Tekstong Pampolitika "Ang Sangay NG Gobyerno at Kanilang Kapangyarihang Pampolitika"

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BINMALEY CATHOLIC SCHOOL, INC.

School ID: 400146


Binmaley, Pangasinan

Kagawaran ng Senior High School

Tekstong Pampolitika
“Ang Sangay ng Gobyerno at Kanilang
Kapangyarihang Pampolitika”

Bilang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa
Pananaliksik

Ipinasa ni:
(Jella Mae C. Mendiola)
(Grade 11 – HUMSS Piety)

Ipinasa kay:
Jorley Kae B. Reotutar

Petsa: ika-19 ng Marso 2023


Gobyerno at politika, dalawang aspekto na nagsisilbing daan upang makamit ng isang bansa ang
kaayusan at kaginhawaan na inaasam. Gobyerno ang namumuno sa bansa samantalang ang politika ay
tumutukoy sa kapangyarihang taglay ng nasa gobyerno at kung paano nila ito binibigyang tibay at halaga para
sa benepisyo ng karamihan at ng lipunan. Upang maging balanse ang kapangyarihan na umiikot sa gobyerno at
maiwasan ang pagiging sakim ng mga pinuno sa kapangyarihang maari nilang taglayin, ito ay hinahati hati. Ang
gobyerno ay binubuo ng executive, legislative at judiciary at ang bawat isa sakanila ay may responsibilidad at
tungkulin na kailangang gampanan dahil sa taglay nilang kapangyarihan.

Ang executive ay kinikilala rin bilang ang pangulo ng bansa, siya ang sentro ng kapangyarihan, pinuno
ng gobyerno at estado, at ang may kakayahan upang ipatupad at pangasiwaan ang mga batas. May iba't-iba pang
kapangyarihan ang naiatas sa pangulo gaya na lamang ng kapangyarihang militar kung saan ang pangulo ang
tinaguriang commander-in-chief ng sandatahang lakas, kaya niyang isapatupad ang martial law kung
kinakailangan at bibigyan siya ng 48 hours para magpasa ng dokumento sa kongreso kung bakit niya ito
ipinroklama. May kapangyarihan din ang Pangulo upang magbigay ng tawad at amnestiya sa nagkasala kung
saan ang nagkasala ay makakalaya sa parusang inihataw sakaniya. Ang legislative naman ang gumagawa ng
batas, ito ay nahahati sa dalawang kongreso ang senado o upper house at kapulungan ng kinatawanan tinatawag
ding house of representatives o lower house. Ang senado ay binubuo ng 24 na senador samantalang hindi tataas
sa 250 miyembro ang house of representatives. Sa sangay na ito isinasagawa ang batas, kung saan dumadaan
muna sa iba't-ibang proseso ang iminungkahing batas o bill bago ito aprobahan ng pangulo at tuluyan nang
maging batas. Kinakailangan muna aprobahan ng pangulo ang bill na isinagawa ng kongreso. Ang huli naman
ay ang judiciary, ang pinaka malawak na sangay sa gobyerno. Sa sangay na ito binibigyan interpretasyon at
inilalapat ang batas, at hinahawakan din ang mga kasunduan tungkol sa karapatan. Nararapat siguraduhin ng
sangay na ito na ang karapatan at hustisya ay pantay na naibibigay. Ang kapangyarihan ng judiciary ay nasa
supreme court o kataas-taasang hukuman ng Pilipinas at lower courts o mabababang hukuman. Ang bawat
hukom ay may kaniya kaniyang responsibilidad at iba-iba rin ang mga katangiang kailangang taglayin ng mga
nakaupo rito.

Kung mapapansin sa ating bansa, talamak o sikat parin ang isyu tungkol sa korupsyon at ito ay maling
gawain. Kaya naman kinakailangan talaga ang paghihiwalay ng kapangyarihan upang maiwasan ang
konsentrasyon at malimitahan ang kakayahan sa kapangyarihan ng bawat sangay ng gobyerno. Hindi porket sila
ay may taglay na kapangyarihan at kakayahang pamunuan ang lipunan ay nasa kanila na ang tunay na
kapangyarihan. Dapat nilang tandaan na ang tunay na kapangyarihan ay nasa mamamayang kanilang
pinaglilingkuran, hindi sila mapupunta sa kani-kanilang posisyon kung wala ang mamamayan, nariyan sila
upang pagsilbihan, paglingkuran ang mga ito at siguraduhin ang ikakaayos ng bansang kanilang kinabibilangan.

You might also like