Filipino 8 Quarter 3 Week 7 Las#2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pangalan:________________________________Taon/Pangkat: __________________Iskor:__________

Paaralan:________________________________Guro:_______________________Asignatura:FILIPINO 8

Manunulat ng LAS: ROCHELLE F. VASQUEZ at MARY GRACE R. PIMENTEL


Tagasuri ng Nilalaman: GINALYN S. VILLAFLOR
Paksa: Pelikula Quarter 3 Wk.7, LAS 2
Mga Layunin: a. Nagagamit ang kahusayang gramatikal (may tamang bantas, baybay, magkakaugnay na
pangungusap/talata) sa pagsulat ng isang suring- pelikula. (F8WG-IIIg-h-33)
b. Natutukoy ang mga kahusayang gramatikal sa pagsusuri ng pelikula gamit ang tamang
baybay at bantas.
Sanggunian: Guimare, Aida. 2018.Pinagyamang Wika at Panitikan: Batayang Aklat sa Filipino. Sampaloc,
Maynila: Rex Book Store, Inc. at Panitikang Pilipino 8, Modyul para sa Mag-aaral, MELCS

Nilalaman

Kahusayang Gramatikal

Sa pagsulat ng suring-pelikula, dapat isaalang-alang ang mga kahusayang gramatikal tulad ng sumusunod:

1. Tamang Pagbabantas- Ang paggamit ng tamang bantas sa pagsulat ng isang suring-pelikula ay kailangan
upang maging epektibo ang pagsulat. Ang maling paggamit ng bantas ay nagbubunga ng maling
interpretasyon sa ipinahihiwatig na ideya.
2. Tamang Baybay- Kailangang maipakita ang tamang baybay ng salita sa suring pelikula upang hindi
mapulaan ang isang manunuri na hindi maayos ang pagkakasulat ng kaniyang pagsusuri.
Makailang basahin ito upang makita ang kawastuhan sa baybay.
3. Pagkakaugnay-ugnay ng mga Pangungusap- Upang maging mabisa ang pagkakabuo ng mga
pangungusap, kailangang wasto ang gamit ng mga salita sa loob ng pangungusap, gayundin ang
organisasyon ng mga ideya.

Halimbawa:
Wastong Gamit ng Gitling
Bukod sa bantas na tuldok, pananong, at padamdam na inilalagay sa hulihan ng pangungusap ay may
iba pang bantas na kailangan mong matutunan dahil sa mahalagang gamit nito.
Ito ay mahalaga mong matutunan para sa malinaw na pagpapahayag. Ginagamit ang mga ito sa
paghihiwalay ng mga pangungusap, parirala, at salita para sa nasabing layunin.
Ayon sa Ortograpiyang Pambansa, Komisyon sa Wikang Filipino, Edisyon 2014), ginagamit ang gitling
sa mga sumusunod:
1. Sa Inuulit na Salita
Halimbawa: ano-ano,ilan-ilan, iba-iba
2. Sa isahang Pantig na Tunog
Halimbawa: tik-tak, ding-dong, plip-plap
3. Sa Paghihiwalay ng Katinig at Patinig
Halimbawa: mag-aral, mag-isa, agam-agam
4. Sa Pinabigat na Pantig
Halimbawa: “gab-i”, na kasingkahulugan lamang din ng makabagong “gabi”
5. Sa Bagong Tambalan
Halimbawa: lipat-bahay, bigyang-buhay, bagong-salita
6. Iwasan ang “Bigyan”
Halimbawa: bigyang-diin, bigyang-pansin
7. Sa Pagsulat ng Oras
Halimbawa: ika-12 ng tanghali, alas-dose ng tanghali
8. Sa Kasunod ng “De”
Halimbawa: de-kolor, de-mano, de-bola
9. Sa Kasunod ng “Di”
Halimbawa: di-mahipo, di-maitulak-kabigin
10. Sa Apelyido
Halimbawa: Mary Grace Ramos-Pimentel
11. Sa Pagsaklaw ng Panahon
Halimbawa: 1882-1903 (Panahon ng Patinding Nasyonalismo)
Gawain: Paggamit ng Kahusayang Gramatika

Panuto: Mula sa mga pangyayari sa pelikulang, “100 Tula Para Kay Stella” gumamit ng kahusayang
gramatikal sa pamamagitan ng tamang baybay at bantas upang maging magkakaugnay ang mga pahayag.
Isulat muli sa hiwalay na papel ang wastong sagot.

Sa pagtatapos mahihinuha na si fidel ay mapapaibig kay sol at


ganoon din si sol sa kaniya

1. _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Sa pangyayaring iyon nag karoon na siyang inspirasyon


inspirasyon na nagdulot sa kaniya upang mag sulat ng mga tula na
may pinaglalaanan

2. _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Dahil siya ay isa palamang freshmen nag lakas loob siyang


pumunta sa event ng kanilang paaralan freshies night kung saan
niya unang nakita si stella

3. _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

You might also like