PANPIL

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

MODYUL 1

YUNIT 1

Ang yunit na ito ay binubuo ng mga sumusunod na liksyon:

A.Sanligang Kaalaman sa Panitikan

B. Mga Anyo at Uri ng Panitikan

C. Ang mga Akdang Nagdala ng Malaking Impluwesiya sa

Buong Daigdig

D. Mga Bahagi o Panahunan ng Panitikang Filipino

Mga Layunin:

A. Nakapagbibigay ng katuturan ng panitikan at impluwensiya nito sa daigdig

B. Nakapagpapaliwanag ng pagkakaiba ng tuluyan sa patula

C. Nakapagtukoy ng mga kaisipan, paniniwala, pamahiin ng mga sinaunang Pilipino.


Liksyon 1

Sanligang Kaalaman ng Panitikan

Ang bawat bansa ay may kasaysayan ng mga pangyayari sa kanyang pinagmulan, uri, at ugali
ng mga taong doon ay naninirahan-paano sila namuhay at namumuhay, may kulturang sarili na naiiba
sa mga bansang kapiling niya sa mundong ibabaw. Ang kasaysayan ng mga pangyayari sa isang bansa
na nasusulat sa bawat panahon ng kanyang pananatili o pag-iral ay maituturing na bahagi ng
tinatawag na panitikan o literatura ng bansang iyon.

Isang mabisang ekspresyon ng isang lipunan ang panitikan. Isang institusyon at


kasangkapan na nakatuon sa pagkakamit ng pag-unlad ng pag-iisip at kakayahan ng mga mamamayan
sa loob ng isang lipunan..

Saan nagmula ang salitang panitikan?

Ang salitang literatura ay salitang Kastila na galing sa Ingles na literature. Ito ay kapwa batay
sa salitang ugat na Lating “litera” na ang kahulugan ay “letra” o “titik”.Ang panitikan ay galing sa
panlaping pang salitang ugat na titik at hulaping an.

Ang panitikan daw ay mga bungang-isip na isinatitik. Ito ay ayon kina Rufino alejandro at Julian
Pineda. Ayon pa rin sa kanila, ang panitikan ay sumasaklaw sa lahat na uri ng katha na tumutulong sa
wastong ikauunawa sa kahapon, ngayon at bukas ng isang bansa.

Masasabi ring ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin at mga karanasan ng


sangkatauhan na nasusulat sa masining at makahulugang mga pahayag

Si W.G. Long naman ay nagsabing ang panitikan ay nasusulat na tala ng pinakamabuting


kaisipan at damdamin ng tao.

Ayon kay Ruskin,ang panitikan ay nagtataas ng ating pagpapasiya at panlasa.

Panitikan ding matatawag sa lahat na uri ng mga tala na kinasasalaminan ng pang-araw-araw


na pamumuhay ng mga tao sa lipunang kanilang ginagalawan.

Bakit Mahalaga sa Isang Bansa ang Panitikan?

Naipaparating sa bawat mambabasa sa isang paraang maganda at wasto ang karanasan ng


sinumang manunulat.
nating kalinangan at ang henyo ng ating lahi na naiiba sa ibang lahi.
Ang panitikan ay nagiging dahilan ng pagkakaunawaan ng mga tao sa mundo.
Ito ay nag-uugnay sa damdamin ng mga tao upang makita ang katwiran at katarungan
Mga Bagay na Nakakaimpuwensiya sa Panitikan

Maraming mga bagay ang humuhubog o nakaiimpluwensiya sa panitikan. Dahil ang panitikan
ay sinusulat ng tao, ang nilalaman nito ay naapektuhan ng mga pangyayaring tulad ng:

1. Kultura, Kaugalian at Tradisyon ng bansa o lahing kinabibilangan ng manunulat.


2. Hanapbuhay o Gawain/Propesyon. Ang mga salita, pahayag at pangyayaring inilalahad sa
panitikan ay kaugnay ng hanapbuhay, gawain o propesyon ng manunulat. Kung ang
manunulat ay isang guro, ang karaniwang pinapaksa ng kanyang mga sinusulat ay may
kaugnayan sa mga bata o sa kanyang gawain bilang guro
3. Lipunan at Pulitika. Kung paano nakaaapekto sa buhay ng mga mamamayan ang pulitika,
gayon din sa panitikang nasusulat. Ang uri ng pamahalaan, ugali ng mamamayan, at ang
kultura ay nababakas sa panitikan ng bansang pinanggalingan nito.
4. Edukasyon at Pananampalataya. Ang laman ng panitikang nasusulat ay naaayon sa
edukasyon at pananampalataya ng mga tao. Ang mga mamamayang may mataas na antas
ng edukasyon ay higit na may mayaman at malawak na isipan. Ito ay nakikita sa panitikan.
Gayundin, kung ano ang uri ng kanilang pananampalataya ay siyang karaniwang nagiging
paksa o nailalarwan ng panitikan kung di man ay nagkaroon ng kaugnayan.
5. Lugar na Tinitirhan. Ang lugar na tinitirhan ng mga tao ay may malaking impluwensiya sa
kanilang isipan at damdamin. Ang uri ng tanawin at kapamuhayan ng mga tao sa isang
lugar ay siyang karaniwang nagiging paksa ng panitikan ng mga mamamayan.
Yunit 2
Liksyon 1

Mga Anyo at Uri ng Panitikan

Anyo ng Panitikan

Anyong Patula o Tulang Pasalaysay

1.Anyong Patula- pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga maanyong salita


sa mga taludtod na may sukat o bilang ng pagtig o pagtutugma.

a. Tulang Liriko o Tula ng Damdamin o Tula ng Puso- nagsasaad ng marubdob na


pagdamdam sa isang paksa.

Uri ng Tulang Liriko

a.1. Dalit-nagpaparangal sa Maykapal na may halong pilosopiya ng buhay

a.2.Soneto-laging taglay nito ang mga aral sa buhay, na may labing-apat na taludtod at ang mga
nilalaman ay tungkol sa damdamin at kaisipan ng tao.

a.3.Elehiya- nilalaman nito ang mga alaala ng isang


namatay, guniguni tungkol sa kamatayan, pananangis
at pananaghoy.

a.4.Oda-masigla ang nilalaman, pampuri sa mga pambihirang nagawa, walang katiyakan ang bilang ng
pantig at saknong sa bawat taludtod

a.5.Awit- madamdamin ang nilalaman, karaniwang paksa ay tungkol sa pag-ibig, kabiguan,


kalungkutan, pag-asa, pangamba,kaligayahan.

B.Tulang Pasalaysay- taglay ng tulang ito ang paglalahad ng makukulay at mahalagang tagpo sa
buhay tulad ng pag-ibig, at pagkabigo, tagumpay nila sa kahirapan. Inilalahad din nito ang kagitingan
at katapangan ng mga bayani sa pakikipagdigma.

Uri ng Tulang Pasalaysay

b.1. Epiko- isinasalaysay nito ang kagitingan ng isang tao sa pakikipagdigma.Maraming tagpo ang hindi
kapani-paniwala sapagkat may kahiwagaan at kababalaghang nakapaloob.
b.2.Awit at Kurido- tinatawag ito na mga tulang romansa o (metrical tales). Taglay nito ang mga
paksang may kinalaman sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng kilalang tao sa kaharian tulad ng
mga hari, prinsipe,duke, reyna,at prinsesa na ang layunin ay palaganapin ang relehiyong Kristiyano.
Dinala ito ng mga Kastila buhat sa Europa. May sukat na labindalawang pantig. Ang awit ay inaawit ng
mabagal sa saliw ng gitara o bandurya, samantalang ang kurido’y wawaluhing pantig at binibigkas sa
kumpas ng martsa.

b.3. Balad- ito ay may himig awit sa dahilang ito ay inaawit kasalukuyan ay napabilang na ito sa tulang
kasaysayan na may 6 hanggang 8 pantig.

C. Tulang Patnigan- (Joustic Poetry)

Uri ng Tulang Patnigan

c.1. Karagatan- ito ay isang larong may paligsahan sa tula. Galing daw sa alamat ng “Singsing” ng
isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat at ang binatang makakapagbalik sa singsing ng dalagang ito
sa pamamagitan ng pagsisid ay siyang pagkakalooban ng “Granadang Ginto”, ng pag-ibig ng dalagang
nawalan. Maaaring ang sensing naman ay sadyang inihulog ng prinsesa sa dagat sa hangarin niyang
mapangasawa ang kasintahang mahirap.

c.2. Duplo- isang paligsahan sa pangangatwiran sa patulang pamamaraan at karaniwang masaksihan


sa mga baryo lalo na sa paglalamay sa patay. Ang mga katwiran ng bawat kalahok ay hango sa Bibliya
sa mga sa mga kasabihan at mga salawikain. Sinisimulan ang laro sa pamamagitan ng panalangin para
sa katahimikan ng namatay.

c.3. Balagtasan- ito’y tagisan din ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran sa pamamaraang
patula. Nanggaling ito sa pangalang Balagtas na bahagi ng pangalan ni Francisco Baltazar.

D. Tulang Dula o Pantanghalan- ito ay katulad ng karaniwang dula at ang kaibahan nga lamang ay
binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa pamamaraang patula. Halimbawa,
“Katipunan” ni Gabriel Beato Francisco.

2. Anyong Tuluyan o Prosa-pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng malayang pagsama-sama ng


mga salita sa pangungusap.

Uri ng Tuluyan o Prosa

a. Maikling kuwento o maikling katha- isang sangay nga panitikang naglalahad ng isang
natatangi at mahalagang pangyayari sa buhay ng isang pangunahing tauhan sa isang

takdang panahon.
b. Kathambuhay o nobela- isang sangay ng panitikang nagtataglay ng maraming
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o dalawang pangunahing tauhan at iba pang
katulong na mga tauhan at iba pang katulong na mga tauhan at ang buong pangyayari
ay sumasaklaw nang higit na mahabang panahong kaysa maikling katha.
c. Dula o drama- isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan
ng pananalita, kilos at galaw ang kaisipan ng may-akda. Kapag ang dula ay naglalahad
ng isang natatanging pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at sa maikling
panahon lamang tumatagal ang dulang ito ay tinatawag na dualng iisahing yugto. Ang
mahabang dula ay malimit na binubuo ng tatlong yugto at may maraming tauhang
kasama at ang mga pangyayari, tulad ng isang kathambuhay ay maaaring tumagal ng
mahabang panahon. Ang dula ay sinulat upang itanghal sa isang tanghalan o entablado.
d. Sanaysay- itinutumbas sa salitang Ingles na essay. Ito naman ay nanggaling sa salitang
Latin na exagium, isang pagtitimbang-timbang. Ang sanaysay ay isang kathang
naglalahad ng mga kuro- kuro at damdamin ng isang tao hinggil sa isang paksa. Ang
sanaysay ay maaaring maanyo at maaari ring Malaya o personal. Ang sanaysay na
Malaya ay higit na kaaliw-aliw na basahin kaysa maanyong sanaysay na ang tanging
layunin ay magbigay ng kaalaman.
e. Talambuhay-isang sangay ng panitikang naglalahad ng mahalagang pangyayari sa
buhay ng isang tao. Kapag ang talambuhay ay nauukol sa taong siya sumulat, ito ay
tinatawag na pansariling talambuhay.
f. Pangulong tudling –isa ring sanaysay na nagsasaad ng kuro-kurong patnugot ng isang
pahayagan. Ang mga pitak ng mga kolumnista ay kahawig ng pangulong tudling lamang,
ang kuro-kuro ng patnugot ay higit na matimbang o may bigat at ipinalalagay ng kuro-
kuro ng pahayagan.

g. Salaysay:

Parabula- isang kinathang salaysay na may mga pangyayaring maaaring mangyari sa


katutubong buhay ng tao, ngunit kinatha upang maglarawan ng isang aral sa kalinisan ng
pamumuhay, kabanalan, pagkawanggawa, mabuting pakikipagkapwa.
Halimbawa: Parabula ng Alibughang Anak.
Pabula –isang maikling salaysay na patalinhaga at
kinatha upang maglarawan ng isang aral na moral. Ang mga panauhan ag salaysay ng
pabula ay karaniwang hayop o mga bagay na binibigyang-katauhan, gaya ng
kapangyarihang magsalita at umisip na parang tao. Ang pabula ay sinasabing likha ni Esopo.
h. Balita- isang anyo ng paglalahad na tumatalakay sa iba’t ibang paksa: sa pamahalaan, sa
lipunan, sa paaralan, sa pananampalataya, sa agham, kalakalan, sakuna, kalusugan,
atbp.
i. Talumpati- isang uri ng akda o slaysaying pampanitikan inihanda sa layuning basahin o
bigkasin sa harap ng mga makikinig.
Liksyon 2

Ang Mga Akdang Pampanitikang Nagdala ng Malaking Impluwensiya sa Buong Daigdig

Sa kasaysayan ng panitikan, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa mga bansa sa daigdig, mayroong
mga akdang pampanitikan na nagdala ng malaking impluwensiya upang maisulat at mabuo ang obra
maestra ng iba’t ibang bansa sa daigdig sa larangan ng panitikan.

1. Ang Banal na Kasulatan (Bibliya) mula ito sa Palestina at naging batayan ng sanka-
kristiyanuhan. Nahahati sa dalawang bahagi: Ang Lumang Tipan at Ang Bagong Tipan.
2. Koran (Bibliya ng mga Mahomedan mula sa Arabia at nagtataglay ng mga kaisipan at
kautusang siyang sinusunod hanggang ngayon ng mga Mohamedan.
3. Iliad at Odyssey ni Homer, na kinikilalang ama ng Mitolohiyang Griyego. Tumatalakay ito sa
mga pakikipagsapalaran ng mga Greko noong kanilang kapanahunan. Ang Iliad ay tungkol
sa istorya ng pagsakop sa Lungsod ng Troy habang ang Odyssey ay hinggil sa pagbabalik ni
Odysseus mula sa Trojan War.
4. Mahabbharata na mula sa India. Ito ang itinuturing na pinakamahabang tula sa daigdig
(220,000 taludtod o linya).Tumatalakay ito sa pakikipagsapalaran ng mga pinunong Indo-
Aryan.
5. Divine Comedy ni Dante Aleghiere at mula sa Italya. Tinatalakay naman dito ang isang
paglalakbay sa langit, sa impiyerno at purgatory at nagpapakilala na ang tao ay huhusgahan
sa pamamagitan ng pamumuhay niya sa lupa.
6. El Cid Campeador mula sa Espanya. Nagpapakilala ito ng katangiang panlahi ng mga Kastila
at ng kanilang alamat at kasaysayang pambansa noong umang panahon.
7. The Songs of Roland ng Pransia. Kinapalolooban ito ng mga kuwentong Roncesvalles at
ang lalong kilalang Doce Pares ng Pransia. Ito ay nagtataglay ng kasaysayn ng gintong
panahon ng sangkakristiyanuhan
8. Five Classics at Four Books Mula ito sa Tsina na kinatitikan ng magandang kaisipan at
pilosopiya ni Confucios. Naging batayan ang mga aklat na ito ng pananampalataya,
kalinangan at kasaysayan ng mga Instsik na nakaapekto sa atin.
9. Book of the Dead ng Ehipto na kinapapalooban ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at
teolohiyang Ehipsio.

10.A Thousand and One Nights ng Arabia at Persia na nagtataglay ng mga kaugaliang
pampamahalaan, pangkabuhayan, pangkalinangan at panreelehiyon ng mga taga-Silangan.

11. Canterbury Tales ni Chaucer ng Inglatera na naglalaman ng mga paananampalataya at pag-


uugali ng mga Ingles noong unang panahon.
12. Uncles Toms Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Amerika. Binibigyan diin dito ang karumal-
dumal na kalagayan ng mga ng mga itim sa kamay ng mga puti at siyang naging batayan ng
simulain ng demokrasya sa daigdig. Ito rin ang naging inspirasyon ni Dr. Jose Rizal upang maisulat
at mabuo ang kanyang dalawang nobela, ang Noli Me Tangere at ang El Filibusterismo.

Liksyon 3

Mga Bahagi o Panahunan ng Panitikang Filipino


1. Katutubong Panitikan: Panahon Bago Dumating ang mga Kastila, mula sa kauna-unahang
panahon hanggang sa panahon ng pananakop na ginawa ni Legaspi noong 1565.
2. Panitikan sa Panahon ng mga Kastila mula noong 1565 hanggang sa pag-aalsa sa Kabite noong
1872, nang bitayin ang tatlong paring sina Burgos, Gomez at Zamora
3. Panitikan sa Panahon ng Propaganda
4. Panitikan sa Panahon ng Himagsikan
5. Panitikan sa Panahon ng mga Amerikano: 1899-1941
6. Panitikan sa Panahon ng mga Hapones:1942-1945
7. Panitikan sa Panahon ng Patuloy na Pagbabago:1945-1972
8. Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan at Batas Militar:1972-1986
9. Panitikan sa Panahon ng EDSA Revolution (1986-19__) Aquino

10.Panitikan sa Panahon ng dating Pangulong Ramos

11. Panatikan sa Panahon ni Pangulong Joseph Estrada

12. Panitikan sa Kasalukuyang Panahon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo

YUNIT 3

Liksyon 1
KATUTUBONG PANITIKAN BAGO PUMASOK ANG IMPLUWENSIYA NG KANLURAN (X-1565)

Ito’y nagsimula sa kauna-unahang panahon hanggang sa pananakop na ginawa ni Legaspi noong


1565.Ang panahong ito ay nahahati sa dalawa:

A. Kapanahunan ng mga Alamat.

Kaligirang Pangkasaysayan ng kapanahunan ng mga Alamat

Ang panitikan sa panahong ito ay nagmula sa naunang naninirahan sa kapuluan

1.Ang mga Ita

Ang mga unang naninirahan sa mga ating pulo ay ang mga Negritong nakilala sa tawag
na ita, ayta, agta at minsa’y baluga.Ayon sa mga heologong nagsasabing ang mga pulo
natin ay dating kakabit ng lupaing Asya, ang mga Ita ay lakad na nakarating dito mula
roon, may 25,000 taon na ngayon.Ang mga inanak nila na nakatira pa hanggang ngayon
sa mga bundok ay may kalinangang katulad nga kanilang mga ninuno:walang
pamahalaan,walang panulat, walang sining, walang siyensya, bagama’t sanay sa
paggamit ng busog at pana sa paghanap ng makakain.

2. Ang mga Indonesyo

Ang mga Indones ay may kabihasnan silang higit sa mga Negrito, may pamahalaan, nagsusuot
ng damit at nagluluto ng pagkain at nagsasaing sa tukil at marunong magpaningas ng apoy sa
pamamagitan ng pagkiskisan ng dalawang tuyong kahoy (patpat). Mayroon silang mga alamat at mga
epiko, mga pamahiin at mga bulong na pangmahiya.

3. Ang mga Manggugusi

Mula sa Fukien (Tsina) ay nandayuhan dito ang mga Intsik na may lahing Hakka at tinawag na
mga manggugusi dahil sa inilalagay nila sa gusi ang bangkay ng isang magulang o nunong namatay at
ang gusi ay ibinabaon sa looban.

4. Mai-I (Mindoro)

Ayon sa saliksik, ay nasa tala ng pagkakarating sa Kanton ng isang bapor ng mga Arabe na may
lulang kalakal na galing sa Mai-i(ngayo’y Mindoro) noong taong 982 A.D.
5.Ang mga Bumbay

Ang unang sapit ng mga Bumbay na nandayuhan sa atin (mga taong may pananampalatayang
Beda at sumasamba sa Kalikasan at Araw) at ang ikalawang sapit ng mga Bumbay ay may
pananampalatayang Bramin ay nagdaan sa Java at Borneo sa panahon ng kaharian ng Madjapahit.mi

6. Ang mga Arabe at Persa

Ang mga biyaherong Arabe ay nandayuhan at nanirahan sa katimugan natin mula noong taong 890
A.D. hanggang sa ika-12 dantaon; bagama’t ang mga misyonerong Arabe at Persang kabilang sa
pangkat ng mga “Hadramaut Sayyid”ay naparito upang magkalat ng Mahometanismo sa Malaysia at
Pilipinas noong ika-15 dantaon na. Sila’y sa Mindanaw at Sulu
naninirahan.

Liksyon 2

Mga Katangian ng Kapanahunan ng mga Alamat

Ang mga nakatira sa kapuluang ito noong kapanahunan ng mga Alamat, bagama’t hindi
tahasang gala ay walang,ay walang panatilihang tahanan at kung nangagsitigil sa isang pook ay
pangkat-pangkat silang may sariling pamahalaang kasundo o kaaway ng mga kalapit pangkat. Ang
panitikan noon ay saling-dila o lipat-dila, na ang nag-iingat at nagpapahayag ay ang mga apo, na
karaniwang puno ng barangay o pinakapari ng kanilang relihiyon. Ang relihiyon noon ay pagsamba sa
punongkahoy, o anumang kalagayan ng Kalikasan at ang lahat ng mga kababalaghan ay gawa ng mga
mabubuti at masasamang hilagyo(spirit) na tinatawag nilang “anito”
Ang panitikan noon ay binubuo ng mga bulong na pangmahiya (incantations) kuwentong
bayan (folktale) at alamat(legend). Ang karamihan ay salig sa pananampalataya at pamahiin.

Mga Bulong
Ang mga bulong ay ginagamit na pangkulam o pang-ingkanto. Ang halimbawang sumusunod ay
galing sa mga Bagobo ng Mindanaw. Sinasabi nito ng nanakawan ng bigas na naglalagay ng “bangat”
(isang halong pangkulam) sa isang tukil ay inilalagay sa dating pinaglalagyan ng bigas na nanakaw,
saka sinasabi ito:
“Nagnakaw ka ng bigas ko,
Umulwa sana ang mata mo,
Mamaga ang katawan mo,
Patayin ka ng mga anito.”
Sa Kailokohan, bago sila pumutol ng punongkahoy sa gubat o sa bundok ay may bulong silang
sinasabi gaya nito:

“Huwag magalit, kaibigan,


aming pinuputol lamang
ang sa ami’y napag-utusan.”
Sa Kabisayaan anuman ang gawin sa kagubatan o kaparangan ay laging inuunahan ng “Tabi,
tabi nuno, di ko ito maisubo” Ang batang nabubungian, pagkabunot ng ngipin ay naglalagay nito sa
daanan o tirahan ng mga daga at ganito ang dalanging-bulong:

“Dagang malaki, dagang maliit,


ayto ang ngipin ko’t sira’t pangit
sana ay bigyan mo ng bagong kapalit.

Mga Alamat

Ang panahong ito ay mayaman sa mga alamat sa pagkakalikha sa daigdig. Ang kaalaman
ngayon ay pinulot ng mga mananaliksik sa saling-dila ng matatanda at utang ang hindi pagkawala sa
mga misyonerong Kastila, mga manunulat na Olandes, amerikano at Europeo. Maaaring nagkaroon na
ng pagbabago sapagkat ang mga alamat ay hinimay sa maguso’t na tradisyon at iniayos upang
magkaroon ng kalinawan.

Halimbawa:

Bakit Umakyat sa Damo ang mga Suso

Noong unang panahon ay may apat na magkaibigan na nagkasundong manirahan a iisang


bahay. Sila ay sina Dalag, Tutubi, Bbubuyog at Suso.

Dahil dito ay hinati nila ang mga gawaing- bahay ayon sa kanilang lakas at kakayahan. Si Dalag
ang napagkasunduan maging ulo ng tahanan dahil siya ang pinakamalaki at pinakamalakas sa lahat.
Siya na rin ang naatasang tagahanap ng kanilang makakain. Tagapaghatid naman ng mensahe si
Tutubi dahil siya ang pinakamabilis sa lahat. Si Bubuyog ang ginawang tagapagbantay ng bahay dahil
masakit mangagat at tagakumpuni na rin ng kanilang bahay dahil siya lamang ang may kakayahang
manghakot ng lupa at iba pang kagamitan. Tagapagluto ang naging tungkulin ni Suso dahil sa kanyang
kabagalan.

Isang araw, naisipan ni Dalag na lumabas ng bahay upang maghanap ng kanilang makakain.
Matagal-tagal din siyang nagpaikot-ikot sa paglalangoy sa ilalim ng halamang-tubig sa ibabaw ng tubig
di-kalayuan sa kanya. Lumapit siya at nakita niya ang isang malaking palaka. Agad niya itong hinuli
ngunit agad din siyang umangat sa tubig at natagpuan ang sarili sa loob ng buslo ng isang magsasaka.
Ang kawawang dalag ay iniulam ng tuwang-tuwa na magsasaka.

Dahil sa pagkawala ni dalag, inutusan nila si Tutubi na hanapin ang nawawalang kaibigan. Sa
paghahanap ay nadaanan ni Tutubi si Bolasi (isang uri ng isda na mahilig maglaro ng kanyang labi sa
ibabaw ng tubig). Nagalit si Tutubi na sa pag-aakalang pinagjtatawanan ni Bolasi ang pagkaka-ayos ng
kanyang kurbata na pinakaayos-ayos pa naman niya bago siya umalis ng bahay. Inisip niyang maluwag
marahil ang pagkakatali ng kanyang kurbata kaya’t hinigpitan pa niyang lalo ito. Ngunit tawa pa rin
nang tawa si Bolasi sa tuwing mapapatingin siya dito. Hinihigpitan pa niya nang todo ang kanyang
kurbata hanggang maputol ang kanyang ulo na siya niyang ikinamatay.

Dalawang araw ang lumipas, dahil hindi pa rin umuuwi si Dalag at Tutubi, nagpasyang hanapin
ni Bubuyog ang dalawa nilang kaibigan. Sa kalilipad niya ay inabot siya ng gutom. Hindi na niya ito
matiis kaya’t hinigpitan niya ang kanyang sinturon upang maipit ang kanyang tiyan. Sa tuwing kakalam
ang kanyang sikmura ay hinihigpitan niya nang hinihigpitan niya ang kanyang sinturon hanggang sa
mahati ang kanyang katawan na ikinamatay ng huli.

Dahil hindi na rin nakabalik ang mga kaibigan si Suso, lumakad na rin siya upang hanapin ang
tatlo. Habang nasa daan ay panay ang kanyang iyak. Karamihan sa kanyang pagkain sa paglalakbay ay
putik na kanyang natutunang kainin upang huwag siyang gutumin sa paghihintay sa tatlo niyang
kaibigan.Tuwing makakakita siya ng kulumpon ng mga damo, umaakyat siya dito at tumatanaw.
Nagbabakasakaling makita ang kanyang mga kaibigan. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin si Suso sa
pag-akyat sa mga damo kasabay ng pagtangis. (Isinalaysay ni Jose E. Tomeldan ng Binalonan,
Pangasinan)

Liksyon 3
Kaligirang Pangkasaysayan Ukol sa Kanahunan ng Epiko

Bagama’t mahirap nating matiyak kung ang impluwensiya


Ng mga pangyayari sa Kapanahunan ng mga Alamat ay natitira
pa o hindi ay maaari naman nating mahulaan na sapagkat ang takbo ng pamumuhay noong araw ay
hindi mabilis na katulad ngayon. Noong araw, gaya ng buhay-bukid at bundok ngayon, ang panahon
ay marahang-marahan sa pagbabago; ang mga tradisyon at kaugalian noong una pati mga pamahiin at
pananampalataya ay patuloy pa rin sa karamihan ng mga pulo at mga barangay na doo’y nangatira.
Ang pagbabago ay nagmula sa mga bagong dayuhang naglakbay at nanirahan dito.

1. Ang mga Malay

Ang pandarayuhan ng mga Malay ay nangyari sa tatlong sapit o lakbayan. Ang unang sapit ay
mga “mamumugot”(head hunters) at at naparito sa pagitan ng taong 200 A.D. Ang ikalawang sapit o
lakbayan ay ginawa ng mga Malay na may alibata sa pagitan ng 200 at 1300 A.D. at ang ikatlong sapit
ay ginawa ng mga Mahometanong Malay sa pagitan ng 1300 at 1500 A.D.Ang karamihan sa panitikang
alam natin bago dumating ang mga Kastila ay galing sa tatlong uri ng Malay na siya ring ninuno ng
karamihang Pilipino sa kasalukuyan.

2.Impluwensiya ng Kambodya

Sa matandang tradisyon at talaamatan ng Palawan at Mindoro at ilang pulo sa kapuluan ng


Sulu ay may mga tiyak na katangian ng mga alamat ng Kambodya (Indo-Tsina). Sa Sulu ay may mga
alamat na bumabanggit sa bayaning “Orang Dampuan” bayaning Siames noong unang panahon.

3.Kaharian ng Madjapahit
Sa kalagitnaan ng 14 dantaon A.D ang ating kapuluan ay sinakop ng makapangyarihang
imperyo ni Madjapahit na nagdala at mamili ng kalakal dito.

4.Ang Pananakop ng mga Intsik

Sinasabi ng kasaysayan na isang plotang Intsik na may 27,000 tao, sa ilalim ng balitang
almiranteng si Cheng Ho, ang dumaong sa Lingayen, Maynila,Mindoro at Sulu noong mga taong
a405,1408 at 1417. Noong 1405, si Ko-Ch’a-Lao ay gubernador ng Luzon. Ngunit noong 1435, si Cheng
Ho ay namatay at ang kaharian ni Yung Lo ay nanghina, kaya’t napatigil ang pananakop ng Intsik sa
kapuluan. (Ayon sa mga pilologo, ang lu-song ay salitang Intsik noong araw na ang kahuluga’y “south
of the storm belt” at ang sung-song na alam nating ang kahuluga’y Tsina, noon ay “north of the storm
belt.” Kung ito’y totoo, mapag-aalinlanganan ang paliwanag na ang salitang luson ay galing sa salitang
lusong na bayuhan)
5. Ang Kaharian ng Malacca
Ang makapangyarihang kaharian na pumalit ay ang Imperyo ng Malacca, na mula sa Borneo, ay
sumakop sa mga pulo sa timog natin hanggang Luson sa palibot ng mga lawa ng Lanaw, Bumbon (Taal)
at Bai (Laguna). Ang mga pinuno ng kahariang ito ay nagpalaganap ng Mahometanismo. (Ito marahil
ang pinanggalingan ng ugaliing-salita ng mga taga-Batangas at Laguna na “Allah naman!.)
Liksyon 4

Mga Katangian ng Kapanahunan ng mga Epiko

Sapagkat ito ang panahon ng pandarayuhan ng mga Malay pampanitikang dapat nating
harapin ay ang alpabeto, na noon ay dalawa: ang Alibata at ang Sanskrito. Ang Alibata ay ginamit sa
mga Luzon at Kabisayaan’ samantalang ang Sanskrito ay sa pali-palibot ng Mindanaw at Sulu. Ang mga
epiko ng ng mga Bisaya, Tagalog, Iloko, Ipugaw at Bikol ay nasusulat sa Alibata; samantalang ang mga
epiko ng Magindanaw ay nasusulat sa Sanskrito.

Ang Alibata
Ang Alibata ay tinatawag na Baybayin ng mga misyonerong Kastila, ngunit pinag-aaralan nating
Abakada ngayon. Labing-apat ang katinig at tatlo ang patinig.

Ang ilan sa mga halimbawa ng epiko bago dumating ang mga Kastila:

Ibalon- Epiko ng Bikol at tumatalakay sa unang tao ng Kabikulan na nangyari bago magdilubyo.

Darangan-Epiko ng mga Moro at nauukol sa kaharian ng Bumbaran na lumubog daw sa Dagat Pacifico
noong dilubyo.

Hudhud-Epikong nagsasalaysay sa mga pangyayari hinggil sa kalinangan ng mga Ipugaw at ang


kanilang paniniwala tungkol sa pagkakalikha ng daigdig.

Alim- Ang epikong ito ay tungkol sa buhaay ng bathala at ang kataka-takang pangyayari na ipinalalagay
na langit ng mga Ipugaw.

Bidasari-Epikong Malay na tumatalakay sa paniniwalang napatatagal ang buhay kapag pinaiingatan


ang kaluluwa sa isda,hayop,bato o punongkahoy.

Maragtas- Epikong Bisaya na nauukol sa sampung datung Malay na tumakas sa kalupitan ng Sultang
Makatunaw ng Borneo at nagpunta sa Panay.

Haraya-Epikong Bisaya tungkol sa tuntunin ng kabutihang- asal at mga salaysay tungkol sa nasabing
tuntunin.

Lagda-Epikong Bisaya na nauukol sa mga pangyayaring nagsasalaysay at nagpapakilala sa mabuting


panunungkulan sa pamahalaan.
Hari sa Bukid- Epikong Bisaya na nagsasalaysay hingggil sa kapangyarihan ng isang haring hindi
nakikita ngunit alam ng lahat na nakatira sa taluktok ng Bundok Kanlaon sa Negros.

Hinilawod- Epikong Bisaya ay tungkol sa Panay na pinagmulan ng Capiz,Iloilo at Antique. Ito ay


binubuo ng mga pikipagsapalaran ng tatlong anak na lalaki ng bathalang babaing si Alunsina at ang
mortal na si Paubari. Inaawit ito ng isang hinukot (binukot) sa mga kasalan, anihan, pista, lamayan, at
iba pang mahahalagang okasyon.

Kumintang- Epikong Tagalog na nauukol sa kasaysayan ng mga pandirigma ng mga Kawal ng mga
Datu.

Biag ni Lam-ang- Ang epikong Ilokano na nagsasalaysay ng buhay ni Lam-ang.

Parang Sabir- Epikong Moro sa Sulu

Dagoy at Sudsud- Epikong Tagbanwa sa Palawan

Tuwaang- Epikong Bagobo sa Mindanaw


Mga Unang Dula

Ang mga dula (drama o teatro) ay wala noong unang panahon, ngunit alam nating mula’t-mula
pa’y ang a lahat ay may hilig sa libangan .

a.Sa kabisayaan
Ang salitang “dula” ay salitang Sugbuanon na kahulugan entertainment o libangan , na sa pagpasok
sa Tagalog ay naging drama na dinatnan pa rito ng mga Kastila. Ang salitag “dula” ay salitang
Sugbuanon sa kahulugan nilang
drama.
Ang mga unang dula sa Kabisayaan ay katulad ng mga “puppet shows” na dinadayo pa ng mga
manlalakbay sa Java,Bali at Kambodya.

b.Sa Lanaw at Holo


nilang “Bayok” o “Embayoka”isang pagtatalong patula na animo”y Balagtasan at hanggang ngayon ay
inuugali pa ng mga tao roon

Bugtungan, Talinhaga, Palaisipan

Ang bugtungan ay isang libangang sagutan, ito’y ibinibilang natin sa unang pahayag ng
tao sa drama. Ang bugtungan ay karaniwang ganapin sa panahon ng lamayan dahil sa isang namatay
at bilang panlibang sa namatayan.

Halimbawa : (Sa Tagalog)


May binti, walang hita,
May tuktok, walang mukha.

Tatlong magkakapatid
Sing-iitim ang dibdib.

Talinhaga- Ito ay may lamang tayutay na kailangang sagutin ng paliwanag.

Halimbawa:

Ang paghahangad ng tuwa,


Di karali-raling lubha
Kung ang pagkakita’y bigla
Bigla rin ang pagkawala.

Palaisipan- ito ay may lamang tutuusing pang-aritmetika o suliraning pangkabuhayan

Halimbawa:

Ako ay may dalawang kalabaw na nanganak ng tig-iisa.


Pagka-isang tao’y nanganak uli ng tig-isa.
Ilan ang kalabaw ko?

Inilagay ni Dungnong ang isang bato sa ilalim ng kanyang


salakot. “Makukuha ko ang bato na di ko hinihipo ang
salakot”. Papaano ito nagawa ni Dungnong?

Mga Unang Tula

Ang unang tula at awit ay Malay sa damdamin, haraya at


Pilosopiya.
Mga Kasabihan

Ang kasabihan noong unang panahon ay ipinalalagay nating yaong sabihin ng mga bata at
matatanda na katumbas ng mga tinatawag na Mother Goose Rhymes sa Ingles.

Halimbawa:

Bata, bata,
Pantay lupa
Asawa ng palaka!
Tiririt m aya
Tiririt ng ibon
Ibig mag-asawa
Walang ipalamon.

Mga Sawikain o Salawikain

Ang mga sawikain o salawikain ay katumbas ng mga proverbs, maxims at epigrams sa Ingles.

Halimbawa:

Ang maniwala sa sabi-sabi


ay walang bait sa sarili.

Ang taong malikot


Nakakahipo ng ipot.
Mga Unang Awiting Bayan

Ang mga unang awit ay mga anyong tula rin, ngunit may tugtugin at indayog ayon sa
damdamin, kaugalian, at himig ng pag-awit noong unang panahon. Ayon kay Epifanio de los Santos
Cristobal ang uri ng mga awiting bayan (folk songs) noong araw.

a. Soliranin- (rowing songs)


b. Talindaw (boat songs)
c. Diona (nuptial or courtship song)
d. Ayayi o Uyayi (lullaby)
e. Dalit- (hymns)
f. Kumintang (war or battle songs)
g. Sambotani victory songs ()
h. Kundiman (love songs)

Mga Kuwentong Bayan

Sa panahong ito ng kasaysayan ng kapuluan natin ay pinakamayaman sa mga kuwentong


bayan binubuo ng mga kuwento , mga alamat at mga romansa.
Yunit 1
Liksyon 1
Subukin ang Sarili:

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag. Isulat ang Tama kung


wasto ang pahayag. Kung mali, isulat ang Wow Mali. Isulat ang
inyong sagot mula sa puwang na nakalaan bago ang bilang.
__________1. Ang panitikan ay isang mabisang salamin ng isang
lipunan.
________2. Nakakamit ang mayamang kaalaman sa panitikan sa pamamagitan ng
pakikinig na nagpapalawak ng imahinasyon kung naglalakbay ang
isipan dahil sa mga impormasyon nalalaman.
________3. Ang panitikan upang maging daan sa intelektuwalisasyon ay bunga ng
limitadong pagbabasa at pagsisiyasat sa mga bagay-bagay sa daigdig.
________4. Ang panitikan ayon kay W.G. Long ay bungang isip na isinatitik.
________5.Napapataas ang larangang intelektuwal sa pagtanaw sa kultura ng isang
bansa sa pamamagitan ng masusing pagtalakay sa mga akdang
pampanitikan.
________6. Ang pagbasa ay ang kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o
nilimbag sa isang tanging wika ng mga tao.
________7. Ang pagpapahayag ng mga damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay
sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at kaugnayan sa
Dakilang Lumikha ay pagpapakahulugan sa panitikan mula kay Bro. Azarias.
_________8.Hindi maitatawa na ang pananampalataya na natutuhan natin sa mga
dayuhan ay nagkakaroon ng malaking impluwensiya sa ating panitikan.
_________9.Ang pag-aaral ng panitikan ay naglalayong maipakilala sa mga mag-aaral
ang iba’t ibang uri ng panitikan mula sa panahon bago dumating ang mga
kastila hanggang sa kasalukuyan.
_________10. Isang lunsaran ng mayamang paksa ang karanasan ng tao.
Liksyon 2

Subukin ang Sarili

A.Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipiliang sagot.


Isulat ang iyong sagot sa nakalaang hanay bago ang bilang.

sanaysay tulang pasalaysay tuluyan korido


Elehiya balita dula pangulong-tudling
Pabula talambuhay parabula dalit
Nobela soneto epiko
koran alamat talumpati maikling kuwento
Balagtasan sanaysay dalit

Banal na Kasulatan Uncle Tom’s Cabin liriko

___________1. Pagpapahayag ito na binibigkas sa harap ng tagapakinig.


ang layunin ay humikayat sa mga nakikinig.
______________2. Mga salaysaying hango sa Bibliya na nakapagbigay-aral sa mga
mambabasa.
______________3.Nagsasaad ito ng marubdob na pagdamdam sa paksa.
______________4. Isinasalaysay dito ang kagitingan ng isang tao sa pakikipagdigma, at
maraming tagpo ang hindi kapani-paniwala
______________5. Mga salaysaying hindi maaaring totoo katha-katha lamang subalit
may mga aral para sa mga mambabasa.
______________6.Isang uri ng paglalahad na nagpapaliwanag ng pang-araw-araw na
kalagayan o pangyayari sa lipunan ,pamahalaan sakuna ,kalusugan.
at iba pa.
______________7. Naglalahad ito ng opinyon ng patnugot ng isang pahayagan.
______________8.Naglalahad itong isang natatanging pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan.
______________9. Pinakabibliya ng mga Mahomedano
______________10.Naglalahad ito ng isang natatangi at mahalagang pangyayari sa
buhay ng pangunahing tauhan.
____________11. Naglalahad ito ng maraming pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
dalawang pangunahing tauhan at iba pang katulong na mga tauhan.
____________12. Ang layunin nito ay ilarawan sa isang tanghalan sa pamamagitan ng
kilos at galaw at nagpapahayag ng isang kapana-panabik na bahagi
ng buhay ng isang tao.
____________13. Ito ay ang pagsasama-sama ng mga salita sa karaniwang takbo ng
pangungusap.
____________14. Nagpapahayag ito ng damdaming pansarili sa kaayuang mahimig o
maaaring inaawit
____________15.Pagbubuo ito ng mga pahayag sa pamamagitan ng salitang binibilang
na pantig na pinagtugma-tugma sa dulo ng taludtod.
____________16. Maaaring ito ay pansarili o panlipunan. Nabibilang dito ang panreli-
hiyon, pagkamakabayan, at tungkol sa pagsasamahan.
____________17.Binubuo ito ng labing-apat na taludtod.
____________18.Ginagamit ito sa pagpapahayag ng masiglang damdamin sa
pagpupuri.
____________19. Isang pangyayari o pagbubulay ng guniguni hinggil sa kamatayan.
____________20. Isang mahabang salaysay ukol sa kagitingan ng isang bayani.
____________21. Nauukol ito sa mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran,
pandarayuhan,at pakikipagdigma na dinala rito ng mga Kastila
buhat sa Europa.
____________22. Ito’y tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran sa
pamamaraang patula..
____________23. Binubuo ito ng labindalawang pantig sa bawat taludtod.
____________24. Binubuo ito ng walong pantig sa bawat taludtod.
____________25. Nagsasalaysay ng mga pangyayaring maaaring tunay o kaya hango
lamang sa guniguni o imahinasyon; mga hindi kapani-paniwalang
pangyayari.
.
Modyul 1
Liksyon 1

Pangalan_______________________________Iskor_____
Kurso at Taon___________________________Petsa_____

Subukin ang Sarili

Pag-unawa sa Paksa

You might also like