Komunikasyon at Pananaliksik
Komunikasyon at Pananaliksik
Komunikasyon at Pananaliksik
Kakayahang Diskorsal
Diskurso
- tawag sa paggamit ng wika bilang Paraan ng pagpaparating ng isang mensahe, ito man ay pagpapayahag pasulat man
o pasalita.
Saklaw ng Diskorsal ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na bumuo ng isang
makabuluhang teksto.
May dalawang bagay na isinasaalang-alang upang malinang ang kakayahang diskorsal ang cohesion- o
pagkakaisa at coherence- o pagkakaugnay-ugnay.
Tatlong Antas ng Komunikasyon
1.) Komunikasyong Intrapersonal – nagaganap ang komunikasyon sa isipan ng isang tao.
2.) Komunikasyong Interpersonal- pakikipagtalastasan sa ibang tao, maaaring sa pagitan ng dalawang tao o
maliit na grupo.
3.) Komunikasyong Pampubliko – saklaw nito ang komunikasyong pampolitika, panlipunang pamimili at
pagtitinda, pagpapatatag ng samahan at estratehikong pananaliksik.
Anim na Pamantayan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo(Canary at Cody 2000)
1.) Pakikibagay (Adaptability)- ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay may
kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-
ugnayan.
Makikita ang kakayahang ito sa sumusunod:
Pagsali sa iba’t ibang inter-aksiyong sosyal
Pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikipagsalamuha sa iba.
Kakayahang ipahayag ang kaalaman sa pamamagitan ng wika.
Kakayahang magpatawa habang nakikisalamuha sa iba.
2.) Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement)- may kakayahan ang isang taong
gamitin ang kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.
Makikita ito kung taglay ng isang komunikeytor ang sumusunod:
Kakayahang tumugon
Kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng iban tao.
Kakayahang making at magpokus sa kausap.
3.) Pamamahala sa Pag- uusap (Conversational Management)- tumutukoy ito sa
kakayahang isang taong pamahalaan ang pag uusap. Nakokontrol nito ang daloy ng usapan at
kung paanong ang paksa ay napapatuloy at naiiba.
4.) Pagkapukaw-damdamin (Empathy)- nagpapakita ng kakayahang mailagay ang
damdamin sa katauhan ng ibang tao at pag iisip ng posibleng mangyari o maranasan kung
ikaw ay nasa kalagayan ng isang tao o samahan.
5.) Bisa (Effectiveness) – tumutukoy sa isa dalawang mahahalagang pamantayan upang mataya ang
kakayahang pangkomunikatibo- ang pagtitiyak kung epektibo ang pakikipag – usap. Ang taong
may kakayahang pangkomunikatibo ay may kakayahang mag- isip kung ang kanyang
pakikipag-usap ay epektibo at nauunawaan.
6.) Kaangkupan (Appropriateness) – kaangkupan ng paggamit ng isang wika. Kung ang
isang tao ay may kakayahang pangkomunikatibo, naiangkop niya ang kanyang wika sa
sitwasyon, sa lugar na pinangyarihan ng pag- uusap o sa taong kausap.
Kakayahang Pragmatiko/Pragmatik
- natutukoy ang kahulugan ng mensaheng sinasabi at di sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap.
Proseso ng Komunikasyon
May limang elemento proseso ang mabisang komunikasyon. Ang mga bahaging ito ay maaaring ipahayag sa mga
sumusunod.
Ingay
Pidbak Receiver
Tugon Tumatanggap