Iv. Yugto NG Pagkatuto at Mga Gawaing Pampagkatuto I. Panimula (Mungkahing Oras: 30 Minuto)

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Asignatura Filipino Baitang 4

W8 Markahan IV Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Pagbibigay ng Buod o Lagom ng Debateng Binasa
Paghahambing ng Iba’t Ibang Debateng Napanood
Pagpapakita ng Nakalap na Impormasyon sa Pamamagitan ng
Nakalarawang Balangkas o Dayagram
Pagkuha ng Tala Buhat sa Binasang Teksto
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Naibibigay ang buod o lagom ng debateng binasa F4PB-IVf-j-16
KASANAYANG Nakapaghahambing ng iba’t ibang debateng napanood . F4PD-IV-g-i-9
PAMPAGKATUTO (MELCs) Naipakikita ang nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng nakalarawang
balangkas o dayagram F4EP-IVa-d.8
Nakakukuha ng tala buhat sa binasang teksto F4EP-IV-b-e.10
III. PANGUNAHING NILALAMAN Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t
ibang teksto.
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panonood ng iba’t ibang
media.
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at
napalalawak ang talasalitaan.
Natutukoy ang kahulugan ng paglalagom at pagbubuod
Nailalarawan ang debate at iba’t ibang uri nito.
Nakasusulat ng iba’t ibang impormasyon mula sa isang balangkas o dayagram
Nabibigyang paninindigan kung anuman ang pinili.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

I. Panimula (Mungkahing Oras: 30 minuto)

Inaasahan na pagkatapos ng aralin na ito ay makapagbibigay ka ng buod o lagom ng debateng


binasa, makapaghahambing ng iba’t ibang debateng napanood, makangangalap ng impormasyon sa
pamamagitan ng nakalarawang balangkas o dayagram at makakukuha ng tala buhat sa binasang teksto.

Pansinin mo ang mga sumusunod na makatutulong sa iyo sa pagsasagawa at pagsagot ng mga


gawain.

Ang paglalagom o pagbubuod ay ang pagsulat o pagsasalaysay muli sa isang akda o narinig na maikling
paraan na ginagamitan ng sariling pananalita. Ito ay maikli ngunit malaman at nagpapahayag ng pinakadiwa
nito. Ito ay hindi nagtataglay ng pansariling opinyon.

Mga Dapat isaalang-alang sa pagsulat ng buod:

1.Basahing mabuti ang akda upang maunawaan ang kaisipang taglay nito.
2.Tukuyin ang pangunahing diwa o kaisipan
3.Isulat ang buod sa sariling pananalita at madaling unawain
4.Huwag ilalayo sa orihinal na akda ang diwa o estilo.

Ang debate o pagtatalo ay ang pagbibigay ng gantihang pangangatwiran ng dalawa o higit pang
panig hinggil sa isang makabuluhang paksa o isyu. Ang dalawang panig ay ang proposisyon o sumasang-ayon,
at ang oposisyon o sumasalungat. Ito ay maaaring pormal o di-pormal na pagtatalo.

Debateng Pormal Debateng Di-Pormal


Pinaghahandaang mabuti at masining ang Hindi gaanong pinaghahandaan.
pagtalakay ng paksa.
Karaniwang may takdang oras sa kanilang Ang bawat panig ay maaring magsalita kailan man
pagsasalita. nila gustuhin.
May nakatakdang panahon (oras at araw) kung Walang takdang araw, oras at lugar.
kailan gaganapin.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Pinakakaraniwang ginagamit ng mga mag-aaral ang mga debateng may uri o pormat na Oxford at
Cambridge.

Sa debateng Oxford, ang bawat kalahok ay magsasalita lamang ng minsan, maliban na lang sa unang
tagapagsalita na wala pang sasalaging mosyon kaya’t mabibigyan ng isa pang pagkakataong magbigay ng
kanyang pagpapabulaan sa huli.

Sa debateng Cambridge, ang bawat kalahok ay dalawang beses titindig upang magsalita. Una ay upang
ipahayag ang kanyang patotoo at sa ikalawa ay upang ilahad ang kanyang pagpapabulaan.

Ang mock trial ay isang uri ng debate kung saan ang mga kalahok ay nagpapanggap bilang mga
manananggol o mga attorney sa isang paglilitis. Karaniwan din na mayroong mga boluntaryo na magdudula-
dulaan o mag-role play.

Ang impromptu debate ay isang uri ng debate na binibigay ang paksa sa mga kalahok 15 minuto bago
magsimula ito. Salitan ang miyembro ng dalawang panig na bibigyan ng limang minuto para magsalita. Uulitin
ang proseso hanggang matapos nang magsalita ang lahat ng miyembro ng dalawang grupo.

Ang turncoat debate ay ginagawa ng isang tao lamang. Ang kalahok ay magsasalita muna para sa
proposisyon ng dalawang minuto, at pagkatapos ay magsasalita para sa oposisyon ng dalawang minuto.

Ang fliptop battle ay karaniwang binubuo ng tatlong rounds. Ang unang sasalang ay napagpapasyahan sa
pamamagitan ng pagpahagis/pagpitik/pagpapaikot ng barya. Hindi pinagbabawal ang mga barang naisulat
na bago ang laban pati na ang mga hindi pa naisusulat. Ang panunungayaw, malalang pamimintas, at
panunukso ay hindi pinagbabawal sa laban, at nararapat na huwag itong tanggapin na seryoso, totoo, at
personal.

Matapos malaman at mailarawan ang iba’t ibang uri ng debate ay pansinin ang balangkas o dayagram,
ganun din ang pagtatala o tala upang maging mas madali ang iyong pagkaunawa sa aralin na ito.

Ang balangkas ay nakasulat na plano na nagpapakita ng mga bahagi na bubuo sa isang sulatin. Sa
pamamagitan nito, nalalaman natin kung ano-ano ang mga pangunahing ideya at suportang ideya. Ang
pangunahing ideya ay ang paksa o sentro sa pagpapalawak ng tema. Ang suportang ideya ay ang mga
susing salita na tumutulong o nagbibigay linaw sa paksa o paksang pangungusap. Nagagamit ang
nakalarawang balangkas o dyagram upang maipakita ang nakalap na impormasyon o datos.

Ang tala ay isang sistematikong paraan ng pagsulat na naglilinaw ng mga impormasyon at naghahati ng
oras o gawaing nakasaad. Maihahalintulad din ito sa paglilista. Ang pagkuha ng tala ay ang pagsasama-sama
ng mga kaalaman o datos na ginagamit sa mga eksperimento, pagsusuri at pag-aaral ng isang bagay.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 30 minuto)

Upang subukin ang iyong pagkaunawa, basahin mo ang dayalogo o iskrip na hango sa isang link sa Youtube.
Kung mayroon kayong internet connection sa bahay ay maaari mo rin itong panoorin sa link na ito.
https://www.youtube.com/watch?v=rEVpGt6k9Uw

Debate: Online Class o Face to Face Class

Lider: Matutunghayan ang debate sa pagitan ng online class laban sa face to face class. Dahil sa epekto ng
Covid19 Pandemic Situation, ang online classes ay mas tinatangkilik ng mas marami. Para sa iba online class
ang nararapat, ang iba naman ay mas gusto ang paraan ng pagtuturo ng face to face na klase.
(Pagpapakilala ng bawat isa at patukoy sa kung aling panig na kanilang pinapanigan)

Face to Face 1: Bakit ko gusto ng face to face, simple lang dahil mas madaling intindihin ang itinuturo kapag
face to face, hindi kagaya sa online class, kapag mahina ang signal mo ay magpuputol-putol ang mga salita at
hindi mo maiintidihan ang ituturo ng guro mo, samantalang sa face to face ay dire-diretso lang ang pagtuturo
ng teacher at personal kaya mas maipapaliwanag ang lesson ng mas maayos.

Online class 1: Sa online class hindi lang nakatitipid ng pera pati na rin oras, hindi mo na kailangang
magcommute papunta roon at papunta rito nang paulit-ulit. Mas magastos ang face to face learning kung
para sa online class.

Face to Face 2: Sa face to face makikita ng mga guro kung ano ang ginagawa ng kanilang estudyante kung
nandaraya ba ito o hindi. Samantalang sa online class naman ay maraming hindi nakaopen ang camera kaya
hindi makikita ng mga guro kung ano ang kanilang ginagawa sa likod ng kanilang camera at maaari pa silang
matutong mandaya.

Online 2: Ang face to face naman, kapag kailangan mong magtanong sa isang bagay ay hindi mo ito
makakausap dahil may mga klase pa o busy pa. Pero sa online class naman ay madali kang
makipagcommunicate sa teacher mo kung magtatanong ka sapagkat pwede mo siyang ichat upang
maitanong ang mga bagay na gusto mong malaman.

Face to Face 3: Mas matutukan naman ang pag-aaral sa face to face kaysa online class.

Onlince Class 4: Hindi naman lahat ng nasa online class hindi natutukan ang kanilang pag-aaral. Pag online
class pa nga mas nakakapagfocus ang mga estudyante dahil pwede silang lumugar kung saan ang
komportable.

Face to Face 4: Pero may ibang estudyante na walang lugar na gagamitin, magkakaroon sila ng distraction.
Dahil dito hindi sila nakapagfofocus sa online classes.

Online Class 5: Hindi ninyo ba naiisip ang pandemya, Oo mas napadadali ang mga estudyante kapag face to
face ang klase ngunit paano naman ang kanilang mga kalusugan. Kawawa ang mga bata kahit ang isa man
ay magpositive sa atin, tayo ay mahihirapan pare-pareho. Isipin muna natin ang kalusugan natin, hindi para
itaya ang buhay para lang dito.

Face to Face 5: Mas napadadali ang buhay noong may face to face at dahil nakakasama natin ang mga
kaibigan natin

Online class 6: Oo lahat ng saya nasa face to face at hindi nahihirapan pero tumingin naman sa sitwasyon natin
ngayon. Naibubuwis natin ang buhay natin para lang dito. Matuto tayong tumingin sa kung anuman ang
hinaharap natin sa ngayon.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
Rubriks sa Pagsulat ng Buod o Lagom ng Debate
Di-gaanong
Mga Pamantayan Napakahusay Mahusay mahusay
3 2 1
Natukoy ang uri ng debateng nabasa o napanood.

Naibigay ang paglalarawan ng uri ng debateng isinulat.

Naihambing ang nasabing debate mula sa ibang


debateng napanood o binasa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Mula sa binasang dayalogo o iskrip, o kaya ay sa pinanood na debate, sumulat ng isang buod o lagom nito.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Ilarawan ang uri ng debateng iyong nabasa o napanood. Muling balikan ang iba’t ibang uri ng debate sa
panimulang bahagi ng LeaP na ito.

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 30 minuto)

Upang mas mapalalim ang iyong kasanayan sa mga aralin. Gawin ang mga sumusunod.

Gawain sa Pagkatuto 3:
Basahin ang nasa ibabang teksto at itala ang kailangang mga impormasyon. Punan nang wasto ang dyagram
sa ibaba. Gawin ito sa inyong sagutang papel.
Ang Covid-19 ay may karaniwang sintomas tulad ng lagnat, ubo’t sipon, at hirap sa paghinga. Pitong
simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa sakit na ito. Pitong simpleng
hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19. Una ay hugasan nang madalas
ang iyong mga kamay; iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig; takpan ang iyong bibig
kapag uubo at babahing; iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may
lagnat o ubo; manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit; kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-
hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna ang health facility; at ang panghuli ay kumuha
ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang otoridad. Ang mga hakbang na ito ay maaaring sundin ng
lahat. Napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19.

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 30 minuto)

Sa iyong isinagawang mga pagsasanay ay natutunan mo ang pagbibigay ng buod o lagom sa binasang
debate, naihambing ang iba’t ibang debate, nakakalap ka ng impormasyon sa pamamagitan ng
nakalarawang balangkas o dayagram at nakakuha ka ng tala mula sa binasang teksto.
Kompletuhin ang talata. Punan ang patlang ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Ang ______ ay ang pagbibigay ng gantihang pangangatwiran ng dalawa o higit pang panig hinggil sa
isang makabuluhang paksa o isyu. Sa pagsulat ng ______ nito kinakailangang maikli ngunit malaman at
nagpapahayag ng pinakadiwa nito. Ito ay hindi dapat nagtataglay ng pansariling opinyon.
Sa pagkuha naman ng _______, bilang isang sistematikong paraan ng pagsulat na naglilinaw ng mga
impormasyon at naghahati ng oras o gawaing nakasaad.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: 25 minuto)

Ngayon naman ay sukatin mo ang iyong natutunan. Gawin ang pagsasanay sa ibaba.

Manonood ka ng isang debate, maaaring makapanood ka sa youtube kung mayroon kang koneksyon sa
internet sa pamamagitan ng cellphone, laptop o tablet. Kung wala ka naming internet, maaari kang
makapanood sa telebisyon o makapakinig sa radyo. Maaari ka ring maghanap sa mga libro o pahayagan na
nasa inyong tahanan upang basahin. Kung wala kayo isa man sa mga nabanggit, maaari ka namang
magtanong o magpakuwento sa iyong magulang, taga pag-alaga o nakatatandang kapatid ng isang
pagdedebate o pagtatalo na napanood na nila.

Sumulat ng isang buod o lagom tungkol sa nasabing pagdedebate. Itala ang mga impormasyong iyong
nakuha rito. Sa huling bahagi ng iyong talata, isulat kung anong uri ito ng debate. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
Di-gaanong
Mga Pamantayan Napakahusay Mahusay mahusay
3 2 1
Nakasulat ng buod o lagom ng debateng napanood o
napakinggan.
Naitala nang maayos ang mga imporamsyon tungkol sa naisulat
na buod.
Naibigay ang uri ng debateng napanood o napakinggan

VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 10 minuto)


 Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.
Matapos mong mapagdaanan ang mga pagsubok na humamon sa iyong kakayahan upang makapagsulat
ng talata na may sanhi at bunga, ngayon ay isulat mo ang mga bagay na natutunan mo sa aralin. Isulat ito sa
iyong sagutang papel.
Natutunan ko na _______________________________________________________________________________________.
Nabatid ko na __________________________________________________________________________________________.
Nais kong matuto pa ng tungkol sa ______________________________________________________________________.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito
sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
 - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa
ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8
VII. SANGGUNIAN https ://lrmds.deped.gov.ph/detail/19292 Pagsagot ng mga Tanong at Pagbibigay ng
Lagom o Buod ng Napakinggan o Nabasa
Coronavirus disease 2019 (COVID-19) Factsheet (cdc.gov)
Ang Debate o Pakikipagtalo – unang aralin (wordpress.com)
https://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-ang-pagbabalangkas.html
https://brainly.ph/question/2097392

Inihanda ni: Rodalyn P. Errabo Sinuri nina: Maribeth Rieta


Nerlito M. Del Mundo
Maria Theresa M. Lalikan
Renante R. Soriano, EdD

You might also like