Introduksyon Sa Pananaliksik Modyul 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

CLARENDON COLLEGE

Odiong, Roxas, Oriental Mindoro


Batsilyer ng Edukasyong PangSekondarya Medyor sa Filipino III
Taong Panuruan: 2021-2022
Unang Semestre

INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK (Fil 112)


A- Lunes at Myerkules 5:30-7:00 N.G
B- Sabado 1:00-4:00 N.H

ANG PANANALIKSIK AT MGA BAHAGI NITO


Anna Liza Faner Atienza

Ang pananaliksik ay ang proseso ng paghanap ng mga totoong impormasyon


na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng
kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang
kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay (o ng hindi-pagpapatotoo) ng mga
panukala (teorya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam
na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon.

Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos,


at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot ng prosesong ito ang
isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o
nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig
mapag-alaman pa ng mga mamamayan.

Bukod sa pagbibigay tugon sa mga katanungan, isa pang layunin ng


pananaliksik ang makahanap ng solusyon sa isang problema o suliranin.
Karaniwang naghahanap ang isang mananaliksik ng mga kaalaman mula sa mga
aklatan upang malaman kung ano ang mga napag-alaman hinggil sa isang bagay,
kabilang ang mga maaaring nakalimutan nang kaalaman.

Maaaring naghahanap-buhay ang isang tagapagsaliksik o tagasaliksik[2] sa


isang klinika, laboratoryo, o kaya isang planetaryo. May mga mananaliksik na
naghuhukay ng lupa para mapag-aralan ang mga guho ng mga sinaunang mga
kabihasnan o magsagawa ng mga pag-aaral hinggil sa mga hubog ng mga bato.
Maaari rin siyang maglakbay sa kalawakan para pag-aralan ang sanlibutan.

Mga Bahagi ng Pananaliksik

a. Mga Pahinang Preliminari o Front Matters Fly Leaf I ang pinakaunang


pahina ng pananaliksik na papel. Walang nakasulat sa pahinang ito. Sa
madaling sabi, blangko ito.

b. Pamagating Pahina ang tawag sa pahinang nagpapakilala sa pamagat ng


pananaliksik. Nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipinasa ang papel,
kung saang asignatura o kurso ito kailangan, kung sino ang gumawa at
panahon ng komplesyon. Kung titingnan sa malayuan kailangang
magmukhang inverted pyramid ang pagkakaayos ng mga impormasyon sa
pahinang ito Pamagating Pahina Kung titingnan sa malayuan kailangang
magmukhang inverted pyramid ang pagkakaayos ng mga impormasyon sa
pahinang ito

c. Dahon ng Pagpapatibay Ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa


pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong
papel.

d. Sa pahina ng Pasasalamat o Pagkilala tinutukoy ng mananaliksik ang mga


indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyong maaaring nakatulong sa
pagsulat ng pananaliksik at sa gayo’y nararapat na pasalamatan at kilalanin.

e. Sa Talaan ng Nilalaman nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at


nilalaman ng pananaliksik at nakatala nang kaukulang bilang ng pahina kung
saan matatagpuan ang bawat isa.

f. Sa Talaan ng mga Talahanayan at Grap nakatala ang pamagat ng bawat


talahanayan at/o grap na nasa loob ng pananaliksik at ang bilang ng pahina
kung saan matatagpuan ang bawat isa. Ang Fly Leaf 2 ay isang blangkong
pahina bago bago ang katawan ng pananaliksik.

Hindi nilalagyan ng pahina o pagination ang mga pahinang preliminary. May mga
pananaliksik din na kakikitaan ng Pag-aalay o Dedication na isang opsyonal na
pahina.

Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito

a. Ang Panimula o Introduksyon ay isang maikling talataang kinapapalooban


ng pangkatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.
b. Sa Layunin ng Pag-aaral, inilalahad ang pangkatang layunin o dahilan kung
bakit isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang mga ispesipik o
tiyak na suliranin sa anyong patanong.
c. Sa Kahalagahan ng Pag-aaral inilalahad ang signipikans o kahalagahan ng
pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Tinutukoy rito ang
maaaring maging kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa iba’t ibang
indibidwal, pangkat, tanggapan, institusyon, propesyon, disiplina o larangan.
d. Sa Saklaw at Limitasyon tinutukoy ang simula at hangganan ng
pananaliksik. Dito itinatakda ang parameter ng pananaliksik dahil tinutukoy
rito kung anu-ano ang baryabol na sakop at hindi sakop ng pag-aaral.
e. Depinisyon at Terminolohiya -ang mga katawagang makailang ginamit sa
pananaliksik at ang bawat isa’y binibigyan ng kahulugan. Ang
pagpapakahulugan ay maaaring konseptwal (ibinibigay ang istandard na
sepinisyon ng mga katawagan) o operasyunal (kung paano ginamit sa
pananaliksik).
f. May mga pananaliksik na kakikitaan ng Conceptual o Theoretical
Framework, Hypotheses at Assumptions sa Kabanata I.

Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Sa kabanatang ito, tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o


literaturang kaugnay ng paksa ng pananaliksik. Kailangan ding matukoy ng
mananaliksik kung sinu-sino ang mga may-akda ng naunang pag-aaral o literature,
disenyo ng pananaliksik na ginamit, mga layunin at mga resulta ng pag-aaral.
Mahalaga ang kabanatang ito dahil ipinapaalam ditto ng mananaliksik ang
kasalukuyang estado ng kaalaman kaugnay ng kanyang paksa.

Hangga’t maaari, ang mga pag-aaral at literaturang tutukuyin at tatalakayin


ditto ay iyong mga bago o nalimbag sa loob ng huling sampung taon. Pilitin ding
gumamit ng mga pag-aaral at literaturang local at dayuhan. Hangga’t maari rin,
tiyaking ang mga material na gagamitin ay nagtataglay ng mga sumusunod na
katangian: obhektbo o walang pagkiling; nauugnay o relevant sa pag-aaral; at sapat
ang dami o hindi napakaunti o napakarami.

Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Sa Disenyo ng Pananaliksik nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang


kasalukuyang pag-aaral.Sa bahaging ito, tinutukoy ang mga Respondente ng
sarbey, kung ilan sila at paano at bakit sila napili.

Sa Instrumento ng Pananaliksik inilalarawan ang paraang ginamit ng


pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at impormasyon. Iniisa-isa rito ang mga
hakbang na kanyang ginagawa at kung maaari, kung paano at bakit niya ginawa
ang bawat hakbang. Sa bahaging ito maaaring mabanggit ang interbyu o
pakikipanayam, pagko-conduct ng sarbey at pagpapasagot ng sarbey-kwestyoneyr
sa mga respondent bilang pinakakaraniwan at pinakamadaling paraang maaari sa
isang deskriptiv-analitik na disenyo.

Sa Tritment ng Datos inilalarawan kung anong istadistikal na paraan ang


ginamit upang ang mga numerical na datos ay mailarawan.
Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa


pamamagitan ng tektwal at tabular grapik na presentasyon. Sa teksto, inilalahad ng
mananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri.

Kabanata V: Lagom. Kongklusyon at Rekomendasyon

Lagom binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik


na komprehensibong tinalakay sa Kabanata IV.

Ang Kongklusyon ay mga inferences, abstraksyon, implikasyon,


interpretasyon, pangkatang pahhayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at
impormasyong nakalap ng mananaliksik.

Ang Rekomendasyon ay mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning


natukoy o natuklasan sa pananaliksik.

Mga Panghuling Pahina ,Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kompletong


tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng
panannaliksik.

Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahong-Dagdag. Maaaring ilagay o


ipaloob dito ang mga liham, pormularyo ng ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu,
sampol ng sarbey-kwestyoneyr, bio-data ng mananaliksik, mga larawan, kliping at
kung anu-ano pa.

Handa ka na bang magsagawa ng iyong pananaliksik?

Mga Gawain:

1. Magsaliksik ng mga halimbawa ng isang pananaliksik na maari mong


maging gabay sa pagbuo mo ng iyong gagawing pananaliksik.
2. Mag isip ng mga paksang nais gawan ng isang pananaliksik.
3. Bumuo ng 3 titulo ng nais mong gawan ng pananaliksik, isulat ito sa isang
buong papel (yellow paper). Siguraduhing ito ay may pangalan at malinaw
ang pagkakasulat.Magpokus sa mga Suliraning may kaugnayan sa kurso.
4. Isumite ito sa araw ng inyong eskedyul (Mula Sept 20-24, 2021).
5. Maghintay na ito ay matsek ng guro para makapagsimula sa pagbuo ng
iyong pananaliksik.
6. Buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre ang panahon sa pagbuo ng
pananaliksik.
7. Buwan ng Disyembre naman ang pagsasagawa ng Oral Defense.

GoodLuck & GodBless!

You might also like