Si Dinong Bulagsak Mystery Readers Script

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

INTRODUCTION:

Magandang umaga mga bata! Alam niyo ba na ang buwan


ng Nobyembre ay ang buwan kung kailan natin ipinagdiriwang
ang National Reading Month?
Bilang tugon, kami ay may inihandang isang kuwento para
sa inyo, sa pamamagitan ng mga mystery readers natin sa araw
na ito.
Makinig ang mga tenga, lalimin ang pang-unawa at buksan
ang mga puso sa mga aral na ituturo sa atin ng ating bida sa
kuwento.
Handa na ba kayong makinig? Kung gayon, ating pakinggan
ang kuwentong:

“Si Dinong Bulagsak”


Ni Rina C. Limbitco
Iginuhit ni: Alglathemma M. Pineda
At binigyang Disenyo at Kulay ni: Joel Pabustan Mallari

TEACHER CATH: Tuwing hapon pagkauwi ng bahay, laging


inihahagis ni Dino ang kaniyang bag sa kahit saang parte ng
kanilang bahay. Pagkatapos noon, ay manonood na siya ng
telebisyon. Pakatapos kumain ng hapunan, doon muna siya
gagawa ng kaniyang takdang-aralin.

TEACHER CATH: Subalit, isang gabi, hinanap niya ang


kaniyang bag at hindi niya ito makita. Lingid sa kaniyang
kaalaman, nagtago ang kaniyang mga kagamitan. Nagtago si
Bag sa likod ng pinto. Nagtago si Lapis sa ilalim ng upuan.
Nagtago si Pambura sa ilalim ng mesa. Nagtago si Papel sa
ilalim ng kama. At nagtago si Pantasa sa tabi ng bintana.
TEACHER ALIZA: “Ah! Nasaan kaya ang aking mga gamit?”,
sambit ni Dino.
TEACHER ALIZA: “Sige Dino, hanapin mo kami.”, sabi ni Lapis.
TEACHER ALIZA: “Hindi mo kami pinahahalagahan.”, sabi ni
Pambura.
TEACHER ALIZA: “Oo nga, lagi mo akong inihahagis.”, dugtong
ni Bag.
TEACHER ALIZA: “Huwag tayong magpakita sa kaniya.”, sabi ni
Papel.
TEACHER ALIZA: “Hayaan nating siyang mapagod at
magpahalaga.”, banggit ni Pantasa.

TEACHER CATH: Hanap nang hanap si Dino sa kaniyang bag,


ngunit hindi pa rin niya ito makita. Nag-iiiyak si Dino (Iyak nang
iyak). Hanggang sa napagod siya sa kakahanap at kakaiyak.

TEACHER CATH: Naisip niya na kailangang pahalagahan ang


mga gamit para hindi ito mawala. Nakita ang kaniyang pagsisisi
ng kaniyang mga kagamitan. At sa kakaiyak ay nakatulog na si
Dino.

TEACHER CATH: Dumating ang kaniyang nanay.


TEACHER ALIZA: “Dino, anak, nakatulog ka.” sabi ng nanay.
TEACHER ALIZA: “Inay, nasaan po ba ang bag ko?”, tanong
niya sa nanay.
TEACHER ALIZA: “O, ayan ang bag sa tabi mo.”, sagot ng
nanay niya.

TEACHER CATH: Biglang niyakap ni Dino ang kaniyang bag.


Tiningnan ang lapis, papel, pambura, at pantasa. At lahat ay
nandoon sa loob ng bag niya. Tuwang-tuwa si Dino.
TEACHER ALIZA: “Buhat ngayon, pahahalagahan ko na kayo.”
Ang pangako ni Dino sa mga kagamitan.

TEACHER CATH: Nakangiting nakasilip sina Lapis, Pambura,


Papel, at Pantasa sa loob ng bag. At ipinagpatuloy na ni Dino
ang paggawa ng kaniyang takdang-aralin nang may ngiti sa labi.

--- KATAPUSAN ---

AFTERWORD:
At dito na nagtatapos ang kuwento ni Dinong Bulagsak.
Nakinig ba kayo nang mabuti sa ating kuwento? Kung gayon,
1. Sino nga muli ang batang bulagsak sa ating kuwento? Tama!
2. Sino-sino ang mga kagamitang nagtago mula kay Dinong
Bulagsak kaya naman hindi niya mahanap ang mga ito?
Magaling!
3. Sa tingin niyo ba ay nagsisi si Dino sa kaniyang pagiging
bulagsak? Mahusay!

MAHALAGANG ARAL:
Nawa’y lagi nating isabuhay ang aral na ating napulot sa
kuwentong ito.
Tandaan, sa ating murang edad pa lamang ay maaari na
nating matutunan ang tamang pangangalaga ng mga kagamitan
tulad na lamang ng nangyari kay Dino.
Iwasan nating maging bulagsak o maging burara o buhalhal
sa ating mga kagamitan. Bagkus, ating mahalin at pag-ingatan
pa ang ating mga kagamitan sa pag-aaral.
Nawa’y may natutunan kayo sa ating munting kuwento.
Hanggang sa muli. Paalam!

You might also like