Script

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Papel ng Wika sa Globalisasyon

Sa mundong globalized o globalisado na ano nga ba ang papel ng Wika? Higit na’t par sa mga nakakarami ang wika ng Globalisasyon
ay Ingles at hindi magagamit ang wikang Filipino sa pandaigdigan na talastasan. Kaya tanong ni Tullao (2014) may papel ba ang
wikang Filipino sa harap ng laganap na globalisasyon na naglalayong pag-isahin ang iba’t ibang aspekto ng buhay sa buong mundo
tungo sa isang bilihan, sa isang pamantayan, sa isang wika? May malakas na sigaw tayong naririnig na kinakailangang paunlarin ang
ating kaalamn sa wikang Ingles dahil ito ang wika ng komersyo, wika ng siyensya, wika ng makabagong teknolohiya; samakatuwid, ang
wika ng globalisasyon.
- Ang ganitong pananaw ay naniniwala na ang kaalaman sa wikang Ingles ng ating mga manggagawa ay isa sa mga pangunahing
batayan ng ating pagiging kompetibo. Ang kaalaman sa wikang Ingles ang dahilan ng ating komparatibong kalamangan sa kalakalang
internsyonal.
- Sa kabilang banda, ang sanaysanay ni Terero Tullao ay naghahamon sa pagtatanghal at pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang
wika sa globalisasyon para sa mga nakararaming Filipino. Kahit na ang proseso ng globalisasyon ay nagsasanib, ang kakayahan
niyang maghati ay nagbabantang mahiwalay ang maraming Filipino sa mga biyaya ng globalisasyon. Upang mangibabaw ang epekto
ng pagsasanib kaysa epekto ng paghahati, higit na episyente na maging susi ang wikang Filipino bilang wika sa globalisasyon. Ang
layunin ay maisama ang dumaraming mamamayang Filipino na mas nakauunawa sa wikang Filipino sa mga biyaya ng globalisasyon.

Ayon kay Balendres (2017), ang globalisasyon ay isang phenomenon na nagsimula nang matagal na panahon subalit nagiging
mahalaga ito sa mga huling dalawang siglo. Sa maikling salita, ang globalisasyon ay ang pagtutulungan ng mga bansa sa buong
mundo upang malayang makaikot ang mga produkto at serbisyo sa bawat bansa

Ayon kay Mabaquiao, (2008), Iba’t iba ang mga pamamaraan ng pag-unawa sa globalisasyon; at, kalimitan, ang mga
depinisyong ibinibigay dito ay binibigyang diin ang isang katangian lamang o posibleng kahihinatnan nito. May mga depinisyon
na tumitingin sa globalisasyon bilang isang proseso ng paglawak ng pagkakaugnay-ugnay ng mga bansa o untiunting paglaho ng mga pagkakaiba ng
mga kultura. May mga depinisyon ding maituturing na kagyat na kritisismo sa proseso ng globalisasyon o sa pamamaraan ng kaganapan nito,
gaya ng mga depinisyong nagpapalagay sa salitang globalisasyon bilang isang pinagandang salita lamang para sa
“pandaigdigang paglaganap ng di makataong sistema ng kapitalismo” o “sa di makatarungang pagpapalawak ng
kapangyarihan ng Estados Unidos sa buong mundo”—wika nga ni Kissinger, “globalization is only another word for US
domination” (sinipi ni Samir 2003)

Upang ipakilala kung ano ang globalisasyon, ang kailangan muna natin ay isang komprehensibo at nyutral na depenisyon, na
sa aking palagay ay natutugunan ng sumusunod na depenisyon ni David Held (2004). Ayon kay Held, may dalawang bagay na
kailangang isaalang-alang sa pag-unawa sa globalisasyon.
A.
B. May apat na natatanging katangian ang prosesong ito.
1. Paglawak ng ating mga panlipunang relasyon (stretched social relations)
2. Pagtindi ng daloy at mga sistema ng komunikasyon at ng pagkakaugnayugnay( intensification of flows and networks of interaction and
interconnectedness)
- Makikita natin ito sa pagsulong ng teknolohiya ng Internet, cell phones, at cable TV.
3. Paglawak ng pakikisalamuha (ang tinatawag niyang “increasing interpenetration”).
- Ito ay lohikal na bunga ng dalawang naunang katangian. Sa paglawak ng ating mga panlipunang relasyon, lumalawak din ang pakikisalamuha ng iba’t
ibang kultura sa isa’t isa, at ito ay nangyayari dahil sa pagtindi ng daloy at mga sistema ng komunikasyon at ng pagkakaugnay-ugnay—ang dating
magkakalayong kultura at lipunan ngayo’y malapit na sa isa’t isa
4. Pag-iral ng mga pandaigdigang institusyon
- ” tulad ng United Nations (UN), World Bank (WB), International Monetary Fund (IMF), at World Trade Organization (WTO), na nangangasiwa sa iba’t
ibang sistemang pandaigdigan. Sa pangkalahatan, ang UN ang nangangasiwa sa mga pandaigdigang pangyayaring pulitikal, samantala ang WB, IMF,
at WTO naman sa pandaigdigang kalakalan.

Ayon pa kay Held, ang debate ukol sa globalisasyon ay pinangungunahan ng tatlong magkakatunggaling posisyon: ang tinatawag niyang
globalists, inter-nationalists o traditionalists, at transformationalists. Sa kabuuan, dalawang punto ang pinagtatalunan ng mga posisyong ito:
(a) ang tanong tungkol sa kaganapan ng globalisasyon at
(b) ang tanong tungkol sa kung may magagawa pa tayo sa mga posibleng kahihinatnan ng globalisasyon

1. Globalist – Ayon dito ang globalisasyon ay isang katotohanan na ang mga kahihinatnan ay sadyang di maiiwasan. Ang globalists ay nahahati sa
dalawang grupo: a. positibong globalists (o ang optimistic globalists) - Para sa kanila sa kahulihan, mas matimbang ang mga benepisyo o mga
magagandang kahihinatnan ng globalisasyon
b. negatibong globalists (o ang pessimistic globalists) – naniniwala na sa kahulihan mas matimbang ang mga di magagandang kahihinatnan ng
globalisasyon.
2 .Inter-nationalist - ang globalisasyon ay hindi isang katotohanan. Bagamat mayroon ngang nangyayaring pagtindi ng mga gawaing panlipunan sa
pandaigdigan o internasyonal na antas sa kasalukuyan, wala naman talagang nagaganap na mga kakaibang pagbabago na kalimitang inuugnay sa
proseso ng globalisasyon. At ito ay dahil ang mga bansa naman ay patuloy na nagtatayo ng mga institusyon o nagtataguyod ng mga pamamaraan
upang kaharapin ang mga pandaidigang pangyayaring ito.
3. Transformationalist - Tulad ng globalists at di tulad ng internationalists, ang transformationalists ay naniniwalang may nagaganap na globalisasyon. .
Subalit, tulad ng inter-nationalists hindi sila naniniwala na sadyang hindi maiiwasan ang mga kahihinatnan ng proseso ng globalisasyon.
Konsepto ng Globalisasyon
1. Privatization - Tumutukoy ito sa pagsasapribado ng mga negosyo at dinihikayat rin nito ang konsepto ng globalisasyon na isapribado ang mga
negosyo na hawak at pagmamay-ari ng gobyerno. Halimbawa: Philippine Long Distance Telepone Company (PLDT), Petron, Philpost, Philippine Airline,
2. Deregulasyon - Kailangang maging malaya sa paggalaw ang mga bahay-kalakal sa paggawa at pamamahagi ng mga pangkaraniwang kalakal o
produkto tulad ng tubig, langis, at kuryente. Ito ay batay sa konsepto ng laissez- faire o let-alone policy ni Adam. Kung saan kailangan pabayaan ng
pamahalaan ang mga sambahayan at pakikipag-ugnayan sa isa’t isa upang maging matatag ang ekonomiya.
3. Liberalisasyon - Ayo dito ang mga patakaran o polisiya hinggil sa pag-aangkat ng mga produkto ay kailangang maamyendahan o baguhin upang
maging malaya ang kalakalan sa bansa. Halimbawa nito ay ang batas taripa at quota . Hal. ng bigas

Pero bago natin ipagpatuloy an gating talakayan mayroong isang tanong tayo.
- Bakit kailangang ipanatili, ituro at gamitin ang wikang Filipino lalo na sa panahon ng globalisasyon?
Habang ipinagpapatuloy natin ang talakaayan ay uunti-untiin natin itong masasagutan.
Pero bago iyan alamin natin kungano ang mga Hamon ng Globalisasyon at kung paano papanatiliin ang pagkakakilanlan nating mga Pilipino.
Upang masagot ang katanungan kung bakit kailangan na ipanatili ang wikang Filipino?
- Dahil kung alam natin ang mga hamon ng globalisasyon ay magkakaroon tayo ng paghuhugutang mga dahilan kung bakit kailanagn itong panatiliin.
Kase madalas hindi ban na ok guys example lang kapag ang isang tao ay palaging nandiyan o kayay dahil nakasanayan na natin itong palaging
kasama ay hindi natin ito nabibigyan ng pansin at importansya at mapagtatanto lamang natin ang halaga na panatiliin ito sa buhay natin kapag wala na.
Unta kay relatable man is na gets ninyo akong point..hahha ok so tulad lang din sa wika kailanagn na magkaroon tayo ng mga dahilan upang itoy
panatiliin.
Ayon kay Mabaquiao (2008), Ang isang hamon ng globalisasyong nagaganap sa larangan ng ekonomiya para sa iba’t ibang lipunan o bayan ay
kung paano mapapanatili at lalo pang maitataguyod ang kani-kanilang pambansang identidad sa harap ng mga pagbabagong dala at dulot ng nasabing
globalisasyon. Ang isang pangunahing pangamba ay may kinalaman sa pambansang identidad. Ang ating kultura ay maituturing na
pinakakongkretong palatandaan ng ating pambansang identidad, kung kaya gumagawa tayo ng mga paraan upang mapanatili ang integridad
nito. Sa partikular, pinangangambahan na baka maging bahagi na lamang ang ating kultura ng isang pandaigdigang kultura na maaaring
umusbong sa proseso ng globalisasyon o kaya naman ng mga kultura ng mga makapangyarihang bansa na siyang mga dominanteng
manlalaro sa proseso ng globalisasyon. Kaugnay nito, pinangangambahan din na baka ang globalisasyon ay isa lamang instrument ng pananakop
ng mga makapangyarihang bansa sa mga di makapangyarihang bansa, sa pamamaraang di lantad o kaya ay nakalilinlang . Una, dahil ang posibleng
pananakop sa pamamagitan ng globalisasyon ay hindi direktang nagaganap sa pamamagitan ng pulitika—na siyang pamamaraan ng mga
mananakop noong nakaraan—kundi sa pamamagitan ng ekonomiya. Ikalawa, dahil hindi natin namamalayan ang posibleng pananakop na ito
dahil sa mga kaginhawaang ipinararanas sa atin ng globalisasyon. At ikatlo, dahil may kaisipan na nagsusulong na ang globalisasyon ang
siyang susi sa paglutas ng ating mga problemang lokal.
Ang isang katotohanang kailangan nating tanggapin sa kasalukuyan ay hindi na tayo maaaring kumawala sa proseso ng globalisasyon.
Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na wala na tayong magagawa sa mga posibleng kahihinatnan ng globalisasyon, lalo na sa larangan ng ating
kultura at wika. Sa katunayan, maaari pa nga nating gamitin ang globalisasyon mismo para pagyamanin ang ating kultura at lalong itaguyod ng ating
pambansang identidad. Ang isang pamamaraan tungo sa ganitong layunin, na siyang sisiyasatin sa papel na ito, ay may kinalaman sa konsepto ng
Kamalayang Pilipino. Ito ay ang maituturing na mga paunang hakbang na sa palagay ni Mabaquiao (2008) ay nasa tamang direksyon tungo sa tunay na
pag-unlad ng ating bansa.
- Kase po hindi ba kapag malay tayo o may alam tayo sa mga nangyayari sa ating bansa ay magakaroon tayo ng pakialam na itoy subukin na itama at
magkaroon ng pakialam bilang mamamayan sa ating bansa. Upang mabigyan pa tayo ng mga rason kung bakit kailanagn ipanatili ang wikang Filipino
ay ating tatalakayin ang GREEN POLITICS.
Ayon naman kay Flores (2018), na sa green politics sinasabi nito na ang linguistic at cultural diversity ay ang magpapayaman sa kaalaman at
karunungan ng bawat mamamayan ng mundo. Kung katotohanan naman talaga na ang toong yaman na taglay ng isang bansa ay ang kanyang
taglay na kultura at wika. Alamn naman natin na kasasalaminan n gating wika ang kultura at ang dalawang ito ay hindi maipaghihiwalay.
Kapag ating napag-aralan at napaunlad an gating kultura ay mapapaunlad din an gating wika na magbubunsod ng pag-unlad din n gating
bansa. Dahil Binibigyan din nito ng diin na ang mundo ay multilinggwal at multikultural at ang pag-aaral ng kultura ay sa tulong lamang ng
wika kaya taglay ng wika ang kultura.
Dito maitatanong at maipapasok muli ang tanong na ano ang papel ng wika o saan ilulugar an gating wika sa Globalisasyon?
- Ang mentalidad ng nakakarami patungkol sa wika na dulot ng globalisasyon ang siyang ugat ng mga isyong patungkol sa wika .Lalo na’t
ang tingin ng marami dito ay mababa at hindi intelekwalisado o di kayay wikang bakya, wikang lansangan o pang showbiz lamang.

Binanggit din niya ang Mother Tongue Rights na noong dalawangpo’t walong taon, itinanghal ito na Mother tongue Rights ng UN na
nagpapatunay lamang na mahalaga ang wika ng buong bansa at ito’y dapat na panatiliin.
- Dagdag ni Flores (2018), maraming iba’t ibang mother tongue ang mga bansa sa ating mundo.Tulad ng mga sumusunod:

Sa konteksto ng Edukasyon ayon kay Flores (2018), mayroong Internationalization of Higher Education at Global Education.
Internationalization of Higher Education – Pumapatungkol kung ang status ng mga unibersidad ay international na ba. May kinalaman din ito sa
language and knowledge acquisition at inhancement. Masasabing internasyonal na ang isang unibersidad kung marami ang international
students, foreign visiting proffesors at marami ang international programs.
Global Education- Ito ay mas economic at may kinalaman sa marketing of international programs, commercialization, and corporatization at
business advantage. Kaagapay nito ang internasyonalisasyon of Higher Education. Dahil kinakailangan na labas masok ang mga banyagang mga
mag-aaral o iyong mga tinatawag na student and faculty mobility, students and staff development, academic standards and quality assurance.

Dito pumapasok ang mga kasunduan o MOA AT MOU o kaya ay partnership ng isang Unibersidad sa isa pang Unibersidad. Hindi na tayo lalayo gawin
nating halimbawa an gating Unibersidad. Hindi ba ang vision ng ating pamantasan ay “To be a globally competitive University in the southern
Philippines”.Isang magandang halimbawa nito ay ang naganap noong ika-14 ng Setyembre, 2020 kung saan nagkaroon ng virtual signing of the Letter
of Intent ang MSU General Santos at ang University of Wisconsin- Madison, USA.
- Kung saan ito ay patungkol kung paano ang dalawang institusyon magtulungan upang makapagbigay sa mga estufyanteng undergraduate at
graduate students enrolled at MSU- GENERAL Santos na mgakaroon ng study experience o maranasang ang makapag-aral ng isa o higit sa isang
terms na may isang taon na maximum length sa University of Wisconsin-Madison.
- Tayong mga Makata ay isang malinaw na ibidensya din na ang pag-aaral sa Wikang Filipino ay kinukonsidera at kasama sa mga salik upang makamit
ang vision na maging globally competitive University in the southern Philippines”. Dahil sinasang=ayunan nito na makakamit lamang ang pagiging
ipesyente ng isang unibersidad kung malilinang an gating sariling wika. Hindi ba ang lahat ng estudyante sa Msu ay kinakailangan na kumuha ng mga
yunits sa Filipino.
- Maliban sa pagkatuto ng ingles hindi din nakakaligtaan ang pag-aaral ng wikang Filipino, kultura at kasaysayan ng Pilipino. Ang mga dayuhanng mag-
aaral na tumutungo sa ating bansa ay mag-aaral ng wikang Filipino. Dagdag pa dito ang wikang Filipino ay itinuturo rin sa mga prestihiyusong mga
Unibersidad sa labas ng bansa.

Ayon naman ni Ginoong Bie nvenido Lumbera, upang mapagtakpan ang buktot na pakanang nag-aanyong biyaya ng mga dambuhalang empresang
nakabase sa Kanluran, may bayarang intelektuwal na umimbento sa pariralang “borderless world” at itinapal ito sa mapagsamantalang mukha ng
kapitalismo. Sa ganyang anyo inihaharap sa atin ang “globalisasyon” na may Utopiang ipinangangako -- isang “mundong wala nang hangganan.”
Basa - Sinasabing sa “mundong wala nang hangganan,” pantay ang kakayahan ng bawat bansa na kamtin ang kaunlaran. Subalit ano ba
ang realidad ng “borderless world” na naglalatag sa ating mga haraya ng maluningning na landas tungo sa maunlad at mapayapang bukas?
Samakatwid, ang “globalisasyon” ay pananalakay ng mga kapitalistang bansa ng Kanluran na naghahanap ng pamilihan para sa kanilang kalabisang
produkto. Kunwari’y binubuksan ng mga ito ang kanilang mga pamilihan sa mga produkto ng mahihinang ekonomiya. Pero sa katunayan, hindi kayang
makipagkompetisyon ng mahihinang ekonomiya sa kanila, kaya’t sa kalaunan nilalamon nila ang lokal na kompetisyon.

Ayon naman ni Ginoong Bie nvenido Lumbera, upang mapagtakpan ang buktot na pakanang nag-aanyong biyaya ng mga
dambuhalang empresang nakabase sa Kanluran, may bayarang intelektuwal na umimbento sa pariralang “borderless world” at itinapal
ito sa mapagsamantalang mukha ng kapitalismo. Sa ganyang anyo inihaharap sa atin ang “globalisasyon” na may Utopiang
ipinangangako -- isang “mundong wala nang hangganan.”

Basa - Sinasabing sa “mundong wala nang hangganan,” pantay ang kakayahan ng bawat bansa na kamtin ang kaunlaran. Subalit ano
ba ang realidad ng “borderless world” na naglalatag sa ating mga haraya ng maluningning na landas tungo sa maunlad at
mapayapang bukas? Samakatwid, ang “globalisasyon” ay pananalakay ng mga kapitalistang bansa ng Kanluran na naghahanap ng
pamilihan para sa kanilang kalabisang produkto. Kunwari’y binubuksan ng mga ito ang kanilang mga pamilihan sa mga produkto ng
mahihinang ekonomiya. Pero sa katunayan, hindi kayang makipagkompetisyon ng mahihinang ekonomiya sa kanila, kaya’t sa
kalaunan nilalamon nila ang lokal na kompetisyon.

Kaya ang tanong ni Ginoong Lumbera. ano naman kaya ang panlaban ng mga Filipino sa dagsa ng pananalakay ng globalisasyon?
Ano ang bisa ng Wikang Filipino sa pagtatayo ng moog laban sa paglusob ng mga kaisipang makapagpapahina sa tigas ng loob at
tatag ng mga makabayan?

Kaugnay nito, tinukoy ang pangangailangang isangkot sa mga isyung panglipunan ang mga intelektuwal na makitid ang pananaw at
labis ang pagkakulong sa kani-kanilang ispesyalisasyon.

Basa- Dapat daw himukin ang mga ito na gamitin ang kanilang tinig sa mga debate at diskurso hinggil sa mga problema at tunguhin ng
kontemporaryong lipunan. Narito daw sa palagay ni Lumbera ang ispasyo na bukas at humihinging pasukin ng mga Filipinong
tumatangkilik sa wika at panitikan sa panahon ng globalisasyon ngayon . Sa ispasyong iyan maaaring harapin at labanan ang
kultura ng globalisasyon upang kalusin ang negatibong bisa nito sa lipunang Filipino. Hindi dapat magbunga ang
globalisasyon ng panibagong pagkaalipin para sa sambayanan.

Ang wika at panitikan natin ay buhay na katibayan ng ating kultura at kasaysayan. Ipinapagunita nito na mayroon tayong mga
karanasan at kabatirang natamo sa ating pagdanas ng kolonisasyon at sa ating ginawang paglaban sa paghahari ng mga dayuhan.

Hindi natin tinatanggihan ang paghatak ng hinaharap kung iyon ay magdadala sa atin sa tunay na pag-unlad. Subalit ang
identidad ng isang sambayanan ay hindi naisusuko nang gayon-gayon lamang. Nakatatak ito sa kamalayan hindi ng iisang
tao lamang kundi sa kamalayan ng buong sambayanan. Kung hinihimok tayo ng globalisasyon na magbagong bihis, itinuturo
naman ng ating kasaysayan na ang pinagdaanan natin bilang sambayanan ay laging nagpapagunita na may sariling bayan tayo, may
minanang kultura at may banal na kapakanang dapat pangalagaan at ipagtanggol kung kinakailangan. Sandatahin natin ang ganyang
kamalayan tungo sa ikaluluwalhati ng Filipino bilang nagsasariling bayan (Lumbera, 2003).

You might also like