pamumuno ni Heneral
Cornwallis, tuluyan ng nakalaya ang Amerika.

(Magpapakita ang guro ng larawan)

Ano ang ipinaparating ng larawan?


Nakikipag-kamay po
Para pong nagkakaroon ng kasunduan.

Tama! Ito ang nangyari noong Setyembre 3, 1783,


bilang pagtanggap ng Great Britain sa kalayaan
ng Amerika.

Klas, may katanungan ako, upang magkaroon ng


kaayusan ano ang nararapat gawin o ano ang
nararapat na ipatupad?
Mga batas po

Magaling! Ang mga batas ay nakakatulong upang


magkaroon ng kaayusan. Kaugnay dito, noong
Mayo 14, 1787 ay ibinalangkas ang konstitusyon sa
Philadelphia, Pennsylvania, kasama ang 12 dating
kolonya. Sino nga ulit ang Commander in Chief ng
America?
Si George Washington po.

Tama! Kabilang sina George Washington,


Benjamin Franklin, Alexander Hamilton at James
Madison mga kilala at prominenteng delegado. Si
James Madison ay kilala bilang “Father of the
Constitution” o Ama ng Konstitusyon. Maliwanag
ba klas?
Maliwanag po

Sa inyong palagay, sa mga nangyaring kaganapan


noong Rebolusyong Amerikano, ano kaya ang
naging epekto nito?

Sa inyong palagay, sa mga nangyaring kaganapan


noong Rebolusyong Amerikano, ano kaya ang
naging epekto nito?

-Nagkaroon po sila ng kalayaan


-Naipaglaban po nila ang kanilang mga
karapatan.
-Naging inspirasyon po sila ng ibang
bansa
Mahusay! Dahil diyan isa-isahin natin ang mga
epekto ng Rebolusyong Amerikano. Maaari niyo
bang basahin ang nasa presentasyon.

Mga Epekto ng Rebolusyong


Amerikano

a. Maraming Europeo ang humanga sa


mga Amerikano nang matamasa ng
mga ito ang kasarinlan.
b. Ang Rebolusyong Amerikano ang
nagbigay-inspirasyon sa ibang
kolonya na mag-alsa laban sa mga
mananakop ng Europeo.
c. Ito ang naghatid upang magpatupad ng
mas malumanay na patakaran sa mga
kolonya nito.
Nagkaroon ng malaking epekto anf
Rebolusyong Amerikano sa mga Pranses-
nagbigay pag-asa sa mga Pranses na
naghahangad ng isang malayang lipunan
Maraming Salamat! Ito ang mga naging epekto ng
rebolusyong amerikano.

D. Paglalapat

Sa isang malinis na papel, bumuo ng isang slogan


patungkol sa pagsulong ng kalayaan at karapatan
ng mga Amerikano. Maliwanag ba klas?
Opo Ma’am
Ito ang rubriks para sa paggawa ng slogan

(Ipapakita ng guro ang rubriks)

E. Pagpapahalaga

Katulad ng mga Amerikano na ipinaglaban ang


kanilang kalayaan at karapatan, sa papaanong
paraan mo naman ipaglalaban ang iyong sarili kung
ipinagkait sa iyo ang karapatang magkaroon ng
edukasyon? Isulat ang sagot sa isang malinis na
papel. Maliwanag ba klas
Opo Ma’am
F. Paglalahat

Ngayon naman ay kumuha kayo ng ¼ sheet of


paper. Sa sangkapat na piraso ng papel ay gagawa
kayo ng one (1) sentence summary ng inyong
natutuhan sa aralin na ating tinalakay ngayong
umaga/hapon at ipapasa dito sa harap. Pipili ako ng
mga papel na babasahin ditto sa harap.
Naintindihan ba ang gagawin?
Opo Ma’am

G. Pagtataya

Upang malaman ko kung naunawaan ninyo ang


ating tinalakay natin ngayong araw, magkakaroon
tayo ng isang pagsusulit. Kumuha ng papel at
sagutan ang mga katanungan.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at


piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian.
Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa
sagutang papel.

1. Paano nakaimpluwensiya ang Rebolusyong


Pangkaisipan sa pagtataguyod ng
Rebolusyong Amerikano?

A. Ito ang naging matibay na batayan ng


kanilang paniniwala
B. Ang paniniwala ni John Locke na ang
tao ay may kakayahang bumuo ng
sariling pamahalaan para sa kalayaan at
karapatan.
C. Naging dahilan upang ninais na
magkaroon ng Kalayaan
D. Lahat ng nabanggit

2. Ano ang naging unang hakbang ng mga


Amerikano sa pagkakamit ng kalayaan na
naganap noong ika – 5 ng Setyembre 1774?

A. Boston Tea Party


B. Deklarasyon ng Kalayaan
C. Labanan sa Lexington
D. First Continental Congress

3. Sino ang kinilala bilang “Ama ng


Konstitusyon” ng Amerika?

A. Paul Revere
B. James Madison
C. Thomas Jefferson
D. George Washington

4. Kung si Paul Revere ang nagbabala sa mga


tagapagbantay na mga Amerikano o
Continental Army, sino naman ang sumulat
ng Declaration of Independence o
Deklarasyon ng Kalayaan?

A. Paul Revere
B. James Madison
C. Thomas Jefferson
D. George Washington

5. Paano lubusang nakalaya ang mga estado


ng Amerika mula sa pananakop ng British
na naganap noong ika -3 ng Setyembre
1783?

A. Pagsuko ng mga hukbong ng British sa


pamumuno ni Heneral Cornwallis
B. Paggawa ng konstitusyon
C. Pagdeklara ng Kalayaan
D. Kasunduan sa Paris

6. Paano nakatulong ang pagkakabuo ng


Continental Congress sa pagsulong ng
Rebolusyon?

A. Mas maraming kolonyang kasapi ay


makakatulong sa labanan
B. Upang magkaroon ng isang layunin at
plano bilang paghahanda sa
Rebolusyon
C. Dahil sa pangangailangan ng mga
sundalo
D. Lahat ng nabanggit

7. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari


upang makamit ng Amerika ang
kanilang kalayaan.
I. Kasunduan sa Paris noong 1783
II. First Continental Congress
III. Deklarasyon ng Kalayaan
IV. Second Continental Congress

A. I,II,III,IV
B. II,IV,I,III
C. II,IV,III,I
D. IV,III,II,I

8. Ipinatupad ang batas na ito upang patawan


ng buwis ang mga legal na dokumento at
paglalagay ng mga selyo sa mga produkto
ng British mula sa kanilang kolonya.

A. Stamp Act of 1765


B. Navigations Acts
C. Declaratory Act
D. Tea Act

9. Naganap sa Ikalawang Kongresong


Kontinental ang botohan sa pagiging
commander-in-chief ng Continental Army,
sino ang nagwagi sa botohan?

A. Thomas Jefferson
B. George Washington
C. George Bush
D. James Madison

10. Bago naging United States of America ang


bansang Amerika, ano ang tinawag dito
noong Second Continental Congress?
A. United British Colonies of America
B. United Colonies of America
C. United Nations of America
D. United Nation-States of America

11. Bakit kinailangang itapon ng mga


Amerikano ang mga tsaa ng Great Britain?

A. Pagpapakita ng kanilang pagsuporta


B. Upang hindi na mabuwisan at
maiwasan ang monopolyo sa tsaa
C. Upang ipakita ang kanilang mahigpit na
pagsang-ayon
D. Wala sa nabanggit

12. Ang mga sumusunod ay ang mga kolonya


ng British sa Amerika MALIBAN SA ISA.
A. Massachusetts, New Hampshire, New
York, Rhode Island
B. Connecticut, Pennsylvania, New
Jersey, Delaware, Maryland
C. Ohio, Las Vegas, Washington,
Mississippi
D. Georgia, South Carolina, North
Carolina, Virginia, Maryland

13. Sinong hari ng Great Britain ang


namumuno sa panahon ng Rebolusyong
Amerikano?

A. Haring George III


B. Haring Philippe II
C. Haring George IV
D. Haring Louis XVI

14. Ang pagkamatay ng limang Amerikano


dahil sa pamamaril ng mga sundalong
British ay tinawag na
___________________.

A. Battle of Yorktown
B. British Massacre
C. Boston Massacre
D. Battle of Lexington

15. Bakit ang paggawa ng konstitusyon ng


Amerika ay ebidensiya ng Rebolusyong
Pangkaisipan?

A. dahil, ito ay isang akdang nailathala at


nakilala ng mundo na naisakatuparan
dahil sa pagtanggap ng mga ideya ng
Enlightenment
B. dahil, naisulat ito ng nagkakaisang
nasyon kung saan naitatag ang
pamahalaang may tagapagpaganap,
tagapagbatas at tagahukom.
C. dahil, ito ay patunay na ang mga ideya
ng Enlightenment ay buhay, dynamiko
at progresibo.
D. Lahat ng nabanggit.
H. Takdang-Aralin

Magsaliksik tungkol sa Rebolusyong Pranses at


Amerikano. Sagutin ang mga sumusunod na gabay
na tanong. Gabay na tanong:

1.Dahilan ng mga Rebolusyon.


2.Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa
Rebolusyong Pranses at Rebolusyong Amerikano.
Rubriks sa Paggawa ng Slogan

KRAYTERIA 10 8 5 1

Mabisang Di gaanong Walang maayos Walang


Nilalaman naipakita ang naipakita ang na pagpapakita mensaheng
mensahe. mensahe. ng mensahe. naipakita.

Maganda ngunit
Sobrang ganda Maganda at Hindi maganda
hindi gaanong
at linaw ng malinaw ang at malabo ang
Pagkamalikhain malinaw ang
pagkakasulat ng pagkakasulat ng pagkakasulat ng
pagkakasulat ng
titik. titik. mga titik.
mga titik.

May malaking May kaunting Hindi malinaw Walang


kaugnayan sa kaugnayan sa ang kaugnayan kaugnayan sa
Kaangkupan paksa ang paksa ang sa paksa ng paksa ang
slogan. slogan. slogan. slogan.

Malinis na Hindi gaanong


Malinis ang Marumi ang
Kalinisan malinis ang malinis ang
pagkakabuo. pagkakabuo.
pagkakabuo. pagkakabuo.

You might also like