Untitled

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 20

ARALING PANLIPUNAN

Ikatlong Markahan - Modyul 3:

Ang Tugon ng Pamahalaan at Mamamayan

sa mga Isyu ng Karahasan

at Diskriminasyon

Suriin

Palalimin pa

natin ang iyong pagkaunawa sa mga kontemporaryong isyung

may kinalaman sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon.

Kahit na ipinagbabawal ng internasyonal na batas, ang mga krimen

sa giyera ay pangkaraniwan. Ang kababaihan at mga batang babae ay

karaniwang ginagahasa ng mga sundalo o pinipilit sa prostitusyon.

Masasabing bigo ang internasyonal na pamayanan na lutasin ang problema

sa karahasang seksuwal sa panahon ng armadong labanan.

Ang isyu ng comfort women ay isang halimbawa ng seksuwal na karahasan

laban sa kababaihan sa panahon ng digmaan. Maging sa panahong walang

digmaan, ang mga sexual assault ay tila karaniwan gaya ng sexual mutilation,

sexual humiliation, at forced pregnancy. Ang women trafficking (pangangalakal

sa kababaihan) ay isang uri ng seksuwal na pagkaalipin kung saan ang mga

babae ay dinadala sa ibang lugar at ipinagbibili para sa prostitusyon.


Ginagamit din ang karahasang seksuwal para patahimikin ang

kababaihang aktibo sa politika, o upang magdulot ng takot sa komunidad.

Subalit, ano nga ba ang karahasang seksuwal? Ano ang kaugnayan nito

sa diskriminasyon sa kasarian?

Paksa 1: Mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon

Tumutukoy ang diskriminasyon sa hindi pantay o hindi makatuwirang

pakikitungo o pagtrato sa isang tao o grupo ng mga tao. May mga tao na

nakararanas ng diskriminasyon dahil halimbawa sa kanilang kaanyuan,

kulay, lahi, etnisidad, paniniwala, pananampalataya, kasarian, gender, at

seksuwalidad.

Ang isa sa mga halimbawa ng diskriminasyon na sinasabing malaganap

ay ang diskriminasyon sa kasarian o gender discrimination. Tinatawag din

na diskriminasyong seksuwal (sexual discrimination), ito ay tumutukoy sa

anumang gawi na nagkakait ng mga oportunidad, pribilehiyo, o gantimpala

sa isang tao o grupo ng mga tao dahil sa kanilang gender o kasarian.

Sinasabing may malalim na diskriminasyon sa kababaihan na laganap sa

maraming bansa at humahantong sa iba't ibang anyo ng panlipunang pang-

aapi. Kabilang dito ang paghihigpit sa pananamit at malupit na parusa para

sa seksuwal na paglabag. Ang kababaihan sa ilang mga rehiyon, gaya sa

Africa, ay nagdurusa sa kahirapan dahil na rin sa pinagkakaitan sila ng mga


oportunidad sa edukasyon, trabaho, at politika.

Tangi sa sexual discrimination, masasabi ring laganap ang sexual violence

o karahasang seksuwal. Ang sexual violence at sexual discrimination ay

sinasabing kapuwa nag-uugat sa mababang pagtingin sa kasarian ng biktima,

pangkaraniwan ay ang mga babae at LGBTQ+..

Ang karahasang seksuwal ay may iba't ibang anyo gaya ng seksuwal na

panliligalig (sexual harassment), pang-aabusong seksuwal (sexual abuse)

o seksuwal na pag-atake (sexual assault), at panggagahasa (rape).

Ano nga ba ang kahulugan ng sexual harassment? Ano rin ang tinatawag

na sexual abuse?

Ang sexual harassment (seksuwal na panliligalig), ayon sa website ng

United Nations Office on Drugs and Crime, "is a legal term that refers to

unsolicited verbal or physical behaviour of a sexual nature" ("Forms of Gender

Discrimination," n.d.). Ito, kung gayon, ay anumang berbal o pisikal na gawi

na nasa uring seksuwal na hindi naman hinihingi ng isang tao. Kabilang

dito ang tinatawag na "unwelcome sexual advances" at "requests for sexual

favors." Kaugnay ito ng tinatawag natin sa Filipino na mga "pambabastos."

Ang kababaihan at babae ay maaaring mabiktima ng seksuwal na

panliligalig sa mga lugar gaya ng tahanan, lugar ng trabaho, sa paaralan,


at sa pamayanan. Ang ilang mga halimbawa ng sexual harassment ay ang

hindi kanais-nais na paghipo (touching), mga komento na may seksuwal na

pagpapahiwatig, bastos na mga komento tungkol sa gender identity o gender

expression ng isang tao, at mga pagtatanong na nanghihimasok sa personal

o pribadong buhay ukol sa kasaysayang seksuwal o oryentasyon ng isang

indibidwal.

Ang mga batang lalaki ay maaari ding mabiktima ng seksuwal na

panliligalig. Sa ganitong kaso, mga lalaki rin ang sinasabing kadalasang

nanliligalig o harasser. Ito ay naglalarawan na ang karahasang seksuwal ay

pangkaraniwang ekspresyon ng pangingibabaw ng mga tao sa itinuturing

nilang mas mahihina sa kanila.

Ang isang halimbawa ng public sexual harassment na umiiral sa maraming

mga kultura sa buong mundo ay ang "catcalling." Ipinagtatanggol ng ilan ang

pag-uugaling ito, na sinasabing ito ay bahagi ng kultura at hindi naglalayong

makapanakit ng damdamin o maging sanhi ng anumang ligalig o pagkabalisa

kaninuman. Halimbawa, sa France, isang batas ang pinanukala upang gawing

krimen ang "catcalling" at magpapataw ng multa laban sa mga lalaking

sumutsot sa kababaihan. Ngunit may mga kumontra sa panukalang batas,

na nagsasabi na ang "catcalling" ay isang kulturang Pranses lamang.

Ang seksuwal na panliligalig ay nagaganap sa kalye, lugar ng trabaho, o

iba pang lugar, at ito ay nangyayari din sa "virtual world." Ang kababaihan ay
naha-harass sa social media at ang Internet ay tila nagbigay ng isang malaking

entablado para sa pang-aabuso at harassment lalo na sa kababaihan. Sa

kabila ng lahat ng mga pakinabang na dala ng social media, ang "anonymity"

naman na dulot nito ay lumilikha ng maraming pagkakataon para sa mga

harasser at mapang-abuso.

Ang pang-aabusong seksuwal (sexual abuse) ay isa pang kumakalat na

isyung kinahaharap ng kababaihan sa buong mundo. Ito ay ang anumang uri

ng seksuwal na gawaing ginagawa nang labag sa kalooban ng biktima, kasama

na ang panghihipo, panggagahasa o tangkang panggagahasa (attempted

rape), penetrasyon sa maseselang bahagi ng katawan, pangmomolestiya sa

bata, paninilip o pamboboso (voyeurism), exhibitionism, pagkuha ng litrato o

video sa mga seksuwal na sitwasyon, at iba pang kauri nito. Mapapansin na

ang sexual harassment at sexual abuse ay totoong magkaugnay.

Ang mga karahasan at diskriminasyon na isinasagawa sa kababaihan

dahil sa kanilang kasarian ay sinasabing laganap sa mga campus ng

pamantasan. Natuklasan ng mga pag-aaral sa United States na isa sa limang

kababaihan sa mga unibersidad sa US ang nakaranas ng seksuwal na pag-

atake at ito ay natuklasang nagaganap din sa iba pang mga bansa sa Kanluran

("Forms of Gender Discrimination," n.d.).

Ang isyu ng seksuwal na pang-aabuso at panliligalig sa lugar ng trabaho ay

lalong nalantad sa publiko at nakakuha ng bagong antas ng kamalayan nang

sumuporta ang mga babaeng kilala sa lipunan sa "#metoo campaign," na

sinimulan ng black activist na si Tarana Burke noon pang 2007. Sa nasabing


kampanya, inilantad niya sa publiko ang hindi naaangkop na pag-uugali ng

mga lalaking kasamahan niya sa Hollywood at mga kilalang personalidad sa

media, gamit ang mga katagang "Time's Up."

Paksa 2: Domestic Violence, Panggagahasa, at Prostitusyon

Ang pang-aabuso ay ang pagtrato sa sinuman nang may karahasan o

kalupitan, lalo na kung regular o paulit-ulit. Nakapaloob sa konsepto ng

pang-aabuso ang mga isyu ng domestic violence at panggagahasa (rape).

Ang domestic violence (karahasan sa tahanan) ay tumutukoy sa marahas

o agresibong gawi sa loob ng tahanan. Ang halimbawa nito ay ang paulit-

ulit na pang-aabuso sa isang kasalukuyan o dating asawa, kinakasama, o

anak. Anumang anyo ng pisikal o seksuwal na pang-aabuso at emosyonal

na pagmamanipula o pangongontrol ay maaaring ituring na karahasan sa

tahanan.

Ang rape o panggagahasa naman ay isang uri ng seksuwal na panghahalay

o pag-atake (sexual assault) na karaniwang nasa anyo ng pagtatalik (sexual

intercourse) o iba pang uri ng penetrasyong seksuwal nang walang pahintulot.

Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pisikal na lakas, pamimilit, pang-

aabuso sa kapangyarihan, o pananakot (gaya ng blackmailing). May mga

nabibiktima rin ng rape na mga taong hindi makapagbigay ng pahintulot,

katulad ng isang taong walang malay, baldado, o wala sa tamang edad.


Ang panggagahasa o seksuwal na panghahalay, ayon sa Batas sa Pilipinas,

ay itinuturing na isang kriminal na pagkakasala. Sa lipunan ng mga Pilipino,

ito ay isang kasuklam-suklam na krimeng maparurusahan ng pagkabilanggo

habambuhay. Sa pagsisimula ng pamamahala ni Presidente Rodrigo Duterte,

ipinapanukalang gawing bitay ang parusa sa ilang uri ng krimen gaya

ng panggagahasa.

Kung minsan, ang pang-aabuso o panghahalay ay ginagawa ng estranghero.

Subalit ito ay maaari ding gawin ng taong kakilala, kapamilya, o karelasyon.

May isang uri ng di-legal na hanapbuhay sa bansa kung saan malapit o

prone sa sexual abuse ang mga sangkot ang prostitusyon. Ito ay isa sa mga

kontemporaryong isyu na hindi nareresolba sa matagal nang panahon.

Ang prostitusyon ay tumutukoy sa mga gawaing seksuwal na may kapalit

na kabayarang salapi o iba pang materyal na bagay na may halaga gaya ng

alahas at ari-arian, o kaya naman ay kapalit ng ibang pabor. Karaniwang

ilegal sa maraming bansa, ito ay inilalarawan din bilang commercial sex o

pagbebenta ng katawan o pagbibigay ng panandaliang ligaya sa kahit na

anong paraan para lamang kumita ng pera. Madalas na mga babae ang

sangkot sa prostitusyon at may mga menor de-edad na nagiging biktima.

Maraming uri ng prostitusyon ang nagaganap sa bansa kaya nahihirapan

ang kapulisan sa pagsugpo rito. May mga gumagawa ng pornograpiya, isang


terminong hango sa salitang Griyego na pornea (prostistusyon) at grapho

(ilustrasyon). Ito ay tumutukoy sa malalaswang palabas, babasahin, at

larawan.

Mayroon ding mga bugaw-taong tagapamagitan o tagaalok ng kanilang

mga alagang prostitute sa mga taong nangangailangan ng panandaliang ligaya

kapalit ng halaga. Marami nito sa mga siyudad gaya sa Metro Manila.

Nagagamit din ang makabagong teknolohiya sa prostitusyon. May mga

bugaw na gumagamit ng Internet para doon isagawa ang transaksiyon.

Pagkatapos ay idedeliber ang inorder na babae o lalaki sa taong umorder

na para lang nag-order ng pagkain sa fastfood dahil sa bilis at dali ng

transaksiyon.

Mayroon din namang mga website na puno ng mga sex video o live show

at kailangang magbayad ng membership fee ang sinumang nagnanais na

mapanood ang mga ito. Mayroon ding tinatawag na cybersex kung saan

birtuwal na nakikipagtalik ang isang prostitute sa pamamagitan ng Internet

at webcam kapalit ng halaga.

Ang prostitusyon ay isang uri ng human trafficking. Hindi ito legal sa

Pilipinas sapagkat tutol dito ang maraming sektor ng lipunan lalo na ang mga

relihiyon. Ganunpaman, masasabing ito ay laganap sa bansa at itinuturing

na isa sa malalaking problema ng lipunan. Kalimitan, ang prostitusyon ay

may kaugnayan sa mga beerhouse, cyberden, at mga massage parlor.


Paksa 3: Mga Paraan upang Malutas ang Suliranin sa Prostitusyon at

Pang-aabuso

Ang prostitusyon at pang-aabuso ay kabilang sa mabibigat na suliraning

kinahaharap ng lipunan. Narito ang ilang mungkahing solusyon:

1. Higpitan ang paglalapat ng parusa sa mga sangkot sa prostitusyon at

2. pang-aabuso.

a) Mga taong tumatangkilik sa prostitusyon o mga nang-aabuso

Walang prostitusyon kung walang mga taong tumatangkilik

sa komersiyong ito. Sila ang nagsisilbing market o merkado ng

prostitusyon. Ang mga nang-aabusong seksuwal naman ay marapat

lapatan ng mabagsik na parusa.

b) Mga bugaw at mga nagmamay-ari ng mga establisimiyentong

nagbibigay-daan sa prostitusyon

Marapat na pagtuonan ng pansin ang mga nagbubugaw sa

kababaihan, lalo na sa kabataan o menor de-edad, at ang mga

nagmamay-ari ng mga lugar na kuta ng prostitusyon. Sila ay

dapat papanagutin sa lumalaganap na prostitusyon at bigyan ng

karampatang parusa.
c) Mga opisyal ng gobyerno na backer o tagapagtaguyod ng mga

sangkot sa prostitusyon

Dapat ding papanagutin ang mga opisyal ng gobyerno, kung

mayroon man, na kasabwat ng mga bugaw at ng mga may-ari ng

mga bar, club, at motel na sangkot sa prostitusyon o nagiging daan

upang maisagawa ang mga seksuwal na pang-aabuso.

Kung paanong agresibo ang administrasyong Duterte sa mga

opisyal ng gobyerno na sangkot sa bentahan ng droga, ganoon din

marapat na maging masigasig ito sa pagpapanagot sa mga inihalal

o hinirang na opisyal ng gobyerno na sangkot sa prostitusyon at

mga kauri nito.

d) Mga prostitute

Walang prostitusyon kung walang mga prostitute. Marapat

na sila ay lapatan din ng parusa ayon sa itinatadhana ng batas.

Ganunpaman, maaaring gawing alternatibo ang pagkakaloob sa

kanila ng mga programang lilikhain ng gobyerno na mag-aahon sa

kanila sa prostitusyon.

2. Bumuo ng mas naaangkop na mga batas na nakatuon sa pagsupil sa

3. prostitusyon, panggagahasa, at pang-aabuso.

3. Magsagawa ng mga programang nakatuon sa pagkakaroon ng kaalaman

4. at kamalayan tungkol sa prostitusyon, pornograpiya, at pagkalakal sa


5. kababaihan.

4. Magturo sa mga magulang na maging responsable sa paggabay sa

5. kanilang mga anak upang hindi masadlak sa prostitusyon at pang-

6. aabuso.

5. Magtulungan ang mga sekta ng relihiyon at iba pang institusyon gaya

6. ng paaralan upang mapaalalahanan ang mga tao tungkol sa kasamaan

7. ng prostitusyon at pang-aabuso.

6. Magkaloob ang gobyerno ng mga hanapbuhay o alternatibong

7. pagkakakitaan na may magandang pasahod upang maiwasan na ang

8. pagpasok sa prostitusyon.

Inaasahang mawawala o mababawasan ang prostitusyon sa bansa kung

matutugunan ng gobyerno at ng mga kaugnay na institusyon ang mga daing

ng mga mamamayan at ang mga tuksong humihila sa mga tao na pasukin ang

ilegal na gawaing ito. Marapat na magkaroon ng komprehensibong programa

para sa mahihirap. Maraming suliraning panlipunan ang masosolusyunan

ng ganitong uri ng programa.

Paksa 4: Tugon ng Pamahalaan sa Diskriminasyon at Karahasan

Narito ang ilang tugon ng pamahalaan sa isyu ng diskriminasyon at

karahasang seksuwal sa bansa:

1. Pagbuo ng mga batas na nauukol sa diskriminasyon at karahasan, lalo

na para sa kababaihan, gaya ng sumusunod:


a) RA 7877 or the Anti-Sexual Harassment Act of 1995

b) RA 8353 or the Anti-Rape Law of 1997

c) RA 8369 or the Family Courts Act of 1997

d) RA 8505 or the Rape Victim Assistance and Protection

e) RA 9208 or Anti-Trafficking in Persons Act of 2003

Act of 1998

f) RA 9262 or Anti-Violence Against Women and Their Children of

2004

2. Ang Republic Act No. 9710- Magna Carta of Women (MCW)

Ang Magna Carta of Women ay binubuo ng mga batas para sa

karapatang pantao ng kababaihan. Ito ay naglalayong maibsan

ang diskriminasyon sa kababaihan sa pamamagitan ng pagkilala

at pagprotekta sa kanilang mga karapatan. Ang mga batas na ito

ay nakabatay sa internasyonal na batas. Ang isa sa mga programa

sa ilalim nito ay ang pagtatatag ng Convention on the Elimination

of All Forms of Discrimination against Women (CEDAW) Committee


noong 2006.

3. Ang Philippines UDF-PHI-07-184-4005- Promoting Gender Responsive

Governance for Rural, Indigenous, and Muslim Women in the Philippines

Ang proyektong ito ay isinakatuparan sa Pilipinas mula noong

Nobyembre 2008 hanggang 2011. Ito ay may layong itaguyod ang

karapatang pantao ng kababaihan sa pamamagitan ng pagharap sa

mga isyu ukol sa marginalisasyon, diskriminasyon sa kasarian, at

paglabag sa karapatang pantao ng katutubong (indigenous) kababaihan

at kababaihang Muslim sa Autonomous Region of Muslim Mindanao

(ARMM).

4. Ang Republic Act No. 10354 - The Responsible Parenthood and

5. Reproductive Health Act of 2012

Ang batas na ito na lalong kilala sa tawag na Reproductive Health

Law o RH Law ay naglalayong magkaloob ng kabatiran at access

sa mga mamamayan ng mga metodong (methods) ukol sa pagpipigil

sa pagbubuntis (contraception), fertility control, sexual education, at

maternal care.

May mga probisyon ito ukol sa pangangalaga sa kalusugan ng isang

ina at kaniyang anak at may mandato sa gobyerno at sa mga pribadong

sektor na pondohan at isagawa ang malawakang pamamahagi ng

mga gamit ukol sa pagpaplano ng pamilya gaya ng mga condom, birth

control pill, at intrauterine device (IUD).


5. Ang pagsali sa UN Women

Ang UN Women ay isang organisasyon sa ilalim ng United Nations

na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng kasarian (gender

equality) at pagpapalakas sa kababaihan (women empowerment).

Ang mga pangunahing gampanin ng UN Women ay ang gabayan ang

mga inter-governmental body, gaya ng Commission on the Status of

Women (CSW), sa pagbalangkas ng mga patakaran at pandaigdigang

pamantayan, sa pagpapatupad ng mga ito (kasama rito ang pagkakaloob

ng pinansiyal na suporta), at regular na pagsubaybay sa progreso o

pag-usad ng mga kaugnay na proyekto.

Nilikha ito nang magkaroon ng United Nations General Assembly

noong Hulyo 2010 at nasimulan ang operasyon ng UN Women noong

Enero 2011.

May mga batas at programa na ang bansa ukol sa diskriminasyon at

karahasan. Hamon sa pamahalaan ang mas mahigpit na pagpapatupad

sa mga ito.

Paksa 5: Tugon ng mga Mamamayan sa Diskriminasyon at Karahasan

Sa kasalukuyan, ang LGBTQ+ community (komunidad ng lesbian, gay,

bisexual, transgender, at queer) ay isa sa mga aktibong samahang nagsusulong

sa tinatawag na karapatan sa pagpili ng kasarian at seksuwalidad. Isinusulong


ng LGBTQ+ community at ng iba pang mamamayan ang ilang mga panukalang

batas at programa bilang tugon sa diskriminasyon at karahasan.

1. Pagsusulong sa legalisasyon ng same-sex marriage o same-sex civil

2. union sa Pilipinas

May mga grupong nagsusulong na maging legal sa Pilipinas ang

kasal o civil union sa pagitan ng magkaparehong kasarian. Ayon sa mga

grupong nagsusulong nito, isang uri ng diskriminasyon sa minorya

(minority discrimination) ang hindi pagpapahintulot dito.

Kung ito ay magiging legal, malaki diumano ang magiging tulong

nito sa mga bahay-ampunan sapagkat kaakibat ng legalisasyon nito ay

ang pagkakaroon ng gay couple ng karapatang mag-ampon ng anak.

Ayon naman sa mga kontra sa panukala, ang pagsasalegal ng same-

sex marriage ay magpapahina sa mismong depinisyon at kasagraduhan

ng pag-aasawa o kasal bilang institusyon. Makasisira din daw ito sa

mga tradisyonal na pagpapahalagang moral na mahalaga sa kulturang

Pilipino.

Ang pag-aampon ng gay couple, kahit na maging legal ang pagsasama

sa pamamagitan ng civil union, ay hindi rin daw makabubuti bagkus

ay magdudulot pa ng kalituhan o maling oryentasyon sa mga batang

aampunin. Hindi pa tapos ang debate ukol sa kontemporaryong isyu

na ito.
2. Ang pagbuo ng Ladlad LGBTQ Party List

Kinatigan ng Kataas-taasang Hukom noong 2010 ang petisyon

ng Ladlad LGBTQ Party List na makasama ito sa listahan ng mga

pagpipiliang partylist sa eleksiyon sa bansa (bagaman kinulang ang

nakuha nitong boto noong 2010 at 2013 upang magkaroon sana ng

puwesto sa Kongreso).

Kaugnay nito, ang Commission on Human Rights (CHR) naman ay

naglagda ng mga memorandum noong 2010 ukol sa mga organisasyong

sibil na magiging responsable sa mga programang mangangalaga at

magsasanggalang sa mga karapatang pantao ukol sa oryentasyong

seksuwal at gender identity.

3. Pagsusulong ng SOGIE Bill

Nananawagan ang ilang sektor na maisabatas na ang SOGIE Bill,

ang panukalang-batas na magpapataw ng parusa sa sangkot sa mga

diskriminasyong nakabatay sa "sexual orientation" at "gender identity

or expression" (SOGIE). Ito ay inaasahang poprotekta sa mga lesbian,

bakla, bisexual, transgender, at iba pa.

Sa kasalukuyan, may dalawang panukala ukol sa SOGIE: ang (a)

Senate Bill 159 o Anti-Discrimination Act sa Senado at ang (b) House

Bill 258 o SOGIE Equality Act sa Kamara.


Kung maipapasa bilang batas ang SB 159 o HB 258, maaaring

mapatawan ng multang Php100,000.00 hanggang Php500,000.00 ang

mga lalabag nito, depende sa sitwasyon. Maaari din silang makulong

ng mula isang taon hanggang 12 taon.

4. Pag-iingay sa social media

Gaya ng naunang tinalakay, ang mga social media platform ay

nagiging venue rin sa sexual discrimination at sexual abuse. Sa tingin

ng maraming tao, marami pa ang dapat gawin ng mga may-ari ng social

media (Facebook, Twitter, Instagram, at iba pa) upang maprotektahan

ang mahihina.

Nananawagan ang mga user na dapat na magkaroon ng mga dagdag

programa at aksiyon laban sa mga nag-uudyok ng karahasan, rasismo,

at seksismo online. Sinasabing ang mga kababaihan ang kadalasang

nakararanas ng online na pang-aabuso, sa anyo halimbawa ng "trolling,"

dahil lamang sa paggawa nila ng kanilang mga trabaho (tulad ng sports

journalism o commentary).

5. Pagkalampag sa pamahalaan

Nananawagan ang ilang sektor ukol sa pagbuo ng pamahalaan

ng mga angkop na proyekto ukol sa karahasan at diskriminasyon.

Makagagawa halimbawa ang gobyerno ng mga proyekto at programa

ukol sa pagpapalaganap ng mga tamang kaalaman ukol sa pang-


aabuso at diskriminasyon ukol sa kasarian.

Maaari ding lumikha ng livelihood program upang tugunan ang

tukso sa pagpasok sa prostitusyon. Makalilikha rin ng mga epektibong

sistema ukol sa madaling pagpaparating sa awtoridad ng mga kaso ng

pang-aabuso at mabilis na pagtugon ng mga alagad ng batas sa mga

ito.

Sa pagtatapos mo sa pagtalakay sa lahat ng paksa, maglibang ka

habang sinasagutan ang kasunod na gawain.

Tips Kung Paano Makaiwas sa Seksuwal na Pang-aabuso

Marami ang mga kaso ng seksuwal na pang-aabuso, at ang kadalasang biktima

ay ang kabataan. Napakarami ngayong nang-aabuso-mga hindi kakilala o maging

mga kakilala, gaya ng kapitbahay, kaibigan, o kapamilya.

Narito ang ilan sa mungkahi kung paano mo mapoprotektahan ang iyong sarili.

1. Ugaliing maging alerto.

Lalo na kapag nasa labas, dapat maging alerto sa mga nagaganap sa paligid.

Alamin ang mga lugar na delikado lalo na kung gabi. Iwasang dumaan sa gayong
mga lugar o kaya ay tiyaking may kasama ka.

2. Iwasang makapagbigay ng maling impresyon.

Huwag manamit nang napakaseksi. Iwasang mag-flirt sa anumang paraan.

Baka isipin ng iba na sadya kang nang-aakit o kaya naman ay okey lang sa iyo

kapag niyaya kang makipagtalik.

3. Magtakda ng limitasyon.

Kung ikaw ay may kasintahan, mahalagang pag-usapan ninyo kung ano ang

mga limitasyon sa inyong relasyon. Umiwas din sa mga alanganing sitwasyon

para hindi ka mapagsamantalahan.

4. Maging prangka.

Halimbawa, huwag mangingiming sabihin, "Tumigil ka!" o "Alisin mo iyang

kamay mo!" Tandaan na ang nararapat sa iyo ay isang kasintahan na igagalang

ka at ang iyong paninindigan.

5. Maging responsable at maingat sa pag-i-Internet.

Iwasang

basta-basta magbigay ng personal na impormasyon o mag-post na

magbibigay ng ideya sa iba kung nasaan ka. Mas makabubuting huwag mag-

reply kapag nakatanggap ng mahalay na mensahe. Liksihan ang pakiramdam-

huwag kakagat sa pain ninuman.

6. Huwag kalilimutang manalangin bago lumabas ng tahanan.

You might also like