FIL8 3Q Worksheet BLG 10

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Filipino 8

Ikatlong Markahan Worksheet Blg.: 10

Pangalan:_________________________________ Pangkat: ________________


Petsa: __________________________________ Iskor: _________________

Komentaryong Panradyo

Layunin: Nahihinuha ang paksa, layon at tono ng akdang nabasa. F8PB-lll-f-31

SUBUKIN

GAWAIN 1
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.
1. Ito ay ang pagbibigay ng opinyon o pananaw ng komentarista tungkol sa isyung pinag-
uusapan.
A. komentaryo C. balita
B. dokumentaryo D. musika
2. Kasangkapang audio na ginagamit upang maipahatid o maipahayag ng mga komentarista
ang kanilang opinyon o saloobin tungkol sa mga napapanahong isyu.
A. telebisyon C. radyo
B. social media D. pahayagan

3. Isyung kinahaharap ng bansa tungkol sa pagtatrabaho ng mga batang nasa edad 17


pababa.
A. Freedom of Information C. Human Trafficking
B. Cyber Bullying D. Child Labor
4. Pariralang ginagamit upang ipahayag ang pananaw at ipahayag ang pag-iiba ng paksa.
A. Antas ng Wika
B. Ekspresyong Nagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw
C. Mga Konseptong may Kaugnayang Lohikal
D. Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag
5. Alin sa mga sumusunod ang pariralang ginagamit sa pagpapahayag ng konsepto ng
pananaw?
C. sa isang banda C. sa kabilang dako
D. sang-ayon kay D. samantala

BALIKAN

GAWAIN 2
Panuto: Jumbled Letters. Ayusin ang ginulong salita upang mabuo ang babasahing
popular na tinutukoy sa bawat aytem.

1. Makulay na babasahin na hitik sa impormasyon

S A A G M N I ____________________________
2. Uri ng paglilimbag na naglalaman ng mga balita, impormasyon at patalastas

H Y A P A G N A A _____________________________

1
Filipino 8
Ikatlong Markahan Worksheet Blg.: 10

3. Isang grapikong midyum na babasahin

S M I K O K _____________________________

4. Maituturing na maikling-maikling kuwento

I L A D G _____________________________

5. Diyaryong pangmasa

A L T B I D O _____________________________

TUKLASIN

GAWAIN 3
Panuto: Kilalanin ang mga pangalan na nasa loob ng kahon. Kaugnay nito, sagutin ang
mga kasunod na tanong sa hiwalay na papel.

Jessica Soho Mike Enriquez Korina Sanchez

1. Sa anong larangan kilala ang mga pangalang nasa loob ng kahon?


________________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, ano ang kanilang tungkulin na ginagampanan sa mga mamamayan


ng bansa?
________________________________________________________________________

SURIIN

Isa sa mahalagang midyum sa larangan ng broadcast media ay ang radyo.


Naging bahagi na ito ng buhay ng bawat Pilipino mula noon hanggang ngayon. Gaya
na lamang ng komentaryong panradyo na nagbibigay ng pagkakataon sa bawat isa
upang maipahayag ang saloobin o pananaw tungkol sa mga napapanahong isyu sa
bansa.

GAWAIN 4
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Itala ang iyong kasagutan sa
sagutang papel.

1. Ano ang tinutukoy na Freedom of Information Bill?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2
Filipino 8
Ikatlong Markahan Worksheet Blg.: 10

2. Gamit ang talahanayan sa ibaba, ilahad ang mga pahayag na nagsasaad ng positibo at
negatibong pananaw mula sa tekstong binasa.

Positibong Pananaw Negatibong Pananaw


a.
b.

3. Sa iyong palagay, nararapat bang ipasa ang Freedom of Information Bill? Bakit?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
4. Paano nakatutulong ang komentaryong panradyo na magkaroon ng kamalayan sa mga
pangyayari sa bansa?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

GRAMATIKA/WIKA

Likas na sa isang tao ang pagbibigay ng kanyang sariling pananaw o opinyon


hinggil sa mga nangyayari sa paligid. Upang epektibo itong mailahad sa mga nakikinig
o mambabasa ay maaaring gumamit ng mga konsepto ng pananaw sa
pagpapahayag. Kabilang dito ang ayon, batay, sang-ayon sa/ kay, ganoon din, sa
paniniwala, sa pananaw, akala ni, sa tingin ko, sa palagay ko, iniisip ko, sa
ganang akin at iba pa.

Gawain 5
Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) ang pangungusap na nagpapahayag ng konsepto ng pananaw
at ekis ( X ) kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

_____ 1. Ayon sa komentaristang si Macky, maaaring maging banta ang Freedom of


Information Bill (FOI) sa mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya na pamahalaan kung
ito ay maipapasa.
_____ 2. Pagmamahal sa bayan ang ating kailangan upang tayo ay magkaroon ng
pagbabago at pag-unlad.
_____ 3. Ang tunay na buhay ay isang laban kung kaya dapat matibay ang iyong loob na
harapin ito.
_____ 4. Sa ganang akin, magiging matagumpay ang tinatawag na “New Normal in
Education” kung buo ang suporta ng mga magulang sa pag-aaral ng kanilang anak.
_____ 5. Sang-ayon ako na huwag munang magkaroon ng face-to-face classes upang
masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa banta ng COVID-19.

3
Filipino 8
Ikatlong Markahan Worksheet Blg.: 10

TAYAHIN

Gawain 6
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Isulat sa iyong sagutang papel ang
letra ng tamang kasagutan.

1. Ang komentaryong panradyo ay mahalagang midyum sa larangan ng;


A. broadcast media C. social media
B. print media D. documentary

2. Ayon sa Seksyon 6 ng panukalang batas, binibigyan ng kalayaan ang publiko na makita


at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
A. Freedom of Information Bill C. Freedom of Tax Source
B. Freedom of Expression D. Freedom of Speech

3. Ang pahayag na nagsasaad ng positibong pananaw ay;


A. Partner, mainit na mainit na isyu ngayon ‘yang Freedom of Information Bill na
hindi maipasa-pasa sa Senado.
B. Sang-ayon sa Seksyon 6 ng panakulang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan
ang publiko na makita at masuri ang mga opsiyal na transaksiyon ng gobyerno.
C. Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat
sila sa pagdedesisyon nat matatakot ang mga corrupt na opisyal.
D. Naku! Delikado naman pala ‘yan!

4. “____________ pamahalaan, handa raw ang mga ahensya ng pamahalaan na may


direktang kinalaman sa paghahanda tuwing may malakas na bagyong dumarating tulad ng
DSWD at NDDRMC.” Anong parirala ang kukumpleto sa pahayag?
A. Sa isang banda C. Ayon sa
B. Samantala D. Sa pananaw
5. ____________ sa DOH ay hindi maganda sa kalusugan ng tao kung makalalanghap ng
dolomite dust sapagkat maaari itong magdulot ng iba’t ibang sakit. Ang konsepto ng
pananaw na naaayon sa pangungusap ay;
A. Pinaniniwalaan C. Batay
B. Inaakala D. Samantala

________________________ _______________________
Pangalan at Lagda ng Magulang Lagda ng Guro

Petsa:___________________ Petsa:__________________

Inihanda ni:
Hazel N. Dela Cruz

You might also like