Filipino2 Module1 Q2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

2

FILIPINO
Ikalawang Kwarter – Modyul 9
Paghihinuha sa mga Mangyayari
ii
Alamin

Tingnan ang nasa larawan. Ano kaya ang ginawa ni Lita at ng kanyang
alagang si Muning? Ano sa palagay mo, bakit hinabol ni Lita ang
kanyang alaga?

Source:Reading and Phonics

Baka naglalaro
sila ng habul -habulan.

Sa palagay ko, nagagalit si Lita


dahil sinira ni Muning ang
kanyang laruan, kaya hinabol
niya ang kanyang alaga.

Magkapareho ba ang kanilang sagot? Kung ikaw ang tatanungin ano


ang iyong sagot? Ano kaya ang iyong hinuha o palagay sa larawan?

Subukin

Panuto: Piliin ang hinuhang maaaring mangyari sa sumusunod na


pahayag/teksto. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.
1. Kung ang bata ay magtatanim ng mga punongkahoy,
A. mapakinabangan ito ng mga tao.
B. magiging mainit at marumi ang paligid.
C. wala itong maibibigay na tulong sa mga
tao.
D. walang matitirahan ang mga hayop.
2. Kung pinutol ng mga tao ang punong itinanim
ng bata,
A. presko at malamig ang hangin.
B. hindi na ito mapakinabangan ng tao.
C. maganda pa rin tingnan ang paligid.
D. makapag-aani pa rin ng mga prutas.
3. Kung magtutulungan ang mga tao sa pag- aalaga ng mga
puno,
A. malalanta ang mga ito.
B. wala na ang mga ito sa paligid.
C. higit na lulusog at dadami ang mga ito.
D. walang makukuhang pagkain ang mga tao.
ang premyo.

Aralin Napakinggang Teksto,


3 Ipahayag Ko
Layunin: Nagagamit ang personal na karanasan sa paghinuha ng
mangyayari sa nabasa/ napakinggang teksto o kuwento. F2KM-IIb-f-1.2
Konsepto: Ang pagbibigay ng hinuha o palagay ay pagbibigay ng
maaaring mangyari sa nabasa o napakinggang teksto. Basahing mabuti at
unawain ang bawat pagsasanay upang masagot ang mga katanungan.

Balikan
Ibigay ang iyong hinuha o palagay sa mga sumusunod na larawan. Piliin
ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
(source https://pixabay.com)
1.

A. dahil ayaw niyang ngumiti


B. dahil ayaw niyang makilala
C. dahil ayaw niyang mahawaan ng sakit
D. dahil ayaw niyang makita ang kanyang ngipin

2.

A. mainit
B. maulan
C. mahangin
D. makulimlim

3.

A. nagtatanim sila ng puno


B. pinaglaruan nila ang puno
C. itinapon nila ang mga puno
D. binubunot nila ang mga puno
4.

A. marahil nasa mall sila


B. marahil nagpipiknik sila
C. marahil namalengke sila
D. marahil namamasyal sila

5.

A. baka nagluluto sila


B. baka kumakain sila
C. baka nag-aaral sila
D. baka nagdadasal sila

Tuklasin
Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Pagkatapos
sagutin ang mga tanong sa ibaba:

Mabait na Kapitbahay
Malamig ang gabi kaya mahimbing ang tulog ng mga tao.
Biglang may malakas na putok at may sumigaw. Naglabasan ang mga tao
at nakita nila na nasunog ang isang bahay. Dali-daling kumilos ang bawat
isa may tumawag ng bumbero at halos lahat ay nagtutulungan sa pagkuha
ng tubig upang maisalba ang bahay. Unti-unting napatay ang apoy dahil
sa pagtutulungan ng mga tao. Dumating ang bumbero upang tiyakin na
ligtas na sa sunog ang bahay.
“Malaki ang bahay namin. Doon muna kayo titira pansamantala”,
sabi ni Mang Floro. “Kami naman ang bahala sa iyong pagkain habang
inaayos pa ang mga kailangan ninyo”, sabi naman ng mag-asawang Dela
Cruz. “Bukas magpapatawag ako ng pulong upang planuhin ang
pagsasaayos sa inyong bahay”,sabi ng Punong Barangay. Luhaang
nagpapasalamat ang pamilya ni Mang Ambo.

Ibigay ang iyong hinuha sa kalabasan ng mga pangyayari


batay sa kuwentong inyong nabasa. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.
1. Payapa ang panahon walang tunog na marinig sa
paligid, mahimbing ang tulog ng mga tao.
A. marahil wala ng tumira sa lugar
B. marahil masama ang panahon
C. marahil takot ang mga taong lumabas dahil
sa aswang
D. marahil hatinggabi na at malamig ang
panahon
2. Naglabasan ang mga tao sa kani-kanilang bahay at
nagsigawan.
A. may baha
B. may sunog
C. may bagyo
D. may parada
3. Unti-unting napatay ang apoy at naisalba ang bahay.
A. dahil nataranta ang mga tao
B. dahil nag-away ang mga tao
C. dahil nagtulungan ang mga tao
D. dahil nag-agawan ang mga tao
4. May bumberong dumating sa lugar ng nasunugan.
A. upang hulihin ang mga nasunugan
B. upang pagalitan ang mga nasunugan
C. upang makiusyuso sa mga taong lumabas
D. upang tumulong at tiyakin na ligtas na ang
lugar
5. Luhaang nagpasalamat ang pamilya ni Mang Ambo
sa tulong ng kanilang kapitbahay.
A. nagalit sila sa nangyari
B. nahiya sila sa nangyari
C. nalungkot sila sa nangyari
D. natuwa sa mga tulong na natanggap

Suriin
Basahin ng mabuti at ibigay ang angkop na hinuha o palagay. Isulat ang
titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Umiyak ang iyong kaklase nang siya’y


dumating sa paaralan.
A. marahil umaarte lang siya
B. marahil umiiyak siya sa tuwa
C. marahil hindi siya nabigyan ng baon
D. marahil napagalitan siya ng kapitbahay
2. Masayang–masaya si Ramon na lumapit sa
kanyang ina bitbit ang mga bulaklak sabay
halik sa mukha nito.
A humingi siya ng baon
B. nagpapansin lang siya
C. masakit ang kanyang tiyan
D. binati niya dahil kaarawan ng nanay niya
3. Umiiyak nang malakas ang sanggol na
bagong gising.
A. inagawan siya ng laruan
B. gusto na niyang lumakad
C. iniwan siya ng kanyang nanay
D. nagugutom siya at gustong uminom
ng gatas.

Unang Tayahin
Panuto: Ibigay ang iyong hinuha sa kalabasan ng pangyayari batay sa
kuwentong iyong binasa. Piliin ang tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.
1. Maagang gumising si Katrina, kumain ng almusal at
nagbihis.
A. pupunta siya sa parte
B. pupunta siya sa paaralan
C. pupunta siya sa palengke
D. pupunta siya sa simbahan
2. Ang mga manggang itinitinda ni Katrina ay nakuha ng
kanyang tatay sa likod-bahay.
A. bumili ng mangga ang kanyang tatay
B. binigyan ng mangga ang kanyang tatay
C. nagtanim ng mangga ang kanyang tatay
D. nanghingi ng mangga ang kanyang tatay
3. Dali-daling umuwi si Katrina at lumakad nang buong
sigla sabay ang pagkanta.
A. nakabili siya ng laruan
B. pinauwi na siya sa bahay
C. kinain niya ang mga mangga
D. naubos ang lahat ng kanyang paninda

Isaisip

Sagutin ang sumusunod:


1. Bakit kailangang unawain ng mabuti ang
teksto o kuwentong iyong binasa?
2. Paano mo maibigay ang iyong hinuha sa
kalabasan ng pangyayari o sitwasyon sa
teksto o kuwentong iyong binasa o
napakinggan?
3. Ano ang ibig sabihin ng hinuha?

Ipagpalagay na hindi mo pa nabasa ang isang teksto. Magagawa


mo kaya na mabigyang kahulugan ang pamagat nito? Sa anong paraan?
Makabubuo ka ng maraming hinuha habang nagbabasa batay sa iyong
sariling Karanasan.
Paghihinuha o Pagpapalagay (Inferencing)
Kapag nagpapaliwanag o nagbibigay ng maaring mangyari sa
nabasa o napakinggang teksto o kuwento, ikaw ay gumagawa ng
paghihinuha o pagpapalagay. Ang pag-unawa sa diwa ng isang pahayag
ay nagagawa sa iba’t-ibang paraan. Di ba’t minsa’y napaliwanag mo ang
kahulugan ng isang di-tuwirang pahayag sa teksto? Nasagawa mo ito sa
tulong ng mga pahiwatig at ng iyong sariling pagkakaalam sa paksa.

Ang hinuha o palagay at implikasyon ay halos nagbibigay ng


kahulugan. Nagkakaiba lamang ang mga ito batay sa kung sino ang
gumagawa o tumanggap ng ideya o kaisipan. Ang manunulat at
tagapagsalita ay nagpapahiwatig o nagbibigay ng implikasyon ang
mambabasa o tagapagsalita ang nagpapalagay o nagbubuo ang hinuha.
Sa paghihinuha epektibong mapapahayag kung gagamitin ang
mga panandang: siguro, marahil, baka, waring, tila, sa aking palagay,
sa tingin ko, maaaring at iba pa.

Isagawa
Ibigay ang iyong hinuha sa mga sumusunod na pahayag. Piliin
ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Kung ang isang bata ay masunurin, ano kaya
ang mararamdaman sa kanyang mga
magulang?
A. masaya
B. magagalit
C. malulungkot
D. magyayabang
2. Kung tumutulong ang mga bata sa paglilinis
ng silid aralan marahil ang guro nila ay…
A. magagalit
B. magugulat
C. matatakot
D. matutuwa

3. Pauwi na si Peter galing sa paaralan, habang naglalakad siya


sa kalsada sinunod niya ang batas trapiko.
A. masagasaan siya
B. pagtawanan siya
C. huhulihin siya ng pulis
D. maayos ang kanyang pagtawid

4. Sinusunod ni Rey ang pagsisipilyo ng kanyang


ngipin pagkatapos kumain. Ano kaya ang
mangyari sa kanyang ngipin?
A. masisira
B. sumasakit
C. maging matibay
D. maging marumi

5. Sinasabi ng nanay na hindi magbabad sa


celpon sa paglalaro ng mga online games.
A makasisira ng mata
B. makapagpapagaling
C. makapagpapaganda
D. magpapalinaw ng paningin

Tayahin
Ibigay ang iyong hinuha sa kalabasan ng mga pangyayari sa
mga sumusunod na pahayag o teksto. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Nakabihis itim ang pamilya Reyes. Malungkot at nag-


iiyakan ang iba. May nagdadasal, may naglalaro ng
baraha.
A. may pista
B. may burol
C. may kasalan
D. may binyagan

2. Lahat ng mga tao ay masaya. Nakabihis ng


dilaw ang mga dalaga at barong tagalog naman ang mga
binata. Maganda ang paligid at napaligiran ng mga
bulaklak, biglang dumating ang babaeng nakasuot ng
maputi ang mahabang damit.
A. may parada
B. may kasalan
C. may paligsahan
D. may palatuntunan
3. Tumunog ang kampana ng simbahan. Ang
pamilya ni Aling Soling ay naghahanda at nagbibihis ng
maayos na damit at naglalakad patungo sa simbahan
A. dadalo sila ng misa
B. dadalo sila ng binyag
C. maliligo sila sa dagat
D. pupunta sila sa palengke
4. Ang mga tao ay nagsisigawan at nagtatago sa loob ng
mesa at upuan maya-maya nagsilabasan sila at pumunta
sa malawak at hawan na lugar.
A. may baha
B. may lindol
C. may sunog
D. may pumutok na bulkan
5. Laging sinusunod ni Rosa ang utos ng
kanyang mga magulang. Sinabi ng kanyang mga
magulang na maglinis ng bahay at huwag magpapasok
ng mga taong di kilala habang wala sila masaya naman
niya itong sinusunod.
A. siya ay matipid
B. siya ay malikhain.
C. siya ay masunurin
D. siya ay mapagmahal

Karagdagang Gawain
Ibigay ang iyong sariling hinuha o palagay pagkatapos mong
basahin ang mga teksto o pahayag. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.
1. Maagang gumising si Lea. Kumain ng almusal, pakatapos
naligo at nagbihis sa kanyang uniporme. Kinuha niya ang
kanyang bag at nagpaalam sa kanyang nanay. Saan kaya
siya pupunta?
A. sa sinehan
C. sa simbahan
B. sa sabungan
D. sa paaralan
2. Araw ng Linggo. Nagsisimba ang pamilya ni
Mara. Sa loob ng simbahan nakita niya ang kaklaseng si
Clara na gustong makipagkuwentuhan sa kanya habang
nagmimisa. Ano sa palagay mo ang maaring gawin ni
Mara?
A. aawayin
B. pauwiin
C. pagalitan
D. sasawayin
3. Tahimik ang paligid. Biglang nagulat ang
lahat sa isang malakas na sigawan sa labas. Maya-
maya’y dumating ang sasakyan ng pulis dinampot ang
dalawang duguang lalaki at dinala sa prisinto. Ano kaya
ang nangyari?
A. may naglalaro
B. may nagsusugal
C. may nagkukwentuhan
D. may lasing na nagsuntukan

Susi sa Pagwawasto

Subukin Balikan Tuklasin


1. A 1. C 1. D
2. B 2. C 2. B
3. C 3. A 3. C
4. B 4. D 4. D
5. B 5. C 5. D

Suriin Unang Ikalawang tayahin


1.C tayahin 1.D
2.D 1.C
2. D
3.D 2.C
4.B 3.D 3. C
5.D 4.B
4. B
5.D
5.D
Unang tayahin Ikalawang Ikalawang
malayang gawain Malayang gawain tayahin(Malaya)
1.D 1.D
1.A 2.C 2.C
2.B 3.D 3.D
3.C 4.A 4.A
4.D 5.A 5.A
5.A

Isagawa Tayahin Karagdagang


1.A 1.D gawain
2.D 2.B 1.A
3.D 3.A 2.D
4.C 4.B 3.D
5.A 5.C 4.A
5.D

You might also like