Daily Lesson Log in Esp9 Week 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

DAILY LESSON LOG Paaralan DIANAWAN NATIONAL HIGH Baitang/Antas 9

(Pang-araw-araw na SCHOOL
Tala sa Pagtuturo) Guro JESSA C. BALMORES Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras (February 16-17, 2023) WEEK 1 Markahan THIRD

UNANG ARAW
IKALAWANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa konsepto ng katarungang panlipunan.

B. Pamantayan sa
Pagganap
Natutugunan ng mga mag-aaral ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop na
pagkakataon.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan


1. Nakikilala ang mga palatandaan ng Makatarungang panlipunan.
a. Naipaliliwanag ang mga palatandaaan ng isang makatarungang panlipunan.
b. Nakagagawa ng isang sanaysay ukol sa pagiging makatarungang tao.
EsP 9-KP-IIIc-9.1
1. Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at mamamayan.
a. Nakapagbibigay ng mga solusyon sa mga sitwasyon na nagpapakita ng kawalan ng katarungan.
b. Nakapaglalahad ng sanhi at bunga ng paglabag
sa katarungang panlipunan. EsP 9-KP-IIIc-9.2

II. Nilalaman
Modyul 9: Katarungang Panlipunan
A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng


Guro
EsP 9 CG p. 70-79
EsP 9 CG p. 70-79

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-


aaral

EsP 9 LM p.132-146
EsP 9 LM p. 132-146

3. Mga pahina sa Teksbuk


Sa Mahal Kong Bayan TG Punzalan et.al p.35

4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng


Learning Resource

http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/905

http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/905

B. Iba pang Kagamitang Panturo


larawan mula sa internet- https://www.google.com.ph/search?q=lipunan &sa=G&tbm=isch&tbo=u&source=univ&ved
=0ahUKEwiH_9psO7PAhWEj5QKHR9YB4wQ sAQIIA
LCD Projector, Laptop
Sa Mahal Kong Bayan et.al p. 33
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin o pagsisimula ng bagong aralin.

Pasagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. EsP 9 LM p. 130-131 (gawin sa loob ng 5 minuto)

Ano-ano ang larawang inyong nakalap ukol sa paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at mamamayan? (gawin sa
loob
ng 2 minuto)

B. Paghahabi sa layunin ng aralin at pagganyak.

A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
B. (Picture Analysis) Tingnan ang larawan at bilugan ang nagpapakita ng isang makatarungang panlipunan (gawin sa loob ng 5
minuto)

1. Ano-ano ang mga larawang nagpapakita ng


palatandaan ng isang makatarungang panlipunan?
2. Paano mo masasabing ito ay palatandaan
ng isang makatarungang panlipunan?

A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
B. Ibigay ang mga paglabag na nagawa ng sumusunod na mga kilalang tagapamahala at mamamayan ukol sa katarungang panlipunan:
(gawin sa loob ng 8 minuto)
a. pangulo d. mayor
b. senador e. huwes
c. pulis f. karaniwang tao

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin.

Mga Palatandaan ng Katarungang Panlipunan (Pangkatang Gawain)

Mula sa mga nabasa sa diyaryo, napanood sa telebisyon, internet at narinig sa radyo, ano ang iyong ideya tungkol sa "Katarungang
Panlipunan" Magtala ng 5 gamit ang bubble web. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Inquiry Approach)

KATARUNGANG PANLIPUNAN

1. Bakit mo itinuturing na palatandaan ng katarungang panlipunan ang mga isinulat mo sa bubble web?
2.Mula sa mga palatandaang isinulat, ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng katarungang panlipunan?

Tunghayan sa LM ang Gawain 4 pahina 134-135 (gawin sa loob ng 5 minuto). (Reflective Approach)

Pamprosesong mga tanong:


1. Ano ang naisip mo at naramdaman habang isinasagawa ang pagbabahagi ng gawain?
2. Ano ang mga pagpapahalagang nararapat taglayin ng bawat isa upang mapairal ang katarungang panlipunan?
3. Paano mananaig ang katarungang panlipunan sa ating bansa?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Pasagutan at talakayin ang tsart ng mga palatandaaan ng pagiging makatarungang tao. Tunghayan ang Gawain 2 sa LM pahina 133 para sa
talahanayan. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

Mga Kuwento ng Buhay-Buhay (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)


Basahin ang mga pangungusap sa ibaba at kumpletuhin ang istorya sa hakbang na gagawin mo kung ikaw ang nasa ganitong kalagayan. Isulat
ang inyong sagot sa notbuk.
1. Si Ginoong Magpantay ay napag-iinitan ng mayor dahil sa kanyang pagbubunyag ng ukol sa droga.
2. Ipinapapatay ang mga taong napaghihinalaang gumagamit at nagbebenta ng droga.
3. Kinagat ng aso ng kapitbahay ang kapatid mo.
4. Ayaw bayaran si Mang Jose ng taong may pagkakautang sa kanya.
5. Idinidiin si Larry ng taong alam niyang siyang
gumawa ng krimen.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Tumawag ng 2-3 mag-aaral upang magbahagi ng kanilang ginawang pagtatasa sa sarili tungkol sa taglay nilang mga palatandaan ng isang
makatarungang tao. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

Pangkatang Gawain: Pagtalakay sa mga kasagutan ng mga mag-aaral. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative Approach)

Bigyan ang bawat pangkat ng manila paper upang isulat ang kanilang kasagutan. Pumili ng tagapag- ulat.
1. Paano ninyo karaniwang binibigyan ng solusyon ang mga suliranin?
2. Paano maiiwasan ang mga ganitong paglabag
sa katarungang panlipunan?

F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Formative Assessment)

Sagutin ang sumusunod na katanungan: (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)


1. Ano ang naramdaman mo sa kinalabasan ng iyong pagtatasa? Ipaliwanag.
2. Sa kabuuan, ano-ano ang iyong natuklasan tungkol sa iyong sarili batay sa resulta ng indibidwal na pagtatasa?
3. Paano ka magiging makatarungang tao upang makapagbahagi sa pagpapairal ng makatarungang lipunan sa iyong pamilya,
paaralan o pamayanan?

Sagutin ang sumusunod na katanungan: (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)


1. Ano ang iyong nararamdaman kapag nakakita ka ng mga nasa pamahalaang lumalabag sa katarungang panlipunan?
2. Bakit kailangang pagtibayin at itaguyod ang katarungnang panlipunan sa panahon ngayon?
3. Sino-sino sa ating mga pinuno at mamamayan ang kakikitaan ng paglabag sa katarungang panlipunan?

G. Paglalapat sa aralin sa pang-araw-araw na buhay

Sa inyong notbuk, gumawa ng isang sanaysay na may pamagat na <Ako Bilang Makatarungang Tao=. (gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective Approach)

Bubuo ang guro ng rubrik sa pagsulat ng sanaysay

Gumawa ng isang panunumpa ukol sa pagsasabuhay ng makatarungang lipunan (gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist
Approach)
Panunumpa:
Ako si _ ay nangangako na
_ sa pagpapalaganap ng upang makamit ang na lipunan.

________________
Lagda

H. Paglalahat sa aralin

Ang pagiging makatarungan ay umiiral sa dalawang magkapitbahay, magkaklase o magkaibigan.

Mahalagang tandaan na ang pangunahing prinsipyo ng katarungan ay ang paggalang sa karapatan ng bawat nilalang anumang ugnayan
mayroon ka sa iyong kapwa. (gawin sa loob ng 2 minuto)

Ang paglabag sa katarungang panlipunan ng mga pinuno at mamamayan ay mga indikasyon ng kawalan ng katarungang nararapat na maging
mulat sa mga paglabag na ito upang mapangalagaan ang karapatan ng bawat indibidwal.

Mahalaga ang katarungang panlipunan dahil ito ang pundasyon ng maayos na pamumuhay.
Umiiral ito kapag walang katiwalian, pandaraya, pangungurakot at krimen. Ito ang kasalukuyang ginagawa ng ating bayan. (gawin sa
loob ng 2
minuto)

I. Pagtataya ng Aralin
Punan ang tsart ng mga sitwasyong nagpapakita ng palatandaan ng: (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach)
A. Makatarungang Lipunan
1.
2.
3.
4.
5.
B. Di-Makatarungang Lipunan
1.
2.
3.
4.
5.
Isulat ang Sanhi at Bunga ng paglabag sa katarungang panlipunan: (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Paglabag sa Katarungang Panlipunan
J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Kumuha ng mga larawan o artikulo na nagpapakita ng paglabag sa


katarungang panlipunan ng:
a. tagapamahala o namumuno
b. mamamayan o indibidwal

Ano-ano ang ating pananagutan sa kapwa?

IV. MgaTala

V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag- aaral na nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?


E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasang solusyunan sa tulong ng aking punongguro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Prepared by: Checked and Reviewed by:


JESSA C. BALMORES VILMA L. EUGENIO
Teacher I School Principal I

You might also like