Module 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

QUIRINO STATE UNIVERSITY

Cabarroguis Campus
Cabarroguis, 3400
DEPARTMENT OF CIVIL ENGINEERING
Modyul 1: Ang Katuturan ng Panitikan
Mga Paksang Aralin
a. Ang Katuturan ng Panitikan
b. Iba’t-ibang Genre ng Panitikan

Inaasahang Bunga
a. Mabatid ang katuturan ng panitikan.
b. Maunawaan ang iba’t-ibang uri nito.

Panimula
Ang salitang "Panitikan" ay galing sa salitang "titik" o "letra", samakatwid, upang maging
bahagi ng panitikan sa tunay na kahulugan ng salita, kailangan ito ay nakasulat. Ang
alinmang bansa o bayang matatawag ay may sariling panitikan. Sa pamamagitan ng
panitikan, ang kasaysayan at pinagdaanan ng isang bansa'y nababatid. Subalit kami'y
naniniwala na ang panitikan ay kabuuan ng mga karanasan ng isang bansa, mga kaugalian,
paniniwala, pamahiin, kaisipan at pangarap ng isang lahi na ipinahahayag sa mga piling
salita, sa isang maganda at makasining na paraan, nakasulat man o hindi.
Nakagawian nang suriin ang pag-unlad ng panitikan sa Pilipinas sa pamamagitan ng
pagtatapat ng mga anyong pampanitikan sa konteksto ng kasaysayan ng bansa.
Matatagpuan sa iba’t – ibang antalohiya o kalipunan ng mga akda ang pagsisikap na ipakita
ang tahasang ugnayan ng manunulat, ng kanyang mga akda at ng mga pangyayari sa kultura
at kasaysayan. Isang pangkalahatang kaisipan na pinag-iinugan ng ganitong mga aklat ang
tuwirang ugnayan ng kasaysayan at panitikan. Sa madaling salita, pinalalabas na ang
panitikan ay bunga ng mga partikular na mga dahilan na nag-uugat sa kasaysayan. Sa
ganitong pananaw, isang salamin o repleksyon ang panitikan ng mga karanasan.
Malimit na banggitin ng mga manunulat na ang panitikan ay siyang "salamin ng isang lahi".
Basahin mo raw ang panitikan ng isang bansa at malalaman mo ang kalagayan ng bansang
iyon. Upang maging ganap ang pagkadalisay at pagkamakatotohanan ng alinmang panitikan,
ito ay lalong maiging masulat sa wika ng bansang kinauukulan. Hindi matatawaran ang
nagagawa ng katutubong wika sa paglalahad ng mga dinanas, dinaranas at daranasin ng
mga tao ng isang lahi.

Ang Katuturan ng Panitikan


Ano nga ba ang kahulugan ng Panitikan o literatura?
• Ang panitikan ay nagmula sa salitang “pang-titik-an” na kung saan ang unlaping
“pang” ay ginagamit at hulaping “an”. At ang salitang “titik naman ay
nangangahulugang literatura (literature), salitang Latin na litera na nangangahulugang
titik.
• Kalipunan ng magagandang karanasan at pangarap o adhikain ng isang lahi.
• Nasasalamin ang iba’t ibang damdamin ng tao tulad ng kalungkutan, kaligayahan,
galit, pag-ibig paghihiganti at iba pa.
• Ito ay ang katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng
malikhhaing pagpapahayag, pandaigdigang kaisipan, sa madaling salita ito ay isang
salamin ng buhay o lahi.
• Ang lipunan ay tinatawag na malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang
nabubuong pag-uugali, ideya, at mga saloobin, namumuhay sa isang tiyak na
teritoryo, at itinuturing ang mga sarili bilang isang pamayanan o yunit.
Anyo ng Panitikan
1. Anyong tuluyan-Patalata o nasa karaniwang takbo ng pangungusap.
2. Anyong patula- Pataludtod, may sukat at tugma o maaring may malayang taludturan

Mga Akdang Pampanitikan Na Nagdala Ng Malaking Impluwensiya Sa Buong


Daigdig

1|P age
QUIRINO STATE UNIVERSITY
Cabarroguis Campus
Cabarroguis, 3400
DEPARTMENT OF CIVIL ENGINEERING

1. BIBLIYA O BANAL NA KASULATAN- naging batayan ng pananampalataya ng mga


Kristiyano.
2. KORAN- banal na aklat ng mga Muslim.
3. UNCLE TOM'S CABIN NI HARRIET BEECHER STOWE- nagbukas ng kaisipan ng
mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at pinagsimulan ng pandaigdig na
paglaganap ng demokrasya.
4. DIVINA COMEDIA ni Dante- nagpapahayag ng pananampalataya, moralidad at pag-
uugali ng mga Italyano sa kapanahunang yaon.
5. CANTERBURY TALES ni Chaucer- naglalarawan ng mga kaugalian at
pananampalataya ng mga Ingles.
6. AKLAT NG MGA ARAW ni Confucius- naging batayan ng pananampalataya at
kalinangang Intsik.
7. ISANG LIBO'T ISANG GABI- naglalarawan ng pamumuhay ng mga tao sa Arabya at
Persya.
8. EL CID COMPEADOR- tumatalakay sa kasaysayan ng Espanya at naglalarawan ng
katangiang panlahi ng mga Kastila
9. AWIT NI ROLANDO- nagsasalaysay ng panahong ginto ng Kristiyanismo sa Pransya,
napapaloob dito ang Ronces Valles Doce Pares ng Pransya
10. AKLAT NG MGA PATAY- tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng mga mamamayan
ng Ehipto
11. MAHABHARATA- ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong mundo na
tumatalakay sa pananampalataya sa India.
12. Iliad at Odessey- akda ni Homer na kinatutuhan ng mga alamat at mitilohiya ng
Gresya.

Iba’t-ibang Genre ng Panitikan

1. Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa
tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat
ng mga mito at kuwentong-bayan.
2. Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang
pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang
uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag
sa mga ginagawa ng mga tao.
3. Pabula - isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na
walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing,
at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat
nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong
kathang kuwentong nagbibigay-aral.
4. Parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit
nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang
isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na
tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita
gaya ng tao.
5. Sanaysay - isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro
ng may-akda.
6. Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao
hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
7. Talumpati - isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan
ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng
kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng
komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng
mga tagapakinig.

2|P age
QUIRINO STATE UNIVERSITY
Cabarroguis Campus
Cabarroguis, 3400
DEPARTMENT OF CIVIL ENGINEERING
8. Kuwentong-bayan - ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na
lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang
tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.

Tula
• Ayon kay LEJANDRO G. ABDILLA “ang tula ay kamalayang nagpapasigasig”

• Ayon kay JULIAN CRUZ BALMACEDA “ Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng
kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan– ang tatlong bagay na magkakatipon tipon sa isang
kaisipan upang mag- angkin ng karapatang matawag na tula”
• Ayon kay INIGO ED. REGALADO “Ang tula ay isang kagandahan, dula, katas, larawan, at
kabuuan ng tanag kariktang nakikita sa silong ng alin mang langit”

Mga uri ng tula


1. TULANG LIRIKO O TULA NG DAMDAMIN- nagtataglay ng karanasan , kaisipan, guni-guni,
pangarap at iba’t ibang damdaming maaaring madama ng may akda o ng ibang tao. Ang
uring ito ay maikli at payak.

a. AWIT- may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at


kaligayahan.
b. SONETO- nagtataglay ng mga aral ng buhay, may labing apat na taludtod.
c. ODA- pumupuri ito sa mga pambihirang nagawa ng isang tao, masigla ang nilalaman at
walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.
d. ELEHIYA- tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.
e. DALIT- ito ay tulang nagpaparangal sa dakilang lumikha at may kahalong pilosopiya sa
buhay.
2. Tulang pasalaysay- naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng
pag-ibig, pagkaibigo, at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga
bayani sa pakikidigma.
a. EPIKO- nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang pakikitunggali sa mga
kaaway at mga tagumpay nya sa digmaan, hindi kapani-paniwala ang ibang pangyayari at
maituturing na kababalaghan.
b. AWIT AT KURIDO- mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao
sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prisipe, prinsesa, duke, konde, at iba pa.
c. Karaniwang Tulang pasalaysay- ang mga paksa ay tungkol sa mga pangyayari sa pang-
araw-araw na buhay.

3. Tulang Patnigan- isang uri ng tula na kung saan nakatuon ito sa pagbibigay ng damdamin
habang mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-kuro. Kabilang dito ang sumusunod:

a. Balagtasan – tumutukoy ito sa tulang pagtatalo ng dalawa o tatlong manunula sa iisang


paksa.
b. Karagatan – Isang uri naman ng paligsahan sa pagtutula. Kilala rin ito sa tawag na libangang
tanghalan.
c. Duplo – Paligsahan namabn ito sa pangangatwiran sa anyong patula. Ito ay hango sa Bibliya
na binubuo ng mga mahahalagang salita at kasabihan.
d. Fliptop o Battle Rap – modernong uri ng Balagtasan na kung saan nagsasagutan din ang
dalawang panig tungkol sa isang paksa.

Dulang Pampanitikan - isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming
tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
a. TRAHEDYA- sa dulang ito’y may mahigpit na tunggalian. Ito’y nagwawakas sa pagkasawi o
pagkamatay ng mga pangunahing tauhan.

3|P age
QUIRINO STATE UNIVERSITY
Cabarroguis Campus
Cabarroguis, 3400
DEPARTMENT OF CIVIL ENGINEERING
b. KOMEDYA- ito’y nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay nagkakasundo. Ito ay
may layuning pukawin ang kawilihan ng manonood.
c. MELODRAMA- gamit ito sa dulang musical, kasama na ang opera.
d. PARSA- ang layunin ng dulang ito ay magpatawa sa pamamagitan ng kawil-kawil na
pangyayari at mga pananalitang lubhang katawa-tawa.
e. SAYNETE- ang pinakapaksa ng uring ito ay mga karaniwang pag uugali ng tao o pook.

Nobela o kathambuhay- isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang


kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo,
naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre.
Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na
istilo.
Mga Katangian ng Nobela:
▪ Madali at maayos ang pagkakasulat ng mga tagpo at kaisipan
▪ Nagsasalarawan sa lahat ng aspeto ng buhay
▪ Malikhain ang paglahad ng pangyayari
▪ Maraming ligaw na tagpo at kaganapan
▪ Malinis at maayos ang pagka sulat
▪ Kaaya-aya
▪ Maraming magagandang tagpo kung saan higit na nakikilala ang mga tauhan

Mga Uri ng Nobela:


▪ Nobela ng Kasaysayan
▪ Nobela ng Pagbabago
▪ Nobela ng Pag – ibig o Romansa
▪ Nobela ng Pangyayari
▪ Nobelang Panlipunan
▪ Nobela ng Tauhan

Mga Bahagi ng Nobela:


▪ banghay
▪ damdamin
▪ pamamaraan
▪ pananalita
▪ pananaw
▪ simbolismo
▪ tagpuan
▪ tauhan
▪ tema

Mga Layunin ng Nobela:


▪ Gigising ang diwa at damdamin ng mga bumabasa
▪ Magbigay – aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan.
▪ Magsilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan.
▪ Magbigay inspirasyon sa mga mambabasa.
▪ Pukawin ang kaalaman ng mga tao sa pagsulat ng nobela.

Maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa
isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang
kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at
dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong
isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

4|P age
QUIRINO STATE UNIVERSITY
Cabarroguis Campus
Cabarroguis, 3400
DEPARTMENT OF CIVIL ENGINEERING
Mga Elemento

• Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
• Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
• Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
• Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao
laban sa kapaligiran o kalikasan.
• Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
• Kakalasan- Tulay sa wakas.
• Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
• Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente,
gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
• Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.
• Kaisipan- mensahe ng kuwento.
• Banghay- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento

Mga uri
May sampung uri ng maikling kuwento:
• Sa kuwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang
nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
• Sa kuwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng
mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
• Sa kuwentong bayan nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng
buong bayan.
• Sa kuwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
• Naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
• Sa kuwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at
mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
• Sa kuwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao
sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat
sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
• Sa kuwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng
kuwento.
• Sa kuwento ng katatawanan, nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.
• Sa kuwento ng pag-ibig, tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao

Tema
Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento. Ang tema ang
pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kuwento. At ang
kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring
maging tema ang mga sumusunod: palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan,
obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang katotohanan o
pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng
pagkakasulat ng may-akda. Ang mensahe naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon
ng manunulat sa mambabasa.

Mga bahagi
Ito ang mga bahagi at ng sangkap ng isang maikling kuwento:
Simula
At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng
pangunahing tauhan. Napapasama rin dito ang pagpapakilala ng ilan sa mga tauhan at ng
Tagpuan.
Gitna
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na
kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa

5|P age
QUIRINO STATE UNIVERSITY
Cabarroguis Campus
Cabarroguis, 3400
DEPARTMENT OF CIVIL ENGINEERING
suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan
ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang
bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng
kanyang ipinaglalaban.
Wakas
Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita
ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring
masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang
huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang
wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa
palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.

IBA’T-IBANG TEORYA SA PANUNURING PAMPANITIKAN


1. MORALISTIKO-sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit pinahahalagahan
ang moralidad, disiplina at kaayusang nakapaloob sa akda.
2. SOSYOLOHIKAL-mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha
ang panitikan
3. SIKOLOHIKAL-makikita ang takbo ng isip ng may katha antas ng buhay, paninindigan,
pinaniniwalaan, pinahahalaganahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng
may-akda.
4. FORMALISMO-Pinagtutuunan ng pansin sa ang mga istruktura o pagkabuo kabisaan
ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag (sukat, tugma, kaisahan ng mga
bahagi, teknik ng pagkakabuo ng akda
5. HUMANISMO-Ang tao ang sentro ng daigdig.” Binibigyang-pansin ang kakayahan o
katangian ng tao sa maraming bagay
6. MARXISMO-Pinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang
magkasalungat na puwersa malakas at mahina mayaman at mahirap Kapangyarihan
at naaapi
7. ARKETIPO / ARKITAYPAL-gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang
elemento ng akda nangangailangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda
sapagkat ang binibigyang-diin dito ay mga simbolismong ginamit upang maipabatid
ang pinakamensahe ng akda
8. FEMINISMO-maaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng
mga babae sa loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen
ng mga babae sa akda layon nitong labanan ang anumang diskriminasyon, exploitation
, at operasyon sa kababaihan Lualhati Bautista, Genoveva Edroza Matute, Elynia Ruth
S. Mabanglo
9. EKSISTENSYALISMO-Binibigyan-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng mga
paniniwala, kilos at gawi ng tauhan. Ang tao ay may malayang pagpapasya para sa
kaniyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at sa gayon ay hindi
maikahon sa lipunan.
10. KLASISISMO-Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri, Layon ay katotohanan,
kabutihan at kagandahan Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo,
magkakasunud-sunod at may hangganan
11. ROMANTISISMO-Binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at
likas Pagtakas mula sa realidad o katotohanan nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa
kanyang kapwa, bayan at iba pa.Mga sanaysay na nagpapahayag ng mga kaisipan sa
pamamaraang di tuwiran, maaring di kapani-paniwala o sa paraang nakakatawa ngunit
kung ito'y titignan ng mabuti ay makikita nating may iba itong kahulugan at kaisipan
12. REALISMO-Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay
na buhay pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon,
katiwalian, kahirapan at diskriminasyon Madalas din itong naka pokus sa lipunan at
gobyerno.

6|P age
QUIRINO STATE UNIVERSITY
Cabarroguis Campus
Cabarroguis, 3400
DEPARTMENT OF CIVIL ENGINEERING
Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan
1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalunihan, seryoso at marubdob na
damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.
2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang organisasyon o balangkas ng lahok.
Bahagi ito ng sisplina ng pagsusuri.
3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang wika at
organisado ang paglalahad.
4. Sa pagsusuri ay mahalagang mahagap ng may- akda ang kanyang piniling paksa, mahusay ang
pagtatalakay at organisasyon ng material, malinaw ang balangkas na kinapapalooban ng malinaw na
tesiso argument na sinundan ng buong sanaysay, may naidagdag sa kasalukuyang kaalaman tungkol sa
panitikan at mahuasay at makinis ang pagkakasulat.
5. Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat panaigin. Ang katangian
ng makasining na tula ay ang sikad na damdamin at lawak ng pangitain nito.
Ang simulating ito ay ayon kay Ruben Vega na siya ring nagsabing ang mahalaga sa tula ay ang lasa at
hipo nito at hindi ang balat ng prutas. Ayon sa kanya, ang buhay raw ng sining ay nasa ubod at laman.
6. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng kakayahan ng makata. Sa
halip, ang higit na kailangang pahalagahan at sukatin upang makagawa ng makatarungang paghatol ay
kung papaano ang pagkatula.
Ayon kay Pedro L. Ricarte, kung papaanong buhat sa paksang kinuha sa pagtutulong- tulong sa
sensibilidad, kadalubhasaan, institusyong ang tunay na tula ay kailangang matigib ng damdamin,
kinakailangang managana sa kabuuan nito, sapagkat kung hindi mapupuno sa damdamin, kailanma’y
hindi maaaring matibag sa mga taludtod nito ang isang kagandahan.
7. Ang pagsusuring akda ay kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan, makapangyarihan
ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang pampanitikan.
8. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag- uugnay ng mga sangkap ng
pagsulat.
Mapapahalagahan lamang natin nang lubos ang isang akda kung tayo’y may kinalaman
sa pagsusuri nito.
Ngunit bago natin bigyang pansin ang pagsusuri ng panitikan, ano at sino nga ba tayo bilang
mambabasa? Atin bang ginagawa ang panunuri sa panitikan o kritisimo sa panitikan?
Panunuri Kritisismo
Naghahanap ng estruktura Naghahanap ng mali
Naghahanap ng kung ano ang pwede Naghahanap ng kulang
Nagtatanong upang maliwanagan Nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya
maunawaan
Nakalahad sa mabuti, matapat, at obhetibong tinig Nakalahad sa malupit, matapat, at mapanuyang
tinig
Positibo Negatibo
Kongkreto at tiyak Malabo at malawak
Nagpapatawa rin Seryoso at hindi marunong magpatawa
Tumitingon lamang sa kung ano ang nasa pahina Naghahanap ng pagkukulalng sa manunulat at sa
akda
PAKINABANG
Nagbibigay ng kakayahan upang makita ang mas malalim na kahulugan sa nilalaman ng akda at
kung paano ito ay lahat nagiging isang buong ideya.
Tumutulong ito na pahalagahan ang lalim ng kuwento at ang mensahe na binabanggit ng may-
akda. Isang kapaki-pakinabang na ehersisyo bilang pagkakakilanlan ng isang makabuluhang tema, at
ang pagsisiyasat ng mga pampanitikang kasangkapan (pananalita, matalinghagang paglalarawan,
simbolismo) na ginamit ng may-akda upang ipakita ang temang iyon. At upang maipahayag ang
kanilang mga opinyon sa isang lohikal na paraan na maaaring maunawaan ng nakararami. Kadalasan sa
mga trabaho sa kapanahunan ngayon ay nangangailangan ng pagsusulat ng mga ulat, mga panukala
para sa trabaho, atbp. Upang maayos ang trabaho, kailangan ng isang tao na may kakayahang ipahayag
ang kanyang mga kaisipan nang malinaw at partikular na nakasulat. Maaaring hindi siya magsulat ng
mga sanaysay sa literatura bilang pamumuhay, ngunit malamang na ang natutuhan niya mula sa
tungkuling iyon ay magiging kapaki-pakinabang sa ibang pagkakataon sa buhay.

7|P age
QUIRINO STATE UNIVERSITY
Cabarroguis Campus
Cabarroguis, 3400
DEPARTMENT OF CIVIL ENGINEERING
Panlinang na Gawain (Gumamit ng bukod na Papel)

1. Ilarawan ang katangian ng panitikan pamamagitan ng pagpuna sa basic radial.

Panitikan

2. Paano nasasalamin ng panitikan ang kultura ng isang bansa?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

3. Gamit ang Venn Diagram, paghambingin ang dalawang uri o anyo ng


panitikan.

Prosa/Tuluyan Patula

8|P age
QUIRINO STATE UNIVERSITY
Cabarroguis Campus
Cabarroguis, 3400
DEPARTMENT OF CIVIL ENGINEERING
Siyasat sa Pang-unawa
I. Pagtukoy
Panuto: Tukuyin ang kasagutan ng mga sumusunod na pahayag.

____________1. Ito ang aklat na kinapapalooban ng pananampalatayang


Kristiyano.
____________2. Siya ang may akda ng Iliad at Odyssey.
____________3. Ito ay aklat na nagsasalaysay sa kaapihan ng mga itim sa kamay
ng mga Puti at maging sa pagpapalaganap ng demokrasaya sa iba’t-ibang bansa.
____________4. Naglalaman ang aklat na ito ng pananampalataya, moralidad at
ugali ng mga Italyano.
____________5. Ito ay nagtataglay ng mga aral ng buhay, may labing apat na
taludtod.
____________6. Isang uri ng panitikang tumutukoy sa pinagmulan ng mga bagay-
bagay.
____________7. Isang genre ng panitikan na tumutukoy sa kurokuro o opinyon
ng manunulat.
____________8. Isang uri ng tula na kung saan nakatuon ito sa pagbibigay ng
damdamin habang mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-kuro.
____________9. Nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang
pakikitunggali sa mga kaaway at mga tagumpay nya sa digmaan, hindi kapani-
paniwala ang ibang pangyayari at maituturing na kababalaghan.
____________10. Isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o
kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan.

II. Pagtatapat-tapat
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga kasagutan ng mga nasa Hanay A.
Isulat ang letrang tamang kasagutan.

Hanay A Hanay B
_____1. Ang tungkulin ng teoryang ito ay
matukoy ang nilalaman, kaanyuan o a. Moralistiko
kayarian at paraan ng pagkakasulat ng b. Sosyolohikal
akda.
_____2. Mahihinuha ang kalagayang c. Sikolohikal
panlipunan nang panahong kinatha ang d. Formalismo
panitikan sa teoryang ito.
_____3. Maaring tingnan ang imahen, e. Humanismo
pagpapakalarawan, posisyon at gawain f. Marxismo
ng mga babae sa loob ng akda ang
g. Arkitaypal
ganitong teorya.
_____4. Gumagamit ng modelo o h. Feminismo
huwaran ang ganitong teorya upang i. Eksistensyalismo
masuri ang elemento ng akda
nangangailangan ng masusing pag- j. Klasismo
aaral sa kabuuan ng akda. k. Romantisismo
_____5. Ang katotohanan ang
binibigyang-diin at may layuning ilahad l. Realismo
ang tunay na buhay pinapaksa ng
teoryang ito.
_____6. Makikita dito ang takbo ng isip ng
may katha antas ng buhay, paninindigan,
pinaniniwalaan, pinahahalaganahan at
mga tumatakbo sa isipan at kamalayan
ng may-akda.
_____7. Nagpapakita ng pagmamahal ng
tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa.
_____8. Ang tao ay may malayang
pagpapasya para sa kaniyang sarili

9|P age
QUIRINO STATE UNIVERSITY
Cabarroguis Campus
Cabarroguis, 3400
DEPARTMENT OF CIVIL ENGINEERING
upang mapalutang ang pagiging
indibidwal nito at sa gayon ay hindi
maikahon sa lipunan.
_____9. Ang tao ang sentro ng daigdig.”
Binibigyang-pansin ang kakayahan o
katangian ng tao sa maraming bagay.
_____10. Pinakikita ang pagtutunggalian o
paglalaban ng dalawang magkasalungat
na puwersa malakas at mahina
mayaman at mahirap Kapangyarihan at
naaapi.

Sanggunian:
➢ Sanchez, Remedios A & Reyes, Juvy Jane S. Panitikan ng Pilipinas 2019:Library
Service & Publishing INC.
➢ Casanova, Arthur P. et.al Panitikang Pilipino, 2001: Rex Book Store, Inc.
➢ Tiamson, Ligaya R. et.al Panitikan sa Pilipinas, 2001: Rex Book Store, Inc
➢ https://www.tagaloglang.com/kasaysayan-ng-panitikan-sa-pilipinas/
➢ http://www.senore.com/Anu-ano-ang-ibat-ibang-genre-ng-panitikan-q105107

10 | P a g e

You might also like