Banghay Aralin - Kabihasnang Rome

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8


Ikatlong Markahan
Taon/Baitang: Grade 8- TULIPS, HYACINTH, DAISY, ASTER, AZUCENA
Petsa/Oras: March 7, 2023, (10:00 AM-11:00 AM, 3:00-4:00 PM)
March 10, 2023 (7:45 A.M- 8:45, 11:00 AM-12:00 PM, 1:00 PM-2:00 PM)

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman:
Ang mga mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga
pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng
pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.
B. Pamantayan sa Pagganap:

Ang mga mag-aaral ay nakakabuo ng adbokasiya na pagsusulong ng


pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at
Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa pamumuhay
ng tao sa kasalukuyan.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Naipapaliwanag ang kontribusyon ng Kabihasnang Romano (AP8DKT-IIc-3)

Layunin:
a. Nasusuri ang mga katangian ng mga pamanang Romano sa iba’t-ibang
larangan.
b. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng kontribusyon ng kabihasnang
Romano.
c. Napapahalagahan ang malaking impluwensiya o kontribusyon ng mga
larangan ng mga sinaunang Roma sa modernong mundo sa pamamagitan
ng paggawa ng postcard.

D. NILALAMAN
Paksa: Kabihasnang Rome
Stratehiya: 4 A’s
Sanggunian: Self-learning Module (Quarter 2, Module 1) pp. 15
Kasaysayan ng Daigdig (Araling Panlipunan Serye III) pp. 166
Online Learning Resources
https://eighthgradeportfolio.wordpress.com/2017/06/29/paano-nakaimpluwewensya-ang-mga-griyego-at-romano-
sa-pag-unlad-ng-sibilisasyon-sa-daigdig/#:~:text=Malaki%20ang%20impluwensiya%20ng%20mga,noong
%20panahon%20ng%20Imperyong%20Romano https://tl.tristarhistory.org/legacy-rome
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Kagamitan: Laptop, PowerPoint presentation, TV, Mga papel at panulat, Video, Fact
Sheets, Mga larawan
E. PAMAMARAAN:
 Panimulang Gawain
 ✓ Panalangin
 ✓ Tseking ng Attendance
 ✓ Pagtatakda ng pamantayan bago ang aralin
Indicator 20: (Establishes safe and secure learning environments to enhance learning through the consistent implementation of policies,
guidelines, and procedures).

A. Panghandang Gawain
1. Balik-Aral
Tatanungin ang buong klase kung ano ang itinalakay noong nakaraang tagpo.
 Ano ang ibig sabihin ng Pax Romana?
 Ano-ano ang dalawang dinastiya na pinagmulan ng iba’t-ibang emperador
na sumunod kay Augustus?
 Sino-sino ang limang mahuhusay na emperador?

2. Pagganyak
Gawain 1: Picture Puzzle
Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng mga ginupit na larawan
at pagtatagpiin ito sa loob ng dalawang minuto. Pagkatapos ay ididikit ito kung saan ito
nabibilang batay sa kategorya na makikita sa pisara. Kung sinong pangkat ang unang
makatapos ang siyang panalo at makakatanggap ng reward.
 PANITIKAN

CICERO

 INHENYERIYA

AQUEDUCT

 BATAS LAW OF THE TWELVE TABLES


Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

 PANANAMIT Lalaki- TOGA AT TUNIC


Babae- STOLA AT PALLA

 ARKITEKTURA
COLESSEUM

Indicator 17: (Maintains supportive learning environments that nurture and inspire learners to participate, cooperate and collaborate in
continued learning).

Indicator 3: (Selects, develops organizes, and uses teaching and learning resources, including ICT, to address learning goals).

Indicator 15: (Manages classroom structure to engage learners, individually or in groups, in meaningful exploration, discovery and hands-
on activities within a range of physical learning environment).

Mga Katanungan:
 Ano-ano ang mga larawan na inyong nabuo?

B. Panlinang ng Gawain
1. Paglalahad

Ngayong araw, ang ating tatalakayin ay tungkol sa mga katangian ng Kabihasnang


Rome.

A. Pamantayan

Para sa ating aralin ngayong araw, kayo ay inaasahan na magpakita ng tatlong M. Ang
ibig sabihin ng tatlong M ay, Makining, Makilahok at Makibahagi sa lahat ng ating
mga gawain at aralin.

2. Pagtatalakay sa konsepto ng paksa

Sa pagsakop ng Rome sa mga lungsod-estado ng Greece, libo-libong Greek ang


tumungo sa Italy. Naimpluwensiyahan ng Greece ang kabihasnang nabuo sa Rome.
Gayunpaman, may sariling katangian ang kabihasnang Rome. Pangunahin na rito ang
kaalaman sa arkitektura, inhenyeriya, at sistema ng pamamahala at batas, panitikan at
ang kanilang pananamit.

Ngayon, upang matuklasan natin kung ano nga ba ang nakapaloob sa ibat’-ibang
katangian ng Kabihasnang Rome ay magkakaroon tayo ng isang activity.

ACTIVITY
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Gawain 2: Graphic Organizer

Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Ang bawat grupo ay gagawa ng isang “graphic
organizer” gamit ang format na ibinigay. Sa loob ng graphic organizer ay naglalaman ng
mga halimbawa ng mga pamana ng Rome sa iba’t ibang larangan. Bigyan ng kahulugan o
kagamitan nito ang bawat halimbawa na isinulat. Isulat ito sa manila paper. Gawin ang task
sa loob ng sampung (10) minuto. Pagkatapos ay pipili ng dalawang taga-ulat sa bawat grupo.
Ang bawat grupo na magprepresenta ay bibigyan ng puntos base sa ibinigay na rubrics ng
guro.

MGA KATANGIAN NG ROME

MGA HALIMBAWA

KAHULUGAN/KAGAMITAN

Group 1: BATAS

Group 2: PANITIKAN

Group 3: INHENYERIYA

Group 4: PANANAMIT

Group 5: ARKITEKTURA

Indicator 17: (Maintains supportive learning environments that nurture and inspire learners to participate, cooperate and collaborate in
continued learning).

Indicator 5: (Uses strategies for providing timely, accurate and constructive feedback to improve their learning performance).

Indicator 12: (Uses effective verbal and non-verbal classroom communication strategies to support learner understanding, participation,
engagement, and achievement)

RUBRIC
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

PAMANTAYAN INDIKASYON KAUKULANG PUNTOS

NILALAMAN Wasto ang nakalakip na 50%


detalye at impormasyon
batay sa ibinigay na paksa

PAGTATANGHAL Komprehensibo at 30%


malinaw na nagpahayag
ng mga taga-ulat ang
konsepto at mensahe

PAGSASAAYOS AT Malinis at maayos ang 20%


PAGKAKABUO kabuuang presentasyon

KABUUAN 100%

ANALYSIS

Sa puntong ito ay magbibigay ng mga katanungan ang guro tungkol sa kanilang ginawang
activity

Mga Katanungan:
1. Ano ang nakasaad or nakasulat at sa Twelve tables?
2. Bakit mahalaga ang Twelve tables para sa mga mamamayan ng Rome?
Indicator 6: (Applies a range of successful strategies that maintain learning environments that motivate learners to work productively by
assuming responsibility for their own learning).

Indicator 10: (Uses a range of teaching strategies that enhance learner achievement in literacy and numeracy skills).

Indicator 11: (Display proficient use of Mother Tongue, Filipino, and English to facilitate teaching and learning).

ABSTRACTION
Ang Kabihasnang Romano ay isa sa dinadakila at sinasandigan na naghatid ng maraming
impluwensiya lalo na sa larangan ng kultura na hanggang ngayon ay pinapahalagahan ng
kasalukuyang henerasyon.

IMPLUWENSIYA NG KABIHASNANG ROMANO SA LARANGAN NG KULTURA NG


PILIPINAS

 WIKA AT ALPABETO
Malaki ang impluwensiya ng mga Grieygo-Romano sa pag-unlad ng mga
sibilisasyon. Una sa lahat, nanggaling sa kanila ang unang pangkalahatang
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

wika na Latin na kung saan nagmula ang maraming salita natin ngayon. Pati ang alpabeto at paraan ng
pagsulat ay galing sa ginamit noong panahon ng Imperyong Romano.
Mga halimbawa ng mga hiram na salita
Matematika
Edukasyon
Silya
BAKIT KAILANGAN NATING MANGHIRAM?
a. Walang direktang translayon o salin sa Wikang Filipino
HALIMBAWA:
1. Kulang daw ako sa iron kaya ako namumutla.
2. Kulang daw ako sa bakal kaya ako namumutla.

b. Nagiiba ang kahulugan kapag isinalin o ini-translate sa Wikang Filipino.


1. Hindi siya kumakain ng hotdog.
2. Hindi siya kumakain ng mainit na aso.

 RELIHIYON
Kristianismo ang naging pinakamalaking impluwensiyang iniwan ng mga Romano. Ang
Roma ang tahanan ng Simbahang Katoliko at dahil sa pagkalat nito ay ngayon ito ang
tinaguriang pinakamalaking relihiyon sa buong mundo.

 PAMAHALAAN AT BATAS
Mga ideya sa Politika at Gobyerno ay nag-ugat mula sa mga Romano. Ang pagkakaroon ng
republika at ang mga bahagi nito ay nakatulong sa maraming sibilisasyon na masaayos ang
kani-kanilang komunidad. Katulad ng Pilipinas ay mayroong tatlong sangay ng pamahalaan
na katulad ng Roman Republic. Ang Executive Branch Ang (Pangulo) ay katulad ng mga
nahalal na konsul ng Roma. Ang Batasang Pambatas Ang (Kongreso) ay katulad ng mga
pagpupulong ng Roman (tulad ng Senado). Sa wakas, ang Hudisyal na Sangay ay katulad ng
mga Praetor ng Roma.
Ang "Twelve Tables" ay isa sa mahalagang impluwensya ng Romano sa buong mundo sapagkat dito
napapaloob ang mga alituntunin na sumasaklaw sa karapatang pantao. Napakahalaga ng mga
panuntunang ito sakasalukuyan sapagkat ginamit itong basehan ng maraming bansa sa mundo sa
pagbuo nila ng mga batas na may kinalaman sa karapatang pantao, kabilang na ang ating batas sa
Pilipinas.

 ARKITEKTURA AT INHENYERIYA
Mga imbensyon at arkitektura na galing sa mga Romano ay hanggang ngayon makikita sa mga gusali
at daan natin. Lahat ng ito ay nakapagbigay-daan sa pag-unlad at pagbuti ng buhay ng mga
sibilisasyon.

ARCH DOME

SUPREME COURT PANTHEON


Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Indicator 11: (Display proficient use of Mother Tongue, Filipino, and English to facilitate teaching and learning).

Indicator 1: (Applies a knowledge of content within and across curriculum content teaching areas).

Indicator 11: (Display proficient use of Mother Tongue, Filipino, and English to facilitate teaching and learning).

APPLICATION

 Mahalaga ba ang naging ambag ng kabihasnang Rome? Sa anong paraan ito naging
mahalaga sa atin?
 Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga ng
mga batas ng ating bansa?
Indicator 6: (Applies a range of successful strategies that maintain learning environments that motivate learners to work productively
by assuming responsibility for their own learning).

Indicator 11: (Display proficient use of Mother Tongue, Filipino, and English to facilitate teaching and learning).

IV. Pagtataya ng Aralin (Ebalwasyon)

Gawain 3: SAGUTAN MO!

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang sa quiz notebook.
1. Isang istraktura o inhenyeriya ng Rome na nagdadala ng tubig sa mga malalayong
distansya.
a. Arch
b. Dome
c. Aqueduct
d. Colesseum
2. Sino itong isang manunulat at orador na ayun sa kanya ang batas ay hindi dapat
maimpluwensyahan ng kapangyarihan o sirain ng pera kailanman?
a. Marcus Palutus
b. Cicero
c. Livius Andronicus
d. Lucretius
3. Sino ang nagsalin ng “Odyssey” sa Latin.
a. Marcus Palutus
b. Cicero
c. Livius Andronicus
d. Lucretius
4. Anong batas ang nakasaad ang mga karapatan ng mga mamamayan sa bansa ng
Rome?
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

a. Twelve Tables
b. Odyssey
c. Orador
d. Counsul
5. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng Arkitektura ng mga Roman, maliban sa
isa;
a. Ampitheater
b. Granary Building
c. Aqueduct
d. Taj Mahal
6. Ang tunic ay ang tawag sa kasuotang pambahay na hanggang tuhod sa mga lalaking
Roman, sa mga babae naman ay?
a. Palla
b. Stolla
c. Toga
d. Basilica
7. Ito ang tawag sa kasuotang panlalake na isinusuot sa ibabaw ng tunic kung sila ay
lumalabas ng bahay.
a. Palla
b. Stolla
c. Toga
d. Basilica
8. Ito ang daanan na nag-uugnay sa Rome at Italy.
a. Appian Way
b. Mediterranean Sea
c. Aqueduct
d. Sicily
9. Ito ang ginamit na basehan sa pagbuo ng mga batas sa Pilipinas at sa ibang bansa sa mundo.
a. Republic
b. Twelve tables
c. Pantheon
d. Supreme Court
10. Ito ang pinakamalaking impluwesiya na iniwan mga Romano sa ating bansa. Tinagurian itong
pinakamalaking relihiyon sa buong mundo.
a. Kristiyanismo
b. Hinduismo
c. Hudaismo
d. Islam
Indicator 4: (Designs, selects, organizes, and uses diagnostic, formative and summative assessment strategies consistent with curriculum
requirements).

Karagdagang Gawain/Takdang aralin:


Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Gawain 4: Postcard

Panuto: Pumili ng isang mahalagang kontribusyon ng mga Sinaunang Romano sa Kabihasnan


ng Rome. Lumikha ng postcard tungkol dito. Sundin ang format na ibinigay. Isulat sa short
bondpaper at gamitin ang pagkamalikhain sa paggawa.

FORMAT

HALIMBAWA
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

RUBRIC
PAMANTAYAN INDIKADOR KAUKULANG PUNTOS
Nilalaman Naipapakita at 40
naipapaliwanag ng
mahusay ang larawan ng
ipinakita at ang ugnayan
nito
Kaangkupan Angkop ang mga salita at 30
mensahe na ginamit sa
pagpapahayag ng
larawan na pinili
Pagkamalikhain Gumamit ng tamang 20
kombinasyon ng kulang
upang maging kaakit akit
ang buong output
Presentasyon at Kalinisan ng Malinis at maayos ang 10
Paggawa kabuuang presentasyon
KABUUAN 100

F. REMARKS/REFLECTION
A. Bilang ng mga
mag-aaral na
nakakuha ng
80% sa
pagtataya

B. Bilang ng mga
mag-aral na
nangangailangan
ng iba pang
Gawain para sa
remediation?
C. Nakatutulong ba
ang remedial?
bilang ng mga
mag-aaral na
nakauunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga
istratihiyang
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

pagtuturo ang
nakatutulong
nang lubos?
paano ito
nakatutulong?

F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
olusyunan sa
tulong ng aking
punong-guroat
superbisor?

G. Anong
kagamitang
panturo ang
aking nadibuho
na nais kong
ibahagi sa mga
kapwa ko.

Inihanda ni:
JERRAH MARIE M. CALAMBA
Student Teacher

Tagasuri:
SHEENA PEARL B. TINDOY
Cooperating Teacher

You might also like