Araling Panlipunan: Ikatlong Markahan - Modyul 5: Kahalagahan NG Mga Tauhan Sa Paaralan

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

1

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Kahalagahan ng mga Tauhan
sa Paaralan
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Kahalagahan ng mga Tauhan sa Paaralan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronilo AJ K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD

Bumuo Sa Pagsusulat Ng Modyul

Manunulat: Rosette L. Panlaqui / Jobelle D. Pulangco


Editor: Angelica M. Burayag, PhD / Marie Ann C. Ligsay PhD /
Romeo M. Layug / Mary Grace P. Valenton / Emily DR. Mendoza
Bernadette G. Paraiso, PhD / Elena V. Almario
Tagasuri: Mila D. Calma / Nestor P. Nuesca, EdD / Edgar E. Garcia
Romeo M. Layug / Jonathan Paranada / Ryan C. Pastor
Mary Rose B. Caguillo / Jennifer T. De Jesus / Melinda S. Mendoza
Nerissa D. De Jesus / Sandee C. Olubia / Anellen G. Fernandez
Tagaguhit: Jenny P. Hingpit
Tagalapat: Jenny P. Hingpit

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V


Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Milagros M. Penaflor, PhD
Edgar E. Garcia
Romeo M. Layug
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: [email protected]
1

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Kahalagahan ng mga Tauhan sa
Paaralan
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na


inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral
sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin
at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa


Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala,
pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng
mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang


masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman
sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro.
Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin
upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na


ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang
mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan
agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng
suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa


kapakinabangan ng bawat mag-aaral. Ito ay
makatutulong sa iyo na unawain ang paksang
nakapaloob sa Aralin 5.

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa Kahalagahan


ng mga Tauhan sa Paaralan.

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay


inaasahang:
• Makapagsasabi ang mga kalahagahan ng mga
tauhan sa paaralan (AP1PAA-IIIB-4)

1
Subukin

Panuto: Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba.


Nakikilala mo ba sila? Sino-sino sa kanila ang bumubuo sa
inyong paaralan? Piliin sa loob ng kahon ang salita na
tumutukoy sa pangalan ng mga tauhan at isulat ito sa
iyong sagutang papel.

1. 2.

3. 4.

nars
guro
guwardiya
dyanitor
punongguro
5.

2
Aralin
Kahalagahan ng mga
1 Tauhan sa Paaralan

Araw-araw, masaya kang pumapasok dahil sabik


kang malaman kung ano ang bagong ituturo ng iyong
guro. Maliban sa iyong guro, sino-sino pa ang mga
tauhan ng iyong paaralan?
Sa araling ito, malalaman mo ang mga
kahalagahan at tungkulin ng mga tauhan sa paaralan at
gaano ito kahalaga para sa kabutihan ng mga mag-
aaral na tulad mo.

3
Balikan

Panuto: Isa-isahin ang mga tauhan sa inyong paaralan.


Gumawa ng isang information chart ukol sa mga
bumubuo sa inyong paaralan. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.

Tauhan Pangalan
1. Dyanitor
2. Guro
3. Nars
4. Punongguro
5. Tagapangasiwa ng silid-aklatan

Tuklasin

May mga taong bumubuo sa paaralan, bawat isa sa


kanila ay may mahalagang tungkulin. May
mahahalagang tungkulin silang dapat gampanan para
sa kabutihan ng lahat.

4
Kilalanin natin ang mga taong bumubuo ng
paaralan at alamin natin ang kanilang tungkulin at
kahalagahan.

Mga Tauhan ng Paaralan at Kahalagahan ng


Kanilang Tungkulin

Ang mga sumusunod ay ang mga tauhang bumubuo


sa paaralan. Ginagawa nilang mapangalagaan at
malinang ang mga kakayahan ng mga mag-aaral. Sila
ay nagsisikap na gampanan ang kanilang mga tungkulin
para sa kabutihan ng mga mag-aaral.
Kilalanin natin ang mga halimbawa ng mga taong
bumubuo sa paaralan. Alamin natin kung gaano
kahalaga ang tungkuling kanilang ginagampanan.

Gng. Emily DR. Mendoza


Punongguro

• Siya ang namamahala sa mga programa,


alituntunin, kabutihan at ikauunlad ng paaralan.

5
Gng. Yolanda D. Santos
Guidance Counselor (Gabay Tagapayo)
• Nagbibigay payo, nagpapanatili ng kabutihang-
asal, nakikipagtulungan sa mga magulang at
nakikipag-ugnayan sa mga guro sa wastong asal ng
mga mag-aaral.

Gng. Perlita T. Caisip, Gng. Ma. Fe R. Gomez,


Gng. Gloria H. Diego at Gng. Isabelita D. Sanchez
Mga Guro
• Sila ang nagtuturo ng iba’t ibang aralin upang
matuto at mapaunlad ang kaalaman ng mga mag-
aaral. Nakikipag-ugnayan din sila sa mga magulang.

6
Mga Mag-aaral

Tungkulin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:


• Sumunod sa mga alituntunin ng paaralan.
• Maging magalang sa mga bumubuo ng paaralan.
• Mag-aral nang mabuti.
• Lumahok sa mga gawain at programa ng paaralan
upang mahasa ang kakayahan.
• Gawin ang mga takdang-aralin at proyekto sa
takdang oras.

7
Suriin

Iba Pang Tauhan na Bumubuo sa Paaralan

Mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng


bawat tauhang bumubuo sa paaralan dahil may
kinalaman ang kanilang mga tungkulin sa kalusugan,
kasanayan, at kaligtasan ng mga mag-aaral. May iba
pang tauhan na bumubuo rito.

Naririto ang mga halimbawa.

Gng. Minerva M. De Leon


Librarian (Tagapangasiwa ng Silid-Aklatan)

• Siya ang namamahala sa silid-aklatan.


• Siya ang tumutulong sa mga mag-aaral at mga guro
sa kanilang mga kailangan sa silid-aklatan.
• Ginagabayan niya ang mga mag-aaral sa tamang
paggamit ng silid-aklatan.

8
Dr. Rosario I. Tayag at Gng. Madelaine D. Aguilar
Doktora at Nars ng Paaralan

• Sila ang nag-aalaga sa kalusugan ng mag-aaral at


tauhan ng ibang pang bumubuo sa paaralan.
• Ang doktor ang nagbibigay ng paunang lunas o
gamot sa sakit ng mag-aaral at iba pang bumubuo
sa paaralan.
• Ang nars ang tumutulong sa doktor sa kaniyang mga
gawain.

G. Joel Roque
Guwardiya

9
• Sinisiguro niya ang kaligtasan at katahimikan ng mga
mag-aaral at iba pang tao sa paaralan.
• Nagpapatrolya sa loob ng paaralan upang matiyak
ang kaligtasan ng lahat.

G. Rey Angeles
Dyanitor

• Siya ang nagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng


paaralan.

Ang mga bumubuo sa paaralan ang tumutulong sa


paglinang ng talino, kakayahan at pag-uugali ng mga
mag-aaral. Mahalaga ang gampanin ng bawat isa
upang mapabuti ang kalagayan ng mga mag-aaral.
Sila ay marapat lamang na bigyang paghanga at
paggalang.

10
Pagyamanin

A. Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap.


Ibigay ang kahulugan ng mga nakasalungguhit na salita.
Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.

1. May mga kaniya-kaniyang tungkulin ang mga


bumubuo sa paaralan.
a. pangalan
b. impormasyon
c. gawain
d. lugar
2. Ang punongguro ang namamahala ng buong
paaralan.
a. nagtatag
b. nagpapatakbo
c. nagmamay-ari
d. nag-aayos
3. Ang mga bata ay nag-aaral upang mahasa ang
kanilang talino at kakayahan.
a. mapahusay
b. makilala
c. lumalim
d. mapurol

11
4. Nagsisikap ang mga bumubuo ng paaralan na gawing
kaaya-aya ang paaralan para sa mga mag-aaral.
a. maayos
b. mapayapa
c. masaya
d. tahimik
5. Ang mga guwardiya ay nagpapatrolya sa paligid ng
paaralan.
a. nagbabantay at nagtatanong
b. naglalakad at nagmamatyag
c. naglilinis at nag-uutos
d. nagpapakapagod maglakad

B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon kung sino ang mga nasa


larawan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

mag-aaral librarian guwardiya

dyanitor punongguro

1. 2.

12
4.
3.

5.

C. Panuto: Kilalanin ang mga taong bumubuo sa


paaralan sa pamamagitan ng mahalagang tungkulin na
kanilang ginagampanan. Piliin sa loob ng kahon at isulat
sa iyong sagutang papel ang tamang sagot.

guro dyanitor doktor guwardiya librarian

13
1. Malinis at maganda ang paaralan dahil sa paglilinis ni
Mang Andy.
2. Si Bb. Indiana ay nagtuturo ng maraming bagay sa
mga mag-aaral.
3. Si Gng. Alexis ang namamahala sa silid-aklatan.
4. Buwan-buwan ay kinukunsulta ni Nars Grace ang
kalusugan ng mga mag-aaral.
5. Binabantayang mabuti ni G. Roque ang paaralan
upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

D. Panuto: Iguhit ang masayang mukha ( )


kung gumagawa ng tungkulin at malungkot ( )kung
hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. “Hindi ako sasali sa mga gawain sa klase. Nahihiya kasi


ako,” sabi ni Ana.
2. “Papasok ako nang maaga sa paaralan upang
masimulan ko ang pagsulat ng mga gawain ng mga
bata sa pisara,” sabi ni Bb. Santos.
3. “Bahala ka na diyan sa pagkuha ng mga aklat.
Kumakain pa kasi ako,” pagalit na sabi ni Gng. Reyes.
4. ”Bawal pong pumasok ang mga bata sa loob ng
paaralan nang walang suot na face mask,”ang
paalala ni Mae.
5. “Maglilinis ako ng paligid upang pagpasok ng mga
mag-aaral ay maging ligtas sila sa paaralan,” ang sabi
ni Kuya Rey.

14
E. Panuto: Piliin sa hanay B ang tungkulin ng mga tauhan
na nasa hanay A. Isulat ang letra ng iyong sagot sa
sagutang papel.

A B

1. guro a. nakikipagtulungan sa
mga magulang
upang matiyak ang
kabutihan ng mga
mag-aaral
2. punongguro b. namamahala sa
silid-aklatan
3. librarian c. naghahanda
ng mga aralin,
takdang-aralin at
pagsusulit
4. guidance d. nagpapatrolya
counselor sa bakuran ng
paaralan
5. guwardiya e. siya ang namamahala
sa buong paaralan

15
F. Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita ukol sa
kahalagahan ng mga tauhan sa paaralan. Piliin sa loob
ng kahon ang angkop na salita na bubuo sa tula. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

guro punongguro mag-aaral

guwardiya dyanitor

Sa aking pagpasok sa paaralan, nakangiting bumabati


ang masayahin naming (1) _________.
Sinisigurong ligtas ang lahat ng mga (2) _______.
Sa kanilang pagpasok sa pangalawang tahanan.
Kalinisan ay tinitiyak ng aming (3) _______,
para sa ikakaganda ng aming paaralan.

Malugod na pagbati sa mahal naming (4) ______.


Hatid ay kaalaman para sa aming lahat.
Nakaagapay sa kanya ang aming (5) _______.
Na siyang tagapamahala nitong aming paaralan.

16
Isaisip

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Punan ang


patlang ng tamang tungkulin ng tauhan sa paaralan.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang aming p_ _ _ _ _ _ _ _ _ ang namamahala sa


buong paaralan. Gumagawa siya ng mga programa
para sa ikabubuti ng mga mag-aaral.
2. Nagbibigay ng payo ang aming g _ _ _ _ _ _ _
c _ _ _ _ _ _ _ _ sa mga mag-aaral at nakikipag-
ugnayan sa mga magulang.
3. Pinapanatili ng aming d _ _ _ _ _ _ _ ang kalinisan at
kaayusan ng paaralan.
4. Ang aming mga g _ _ _ ang siyang nagtuturo ng ibat-
ibang aralin.
5. Ang mga d _ _ _ _ _ at n _ _ _ ng paaralan ang
nangangalaga sa kalusugan ng mga mag-aaral at iba
pang mga bumubuo sa paaralan.

17
Isagawa

Panuto: Isulat kung sino ang tinutukoy na tauhan ng


paaralan. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

1. Papunta si Jasmin sa silid-aralan, napansin niya ang


isang tauhan na nagwawalis. Sino siya?
2. Si Ronnel ay nagmamadali sa pagpasok sa paaralan.
Napuna siya ng bantay sa gate na wala siyang suot na
ID. Sino ang pumuna kay Ronnel?
3. Sumasakit ang tiyan ni Samantha. Kanino siya hihingi ng
tulong upang malunasan ang kanyang
nararamdaman?
4. Siya ang nagturo sa aking magbasa, magsulat at
magbilang. Sino siya?
5. Nais ni David na humiram ng aklat, sino ang kanyang
lalapitan?

18
Tayahin

Panuto: Ang mga sumusunod ay mga mahahalagang


gampanin ng mga bumubuo sa paaralan maliban sa isa.
Alin ang hindi kasali? Piliin ang letra ng tamang sagot.
Isulat ito sa sagutang papel.

1. guro
a. nagtuturo at nililinang ang kakayahan ng mga
mag-aaral
b. gumagabay sa tamang paggamit ng silid-aklatan
c. nagmamarka ng mga pagsusulit at takdang aralin
d. nagtsetsek ng mga takdang-aralin ng mga mag-
aaral
2. guidance counselor
a. tinutulungan ang mga mag-aaral sa kanilang mga
suliranin
b. nagwawasto ng mga takdang aralin ng mga
mag-aaral.
c. nakikipag-ugnayan sa mga guro at magulang para
sa kabutihan ng mga mag-aaral
d. nagbibigay ng payo sa mga mag-aaral tungkol sa
kanilang pag-aaral

19
3. punongguro
a. nagtuturo sa klase
b. namamahala sa buong paaralan
c. gumagawa ng mga programa para sa kaayusan
ng paaralan
d. pinupulong ang mga bumubuo sa paaralan
4. mag-aaral
a. magbantay sa kantina at gate
b. mag-aral na mabuti
c. gumawa ng takdang-aralin
d. sumunod sa mga alituntunin ng paaralan
5. librarian
a. pumipili ng lathalain o babasahin para sa
koleksiyon ng aklatan.
b. binabantayan ang mga pumapasok sa loob ng
paaralan
c. itinuturo sa mga mag-aaral ang tamang paraan
ng paggamit ng silid-aklatan
d. namamahala sa silid-aklatan

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumuhit ng hugis puso at isulat sa loob nito ang


pangalan ng iyong guro. Kulayan ito.

20
Rubriks sa Pagguhit ng Larawan
MGA 5 4 3 2 PUNTOS
KRAYTERYA
Pagka- Lubos na Naging Hindi Walang
malikhain nagpama- malikhain gaanong ipinamalas
las ng sa naging na
pagka- pagha- malik- pagkamalik-
malikhain handa. hain sa hain sa
sa pagha- pagha- paghahan-
handa. handa. da.
Pama- Ginamit Ginamit Naisu- Hindi handa
mahala ng ang sapat ang oras mite at hindi
oras. na oras sa na nang tapos.
paggawa itinakda maaga.
ng sariling sa
disenyo sa pagga-
gawain. wa at
nagbi-
gay ng
tamang
oras.
Organisas- Buo ang May Konsis- Hindi ganap
yon kaisipan, kaisa- tent, ang
konsistent, han at may pagkaka-
kumpleto may kaisa- buo, kulang
ang sapat na han, ang detalye
detalye at detalye kulang at di
malinaw at mali- sa malinaw
sa naw na detalye ang
intensyon. inten- at hindi intensyon.
syon. gaa-
nong
malinaw
ang
inten-
syon.

21
22
Isaisip Pagyamanin
E.
1. Punongguro
1. c
2. Guidance Counselor
2. e
3. Dyanitor
3. b
4. Guro
4. a
5. Doktor at Nars
5. d
Isagawa F.
1. dyanitor 1. guwardiya
2. guwardiya
2. mag-aaral
3. doktor at nars
4. guro 3. dyanitor
5. librarian
4. guro
5. punongguro
Pagyamanin Pagyamanin Subukin
C.
1. dyanitor A.
2. guro 1. C -punongguro
3. librarian 2. B -guro
3. A -nars
4. doktor
-guwardiya
5. guwardiya 4. A
-librarian
5. B
D.
1. B.
1. punongguro
2. 2. mag-aaral
3. dyanitor
3. 4. guwardiya
5. librarian
4.
5.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Miranda, NP. 2017. Araling Panlipunan - Unang Baitang


Patnubay Ng Guro. Depatment of Education Bureau
of Learning Resources.

Miranda, NP. 2017. Araling Panlipunan - Unang Baitang


Kagamitan ng Mag-aaral. Depatment of Education
Bureau of Learning Resources.

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)


Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like