LIHAM

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Jaicelle R.

Flora
Marso 17, 2023
Brgy. Bunu-
Anan
 

LE Restaurant
Rizal Street Zone 6 Bangued, Abra

Kagalang-galang na Gng. Tamo:

Nabasa ko po sa isang diyaryo nanangangailangan kayo ng isang Cook sa
inyong restaurant. Naniniwala po akong taglay ko ang mga katangiang
hinahanap ninyo para sa trabahong ito, kaya gusto ko po sanang mag-aplay.

Ako po’y isang dalaga, labing siyam na taong gulang na kasalukuyang nag
aaral ng kolehiyo sa Samar College at ako po ay isang NCII passer sa larangan
ng FBS at Cookery. Ako po ay mabait,magalang, matiyaga, masipag at lalong-
lao na sa lahat magaling po akong mag luto, kaya po naniniwala akong mas
uunlad ang inyong restaurant. Maabilidad at matalinorin po ako at kaya ko pong
gawin lahat para lamang sa ikabubuti ng mga tao. Handa po akong magtungo sa
inyong tanggapan para sa isang panayam, sa oras at sa petsang nanaisin ninyo.
Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,
Jaicelle R. Flora
Ika- Marso 17, 2023
 

Jose Angel Navales Dacaynos


Punong Barangay
Brgy. Bunu-Anan Catbalogan City

Ginoo:
Magandang araw po! Kami po ay mga mag-aaral na nasa unang taon sa
kursong Criminology mula sa Samar College, Catbalogan City. Kasalukuyan po
kaming gumagawa ng isang pananaliksik tungkol sakulturang mayroon sa brgy.
Bunu-anan dito sa Lungsod ng Catbalogan. Kung mararapatin po ninyo nais po
naming malaman ang kasaysayan ng Barangay Bunu-anan, at lalo na ang
pupolasyong mayroon dito. Humihingi rin po kami ng pahintulot na makapagsagawa
ng obserbasyon sa nasabing lugar upang aming makalap ang mga datos na may
kaugnayan sa kulturang mayroon sa inyong barangay na makakatulong sa
ikatatagumpay ng aming pag-aaral. Inaasahan po namin ang inyong positibongpagsang-
ayon sa aming kahilingan. Maraming salamat po!

Lubos na gumagalang
JAICELLE R. FLORA
ang Mananaliksik
 

Abril 23, 2021

JAICELLE R. FLORA
CEO, Office Department
MDGCompany
#74 Bldg.Brgy. Maligaya, 
Metro Manila

Sa Kinauukulan,

Magandang araw po! Ako po si Jaicelle R. Flora, Assistant Manager sa Office


Department, sumulat po ako upang ipahayag ang aking pormal na pagbibitiw
bilang Asst. Manager simula sa Abril 23, 2021 upang mabigyang daan ang
aking pangarap na mangibang-bansa. Nais ko rin pong ipabatid sa inyo ang
aking kagalakan sapagkat sa loob ng limang na taon, marami po akong
natutunan hindi lamang po sa gawain sa trabaho, gayundin po sa aking sarili.

Sa muli, maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

Jaicelle R. Flora
San Pascual Batangas

Nobyembre 5, 2022

Mahal kong Leamar,

Marami na ngayon ang pinagbago dito sa Batangas. Madami na ang mga gusali
at maayos na ang mga daan. Marami na ang mga resort at mapagkakalibangan.
Sana ay makabakasyon kayo dito sa ating lugar. Ika’y kaisa-isang kabigan ko na
aking hinihintay at makasama muli.

Nagmamahal,

Jaicelle Flora
Marso 10, 2020

Gng. Rowena G. Occasion

Punong Guro

San Jorge School

Tanza, Cavite

Mahal naming Punong Guro:

Magandang araw!Ako po ay si Jhekanise De Guia na dumudulog sa inyong


tanggapan at naghahain ng isang panukalang proyekto para mapaunlad at
mapaganda ang paaralang San jorge. Ang proyektong ito ay naglalayon na
makatulong hindi lamang sa paaralan kung hindi pati narin sakalikasan. Ang
proyektong ay may layunin na magkaroon ng inspirasyon ang mga estudyante
sakanilang araw-araw na pagpasok dito sa San jorge School.

Lubos na gumagalang,

Jhekanise De Guia
Marso 1, 2013
Christine Avila
Catbalogan City, Philippines

Gng. Avila

Ako po ay isang mag aaral ng Samar College sa kursong Criminology. Ako po


ay sumulat upang mag-aply ng anumang bakanteng posisyon sa IT Department
ng inyong kumpanya. Nais ko po kasing makatulong sa aking mga magulang
upang tustusan ang aking pag-aaral.
Sinisigurado ko pong gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang maging
produktibo at makatulong ng lubusan sa inyong kumpanya.

Lubos na gumagalang,

Jhekanise De Guia
January 29, 2023

Christine Avila
CEO, Office Department
CDO Company
#74 Bldg. Brgy. ligaya, 
Taguig Manila

Sa Kinauukulan,

Magandang araw po! Ako po si Jhekanise De Guia , Manager sa Office


Department, sumulat po ako upang ipahayag ang aking pormal na pagbibitiw
bilang. Manager simula sa feb 2, 2023 upang mabigyang daan ang aking
pangarap na mangibang-bansa. Nais ko rin pong ipabatid sa inyo ang aking
kagalakan sapagkat sa loob ng limang na taon, marami po akong natutunan
hindi lamang po sa gawain sa trabaho, gayundin po sa aking sarili.

Sa muli, maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

Jhekanise De Guia
Mayo 29, 2022

Crisostomo D. Buenavida
Ang Tagatala
Bernardo College
Pulanlupa, Las Pinas City

Ginoong Buenavida:

Magandang araw!

Sinusulat ko po ang liham ng kahilingang ito upang magalang na humiling


patungkol sa tuition rate ng paaralang ito sa kursong Accountancy at kung ano
ang mga patnubay upang makapasok sa institusyong ito. Pangarap ko pong
makapasok sa paaralang ito simula pa noong ako’y bata kung kaya’t lubos po
akong umaasa sa inyong malugod na pagsagot.

Maraming salamat po sa pagbabasa ng liham na ito. Tatanggapin kong isang


malaking utang na loob ang inyong maibibigay na paliwanag.

Gumagalang,

Rogie Marie Ken Dacut


Rogie Marie ken Dacut
Resignation

Minamahal na head Department,

Mangyaring ituring ang komunikasyong ito bilang opisyal na abiso ng aking


pagbibitiw mula sa post ng manager. Ang huling araw ko sa trabaho ay sa ika-
31 ng Disyembre.

Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga pagbabagong ibinigay sa akin habang


nagtatrabaho sa AC Company. Ang pagtatrabaho sa iyong koponan ay
nagbigay-daan sa akin na mahasa ang aking mga propesyonal na kakayahan.
Ikinalulugod kong suportahan ka sa panahong ito ng paglipat.

Hangad ko sa iyo at sa iyong kumpanya ang bawat tagumpay sa hinaharap.


Mangyaring makipag-ugnayan sa akin sa 09095514391 kung mayroon kang
anumang mga katanungan.

Lubos na bumabati,

Rogie Marie Ken Dacut


Hunyo 1, 2023

Bb. Stephanie Delos Reyes


Human Resources Manager
123 Restaurant Inc.
ABC, Gil Street, Makati City

Magandang araw, Bb. Stephanie Delos Reyes,

Nasabik ako nang makita ko sa isang website na naghahanap kayo ng chef para
sa inyong kumpanya. Nais kong ipaalam sa inyo na interesado ako na mag
apply para sa posisyon ng chef ng Kare Restaurant Inc. Matagal na akong
kumakain sa Kare Restaurant Inc. at nais kong makatulong sa tagumpay ng
ABC Restaurant Inc.

Ako ay may limang taong karanasan bilang isang chef sa Luna Hotel. Luna
Hotel, natuto ako kung paano humawak ng tao, kung paano magluto kahit na
gahol sa oras, at kung paano pasabikin ang mga customers sa pamamagitan ng
masasarap na putahe.

Nakalakip dito ang aking resume para mas malaman pa ninyo ang aking
karanasan sa Luna Hotel Inc. Maaari ninyo akong ma-contact nang kahit na
anong oras sa pamamagitan ng aking email ([email protected]) at cellphone
number (+639201234567).

Maraming salamat.

Lubos na gumagalang,

Rogie Marie ken Dacut

You might also like