Fil 6
Fil 6
Fil 6
Department of Education
Region ___
Schools Division of ___________
_____________ ELEMENTARY SCHOOL
I. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Pakinggan ang kuwentong babasahin ng guro at
sagutin ang mga sumusunod na tanong sa bilang 1-4.
7. Iniwan ni Aling Puring na nag-iisa sa bahay ang kanyang bunsong anak. Naisipan ng batang
maglaro ng lutu-lutuan. Kinuha niya ang posporo at sinindihan ang kanilang kalan. Biglang
sumiklab ang apoy. Ano ang maaaring mangyari?
A. Nasunog ang bahay nina Aling Puring.
B. Nakapaglaro ng lutu-lutuan ang bata.
C. Umiyak ang bunsong anak ni Aling Puring.
D. May mga bisitang dumating sa kanilang bahay.
8. Isang araw, naisipang ayusin ni Flora ang kanilang altar. Hinugasan niya ang plorerang
mahal na mahal ng kanyang ina, pinunasan at nilagyan ng magagandang bulaklak. Ilalagay na
lamang niya ito sa altar nang dumating ang rumaragasang pusang hinahabol ng aso. Lumundag
ang pusa sa kamay niyang may hawak na plorera. Nabitawan niya at nabasag ang plorera. Ano
kaya ang gagawin ni Flora?
A. Magwawalang bahala
B. Itatapon ang plorera
C. Magsasabi ng totoo sa kanyang ina
D. Ilalagay sa altar ang basag na plorera.
9. Matalinong bata si Raul. Siya ang nangunguna sa klase subalit ang hindi niya matutuhan ay
ang dumating sa takdang-oras. Isang araw, mayroon silang pagsusulit sa paaralan. Nag-aral
siyang mabuti. Kinabukasan, tinanghali siya ng gising kaya nahuli sa pagpasok. Nang umuwi
si Raul matapos ang pagsusulit, mukha siyang malungkot na malungkot. Ano sa palagay ninyo
ang nangyari?
A. Maaaring sumakit ang ulo ni Raul
B. Maaaring may nawala si Raul
C. Maaaring pinagalitan ng guro si Raul
D. Maaaring pinagtawanan ng klase si Raul
10. May nasagap kang balita tungkol halimbawa sa deborsyo na ito ay legal. Paano mo ito
sasabihin sa iyong kaibigan na tutol sa mga ganitong usapin?
A. sabihin sa kanya ng may basehan
B. makipagtalo sa kanya na walang basehan
C. iparamdam sa kanya na natuwa ka sa iyong narinig
D. kumbinsihin siya na magandang balita na ginawang legal ang diborsyo
11.Kapag may nakikipagtalo sa iyo tungkol sa isang bagay, at pakiramdam mo ay mali siya sa
kanyang mga sinasabi, ano ang dapat mong gawin?
A. sabihin kaagad na mali siya sa kaniyang mga sinasabi
B. huwag husgahan kaagad at pakinggan ang kanyang mga pahayag
C. huwag na lang siyang pakingggan at balewalain
D. iwanan na lang siyang nagsasalita
12. Ang mga kaisipan ang mga dapat tandaan sa pakikipagtalo maliban sa isa.
A. makinig sa pahayag
B. maging magalang sa mga sinasabi
C. maghintay hanggang matapos ang nagpapahayag
D. makipagsigawan at huwag makinig ng Mabuti
23. iniipon ni Lita ang kaunti ______ kinikita at ibinibigay sa kanyang nanay.
A. g B. na C. ng D. sa
24. ang enerhiya geothermal ay malinis dahil hindi ito nagbubuga ng usok _____ nakakasama
sa katawan.
A. ng B. g C. at D. na
27. Masayang mamasyal sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Ang pangungusap ay __________.
A. katotohanan C. kalokohan
B. opinyon D. kasinungalingan
28. Anim na taon na ang nakalipas at malapit nang makatapos sa mababang paaralan si Sheryl.
Ano sa palagay mo ang magiging bunga ng kanyang pagsisikap?
A. magpapatuloy siya ng pag-aaral sa mataas na paaralan
B. makapagtatrabaho na siya
C. mamamasyal siya sa Luneta
D. mangingibang bansa na siya
29. Nag-aalala si Mang Juan sa paglisan sa kanyang pamilya. Ano kaya ang kanyang dahilan?
A. magkakaisa ang mga kaibigan
B. wala ng katuwang ang kanyang asawa sa pagdisiplina sa anak
C. di na sila magsasaya
D. Magliliwaliw ang pamilya
30. Naglabas ng ulat ang IATF para sa sambayanan.
A. patanong B. pautos C. pasalaysay D. padamdam
34. Ano ang kaya mong gawin upang maiwasan ang virus na ito?
A. patanong B. pasalaysay C. pautos D. padamdam
35. Magandang tingnan na ang lahat ay nagtutulungan para mabigyan ng proteksyon ang ating
mga frontliners Anong uri ng pangungusap ito.
A. pasalaysay B. patanong C. pautos D. padamdam
38. Sinita ng pulis ang taong hindi nagsuot ng face mask. Ano ang maaari niyang itanong?
A. Kay tigas ng ulo mo. C. Preso ka ngayon!
B. Bakit hindi ka nagsuot ng face mask? D. Pakihalik ng paa ko.
39. Nagsusumamo ang presidente sa mga tao para maibsan ang pagkalat ng corona virus. Ano
ang maaari niyang sabihin?
A. Please lang, manatili kayo sa bahay. C. Ayos lang.
B. Ano ba? Napakatigas naman ng ulo ninyo D. Magsaya kayo.
40. Dahil sa COVID 19, marami ang nagugulahan at nag-aalala sa walang katiyakan.
Ano ang maaari nilang sasabihin?
A. Kebir ko. Naku, wala yon. C. Magsaya tayo.
B. Sino ang sisisihin natin? D. Magdasal tayong lahat para sa kapayapaan at
kaligtasan natin.
Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.
Isulat sa kuwaderno ang mga sagot.
Alam ba ninyong may mga kakaibang laro ang mga batang taga-
Mindanao? Isang laro nila ay mag lurap-lurap. Ito ay isang laro sa tubig na
ginagamitan ng mga lata o isda. Sa hudyat na simula, ang kalahok ay
sisisid sa tubig at kukunin ang mga lata o isda. Ang may pinakamaraming
kuha ay panalo.
Mga tanong:
(Pamagat)
Pinagyamang Pluma 6 pah. 186
May isang pari sa isang malayang parokya na may alagang kabayo. Dahil marami siyang
gamit na dala kapag siya’y umaalis, naisipan niyang turuan ang kanyang kabayong sumunod na
lamang sa kanyang mg autos upang hindi na siya gumamit pa ng rendang lubid. Maayos ang
nagging resulta ng kanyang pagtuturo sa kabayo at hindi na nalalaglag ang mga kagamitan niya
dahil nagagamit niya ang dalawa niyang kamay upang hawakan mabuti ang mga ito. Kapag
sinabi niyang ”Hay, salamat!” ay kumakaripas ng takbo ang kabayo at kapag sinabi niyang
“Manalangin tayo” ay kaagad itong humihinto.
Isang araw ay may bumisitang pari sa parokya. Labis ang tuwa nito ng malaman mula sa
kaibigang pari ang itinuro sa kabayo. “Subukan ko nga kung totoo ang sinabi mo,” ang wika nito
sa kaibigan.
“hay, salamat!” utos niya sa kabayo na nagsimula naman ng pagtakbo. Nasiyahan ang
pari at paulit-ulit niya itong inutos sa kabayo na pabilis naman ng pabilis ang takbo. Labis na
nasiyahan ang pari sa kanyang pagsakay hanggang makarating sila sa malapit na bangin. Sa takot
ng pari ay nakalimutan niya ang utos upang huminto sa pagtakbo ang kabayo. Nasa gilid nan g
bangin nang maalala niyang sabihing “Manalangin tayo.” At bigla naming huminto ang kabayo.
“Hay, salamat!”, kasunod na wika ng pari...
Hannah nuesca
Hannah Nuesca
Hannah nuesca