Aralin 1: Pagsulat

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Aralin 1: Pagsulat Mga Dahilan sa Pagsulat:

1. Nagsisilbing libangan
Pagsulat 2. Upang matugunan ang pangangailangan sa
- isa sa makrong kasanayan na dapat na malinang pag-aaral bilang bahagi ng pagtatamo ng
at mahubog sa mga mag-aaral. Dito masusukat kasanayan.
ang kanilang kahandaan at kagalingan sa iba't 3. Bahagi ng pagtugon sa bokasyon o trabahong
ibang disiplina. Naibabahagi niya ang mga kaisipan kanilang ginagampanan sa lipunan.
at nalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa
pamamagitan ng kanyang isinulat. Layunin ng Pagsulat
- naisasatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin,
paniniwala, at layunin ng tao sa tulong ng paggamit Edwin Mabilin (2012)
ng mga salita, ayos ng pangungusap sa mga talata - maaaring personal o ekspresibo kung saan ang
hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin. layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling
pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng
Nagdudulot ng malaking tulong sa mga: manunulat. Ang ganitong paraan ng pagsulat ay
- Nagsusulat maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan,
- Nakababasa nito kalungkutan, pagkatakot, o pagkainis depende sa
- Lipunan layunin ng taong sumusulat.

- ang mga naisulat ay magiging dokumento ng - maaari namang maging panlipunan o sosyal kung
nakalipas na pangyayari o panahon na magsisilbing saan ang layunin ng pagsulat ay ang
tulay para sa kabatiran ng susunod na henerasyon. makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang
ginagalawan. Ang ibang tawag sa layuning ito ng
MABILIN (2012) pagsusulat ay transaksiyonal. Ang mga halimbawa
- ang pagsulat ay pahayag ng kaalamang kailanman nito ay ang pagsulat ng liham, balita,
ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at korespondensiya, pananaliksik, tesis, sulating
babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin panteknikal, disertasyon, at iba pa.
sa bawat panahon. Maaaring mawala ang alaala ng
sumulat ngunit ang kaalamang kanyang Kahalagahan ng Pagsulat
ibinabahagi ay mananatiling kaalaman. 1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng
mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng
CECILIA AUSTERA ET AL. (2009) obhetibong paraan.
- isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at 2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga
damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang datos na kakailanganin sa isinasagawang
pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng imbestigasyon o pananaliksik.
mensahe, ang wika. 3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa
mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging
EDWIN MABILIN ET AL. (2012) obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat
- isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil batay sa mga nakalap na impormasyon.
sa pamamagitan nito ay naipahayag ng tao ang 4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa
nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng
ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang mga materyales at mahahalagang datos na
maaaring pagsulat. kakailanganin sa pagsulat.
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng
mga bagong kaalaman at;
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at magbigay ng impormasyon o kabatiran sa
pagkilala sa mga gawa. mga mambabasa. Pangalawa ay ang
paraang ekspresibo kung saan ang
Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat manunulat ay naglalayong magbahagi ng
sariling opinyon, paniniwala, ideya,
1. Wika obserbasyon. Pangatlo ay ang
- Magsisilbing behikulo upang maisatitik ang pamamaraang naratibo kung saan ang
mga kaisipan, kaalaman, damdamin, pangunahing layunin nito ay magkuwento o
karanasan, impormasyon, at iba pang nais magsalaysay ng mga pangyayari. Pang-apat
ilahad ng isang taong nais sumulat. ay ang pamamaraang deskriptibo kung
Mahalagang matiyak kung anong uri ng saan ang pangunahing pakay ng pagsulat
wika ang gagamitin upang madaling ay maglarawan ng mga katangian, anyo,
maiakma sa uri ng taong babasa ang akda, hugis ng mga bagay o pangyayari. Panghuli
komposisyon, o pananaliksik na nais mong ay ang pamamaraang argumentatibo kung
ibahagi sa iba. saan ang pagsulat ay naglalayong
manghikayat o mangumbinsi sa mga
2. Paksa mambabasa.
- Mahalagang magkaroon ng isang tiyak na
paksa o tema ng isusulat. Ito ang 5. Kasanayang Pampag-iisip
magsisilbing pangkalahatang iikutan ng - Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat
mga ideyang dapat mapaloob sa akda. Ang ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng
pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga datos, maging lohikal, at obhetibo.
paksang isusulat ay napakahalaga upang
maging malamán, makabuluhan, at wasto 6. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat
ang mga datos na ilalagay sa akda o - Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang
komposisyong susulatin. pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika
at retorika partikular sa wastong paggamit
3. Layunin ng malaki at maliit na titik, wastong
- Tulad ng tinalakay sa unahan, mahalagang pagbaybay, paggamit ng bantas, at pagbuo
matiyak ang layunin sa pagsulat. Ang ng makabuluhang pangungusap pagbuo ng
layunin ang magsisilbing giya mo sa talata.
paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong
isusulat. Kailangang matiyak na 7. Kasanayan sa paghabi ng buong sulatin
matutugunan ng iyong isusulat ang motibo - Tumutukoy ito sa kakayahan mailatag ang
ng iyong pagsusulat nang sa gayon ay mga kaisipan at impormasyon sa isang
maganap nito ang iyong pakay sa katauhan maayos, organisado obhetibo, at masining
ng mga mambabasa. na pamamaraan mula sa panimula ng akda
o komposisyon hanggang sa wakas nito.
4. Pamamaraan ng Pagsulat
- May limang pangunahing pamamaraan ng Mga Uri ng Pagsulat
pagsulat upang mailahad ang kaalaman at 1. Malikhaing Pagsulat
kaisipan ng manunulat batay na rin sa 2. Teknikal na Pagsulat
layunin o pakay ng pagsusulat. Una 3. Propesyonal na Pagsulat
maaaring gumamit ng paraang impormatibo 4. Dyornalistic na Pagsulat
kung saan ang pangunahing layunin nito ay 5. Reperensyal na Pagsulat
6. Akademikong Pagsulat 6. Replektibong sanaysay
7. Lakbay sanaysay
Akademikong Pagsulat 8. Pictorial essay
- Madalas inuugnay ang akademikong pagsulat sa
salitang akademiya na tumutukoy sa institusyong Aralin 2: Paglalagom
pang-edukasyon na maituturing na haligi sa
pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan. Paglalagom
- Higit sa lahat, hindi magaganap ang anumang - pinakasimple at pinaikling bersiyon ng isang
adhikain ng isang akademiya kung wala ang sulatin o akda.
instrumento upang mapakilos ito at maganap ang - kabuoang kaisipang nakapaloob sa paksa
mithiin at misyon nito, walang iba kundi ang wika.
Sa pag-aaral ng kursong ito, ang akademikong Kasanayang Nahuhubog sa Paglalagom:
Filipino ang gagamitin sa akademiya. ● pagtitimbang-timbang ng mga kaisipan
- Ito ay iba sa wikang karaniwan o sa wikang (pinakamahalaga at pantulong na kaisipan)
nakasanayan nang gamitin ng marami sa ● magsuri ng binabasa (dapat bigyan ng
araw-araw kung saan ay hindi gaanong pansin)
pinahahalagahan ang mga alituntunin o prinsipyo ● kasanayan sa pagsulat (paghahabi ng mga
sa paggamit ng Filipino. pangungusap)
- Epektibong magagamit ang Filipino sa loob ng ● pagpapaunlad o pagpapayaman ng
akademiya, hindi lamang sa larangan ng pagtuturo bokabularyo (angkop na salita)
sa lahat ng uri ng komunikasyon kundi maging sa
pamamagitan ng kurikulum at buhay sa akademiya. Tandaan: pinakasentro o pinakadiwa
(Jose, V. 1996. Mga Piling Diskurso sa Wika at
Lipunan) Uri ng Paglalagom
- Naniniwala siyang kailangan ang masidhing
hangarin ng bawat isa sa atin na maging 1. Abstrak
tagapaghatid at tagapagtaguyod ng mga kaisipang - karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
dumadaloy sa wikang Filipino. Higit na magiging akademikong papel. (tesis, papel na siyentipiko at
epektibo ang pagkatuto ng mga mag-aaral kung sa teknikal, lektyur, at mga report)
wikang alam niya ito matatamo. - makikita sa unahan bago ang title page o pahina
ng pamagat.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akdemikong - naglalaman ng pinakabuod ng ulat.
Pagsulat
- Obhetibo Philip Koopman (1997)
- Pormal ● maikli lamang (introduksiyon, kaugnay na
- Maliwanag at Organisado literatura, metodolohiya, resulta, at
- May paninindigan kongklusiyon)
- May pananagutan ● iba sa konklusyon

Iba’t ibang Uri ng Akademikong Sulatin: Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak
1. Abstrak, sintesis/buod, bionote 1. Hindi maaring maglagay ng mga datos na hindi
2. Panukalang proyekto binanggit sa isinagawang pag-aaral.
3. Talumpati 2. Iwasan ang paglalagay ng mga statistical figures
4. Adyenda, katitikan ng pulong, memorandum o table sapagkat hindi ito nangangailangan ng
5. Posisyong papel detalyadong datos.
3. Gumamit ng simple, direkta, at malinaw na mga 3. Kailangang mailahad ang mga pangunahing
pangungusap. tauhan maging ang kanilang mga gampanin.
4. Maging obhetibo sa pagsulat- ilahad lamang ang 4. Gumamit ng maayos na pang-ugnay sa
mga pangunahing layunin. paghahabi ng mga pangyayari sa kuwentong
5. Gawin lamang itong maiksi ngunit binubuod.
komprehensibo. 5. Tiyaking wasto ang pagbabantas, pagbabaybay,
at gramatika.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak 6. Huwag kalimutang ilagay kung saan hinango o
1. Basahing mabuti ang akademikong sulatin na kinuha ang orihinal na sipi.
gagawan ng abstrak.
2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing ideya Mga Hakbang Sa Pagsulat ng Sinopsis
mula sa intoduksyon, kaugnay na literatura, 1. Basahin ang buong seleksyon o akda at
metodolohiya, resulta, at kongklusyon. unawaing mabuti hanggang makuha ang buong
3. Buoin gamit ang mga talata ang mga kaisipan.
pangunahing kaisipan. Isulat ito ayon sa 2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di
pagkakasunod-sunod. pangunahing kaisipan.
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, 3. Habang nagbabasa, magtala at kung maari ay
table, at iba pa maliban na lamang kung sadyang magbalangkas. Isulat gamit ang sariling
kailangan. pangungusap ngunit huwag lagyan ng sariling
5. Basahin muli ang ginawang abstrak. Suriin kung opinyon o kuro-kuro.
may nakaligtaang mahahalagang kaisipan.
6. Isulat ang pinal na sipi nito. 3. Bionote
- ginagamit sa personal profile
2. Buod/Sinopsis - talambuhay (autobiography)
- kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo. - kathambuhay (biography)
(kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula,
talumpati, iba pang anyo ng panitikan) Duenas at Sanz (2012)
- isang talata o higit pa (ilang pangungusap) ● tala sa buhay ng isang tao
- gamit ang sariling salita ● buod ng academic career (journal, aklat,
- madaling pag-unawa sa diwa ng akda abstrak, web sites, at iba pa)
- pangunahing kaisipang taglay ng akda
- payak Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Bionote
1. Sikaping maisulat lamang ito ng maiksi. Kung ito
Pagkuha ng Detalye ng Akda ay gagamitin sa resume, kailangang masiulat
Mahalagang maipakilala sa mga babasa: lamang ito gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay
- Pagbanggit sa pamagat gagamitin sa isang networking site, sikaping
- May-akda maisulat ito sa loob ng 5 hanggang 6 na
- Pinanggalingan ng akda pangungusap.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis 2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na


1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat. impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay.
2. Isulat ito batay sa tono ng orihinal na Maglagay din tungkol sa mga personal na interes.
pagkakasulat nito. Kung ang naghaharing Itala ang mga tagumpay na nakamit.
nararamdaman ay lungkot, dapat na lungkot din 3. Isulat gamit ang ikatlong panauhan upang
ang maipasa sa mga mambabasa. maging litaw ang pagka-obhetibo.
4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit sa isang proyekto. Kung may pagtatalo, kailangan
lamang ng mga payak na salita upang madaling pa rin natin mag-isip ng paraan na epektibo para
maunawaan at makamit ang totoong layunin nitong magkaisa tungo sa pagpapaganda ng proyektong
maipakilala ang iyong sarili. pagkakasunduan ng lahat.
5. Basahing muli ang isinulat upang maisulat ang
pinal na sipi. Maaring ipabasa muna ito sa iba. Epektibong pagpupulong: Sa pamamagitan nito,
nauunawaan at nadarama ng bawat bahagi ng
samahan ang mithiin at naisa tahakin nito.

Tatlong Mahalagang Elemento ng Isang Pulong

1. Memorandum/Memo
- Nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing
pulong. Paalala tungkol sa isang
mahalagang impormasyon, gawain,
tungkulin, o utos. (Prof. Ma. Rovilla
Aralin 3: Pagsulat ng Memorandum, Adyenda, Sudprasert, 2014). Ito ay anunsyo bago
at Katitikan ng Pulong gawin ang isang pagpupulong.

Pagpupulong (Meeting) Layunin: Pakilusin ang isang tao sa isang


- ginagawa ito sa organisasyon, opisina, paaralan, alituntunin na dapat isakatuparan.
atbp.
- ginaganap ito upang mangalap ng impormasyon o Katangian, Gamit, at Nilalaman ng Memo:
ideya sa partikular na paksa na kinabibilangan ng - Maikli, maayos, malinaw
desisyon ng nakararami upang magkaroon ng - Pagdalo sa pulong
epektibong proyekto. - Pagsasagawa
- Pagsunod sa bagong sistema ng
Ano ang mga bagay na dapat gawin o ihanda bago produksyon o kompanya
ang pulong? - Mahalagang balita o pangyayari sa polisya
- ihanda ang sarili sa pamamagitan ng pag-alam ng
paksa at layunin ng pulong. Ayon kay Dr. Darwin Bargo (2014), ang mga
- ihanda rin ang mga kagamitan gaya ng panulat at nagpupulong ay gumagamit ng colored stationary
kwaderno. para magsilbing gabay nila sa paggawa ng memo.

Ano ang mga bagay na dapat gawin upang 1. Puti - pangkalahatang kautusan o impormasyon
matandaan ang pinag-usapan sa pulong? para sa mga nakararami.
- maaari nating isulat ang mga mahahalagang
impormasyong ibinahagi sa pagpupulong upang 2. Pink o Rosas - memo galing sa purchasing dept.
tayo ay may babalikan. o yung mga kinakailangang kagamitan para sa
gaganaping pagpupulong.
Ang mabisang komunikasyon ang buhay ng isang
samahan o organisasyon. Kung walang maayos na 3. Dilaw o Luntian - memo galing sa marketing
daloy ng komunikasyon sa loob ng isang samahan, dept. at accounting dept. kung saan nakatala ang
kadalasan ito ay walang kaayusan. Dapat magkaisa badyet na isinagawa nila para sa gagamitin sa
upang magkaroon ng epektibo at maayos na plano pagpupulong.
Tatlong Uri ng Memo - Para na rin handa at manatili ang pokus ng
mga miyembro sa paksang tatalakayin.
1. Memorandum ng Kahilingan
- Naghihingi ng pabor sa isang partikular na Tandaan: Ang paksang tatalakayin ay hindi lamang
tao. (Ex: Pagpapalipat ng petsa) sa isang tao magmumula kundi manggagaling din
sa mga taong kasapi sa pulong.
2. Memorandum ng Kabatiran
- Nagbabahagi ng impormasyon tungkol sa Nilalaman ng Adyenda:
paksang tatalakayin sa pulong. - Paksang tatalakayin
- Mga taong magtatalakay/magpapaliwanag
3. Memorandum na Pagtugon - Oras na itinakda sa bawat paksa
- Makakalap ng bagong ideya sa mga kasapi
ng samahan. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda:
1. Magpadala ng memo
Bahagi ng Memo 2. Ilahad sa memo na kailangan nila ito lagdaan
- Letterhead (Logo ng Paaralan/Kumpanya) upang magsilbing katibayan sa kanilang pagdalo.
➣ Lugar, address, contact no. 3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang
- Para sa/ Para/Kay/Kina tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o
➣ Kung kanino ipapadala paksa ay nagpadala na, dapat ito’y nakatable
- Mula kay format.
➣ Nagpapadala mismo 4. Ipadala ang sipi sa mga taong dadalo ng isa o
- Petsa dalawang araw bago ito ganapin.
➣ Kailan ipinadala 5. Ilagay ang layunin, petsa, at kung saan
- Paksa gaganapin.
➣ Tatalakayin sa pulong 6. Sundin ang adyenda.
- Mensahe
➣ Sitwasyon o layunin ng pagpupulong Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Adyenda:
maging ang mga problema at solusyon nito. 1.) Lahat ng dadalo ay dapat may kopya o
- Lagda pamphlet na babasahin nila sa talakayan.
➣ Matatagpuan ito sa ibabaw ng nag- 2.) Unang bahagi ng pagpupulong ay dapat na
papadala ng memo bilang tanda ng pasasalamat o tumatalakay sa pinakamahalagang paksa.
paggalang. Ito’y pinipirmahan. 3.) Tiyakin na masusunod ang itinakdang oras sa
bawat paksa, maging ang simula at wakas nito.
2. Adyenda/Adgenda 4.) Ihanda ang mga kakailanganing dokumento o
- Nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa visual aids ng mangtatalakay upang lubos nilang
pulong. maipahatid sa mga manonood ang kanilang paksa.
- Susi sa matagumpay na pulong
- Mahalagang maisagawa ng maayos at 3. Katitikan ng Pulong (Minutes of the meeting)
maipabatid sa mga taong kabahagi bago - Opisyal na tala ng isang pulong
isagawa ang pulong (Prof. Ma. Revilla - Isinasagawa ng pormal, obhetibo, at
Sudprasert, 2014) komprehensibo
- Nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad - Nagtataglay ng lahat ng mahahalagang
ng pagkakasunod-sunod ng mga paksa at detalyeng tinalakay sa pulong.
ito rin ay nagsisilbing talaan. - Nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan
ng samahan, kumpanya, o organisasyon.
- Maaaring magamit bilang prima facie Tatlong Estilo ng Katitikan ng Pulong
evidence sa mga legal na usapin o 1. Ulat ng Katitikan - lahat ng detalye ay nakatala.
sanggunian para sa mga susunod na 2. Salaysay na Katitikan - mahahalagang detalye
pagpaplano at pagkilos, hindi lamang lamang
kalihim ang maaaring maaatasang gumawa 3. Resolusyon ng Katitikan - nakatala ang
nito. napagkasunduan ng samahan.
- Pagtapos ng pagpupulong
Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong:
➣ Bago ang pulong
1. Heading - Ihanda ang kagamitan gaya ng dokumento
- Naglalaman ng pangalan, pangalan ng o outline.
organisasyon, lugar, numero.
2. Mga Kalahok o dumalo ➣ Habang isinasagawa ang pulong
3. Pagbasa at pagpapatibay - Itatala ang mga taong nakadalo, anong oras
- Mga dapat balikan sa pagpupulong sa kailangan magsimula, mga mahahalagang
nagdaan na araw. puntos sa paksa na itinalakay, mga taong
4. Action items o usaping napagkasunduan bumoto o hindi sa suhestiyon ng kasapi, at
- Mahalagang tala oras ng pagtatapos.
5. Pabalita o patalastas
- Mga ideyang gusto idagdag ➣ Pagkatapos ng pulong
6. Iskedyul ng susunod na pulong - Gumawa ng borador ng katitikan ng pulong
- Petsa (kung di natapos o may kailangan na sisiguraduhing lahat ng detalye ay
linawin). nakasaad at tama ang pagbabaybay.
7. Pagtatapos - kung anong oras dapat matapos
8. Lagda - pirma o pangalan ng sumulat ng pulong Aralin 4: Panukalang Proyekto

Mga Dapat Gawin ng Taong Naatasan Kumuha ng Panukalang Proyekto (Project Proposal)
Katitikan ng Pulong - Ayon kay Dr. Phil Barte ng The Community
1. Marunong magpokus sa pagkuha ng Empowerment Collective, ang panukalang proyekto
mahahalagang impormasyon ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga
2. Nakaupo dapat ito malapit sa presenter upang plano o adhikain para sa isang komunidad o
maging mas detalyado. samahan.
3. May kopya dapat ng mga taong dadalo. - Ayon kay Bartle (2011), kailangan nitong
4. May kopya ng nagdaang pulong. magbigay ng impormasyon at makahikayat ng
5. Nakatuon dapat sa paksa at sa oras ng positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan nito.
pagtatalakay. - Ayon kay Besim Nebiu, may akda ng Developing
6. Malinaw na nakatala ang pangalan ng samahan, Skills of NGO Project Proposal Writing, ang
petsa, oras, at lugar ng pagpupulong. panukalang proyekto ay isang detalyadong
7. Maaaring gumamit ng recorder. deskripsyon ng mga inihaing gawaing naglalayong
8. Dapat maitala ng maayos ang mga pormal na lumutas ng isang problema o suliranin.
questions/suhestiyon. - ito’y naglalahad o nangangatwiran
9. Itala ang napagdesisyunan at mga datos.
Mga Dapat Gawin sa Panukalang Proyekto 2. Plano na Dapat Gawin
- Matapos maitala ang mga layunin ay maaari
a. Pagsulat ng Panimulang Proyekto ng buoin ang talaan ng mga gawain o plan
- Ang pagtukoy sa pangangailangan ng of action. Naglalaman ito ng mga hakbang
komunidad, samahan, o kompanyang na isinasagawa upang malutas ang
pag-uukulan ng iyong project proposal. suliranin.

Maaaring magsimula sa pagsagot sa sumusunod 3. Badyet


na tanong: - Ang talaan ng mga gagastusin na
- Ano-ano ang pangunahing suliraning dapat kakailanganin sa pagsasakatuparan ng
laparan ng agarang solusyon? layunin.
- Ano-ano ang pangangailangan ng
pamayanan o samahan na nais mong c. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga
gawan ng panukalang proyekto? makikinabang nito
- Malinaw na naksaad dito kung sino ang
Halimbawa: Sa Barangay Pagkakaisa, ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito
dalawang suliraning nararanasan ng mga makatutulong sa kanila.
mammayan ay ang sumusunod: - Maaaring ang makikinabang nito ay
1. Paglalaganap ng sakit na dengue mismong lahat ng mamamayan ng isang
Solusyon: Seminar sa tamang paglilinis o pamayanan, empleyado, o organisasyon.
pangangalaga ng katawan - Maging espesipiko sa tiyak ng grupo ng tao
2. Kakulangan sa suplay ng tubig o samahang makikinabang sa
Solusyon: Pagtitipid ng tubig pagsasakatuparan ng layunin.

Tandaan: Ang pangunahing dahilan ng pagsulat ng Balangkas ng Panukalang Proyekto


pangunahing proyekto ay upang makatulong at
makalikha ng positibong pagbabago. 1. Pamagat - Ito ay hinango mismo sa inilahad na
pangangailangan bilang tugon sa suliranin. Ex:
b. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto Panukala sa Pagpapagawa ng Breakwater para sa
- Binubuo ng layunin, planong dapat gawin, at Cabao
badyet.
2. Nagpadala - Naglalaman ito ng tirahan ng
1. Layunin sumulat ng panukalang proyekto.
- Ayon kay Jeremy at Lynn Miner (2008), ang
layunin ay kailangan maging SIMPLE: 3. Petsa - Araw kung kailan ipinasa ang panukalang
➣ Specific - bagay na nais makamit papel. Isinasagawa sa bahaging ito ang tinatayang
➣ Immediate - tiyak na petsa kung kailan panahon kung gaano katagal gagawin ang
matatapos proyekto.
➣ Measurable - may basehan o patunay na
isasakatuparan ang nasabing proyekto. 4. Pagpapahayag ng Suliranin - Nakasaad ang
➣ Practical - nakasaad ang solusyon suliranin at kung bakit dapat maisagawa o
➣ Logical - paraan kung paano makamit ang maibigay ang pangangailangan.
proyekto
➣ Evaluable - masusukat kung paano
makakatulong ang proyekto.
5. Layunin - Naglalaman ito ng mga dahilan o
kahalagahan kung bakit dapat isagawa ang
panukala.

6. Plano na Dapat Gawin - Talaan ng


pagkakasunod-sunod ng mga gawaing isinagawa.

7. Badyet - Ang kalkulasyon ng mga guguling


gagamitin sa pagpapagawa ng proyekto.

8. Benepisyo ng Proyekto at mga makikinabang


nito - nakasaad dito ang mga taong makikinabang
ng proyekto at benepisyong makukuha nila mula
rito.

You might also like