Wastong Gamit NG Salita

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Wastong Gamit ng Salita

Ng at Nang

dalawang kataga na maaaring makasira sa global na diwa ng pangungusap. Maaari rin namang di
makasira kung ang pagbabatayan ay ang tunog ng mga katagang ito. Magkagayon man may
magkahiwalay na tungkulin at kahulugan ang dalawang kataga na lubos na nagkakadiwa kapag
mapasama sa mga salita sa loob ng pangungusap.

Ng - ang katagang ito ay ginagamit kung ang susunod na salita sa loob ng pangungusap ay
pangngalan. Ang ng ay sinusundan ng pangngalan (halimbawa: ng bahay) at siyang nagiging
tuwirang layon ng pangungusap.

Halimbawa:

Ang bata ay bumili ng tinapay tuwirang layon

Ang lolo ay kumakain ng prutas araw-araw-tuwirang layon.

Ang ng ay nagsisilbi ring pang-angkop sa pagitan ng 2 salita kung ang sinusundan nitong salita
ay nagtatapos sa patinig at ang sumusunod na salita ay pangngalan o iba pang bahagi ng
pananalita maliban sa pandiwa.

Halimbawa:

batang babae - pangngalan

inang mabait - pang-uri

lalaking duwag - pang-uri

pang-angkop dahil ang sumunod ay hindi pandiwa

Ang ng ay nagsisilbi namang panghalip na pamanggit kung ang sumusunod na salita ay


isang pandiwa. Sa pagiging panghalip na pamanggit, ito ay nagsisilbing simuno ng pangungusap
ngunit nasa uring sugnay na di makapag-iisa.

Halimbawa:
Ang batang nahulog ay nagkasakit. -Panaguring pandiwa

panghalip na pamanggit na naging simuno ng pangungusap

Ang pangungusap ay binubuo ng dalawang sugnay:

1. Sugnay na nakapag-iisa. Ang bata ay nagkasakit.


2. Sugnay na di nakapag-iisa. ng nahulog

Ng - panghalip na pamanggit ang gumanap ng tungkuling simuno sa loob ng


pangungusap dahil ang panghalip ay nagiging simuno. Nahulog - ito ang panaguri

Nang - Ito ay katagang maaaring gamitin bilang panimula ng pangungusap Ginagamit din bilang
o di kaya'y tagapag-ugnay ng mga pangungusap. Sa ibang pangungusap ipinakikita ang gamit ng
nang kung nasasagot nito ang tanong na paano ginawa ang isang bagay.

1. Ginamit ang nang bilang panimula ng pangungusap.

Halimbawa:

Nang dumating ang Tsunami, walang nagawa ang mga tao kaya’t maraming
namatay.

Nang umunlad ang teknolohiya sa globalisasyon, nabago rin ang pananaw sa


buhay ng mga tao.

2. Sinasagot ang tanong kung paano ginagawa ang isang bagay,

Halimbawa:

Siya ay natutulog nang pabaluktot kapag malamig ang panahon.


Siya ay nagsalita nang paangil..

3. Gamit sa hugnayang pangungusap

Halimbawa:

Siya'y naging matagumpay mula nang paspasan na ang kanyang pagaaral.


Nang ang salarin ay nagtapat, napadali ang pagkalutas ng kanyang kaso.
Paliwanag: Ang dalawang (2) pahayag na pinaghiwalay ng nang ay mapupunang may
magkadugtong na kaisipan.

Unang pahayag - Siya'y naging matagumpay.


Ikalawang pahayag Mula nang puspusan na ang kanyang pag-aaral.

May at Mayroon

May - Ginagamit ang katagang ito sa loob ng pangungusap kung ang salitang sumunod dito ay
bahagi ng pananalita, sa at mga, maliban sa panghalip panao. Ang mga katagang ito sa ganung
sarili kung nag-iisa ay walang kahulugan ngunit kapag napasama sa mga salita sa loob ng
pangungusap ito'y nagkakaroon ng kahulugan.

Halimbawa:

Ang Pilipinas sa ngayon ay may problemang pampamahalaan.


(pangngalan)

Ang mga magulang ay may matinding suliranin sa mga anak.


(pang-uri)

May kahapon dumating na dadalo sa seminar.


(pang-abay)

Kapuna-punang sa kasalukuyan ay may mga mag-aaral na para bang wala sa loob


ang pag-aaral. (kataga)

Kagabi, naramdaman kong may lumalakad sa bubungan namin.


(pandiwa)

Ang taong ito ay may sa pusa kung kumilos.


(kataga)

Sa padala ko ay may para sa iyo.


(pang-ukol)

Mayroon - katagang kung ginagamit ay sinusundan din ng bahagi ng pananalita. Ang kaibahan
lamang sa gamit ng may, bago isunod ang bahagi ng pananalita may nakasingit na kataga sa
pagitan ng mayroon at ng susunod na bahagi ng pananalita. Dito na rin maaaring gamitin ang
panghalip na panao ngunit di mo na maaaring gamitin ang mga katagang sa at mga upang isunod
sa mayroon Magagamit ding panimulang pangungusap tulad ng may. Sa matalinghagang
pahayag ang mayroon ay nangangahulugang angking kayamanan o angking ari-arian.

Halimbawa:

1. Ako ba ay mayroon pang pag-asa sa buhay?


2. Mayroon ding lumalakad sa bubungan namin tuwing gabi.
3. Mayroon siyang kinaibigang di nakikita.
4. Sila ang kinikilalang mayroon sa barangay namin.

Kong at Kung

Mga katagang sa pagiging halos magkasintunog ay maipagkakamaling maaaring


pareho lamang ang tungkuling ginagampanan sa loob ng pangungusap bagamat may
sadyang kani-kanilang tungkulin.

Kong - Ito ay ginagamit lang nagsasaad ng pag-aari.


- Hindi ito maaaring gamitin bilang panimula ng pangungusap.
- Isinasaad ding ang kilos ay ginawa mismo ng katawan.

Halimbawa:

Matagal kong pinagmasdan ang kanyang mukhang napakaamo.


Ibig kong bumili ng bagong damit

Kung
Ito ay maaaring gamitin na panimula ng pangungusap Sa diwa ng
pangungusap ito ay nagsasaad ng pag-aalinlangan o pasubali. Ang katagang ito ay
kilos na hindi kindles ng katawan ngunit sa Ingles ang katumbas ay If. Ginagamit
din ang kung sa hugnayang pangungusap

Halimbawa:

Kung wala kang magandang sasabihin sa kapwa huwag ka na lamang magsalita.

Uunlad pa rin ang bansa natin kung magtutulungan ang bawat isa.

Raw at Daw
Ito'y dalawang katagang maibibilang sa ponemang malayang nagpapalitan dahil bagamat
may magkaibang titik sa parehong posisyon taglay naman nila ang parehong kahulugan.
Parehong tumutukoy sa diwang walang kasiguruhan.

Raw
Ito ang ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig
na w at y. Nagpapahiwatig ito ng kahulugang walang katiyakan.

Halimbawa:

patinig
Ang tao raw na matalino ay malayo ang mararating.

malapatinig
Nakapanghihinayang isipin na ang mga punongkahoy raw sa bundok Cordillera
ay unti-unti na ring nauubos.

Magiliw raw sa kapatid si Jeriko.


Ang tamaraw raw ay halos di nalalayo sa kalabaw ang ayos.

Daw
Ito ay ginagamit tulad ng raw kung ang diwa ng pangungusap ay nagsasaad ng walang
katiyakan. Sa loob ng pangungusap ginagamit ito kung ang simsandang salita ay nagtatapos sa
katinig maliban sa w at y.

Halimbawa:

katinig

Ayon sa mga dalubwika, umunlad man ang globalisasyon, may katiyak


daw na ang Pilipinas ay di maiiwan.

Karapatan daw ng taong bayan ang magtanong sa sinuman, sa ikasalam


ng katotohanan

Iwan at Ewan

Halimbawa ang mga ito ng pares minimal dahil bagamat halos magkasintunog at may
magkaibang titik sa parehong posisyon, sila rin ay may magkaibang kahulugan.
Iwan - Nangangahulugan ito ng paglisan o pag-alis ng isang tao sa isang lugar malayo man o
malapit.
Halimbawa:

Iwan mo siya kung kinakailangan.


Bakit ba nais mo akong iwan tuwina?

Ewan - Maaaring mangahulugan ng isang ekspresyon na may pahiwatig ng pagkainis.

Halimbawa:

Ay! Ewan.

Ewan ko sa'yo, makulit ka

Sila at Sina

Ang mga ito'y panghalip at pantukoy na kapwa tumutukoy sa tao at kapwa maaaring
unang salita ng pangungusap o di kaya'y nasa gitna ng mga salita sa loob ng pangungusap. Sa
kabila nito kadalasang namamali ang gamit ng mga kabataan.

Sila - Ito'y bahagi ng pananalitang panghalip na kinakatawan ang ilang bilang ng mga tao.
Maaaring makita sa unahan o sa gitna ng mga salita sa loob ng pangungusap.

Halimbawa:

Sila ang bago kong mga kaibigan.

Sa makalawa pupunta na sila sa Estados Unidos.

Sina Ito'y salitang tumutukoy sa maraming tao. Kapag ginamit ang pannukoy na sina palagi nang
ito'y sinusundan ng mga pangalan ng tao. Makikita ang sina sa unahan o sa gitna ng
pangungusap.

Halimbawa:

Sina John at Luis ang matalik kong mga kaibigan.

Sa ating bansa ang mga makapangyarihan ay sina Pang. Arroyo noon at Pang
Aquino ngayon.
Nila at Nina

Nila - Salitang panghalip na kumakatawan sa marami o grupo ng mga tao. Kung ginagamit sa
loob ng pangungusap hindi na sinusundan ng pangalan ng tao.

Halimbawa:

Siya man ay naging kaibigan nila nang magbakasyon sila sa Caramoan.


Binigyan nila ng regalo ang nanay na nagdaos ng ikawalumpong kaarawan.

Nina - Salitang pantukoy na maramihan na kung isinusulat ay dinudugtungan ng pangalan ng


tao.

Halimbawa:

Kami ay namasyal nina Jun at Rose sa mga matanawing lugar ng Bohol.

Ganoon na lamang ang pagpupunyagi nina mama't papa na kaming magkakapatid


ay makapagtapos ng pag-aaral.

Isa't isa

Tumutukoy sa pariralang isa at isa pa. Hindi ito inuulit na salita na dapat lagyan ng
gitling sa pagitan dahil may katagang at sa pagitan ng inulit na salitang isa. Inilagay ang kudlit
upang mapasama sa unang salita ang at.

Halimbawa:

Isa't isang nagdatingan sa bahay ang mga panauhin


Tuwang-tuwa ako na isa't isa ay may iniregalo.

Iba't iba

Tumutukoy ito sa pariralang iba at iba. Tulad ng isa't isa di ito ginigilingan dahil sa
pagitan ng inulit na salitang iba ay may katagang at. Isinama rin sa unang salita ang at, at kudlit
ang ipinalit sa a.

Halimbawa:
Ang mga pahayag niya'y iba't iba kayat nakakapag-alinlangang paniwalaan.
Iba't iba ang binili ko sa palengke.

Ibang-iba

Nilalagyan ito ng gitling dahil inulit ang salitang Iba. Batay sa tuntunin kung may
kahulugan ang kaputol na salita dapat na ito'y gitlingan sa pagitan ng dalawang magkaparehong
salita kung paghihiwalayin.

Halimbawa:

Ibang-iba siya sa kanyang kapatid sa pag-uugali at talino.


Ibang-iba siya sa dati sa kanyang ikinikilos.

Sari-sari

Ginigitlingan ang salitang ito kung ginamit sa loob ng pangungusap bilang pang-uri. Ika
nga'y kung inilalarawan nito ang isang bagay.

Halimbawa:

Ang itinayo ni nanay nang mag-retire ay isang sari-sari store,

Sarisari

Ang salitang ito ay hindi ginigitingan kung ang tinutukoy mismo ay pangngalan o mga bagay
bagay na iba-ibang klase.

Halimbawa:

Sa palengke ako bumili ng sarisari para sa ihahanda namin sa Penafrancia Fiesta.

Paruparo

Isang salitang pangngalan na di rin nilalagyan ng gitling kapag isinusulat dahil walang
kahulugan ang kaputol nito. Katulad ito ng salitang GAMUGAMO, hindi pwedeng
paghiwalayin dahil wala namang salitang GAMO na may kahulugan sa sarili.

You might also like