2ndquarter AP8 Week1 PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

DETAILED LESSON PLAN

ARALING PANLIPUNAN Grade 8


School
PANIPUAN HIGH SCHOOL
Teaching Dates/ October 19-23, 2020
Week
(Week 1)
Teacher
Quarter Ikalawang Markahan

A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards):


Ang mag-aaral ay naipapamalas ang pagunawa sa kontribusyon ng mga
pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog
ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.
B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standards):
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga
at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at Transisyunal
na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa pamumuhay ng tao sa
kasalukuyan.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/ Most Essential Learning Competencies


MELC No. 7 - Nasusuri ang kabihasnang Minoan at Mycenean (AP8DKT-IIa-1)
Layunin (Objectives):

1. Natutukoy ang mga mahahalagang kaganapan sa kabihasnang Minoan


at Mycenaean.
2. Naihahambing ang katangiang taglay ng dalawang kabihasnan.
3. Napapahalagahan ang pagtuklas sa kasaysayan ng bawat lugar.

I. NILALAMAN (Content): - ANG DAIGDIG SA KLASIKAL AT TRANSISYUNAL


NA PANAHON:
(Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europe)

II. Kagamitang Panturo (Learning Resources)


A. Sanggunian (References)
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro (TGs): pp. 84-87
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral (LMs): pp. 120-157
3. Mga pahina sa Teksbuk (Other references):
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource:
Iba pang pinagkuhanang sources:
PEAC Learning Module pp. 12-27
https://www.youtube.com/watch?v=6bDrYTXQLu8

B. Iba pang Kagamitang Panturo: sagutang notebook, video, internet,


smartphone/laptop/tablet
I. PAMAMARAAN (Procedures):

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


(Subukin):

Sa Yunit na ito ay mauunawaan mo ang mga pangyayari sa Kasaysayan ng


Daigdig sa Klasikal at Transisyunal na Panahon. Inaaasahang sa pagtatapos ng
iyong paglalakbay panahong ito ay masasagot mo ang katanungang: Paano
nakaimpluwesiya ang mga kontribusyon ng Klasikal at Transiyunal na Panahon
sa paghubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig?

1
Bago ka magsimula sa pagbabasa ng araling ito, subukin mong sagutan ang
panimulang pagtataya upang masukat ang lawak ng kaalaman mo tungkol sa
aralin.

Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda


para sa iyo. Maaari mo nang simulan ang pagsagot.

Sasagutin mo ang Panimulang Pagtataya na nasa modyul ng mag-aaral pahina


121-129. Ilagay ang iyong kasagutan sa iyong kwaderno sa Araling Panlipunan.

Nahirapan ka ba sa pagsagot? Huwag mag-alala sapagkat ang iyong mga nabasa


sa panimulang pagsusulit ay iyong matutunghayan at matututunan sa mga susunod
pang pag-aaral.

Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa mga
pangunahing konsepto tungkol sa pag-usbong at pag-unlad ng mga Klasikal na
Lipunan sa Europe.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula)

Gawain 1. Ano ang Gusto Ko?


Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Isulat ang
iyong mga kasagutan sa iyong kwaderno.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang masasabi mo tungkol sa tipikal na anyo ng isang lungsod-estado noong


Panahong Klasikal? Ipaliwanag.

2. May pagkakatulad ba ang makikita sa larawan, sa karaniwang tagpo sa mga


lungsod sa kasalukuyang panahon? Patunayan.

2
Gawain 2. I-R-F CHART
Panuto:Basahing mabuti ang tanong. Pagkatapos ay isulat sa bahaging “initial”
ng diagram ang maiisip na sagot. Kopyahin at sagutin ang chart sa iyong
kwaderno.

Paano
nakaimpluwensya
ang kabihasnang
Minoan at
Mycenaea sa pag-
unlad ng daigdig?

Binabati kita! Tiyak nan ais mo pang mapalalim ang iyong kaalaman tungkol sa
mga kabihasnan noong Panahong Klasikal sa Europe. Sa pagsasagawa ng iba’t
ibang gawain sa modyul na ito, madaragdagan ang iyong dating kaalaman at
masasagot ang iyong mga tanong tungkol sa paksa.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Gawain 3. Mapa-Suri
Suriin ang mapa upang makita ang kaugnayan ng lokasyon ng Greece sa pag-
unlad ng kabihasnan nito.Isulat ang kasagutan sa iyong kwaderno.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


(Paglinang/ Alamin Mo/Paunlarin)

Sa bahaging ito, inaasahang matututuhan mo ang mga kabihasnang nabuo sa


Panahong Klasikal ng Europe, kabilang ang mahahalagang pangyayari sa bawat
kabihasnan at ang mahahalagang kontribusyon ng mga ito sa paghubog ng
pandaigdigang kamalayan. Simulan mo na ang paglalakbay tungo sa iyong
pagkatuto.
3
Gawain 4: Magbasa at Matuto
Bilang panimula, basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnang Minoan
at Mycenaean sa pahina 136-138 at suriin ang timeline na makikita sa ibaba nito.

Matapos suriin ang teksto at timeline ay panahon na upang kilalanin ang mga
Minoans at Mycenean. Basahin ang teksto sa pahina 139 at sagutin sa iyong
kwaderno ang mga gabay na tanong na makikita.

*Bago sagutin ang mga sumusunod na gawain ay balikan ang I-R-F Chart sa
gawain 2 at sagutin ang bahaging revised.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


(Paglinang/ Alamin Mo/Paunlarin)

Gawain 5: Daloy ng mga Pangyayari


Panuto: Batay sa binasang teksto, isulat ang limang mahahalagang pangyayari sa
kasaysayan ng sibilisasyong Minoan at Mycenean. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.

Minoan

Mycenaean

Pamprosesong Tanong
1. Batay sa mga tekstong binasa, ano ang katangian ng kabihasnang Minoan at
Mycenean?
2. Ano-ano ang mga nakita mong pagkakaiba at pagkakatulad ng kabihasnang
Minoan at Mycenean?
3. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng nabanggit na mga kabihasnan sa pag-
usbong ng kabihasnang Greek?

Gawain 6: Venn Diagram (Pahina 146)


Panuto: Matapos suriin ang mga kabihasnang Minoan at Mycenean ay
paghambingin ang uri ng pamahalaan, relihiyon, uri ng kabuhayan at kaalaman
sa kanilang kultura na nakaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga
ito na nalinang sa paglipas ng mahabang panahon, at dahilan ng pagbagsak ng
mga ito. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

Minoan Mycenaean

4
Ngayong may sapat ka nang kaalaman at pag-unawa tungkol sa
Kabihasnang Minoan at Mycenaean, maaari ka nang tumungo sa susunod
na bahagi ng modyul na ito upang mapalalim at mapalawak pa ang iyong
pag-unawa ukol sa paksang ito.

Maaari mo nang sagutan ang susunod na bahagi ng modyul na ito upang


mapalalim at mapalawak pa ang iyong pag-unawa tungkol sa paksa.

F. Paglinang sa Kabihasnan( Gawin Mo/ Pagyamanin)

Gawain 7: Talahanayan ng Kabihasnan


Panuto: Kumpletuhin ang talahanayan patungkol sa mga kabihasnang
Minoan at Mycenaean. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Gawin Mo/ Pagyamanin)


Gawain 9: Ang Pinagmulan Ko
Ang kabihasnang Minoan at Mycenaean ang siyang nagpasimula
kasaysayan ng Greece. Malaki ang papel na ginampanan ng mga ito sa
paglago kasaysayan ng bansa at maging ng buong daigdig. Sa pagkakataong
ito ay ikaw naman ang magsaliksik tungkol sa pinagmulan ng sarili mong lugar.
Gamit ang internet, mga aklat o pakikipanayam sa mga nakatatandang
kasama sa tahanan ay alamin mo ang simula ng probinsya ng Pampanga.
Magtala ng mga mahahalagang impormasyon at gumawa ng reaction paper
tungkol sa natuklasan sa kasaysayan ng ating lalawigan. Gawin ito sa iyong
kwaderno.

Gabay na tanong sa pagbuo ng reaction paper:


Bilang isang kabataang nakatira sa probinsya ng Pampanga, ano ang
naramdaman mo matapos malaman ang pinagmulan/ kasaysayan ng
lugar na iyong tinitirahan?

5
*Balikan ang I-R-F Chart sa gawain 2 at sagutin ang bahaging final.

H. Paglalahat ng Aralin (Tandaan Mo/ Pagyamanin at Isaisip)

Nalaman mo sa modyul na ito ang dalawang kabihasnang naging pundasyon


ng mahabang kasaysayan ng kabihasnang Greek. Ang Minoa at Mycenaea ay
mga lugar na may kakaibang katangian ngunit nagawang umunlad sa kanilang
mga panahon. Pareho mang nagwakas parehong kabihasnan ay nag-iwan
naman ang mga ito ng tatak sa kasaysayan na hanggang sa ngayon ay ating
pinahahalagahan.

I. Pagtataya ng Aralin (Natutuhan Ko/ Isagawa)

Binabati kita! Matagumpay mong nagawa ang lahat ng mga gawain.


Patunay ito na handa ka na sa maikling pagsusulit na iyong gagawin.

Isulat ang iyong kasagutan sa kwaderno sa AP.


A. Sagutin ang sumusunod sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga ginulong
salita.
1. Ang pulong pinagmulan ng kabihasnan ng Greece.
T E R E C = _____________

2. Pinaniniwalaang ang mga Mycenaean ang unang nakagawa ng mga ito


sa buong daigdig. Dito nila madalas isagawa ang mga labanan sa
boksing.
N A A R E = _____________

3. Ang kabihasnang hango sa paghahari ni Haring Minos.


N O M A I N = _____________
4. Pangkat ng mga taong tumalo sa mga Mycenaean.
A R O I N D = _____________

5. Pamayanang itinatag ng isang pangkat ng mga Mycenaean na


nagtungo sa timog ng Greece.
A N I O I = _____________

B. Pag-isipan at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Paano naimpluwensyahan ng heograpiya ang pag-unlad ng kabihasnan
sa pulo ng Crete?
2. Paano inilatag ng mga tao sa isla ng Aegean ang pundasyon ng
kabihasnang Griyego?
3. Paano umunlad ang mga Minoan?

J. Karagdagang Gawain at Remediation

Video Suri
Para sa mga may koneksiyon sa internet:
- Panoorin ang Ancient Greece 101 by National Geographic
https://video.nationalgeographic.com/video/101-videos/00000162-b662-
d72d-a9fa-b7f367360000
- Sumulat ng 5 kaalaman mula sa bidyo na napanood.
- Ilagay ang iyong mga kasagutan sa iyong kwaderno sa AP.

6
Para sa walang koneksiyon sa internet sagutin ang pahina
156 sa modyul ng mag-aaral Gawain 13: Greece….. Sa isang Tingin.
Ilagay ang iyong mga kasagutan sa kwaderno sa AP.

Mahusay! Binabati Kita! Natapos mo na ang mga gawain para sa


linggong ito.

You might also like