Fil11 Q1 M8 Komunikasyon

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Filipino 11

Unang Markahan – Modyul 8: MGA TUNGKULIN NG WIKA


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Eva J. Ompoc, Ed.D.
Editor: Jennie Rose S. Evangelista
Tagasuri: Jose Antonio D. Magtibay at Eunice H. Mariposque
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 11
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto

Mga Tungkulin ng Wika


Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino- Baitang 11 ng Modyul para sa araling Mga Tungkulin ng Wika!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Filipino- Baitang 11 ng Modyul para sa araling Mga Tungkulin ng Wika!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay


dapat nang:
A. nakapagbibigay ng mga kahulugan ng mga komunikatibong gamit
ng wika sa lipunan;
B. nakapagpapaliwanag nang pasalita o pasulat na gamit ang wika sa
lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa; at
C. napapahalagahan ang mga gamit ng wika sa pakikipag-usap sa tao
sa iba’t ibang sitwasyon.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga letra na angkop na sagot sa
mga sumusunod na larawan sa bawat bilang.

A. Pagtugon sa pangangailangan
B. Pagkontrol sa kilos at gawi ng tao
C. Pakikipag-ugnayan sa kapwa tao
D. Pagpapahayag ng damdamin
E. Paghahanap ng kasagutan sa mga tanong
F. Pagbibigay ng imopormasyon

1._ 2._

https://doi.org/10.17487/rfc8484.
https://www.fool.com/investing
http://clipart-library.com/teachers-cliparts.html
3._ 4._

“Https://Www.slideshare.net/Mariejajaroa/Liham-Pangangalakal-58514097,” n.d.
Https://Www.google.com/Search?q=Laughing+Hysterically+Mila+Kunis

5._ 6._

“Https://Www.reddit.com/r/ScarySigns/Comments/79hq68/translated_from_filipino_do_not_cross_people_have/,” n.d.
“Https://Www.pna.gov.ph/Articles/1095639,” n.d.

7. _ 8. _

“Https://Www.wisegeek.com/What-Is-a-Study-Guide.htmhelpguide.org/Articles/Mental-Health/Laughter-Is-the-Best-,” n.d.
“Https//Www.wisegeek.com/What-Is-a-Study-,” n.d.

9._ 10._

“Https://Twitter.com/Abscbnnews/Status/659489874240671744: “Https://Images.wisegeek.com/Two-Men-and-Two-Women-at-a-
Chalkboard.jpg
BALIK-ARAL

Halimbawa ay ipinadala sa iyong social networking account ang


sumusunod na mensahe tungkol sa konseptong pangwika. Suriin ito sa
pamamagitan ng pag-unawa kung:

Nagpapahayag ng damdamin

Nagbibigay ng reaksyon

Nagbibigay ng karagdagang impormasyon

_______1.Sa pagpapakahulugan ng mga salita o pahayag na ginagamit sa


ano mang social networking site ay kailangang ipaliwanag upang
malaman ang ibig sabihin nito.
_______2.Talagang malaki ang pag-unlad ng teknolohiya sa buong mundo
maging sa ating bansa.
_______3.Palagay ko, dapat lang na may wikang pambansa ang isang bansa
tulad ng Pilipinas!
_______4.DepEd Order No. 74, s.2009 ang nag- iinstitutionalize ng MTB-MLE
na ipinatutupad na ngayon sa ating bansa.
_______5.Ang paglaganap ng internet, paglabas ng iba’t ibang social media
network katulad ng Instagram, at iba pang google app ay nagdulot
ng hindi mabuti sa mga kabataan.
_______6.Nakalilito, paiba-iba ang wikang panturo, gumising ang
kinauukulan, “Hoy Gising!”
_______7.Ayon sa pag-aaral, mas matututo ang bata kapag ginagamit ang
kanyang katutubong wika. Korek ito!
_______8.Nakalulungkot isipin, ngunit talagang nararapat na patawan ng
parusa ang mga nangungupya ng facebook account ng ibang tao.
_______9.Dapat mahusay ang mga magtuturo ng wikang pambansa upang
mapalaganap pa ito.
_______10.Maraming indibidwal sa ngayon ang gumagamit ng mga social
media sites upang magpahayag ng kanilang naiisip,
nararamdaman at maging opinyon at karanasan.
ARALIN

Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng


pag-uugali, ideya, saloobin at namumuhay sa tiyak na teritoryo at
itinuturing ang mga sarili bilang isang yunit.
Ang wika, maging ito ay pasalita man o pasulat, ito ang instrumentong
ginagamit ng mga tao sa loob ng lipunan upang makipag-ugnayan sa isa't
isa, ngunit ano nga ba ang mga Tungkulin ng Wika sa lipunan?
Ayon sa Explorations in the Functions of Language ni M.A.K. Halliday
(1973), binigyang diin niya ang pagkakategorya sa wika batay sa mga
tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay.

Mga Tungkulin ng Wika

1. Instrumental - ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa


pangangailangan. Nagagamit ang tungkuling ito sa pakikiusap o pag- uutos,
pagmumungkahi at panghihikayat. Ang paggawa mga liham –pangangalakal
ay isang mahusay na halimbawa ng pamamaraan upang matugunan ang
iba’t ibang pangangailangan ng isang tao – pisikal, emosyonal o sosyal na
pangangailangan. Ang halimbawa nito ay kung kailangan mo ng trabaho,
kailangan mong gumawa ng application letter, bukod sa iba pang
requirements.

2. Regulatoryo - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol at


paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. Sa madaling sabi, ito ay pagsasabi
kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. Pinakamahusay na halimbawa
nito ang pagbibigay ng direksyon, paalala at babala. Ang mga panuto sa
pagsusulit at mga nakapaskil na do’s and don’ts kung saan-saan ay nasa
ilalim ng tungkuling ito.

3. Interaksyunal - ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa


pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa tao. Di nga
kasi, ang tao ay nilikhang panlipunan. Sa pasalitang paraan,
pinakamahusay na halimbawa nito ang mga pormularyong panlipunan
(Magandang umaga, Maligayang kaarawan, Hi/Hello at iba pa),
pangungumusta at pagpapalitan ng biro. Sa pasulat na paraan,
pinakamahusay na halimbawa nito ang pagsulat ng liham pangkaibigan.
Ang pakikipag chat sa mga kaibigang nasa malayong lugar o sa isang
bagong kakilala ay maihahanay rin sa ilalim ng tungkuling ito.
4. Personal - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng
sariling damdamin o opinyon. Sa mga talakayang pormal o di pormal ay
gamit ang tungkuling ito. Ang mga halimbawa nito ay ang paghanga,
pagkayamot, pagmamahal, pagrerekomenda sa pamamagitan ng maingat na
pagpili ng mga salita at gayundin ang pagkatuwa, pagkagalit, kasiyahan at
pagmumura.

5. Heuristiko - ang tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap,


pagkuha o paghingi ng impormasyon upang makapagtamo ng iba’t ibang
kaalaman sa mundo o may kinalaman sa paksang pinag-aaralan.
Kabaligtaran nito ang tungkuling Impormatibo na ginagamit sa pagbibigay
ng impormasyon. Samakatuwid, ang pagtatanong ay heuristiko at ang
pagsagot sa tanong ay impormatibo. Ang mga halimbawa nito ay
pagsasarbey, pakikipanayam at pananaliksik. Ang iba pang halimbawa sa
Heuristiko ay ang pag-e-eksperimento, pangangatuwiran, pagsang-ayon, di
pagsang-ayon at pagbibigay ng konklusyon.

6. Impormatibo - pagbibigay ng impormasyon o datos sa pamamaraang


pasalita o pasulat. Ito ay pagsagot sa mga katanungang nais mabigyan ng
kasagutan. Ang mga halimbawa nito ay pagsagot sa survey sheets pag-
uulat, pagtuturo, pagpapasa ng ulat at pagsulat ng pamanahong papel.

MGA PAGSASANAY

A. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang isinasaad ng pahayag ay


katotohanan at MALI kung hindi.

___1.Ang Heuristikong tungkulin ng wika ay kabaligtaran ng tungkuling


Regulatoryo.
___2.Kung kailangan mo ng trabaho, dapat kang gumawa ng application
letter at maghanda ng iba pang requirements. Ang pahayag ay nasa
tungkuling Interaksyunal.
___3.Ang Personal na tungkulin ng wika ay ginagamit sa pagpapahayag ng
sariling damdamin o opinyon.
___4.Ang Interaksyunal na tungkulin ay ginagamit sa pagtugon sa mga
pangangailangan.
___5.Ang pagbibigay ng direksyon, paalala o babala ay nasa Regulatoryong
tungkulin.
___6. Ang pagsulat ng liham sa patnugot at ng mga kolum o komentaryo ay
mga halimbawa ng pasulat na anyo ay nasa tungkuling Instrumental.
___7. Ang pagsasarbey, pakikipanayam at pananaliksik ay halimbawang
Heuristikong tungkulin ng wika.
___8. Kapag ginagamit ang wika sa pag-aaral at pagtuklas upang
makapagtamo ng kaalaman ukol sa kapaligiran ito ay Impormatibong
tungkulin ng wika.
___9. Ang Instrumental na tungkulin ng wika ay may kakayahang
makaimpluwensiya at magkontrol sa pag-uugali o asal ng iba.
___10. Ang Interaksyunal na tungkulin ng wika ay nagpapatatag ng
relasyong sosyal sa kapwa tao.

B. Basahin ang mga halimbawa at isulat sa tapat nito ang Tungkulin ng


Wika na naaangkop dito.
1. resipe-_____________
2. debate-_____________
3. patalastas-_____________
4. pananaliksik-_____________
5. pamanahong papel-__________
6. liham pangkaibigan-__________
7. pagpapalitan ng biro-__________
8. liham pangangalakal-__________
9. pagsusuri ng pelikula-__________
10. pagbibigay ng panuto o direksyon-__________

C. Tukuyin kung sa anong Tungkulin ng Wika naangkop ang mga


sitwasyon. Isulat ang letra ng iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

a.Personal d.Impormatibo
b.Heuristiko e.Instrumental
c.Regulatoryo f.Interaksyunal

__1.Nagbabala ang DOH sa lumalaganap na sakit na COVID19 sa bansa.


__2.Bumati ng “Magandang- araw” ang mga mag-aaral ng makita ang
kanilang guro.
__3.May isang ale na lumapit sa iyo at nagtanong kung saan ang direksyon
papunta sa munisipyo ng Lungsod ng Pasig.
__4.Nagpadala ng mensahe si Leni sa kanyang magulang sa pamamagitan
ng Facebook messenger.
__5.Pinipili ni Francis ang kaniyang mga salitang sasabihin lalo na kung
siya ay galit.
__6.Nanghihingi ng paliwanag ang guro sa mga mag-aaral na laging
lumiliban sa klase.
__7.Nagtatanong ang mga tao kung kailan na magkakaroon ng bakuna
laban sa COVID19?
__8.Ang mga mag-aaral na magkakaibigan ay laging nagbibiruan sa
kanilang group chat.
__9.Nagbigay ng paalala ang guro sa mga mag-aaral kung paano nila
sasagutan ang mga gawain sa modyul.
__10.Hindi sumasang-ayon si Bishop Bacani sa usaping diborsyo sa ating
bansa.

PAGLALAHAT

Sa bahaging ito ibubuod ninyo ang mga mahahalagang konseptong


inyong naunawaan at dapat bigyang halaga. Kaya sa tulong ng Concept
Map, punan ang mga patlang sa pangungusap na nasa loob ng kahon.

Ang Instrumental Ang Regulatoryo ay


ay ginagamit sa ginagamit sa
__________ sa __________ sa gawi
pangangailangan. o asal ng tao.

Mga
Ang Interaksyunal Tungkulin Ang Heuristiko ay
ay ginagamit sa ng Wika ginagamit sa
pagpapatatag ng __________ ng mga
________________. impormasyon o
datos.

Ang Personal ay Ang Impormatibo ay


ginagamit sa ginagamit sa
pagpapahayag ng __________ sa mga sa
sariling __________o katanungang nais
opinyon. mabigyan ng
kasagutan.
impormasyon
PAGPAPAHALAGA

Batay sa iyong nabatid sa araw na ito, anong tungkuling wika ang


madalas mong gamitin sa inyong tahanan at sa paaralan? Paano ka
nakikipag-usap sa kanila sa iba’t ibang sitwasyon?

Sa Guro: _______________________________________________
Sa kamag-aral at kaibigan: _____________________________
Sa magulang: ___________________________________________
Sa mga kapatid: _________________________________________
Iba pang kasama sa bahay: ______________________________

Ayon nga kay Nelson Mandela, “If you talk to a man in a language he
understand,that goes to his head. If you talk to him in his language,that goes
to his heart.”
Para sa akin ang ibig sabihin nito ay kung makipag-usap ka sa ating
kapwa- tao ay nararapat lamang na panatilihin ang pagiging magalang sa
kanila maging ano man ang estado nila sa buhay sa lahat ng oras, upang
tumimo sa kanilang puso ang iyong ibig iparating na mensahe, upang sa
gayon ay magkaunawaan kayo at iyon ang magiging daan para maging
mabuti ang pakikitungo nila sa iyo.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot a bawat bilang.

1.Huwag magpo-post ng hindi totoong balita lalong-lalo na ngayong tayo ay


nasa krisis ng pandemyang COVID19.
A.Heuristiko C. Impormatibo
B.Regulatoryo D. Instrumental

2. Maaari ka bang magboluntaryo sa pamimigay ng kaunting ayuda sa mga


kababayan nating mahirap?
A. Personal C. Interaksyunal
B.Regulatoryo D. Instrumental
3. Talagang nakakagalit ang mga taong hindi marunong sumunod sa
itinatagubilin ng Kagawaran ng Kalusugan na magkaroon ng social
physical distancing ang bawat-tao para hindi magkahawahan ng sakit.
A.Personal C. Interaksyunal
B.Regulatoryo D. Impormatibo
4. Bakit kaya hanggang sa kasalukyan ay wala pang natutuklasang bakuna
para sa pandemyang COVID19?
A.Personal C. Interaksyunal
B.Regulatoryo D. Heuristiko

5. Ito ay tungkulin ng wika na kung saan ay nakapagpahayag ng sariling


damdamin o opinyon ang bawat-tao.
A.Heuristiko C. Interaksyunal
B.Regulatoryo D. Personal

6. Ang tungkulin ng wika na tumutugon sa mga pangangailangan ng tao


gaya ng pakikipag-ugnayan.
A.Personal C. Instrumental
B.Heuristiko D. Regulatoryo

7. Pagkuha o paghahanap ng mga impormasyon na may kinalaman sa


paksang pinag-aaralan.
A.Heuristiko C. Instrumental
B.Impormatibo D. Interaksyunal

8. Ito ay tungkulin ng wika na kung saan ay tinutukoy ang mga halimbawa


na pagsagot sa survey sheets pag-uulat, pagtuturo, pagpapasa ng ulat at
pagsulat ng pamanahong papel.
A.Personal C. Impormatibo
B.Heuristiko D. Instrumental

9. Ano ang tungkulin ng wika na nakapagpapatuloy sa epektibong


pakikipag-ugnayan kahit paiba-iba ang tono, ekspresyon at intonasyon
na nakapagbibigay interes sa pakikipag-usap?
A.Personal C. Impormatibo
B.Regulatoryo D. Interaksyunal

10. Sa anong tungkulin ng wika nakapaloob ang mga panuto sa


pagsusulit at mga nakapaskil na do’s and don’ts kung saan-saan?
A.Regulatoryo C. Impormatibo
B.Impormatibo D. Interaksyunal
C. PAUNANG PAGSUBOK:
1. C 1. F 6. F
2. F 2. C 7. C
3. C 3. A 8. E
4. F 4. D 9. B
5. A 5. B 10.F
6. D
7. B BALIK- ARAL:
8. F
9. C 1. 6.
10. B 2. 7.
PAGLALAHAT 3. 8.
Instumental- pagtugon sa 4. 9.
pangangailangan
5. 10.
Interaksyunal- pagpapatatag ng
relasyong sosyal A.
Personal- pagpapahayag ng 1. Mali 6. Mali
sariling damdamin o opinyon
2. Mali 7. Tama
Regulatoryo- pagkontrol sa gawi
o asal ng tao 3. Tama 8. Mali
Heuristiko- paghahanap ng mga 4. Mali 9. Mali
impormasyon o datos 5. Tama 10. Tama
Impormatibo- pagsagot sa mga
B.
katanungang nais mabigyan ng
kasagutan 1. Regulatoryo
2. Personal
3. Instrumental
PANAPOS NA PAGSUSULIT
4. Heuristiko
1. B 6. C 5. Impormatibo
2. C 7. A 6. Interaksyunal
3. A 8. C 7. Interaksyunal
4. D 9. D 8. Instrumental
5. D 10. A 9. Personal
10. Regulatoryo
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Aklat
Bernales, Rolando, Atienza, Glecy C. Gonzales, Emmanuel S. Akademikong
Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon, 105 Engineering Road,
Araneta University Village, Potrero Malabon City, MUTYA Publishing
House, Inc. 2011

Cantillo, Ma. Luisa M., Gime, Arjohn V., Gonzales Alexander P. SIKHAY
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Para sa
Ika -11 Baitang, 1373 E. Rodriguez sr. Avenue , Kristong Hari 1112 ,
Quezon City, 2016

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino, Gregorio Araneta Avenue, Quezon City ,Vibal Group, Inc.,
2016.

Taylan, Dolores R., Petras, Jayson D., Geronimo, Jonathan V.


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, 856
Nicanor Reyes St. Sampaloc Manila, Rex Book Store, Inc. 2016

Elektroniko

“Collection of Teachers Cliparts (45).” Free Teachers Cliparts, Download Free


Clip Art, Free Clip Art on Clipart Library, n.d. http://clipart-
library.com/teachers-cliparts.html.

Motley Fool Staff | Jun 29, Robert Izquierdo | Jun 29, Harsh Chauhan |
Jun 29, Will Healy | Jun 29, Eric Volkman | Jun 30, James Brumley
| Jun 29, Alison Southwick and Robert Brokamp, et al. “Motley Fool
News & Analysis.” The Motley Fool, n.d.
https://www.fool.com/investing.

Hoffman, P., and P. Mcmanus. “DNS Queries over HTTPS (DoH),” 2018.
https://doi.org/10.17487/rfc8484.

“Https://Www.helpguide.org/Articles/Mental-Health/Laughter-Is-the-Best-
Medicine.htm://Www.pna.gov.ph/Articles/1095639,” n.d.

“Https://Www.wisegeek.com/What-Is-a-Study-
Guide.htmhelpguide.org/Articles/Mental-Health/Laughter-Is-the-
Best-,” n.d.
“Https://Twitter.com/Abscbnnews/Status/659489874240671744://Www.
wisegeek.com/What-Is-a-Study-
Guide.htmhelpguide.org/Articles/Mental-Health/Laughter-Is-the-
Best-Medicine.htm://Www.pna.gov.ph/Articles/1095639,” n.d.

“Https://Images.wisegeek.com/Two-Men-and-Two-Women-at-a-
Chalkboard.jpg://Twitter.com/Abscbnnews/Status/65948987424067
1744://Www.wisegeek.com/What-Is-a-Study-,” n.d.

“Https://Www.pna.gov.ph/Articles/1095639,” n.d.

“Https://Www.reddit.com/r/ScarySigns/Comments/79hq68/translated_fro
m_filipino_do_not_cross_people_have/,” n.d.

“Https://Www.slideshare.net/Mariejajaroa/Liham-Pangangalakal-
58514097,” n.d.

“Https://Www.google.com/Search?q=Laughing+Hysterically+Mila+Kunis&S
xsrf=ALeKk00u6GB2P5fCk_9gYbKXrJ_kC4pp0g:1593512880895&Sou
rce=Lnms&Tbm=Isch&Sa=X&Ved=2ahUKEwjNu9eJqqnqAhUXFogKH
W4CDKQQ_AUoAXoECAwQAw&Biw=1440&Bih=789#Imgrc=_JjTjBpii
AK8dM,” n.d.

You might also like