Modyul 3
Modyul 3
Modyul 3
Alam mo ba ang iba’t ibang uri ng panitikan na maituturing nating bahagi ng panitikang popular?
Batid mo rin ba ang iba’t ibang midyum na ginagamit upang maipahatid ang mga ito sa higit na
nakararaming mamamayan? Tukuyin mo ang inilalarawan ng mga bugtong sa ibaba. Pagkatapos, isulat
mo ang mga titik ng iyong sagot sa mga kahon upang mabuo ang crossword puzzle.
Mga Bugtong:
Alam mo ba na...
May iba’t ibang midyum na ginagamit sa paghahatid ng impormasyon, balita at iba’t ibang
palabas na maaaring napakikinggan o napanonood ng mamamayan lalo na ng kabataan sa
kasalukuyan? Ang ilan sa mga ito ay ang tabloid, komiks, magasin, internet, radyo at
telebisyon. Ang mga ito ay maituturing nating kumakatawan sa kulturang popular ng mga
Pilipino sa ngayon.